#tangina talaga naiiyak nalang talaga ako
Explore tagged Tumblr posts
Text
duterte's senate hearing is a shande, he spits on the EJK victims and their families. it is undas week, and instead of having the time to mourn their dead, the country must face the inclement weather to cry and protest for justice.
3 notes
·
View notes
Text
Totoo palang liliparin ka talaga ng hormones mo. Bigla nalang akong naiiyak kasi halo-halo nararamdaman ko tapos hindi ko malaman kung bakit.
Nakakapagod makaramdam ng ganito araw-araw. Sobrang hirap magbuntis. Buong araw kang lambot, nasusuka, wala gana sa lahat pati pagkain. Di ka makatulog kasi pakiramdam mo gutom ka na lambot ka na dehydrated ka. Pagod ka kahit wala ka pang ginagawa. Ilang linggo na akong hindi man lang maka-enjoy ng mga pagkain nang maayos, palaging sa dulo, makakaramdam ako ng kung anu-ano. Ang daming nasakit sa katawan ko. Iritableng iritable ako buong araw hindi ko naman malaman kung bakit. Pakiramdam ko walang nakakaintindi sakin, walang may pake sakin. Nakakamiss yung sarili, at tangina wala pa akong 3months buntis pero ganito na agad.
😭
7 notes
·
View notes
Text
Kagabi nung nagpprepare kami if magpapa-lash extension, ang weird pero nagwworry na ako sa masasabi ng parents ko, specificallty yun nanay ko kasi alam ko may masasabi at masasabi. I just thought to myself, "why should I worry, eh I'm doing this for myself?" pero di ko pa rin matanggal sa self ko na isipin or i-overthink un sasabihin nila.
I guess, this is what they inflicted on me, un palaging magwworry for what they'll say and its even harder when you're an adult kasi instead of going for whatever you wanted, you'll always worry eh, nahihirapan ako to go wherever, do whatever.
Tapos tama nga ako, ngayon morning nakita nila, ayun, may sinabi na naman, kesyo gumastos para lang don, di naman daw aabay, wag daw ako makigaya sa ibang tao, etc.
EH ANO BA GUSTO NYONG GAWIN KO? Bawat hakbang nalang na gusto ko, may masasabi kayo, di ko naman to ginagawa para sa inyo. Hindi ko alam ba't kailangan pa sabihin un mga ganun. Mga times like this, gusto ko na talaga lumayo or never engage with them kasi ang dami talaga ng mga naiinflict nila sakin na nakaka-affect sa growth ko as an individual. Sometimes, I wish they're more open minded to things. Minsan naiinggit ako sa parents ng ibang friends na sobrang open-minded, un parang barkada lang ganun.
Tangina. Kakagawa lang ng lashes mo pero naiiyak ka lang naman. Nawalan tuloy ako ng gana magtrabaho.
Ang weird kasi it should be coming less from your parents pero madalas sa mismong magulang mo pa naririnig un mga ganyan.
0 notes
Text
031823
Good news!
Di na ako umiyak para sa kanya. I mean, umiyak ako pero di na masyado. Lalo na nung nalaman ko na may gf siya. Minsan naawa rin ako sa sarili ko kasi alam mo yung di mo talaga maiwasang umasa. Kahit sinasabi mo sa sarili mo na wala lang talaga. Deep inside meron talaga. And ayun na nga. Before niya nabanggit na may girlfriend siya, wala lang tulyo tuloy na kwentuhan. Nilibre pa ako ng tim hortons. Tas after nung week na yun eh mga 2 weeks din kami di nagkita. Di ko alam na mag absent siya eh todo porma pa ako haahha nag beanie pa ako tangina para cute ako. Di naman pala pumasok. After nun ayun hahahah nag midterms and nagpaturo siya, siyempre kahit naasar ako na may nagtatanong sakin habang nag rereview ako, masaya ako kasi siya AHAHAAHAH. Pero ayun magkatabi kami sa exam tapos tinulungan ako habang exam WAHAHAHA kilig naman ako taena. Naawa lang ako kasi 57 siya. Sana umattend siya sa bonus marks na class kaso yun yung araw na absent siya. Oks lang naman. Pero mga panahon na yun, alam ko na na may gf siya nun so di na rin ako umaasa. Sadyang happy crush lang.
Sabi sa tiktoks na napapanood ko, mamemeet ko na daw soulmate ko. Deep inside umaasa ako sa si M to. Kahit meron siya. Sa sobrang tagal ko nang di naiinlove, gulat talaga ako nantinamaan ako. Tapos triny ko pa iananalyze kung limerence lang ba to or inlove talaga ako. It looks like inlove talaga ako. And now, heartbroken nanaman. Pero dahil strong independent man ako, di ko na masyado dinidibdib. Ang theme song ng aking buhay ngayon ay Asan Ka Na Ba by Zack Tabudlo and Cupid by Fifty-fifty. Parehas dinedescribe katangahan ko. Umaasa kay cupid and nagmamanifest ng magmamahal sakin. Pero kahit ganun pa man, iniisip ko na mas maging hopeful. Sana talaga ibigay na ni God to sakin and ng universe yung forever ko. Minsan talaga… ay di pala minsan. Lagi pumapasok sa isip ko kung bakit di ako gustuhin. Nawawala na rin confidence ko. Finefake ko nalang hahaha. Ang wrong timing pa kasi recently finollow niya ako sa insta. Nakita ko gf niya. Ang ganda haha. Gets ko kung bakit sila naging sila. Alam ko naman lagi na wala ako laban kasi straight yung crush ko so wala talaga 😅.
Anyways, sobrang gulo ng train of thoughts ko. Wala naman kasi ako mapagsharan neto kaya tinatype ko nalang dito 🤣. Feel ko naggogrow na rin ako as a person, kasi di na ako masyadong nasasaktan or naiiyak. Actually di ko alam, either mas maayos na ako magprocess ng emotion or mas naging manhid nalang ako. Either way nagwowork naman and di na ako umiiyak.
Pero eto, letter para kay M. Ibubuhos ko na lahat dito para after neto, okay na ako (i think). Pipilitin ko. Lagi naman heheheheheeheeheh
Yo M,
Thanks for being a good friend to me. I remember you saying that you never really talk to any of your classmates because you think that the friends that you make in school are just temporary. I hope you find me a friend you can talk to and keep even after this term. You said you weren’t taking classes this summer (which is a bummer because I really wanted to see you again), but I get it - you are young, you have a gf, you have money to spend on trips, and you are independent. After this term, I probably won’t be seeing you again. I just wanted to say thank you for making me feel the spark of love again. This sounds so cheesy - I know. But it’s been so long since I’ve felt this feeling, and it really made me happy knowing that I can love again. I learn to care for myself more because I want you to notice me. And now, I take care of myself because I feel confident when I do it.
Anyways, what I’m really trying to say is I like you. A lot. So very much that I can literally feel it in my chest and cloud my thoughts. I want you so much that I can on replaying my memories of my sneak glances at you when you are on your phone or looking at your screen. I love the way your eyes express your feelings. I love your smile, your curly hair, and your laugh. And frankly, everything. Thank you for trusting me enough to share some of your life stories with me. I hope you continue to excel at your job, be safe, and be happy. And also, congrats on being sober. I also hope you reconnect with your God again.
Again, I probably won’t see you again, and you’ll probably forget about me a few days after this term, but I won't. I’ll always remember you. I remember everything.
Anyways, let’s fucking finish this subject, okay??! WOOHOO 🔥🔥
A
0 notes
Text
HAIKYUU BOYS AS LEADING MEN ON CLICHÉ WATTPAD PLOTS (Filo)
-> DON'T JUDGE 😭 I had a convo with my bestfriend, it's too good to miss.
-> characters. Bokuto Kotaro and Atsumu Miya
-> warning. sadly, this is mostly haikyuu x f!y/n kasi 'yun norm ng filo Wattpad before. unprotected sex. unwanted pregnancy. murahan. patay ang parents ni y/n
-> dedicated to. [ gen. taglist ] @nakizumie @kirakirasaku @gayerthanthee @mirakeul. to Miss Alya and bh13 @kerokenma @xxlightsaberxx kasi naaalala ko interactions ko sa inyo dito. And to Dino bb @dinosaurtsukki kasi naaalala ko kapitbahay hcs namin HAHAHAHA
-> CLICK HERE FOR TSUKISHIMA'S AND AKAASHI'S!
BOKUTO KŌTARO: BABYMAKER PLOT
Listen...
