#whenincamsur
Explore tagged Tumblr posts
coffee-writher · 3 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Napakaganda ng mga tanawin at dagat ng Ilocos Norte at Sur, at napakaganda rin ng mga tanawin at mga bulubundukin ng Bicol Camarines Norte at Sur.
Sa ilang araw kong pagstay sa Ilocos nung nakaraan buwan, madami dami din akong kapwa ilocano na nakausap tungkol sa darating na eleksyon, marami din akong mga magagandang establishments at pasyalan na napuntahan dito, at higit sa lahat, nagkaron din ako ng pagkakataon na makipag-kwentuhan sa mga tao roon. Ilan lamang sa mga nakakwentuhan ko ay si ateng caretaker ng beachfront hotel na pinagstayan ko, si manong na nagtitinda ng balot, at manong na nagtitinda ng ice cream.
Kung mapapansin niyo, sila ay mga taong nasa low to middle wage earners sa Ilocos, ngunit bakas sa mga mata nila ang galak na maging parte sila ng probinsyang ito.
"Ate, Kuya, Manong, kamusta naman po ang kabuhayan niyo dito sa Ilocos?"
- "agpintas ditoy kyat nagado turista, nagado tourist attractions lalo kapag peak season. Haan kami nazezero sa benta/kwarta, kaso kapag di peak season, basit lang turista basit din kita pero meron parin, haan kami nazezero."
- "maganda dito kasi madami turista ang nagpupunta dito lalo na kapag bakasyon, siksikan ang mga tao, di kami nazezero sa benta namin. Kapag nga lang hindi peak season, konti turista pero kahit papano meron parin."
Bukod sa mga tourist attractions sa Ilocos, napansin ko din kung gaano kamodernized na ang Ilocos, pakiramdam ko nga e hindi ako umalis ng maynila dahil kaliwat kanan ang restaurants, fast foods, mga supermarkets, at ATM machines. Sa katulad ko na hindi nagccash transactions at puro cards lagi ang dala dala, hindi ako nahirapan sa mga payment transactions ko dito. Masasabi ko din na talagang napaunlad ng mga Marcos, Araneta, at mga iba pang nakaluklok ang lugar ng Norte.
Magaganda rin ang mga bahay, karamihan sa mga nakita kong bahay sa Ilocos ay pagkalalaki talaga, yung iba naman ay napreserved ang kanilang mga sinaunang bahay pero makikita mong alagang alaga parin. Masasabi kong ang Ilocos ay kaysarap balik balikan lalo na sa tag-init at kung gusto mong magtampisaw sa mga magaganda nitong beaches.
Ano naman ang mga negative na narinig ko? Hmm... Halos wala akong maalala, pasensya na pero wala talaga. Siguro iconsider ko nalang na negative ang mga lapses ng mga Marcoses base sa balita.
Dumako naman tayo sa pamamalagi ko dito sa Bicol. Oh, wag ka muna mag-react at sabihin biased ako ha, iniendorse ko lang naman ang kagandahan ng parehas na lugar.
Sige, basa paibaba! 😊
Pag-pasok na pag-pasok ko palang sa baluarte ng Bicol Region sa Camarines Norte, naiiyak na ko sa sobrang ganda ng mga tanawin, mga bundok, at mga bukid. (Literal yung iyak, nakahelmet ako non kaya di kita haha) Ito ang kauna-unahan at pinakamalayong probinsya na narating ko. Hanggang sa narating na namin ang Camarines Sur.
