verumbellator
Verum Bellator
145 posts
Neil Nicolas. 24. Nagpupursigi para sa MA. AB Int'l Studies graduate. Idealistic na may pagka-Realistic. | Sobrang random na tao.
Don't wanna be here? Send us removal request.
verumbellator · 11 years ago
Text
Random Thoughts.
Welcome back to Tumblr.
Ito yung una kong naisip after what had happened. It may be very awkward to share feelings here, pero so what, this is my space.
Matagal-tagal na rin ako hindi nagboblog. Well, I guess yun ang purpose ng tumblr para sakin.
Ano bang nararamdaman ko?
Umandar na naman kasi ang pagiging idealistic ko. Alam kong mali. Pero I am still optimisitic na itong reality na nangyayari ay magiging ideal. 
People come and go. Naniniwala na ako dito. 'Pag may nakilala ka, hindi mo sure kung hanggang kailan mo kilala. It will be a matter of chances. Yung tipong gugustuhin mo gawin ang lahat pero hindi mo kaya. Alam kong kaya ko, pero hindi maipipilit ang hindi talaga kaya. 
Ang gulo ko. 
Sobrang gulo.
Gusto kong ipagpatuloy. Wala akong aayawan.
Alam ko naman na walang permanente sa mundong ito kundi ang pagbabago. 
Accepting the present and enjoying it will make the journey worthwhile. 
If given the chance na makita ang future, gusto ko makita kung paano ako lalaban at hindi kailanman susuko.
This will be the greatest challenge for me.
Hanggang kailan ako lalaban at hanggang saan ang kaya kong ilaban.
Well. Welcome back Neil dito sa Tumblr na diary ko.
*Sana 'di nila mabasa. -.-  ASA.
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Matagal tagal din simula nung huli akong nagpost dito sa Tumblr ko.
Busy? Walang magamit na computer? Tamad?
Ilang mga dahilan.
Pero ngayon mas marami na akong dahilan para magpost dito sa Tumblr ko.
Posts ng kaemohan.
Posts ng katuwaan. 
Posts ng kasawian.
Posts ng kung anu-ano.
I'll be starting in a while =)
WELCOME TO MY LIFE!
Lakas maka-Prologue nito. 
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
"Don’t list the qualities of the perfect girl, because when she comes along, she won’t fit all the criteria. She’ll have imperfections, but she’ll be perfect for you."
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
With A Smile ...  ♥
"Lift your head, baby don't be scared... Of the things that could go wrong along the way... You'll get by with a smile ☺, You can't win at everything but you can TRY.. 
Yung smile. Yung bungisngis. Yung tawa. Yung hagalpak. Yung ngiti. Yung smile ulit.
Ewan ko bakit ito tumatakbo sa isip ko ngayon. Basta ang alam ko, masaya ako.
Masaya ako kasi isang magandang taon na naman ang dumaan. 
Mabilis...
Parang kidlat...
Parang yung pagdaan ng isang meteor sa kalangitan...
3 sems ang dumaan sa college life ko.. Dinugo ako. >:D Pero masaya. Nakakaproud.
2K12, malapit ka nang lumisan. Salamat! Marami akong natutunan sa'yo. Marami kang babauning masasayang alaala. 2013 na. Oh, ano sabi ngayon ng mga nanghuhula na magugunaw na ang mundo?
MAS MALAKAS, *mali pala*, PINAKAMALAKAS na SUPER DUPER MEGASUPER TO THE HIGHEST LEVEL ang LAKAS ng kakampi namin, kasi Siya lang may alam kung kailan ang takdang-panahon, syempre, si God. 
Ano man ang relihiyon, ano man ang paniniwala. Alam ko isa lang ang Diyos. Siya ang nagtatakda sa lahat ng bagay. Nasa sa atin na kung paano natin ito gagamitin.
Gusto ko lang mag-blog para makapag-mention. 'Di na kasi yung pahabaan ng GM na may mentions ngayon.