Corporate heir si Bo ng 69 chain of hotels ng Kōtaro Corporations 😭
Malapit na mamatay ang papa niya kaya naturally (no, not really. just patriarchal), dahil siya lang ang lalaki sa kanilang magkakapatid, siya ang magmamana ng LAHAT PERO
He needs to have a baby
Or else, hindi mapapasakaniya ang mana.
WHAT THE FUCK SAAN SIYA KUKUHA NG FUCKING BABY NA MAY FUCKING GENES NIYA?
Kapatid niyang di masyadong matino: kidnap nalang tayo ng bata?
Bokuto: Pwede pero masyadong magastos.
Ate niyang matino: Hanap ka ng babymaker
Bokuto: Tangina di ko naisip yan
AND SO HE MEETS YOU: A CONVENIENTLY BROKE COLLEGE STUDENT NA PINAALIS SA DORMITORY NA TINITIRHAN MO DAHIL WALA KA NG PERA AT WALA KA NG PAMILYANG TUMUTULONG SAYO KASI (headcanon lang po for the sake of plot) WALA NA ANG PARENTS MO AT WALANG SILBI MGA TITA'T TITO MO
You were on the streets nang malapit kang mabangga ng fucking car ni Bokuto dahilan para dalhin ka niya sa mansion nila (hindi sa ospital, ha?)
And that's where the proposal inserts...
Bokuto: Listen...I need a baby
Ikaw na literal na wala sa tamang pag-iisip kasi wala kang pera at walang bahay: 👁️👄👁️
Bokuto: Ah, pwede ka bang maging...nanay ng baby ko?
Ikaw (2): 👁️👄👁️
PUMAYAG KA SIYEMPRE KASI MAY PROS: SA KANILA KA TITIRA, AT IPAG-AARAL KA
Tapos as time went by magkakadevelopan kayong dalawa at sa hindi malamang dahilan, palaging napopostpone pag eut niyong dalawa kasi fluff > smut HAHAHAHAHAHHA
Getting to know ganern. Mas mukha kayong bagong mag-asawa kesa sa babymaker HAHAHAHHAHAHA
Hanggang sa bumalik ang ex ni Bokuto na buntis pala at siya ang ama dahilan para masaktan ka kaya lumayas ka only to find out na buntis ka rin boom animal nasingit ni author ang eut in discreet para plot twist kunuhay sana all brainy ano po
TAPOS AYAW MONG SABIHIN KAY BO NA BUNTIS KA KASI TAKOT KA NA DI NA TATANGGAPIN NI KO ANG ANAK MO KASI MAY ANAK SIYA SA EX NIYA LIKE DUH ANO BANG LABAN MO SA EX KALOKA
PERO SI BO, MAHAL NA MAHAL KA. At ikaw ang pipiliin niya forever.
Pinadala niya ang mamahaling choppers niya para mag-scout sa buong Pilipinas, my friend. 10 sa Luzon, 10 sa Visayas, at 10 sa Mindanao SANA ALL
HANGGANG SA NAHANAP KA NIYA AT NAKITA NIYA ANG CUTIE PATOOTIE BABY BUMP MO
He was so shock na nabitawan niya ang dala niyang roses (kasi akala niya nagtatampo ka HUHUHU MUST PROTECC) at naiiyak na lumapit sayo
Tapos parang gusto niyang hawakan tiyan mo pero baka masabihang bastos wag nalang
Bokuto: Y/N...is this our baby?
Ikaw:...
Ikaw: Hindi mo to anak.
AS TO WHY KUNG BAKIT NAGSISINUNGALING KA, HINDI KO ALAM T-T LITERAL NA HALATANG GUSTO NI BOKUTO PERO SIRA ATA MATA MO
Tapos ipagpipilitan ni Bokuto na siya ang ama kasi duh wala ka namang naka eut na iba kasi di ka palabas ng mansion pero dinedeny mo talaga dahilan para magkagalitan kayo.
Mag-aaway kayo tapos magwa-walk out ka sana tapos susundan ka ni Bokuto tapos paulan na.
Ikaw: Bokuto, umalis ka na! Hindi mo nga to anak!
Bokuto: No, I am only leaving with you! *Grabs you in the arm to turn you around, facing him. He hugs you tight as his face glued on to your neck*
Tapos uulan
Bokuto: Kahit hindi ko 'yan, anak. Tatanggapin ko, Y/N, dahil mahal na mahal kita. 'Wag mo na alalahanin ang totoong Daddy ng baby mo. Ako nalang ang magiging Daddy niyan, okay?
Tapos ipapaliwanag ni Bo na manipulative ang bitch of an ex niya na hindi makamove on sa kaniya (I mean??? Mood ate) at sinabi niya lang na buntis siya para mapabalik si Bokuto sa kaniya PERO SIKE IKAW ANG MAHAL NIYA KAYA UMUWI NA KAYO AT DOON MO INAMIN NA SA KANIYA TALAGA ANAK MO AT SA SOBRANG SAYA NI BO BAKA NAG ROUND 2 PA KAYO PERO SOFTCORE KASI MAY BABY KA NA TAPOS NAGPAKASAL KAYO YEHEY
ATSUMU MIYA: FAKE DATING
LMAOOOO ALAM NA NATIN HE FITS THE FAKE DATING
His Dad, Senior Miya has been nagging him na tumino na at ituwid ang buhay niya gaya ng kambal niya na si Osamu Miya
Atsumu: Whatever, Dad. This is my life. I'm gonna do whatever I want! *sabay inom ng alak tapos racing with his mamahaling race car kasi potangina lahat nalang ng characters sa wattpad pag lalaki mayaman*
Di na nakayanan ni Mr. Miya ang pagiging makulit ni Atsumu, he finally set up his own son to the heiress of a business partner.
Atsumu: What the fucking shit fucking fuck, Dad?!
Osamu: Kuya, your language!
Senior Miya: This is for your own sake, Son, pota ka! Ilang taon ka na? 26! And what? You're wasting your life on alcohol, girls, and that daredevil hobby of yours!
Atsumu: No, Dad, hindi mo ako pwede ipakasal...kasi...may girlfriend na ako.
Senior Miya and Osamu: W E H
Shit, ngayon kailangan na ni Atsumu ng babaeng kayang magpanggap na jowa niya fuck talaga si Dad pare
Atsumu pwede ako
Atsumu: Aray! What the fuck?! Watch where you are fucking going!!!
Ikaw na galit kasi natapon ang bagong biling milk tea: iKAW PA ANG GALIT HAYOP KA MILK TEA KO ANG NALAGLAG?!
CATS AND DOGS LOLOLOLOL THE ULTIMATE CLICHE TROPE NG WATTPAD AMEN
Hindi ka kilala ni Atsumu noon pero na-curious siya dahil doon. He started asking his friends about na surprisingly, ay kilala ka.
Suna: Si Y/N? Kilala ko 'yun. She was my friend, she was my neighbor, then the fire nation attacked.
What the fuck? Bakit hindi ka kilala ni Atsumu?
Then suddenly...gumana ang brilliant mind niya.
Atsumu: Hey, stupid!
Lumingon ka kay Atsumu na galit. "Ano na naman?"
"Be my girlfriend"
HAHAHAHAHA GAGO <- you
Pero sa hindi malamang dahilan, nakulam ka ata ni Atsumu dahil napapayag ka niyang maging fake girlfriend niya. Kaya ngayon, nanginginig ka habang pinipirmahan ang kunwari kontrata niyo na sinulat lang talaga sa yellow paper kasi walang budget lol.
Atsumu: Good. Tomorrow, sumama ka sa akin sa bahay ko. Ipapakilala kita sa Dad ko. Wear something decent, stupid.
Gago meet the family kaagad?! The look on Senior Miya and Osamu's face nang umuwi si Atsumu with you beside him.
Atsumu: Dad, bro, I told you may girlfriend na ako. This is Y/N, my girlfriend.
HAHAHAHAHAHA NGITIAN MO NANG MALAKAS SIST KASI NAKAKABA ANG DINNER TIME
Napaka meticulous ni Mr. Miya sa'yo. Para bang interviewer siya sa tapos ikaw ang interviewee
Taga-saan ka, hija? Ilang taon ka na? Anong kurso mo? Anong trabaho ng papa mo? Mama mo? Aso mo? May bahay ka? Ilang floors? Ganoon!
Pero in the end, Senior Miya sipped on his wine bago tinignan si Atsumu. "I like her for you, son."
Tapos medyo slight lang pero you see the slight softness in Atsumu's eyes na magiging dahilan para magkalapitan kayo.
