theweakgamer
Nagmahal, nagTumblr...
15 posts
Para sa kanya...
Don't wanna be here? Send us removal request.
theweakgamer · 7 years ago
Text
5th and 6th month
hmmmm.. hindi pala ko nakagawa ng letter nung June302017 at July312017, reasons are; nung June30 kakabalik ko lang sa lugar kung saan ako nakatira, basically magkasama tayo sa palawan nung June25-28, so end up dahil sobrang saya ko hanggang ngayon 14-Aug-17 wala pa rin ako masulat HAHAHAHA! (masaya ko sa memories sa palawan kahit ung situation natin ngaun ay hindi ok dahil sa tinotoyo ka nnmn at kaninang umaga 8:28am nagmsg ka ng kailangan mo mapagisa (dahil sa simpleng hindi natin pagkakaintindihan kagabi)... ok bago yan HAHAHA! UN na nga wala ako nasulat nung june kasi sobrang saya ko HAHAHAHA! BASTA MASAYA KO! TAPOS nsa airport ako may regalo ka sakin na bag na sobrang gustong gusto ko at kahit ako hindi ko mabili para sa sarili ko HAHAHAHA! nung nakita ko na bitbit mo sobrang saya ko HAHAHAHA! Thank you baby! lovelove ^^ i know, masaya talaga ko, kahit ilang days lang tayo nagkasama, nalaman ko na ikaw ung babaeng gusto kong makasama sa buhay ko.... un ung naramdaman ko.. 
Half year - july 31 2017, nasa stage pa din ako na sobrang saya, namimiss ko lahat ng nangyari, naalala ko lahat... (ooppps! walang nangyari ano! HAHAHAHAAHAHAHAH! BASTA alam na natin pareho un HAHAHAHA!) wala akong masabi para sa July kasi balik nanaman tayo sa set up natin na LDR HAHAHAHA! aun pala, may mga times na hindi talaga tayo magkaintindihan or namimisinterpret natin ung isa isa, haizzzz. sad...
Ginawa ko tong sulat na to 14-Aug-17 3:40pm, and hindi ok ung status natin... dahil sa simpleng hindi pagkakaintindihan kagabi... im hurting kasi pag ganun lagi mong sinasabi na need mo mag isa, hindi ka pa ready mga ganyan and nasasaktan ako kapag ganyan sinasabi mo, kasi ako kahit anong ingat or kahit anong pag aalaga ko sa relationship natin, sayo isang iglap kaya mong bitawan ng ganon ganon lang, nasan na ung mga sinasabi mo na “hindi ka madali sumuko, hindi ka ngleletgo, mahal mo ko, kaya mo”, nasan na lahat yan? Dahil lang hindi ok ung emotions mo itatapon mo na agad ung relationship natin ng ganun lang? nagmessage ka pero hindi ko alam irereply ko, siguro nga kailangan mo ng time alone, para hindi mo din ako namimisinterpret  sa mga bagat na sinasabi ko sayo at para marealize mo kung mahal at mahalaga ba talaga ko para sayo... iba kasi ung sinasabi sa ginagawa at iba din ung sinasabi  sa pinaninindigan. sa nakita ko, sinasabi mo lang lahat pero hindi mo napapanindigan... mahal kita.... pinagpray kita kay God... hiningi kita kay God.... hindi naman ako sumusuko... baka need ko lang din ng time muna sa sarili ko ung ako lang kung saan ilang taon na nasanay naman ako magisa lang, ung wala ako dapat pag paalamanan, ung wala ako lagi kausap, ung pagpapasok na ko wala ako sinasabihan ng “good morning papasok na ko baby”, ung paguuwi na q from work wala akong sinasabihan na “baby uwian ko na ^^” at ung sa gabi pag matutulog na sanay naman ako na wala akong pinag gogoodnight-an “goodnight baby matutulog na ko”.... baka need ko lang ng time din para lang sa sarili ko... pero sa lahat ng ito, alam ko naman hindi kita matitiis, pero gusto ko sana hindi ka masanay na pag down ka or hindi tayo ok, ung pakikipaghiwalay agad ung option mo... feeling ko kasi wala akong worth sayo....
0 notes
theweakgamer · 7 years ago
Text
4th month
Happy 4th monthsary baby! HAHAHAHAHAHAH! Ang bilis talaga ng panahon… Sobrang bilis…
Hmmmm… This month, parang maxado kang nagpabebe HAHAHAHHA! Kidding aside.
Sobrang miss na kita.. May mga oras na sobra kitang namimiss bigla, pero wala ako magawa kundi maghintay sa right time.