JEJE na kasi tignan nung iba. >:D Yung tipong may signature pa sa dulo na
~_~ n3!L'17@(~_~) 
HAHAH. Kaya dadaanin ko na lang sa Tumblr post ang aking 2012 MEMORIES. >:D
JANUARY-MARCH. Boooo! 'Di ko na maalala. XD HAHAH! Basta alam ko, first year pa ko nito. Wait.... Loading... Buffering...  AHHHH! Yung THESIS namin na successful :))))) Dito pala naganap yun. WELL.. HAHAH :""> Nakakamiss yung paggawa nun, kahit devastating MINSAN yung feeling HAHAHAHAH! >:D
BAKASYON 2012.  Sorry... Memory Gap talaga XDD BASTA ALAM ko masaya ako bago ko pumasok ng 2nd year :DD
JUNE-OCTOBER 2012 (2nd Year- 1st Semester). Maraming nangyari. Sobra. This is the IS3A Memories. Isa-isahin natin. Ang Pagsisimula ng Bagong Yugto ng Aking Buhay, SOPHOMORE na ko! -- Hayiip sa title. Marami akong baong memories ng IS3A. Ambilis talaga ng panahon, nung mga unang blog ko, 1st year pa lang ako, ngayon second year. Tapos 3rd year na next year. Tapos 4th year na, graduating na... Haaaay. ang buhay... Parang life :""> Mabilis talaga tong crazy little thing called life. Kailangan sumabay sa agos para hindi maiwanan. Walang panahon para sa pagtigil. Walang lugar para maging mahina. Walang oras para magmukmok. Kailangan gawin ang lahat, hindi lang ang lahat, kundi ang da BEST sa lahat ng bagay. *Tama na tong intro na ito. Lezz start.
Mr and Ms IS 2012. Bakit ko ito sinama? Simple lang. Nabuhay kasi ang pagiging competitive ko dito. HAHAHAH! :D May mga kaklase kaming sumali sa pageant na ito, TAKE NOTE. They both won the title. Kaya todo bunyi ang mga Sophomores! :D Wooo! PARTY PARTY!
Mr and Ms CAS 2012. Syempre next round ng competitiveness. HAHAH. First time ko umuwi ng around 11PM mula sa UE -_- Nasaraduhan na ako ng LRT. HAHAHA! Pero, worth it. Hindi man nakuha nila Joven (Mr. CAS 1st Runner Up) and Katrina (Ms. CAS 4th Runner Up) ang title, sorry, pero wagi pa rin sila para sa amin. Super fun talaga ng bongga tong sunud-sunod na events na toh. Swear.
IS3A's Sojourn. First Tour Experience sa UE. Pumunta yung Tourism Class namin sa SUBIC! Napakapakapakapakasaaaya! :D HAHAHA! Hindi lang masaya, intense pa. Andaming nangyari na kapag sinama ko lahat dito ay baka kulang ang 1 araw para basahin mo! :D
NOVEMBER- DECEMBER 2012. Noong November, nagsimula ang 2nd Semester ko as a Sophomore student. Dumating si ESPI sa buhay namin. Haha. Hindi naman nagbago ang aking mga kaklase, sila pa rin, alive and still kicking. Nadagdagan lang ng +1 ang IS3A, naging IS(3+1)A= IS4A. XD 
AT ISA PA PALA nasuperkinaHAPPY ng aking 2012. NAKITA KO SA PERSONAL YUNG IDOL KO! MARCELO SANTOS III! Kung nababasa mo man to, Kuya Em, Salamat sa pagpirma dun sa libro! BAET MO! ISA KANG DAKILANG MANUNULAT! Hayiip sa description! Happy New Year! God bless!  
November din nung nag-18 ako. Shet. pwede na ko makulong. XD HAHAH! Matanda na ko. HAHAHAHAH! Pero hindi ko pa rin feel.