Magkakakilala sa isa't-isa ganern. Tapos sa hindi malamang dahilan, magkakadevelopan na kayong dalawa UNTILLLLLL
Linapitan ka ni Osamu at ng ex-fiance niyang heiress ng business partner nila.
Osamu: Alam naming pinepeke niyo lang ng kambal ko ang relasyon niyong dalawa.
Ikaw na nagbobo-bobohan: Ha?
Osamu: Hatdog. Eto oh! *shows the yellow paper contrata niyo*
Heiress na extra lang talaga: Imagine what Tito will feel pag nalaman niyang niloloko niyo lang siya ni Atsumu, Y/N
Ah shet torn ka na. Sana all ganito lang problema. In the end, you asked them kung anong gusto nila para hindi nila kayo isumbong.
"Break up with Atsumu." sabi ng bitchesang heiress and so you did <///3
Nagulat si Atsumu dahil hindi mo na siya pinapansin. Kahit na inaabangan ka niya sa labas ng class mo, pinipigilan siya nina Suna at Aran (na hiningian mo ng tulong)
At sa hindi malamang dahilan, lapit nang lapit ang ex fiance niya tf
Atsumu: Look, ex-fiance. Kahit anong gawin mo, hindi kita magugustuhan. Dahil...may iba na akong minamahal.
Natigilan si Atsumu. Dahil shet...na malagket....fucking shet...mahal ka na niya
He ran as fast as he could papunta sa sasakyan niya. He swiftly turned the engine on and he drove towards your place. It was 2 in the morning but he did not hesitate to bang your door, dahilan para magising ka.
Ikaw: TANGINA MAGPATULOG KAYO- Atsumu....?
Atsumu: Y/N, please, wag kang magulat pero mahal kita
Sino kaya hindi magugulat niyan lol
Pero dinedeny mo. Kasi ang nasa isip mo, mapapahamak kayong dalawa pag ilalaglag sila ni Osamu at ng palaka. Kaya kahit mahal na mahal mo na rin si Atsumu, pinagtatabuyan mo na siya
Atsumu: What the fucking fuck, Y/N?! Bakit napakafucking duwag mo?! What's so wrong of us loving each other? It started wrong, yes, pero baby we can fucking work this out!!!
Ikaw: PERO ILALAGLAG TAYONG DALAWA NI OSAMU AT NG EX FIANCE MO. MAPAPAHAMAK KA ATSUMU
Atsumu:
Atsumu: they w h a t
BANG INAKYAT NIYA ANG GATE NIYO AT HINILA KA SA KAMAY PARA MAYAKAP KA NANG MAHIGPIT TAPOS SINUSUBUKAN MONG KUMAWALA PERO FUCKING SHIT MAS MALAKAS SI ATSUMU DAHILAN PARA MASUBSOB KA SA MABANGO NIYANG CHEST OH MY GOD-
Atsumu: no one's gonna fucking stop us, baby. they will pay. God, I swear to God, I love you so fucking much fucking fuck fuckery fuck shit (skl, bad boy = palamura noon no?)
He kissed you on your forehead. Whispering na kakayanin niyo to dahil jumbo hotdog kayo.
The next day, tinotoo nga ng mokong. maaga kayong umalis sa bahay mo at pumunta sa mansion nila. Masaya pa si Senior Miya dahil nakita ka niya ulit. Si Osamu naman, ofc galit kasi grrr bark bark kasama mo na na naman ang kambal niya
Atsumu: Dad, I have a confession to make
And BOOM THE TEA IS DROPPED SIST! THE LOOK ON SENIOR MIYA'S FACE? PRICELESS. At first, medyo galit pa ang gurang pero eventually kumalma ito.
Atsumu: To officially set things right...
Nagulat ka nang tumingin si Atsumu sayo. Tumayo siya at lumapit sa pwesto mo bago lumuhod sa sahig.
Atsumu: Y/N, will you be my real girlfriend?
AYIEEEEE SANA ALL
Ay lol jinombag nga pala ni Atsumu si Osamu pero okay na bati na sila. yung echepwerang heiress naman ayun natahimik na
COMING SOON: AKAASHI'S AND TSUKISHIMA'S ;D
#haikyuu#haikyuu!!#haikyuu headcanons#haikyuu scenarios#haikyuu filo#haikyuu filipino#haikyuu crack#haikyuu atsumu#atsumu miya#atsumu headcanons#atsumu hcs#[ leia writes ]#atsumu miya scenarios#atsumu x y/n#atsumu x reader#atsumu x you#bokuto#haikyuu bokuto#bokuto kotaro#haikyuu bokuto kotaro#bokuto headcanons#bokuto hcs#bokuto scenarios#bokuto x reader#bokuto x y/n#haikyuu x reader#haikyuu x y/n#atsumu filo#bokuto filo#atsumu crack
85 notes
·
View notes
Text
Swertihan nanaman tayo kung hindi tayo aabutin ng umaga bago makatulog. Tangina namang buhay to! Solid talaga, hangga’t kaya ka talagang apak-apakan, sasagarin ka talaga. Parang hindi pa sapat na lambot ka na buong araw, sukang suka ka pa, dami pang nasakit sayo, naiiyak ka nalang bigla na di mo alam tapos hindi ka pa patutulugin dahil sobrang sama ng loob mo at masasakit na mga salita? Ano pa idadagdaggggg, baka kulang pa putangina hahahahahaha
Lord, when? When ba mamahalin sa paraan na deserve ko? When! Putangina. When?
Yung hindi ko na kailangan sabihin kung anong kailangan ko, kung bakit ako malungkot, kung bakit ako galit, kung anong makakapagpasaya sakin. Yung alam na lahat ng dapat gawin hindi dahil perpekto pero dahil inaaral ako, yung mga kahinaan ko, dahil mahalaga ako, dahil pinaglalaanan ako ng atensyon at oras.
When ba dadating yung sapat na ako? Yung ako lang sa mga mata niya. Yung ilalaban ako hanggang huling hininga nang walang reklamo kasi hindi ako kayang mawala? Yung hindi na makita yung sarili nila na wala ako at maghanap o lumingon pa sa iba? When!
When ba mamahalin sa paraan na gusto kong mahalin, Lord?! WHEN!!! Tangina, laro na masiyado eh.
Nginig na buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung ano pang pagdudusa ibibigay mo bago mo ibigay yung tamang tao eh. Mauubos na lahat ng kabutihan ko sa katawan, yung pagmamahal na kayang kong ibigay lalong lalo na yung pagmamahal at respeto ko sa sarili ko, wala pa rin eh.
Kawawa lang rin yung taong para talaga sakin. Mahihirapan siya sa pagkatao ko kapag pinagtagpo na kami kasi wasak na wasak na ako.
3 notes
·
View notes
Text
Hindi naman ako anak pero tuwing nalalaman ko nangyayare sa mga kapatid ng mom ko naiiyak nalang ako tangina mapapamura talaga ako.
1 note
·
View note
Text
Kabanata 4: Ano 'to???
"Gago, Yamamoto, ano 'to?" Inis na sinabi ni Tanaka habang binaba ang bag niya, ang mga mata ay nakatingin sa mesang puno ng modules.
"Pare, sorry talaga. Ang totoo niya kailangan ko ng tulong. Ang hirap ng modules ni Princess May," naiiyak na sinabi ni Yamamoto. Kapatid niya pala si Princess May.
"Gago, sabi mo nomi?" Sabi ni Tanaka habang tinitignan ang modules ni Princess May.
"Sorry, Pare. Issa prank lang 'yun. Patulong naman-"
"Salamat nalang sa lahat," madramang sinabi ni Tanaka bago kinuha ang bag niya at umalis na sa tindahan kung nasaan si Yamamoto.
"Tanaka, gago ka! Tulungan mo ako!"
Inis na naglakad si Tanaka. Sinisipa ang bato ganern habang nakapamulsa.
"Bwisit na Yamamoto," dabog niya, "Sana sumama nalang ako kina Yachi. Baka nalibre pa ako ng kwek-kwek," nanghihinayabg na sinabi niya.
"Tapos bagsak pa ako kanina sa quiz..."
"Tangina, may utang nga pala ako kay Daichi na five hundred."
"Pota, pinapatawag nga pala ako ni Sir Ukai."
Kung tutuusin, para ng tanga si Tanaka ngayon. Sino ba namang magsasalita nang mag-isa habang naglalakad? Pero dahil Filo crack 'to, ayos lang!
"Basted na naman ako kay Kiyoko."
Napasuntok si Tanaka sa invisible na pader at napaiyak pero minus ang luha. Hindi mapaliwanag ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso sa reyalidad na sa pangalawang pagkakataon, nasaktan na naman siya ni Kiyoko.
