umayoskabrod
Dignidad Ng Pinoy, Ibalik Natin.
60 posts
Hello Kuya, Bro, Brod, Pare, Salamat sa pag bisita mo sa blog ko. Ang mga mababasa mo dito ay mga paraaan para ikaw ay maging disente at maging ka galang galang sa mata ng iba, di lang sa mata ng iyong girlfriend o asawa, kundi pati na rin sa mga nakapaligid sa iyo, anak, magulang, kamag anak, kapitbahay, barkada, classmate, officemate at ang importante sa lahat, kung single ka ay sa mata ng iyong natitipuhan. Dito makakakuha ka ng ideas tungkol sa proper grooming, tamang pananamit, health and fitness at basics ng pagluluto. Ipapaalala ko rin sayo kung pano galangin ang kapwa mo at at ang kalikasan. Ako si Don, ang personality adviser ng mga ginoo.
Don't wanna be here? Send us removal request.
umayoskabrod · 5 years ago
Text
Greta Thunberg
Tumblr media
The fact that they let her speak in front of them means that they don’t give a shit. I bet the only reaction they made was “Ahh. Cute.” Di ba? Tutuo naman. Ba’t di sila nag invite ng iang member ng Greenpeace o isang matinding lawyer for environmetal activists. Kasi alam nila pag pinayagan nila yun siguradong gulo. Ginawa na nila yan dati. Pinag salita ang isang batang babae. Wala rin...
The Earth is fucked. Our only home is fucked. No environmental activist wants to say it but deep inside they know it. All of these campaigns, all their efforts, all it does is buy us more time and the truth is there is no going back. A lot of people say “We spend billions and billions on making a ship that would take us to Mars but spend a little on saving our planet.” Because scientists know mankind is fucked. Why do you think Elon Musk is in a hurry to put a man on Mars? Because he knows humans are doomed.
And who will board this ship? Rich people who have always fucked our planet. On Mars, they will do the same shit. Same people, same shit. “Let’s fuck Mars this time.”
Bro, Brad, Brod, Pare. I have a confession to make. I have a recycling project but the best thing I can do is reduce waste. The amount of trash I throw is still 50% of trash we make from our home. Mahirap mga kalahi. Example, di ko naman mapigilan gumamit ng toothpaste at wala naman substitute dito na may recyclable na packaging. Isa pa, mahal ang mag recycle ng plastic. Wala akong pambili ng pangdurog, pantunaw at injector ng plastic. Hindi lahat tinatanggap ng mag bobote.  Nasa bansang Pilipinas tayo na saksakan ng dami ng mga pasaway kaya di ko rin sure kung sa tamang tao rin bumabagsak ang mga kinokolekta galing sa mga recycled bins dito sa village namin.
Ang tatay ko naman... Lintek, ano naman ang kinalaman ng mga matatanda dyan sa global warming? Hindi niya kinikilala ang nabubulok at di nabubulok. Ang kinalakihan niya ay basura ay basura tapos. Basura, tapon sa basurahan. Halo halo na, tirang pagkain, plastic, chemical. Ganyan sila nuon eh. Ang hirap nang pasunorin.
Ang mga bata naman ay pareho di sa mga matatanda, masyado din pabaya. Pero unti unti naman natuturuan.
Siguro, at ayon na rin sa mga nababasa ko, meron tayong ten to twenty years bago tuluyang magkanda leche leche ang Earth. Climate crisis plus kasamaan ng mga tao equals mass extinction. Every summer painit na ng painit. Siguro in ten years ay lilisan na ng mga may kaya ang mga mabababang lugar tulad ng Manila dahil talagang di na pwedeng tirhan dahil sa sobrang init at lubog na rin sa baha. Dagdagan pa ng ten years, siguro climate crisis ang pag uumpisahan ng third world war dahil pag aawayan ng mga ibat ibang bansa ang mga natitirang resources at ang mga bansang tolerable pa ang climate ay pag aagawan. Imagination ko lang naman yan.
We are doomed. Siguro ang magandang gawin na lang natin ngayon ay, yun nga, to buy ourselves more time. Maki isa sa mga environmental protection programs. Na nawa ay mas ma enjoy pa ng mahabang panahon ng mga anak natin ang ating mundo.
“Aaah... Cute.”
1 note · View note
umayoskabrod · 5 years ago
Text
Yaman
Tumblr media
Tandaan.
Hindi lahat ng may maraming pera ay tutuong may maraming pera.  Ang karamihan ay puro may utang.
Yung ibang may maraming pera ay bastos, walang modo, walang malasakit sa kapwa, walang malasakit sa kalikasan, walang breeding,
Breeding. Mapunta tayo sa breeding. Hindi lahat ng may maraming pera ay may taste, may sense kausap. Yung ibang may maraming pera ay nakakahiyang isama sa social gathering. Dahil yung iba, napaka dumi ng paraan ng pagsalita, yun bang hindi pwedeng bawat umpisa ng salita ay di mag uumpisa sa p^%@ng i^@.
Yung iba, marami lang pera pero sobrang sama magdala ng sarili nila ay walang fashion sense, yung akala nila porket may nakabanderang Louis Vuitton, Balenciaga at Gucci sa katawan nila ay akala nila magaling na sila manamit pero mga mukha namang mga palamuti sa Christmas tree.
Yung ibang may maraming pera ay walang respeto sa kanilang katawan at pangangatawan. Kamalas malas, di nabibili ang kalusugan. Yung ibang may maraming pera ay walang pakundangan kung lumaklak ng alcohol at tumira ng droga. Tuloy, ang itsura nila ang mga mukhang zombie.
Yung ibang may maraming pera, ah mali pala, yung karamihan sa may maraming pera ay di naman na e-enjoy ang kanilang pera dahil puro din naman sila trabaho at negosyo.