As of now, masaya itong 2nd sem ko. Kakatapos lang ng Prelims and i Love it. HAHAHAH! >:D HAPPY NEW YEAR NA!! Let's WELCOME 2013, WITH A SMILE :""> 
TIME FOR MENTIONS:
To my ever JEJE BFFs :) (MarLanNeLe, PaBiiTiin*pastora yung Tiin XD, and ephoÜr) -- Jejebffs, i love you all. Tuluy-tuloy lang ang pagsuong natin sa buhay natin sa kolehiyo. Ang mga plano natin hah. Ingatan niyo sarili niyo. Alam ko hindi tayo madalas magkita pero nandito kayo oh --->>  ♥ . Forever na kayong nandito. Sinulat ko na rin sa isang papel, tinaga ko sa mga bato, inukit ko sa mga puno at isinulat ko na sa mga ulap, para kung magka-Amnesia man ako, hindi kaya mawawala sa aking isip at puso :""> Pero okay lang kahit magka-amnesia, sabi nga nila di ba, ang isip maaring makalimot, pero kapag nasa puso mo ang taong pinahahalagahan mo, mawala man ang lahat sa'yo, nandiyan lang yan. NEVER mawawala. HAHA! Sabi nga kahapon sa trip natin sa Sta. Lu, NEVER GIVE UP ang friendship natin. Kaya JejeBFFs, JUST DO IT! :D HAHAHA! Isama niyo pa sa mga taong naka-varsity jacket. HAHAHA! >:D I love you guys! :""> Happy New Year! :DD
Sa mga babae ko sa Buhay sa Maynila :""> ( Ellein, Lha', Marvie, Nica at Dayhang) --->> I love you all :) Halos 2 years na lang ang nalalabi sa pagsasama natin sa mga lupang tinatapakan ni Lualhati. Oo. March/April 2015. Gagraduate tayo. WALANG IWANAN. MAGKAJOWA man kayo, alam ko, I'm still you're number 1 dad. HAHAHAH >:D Mahal ko kayo, kahit minsan may mga moodswings yung iba diyan *ahem ahem* napagtyatyagaan pa rin naman, kasi I LOVE YOU, YOU LOVE ME, lakas maka-Barney XD HAHA! Mga babae,    I love you all. Ingatan ang mga sarili ha! WALANG MANG-IIWAN sa ERE. Kitakits sa 3 :""> Mwah :*
POOOOORLAAAAB kong mga minamahal --> BAGONG TAON NA! Magparamdam na yung iba diyan. HAHAHA! >:D BONGGANG REUNION NAMAN oh! :D HAHAH! Namimiss ko na sumitsit sa harapan ng classroom, umiyak sa harap niyo, tumawa kasama kayo,  maghapit kasama kayo, at marami pang super duper extra special moments kasama kayo! ♥ Andito lang ako ha, namimiss ko na kayo, lalo na yung mga hindi nagpaparamdam. HAPPY NEW YEAR Guys! :"">
IS Family -->> Xin Nian Kuai Le! Gelukkig Nieuwjaar! bonne année! felix sit annus novus! HAPPY NEW YEAR! Masaganang bagong taon mga kapwa ko IS. :""> Iba talaga bonding ng mga IS, lalo na't alam nilang isa ang kanilang layunin sa buhay. Sama-sama nating tapusin ang apat na taon ng buhay bilang mga mag-aaral at anak ni Lualhati XDDD I love you guys :* Ingat! 
Sa LAHAT NG MGA KAIBIGAN ko, yung mga TUNAY na lang, kung PLASTIK ka, 'wag mo basahin. HAHAHAHA! ANsamaa ko XD HAHAHA! >:D Pero alam ko naman, wala akong plastik na kaibigan. XD *Sana. Kasi kung meron papakuluan ko kayo kasama ng mga malalanding lagundi sa daan XD HAHAHA! :D Sa mga friends ko, happy new year! Magkaroon sana kayo ng masagana at masayang bagong taon. Ingatan niyo ang inyong mga sarili! Happy New Year!
Sa pamilya ko, alam ko walang makakabasa nito, pero MAHAL KO KAYONG LAHAT! Mwah mwah tsup tsup! :* Happy New Year!!
Let's end this year, 2012, with a bang and ofcourse WITH A SMILE.
Marami tayong dapat ipagpasalamat sa Poong Maykapal. 
Bnigyan niya tayo ng isa pang taon para ipakita at ipamalas kung paano pa natin gagamitin ang buhay na kanyang ipinahiram sa bawat isa sa atin :""> 
Let's use our lives to influence and to help other people.
MABUHAAY! MASAGANA at MANIGONG TAON! =)))
Let's welcome 2013, WITH A SMILE =))))))))))
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Be strong!
171 notes · View notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
The Past.