Napaluhod si Tanaka sa maduming kalsada, ang mga kamay ay sinasabunutan ang kalbo niyang ulo habang tinitignan ang langit.
"May four hours class pa ako sa major bukas!" Naiiyak na sinabi niya.
"Gusto ko na mahalin ni Kiyoko!"
"Gusto ko ng magets ang accounting!"
AND BOOGSH (personal sound effects yes) biglang kumidlat sa malayo. Pero hindi iyon ang ikinagulat ni Tanaka. Ang ikinagulat niya ay may matigas na bagay na tumama sa noo niya.
"GAGO!" napaupo siya sa kalsada habang hinihimas ang noo, "Gago shit, sakit!" Mura niya.
Napatingin siya sa harap niya kung nasaan ang bagay na tumama sa noo niya. Isang bote na kulay puti. Curious, pinulot niya ito at binasa ang contents.
"GAGO?!" Patanong na mura niya, "Teka, wait. Ma-tweet nga."
At nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Masterlist
∆ Kabanata 3 ∆ Kabanata 4 ∆ Kabanata 5 ∆
A/N: Long update hayop. Also, pre-pandemic ang setting pero nilagay ko rin 'yung relatable activities this oandemic dito kaya may modules HAHAHAHAHHA
TAGLIST
@bokuakadaily @ellechanwrites @toripersonalacc @keiyoomi @thesecondapplepienation @leinnah @churochuu @quirklessidiots-trashdump @koushindreia
#haikyuu imagines#haikyuu scenarios#haikyuu incorrect#haikyuu#incorrect haikyuu#haikyuu smau#haikyuu fic#haikyuu filo smau#haikyuu filo#haikyuu filo crack smau#haikyuu crack#haikyuu tanaka#tanaka smau#tanaka#tanaka ryuunosuke#tanaka ryunosuke smau#tanaka x reader smau#tanaka x reader#tanaka x y/n#tanaka x you#haikyuu x reader smau#haikyuu x reader#haikyuu x y/n#haikyuu x you#stupid love smau
42 notes
·
View notes
Note
18
18. Hehe gagiii. Naiiyak ako. Nung una akong nakakita ng titi nung grade 4 ako. Tangina nun talaga. As in tangina. Tas ang tanga ko kasi sumama ako sakanya. And first time ko din nakakita ng baril. Tho di ko alam kung totoo ba o hindi. Bata pa ako e.
Ayun. Basta. Tangina nun. Sana matapilok sya ngayon. Pakimura nalang po si Robert. Sinira nya childbood ko puta.
🥺
1 note
·
View note
Text
Long story for my future kid but a long post to Tumblr for now
May nagtanong sakin “Grabe ren! Bakit ikaw pa kasi yung nag eeffort?” Natigilan ako. Ewan. Siguro sa way ng pagkakasabi na para bang maling mali yung ginawa ko. Mali ba ako to exert effort for someone I like? A lot of people say and I would often agree that my strong demeanor and intimidating aura is just a facade. Sobrang hirap ko iapproach lalo na in person kasi feeling ng tao masyado akong mataray. And it’s true. I don’t talk much to people that I barely know. I only have a few friends and I’m not very outgoing. Pero sa totoo lang, madali lang naman ako makasama lalo na kung in sync yung vibes natin. You’re not a dear person to me if di mo naranasan masungitan ko. And if super close na tayo, I’ll always make you laugh. I always joke, tho most of the time corny lol.
So bakit nga ba ako nag eeffort? Well, I guess it all boils down to this. When I like someone, I’m not afraid to show it. So I replied “I’m really interested to get to know him more so I’ll always make time. But if he doesn’t feel the same way, I don’t push it. I would hate wasting both of our times.” Pero masakit yun diba? Lalo na kung naattach ka na talaga. How do you really cut ties with someone who is already dear to you? To someone you already opened your heart to. Ang sagot dyan ‘putangina syempre masakit haha. Kahit gaano ko pa isipin na okay lang, that I’ll find someone else as long as I have me. Masakit pa rin lalo na kung naattach ka na.’ Mapapa asdfghjkl ka sa sakit. If that’s even a thing. Kasi you’ll never find the right words to describe the pain. Kung gaano mo inopen yung sarili mo sa isang tao, ganun din kasakit yung dating nung pain. Minsan mas mahigit pa.
How do we move on? Pano ba mawawala yung sakit? ‘Ewan. Siguro you just let yourself feel things. Sabihin mo na lahat para wala kang pagsisihan. Iiyak mo lang kung naiiyak. At some point, mapapagod ka rin.’ Hindi ba ganun naman yung usual na payo. Totoo naman. Wag mo itago. Hayaan mong maramdaman mo yung sakit. Kapalit yan ng saya na naramdaman mo kasama sya.
Pero kung gusto mo, dapat ipaglaban mo diba? Bat ka susuko agad kung di ka gusto? ‘The mere fact that I put myself out there. I opened up and showed him my vulnerable side. Isn’t that effort enough? Dapat ba durugin ko na yung sarili ko sa harap nya para lang magustuhan nya ko. The best love for me is not ‘not giving up on someone’ but rather ‘not giving up on yourself’. Di mo sya magagawang mahalin ng buo kung ikaw mismo hindi buo. Isa pa, iba’t ibang klase tayo ng pagpapakita ng love. Maybe the kind of love that I can give is not the one that he wants or needs. Darating din yung para satin.’ Asdfghjkl ang daling sabihin noh. Pero sa totoo lang, kahit anong payo mo sa sarili mo. Kung di ka pa ready, di ka pa ready. The healing process takes time. May iba saglit lang. Yung iba, sobrang tagal. Pero never ka makakausad kung di mo tutulungan yung sarili mo.
Oo masakit talaga. Para kang umabot sa mataas na level sa favorite game mo. Tas na uninstall mo yung app, so start over ka ulit. Minsan yung iba uulitin yung laro, yung iba naman hahanap nalang ng ibang games na lalaruin. Tatawanan at dadamayan ka ng mga friends mo. Sasabihin nila ‘I told you so’ or ‘Ang tanga mo kasi, sayang lang effort mo’. But was it really? Sayang ba talaga? Pouring your heart out over someone and getting nothing in return? Never ako nasayangan sa lahat. If I can do it all over again, I would do it. Maybe a different kind of approach. Pero uulitin ko pa rin, if that’s what it takes to be with that person. ‘Cause for once in your life, that person made you happy and made you feel more alive.
I remembered back in high school. I rejected boys who courted me ‘cos I was too focused on my acads and making my parents proud. And kpop already made me happy. But in 4th year high school, napatabi ako sa classmate kong super quiet, di nakikipag usap gaano sa girls and laro lang ang hilig. So mejo madaldal ako na katabi and bothered ako palagi dahil di sya nag aayos sa klase. Lagi ko sya pinapagalitan. I forced him to do schoolworks. Sometimes I can be very bossy. Until one day, we started going to the canteen together. Talk about lots of stuff. I even got into clash of clans because of him. Yun yung usong laro that time. Then we started talking online. That’s when I realized I was starting to like the guy. He was my prom date. He made me smile a lot of times. But we had to go our separate ways when we graduated. I studied in Manila and he stayed in town. We were too young back then. Marami pang pwedeng mangyari saming dalawa. I guess I liked him but not enough to commit. I wanted to focus on my acads. But heck, I still cried. Up until now, we’re not on talking terms. I wanted us to end in good terms pero minsan hindi mo mapipilit yun. Puppy love. That’s what I’ll call it
So in college, I focused on studying or so I say. Hahaha I stayed in a dorm near my school. 8am-6pm class everyday. Grabeng 1st term sched yan. With breaks in between naman, so I can steal a quick nap sa dorm. Minsan nagigising at nakakapasok sa noon class, minsan hindi so gigising nalang para mag dinner haha. I joined pep. So may 6-9pm training everyday. Imagine 8am class until 6pm tas training hanggang 9pm. Sobrang pagod. Then I met someone. He was my senior. Became friends and all that. Then I developed a small crush. Hanggang sa narecruit nya ako sa squad nila. LoL lang nilalaro ko dati with my high school friends. Sobrang butaw pa hahaha. Pero inaya ako ni crush mag dota2 eh, turuan nya daw ako. So sakin, ok lang naman hahaha. Minsan natatanga talaga ako kapag crush. So after training, deretso computer shop para maglaro hanggang 4 or 5am. Grabe until now, di ko alam pano ko nasurvive yun hahaha. The best thing about it all is after maglaro, nap lang saglit minsan wala pa. Pero nakakapasok pa rin ako sa morning class ko. Hayup! Life hack. The only decent sleep I get is my 3hr lunch break (if you can even call it decent). Tas noon class, training, tas laro ulit with crush and newfound friends. I was giddy. Minsan hinahatid pa nila ako sa dorm after laro. Bat ko ba nagustuhan yun? Di ko na rin maalala. I admired him kung paano sya magmahal and loyal dun sa ex nya. Mejo tanga ren haha. Or maybe I was craving for the kind of affection he can give. Napaisip pa ako sana ako nalang nagustuhan nya. Juice ko po. I was 17 and naive. Grabe mga efforts ko para sakanya. Tulog yun. Tulog yung nawala sakin grabe. For someone who loves to sleep and can sleep anywhere (which is highly dangerous dahil ilang beses ka ng lumagpas sa destinasyon mo kakatulog sa PUVs ren), I sure did miss a lot of sleep because of him. Bat naman hindi? Kung gusto mo makasama crush mo diba? Minsan kung hindi naglalaro gabi gabi. Magkatext kami and as a good friend and listener. Papakinggan ko yung mga rants nya sa babaeng gusto nya. I’ll always reply with ‘okay lang yan kuya’. Hahahaha may lahi talaga akong tanga grabe. Pero ang mahalaga, nakamove past ako dun sa stage na yun. From a crush/potential someone, he became a kuya nalang talaga. Maybe it was just Infatuation. That’s what I’ll call it.