Brothers and sisters, ang tutuong yaman ay nasa kung ano ang nilalaman ng utak mo. Ang iyong katalinuhan na ginagamit mo sa tama. Yung wala kang nasasaktan. Ang tutuong yaman ay kung pano ka makihalubilo sa ibang tao. Yun bang lahat ng tao ay gusto kang makausap dahil may sense ang sinasabi mo.
Ang tutuong mayaman ay di kailangang maglagay ng maraming burloloy sa katawan at di kailangang magsuot ng damit na may nakabanderang sosyal na brand. Yung kahit ba naka white shirt lang, jeans na shorts at sandals lang ang suot nila ay mukha silabg nakatayo sa tuktok ng clouds.
Ang tutuong yaman ay kung pano mo dalhin ang sarili mo.  Ang pag aalaga mo sa iyong katawan at pangangatawan. Ang maglakad ka sa isang function room at lahat ay mapapatingin sayo dahil maaliwalas ang iyong mukha at maganda at natural ang iyong ngiti, maganda ang iyong tindig o posture.
Sa buhay, hindi naman pinaka mahirap ang manatili sa taas kundi ang pinaka mahirap ay yung manatili sa ginta. Dahil ang tutuong mayaman ay may balanced life. Sucessful sa negosyo pero may quality time pa rin sa pamilya, may time mag pahinga at may time mag relax.
Yang para sa aking ang tunay na mayaman.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Pinoy Culture on Social Media and How to Do It Right
Pang ba bash, Parinigan, siraan, awayan sa social media, Feeling mo na ikaw lang ang tama. Page ng may page pinapakialamanan ang opinion ng iba.  Pinoy eh, kultura na natin yan. Wala na siguro tayong magagawa dyan. Pero may mga paraan para gawin ito ng tama at ito ay mga halimbawa;
1. Parinigan ng mga mag kaaway – Ako ay namamangha sa mga ganitong tao. Mag kaaway sila sa tunay na buhay pero friends sila sa Facebook. Kaya sila friends sa Facebook ay para lang mag parinigan. Ineng Yen…  Ano paramihan kayong kumuha ng kakampi? Shempre kanya kanya kayo ng mga supporters na susuhol at shempre pag may mga magsusulsol, dadami na rin ang mga mag aaway.
How to di it right – Sa Facebook may option dyan, Pwede kayong mag create ng group ng mga tao na gusto niyo lang idamay para hindi nakikita ng mga ibang tao. Naisip mo ba kung ano ang sinasabi ng mga contacts mong boss mo, mga teachers ng mga anak mo, kamag anak, kapit bahay, ka opisina mo at ang impact nito sa pagkatao mo?
 2. Parinig ka ng parinig dyan pero parang manhid ang taong pinapa rinigan mo kayat lalo kang nanggigigil sa galit. Bakit? Kasi malaki ang chance na inunfollow ka na nya. Sino ang talo? Eh di ikaw na tanga.
 3. Mga sensitive na issues tulad ng politics, LGBT
How to di it right – Tulad ng nga ng sinabi ko. Merong option na pwede kang pumili lang ng mga taong makaka kita nito.
4. Sarap na sarap kang ipag yabang ang iyong bagong material na bagay tulad ng car, relo, sapatos
How to do it right – Kung gusto mo talagang mag pasiklab, pwede mong itong gawin sa Instagram.  Kasi duon, sila ang nag follow sa iyo, kaya wala silang karapatang umangal sa mga pinag po-post mo.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Special Needs
Warning. This will get weird on the later part.
Unang una, kung ang anak mo ay may special needs, bawasan o itigil ang pag bigay ng sugary foods tulad ng softdrinks, candy, energy drink.
Carry on.
Di natin mapapagkaila na dumadami na ang mga batang may special needs, Pano ba masasabi na ang bata ay may special needs? Yung ibang bata (o tao) tulad ng may down syndrome at celebral palsy, makikita agad dahil sa physical deformation.
Ang hindi alam ng marami ay may mga bata na nag cro-cross lang sa border sa pagkakaroon ng disorder. Minsan hindi aware ang mga magulang na ang anak nila ay may special needs dahil example, akala nila ay malikot lang o mahina lang pumick up ng instructions. From the few seminars that I have attended, minsan may mga adults din na late na nila ne di-discover na sila ay may special needs. May mga documented cases nyan, search mo kung interested ka.
Ano nga ba ang characteristic ng mga bata na di obvious na may special needs pero kailangan ng special attention. Hindi parating makikita ang lahat ng ito, pwedeng isa lang sa mga ito ang meron siya o comibination ng isa o dalawa:
1.     Iilang tao lang ang kinakausap, minsan walang eye contact
2.     Limited o walang speech. Minsan inaakalang mute lang o deaf
3.     Di mapakali, masasabing malikot
4.     Di maka focus at matapos ang  isang task o mahina maka pick up ng instructions
5.     Hirap makapag organize ng mga gamit, minisan sobrang magulo ang desk o room at parating may nakakalimutan or kabaligtaran naman ay (5) extremes
6.     Sobrang organized naman na pwede mo nang sabihin na o.c.
So what is their special need anyway? Well, para sa mga bata na sabihin na natin may “sariling mundo” (spaced out, bihira mag salita, no eye contact), kailangan nila ng early intervention, they need an aid (or teacher aid). There is a process. Again, I am not an expert so I research mo lang.
Ano ba ang cause nito? Bakit nagkakaron ng mga bata na may special needs?
Di pa daw na de-discover ang reason according to science. O tinatago lang ng science ang tutuong reason? May mga theories and I believe that some of these theories are true.
Ako, naniniwala ako na malaki ang kagagawan ng science at tutuong may conspiracy na nangyayari, Sobrang sama na kasi ng medical and food industry. Kung ano ano na ang sinasaksak sa ating mga pagkain. Di na natin alam kung ano ang laman ng mga vaccines at gamot. At ito ang nagiging resulta.