107 notes · View notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
TUNGKOL sa PAG-IBIG.
Matagal-tagal na rin ang pananatili ko sa mundo. Marami nang naranasan. Marami nang naramdaman. Pero sabi ng ilan, iba ang pakiramdam kapag umiibig ka na.
Palagi kong sinasabi, nagmamahal naman ako, UMIIBIG. Yun nga lang sa mga taong malalapit sa buhay ko, ang pamilya ko at mga kaibigan. 
Iba pa ba yun sa pag-ibig ng isang taong may mas malalim na pinaghuhugutan?
Sabi ng ilan, OO. 
Normal naman daw kasi umibig sa mga taong madalas mong nakakasalamuha, pero iba kapag may minamahal at iniibig ka nang iba sa nakasanayan mo.
No Girlfriend Since Birth. Ako yun. Single. Puro aral, kain, facebook, twitter, laro, nuod ng TV, alaga ng kapatid, hugas, luto, linis, ano pa ba? Halos lahat. Maliban ang umibig sa isang hindi pangkaraniwang LOVE. 
Bakit nga ba hindi pa rin ako nakaranas umibig? Eh sa panahon ngayon, PBB teens na ang uso. 
To tell you honestly, hindi kasi ako nakikisabay sa uso. Wala akong pakialam dito. So what kung may jowa ka,
... ang tanong MASAYA ka ba?
...Napapangiti mo ba ang PAMILYA mo?
...ang mga KAIBIGAN mo?
I have my priorities in life. Yung pag-ibig, nasa ilalim ng listahan.
Sa pananaw ng isang SINGLE, ano ba yung LOVE?  Paano umibig? Kailangan ko ba talaga yun?
Yung LOVE. Nakakaloko daw. Maraming nabaliw. Maraming nasaktan. Maraming naadik. Pero, Marami rin namang lumigaya. Maraming gumanda ang buhay. Maraming nabago.
Magaling ako magbigay ng advice tungkol sa LOVE. Prangka kung prangka. Kung alam kong tama, isasaksak ko sa kukote ng taong nanghihingi ng advice.
Pero, iba daw talaga kapag ikaw na yung nasa sitwasyon.
-__- Magbabago ang pananaw mo. 
Kaya sa totoo lang, takot ako magmahal.
Kasi ang gusto ko, parang teleserye. Parang fairytale.
... Na dumaan man sa maraming hamon sa bandang huli, may mga katagang  " and they lived happily ever after..."
Mahirap mag-assume. Takot kasi akong masaktan.
Alam ko pwedeng sabihing napaka-weak ko.
Hindi ako matututo kung hindi ako dadaan sa mga sitwasyong ganun.
Pero kasi, naniniwala ako, na kaya kong gawin at maintindihan ang mga ganitong pangyayari ng hindi na gagawin ang mga ito. Baliw na ata ako. -___- Basta ang alam ko lang, TAKOT pa akong UMIBIG.
HINDI pa ako HANDA.
Pero, alam kong dadating at dadating din yan.
Pero, kung 'di ko na maantay, siguro naman, mga after 5-10 years, may lakas na ko ng loob na subukan at gawin ang USO ngayon. Ang alam ko lang kasi, ang PAG-IBIG, ang pagbibigay ng tanong ng lalaki sa babae, at ang pagsagot nito ng matamis na OO, ay ibibigay ko lang sa taong karapat-dapat. (Choosy ako)
Madaming tao sa mundo. Isa lang ako.
Tungkol sa PAG-IBIG. 