Sipocot, Pili, Naga, Nabua, Legaspi, Albay, ito ang ilan sa mga lugar na nalibot ko dito sa Camsur sa loob ng pang-5 araw ko na dito. (Syempre salamat sa kaibigan namin na si TOTO'Works, follow niyo sa YT haha, at sa family niya na sobrang accomodating, anlaki ng natipid namin sa lodging kasi pinapastay kami dito for FREE, yes ganyan kagenerous sila dito) bukod sa pagiging generous ng mga bicolano, masarap din sila magluto (masarap din magluto ang mga Ilocano pero medyo kuripot kami hahaha) Ilan sa mga bagong pagkain na natikman ko dito ay
Pansit loglog, kinalas, pancit bato, okoy na hipon, pinangat, take note lahat yan ay niluto at timimpalahan gamit ang mga fresh na rekado, at ng hindi nagamit ng mga sangkap na powder powder na tulad ng gamit natin sa ciudad.
Apakasarap din maligo sa poso, feeling ko bumalik ako sa pagka-bata. Ang ganda ng Antipolo Baao, ansarap magpicnic sa tuktok ng bundok, halos tanaw mo na ang buong Bicol region, ansarap din magkape doon lalo sa umaga. Hindi mainit sa tuktok ng bundok ng baao dahil napapaligiran ito ng mga puno at may kubo sa tuktok. (bahala kana mag-imagine) 😊
Ang ganda ng Mayon! Yun drawing ng Mayon noong bata ako, naput into reality na sa mga mata ko after 24 years! Yes, 24 na ako at first time kong makita ang likas na ganda ng Mayon Volcano. Masasabe ko na ang mga tanawin dito sa Bicol ay hindi nakakasawang balik balikan.
Medyo nahirapan lang ako dito pag-dating sa mobile network, internet, at payment transactions. Para sa isang negosyanteng katulad ko na 24/7 ang service, nahirapan ako makipagtransact sa mga clients ko dahil sobrang hina ng signal. Kailangan mo pa lumabas ng terrace para magka-signal. May mga clients na tuloy na G na G sorry naman, next time sa tower na ko titira para malakas signal haha😂 Iilan lang din ang mga nadaanan kong ATMs, karamihan nasa bayan pa. Hindi rin lahat ng establishments dito ay tumatanggap ng card transaction (swipe pa more! 🤦😅) Kaya medyo nahirapan talaga ako ng very light.
Naobserve ko din na hindi pa ganon ka-modernizado ang ilan sa mga lugar, karamihan ng mga households dito ay nananatili parin sa pagsasaka at talagang karamihan ay hikahos parin sa buhay 🥺 May mga iilan na medyo mauulad na ang buhay base sa kanilang mga tirahab pero bandang bayan pa. Ang karamihan sa mga kalsada ay kahit patag na, e malubak parin, signs na hindi masyado namemaintain ang mga kalsada.
Para sakin panananaw, mas mainam na maganda ang kalsada ng isang lugar para sa pag-taas ng economy ng isang bayan. Bilang isang turista din kasi sa lugar, nakakagiliw bumalik balik sa isang lugar kung smooth ang pag-punta.
Ano naman ang mga negatibong narinig ko? Meron lang isa. Hanggat maaari ay hindi sana ako makikipagusap dito ng tungkol sa eleksyon or kung sinong kandidato ang iboboto ko dahil gusto ko ng bakasyon at stress ako sa reason ng pagpunta namin dito, pero yung tita ng kaibigan namin tinanong kami if sino iboboto namin. Hindi ako sumagot, pero yung friend namin sabi niya BBM daw.
Ito naman ang sagot ng tita niya: "Kami LENI kami, kasi Bicol e. Parang nakaka-ano (nakakahiya siguro) kung hindi si Leni ang iboboto. Taga-doon yan sa Naga."
Hindi ako umiimik kasi ayokong makisali sa usapan hahahah usapang pang-pamilya ang tema. Pero sa loob loob ko, mas maigi sana kung ang mga tao dito ay boboto ng hindi base lamang sa pagiging kapwa Bicolano nila sa isang kadidato, mas mainam siguro na mas magkaroon sila ng kaalaman patungkol sa kredibilidad ng isang kadidato at hindi lamang dahil taga-rito kaya nila iboboto. Sa kabilang banda, nakakatuwa lang na kahit may mga tao akong kasama na magka-iba ang kadidato ay nanatili silang kalmado, instead na mag-away or debate, nagbiruan sila at nag-dadasal nalang sila na kung sino man sa dalawang kandidato (BBM or LENI) ang manalo ay sana magkaron na ng kaayusan talaga ang bansa.