Naniniwala rin ako na ito ay isang uri ng depopulation dahil nga sobrang dami na ng tao. Ito rin ang pwedeng reason kung bakit marami na ang confused sa kanilang gender.
There are ways to avoid these things to happen I believe. Pano?
1.     Read my earlier post about gadgets. Research has proven that gadgets contribute to mental disorders.
2.     Masyado na masama ang medical and food industry kaya
On medicine – Mahalaga na ang bawat parents ay mag research about alternative medicine and slowly break away from synthetic medicine.
On food –
a.     Ang unang unang dapat gawin Bawasan ang pag bigay ng sugary foods sa mga bata. Ito. Nakaka dagdag sa pagiging hyper ang sugar.
b.    Alamin ang source ng organic foods sa inyong lugar.
c.     Di naman natin kayang totally  i-avoid fastfood, instant foods, coke, pagkain na may kulay, may artificial flavor. Iwasan na lang o magkaroon ng limit. I believe one day ay makaka laya din tayo sa pag maninipulate ng mga corporations na ito.
3.     Know more about mental disorders. If you know a family or someone who has special needs at hindi nabibigyan ng tamang attention, dumadami na rin ang support groups for special needs people. Get in touch with them.
One reason I could think of is heaven must be fighting back. Na dahil nga sa sobrang dami na ng masasamang tao sa mundo ay ito ang paraan ni God na mabawasan ito, sa paglagay niya ng mga taong free of sin.
Nakakalungkot lang na marami ang hindi aware na may mga taong nangangailangan ng special attention. Maraming bata na di nabibigyan ng tamang pag handle ng kanilang conditions. Yung ibang parents ay in denial.
(Sigh…) It’s a fucked up world and humans, thanks to evil businessmen are a fucked up specie. We are in our most challenging times. I don’t want to go on so what I can say if you are reading this, well, just give more love OK? And less of the hate. (OK, guilty ako dito dahil sa ibang posts ko sa pagpuna ko sa mga trapo but you know what I mean right?)
Just more love OK?
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
How to Survive in the Philippines 2020 part 2
Ito ay part two ng post ko.
https://umayoskabrod.tumblr.com/post/167686160934/how-to-survive-in-the-philippines-2020
Sa tindi ng traffic ngayon, yung ginagawa kong from Alabang to Makati nuon ay di na pwedeng gawin ngayon.
Ang tutuo kasi, kalahati ng commuters ay may choice na umiwas sa traffic. Paano?
1.     Yung iba dito ay may kakayahang mag work from home
2.     Yung iba dito ay may kakayahang mag tayo ng business
3.     Unfortunately, yung uba dito ay mag a-abroad dahil yun ang alam nilang solution.
So, usapang work from home.
So ano ang work from home? Shempre sa bahay nag tratrabaho. Ang mga nagtratrabaho sa bahay ay madalas may gamit na internet at may gamit na computer.
a.     Pwedeng sila ay may client overseas o sa Pinas din
b.    May sariling business, usually online business.
Ano ang mga industry na in demand sa work from home?
1.     I.T. industry specifically web development
2.     Marketing, outbound calls
3.     Client support, inbound calls
4.     Language tutor
Based sa ugaling Pilipino in general at I’m sure alam naman natin ito. Ito ang mga di uubra sa work from home
1.     Yung may mga utang talanka – Ang may mga utang talanka kasi ay siguradong manginginig na parang addict pag wala silang ibang masilip kasi mag isa lang sila sa bahay.
2.      Mga chismoso at chismosa -  Parang utang talanka, siguradong masisiraan sila ng bait dahil wala silang mapagchismisan dahil sila lang naman ang mag isa sa bahay.
3.     Yung mga tamad na pala utos at naghahanap ng masisisi - Alam mo yun, yung mga taong epal lang naman sa company at mga credit grabber? Di sila uubra sa work from home.
Warning. Babala. Warning. Babala. Warning. Babala.  Warning. Babala. Warning. Babala.
Finally, isang warning
Maraming masasamang ugali na nag te-take advantage sa internet. Mga scammers ay nagkalat dito.
Dapat lang naman tandaan.
1.     Walang work from home na nanghihingi ng pera o nang hihingi ng credit card number so huwag kang maging uto uto.
2.     Siguro naman di ka tanga na papayag kang maghubad dahil sinabi sayo na babayran ka.
3.     Walang work from home na papapuntahin ka sa isang lugar dahil may kailangan kang ayusin na papeles at hihingan ka ng pera. Kung may client ka na gusting makipag meet ng personal at ang meeting place ay sa isang di mataong lugar. Huwag pupunta mag isa at mag pasama.
At ang pinaka importante sa lahat. Pag work from home ay ibig sabihin na di ka lalabas ng bahay at dahil dito ay kulang ka sa bnefits ng sikat ng araw at exercise na nakukuha mo sa kalalakad at katatayo sa pila so ugaliing lumabas ng bahay after shift at mag papawis.  Pag work from home din ay mababawasan ang interaction mo ng face to face sa mga tao so do your best and find time to socialize face to face lalo na kung single ka.
So yun. Kung mapag isipan mong mag work from home ay good luck to you brothers and sisters. Stay healthy and stay happy sa inyong lahat
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Cargo Pants
Tumblr media
Ang cargo pants ay nag originate sa military uniform na meron dalawang pouches sa magkabilang hita. Sumikat ito nuong mid 90’s. Bukod sa military green ay nauso din ang beige at brown na color. Later on bago mag year 2000, unti unting nawawala sa trend ang cargo pants at makikita ang ilan sa mga brothers na nagsusuot na lang ng cargo pants.