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
PLEASE HELP PO! RT LANG OH! Reblog llang oh! LIKE lang po :)
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=300139700094190&set=a.285900434851450.63715.252792991495528&type=1&ref=nf
and
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=300144626760364&set=a.300144400093720.68365.252792991495528&type=3 … SALAAAAMAT! JOKAT is <3 #ANIMOIS 
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
“Ayoko na. Hindi ko na kayang makita ka pang muli.” Ito ang mga katagang huli niyang sinabi sa aking harapan. Masakit, sa totoo lang, pero kailangan ko siyang palayain. Huli na nga ang lahat, tila naging bato na ang kanyang puso, ang dating may pakialam, ngayon parang hangin na lang sa aking pagdaan. Abot langit ang paghanga ko sa kanya dati. Sa bawat kilos niya, nakasunod ako. Sa bawat ginagawa niya, gagawa ako ng paraan makita lang siya. Kapag nakikita ko siya, abot tenga ang ngiti ko. Adik ngang matatawag kung sa salita ngayon. Pero, pag-ibig para sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng problema, binigay ko naman ang lahat, ang oras ko, ang puso ko, at ang pagmamahal na walang wakas. Handa na akong ibigay ang buo kong puso matupad lang ang sinumpaan namin. Masasabi kong ako ang Florante niya at siya ang Laura ko. Ako ang Romeo niya, at siya ang Juliet ng buhay ko. Ngunit, ang pag-ibig niya para sa akin ay biglang lumayo, nawala, at napawi. Maibabalik ko pa kaya ito? O hahayaan ko na lang siyang maging masaya sa piling ng iba?
            Ngayon lang nalaman ko, may iba na siya. Nakahanap na siya ng kapalit ko, habang ako walang ibang ginagawa kung hindi ang isipin siya. Kaya tuloy napapaisip ako, ang swerte-swerte ng lalaking minamahal niya ngayon. Sana ako na lang ang kasama niya, ang kasama niyang naglalakad sa mall, ang kasama niyang kumain, ang naghahatid sa kanya sa bahay. Pero, wala na, iba na talaga ang ihip ng hangin. “Kung ako ba siya, maipaparamdam mo ba ulit ang lahat?
“Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Kung ako ba siya, iibigin mo?”
            Pero, tama na. Alam kong lahat ng nangyayari sa akin, may dahilan. Kaya ngayon nag-iisip ako, habang hinahalikan ng malamig na hangin, katabi ang matatapat kong kaibigan, ang papel ko at ang aking matalinong pluma. Marapat na sigurong gumawa ako ng bagong hakbang, magsisimula ako ng bagong bukas. Bagong bukas na magbubukas ng bagong buhay para sa binatang tulad ko. Alaala na lang ng masasayang panahon ang nakaraang ako’y nasa piling mo. *Ginawa ko para sa Tayutay something sa Filipino. Essay Inspired by Marcelo Santos III's posts and stories. 
0 notes
verumbellator · 12 years ago
Photo
Tumblr media
- Mga Tanong na Bumabalot sa Aking Isipan para sa Araw ng Kalayaan -
Salamat sa Araw ng Kalayaan at bukas ay walang pasok. Tuwang-tuwa at nagbubunyi ang lahat ng ating mga kababayang simula pa noong isang linggo ay batak na sa gawain sa trabaho at pati na rin sa paaralan.
114 na taon na rin ang lumipas (kahit i-check niyo pa sa Google, icalculator niyo pa para mas sure. *2012-1898 ), maganda siguro kung magbabalik-tanaw tayo sa kasaysayan subalit hindi ito ang pokus ng post na ito. 
Pero bilang paggalang na rin sa nakasanayan, lagyan natin ng kaunting recap :D
Ang pagdiriwang sa taong ito ay may temang
" Kalayaan, Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan". 
Tuwid na daan. Slogan ni PNoy nung nangangampanya pa lamang siya. Nagawa na ba niya ito? Marahil wala pa sa kalahati ang ating nalalakbay tungo sa TUWID na DAAN. Maraming pagkakataon, lumilihis tayo ng daan. Minsan, nagstostop over. Kaya matagal ang asenso. Matagal ang ating nagiging biyahe. Sana umabot tayo sa dulo ng tuwid na daang ito.
Pananagutan nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng Kalayaan. Subalit, tunay nga bang malaya na tayo?
Masasabi ba nating malaya na tayo sa pang-mamaliit ng mga naglalaking bansa?
Malaya na ba tayo sa kalakalang hindi mapigilan ang buhos ng imported products kesa sa likas na gawang-Pinoy?
Malaya na ba tayo sa pang-aalipusta ng mga dayuhan sa mga OFW na nagtatrabaho sa iba't-ibang panig ng mundo?
Malaya na ba tayo sa mga taong ginagamit lamang ang kanilang posisyon sa gobyerno para sa sariling interes?