That happened because I met someone again. And that one is my ex. He was part of the squad. Sya yung carry namin. Tanginang plot twist yan. Sumali ka sa squad nung crush mo para mapalapit sakanya only to end up with his friend. Grabeng buhay to. Dami surprises hahaha. I was the only girl in the team. Mababait naman sila and I felt secure and comfortable with them. Hinahatid pa nila ako after game kahit madaling araw na at papalabas naman na yung araw. So pano nangyari? Hindi naman kagwapuhan. Actually lahat ng nagustuhan ko, hindi naman pogi to the point na mapapalingon ka. Siguro may itsura ganun haha. Basta importante mabango at malinis tignan at malinis talaga. And has good heart and personality. Not really the one who go for the looks. So from a kuya to a potential lover. How did it happen? Dahil lang sa langyang screwdriver. Di kami gaano nag uusap nun kahit sa personal. Small talk lang ganun. Papawards ganun. Haha charot. So ayun, one day nagchat sya naghahanap ng screwdriver. Lahat pala ng taga taft tinanong nya. So I simply replied with ‘sorry kuya, wala po’. Wow ang galang diba haha. From that small convo, napunta sa di ko na alam haha. I remembered he had a hard time passing his business mathematics subject which was really true. Mejo shunga sya sa math. Scratch that, sobra pala. And aminado naman sya. So I offered to tutor/teach him. Not bragging, but I’m good at math. I won awards back in elem and hs lol. Sobrang nerd ko dati fota. Then one day nagkaaminan kami. From friends we turned into something more. I’m really a very private person. Gusto ko pati sa relationship, private. So we kept things to ourselves. Kasi masyado malaki yung social circle namin given that we belong to the same college org. Less people know, less issue diba? So naging mag SO kami. So I said ‘hala oo, secret on tayo’. Tinawanan nya ako wow. It’s a foreign word for a gh kid pala. Tangina ganun yung term samin nung high school eh. Secret on. So what he meant was ‘significant other’. And there it was, we became each other’s SOs. What did I like about him? He’s certainly not my type. Matangkad lang sya ng onti sakin. Ok fine may biceps. Pero siguro, his greatest asset was his mind. His perspective in life and how he taught me a lot of things. I was 17 and he was 20. He was matured, that’s one. And he taught me how to be mature without spoiling my youth, that’s another. He owned almost 3 years of my life. And I have no regrets. Sobrang dami kong nirisk to be with him. My parents didn’t want me to engage in any romantic relationship while I was still studying. But I defied and kept us a secret. Eventually naging legal sa close college friends namin because I fucking confessed when I was drunk. Oh how I would love to zip this mouth when I drink. *facepalm* First gift I received from him was a very cute courier sa dota 2 hehe. I’m very forgetful so my very first gift? Di ko na maalala hehe. I cleaned his condo. Gave him cake with a little corny joke on the side. Steam wallet codes. I remembered gifting Overwatch for his bday. Electric cooker because he loves to cook. And yes, I moved at the condo in front of his building. When I lost my phone at bts concert, nakikitext ako sa pinsan ko. Grabeng effort yan. Haha lintek. He made sure I feel loved too. But like all things, our relationship has come to an end. Do I have regrets? Wala. We had a beautiful one. And I’ll always treasure it. We were never official yknow. No label. What we had was commitment. Now ask me again, do I have regrets? Maybe meron. The fact that I wasn’t able to introduce him to my parents. But that experience taught me a lot. I became more open to my parents. We officially ended weeks before graduation and while my parents were happy for me on that special day. I was faking a smile and crying inside. That was the last time I saw him. He’s happy with someone now. And I am happy too. Akala ko di ako makakausad pero I did. You just never forget your first but you don’t go back haha. First love. That’s what I’ll call it.
Sobrang broken ko nun akala ko di na ako makakausad. I fucking failed my first civil service exam. March 17. I remember taking it at Marikina High School. Di ko alam pano pumunta dun. At di ko alam pano ako nakarating. I was like a walking zombie. I took the exam lightly and slept. Like who does that on an official government exam? The results came out and I saw the disappointment in my parents’ eyes. Their so-called honor student and daughter failed. Dun ko narealize kung gaano ko tinatapon yung buhay ko para lang sa isang tao. I cried again not for him but for myself. Then I swore to myself that was the last time. So I used this app, bumble. Not to spite my ex but to help myself. I wanted to talk to someone. I remembered una kong bungad ‘pano ba maka move on?’ Hahaha and while I get some funny answers, I was able to get decent ones. May naging friends ako. Like friends talaga, no romance involved. I open it from time to time. When I feel bored or want kausap. I went on a date once. But we never really clicked. Because I believe he was more into the physical stuff and I wasn’t up for it. Then I talked with a lot of people some more. Pero wala talagang constant. Like after the hi’s and hello’s. No one sparked my interest. Maliban of course dun sa mga naging friends ko na nakakausap ko from time to time. I flirted with some only thru chats. But I eventually grew tired of it. Realized I wasn’t up for it and I’d rather be by myself. Sayang sa oras eh. Distraction. That’s what I’ll call it.
Until I met someone again. Hay nako ren hahaha. Met him on this app. At first, it was a small talk. Like all the others. Bored ako eh. And it felt harmless at that time. But we just never run out of topic and I don’t feel bored when I talk to him. In fact, hinahanap ko na sya. Which is bad I know. I laughed at his silliness and admired his wit and determination. Connection. That’s what we had. Or maybe for me. We went on dates. And it was good. But that harmless became not so harmless anymore when I felt something stir within me. Narealize ko na it’s another heartbreak waiting to happen if I continue with it. And I don’t wanna risk getting myself hurt again after I fixed myself. Hindi nakakaganda yung puro iyak. If I’m gonna risk something for someone, I want to know if he’s willing to risk for me too. Mahirap pag puro puso lang. But he chose to walk away. And that’s sign enough. Kung mas pinatagal ko pa yun, siguro baka mas lalo akong nahulog to the point na hindi na ako makakaalis pa. Di ko rin alam pano ko sya nagustuhan. It all sank in when I realized I’m always making time for him. Turned down dates with others and would rather spend time with him. Travelled a long way to go to him. My friend thinks it’s too much. Even I think it’s silly. Pero ganun naman talaga. We do crazy things for the people we like. I knew it was love when he helped me bring out the best in me. For once, I was inspired again. I took the civil service exam for the second time and I passed it. August 4. I took it somewhere in QC. Ganun pala when you’re happy, you bring out happy results too. But I wasn’t enough for him. And maybe he wasn’t enough for me to take the risk alone. Para kaming parallel lines. Never magtatagpo so useless pa na pilitin. Do I have regrets? Siguro. If I can do it all over again, I would do things differently. Then if di talaga, baka hindi talaga para sakin. Napakabullshit lang talaga nung ‘bat ka masasaktan kung never naman naging kayo’ hahahaha. It’s almost 2020. Let people feel things. Nasasaktan ka kasi nagbigay ka. That’s the way of life. Kaya ang sarap nalang talaga minsan maging halaman. Pero that’s the beauty of love and life. Hindi pwede puro saya lang. Hindi rin pwede puro lungkot lang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam what to call what happened with us. Siguro I, for I don’t know lol hahahahaha tangina ako lang natatawa sa inside joke ko. We decided to remain friends but we both know that’s pure shit. We don’t talk anymore. And sometimes it’s better to stay that way. Minsan mapapatanong ka nalang bakit ka makakatagpo ng taong di naman para sayo. Siguro in time mahahanap mo yung sagot. Or may taong magbibigay sayo ng sagot. Hangga’t di ko alam yung sagot kung bakit nag end or bat hindi kami. I’d rather not settle for the what ifs. Masasaktan ka lang kung lagi mo tatanungin yung sarili mo ng what if haha. Strange love. That’s what I’ll call it.