Namiss ko ang cargo pants, ito kasi ang favorite kong isuot pag nag tra-travel besides sa comfortable siya dahil loose ang fitting, napaka useful ng extra pockets na pwede kong lagyan ng passport, food, inumin at basura. Minsan sinusuot ko din ito pag nasa field work na lalagyanan ng tape, pencil at phone. And so I bought a new pair.
Well hindi naman talaga nawala sa uso ang cargo pants (I think) dahil meron pa rin naman akong nakikitang nag susuot nito pero tailored na sa usong cut ngayon na hindi na medyo baggy.
On wearing cargo pants;
1. I think the best way to wear cargo pants is to pair it with sneakers. Although similar ang cargo pants sa chinos, cargo pants should be treated as sporty and should never be paired with leather shoes.
2. I also suggest not to pair it with boots like Doc Martins dahil parang OA naman ang pagka military look at mukha ka nang sundalo na sasabak sa gera.
3.  Huwag din I overfill ang side pockets na dala mo na ang buong bahay dahil masagwa tingnan.
4.  And since medyo loose nga ang fitting ng cargo pants, I suggest not to wear loose shirt para naman di ka mukhang na stuck sa 90s.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Nagparetoke si Ate
Tumblr media
Usapaang pagpaparetoke tayo mga brothers. Pero ipag paliban muna natin ang pagpaparetoke ng boobs dahil alam ko pag usapang boobs at ibang parte sa baba ng katawan ay baka end of the world na ay nag dedebate pa tayo. At para na ring makaiwas sa usapang ka manyakan. Focus muna tayo sa usapang pag retoke ng mukha. So ang tanong ko sa mga brothers, Bro, Brad, Pare kung sabihin ng asawa o girlfriend mo na balak nyang magpa nose job, mag paturok sa nguso, mag pa batak ng pisngi, papayag ka ba?
Sa tutuo lang minsan ay nag bibiruan kami ni misis na mag paparetoke daw siya ng mukha. Biruan lang, di kami baliw na uunahin pa yun kaysa sa mga pangangailangan ng mga anak namin. So ang sabi ko “pag nag paretoke ka hihiwalayan kita.” Sa puntong yan seryoso ako. Talaga lang, ano ang nangyayari sa ating mundo? What a fucked up world. Akala ng iba maganda tingnan na ang labi nila ay parang labi ng tilapia, ang nuo at pisngi nila ay parang namamagang pigsa at ang mga nag papa retoke ng mga ilong, halata kayang di natural, minsan pa ay ay tumatabingi. Nakaka diri, Nandidiri ako. Pasensiya na. Talagang di ko masikmura. Minsan sa isang mall ay bigla akong napalingon sa likod ko at nagkataon na merong isang babae, mukhang Doña siya na todo retoke ang mukha. Punyeta natakot ako, seryoso ako mga brothers. Minsan nakakatakot na sila. Ewan ko ba. Minsan sinsasabi ko sa sarili ko na lilipas din ang panahon ng mga cosmetic surgery, alam nyo naman na di ko dinadamay dito ang talagang nangnangailangan ng surgery at ang focus natin ay ang kaartehan ng iba. Naniniwala pa rin ako na isang araw ay babalik sa normal ang lahat. Na babalik ang panahon na maiisip ng mga kababaihan na maganda ang tumandang natural.
Mga sisters, sa aming mga brothers, mas gusto namin ang natural beauty, ang tumanda ng natural at di artificial. Huwag sana kayong tumulad sa mga mayayayaman na wala nang magawa sa pera kaya kung ano ano ang mga naiisipan. Akala nila ma me maintain nila ang beauty ng youth kaya akala nila porket mayaman sila ay pati time ay kaya nilang bilhin.
Ganito kasi yan mga sisters. Simple lang naman ang solution sa natural beauty. Alam niyo na nga ang mga iyan. Inuulit ko lang pampahaba ng blog post na ito. Una una, wag mag bisyo tulad ng yosi. Di ba nga at nakaka wrinkles yan. Kumain ng healthy foods at tulad ng parati kong ni re-remind sa mga brothers ay mag exercise regulary. Importante din ang pag iwas sa stress.
Sana kahit papaano ay may mga sisters na nalinawagan sa maikli kong sinsabi dito. Na sana kahit papano kung meron mang nakabasa nito na may balak mag paretoke ay mag bago ang isip. Maganda ka Ate. Huwag ka sanang gagawa ng isang bagay na pagisisihan mo.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Gadget + Filipino Culture = Disaster
Tumblr media
Pasintabi. Marami ang matatamaan sa post na ito.
Haiist… di ko alam kung pano uumpisahan pero ito na.
Sabi sa survey, ang mga Pilipino daw ay isa sa mga pinaka maraming gumagagamit ng Facebook. Di naman kailangan ng survey para malaman dahil ramdam naman. Sa loob ng restaurant, sa pagsakay ng PUV, sa mall. Karamihan ng  mga kalahi ay nakatungo at abala sa pag scroll sa FB.
Bro, Brad, Pare, I’m sure meron kang friend na bawat utot ay naka post sa Facebook dahil nga parte nga ng  kulturang Pinoy ang pagigiging emotional. Pag may kaaway, nagpaparining.  Away ng pamilya, naka status at tila pinapaalam sa buong mundo. May problema, status at kukuha ng simpatya. Wow. Di ko kinakaya.  Isama mo pa dyan ang ulgaling Pinoy na di nagpapahuli sa uso tulad ng mga latest challenge at unboxing ng bagong gamit.
Pero di dyan ako mag fo-focus sa post na ito. Ang mga susunod ay kung pano naaapektuhan ng mga gadget, particular na ang cellphone ang buhay ng mga Pinoy at hindi nagiging maganda ang resulta.
