#tas ayaw nalalamangan
Explore tagged Tumblr posts
Text
I dont like what ive become...
Academic achiever nga toxic naman
#average lang nman#// maple#wala aqng kwentang tao lmao#tas may fomo pa#tas chronically online pa#tas ang taas ng pride#tas ayaw nalalamangan#tas di naman marunong magsabi ng mga hinanaing#eh kung mmtay n lng kaya#wala nang alam gawin tama#magsasayang pa ng pera sa degree na hindi naman alam kung kikita ng pera#eh hindi naman siya matapang#takot naman siya magtry#mmtay k n fls#kadiri
0 notes
Text
Anong klase kang KAIBIGAN?
Marami ang klase nang Kaibigan: 1. May kaibigan na karamay mo sa lahat nang oras at pagkakataon. Ke mahirap o masaya andyan siya parati palaging nakaalalay sa'yo kahit na anong mangyare. 2. May kaibigan na kaibigan ka lang pag nagkikita kayo pero mga walang paramdam. Ni "Hi o Hello" kahit sa messenger lang wala. O kahit man lang like wala. Pero pag nakita ka akala mo super friends kayo. 3. May kaibigan naman na naaalala ka lang pag may kailangan. Dinedeadma ka pag walang ganap sa buhay nila pero pag nangailangan sila feeling close at bff's na ulit kayo kung makahingi nang favor. 4. May kaibigan na kapag naiinlove nakakalimutan ka. Pag single parang super friends kayo, hindi kayo mapaghiwalay. Pero pag nagka-lovelife na, madalang pa sa patak nang ulan pagkikita nyo. Lagi syang busy kuno pero pag namrublema sa jowa, babalik sa'yo para sabihin lahat nang sama nang loob nya. 5. May kaibigan ka sa trabaho na super close kayo sa opisina pero paglabas ni hindi mo na makontak kasi may pinagkakabusy-han daw. Dami kuda sa buhay pag nasa opisina kayo pero pag-out nyo hindi ka man lang kasama sa mga lakad niya. Not unless team building nyo. 6. May kaibigan din na isang tawag o text mo lang andyan na. Handa kang tulungan o damayan o samahan kahit saan man. Hindi nagmamadali sa oras at hindi maiinip na kasama ka. 7. May kaibigan na mahilig sa libre. Yung busy busy kunwari pag niyaya mo pero pag sinabi mo ang magic word na "my treat" mabilis pa sa alas kwatro bihis na sya at biglang hindi na busy. 8. May kaibigan na pabebe. Yung mga papilit. Yung andaming arte. To the point ang sarap sampalin o ingudngod ang mukha sa lamesa. Sasama sama pero ang dami pang arte. O dili kaya sasama din kailangan pang pilit pilitin. Pa-importante ang peg. 9. May kaibigan na laging late. Yung sasabihing "on the way" na pero naliligo palang. In short paghihintayin ka nang 1 hanggang 2 oras. Isinasapuso nila ang Filipino time. 10. May kaibigan na ang hilig umutang pero hindi naman nagbabayad. Pag sisingilin mo andaming rason at sila pa ang galit. Pero kung makapag post sa social media eh may bago siyang bag/sapatos/damit/gadgets o kaya naman nagtravel sa ibang lugar o kaya kumain sa mamaling restaurant. 11. May kaibigan na know-it-all. Andaming alam. Lahat nang topic alam niya kuno. Tsismis man o hindi. Pero pag tinanong mo naman sasabihin na nakita nya sa ganun or nangyare kay ganyan. Akala mo naman naexperience nya kung makapag kwento pero nasagap lang naman din pala nya sa iba. 12. May kaibigan din na mahilig sumawsaw sa usapan nang iba. Parang kaibigan na know-it-all din. Lahat alam niya. To the point na maiirita ka na kasi andami nyang ikukwento kahit alam naman ninyong lahat na hindi siya kasali sa usapan. 13. May kaibigan din na madrama sa buhay. Yung parang ang bigat bigat nang mundo para kanya. Yung hindi na nawalan nang problem kaya pag nakausap mo kahit sing ganda ni Liza Soberano ang feeling mo ay papangit pakiramdam mo kasi puro kadramahan at bad vibes nasagap mo mula sa kanya. 14. May kaibigan ding KJ o kill joy kung tawagin. Yung lahat kayo nagkakasayahan tas bigla nalang siya aariba na uuwi o aayaw kahit lahat gusto. Sarap sapakin di ba? Gusto lahat mag adjust sa kanya. Panira nang mood at araw ang peste. 15. May kaibigan ding war freak. Yung lahat aawayin. Basta taliwas sa gusto niya at feeling na inargabyado siya o nabastos, mang-aaway nalang bigla. Walang pasensya sa kapwa. 