So anong point ko dito? Wala lang, gusto ko lang ng gulo. Charot! 😂 De' gusto ko lang sana malaman niyo kung gaano kaganda ang Ilocos at Bicol, Norte man yan or Sur. At sana tularan niyo yung ganitong pamilya na nasasaksihan ko ngayon dito. Buong Angkan na LENI ang iboboto at may ilan sila ditong BBM naman per walang away or gulo na nangyare sa pagitan.
Next stop, Caramoan Island. 😂🥰
4 notes · View notes
jessaalfelor · 3 years ago
Photo
Tumblr media
I shore do love this view ⛰️🌊 #daruanakisland #pasacao #whenincamsur #beach2021 #ocean #seaislife (at Daruanak Island, Pasacao, Camsur) https://www.instagram.com/jessaalfelor/p/CXOM972lMz8/?utm_medium=tumblr
0 notes
dasiadee · 7 years ago
Photo
Tumblr media
I shall return👌 . . #dyzatrips  #whenincamsur #sabitanglaya #caramoan  #sicamsur  #travelph (at Sabitang Laya Island, Caramoan)
1 note · View note
imricaarchivido · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Maundy Thursday #WhenInCamSur (at Naga Cathedral)
0 notes
bangsmercenes · 7 years ago
Photo
Tumblr media
this starfish has no life. :( #WheninCamSur #caramoanwalaperomeronmeronmeron
0 notes
rgamores · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Overlooking Pasacau Beach 😍👌 #WhenInCamSur #workation (at Pasacao, Camarines Sur)
0 notes
youcancallmesupergirl · 8 years ago
Photo
Tumblr media
#whenincamsur #wayback ❤️
0 notes
jessaalfelor · 3 years ago
Photo
Tumblr media
I can sea clearly now 🐚🌊👒 #whenincamsur #camarinessur #bicolsbest #dagat #beach https://www.instagram.com/p/CXA8n5pFOw4/?utm_medium=tumblr
1 note · View note
dasiadee · 7 years ago
Photo
Tumblr media
good vibes happen on the tides 😜 . . #dyzatrips  #whenincamsur #sabitanglaya #caramoan  #sicamsur  #travelph (at Sabitang Laya Island, Caramoan)
0 notes
awe-inspiringphotos · 9 years ago
Photo
Tumblr media
It's all about loving and accepting myself, being confident, and knowing that I am truly loved by the people I love the most. 😍🙈🏝 #whenjamtravels #regionV #whenincamsur (at Hunongan Cove, Caramoan Islands)
0 notes
rgamores · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Calm. Peaceful. CamSur. #WhenInCamSur #workation #Pasacao (at Playa Del Sol Beach Resort)
0 notes
jessaalfelor · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Beach bum 🏄‍♀️🌊🐚 #beach2021 #wheninCamSur #seascape #seaislife (at ARBEN Residence & Resort) https://www.instagram.com/p/CVIDhgzFY1n/?utm_medium=tumblr
0 notes
dasiadee · 7 years ago
Photo
Tumblr media
tita moana 🌼🌴🐚 . . #dyzatrips  #whenincamsur  #caramoan  #cotivasisland #sicamsur  #travelph
0 notes
awe-inspiringphotos · 9 years ago
Video
What a breathtaking scenery! Caramoan is simply ❤️! #whenjamtravels #regionV #whenincamsur #nature (at Hunongan Cove, Caramoan Islands)
2 notes · View notes
rgamores · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Goodmorning Cam Sur! 🤘#WhenInCamSur #workation (at Playa Del Sol Beach Resort)
0 notes