Panuorin mo muna ito bago ka mag proceed. Related ito sa pag gamit ng mga kabataan ng gadget.
https://www.facebook.com/fearlessmotivationofficial/videos/vb.686159194837830/732114443801770/?type=2&theater
Toddlers at mga Bata
Ang pag tutok ng cellphone at tablet sa mata ng mga bata lalo na pag madalas ay nakaka trigger ng mental disorder. Meaning kung ang anak mo ay may potential na magkaroon ng spectrum disorder (I research mo ang spectrum disorder, imbes na puro Facebook ka dyan) ay tiyak na matutuluyan ito. Proven na ng science yan.
Pre teens
Huwag kang magtaka kung ang mga anak mo ay parang mga ZOMBIE, nakakulong lang sa kuwarto, naka tiklop lang sa isang tabi, ayaw mag aral, ayaw sumagot sa iyo pag may tinatanong ka, nagiging matigas ang ulo, parang spaced out. Kasi ang gadget, parang droga ay nakaka addict. I’m sure marami sa inyo mga brothers ay napansin na bumababa ang mga grades ng mga anak nung magkaroon ng gadget.
Tumaas ang mga bilang ng mga kabataan ngayon na meron nang salamin sa batang edad. Di kayo maniwala, itanong niyo sa kahit saang optical shop.
Teens
Tumaas din ang rate ng bullying, depression at suicide at isa ang gadget sa nakaka contribute dito. Marami na rin ang nasira ang pag aaral dahil sa games. Idamay ko na dito ang pagtambay ng mga kabataan sa internet shop.
Ito ang nakaka asar. At talagang ako ay asar na asar!!!
Yung hihinto at mag se-selfie o biglang mag tetext sa daanan mga maraming  tao. Anak ng… Talaga naman minsan guston ko sipain eh. Grrrr!!!
Di na kailangan ng science, talagang nababawasan  ng modo ang mga kalahi dahil sa gadget.
Ang mentalidad ng mga teenager lalo na sa mga lower middle class ay di bale nang magutom basta may load. Naka Android at touchscreen ang mga anak samantalang ang mga magulang ay nag tyatyaga sa  prehistoric na Nokia. Ang mga magulang, ayun subsob sa trabaho habang ang mga anak ay nakahilata sa sala at nag ce-cellphonoe buong araw. Hihintayin ang mga magulang  na dumating para ipagluto sila ng hapunan at ipaglaba ng mga damit.
At sa mga Gurang
Di ko na naman kailangan isa isahin pa, parati naman sa news yan, nabangga dahil nag te-text habang nag dri-drive, bumabagal ang productivity sa trabaho dahil sa ka fe-facebook.
Minsan may nakita akong pamilya sa isang restaurant.  Di sila nag uusap at lahat sila ay nakatutok sa gadget mula kay baby na may tablet sa harap (pampa tahan daw) hanggang kay Daddy na busy sa kaka FB. Ako ay namangha.
Aking na realize na part din ng kulturang Pinoy ay ang mentalidad na “dapat magkaron din ako kung ano ang meron ang kapitbahay ko or kung ano ang ginagawa ng marami” kung hindi, di ako IN at magmumukha ako at ang aking pamilyang kawawa at katawa tawa sa mga kapitabahay kong ganun di ang ugali. Maki uso. Dapat nasa uso kundi, magiging usapan ng buong barangay na naghihikahos.
Minsan gusto kong baguhin ang pangalan ng blog ko to “Fucked Up World” dahil sa mga usapin na mga ganito. Nakakahinayang. Nakakahinayang ang bawat araw na dumadaan na dapat nagiging productive ang aking mga kalahi pero sinasayang lang ang bawat opportunity. Abah, daig pa tayo ng mga ibon at langgam, walang sinasayang na minuto, bawat minuto ay sulit.
Bro, Brad, Pare, di naman masama ang gadget at social media kung gagamitin ng mahusay at sa tamang oras at huwag mag paka alipin dito. Umayos sana tayong lahat.
“I fear the day that technology will surpass our human interaction. ... I fear the day when the technology overlaps with our humanity. The world will only have a generation of idiots.” - Albert Einstein
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Pupunta Ka Sa Opisina Ng Gobyerno?
Bro 1: Brod san punta mo?
Bro 2: Sa SSS.
Bro 1: Naku. Goodluck.
Bakit? Bakit kailangan maging ganito? Bakit kailangan pag opisina ng gobyerno ay napaka gulo, walang sistema at mahaba ang pila?
Sa aking mga ne experience o na witness. Ito ang iilan sa aking observation.
1.       Obvious naman na sadyang nakaparami nan g mga Pilipino so pag nagsabay sabay ang mga ito sa ano mang pamahalaan ng gobyerno ay talagang mag kakaroon ng pila.
2.       Marami ang mga Pinoy kaya binibigyan ng gobyerno ng chance ang marami na magkaroon ng trabaho kaya pinag hinimay himay ang mga trabaho na dapat ay kayang gawin lang ng isa.
3.       Kakulangan sa modernong kagamitan tulad ng computer.
Ngayon ito ang mga masaklap na reason na aking mga napuna.
4.       Nagsasama sama kasi dun ang mga di magandang ugali ng mga Pilipino tulad ng manyana. crab mentality, lamangan, turuan, bintangan, pagkalat ng chismis at katamaran.
5.       Nandun ang mga walang malasakit sa kapwa.
6.       Nandun din ang mga may mga masamang ugali na unang inaatupag kung pano sila didiskarte ng red tape o paghingi ng lagay o may kasabwat na fixer.
Gusto kong maniwala na may pag asa pang mabago ito pero ilang administration na rin ang dumaan at ganito pa rin.
Bro, Brad, Pare kahit di ako si Tatay Digong ay mapapamura talaga ako tuwing nakakakita ako ng mga ganitong mga tao. P*^%@ng i*@ng yan! Umayos kayo mga Brad!