Sa ngayon, I’m happy by myself. At least I’m trying to be. Happiness is a choice. Always strive for it. See the good in things. And if you found your person, you do something with it. If you really want someone in your life, you put effort. And if he/she doesn’t match your efforts, maybe it’s their answer to your feelings. Every heartbreak I’ve experienced just taught me to be stronger than before. Strong enough to pursue what I really like and who I really love but also strong enough to let go if it’s really not for me. In the future, I’ll tell my kids my heartbreak stories but for now this stays in tumblr. When I find their father, maybe in a diner, in another table at a coffee shop, sitting beside me in the train, while he’s dog walking in the park or even at the bar. Heck, I don’t know. All I know is when I find him, I’ll know he’s the one. And by that time, I’ll know what it is. Bliss. That’s what I’ll call it.
All these efforts that I can give, I’m putting it all to myself for now. I will never stop loving myself. So even if others won’t, I’ll always have me. Kahit gaano ka pa nasaktan, never stop believing in love. Let it counter hate. Di ko alam kung anong future ang nag aantay sakin. But I’m sure I can do something about it. Kasi tayo naman gumagawa ng destiny natin. Don’t just wish. Do it. But don’t push things too hard. You might break it. Let’s leave it to the natural course of the universe. Kung ano yung para sayo, para sayo. Faith. That’s what I’ll call it.
- ren
#tagalog#readables#meandmysides#personal#thoughts#spilled thoughts#spilled heart#spilled ink#spilled truth#love#heartbreak#goodbye#quotes#ren talks#kalat ni ren#stories to tell my children
3 notes
·
View notes
Text
Who is ALBERT MARTINEZ?
Ah si Daddy A 😊 korni na kung korni pero to tell you the truth he is my Inspiration since year 2000 pakatagal na diba?
Kwento lang ako ng konti ah kung pano ko sya naging Idol.
So ito na nga, yung father ko kase is an avid fan of him. Naging bonding na namin nung bata ako is sabay manuod ng movie nya. At ang kauna-unahang movie pa na napanood ko is RIZAL SA DAPITAN after non naging interesado na ako sa kanya hindi dahil sa pagganap nya as Rizal kase may something sa kanya na hindi ko maexplain yun tipong nasabi ko sa tatay ko na "Sana makita ko sya sa personal" hahaha ang babaw ng pangarap ko akala ko kase ganun kadali yun syempre bata eh. Ang nasabi lang sakin nung tatay ko "malay mo pag laki mo!".
Mas lalong tumatak sya sakin nung minsan naikwento sakin ng tatay ko na sobrang bait daw ni Daddy A, wala ka daw mababalitang masama about sa kanya. Yun tipong lahat ng gusto mo sa lalaki nasa kanya na.
Mula noon nagsunod sunod na yung movie nya na pinapanood namin lalo na yung magnifico. Ang galing nya maglahad ng istorya ng buhay nya sa karakter bilang Geraldo.
Sa madali't salita habang lumalaki ako hindi nawala yung paghanga ko sa kanya bilang isang mabuting tao, Ama, Aktor at Direktor.
ELEMENTARY DAYS
Mga panahong nangongolekta ako ng piktyur ng Daddy sa mga dyaryo at magazine.
Dikit dito dikit doon. Gupit dito gupit dun
Pag minsan nilalagay ko pa sa wallet ko hahahaha ang jologs ko nung bata jusme hindi pa uso social media eh kaya tiis sa black n white na galing sa dyaryo na super nipis pa kaya tape ginagamit ko pandikit bonus na pag magazine haha mas masaya yun kase may kulay na 😅😂 hays kung nababasa mo lang to Daddy A sobra sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko baka tawanan mo lang ako 😂😂😂
HIGHSCHOOL DAYS
Ito yung kasagsagan ng mga teleserye mo na lagi kung sinusubaybayan. Yung pinapagalitan na ako kase ayaw kong matulog nang maaga, eh may pasok kinabukasan.
Hahaha inaabangan kita sa Pedro Penduko. Tapos yung iba mo pang teleserye. Mas lalong minahal kita sa MAY BUKAS PA alam mo ba yun iniiyakan kita pag gumagawa ka ng masama pero di kita matiis. Mas pinaiyak mo lalo ako nung nalaman mong anak mo si Santino feel na feel ko yung arte mo. Walang tapon sa lahat mula una hanggang huli ang galing mo talaga.
Tapos syempre highschool may mga barkada na eh nagkataon yung isa kong kabarkada fiesta sa kanila eh sakto magwawakas yung teleserye mo na Kung tayo'y magkakalayo hahaha alam mo bang pinagpalit ko mga kaibigan ko sayo. Umuwi ako para sayo kahit tampong tampo sila sakin 😂😅 sobrang adik ko daw sayo hahaha 😂😂 sabi nga sa bahay nung umuwi ako "si Albert Martinez lang pala ang makakapagpauwi sayo eh".
Hays sarap magreminisce pagnagkakareunion nga kami naoopen nila yan kaya tawang tawa ako hahaha wag mo sana akong tawanan Daddy A hahaha parte ka na talaga ng buhay ko.
COLLEGE DAYS
Aba si madelayn nagcollege na't lahat di ka pa rin iniwan hahaha ganyan kita kamahal kung alam mo lang 😅🥰🙊
Kahit sino pa sa mga naging kaibigan, teacher, classmates ultimong dean namin alam nila na ikaw yung Ultimate crush/idol ko hahaha napakavocal ko masyado di ko mapigilan pag tungkol sayo yung ikukwento ko sa kanila 😅😂 at mas kinilig ako nung malaman kong Engineering pala course mo dati sa UST jusmio naishare sakin nung Dean namin haha daldal ko sorry kung sino man nagbabasa neto 😅🙊 kinikilig eh hahaha 😍🥰
Buti may ganito na wala masyadong nakakaalam sa account ko hahaha kung gagawa siguro ako ng libro ng buhay ko wag kang magtataka kung parte ka nung book from page 1 hanggang last page 😅
At thank you sa social media, nag upgrade na ako may mga natabi na akong picture mo nung mga time na yan. 😍❤️
Grumadweyt ng Computer Engineering na walang ibang naging inspirayon kundi ang Pamilya ko at ikaw 😊 walang halong hanash hahaha mamatay na ako kung hindi to totoo 🙊😅
Hanggang sa magkatrabaho na ako ikaw pa din.
Daddy A ❤️ thank you 😍 love na love kita 🥰
YEAR 2018
Family is love sa Araneta
Andun ako kase may ticket na binigay samin yung manager ni Coach Bamboo haha. SORRY TO SAY pero alam naman ng mga kapanalig ko kay Coach na mas matimbang ka tagal na kaya kitang crush haha bago pa ako nagBamboo ikaw talaga ang una 😅 teka bakit ako nageexplain hahaha
So ito na nga may song number pala kayo hahaha alam mo unang ginawa ni madelayn tumayo akala mo naman makikita hahaha kinuhanan kita ng video Dade kung alam mo lang. Ang saya saya ko that time kase nakita kita sa personal yung 4d talaga yung totoong ikaw hindi ko maintindihan kong sa LED Monitor ako titingin para mas makita kita o sa stage kaso kaseng liit ng 25 cents yung ulo mo dad. Super hangang hanga ako sayo kase napaka gentleman mo kita ko kase nung bumaba kayo sa left side ng stage nung pababa na kayo after nung song number inalalayan mo si beauty at dimples tapos nakipagchikahan kapa nang onti sa staff. Ang gwapo mo DADEEEEEE ❤️🥰🥰 kilig na kilig ako 😂😍
Ito sa baba yung video. So near yet so far 😭😭 akala ko ito na yung first and last na makikita kita. Hindi na kase ako nagexpect na makikita kita nang malapitan kase masaya na ako kahit sa TV lang akala ko kase imposibleng makita kita unless may paevent ulit ang Abs-Cbn.