Sabi nga diba “patience is a virtue” HAHAHAHAA!
Kahit nagsasawa kana siguro na imessage ako kasi parang paulit ulit lang ung mga messages na “goodmorning, ingat pagpasok, kain kana, ingat paguwi, goodnight”.
Pero para sakin hindi ako nagsasawa, dahil gusto ko ung ganun ka sakin, for me hindi naman need na every hour magkachat, pero ung simpleng goodmorning, ingat pagpasok, goodnight, sobrang saya ko na nun..
Naaappreciate ko ung mga ganung messages mo sakin. Sobra. ^^ Kaya sana wag ka magsawa kahit paulit ulit ung mga message 😉
Anyways see you next month baby! ^^ iloveyou!!!!
-yourloverboy
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
3rd
Happy 3rd monthsary baby HAHAHA! Tatlong buwan na HAHAHA! Etong buwan na to ung so far pinaka critical stage natin haha! May mga bagay tayo na hindi pinagkasunduan. For me, trust me, hangad ko lang ung makakabuti para sayo, pero siguro nga may mga bagay na we need to let it flow naturally instead na sabihin sayo. Ung tipong ikaw mismo ung makakaalam/makakatuklas na ganito dapat ganyan dapat. Hindi ko naman sinasabi na laging tama ung mga sinasabi ko, pero ang point ko gusto kong mapabuti ka. Pero siguro nga sa pagkakaiba na din natin ng age, pananaw, experience sa buhay, maaaring hindi din tayo magkaintindihan minsan. Pero pinipilit kong intindihin ka kahit hindi ko maintindihan. Kasi alam ko may sarili kang rason kung bakit ganon ung pananaw mo. I respect that. Siguro naging sobrang maalaga lang aq sau pagdating sa mga decision making mo to the point na gusto ko sundin mo ung sinasabi ko sa kadahilanang sa pananaw ko iyon ang tama na hindi ko na namalayan na “baka” controlling na ko. Sorry for that. Anyways moving forward, nalagpasan naman natin haha! As always lagi kong sinasabi sayo, “giving up is not an option for me” and sana ikaw din. Kung may mga bagay tayo na haharapin na hindi natin pagkakasunduan, please keep this in mind na hindi sagot ang pagsuko para maayos ang problema. Sometimes kailangan lang natin ng time para makapagisip at ayusin ung situation. Ayun baby happy 3rd monthsary again and mahal kita. Excited na ko makita ka ulit. Sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. HAHAHAHAHAHAHAH!!!  
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
2nd
Hi baby! Hahaha! Happy 2nd monthsary! Dalawang buwan na! ang bilis hahahah! Dalawang buwan ng pagsasama natin simula nung sinagot mo ko. Dalawang buwan na magkalayo tayo. Hmmmm eto buwan ng Marso2017 parang ang bilis lang. May nagbago ba? Haha! For me may nadagdag na konti, ung mga nangyayari sa family natin nalaman natin. Tapos nag birthday ka! Orayt! Hahaha! Hindi ko alam pero for me birthday is isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang tao kasi un yung araw na pinanganak ka ^^. Hope na naenjoy mo ung birthday mo at feeling ko naman naenjoy mo kahit sabi mo pag birthday mo parang normal day lang sayo, pero this year hopefully kahit konti napasaya kita sa simpleng gift ko ;))). Gusto ko din ng unan na ganyan! Nagpagawa ako dito kaso nagkaproblema! Ayon hindi din nagawa haha! Pero magpapagawa ako niyan, dadagdagan ko lang muna ung mga photos natin! HAHAHAHA! Aside dito, sobrang excited ako sa lakad natin sa June. Sobrang looking forward ako na makasama ka ulit, ayoko kasi mag countdown kasi maiinip lang ako haha! So habang magkalayo tayo, kagaya ng lagi kong sinasabi, pagbutihan natin ung mga ginagawa natin and mag grow tayo together (kahit magkalayo) para maging better us tayo. Malayo ka man sakin, I always pray to God na darating ung time na ung landas natin magtutugma na, same na tayo ng mundong gagalawan. I love you and sobrang miss na miss na kita kahit hindi ko lagi sinasabi. HAHAHAHA! ^^
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
first month
Happy first monthsary baby HAHAHAHA! Nakakatawa lang kc 28-Feb-17 ngaun pero sinagot mo ko ng 31-Jan-17, dapat kasi talaga 30 un kaso may nagpabebe HAHAHA! Anyways lets celebrate monthsary every end of the month ;).