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Ang Kwento Ni Kim
May mga pagkakataong may mga makikilala kang simpleng tao sa sa kalye at sa mga simpleng taong ito ay merong kang matututunan kung pano dumiskarte sa buhay. Ngayong araw ay nakilala ko si Kim. May kapansanan si Kim. Siya ay epileptic kaya di siya pwedeng mag trabaho sa ordinaryong nine to five job. Pero malupit si Kim. Nag bebenta siya ng kung ano ano, tinapay, biscuits, sweets at kakanin. Sinusuyod niya ang buong bayan. Pinapasok ang bawat banko, opisina, simbahan at mga schools. Sabi ko sa sarili ko, imposibleng walang siyang benta sa ganong diskarte.  Magaling sa P.R. si Kim. Napahanga niya ako. Isa siyang natural at may charisma. Napabulong ako sa sarili ko at sabi ko, parang gusto kong sundan lang siya buong araw at mag take ng notes sa aking pinausong term na “street marketing.” Ayon kay Kim, “Ayaw ko kasing mag pabigat sa mga magulang ko at gusto kong tumayo sa sarili kong paa.” May maintenance daw siya kasi na P150 a month.
Mga brothers, tularan natin si Kim. Di hadlang sa kanya ang kapansanan niya. Kaya walang rason para di kumita. Kung gugustuhin talaga ng isang tao ay magagawa niya. Unfortunately may mga taong walang silbi, mga umaasa lang sa bigay ng iba at tambay buong araw. Kaya asar na asar ako at umiinit ang dugo ko pag may mga ganitong tao akong nakakasalubong sa kalye.
Sa iyo Kim. Mabuhay ka. Isa ka sa aking inspirations. Iisipin kita tuwing may mga pagsusubok sa akong buhay. Sana dumami pa ang mga katulad mo.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Me Time
Tumblr media
So yun Bro, Brad, Pare. Napaka maalagain ka sa kaibigan, girlfriend, asawa o family mo. Parati mong binibigay ang lahat at Inuuna mo sila kaysa sa sarili mo at priority mo sila. Bravo Bro, Brad, Pare!  Taas kamay kami sa iyo. Pero sa lahat ng ito ay huwag mo sanang kalimutan na merong “ME”.
Mahalaga na meron kang regular na me time. Di masama ang magkaron ng time sa sarili Amitin na natin, merong mga times na may gusto kang gawin pero di mo magawa pag may kasama kang iba tulad ng;
1. Gusto mong maglaro ng basketball, mag gym, mag billiards pero walang magbabantay sa mga anak mo.
2. Di mo magawa ang iyong mga hobbies tulad ng magbasa ng books o mangalikot ng electronics dahil maraming distractions sa bahay.
3. Tulad din ng mga babae, di tayo makapag shopping ng maigi dahil naii-ilang tayong pag may naghihintay at may naiinip sa labas ng fitting room.
Ganito kasi yan, dapat mag titira ka sa sarili mo. Tulad ng sweldo, oo at napaka bait mo at binibigay mo lahat kay misis (Palakpakan na naman kami nyan). Pero kailangan mo ring alagaan ang sarili mo. Kailangan mong mag ayos sa sarili. Mamili ng mga damit pag medyo laspag na ang mga damit at sapatos o kaya naman wala na sa uso.
Para kasi makapag bigay ka ay dapat pinondohan mo muna ang sarili mo. You must first feel good about yourself. You must first be happy before making someone else happy. Ang puno’t dulo naman ng me time ay para ikaw ay di madatnan ng “burn out”.
O ano pa ang ginagawa mo dyan? Bat di ka muna mag paalam kay misis at tumakbo ka muna sa labas at mag kape sa kanto. You deserve it Bro, Brad, Pare. Good job!
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Driving Shoes
Tumblr media
Ang driving shoes at boat shoes ay hindi ginagamit sa formal gathering. Ano ba ang driving shoes? Ito ay kadalasan gawa sa malambot na leather na may tassels. Flat lang ito, wala itong takong kundi naka extend ang goma hanggang sa likod ng dapat na kinalalagyan ng takong. Ang boat shoes naman ay ang mas kilala na Sperry Topsider, alam mo na naman siguro ang itsura nyan. Although gawa sila sa leather ay hindi dapat sila ginagamit as part of formal or semi formal attire. Ganun talaga. Hindi dapat. Sinusuot sila ng walang socks. Pareho lang naman ang price nila compared to formal shoes. Kung pang one time event lang naman at hindi ka naman corporate person ay meron mga brands na ang price ay P1,500 and below tulad ng Milanos.
I’m not really a big fan of these type of shoes.
Tumblr media
Yung na extend yung space sa may toes. Mukha kasing sapatos ng dwende. I might as well stick to the classic styles like brogues and loafers. I think they look more mature.
Oxfords
Tumblr media
Loafers
Tumblr media
Alamin iba pang ang classic styles dito;
https://www.mrporter.com/journal/the-knowledge/everything-you-always-wanted-to-know-about-dress-shoes-but-were-afraid-to-ask/62
Konting add ons lang mga brothers para lalong tumaas ang points sa formal get up;
1. Pag formal event,  parter-an ng analog watch na may leather o metal strap ang get up. Huwag gumamit ng digital watch o sports watch.
2. Sa smart casual naman ay the best move ay chinos pants but do not wear cargo pants or anything similar.
3. Sa corporate attire naman ay iwasan gumamit ng tie na may pop culture theme o may prints na may reference to pop culture tulad ng Star Wars, Simpsons, Anime at lahat na. Cute, pero pustahan tayo, sisitahin ka ng Boss mo.
Be comfortable sa pagpili ng fitting ng suit. Di lahat ay binabagayan ng slim fit shempre lalo na sa mga di naman slim. Kung mas prefer mo ang medyo loose ay pwede naman but not too 80’s loose basta enough lang para maging comfortable ka.