Uulitin ko. Malaya na ba tayo?
Isa pa. Ayoko namang maging masyadong pampulitikal ang paksang aking tatalakayin. 
Bilang kabataan, isang tanong,
Malaya ka na bang nakapagpapahayag ng iyong damdamin?
Uyy. Katoto. MALAYA ka na ba? Ikaw na sumagot niyan. Lahat ng ito, pag-isipan mo. 
Tunay nga bang malaya na ang ating bansa sa lahat ng aspeto ng buhay? Goood luck kung masagot mo yan :))
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Mabuhay ang Pilipinas! 
^______^
-NJANicolas
@iamneiljustin
verumbellator
0 notes
verumbellator · 13 years ago
Link
Tumblr media
“Wow! sikat ka na Marcelo, siguro sobrang yaman niyo na?!” Gusto kong sabihin, “Sikat lang, mayaman na agad, ano to PBB Teens?!” haha. Well, sa totoo lang, hindi kami mayaman. Wala akong kinikita sa pagsusulat ko sa youtube (paggawa ng videos) hindi naman din kasi ako Youtube Partner. Atsaka...
218 notes · View notes
verumbellator · 13 years ago
Photo
Tumblr media
Wala lang magawa. Ilaw daw na nagtataboy ng lamok. Nasashare na rin pala sa Tumblr ko yung photos :"> (Taken with instagram)
0 notes
verumbellator · 13 years ago
Photo
Watch the Full Film -- http://www.youtube.com/watch?v=WqxiggthxuA Highly-Recommended :))
Tumblr media
My Super Fan Girl Quotable Lines.
210 notes · View notes
verumbellator · 13 years ago
Photo
Tumblr media
I made a comment about the story \"His Personal Wife - Book 2. - His Personal Wife - 15.\" on Wattpad:
Sa totoo lang. Tumigil talaga ako sa kinauupuan ko nung nabasa ko yung line na.. "Wala akong amnesia, Kath." Sabeee na nga ba eh!! :DD Can't wait for the Bigger Twist! :))
5,654 people have read this on Wattpad Read Now
0 notes
verumbellator · 13 years ago
Link
Tumblr media
I dedicate this blog post to my friend/batchmate, Carlo Flores.
He is now in coma and is suffering from internal hemorrhage. Please pray for him and his doctors that they may be instruments of God and that they will be able to fix the problem, and that he will heal quickly. Guys, please...
348 notes · View notes
verumbellator · 13 years ago
Photo
Tumblr media
MOTHER’S DAY
Para sa 05.13.12
              This time sa Tumblr muna ko magpopost para copy paste na lang sa Mother’s Day sa Sunday. Atleast. Hindi ako masyado magagahol sa oras sa pagtatype. Sige simulan na natin.
  05.13.12
Mother’s Day ngayon. Pinost ko ito sa Facebook, sa Tumblr, sa Twitter at sa lahat ng Social Networking Sites na meron account. (*yung 3 lang naman) para ipagsigawan sa lahat ng kilala ko kung anong Mommy meron ako. Isang Mommy na maasahan, mapagmahal, lahat ng magagandang pwedeng masabi na sa kanya na. Ako yung “Baby” niya. Yes. :D Pero siyempre, kahit 18 na ko this year, at kahit tumanda pa ko ng ilang taon. Alam ko na BABY pa rin niya ko. Siyempre kasama si JJ. ^^
Mommy, Happy Mother’s Day.
Marami ka nang sinacrifice para sa akin. And sinusuklian ko naman yun. Pero siyempre, step-by-step. J Unti-unti lang. Basta tandaan mo Mommy, na lahat ng ginagawa ko, para sa’yo kasi LOVE na LOVE Kita. ^_^
  I LOVE YOU MOMMY!
HAPPY MOTHER’S DAY ulit.
Maraming magsasabi na ang Mommy nila ang BEST MOM in the WORLD.
Ako. Siyempre, HINDI magpapahuli.
Kaya MOMMY, YOU’RE REALLY THE BEST MOM, hindi lang sa puso kundi sa BUONG UNIVERSE.
  J
0 notes
verumbellator · 13 years ago
Link
I just send a message to cheesecakes
0 notes