 28 days simula ng maging tayo… hmmmm. Mas nakilala mo kaya ako? Or may mga realization kana kaya right now. Alam ko pakiramdam mo minsan hindi kita naiisip, hindi kita namimis.. Mali ka dun. NAMIMISS KITA AT LAGI KITANG NAIISIP. Hindi lang siguro ako maxadong vocal pag ganun…
 Realization sa part ko? Narealize ko, mahal kita HAHAHAHA!
 Simula palang to. Pero para sakin, kampante ako na makakaya natin to.. Alam ko sa part mo hindi madali. Pero with God being the center of our relationship, alam ko He will guide us in our journey.
May mga oras na sobrang namimiss kita, ung kamay mo, ung buhok mo, ung mukha mo, ung pagyakap mo sa braso ko, ung pagyakap natin sa isat isa… namimiss na kita… sobra…
Pero sa ngayon magfocus muna tayo sa mga sarili natin. Gusto ko mag grow tayo pareho kahit magkalayo tayo. Gusto ko maging successful tayo pareho sa mga landas na tatahakin natin. At alam ko in God’s time, He will make a way para sating dalawa.
 Mahal kita… Minahal kita, minamahal kita…
 “You make me want to live…Not survive; not exist. Live.”
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
14 days of being together (not literally)
hi baby ^^ 14 days simula nung sinagot mo ko para maging boyfriend mo. HAHAHAHA! seriously everything seems like a dream... minsan napapaicp ako... “may gf na ko”.. “ang tagal ko siyang hinintay”... “dininig ng langit ang mga dasal ko”... and now you’re here... in my heart... i thank God.. sobra, sa pagdating mo sa buhay ko.. alam ko its still a long journey for the two of us. Personal differences, distance, time, missing physical caress, celebrations and acceptance. Eto ung mga bagay na haharapin natin together.. It might affect our relationship but i know God being the center of our relationship, malalagpasan natin lahat ng to baby. Baby unti-unti makikilala pa natin ang isat isa, alam ko darating ung time mararansan natin ung mga “panget” na ugali ng isat-isa, ung mga pagkakaiba ng pananaw natin, but regardless of differences, please baby.. We have to be strong and pray to God for guidance. Baby nandito na tayo ngayon sa kasalukuyan.. Kung ano man lahat ng nangyari sa nakaraan bago tayo magkakilala, hindi na mahalaga un.. Tayo ngayon ang mahalaga... Mahal kita.. Hindi ko din mapaliwanag kasi hindi naman tayo lagi magkasama.. At ung pagkakakilala natin is very “millenial”.. Some people may think na dahil nagustuhan lang kita dahil maganda ka.. And i wont be hypocrite to say na “oo”. Initially napukaw ng ganda mo ung mata ko...Pero infatuation wont last.. Nung nakilala na kita at nakasama, at first, i was surprised.. Ang tumatakbo sa isip ko... “Hala, sobrang bata”, “hala bakit parang baduy (HAHAHAHA JUST BEING HONEST)” eto ung mga tumatakbo sa isip ko... Pero the moment na sinubukan kong hawakan ang kamay mo.. Hindi ako makapaniwala... Seriously eto ung first time na naransan ko na buong katawan ko nagkaron ng “spark”... And that special moment, naisip ko.. “ETO NAYON”.. “Sinagot ng langit ang mga dasal ko”... 
*itutuloy ko nalang sa susunod. magwwork muna ko ;)))
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
namimiss kita...