1 note · View note
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Bahala Na Si Batman
Tumblr media
Di ko nga alam kung bakit meron pang nagugulat sa napakagulong Gotham city eh kasing gulo lang naman siya ng Pilipinas? Pero pano kaya kung tutuo talaga si Batman at nagkataon na siya ay Pinoy? Sarap siguro nun. Solve siguro ang corruption sa Pinas. Biruin mo gigising na lang tayo at makikita natin ang mga pasaway na mga pulis na nakalambitin na sa gitna ng kalye. Mga small time na kriminal sa kalye ay matatakot na sa kanya at kusa nang susuko. Mga untouchable na Drug Lord ay nalipon na at siksikan na siguro ang ating mga kulungan. At dahil nga di pumapatay si Batman ay ang mga pasaway na politiko ay pinutulan niya na siguro ng mga ng mga bird. Kaso may mga bagay na dapat din iwasan si Batman at ito ay mga kapitbahay na tsismosa, kasi kung di siya mag iingat ay malalaman nila ang tunay niyang pagkatao. Sa tindi ba naman ng pagka tsismosa ng mga ito ay walang makakalagpas kahit na super secured pa ang Batcave ng ating hero at iwasan niyang gumamit ng Batmobile dahil sa sobrang tindi ng traffic at baha, siguradong mahuhuli siya sa pag dating sa crime scene.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Usapang Spoiled Brat
Ang Eksena, si Kuya dala dalawa ang membership sa gym, Anytime Fitness at Gold’s Gym. Pagkatapos mag gym, shopping naman. Sa gabi sundo kay girlfriend dala ang malupit na sports car at mag di-dinner sa hotel. Pagkatapos ay nuod ng concert o a-attend ng party.  Pero si Kuya ay walang trabaho. So pano niya nagagawa iyon? Dahil isa siyang spoiled brat. Wala eh, mayaman si Mama at Papa. Pinalaki siya na di pinaghihirapan ang gusto niya.
Makinig mga sisters
Sa unang tingin ay masarap magkaron ng shota na spoiled brat, meron lahat, lahat ng ituro mo ay ibibigay sa iyo. Para kang naka jackpot sa lotto. Tapos andyan na, nagka anak kayo. Si boyfriend dahil nga sanay na isinusubo sa kanya ang lahat, hanggang magkaron ng pamilya ay asa pa rin sa magulang. Eh na deads si Mama at Papa, si boyfriend dahil walang alam sa negosyo, nalugi ang negosyo. Tapos ikaw ngayon ang nagtratrabaho para buhayin ang mga anak nyo. Si boyfriend, ayun nasa barkada, feeling binata pa rin. Oh ngayon sister na tauhan ka ba? Kaya ngayon pa lang ay mag isip isp ka kung sino ang pipiliin mo. Pumili ng lalaking simple lang pero nakikita mong may sipag at tumatayo sa sarili niyang paa.
Para sa mga brothers
Di dapat kinaiinggitan ang mga lalaking akala natin ay nasa kanila na ang lahat. Sa huli, kung alam mong ikaw ay nagsipag ay masasabi mo sa sarili mo na ikaw ay successful.
Sino ba ang dapat sisihin dahil naging spoiled brat si Kuya? Wala namang iba kundi ang mga magulang.
Sa mga magulang
Bro, Brad, Pare, lalo na sa mga talagang nakaka angat sa buhay, huwag palakihin ang ating mga anak na isinusubo sa kanila ang lahat. Maganda na paminsan minsan ay hindi nila nakukuha ang kanilang gusto;
a) Bigyan sila ng task at pag natapos nila ito ay makukuha nila ang gusto nila. Para maranasan nila at ma realize na ito ay pinag hihirapan.
b) Bigyan ng tamang panahon para ibigay ang bagay na gusto nila. Hintayin ang birthday, graduation o reward sa mataas na grades. Para matututo silang magkaroon ng pasensya
c) Kahit na afford natin ay maganda na huwag ibigay minsan sa kanila ang kanilang gusto lalo na kung alam naman natin na di naman nila kailangan. Para matuto silang magsikap.
Tandaan mga parents, sa inyo din ang balik nyan kung lumaki silang ganyan. Hanggang sa pagtanda niyo ay kayod pa rin kayo para lang may mapakain at mapaaral ang mga apo niyo. Imbes na kayo ay retired na at nag eenjoy sa inyong prime life eh kakatok sa pinto niyo ang anak nyo at naka bukas ang palad?
Para sa iyong Kuya spoiled brat
Mahiya ka sa balat mo. Na isip isip mo na ba na nakakahiya na meron ka nang pamilya pero umaasa ka pa rin sa mga magulang mo? Pero di mo naman kasalanan na ikaw ay lumaking ganyan. Kasalan ng mga magulang mo yan. Kung sa sarili mo ay alam mong ikaw ay spoiled brat ay di pa huli ang lahat. Bumalik ka sa pag aaral, ayusin mo ang buhay mo. Mahirap gawin pero kailangang itigil sandali ang mga luho. Humingi ng gabay sa itaas na ibigay sa iyo ang mga taong pwede kang gabayan.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
On Man Pouch
Tumblr media
Hindi talaga ako comfortable na magdala ng malaking phone (android) lalo na kung di ko naman kailangan magdala ng malaking bag. Ibig sabihin, kailangan kong ilagay ito sa bulsa. Sama tingnan na may nakabakat na malaking rectangle sa bulsa diba? Nowadays, maraming mga brothers ang nagdadala ng man pouch. Para sa akin lang naman hah, di ko rin thumbs up ang ganitong look. Feeling ko kasi, mukha akong nag papa 5/6 o ang mas malala pa, magmumukha akong isa sa mga bata ni Mayor na may lamang boga ang man pouch, tapos naka barong ka pa. Sama ng combination diba? Kung pareho tayo ng nararamdaman tungkol sa man pouch ay meron namang pwedeng solution.
