undyingdesiresblog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
undyingdesiresblog · 3 years ago
Text
Kahirapan ang isa sa pinakamalaking pinoproblema ng buong mundo. May dapat bang sisihin dahil dito? Ano ang dahilan bakit patuloy na naghihirap ang nakararami? Gobyerno ba ang dapat managot? O mismong mamamayan dahil sa kapabayaan?
Ang kahirapan ay di na bago para sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao. Maraming pwedeng solusyon, Ou, masusolusyonan ito kung nanaisin ng bawat-isa. Hindi pupwedeng isisi sa gobyerno kung bakit patuloy na naghihirap ang mahihirap, bagama't may mga pagkukulang ang kinatawan ng gobyerno ngunit di pupwedeng gobyerno lagi ang sisisihin.
Di na bago sa ating pandinig ang katagang "Edukasyon ang susi sa kahirapan" kung kaya't hanggat maaari mag aral ng mabuti, matuto ng mga bagong kakayahan, hubugin ang sariling kakayahan, at matutong gumawa ng aksyon para sa ikaaahon sa kahirapan, "WORK SMART, NOT HARD". Huwag gawing motto ang " wala eh, no choice" maraming choice, tamad ka lang kumilos. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay puro pasarap lang ang ginagawa, pasanin pa ng magulang kung ito ay nakabuntis o nabuntis. Matutong mahiya sa pambansang bayani na itinuring ang kabataan bilang pag-asa ng bayan.
Maraming oportunidad ang naghihintay sa bawat sulok ng Pilipinas at pati na rin buong mundo. Mababaon na sa utang ang Pilipinas, iaasa mo parin ba ang estado ng iyong pamumuhay sa gobyerno?
Di naman lingid sa ating lahat ang lumalalaking populasyon ng ating bansa. Maitanong ko lang, iyo bang napapansin ang mga taong naninirahan sa gilid ng bangketa, riles ng tren, ilalim ng tulay, at pati narin sementeryo? Hindi ba't nakakabahala na, kung sino pa ang dukha, sya pang maraming binubuhay. Sabi nga sa katagang Ingles "Family Planning is a Must". Di pupwedeng pasarap lang nang pasarap, mangarap para sa binuobuong pamilyang pinangarap.
Karamihan sa ating mga kababayan ay pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa malaking sahod ngunit umuuwing salat parin sa pamumuhay. Isa sa dahilan nito ang pagiging financial illiterate. Karamihan sa Filipino ay one day millionaire kung kaya't imbes na mag invest o mag negosyo mas inuuna ang luho ng pamilya.
Itatanong ko ulit, kasalanan parin ba ng gobyerno kung bakit patuloy na naghihirap ang nakararami?
Maraming financial assistance ang inilunsad ng gobyerno para sa mamamayan, ngunit sing dami rin nito ang mga buwayang nag aabang nito. Hindi susi sa kaginhawaan ang 5k (limang libo) na ayuda para sa anim o higit pang tyan na kumakalam.
Maging mulat sa reyalidad, hindi lang dapat gobyerno ang nag iisip ng solusyon sa kahirapan. Bilang isang mamamayan ng bansa, matutong makiisa sa mga proyektong inilulunsad ng gobyerno na nagbibigay kaalaman kung paano magkaroon ng kita, paano papalaguin ang perang naipon at higit sa lahat matutong kumayod para sa sarili at pamilya. Para sa mga magulang naman huwag hayaang maging batugan ang mga anak, nagpapalaki kayo ng salot sa lipunan. Huwag dumepende sa kung ano lang ang ibibigay ng gobyerno, kumilos at gumawa ng pagbabago.
1 note · View note