toledorj-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
toledorj-blog · 5 years ago
Text
Dating Tayo
MAhal, naalala mo pa kaya?
kung paano tayo nag simula
kung paanong ang aso’t pusa
magaaway na lang bigla?
Yung mga panahong natotorpe ka pa,
may na lalaman ka pang “hinding hindi ka mahuhulog sa kanya”
Pero lumapit ka sakin at sinabi mong mahal kita.
Hindi ko alam kung anong sasabihin
pero isa lang ang alam ko “ako’y masaya”
Naaalala mo pa ba?
yung araw na pina sagot kita
di kita niligawan pero tayo na
gusto kong isigaw na “akin ka”
Eh yung mga panahong puro tayo problema
pero ang sabi natin walang sukuan diba?
lalaban tayo ng sabay diba?
mahal natin ang isa’t isa kaya lalabanan natin lahat nang problema.
Sobrang saya ko, hindi ka sumuko
pinag laban mo yung tayo
kahit hindi ako gusto ng mga magulang mo
Oo,pareho tayong babae
di pa ba sapat na ikay mahal ko
gusto ko lang na sumaya tayo
na aabot hanggang dulo
kasi ikaw lang ang mahal ko
at ang aking mundo.
Hindi ko naman alam na hanggang doon lang
ang sinasabing dulo ng iba.
Akala ko aabot hanggang kabilang buhay pa
kaso humihinga pa tayo nasa hukay na
yung alala nating dalawa.
Binaon natin ng sabay
kaso hanggang ngayon , ako’y nag hihintay
na bumalik ka at muling magpapatunay
Na love is sweeter the second time around.
Ang sarap balikan,
ang mga lugar na nag mistula nating tagpuan.
Yung dating tayo kung saan na buo ang mga pangako mo.
Yung mga pangako mong,
hanggang ngayon pinang hahawakan ko
yung mga salitang binitawan mo
na hanggang ngayon nageecho
parin sa utak ko.
Yung dating tayo,
na puro lang asaran at tawanan
iyakan, lokohan at pikunan.
Sa daming problemang nalagpasan,
bakit kailangang humantong sa hiwalayan?
dating tayo by rica joy toledo is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License. Based on a work at tumblr.com.

dating tayo by rica joy toledo is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.
Based on a work at tumblr.com.
1 note · View note