Bakit hindi ka na lang magdala ng messenger bag or backpack kahit na meron kang dalang ride. Tutal naman ay sa panahon ngayon, parami na ng parami ang mga brothers na kung tawagin nila ay “metrosexual” at halos pumutok na rin naman ang mga dala nilang man pouch dahil sa kanilang mga dalang “man essentials.”
Para lagging handa sa gera, ito ang mga pwede mong ilagay sa loob ng bag besides sa iyong phone.
1.       Extra shirt - total ay mainit naman sa bansa natin. Lalo na kung mahaba haba ang iyong araw at may date ka sa gabi. Maganda ang may pangpalit para mag mukhang fresh
2.       Face towel -  mahalaga na paminsan minsan ay mag hilamos lalo na kung galling sa byahe para mag mukhang fresh.
3.       Mouthwash – Kung pwede ay maglagay ng maliit na bote ng mouthwash para laging handa sa pakikipag kwentuhan sa client o sa ka date.
4.       Konting crackers o biscuit – Sa sobrang sama ba naman ng traffic eh. Mahirap na ang malipasan ng gutom. Maglagay ka na rin ng maliit na bote ng tubig.
5.       Payong, raincoat o jacket – Ngayong panahon na buong taon umuulan. Bakit hindi diba?
Di bat mas cool ang mag bag na lang? Mukha kang busy bee at boyish looking? Manpouch, ipag pa ubaya mo na lang ang ganitong look sa mga nag papa 5/6. OK? Carry on.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Usapang Blogging
Success is not measured by how fluently you speak the English language. Tutuo naman diba? Eh, di sana walang namamalimos na Amerikano.
Ang gusto ko lang naman sabihin Bro, Brad, Pare, Kung meron kang idea na gustong i share ay sige lang. Basta ba maganda ang iyong layunin at makakabuti ang iyong contribution sa buong bayan, go ahead and blog. Maraming Grammar Nazis dyan na pati sa Facebook ay naninita pag mali ang iyong English. Hayaan mo sila, dyan sila masaya. Tandaan mo na habang sila ay busy sa pag correct ng english ng ibang tao ay ikaw naman ay busy sa iyong online business at kumikita ng malaki.
Sa pinoy lang naman big deal yan. Sa ibang bansa, basta ba marunong kang makipag communicate at nagkakaintindihan kayo ay ok lang.
Yung mga makakasakit sa kapwa, paninira sa ibang tao at pagkakalat ng mga di tutuong balita. Di magandang gawain yan. Kaya kung yan ang nilalaman ng iyong blog ay itigil mo yan. Mali yan.
Personal blog man yan o kunektado sa iyong business. Basta ba makakabuti sa iyo at sa buong bayan ay congratulations at salamat sa iyo Bro, Brad, Pare. Ipag patuloy mo yan.
0 notes
umayoskabrod · 6 years ago
Text
Ikaw ba ay nalulungkot?
Parte ng buhay natin ang paminsan ang minsan ay nalulungkot dahil may dinadalang problema, malaki man o maliit. Kaya nga may saya dahil nalagpasan natin ang lungkot. Minsan kapag tayo ay nalulungkot, may prinoproblema o minsan  ay may kasamang galit. Tayo ay nakakagawa ng hindi mabuti. Iwasan itong mangyari para tayo ay walang pagsisihan sa huli.
Ano ang pwede mong gawin kung ikaw ay nalulungkot.
Sa isang minuto
1.       Itigil ang anumang ginagawa
2.       Huminga ng malalamim
3.       Uminom ng tubig
4.       Makinig ng mga nakaka relax na music na nagdadala ng positivity tulad ng smooth jazz. Ang ilan sa mga artist na puro good vibes ang mga kanta ay tulad nila Jason Mraz at Jack Johnson
Sa isang oras
1.       Magpahinga at kung pwede ay matulog
          o
2.       Mag exercise, dito mo isabay ang pag tanggap sa iyong sarili na meron kang problema
3.       Maghanap ng kausap. Humingi ng guidance galling sa taas na iharap sa iyo ang taong karapat dapat na dumamay sa iyo sa iyong problema
Sa isang araw
1.       Iwasan ang mga taong nag daadala ng negativity tulad ng mga tsismosang kapitbahay, utak talangkang officemate, mga bastos sa kalye.
2.       Umuwi ng maaga sa mga minamahal, asawa, girlfriend, magulang, kapatid at sa kanila humingi ng payo. Minamahal meaning ay wala kayong samaan ng loob at maganda ang inyong samahan.
3.       Kung talagang mabigat ang problema ay mag absent kinabukasan sa school o sa work.
4.       Humingi ng gabay sa itaas.
Kung may budget ay mag relax. Manuod ng sine, mag shopping, kumain ng masarap.
Malalaman mo naman na kalmado o mahinahon ka na at dito mo na umpisahang harapin ang iyong pinoproblema. Yung pagkakataon na nasa matino ka nang pag iisip.
Kahit anong mangyari ay huwag gawin ang mga sumusunod habang may prinoproblema;
1.       Huwag manuod ng mga walang kwentang t.v. shows na puro negativity ang dinadala. Mga shows na walang kwenta tulad ng mga shows ng ABS CBN na walang mabuting naiduduot dahil puro nagpapakita ng kawalang hiyaan.
2.       Iwasan ang mga taong negative. (nabanggit ko na)
3.       Huwag magpakalunod sa alcohol. (Uso pa ba yan?)
4.       Huwag mag isip ng di maganda. Unang una, nandyan ang itaas. Ilang taon ka na? 20? 30? 40? 50? Ibig sabihin, umabot ka sa ganyang edad na nalampasan mo ang mga problema mo dati. Imposibleng di mo malampasan ang problema mo ngayon. May mga taong handang dumamamay sa iyo.
0 notes