Don't wanna be here? Send us removal request.
Video
tumblr
Barangay Community Walk
Barangay Townsite Map
Barangay Hall
Barangay Councilor Jhun Fransisco
Hazardous place
NSTP
Ang aming barangay sa Cabcaben Mariveles Bataan na matatagpuan sa townsite. Dito den malapit nag simula ang death march. Ang aming barangay ay ay palaging nag sasagawa ng pag titipon upang ma isagawa ang plano ng mabuti. Nasabi den ng barangay konsehal namin na meron kaming mga kagamitan sa bawat sakuna na tumatama sa aming barangay. Meroon den silang malaking mapa sa loob ng kanilang barangay barangay upang malaman nila kung saan ang mga lugar na kelangan nilang tulungan o gawin maayos ang kapaligiran. base saaking na silayan at natuklasan habang gumagawa ng vommunity walk video, ang tabing dagat namin ay namumuno ng maraming basura sa kadahilanan ng kulang sa tamang tapunan ng basura sa aming barangay. Umikot ako sa aming barangay upang mag hanap ng mga tamang lagayan ng mga basurahan ngunit wala akong nakita kahit isa. May iilan na mga naka sako lamang at nakakalat malapit sa kanal na pwedeng maging sanhi ng mga pagpupugad ng mga lamok at mag kasakit ang mga tao dahil sa sanhi nito.
base sa aming konsehal na si Jhun Fransisco, ang pinaka matinding kalamidad na tumama sa amin ay ang matinding pag baha. isang beses lamang daw nangyare ang kalamidad sa aming barangay na pag baha. Maraming taong na apektuhan lalong lalo na sa tulay. halos abot leeg ang baha. Ang mga iba pang panganib na nakaka apekto sa amin ay ang mga basura, at sa mga aso na pakalat kalat at pag naka kagat ang aso ay walang aamin na sakanila ang aso. Ang mga basura naman daw ay pinapatupad nila na mag karon ng pag kakahiwalay ng nabubulok sa hindi na bubulok sa kanikanilang mga tahanan. Meron den na pinapatupad na "Anti- Smoking" ang aming barangay kasi eto daw ay talagang pinag babawal. At isa pang problema ay ang (SBT) o ang tinatawag na samahang batang townsite o tinatawag na batang hamog. ang pinaka matinding lugar na pwedeng ma pinsala ay yung sa tinatawag namin isla. dahil marami paden tumitira sa ilalim ng tulay kahit ito ay mahigpit na ipinag babawal.
ang pangatlo naman na problema ay yung lugar na maligaya, dahil dito nag karoon ng landslide dahil sa tindi ng ulan. pero sa ngayon ay wala naman daw. Ang mga suliranin o problema na humahadlang sa pag-unlad ng aming barangay ay ang mga tao na walang respeto. Na sa simpleng basura ay kung san san na lamang tinatapon. Ngunit may pag babago naman daw ang mga tao na hindi tulad ng una na walang respeto. Ang aming barangay ang nag kalat ng CCTV.
Ang pinaka ligtas na puntahan ay ang evacuation center sa elementary school o sabarangay, nag provide na ang barangya namin ng mga salbabida at mga kagamitan na pang first aid.
Ang maari pa nilang gawin ay mag sagawa ay makipag tulungan sa mga tao sa aming barangay upang ma pa unlad ang aming barangay dahil minsan ay sila den ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming pamayanan. At para naman sa mga sakunang pwedeng dumating sa amin, maari nilang gawin ay mag dagdag ng kagamitan upang may magamit sa mga sakunang pwedeng dumating sa aming barangay.
2 notes
·
View notes