Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
KWENTUHAN SA BARANGAY IBABA
Hi, I'm Thomas from C-COM 2 and welcome to my blog about Barangay Ibaba in my kwentuhan with one of our barangay officials.
Barangay Ibaba
Barangay Ibaba is one of the twenty one (21) barangays in Malabon City
HAZARD IDENTIFICATION:
1. Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama sa ating barangay?
"Siguro pangunahing kalamidad na kinakaharap natin ay ang malakas na mga pag-ulan o mga bagyo na nagdudulot na mataas na pagbaha sa pamayanan. At ang mga sunog na karaniwang nangyayare sa ating barangay dahil sa mga buhol buhol na kuryente sa poste at pagkaiwan ng mga saksak o kandila na nagdudulot ng sunog."
2. Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
"Yung lindol, kahit na wala pa naman naitayang mabigat na pinsala ang lindol sa ating barangay, ay isa ito sa pinaka mapanganib na kalamidad na magdudulot ng malaking kasiraan sa mga estraktura at kukuha ng mga buhay."
3. Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna?
"Malalaman natin yan sa tulong ng mga eksperto tulad ng PAGASA at PHILVOCS na nagtatala at nagbabalita sa atin ng mga parating na kalamidad."
4. Gaano kadalas ito nangyayari sa ating pamayanan?
"Ang malalakas na bagyo ang madalas na nangyayari sa ating pamayanan, hindi lang sa ating barangay, pati narin sa buong bansa dahil nga sa pagdaan ng malalakas na mga bagyo, at naging karaniwan na sa atin ang suliranin na ito."
VULNERABILITY, ELEMENTS AND PEOPLE RISK ASSESSMENT
1. Saan ang may pinakamatinding mapipinsala? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
"Sa mga lugar na mabababa, dikit dikit ang mga bahay, marumi, at walang paghahanda at disiplina."
2. Kung tumama ang mga bantang panganib, sinu-sino kaya sa ating lugar ang pinaka-maapektuhan? Bakit kaya sila ang pinakamaapektuhan?
"Pagdating sa pagbaha dulot ng malakas na ulan, pinakamaaapektuhan ang mga mamamayan sa mababang at maruruming lugar dahil vulnerable sila sa mga pagbaha dahil na rin sa mga baradong kanal. Pagdating naman sa sunog, pinakamaaapektuhan ang mga bahay na dikitdikit dahil gagapang ang apoy sa bawat bahay."
3. Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
"Unang maaapektuhan nito ay yung kanilang mga tirahan at gamit dahil sa pinsalang nadudulot ng baha at sunog, at ang mga kalamidad na ito ay nakakasira sa kabuhayan ng mga mamamayan, lalo na sa mga nagtitinda."
4.Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
"Meron tayong mga evacuation center para diyan at nagbibigay tulong at shelter din ang ibang mga eskwelahan, courts at mga barangay hall."
5. Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
"Doon sa mga lugar na may poor housing o mga bahay na nasa dulo ng mga barangay at mga nahihirapan lumikas."
6. Anu-ano ang mga suliranin/problema na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan at pumipigil sa pagbangon mula sa pagkasalanta ng mga kalamidad?
"Isa ang disiplina, dahil sa mga katigasan ng ulo na hindi marunong mapanatiling malinis ang ating barangay na nagiging dahilan ng baradong mga kanal at mas mataas at mabilis na pagbaha, at sa mga jumper o nangingielam sa mga poste ng kuryente na nagdudulot ng pagsabog at sunog."
CAPACITY AND DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT
1. Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda/pag-iwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating?
"Nagsasagawa kami ng mga pagtuturo sa mga tamang aksyon na gagawin sa oras ng kalamidad at ine-encourage natin ang mga mamamayan na maghanda ng mga SOS o sandata on sakuna."
2. Ano ang nilalaman ng plano ng barangay pagdating sa sakuna?
"Nilalaman nito ang mga evacuation plan sa oras ng kalamidad na maapektuhan ng malaking pinsala at mga response team na tutulong sa ating mga mamamayan. Nandito ren ang badyet sa mga kagamitang gagamitin sa oras ng sakuna. "
3. Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao, serbisyo at kabuhayan na makabangon mula sa epekto ng kalamidad.
"Mayroong mga oportunidad katulad ng mga trabahong street sweepers at basurero na inaalok namin sa mga nangangailangan ng trabaho at panandaliang shelter para sa mga mabibiktima."
4. Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad?
"Ang mga kagawad at kapitan ng barangay ang nangunguna sa pagtulong ng mga nasalanta sa pamamaraan ng pagbibigay ng mga pagkain at iba pang mga tulong."
Hazardous Places
I consider these places hazardous because of the improper waste disposal which causes clogged canals that leads to higher and faster flooding, and the entangled wires and poor housing that will be dangerous if a fire occured.
Safe Places
I consider these places safe because of the shelters they offer during calamities thar provide evacuation sites for the victims, and clean roads that prevents further problems.
Best Practices
I consider as one of the best practices is the discipline of the people to follow rules and regulations that will benefit the community, and to pray always.
Reflection
During my interview with the barangay and the community walk, I saw the different problems in the community and the possible solutions that will solve these problems. And the realization of different series of calamities that might occur if we are not ready and prepared. And so I am enlightened and made aware about the different action plans to do under certain circumstances and the activities to prevent and minimize the casualties of these events.
Documentation
1 note
·
View note