16. May kaibigan din naman na tanga. Inaabuso na nang iba o nang jowa nya kahit kulang nalang iuntog mo ulo nya sa pader ayaw ka paring paniwalaan. Mas pipiliin parin nyang makisama sa mga umaabuso sa kanya. Kaya ending hihintayin mo nalang magsabi siya sayo na pagod na siya at iiyak at sasabihing "tama ka. sana nakinig ako sa'yo noon". 17. May kaibigan din na may amnesia. Yung kulang nalang ilaban mo siya na patayan at tulungan siya sa lahat nang pinagdaanan niya pero nung umayos na buhay niya hindi ka na niya kilala. Ni kamustahin wala ka nang maririnig sa kanya. In short, ginamit ka lang. 18. May kaibigan din na walang utang na loob. Nung walang wala siya ikaw ang takbuhan. Kahit anong oras andyan siya basta ikaw taya at bahala sa kanya pero nung lumuwag at yumaman, di ka na kilala. Parang kaibigan na may amnesia din. Dahil yumaman yung mga mayayaman na din ang gusto nya nakakasama. Yung iiwasan ka nya sa mall kahit alam niyang nakita mo siya. 19. May kaibigan ding social climber. Yung saksakan nang yabang sa mga bagong gamit at mga napuntahan niyang lugar pero saksakan din naman nang dami nang utang. Yung pangkain o yosi lang uutangin pa sa'yo kahit pareho lang naman kayo nang sweldo. Sila yung pag close to payday kunwari diet na sila pero sa totoo saktong pamasahe nalang nila pauwi pera nila. 20. May kaibigan din na sobrang takaw. To the point na nakakahiya nang kasama kasi hihingi pa nang take out. Yung tipong nag iinuman kayong magbabarkada pero siya ginawang buffet ang pulutan nyo. Sarap sakalin. 21. May kaibigan ding sinungaling. Yung kung ano ano sasabihin pero aamin din sa huli. May pa-swear swear pang di na mauulit pero pang 4th or 5th time na nya ginawa. 22. May kaibigan ding pikon. Yung tipong kapag siya tinira ka nya dapat okay lang at tawanan lang kayo pero kapag binalikan mo siya magiging sensitive at hindi ka na kikibuin kasi napikon daw sya sa banat mo. Galing ano? 23. May kaibigan ding mataas ang ere o yung mahangin. Yung pagkausap mo daig pa ang number 3 sa electric fan sa lakas nang hangin. Kung ano ano kayabangan sinasabi kahit hindi mo naman tinatanong. Di niya alam ang salitang pagiging "humble". 24. May kaibigan din na pabida. Gusto siya lagi center of attention. Yung ayaw patalo kapag may bumabangka. Gagawa at gagawa siyang eksena para lang makuha ang moment. 25. May kaibigan ding inggitera't inggitero. Yung may makita lang na bago syo kung ano ano na sasabihin na nabili mo sa sale o kanino mo inutang pambili nyan? Hindi siya masaya sa success mo dahil ayaw niyang nalalamangan. Gusto nya either pantay kayo o mas mataas sya sayo. 26. May kaibigan ding "palitaw". Yung lulubog at lilitaw nalang bigla. Yung bigla mo nalang di makontak tas bigla din naman susulpot lalo na pag may problema sya. 27. May kaibigan ding ilusyunada. Yung may maka-chat lang sa internet boyfriend na daw nya. Yung may mga imaginary lovelife kuno. Pero wala namang mapakitang picture na magkasama sila. Super kwento pero pag hiningan mo nang picture nila together wala naman. 28. May kaibigan din na dumaan lang sa buhay mo. Yung tipong fairweathered friends lang. Dumating para maging lesson lang sa buhay. 29. May kaibigan din namang ang sarap kasama. Yung lahat masaya lang. May problema man o wala basta't kasama mo siya tawanan lang. Green jokes madalas pag usapan at kayo kayo maglalaitan. Nakakagaan nang loob kasama. 30. May kaibigan ka na kahit di man kayo madalas magkita o magkasama pero pag nagkita kayo parang kahapon lang. Yung tunay na kaibigan na pinapalakas loob mo at walang humpay na tawanan pag nakausap mo. 31. May kaibigan din na parang kapatid o kapamilya na turing sayo. Yung hindi ka niya pababayaan kahit anong mangyare. Yung kasangga mo ke tama o mali ka andyan parin siya para gabayan at suportahan ka. 32. May kaibigan ding plastik. Yung pag kaharap ka sobrang bff's daw kayo pero pagtalikod mo sasaksakin ka nalang bigla o ibebenta, itsitsismis. Pasimpleng natutuwa sa mga downfall mo. Nagkalat mga yan kaya beware. The list is endless. Pero ang importante ikaw naging totoo ka sa kanila. Naging tunay kang kaibigan kahit ano pa man ginawa nila sayo. Dumating man ang araw wala silang masasabi kasi naging totoo ka sa kanila. Ikaw sinong kaibigan ka?
1 note
·
View note