31-Oct-16 1:38pm
muntik na kong sumuko... pero every time na susuko ako, i have this feeling na “no” do
-biglang nagmessage siya sa messenger saka ko na itutuloy to. ^^
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
Para sa babaeng minamahal pa niya ung ex niya kahit may iba na…
24-Oct-16 9:37AM
Hmmm.. Alam ko common or normal na tong linya na “you deserve someone better”… Pero ganon naman siguro talaga pag nagmamahal, minsan hindi natin namamalayan nagpapakatanga na pala tayo… Normal lang yan at hindi ako against sa ganyan.. Maraming sasabihin sayo ang mga kaibigan mo na “move on friend, hindi siya deserve sa love mo” , “tama na iyak friend” at “madami ka pang makikilala”. Pero I know time will come na makakamove forward ka din sa situation mo nayan… It may take some time but I know you will… I may sound corny pero gusto kong kunin ung pain na nararamdaman mo nung nalaman mo na may bagong “gf” na ung ex-bf mo… Sobra kong nasaktan nang sinabi mo na “mahal ko pa rin ung ex ko at nasasaktan ako na may iba na siya, sorry hindi kita mabibigyan ng chance kasi mahal ko pa siya”… Parang gumuho ung mga pangarap ko na kasama kita sa hinaharap… Sobrang sakit pala… Wala ako magawa… Kahit anong tatag ko, kahit anong pilit kong maging matibay at that point, parang nawalan ako ng pag asa… Ano laban ko sa kanya… Siya ung taong nagpasaya sayo, siya ung taong minahal/minamahal mo ng sobra… Pero siya din ung taong dahilan ng pagiyak mo ngaun, siya ung taong dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon… Gustong gusto kong mapunta sakin ung attention na binibigay mo sakanya.. Gusto kong maging dahilan ng mga ngiti sa labi mo, maging dahilan ng mga tawa mo at maging dahilan ng muli mong pag saya… Pinatigil mo man ako na lubusan ka pang makilala… Pero wala… Nandito na ko…. Nandito na ko sa situation na gusto kong lumaban… Gusto kitang ipaglaban… Gusto kong tanggalin lahat ng sakit sa puso mo… Gusto kong ibigay sayo ung kaligayahan na hindi mo pa nararanasan.. Gusto kong mahalin ka ng sobra sobra… Gusto kong maramdaman mo na sa lahat ng nangyari sayo, pwede ka pa rin maging masaya na sobrang saya… Gusto ko… Gustong gusto kong gawin lahat ng to… Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon… Pero sa ngayon… Alam ko kailangan mo ng time para sa sarili mo… I’m giving you time to heal…. Hindi ako sumusuko at this point… Pipiliin kong magtiwala sa posibilidad na “kapag ok kana maaaring ako naman ung makita ng puso mo”…
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
26-Sep-16
Eto ung araw na napraning ako dahil sobrang “namimiss kita”. Hindi ako mapakali... Gusto kita ipm sa facebook kaso pinigilan ko ung sarili ko... Lalo lang akong masasaktan kapag sineenzoned mo ko or nakita kang online tapos hindi mo naman binasa ung message ko... Ikaw kaya? Namimiss mo kaya ako? Naiisip mo kaya ako? sad... ;(
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
Hello Monday ^^
hiii! so natapos ang weekend na chinecheck ko lagi ang fb niya... Ewan ko ba.. Basta makita ko lang siyang online talaga sa messenger masaya na ko.. ang babaw noh...
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
minsan mas masarap pa kumausap ng random na tao... kasi they won’t judge you... makikinig lang sila sayo... 
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
chance...
isang chance lang... bigyan mo lang ako ng isang chance para makilala mo...
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
tanga?
hindi naman ako tanga… alam ko naman na malabo tayo… nakilala mo lang ako sa fb… sino ba naman ako para pagkatiwalaan mo.. pero hindi ko alam kung bakit a part of me umaasa na baka may possibility…. oo.. umaasa ako… hindi ko alam kung bakit… walang dahilan…
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
missing you...
missing you...
naaalala kita… naaalala ko ung mga oras na kavideocall kita… naaalala ko ung mga oras na nagkkwentuhan tayo.. inaask mo kung ano ung ginagawa ko… ano ung kinakain ko… naaalala ko ung mga oras na kausap lang kita tapos ngtitiklop ka ng mga damit mo na hindi na natapos tiklupin haha! naalala ko namimiss na pala kita…..
0 notes
theweakgamer · 8 years ago
Text
Para sa babaeng gusto kong makilala...
Para sa babaeng gusto kong makilala...
“Pagkakataon”
I really don’t know what will happen pag nagkita tayo.
Right now? Hindi ako mapakali….
Magugustuhan mo kaya ako?
Magugustuhan kaya kita?
Worst scenario isa satin magkagusto at ung isa hindi….
Hindi ko na alam… Gulong gulo na ko…
Ang hirap pala ng ganito…
Ung feeling ng nagustuhan mo ung tao online.
Kasi hindi mo pa siya nakikita, nakakausap mo lang siya through chat, voicecall/videocall.
Literally hindi mo pa ramdam ung physical presence niya.
Pero ung feeling na pag magkausap kayo, parang ang gaang sa pakiramdam, parang alam nio sa isa’t isa na may something….
Though “you’ll never know until u meet that person”
Bakit kaya tayo pinagtagpo ng tadhana…
Anong meron sayo na dapat kong matutunan…
Bakit ka dumating sa buhay ko?
Bakit kita nakilala nung  mga panahong I feel so lost….
Maaaring dumating ka para samahan lang ako sandali para hindi ko maramdaman na naliligaw na pala ko ng landas o nagiisa ako.
May posibilidad na manatili ka sa buhay ko, maari din namang hindi.
Hindi ko alam, hindi ko na alam….
Pero ang alam ko lang, umaasa ako na ikaw na yung taong nakalaan para sakin…..
0 notes