YEAR 2019
Napakaganda ng pasok ng taon na to sakin hahaha ito yung taon na di ko makakalimutan 😭😭❤️
To tell you the truth madami akong artwork ng Dade...tapos eto na nga gusto ko magtry nang ibang klaseng art at alam mo ba Dad ikaw ang kauna unahan kong subject nung gumawa ako ng First ever at memorable na Text Art na binigay ko sayo ❤️
Maraming salamat sa text art na yun. Nakaganda yung pagpost ko sa twitter, hanggang may nakapansin na nga dun sa artwork at may nagDM sakin na kung idol daw kita? Kung gusto ko daw magpamember sa fansclub mo. Eh ako naman di ko alam na pwede pala yun haha takot kase ako magmessage sa mga group ng fansclub hahaha pero dahil mahal kita ginawa ko naisip ko kase "Lord sana ito na yung way para mabigay ko to sa kanya".
Timing naman magbibirthday ka...nagpatulong ako maghanap ng frame na paglalagyan nung textart dade kase di ako makaalis ng bahay, a week before mag GT nadengue kase ako ewan ko ba wrong timing pero nang dahil sayo bigla ata akong lumakas haha chemeret. Ayaw pa ako payagan umalis sa bahay haha pero alam mo na sutil ang anak mo ayaw papigil lumuwas ng QC bitbit ang isang paperbag na naglalaman ng frame at birthday card 😊 hindi ko alam kung nabasa mo dad yun.. Dami kong drama dun eh babatiin lang naman kita ng Happy Birthday 😂😂
Naglakas loob ako kahit di ko alam yung lugar. Tanga kase ako magcommute lalo na't sa maynila hahaha hanggang along Edsa lang alam ko eh. Eh dahil malakas ka sakin malakas na din loob ko ikaw pa 💪🏻😁
Ang aga ko dumating hahaha yung nachika ko na sila ate at kuyang waiter hanggang sa dumating sila ate techie. Eh ugali ko pa naman sobrang daldal ako yung tipo na walang hiya hiya hahaha as in walanghiya so ayun ang aga namin nagkapalagayan ng loob. Tapos bilang madami akong copy nung artwork haha binigay ko yung isa kay ate techie parang sign na din nang pakikipagkaibigan sabi ko kase kung sino una kong makilala ibibigay ko sa kanya. So ayun nga binigay ko.
Few hours later, medyo kinakabahan na hindi ko alam ang nararamdaman ko kase iniisip ko huy totoo na ba to as in malapitan. Ano gagawin ko? Pano ko sya kakausapin? Napaparanoid na ako hahaha daming tanong sa isip ko. Pero nung dumating ka at pumasok na JUSME kulang nalang tumalon ako dun. I-umpog ang sarili sa pader para mapagtanto kong totoo ang nangyayare.
BAKIT GANUN KA KAPOGI, KABAIT AT KAKULIT 😂😅😅
hindi isang Albert Martinez na nakikita ko sa TV kundi isang totoong Albert Martinez sa likod ng camera. Isang normal na tao na hindi mo kakikitaan ng pagyayabang at pagkasuplado NAPAKAHUMBLE ako yung nangangawit sayo Daddy sa kakangiti mo. Gusto ko nang malusaw nung hinihipan mo yung candle ng cake kung alam mo lang as in tutok na tutok hahaha
Tapos ayun nga may mga introduce yourself pa pala mas lalo akong kinabahan jusko hahaha nagpalipat lipat pa ko ng pwesto dahil sa mic. Nung hawak ko na yung mic medyo nagsisink in na sakin na "tangina ka Madz totoo na to😅"
Yung pagiintroduce ko hindi ko alam kung ano mga nasabi ko kase paiyak na ako talaga tears of joy siguro hahaha gusto ko nang umupo agad dahil pag nagtagal pa ako dun baka tuluyan na akong umiyak hahaha at true enough nahalata siguro ni ate kaecee sa boses ko hahaha bakit daw ako naiyak hays napakaharot kase.
At ang pinakahihintay ko ito na..... Iaabot ko na sa Daddy ang aking regalo ang nasabi ko lang Happy Birthday tapos nung kinuha ko yung Frame yun na ang PINAKAMASAYANG ARAW NG BUONG BUHAY KO! NAPAKAPRICELESS NG NGITI NYA, NAPAKAGENUINE NUNG SMILE ❤️❤️❤️ sulit na sulit yung pagpunta ko 😭😭😭
Daddy napakaappreciative mo sa lahat ng bagay alam mo ba mas lalong tumaas ang respeto at pagmamahal ko sayo. Ang seryoso ko nung inabot ko ewan ko ba nawala mga kalokohan ko na overpower ng presensya mo tapos di man lang ako nainform na joker ka din pala kase sabi mo sakin "kulang pa! sa susunod na may bago ulit na palabas ibabalik ko sayo to. Dagdagan mo" tapete napatawa ako at the same time kinilig hahaha
LOVE NA LOVE TALAGA KITA ❤️❤️❤️
Haha yung picture nating dalawa hindi ko alam kung saan ako titingin pero yung hawak hawak mo yan at makita ko yung ngiti mo sapat na 🥰😍❤️
Naiiyak na ako hahahaha sorry na. Yung idol ko nung bata pa ako nakita ko na sa personal tama nga yung tatay ko "malay mo paglaki mo"
Lord, thank you nang napakarami ha ng dahil sa talentong binigay mo sakin nakita at mas nakilala ko pa sya sa personal.
At nang dahil din sa Daddy A nagkaroon ako ng pamilya. Pamilyang nabuo sa pagmamahal sayo at pamilyang nabuo sa pagmamahalan ng bawat isa. Napakaswerte ko kase nakilala ko sila ❤️❤️❤️
Napakamemorable ng 2019 ko Lord Salamat ginawa mong instrumento ang Daddy A para makilala ko sila. Araw araw kong sinasabi sayo yan. Hindi ko to hiningi pero binigay mo 😭❤️ SALAMAT TALAGA ❤️
Sana kung ano man ang mga pagsubok na dumaan makayanan namin at walang bumitaw kase kapit na kapit na kami eh magkakapatid na kami 😭😭😭 parang di ko kaya pag nawala yun. Kung ano man at sino man ang pilit sumisira samin bigyan nyo po sila ng malawak na pang-unawa at patawarin mo po sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. 🙏🏻
At sayo DADDY A wag kang mag-alala hindi kami bibitaw dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng AMDs. Iba man ang tingin nila samin. Ito lang ang alam ko ang pagmamahal namin sayo ang nagpapatatag at nagbibigay lakas samin. Hindi namin hinangad ang makasakit ng ibang tao nandito kami para mapangiti ka at magbigay saya, maipakita sa iba ang kahulugan ng tunay na pamilya kahit hindi kami magkakadugo.
Masaya na kami sa simpleng bagay. Yung makita at maramdaman namin ang ngiti mo MASAYANG MASAYA NA KAMI DOON dahil mahal na mahal ka namin. Pinapangako namin sayo Daddy A kung ano man ang mangyari mananatili kaming matatag 😭😭.
Kung ano ang kabutihang ipinapakita mo sa tao ganun din ang gagawin namin sa kanila.
Ako yung panganay kaya hindi ko sila papabayaan. Sorry kung umiiyak ako hahahahaha habang tinatype ko to umiiyak talaga ako di ko mapigilan eh ganun ko sila kamahal at ganun sila kaimportante sakin 😭😭 ayokong pati sila nasasaktan.
Kung ano man ang problema isosolve agad namin at saka andyan naman si ate lhen na laging nakagabay samin at walang sawang nagmamahal samin at napakalawak ng pang-unawa 😭😭❤️ SOBRA KO SILANG MAHAL ❤️ salamat ate lhen 😘
Ayoko na umiyak hahahahahaha
Basta DADDY A lagi mong tatandaan andito lang kami nakasuporta lagi sayo handa kaming masaktan para sayo.
WE LOVE YOU SO MUCH ❤️❤️❤️
MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT SA INSPIRASYON ❤️❤️❤️ AT SA BAGONG PAMILYA PINAPANGAKO KO PAG-IINGATAN NAMIN TO ❤️❤️😘
#albertmartinez #AMpogi #AMazingDad #AMDs #matitiBAI
- madz 🤪
4 notes
·
View notes
Text
Accidentally kong nadali yung helix piercing ko habang nagsusuklay pagkatapos ko maligo kasi nag mamadali na ko, magsasarado na yung laundry shop, ako nalang hinihintay pero tangina talaga naiiyak na ko kasi dugong dugo, mas tumagal pag kilos ko. Huhu. Sorry kay Ate na may ari sa laundry shop sa paghihintay saken.
1 note
·
View note
Text
rant
why oh why @ world?
diba, i just put an end with all this crush feelings pero shet bakit ka talaga ganito?!?
sa totoo lang, hindi ko na sya naiisip eh? as in, super di ko na naalala kahit presence nya i am no longer bothered pero tangina talaga ng mga happenings.
last last week, i remember, nagloloko na yung outlook ko. may emails ako na kapag ino-open, walang content and most of the history ng email na 'yon di ko na nakikita yun content. eh, sya duty non, sabi ko, ayoko magpaayos.
tsaka manageable naman at hindi ganun ka-bigdeal, kasi naoopen ko naman un emails sa outlook so i could look naman, but after a week? napansin ko na dumadagdag un emails na nagiging ganun. dun na ako nagpanic, kasi baka dumami, so i have no choice, nilapit ko na, nyeta, timing na timing naman na ganun, sya duty.
ayun, he tried to fix the problem with my outlook, jusko, huwad na huwad yata yun notes kong magugulo don sa desktop, as well as yung emails kong tambak nyeta.
pero in all fairness, maasikaso naman sya.
then right there, sabi ko sched ko nalang kung kailan free un PC, kalokaness, nakakahiya yun alien kong password.
eh galing pa yun sa auto-generated pass ko sa SIS ko nung college lol
pero shet, aaminin ko, thankful pa rin naman ako when that happened kasi sobrang stressful nung week na yun, like gusto ko na umiyak, lumuhod, magresign kasi naiiyak ako sa sobrang dami ng gagawin ko ang dapat ipriority. im such a big mess that time and my mood is not really really good. buti nga hindi ako nagbbreakdown nun :(
it really helped me feel better (tsaka duh mas kinilig ako sa requester ko kasi ang dami kong nakuha na good job sakanya through out that week liek huhuhu suplado un at hindi ganun ka-expressive pero shet naiiyak talaga ako kada sinasabihan nya ako ng ganun, sobrang good mood ako hanggang this week dahil dun)
ayun, tapos kanina, balik stress na naman ako, medyo gumaan na ng konti pero sobrang pressured pa rin ako.
naayos na rin pala un outlook ko and it looks super nice and updated and potangina, i thought nareformat pc (w/c is ok lang naman, every file's in my drive naman and i sent everything to my mail, un hindi lang nasalba un sa jabber, dun pa naman ako super nakakakuha ng words of appreciation sa mga requesters and managers huhu) punyeta humaba na, anyways, ayun, maganda na outlook ko and updated hahahaha
tapos syempre, i want to thank him? pero idk how hahaha syempre grateful pa rin naman ako! pero ayun sabi ko, alam naman nya siguro yun? lolz
TAPOS BIGLA SYANG NAGJABBER PUTANGINA BES PAUWI NA AKO EH TAPOS I THINK I GOT A HEART ATTACK!!
Punyeta, hindi ako hina-heart attack kahit Directors un nakakausap ko sa emails pero SYA!!! Nyeta talaga, napatalon yata puso ko kingina bes
Ayun nag-update lang if gumagana na Outlook ko, which is good hehehe great job ka jan, pagpatuloy mo lang ang pagiging mabait lolz
Ayun lang, sana makayanan ko this week un pressure sa work, matatapos na ang linggo pero un trabaho ko hindi pa lolz yoko na sobrang pressured ako kasi isa lamang akong hamak na empeyado with no positions at all pero un mga kameeting ko puro global managers and directors liek lordt im super thankful in this place pero nakakapressure sya huhuhu
P.S. badtrip din ako sa supervisor and manager ko but that's another issue, sabi ko di ko na sila bibigyan ng time and they are not worth it para ipost ko pa sila dito sa blog ko hahahhaa
P.P.S.S. My mind is still firm with it's decision. Uncrush talaga si ex-crush hhahahaha yoko na talaga, yoko na masaktan kasi ugh im super disappointed na talaga nung una with myself and let's not also indulge ourselves with unsure actions hehehe
saka he is just doing his job and im proud that he is really a good employee, doing his best to provide good service+ ultra plus points un :)
1 note
·
View note
Text
mapapa-putangina ka nalang talaga minsan.
ayan, para to sa lahat ng mga tulad ko dati na natakot sa commitment, dinaga umamin sa ex na mahal ko pa sya.. dinaga lumapit at magtanong kung may chance pa ba kami after all ng masasakit na nangyari sa amin before.
ilang years! taena! ilang years kong tinago sa sarili ko na sya lang yung mahal ko at gusto kong makasama habambuhay. sinecure ko yung sarili ko para lang sakanya. wala akong inentertain na iba kaka-antay ng pagkakataon na masabi ko sakanya; na tanungin sya, kung pwede pa ba.
ngayon kung kelan nagkaron na ko ng lakas ng loob para sabihin sakanya lahat, saka ko nalaman na huli na pala lahat-- kinasal na sila ng girlfriend nya this year. Putangina.
hindi ko pa alam kung paano ako magmu-move on sakanya pero tangina sobra lang kase yung nararamdaman ko talaga. ang hirap kasi iexplain. pero wala yung hate, shock lang siguro kase putangina 6 years! 6 years ko syang minahal from afar, kung kelan may courage na, sabay ganon. sabay wala na pala.
kaya wag nyo ko gagayahin kayo! kung mahal nyo pa, sabihin nyo na ng maaga. pagusapan nyo na ng maaga. hindi na applicable dito yung sya yung lalake, kung mahal nya pa ko, sya mauna. taena, di na ganon ngayon, gurl. tumayo ka dyan, magtapat ka na, harapin mo na sya.
ang lalaki pala, hindi ka na talaga kakausapin kung feeling nila e wala na talaga pag-asa. hindi dahil kulang sila or wala silang balls, kundi nirerespeto lang nila yung choice mo or yung space na need ng current situation nyo. girl, yung 2-3 years na space/liberty, max na yun para hindi ka mag-show up sa guy mo.
naiiyak ako kase tangina, ang dami kong what ifs. ang daming beses kong sinubukan sya hanapin at tanungin kung pwede pa ba kami. and every time na nahahanap ko sya, dina-daga ako lagi. 5 words lang naman yun na putangina sa anim na taon, hindi ko natanong sakanya. may chance pa ba tayo?
eto palang yung closure namin e. hindi ko na kasi talaga nalaman kung may galit ba sya sakin or what noon. bigla ko nalang kasi sya binlock. ngayon lang talaga kami nakapagusap ng matagal. pero kung nabigyan lang talaga ng chance before, handa talaga ko bumyahe ng alabang to qc makausap lang sya, malaman ko lang talaga na wala ng chance, wala ng feelings. pero ayun, hindi nangyare. at hindi pala talaga kami.
masyado akong naging confident sa lagi nyang sinasabi sakin dati na pakakasalan nya ko kahit anong mangyare. kaya every time na tinutukso ko sya ngayon dahil dun, nalalaman ko din na inantay nya rin talaga ako at some point. at naniniwala ako sakanya. ramdam ko yung sincerity nya.
hindi ko sya masisisi to commit sa ibang girl after ilang years ng pagmu-move on nya sakin. kasi unfair naman dun sa girl. ang iniisip ko nalang talaga ngayon ay lubayan sya. napakahirap at nakakaiyak pero kelangan. hindi pwedeng ganito kami kahit may asawa na sya. he needs to man up.
kaya kayo! kahit babae tayo, let's man up din. kahit ano pang sitwasyon yan that requires showing or manning up, para hindi mag-cause ng regret, ikaw na gumawa ng first move, ng paraan hanggat di pa huli ang lahat.
taena, sasapakin ko talaga yung nagsabe sakin sa office na tatanda na ko ng dalaga. sabe nang wag magbibiro ng ganun e. 😭
1 note
·
View note
Text
Hays! Overthink nanaman ako malala. Bakit ba kasi ganon? Hanggang ngayon di ko masagot talaga bakit? Gusto ko ng komprontahin kaso parang eto nanaman ako may issue nanaman ako. Masyado na ata akong selosa e 🙄 parang lahat nalang ba bibigyan ko ng meaning. Ee ano nga diba? Hahaha! Tangina talaga. Naiiyak nalang ako sa inis 😤
0 notes
Text
May prof din talaga na nakakapuno. Naiiyak nalang ako sa inis at pagod ih.
Against pala siya sa stress at depression, tangina edi h’wag siya maging rason.
5 notes
·
View notes