#sobrang haba pala nitong post na to hahahaah scroll niyo na lang
Explore tagged Tumblr posts
Text
UAE Trip p.4
Day 2. 6am nga ako nagising diba, ginawa ko lang non nanuod sa tiktok at nagbasa kasi nagising pa sila Alei ng 10am na. Hinintay lang namin si kuya nung lunch kasi half day siya sa work, nagpunta na kami sa jewelry store para magtingin ng gold nga, isa yon sa pakay ko talaga don hahaha kaso sarado ung nagpunta kami kasi friday pala yon, may prayer sila. So, nag decide na lang muna kami magpapalit ng pera, ung dala kong dollars tsaka ung riyal ni papa na may punit. Dito kasi ayaw tanggapin yung may punit, eh sayang naman kung di mapapalitan diba kaya dinala ko na tas don ko pinapalitan. Walang tanong tanong don, pinalitan agad nila ung riyal. itong pamangkin ko pa, lahat na lang nang nandon sa bank na yan, kinausap. Kahit ung may ka meeting na isa, inistorbo niya. Grabe sa pagka friendly. Lahat kinakausap at sinasamahan eh.
Anws, after namin magpapalit nag ukay na kami. Yung ukay nila parang sa Robinson Nova style ganon. Lahat din pinoy hahahaha may mga polo and blouse na 1 aed lang, sobrang good quality pa, ung iba 5 aed. May nabili akong shorts na 15 aed tapos 2, ang ganda nga ng quality sobra. May nakabili din akong 2 pants na isang Nike dri-fit pants tsaka isang Lee, 20 aed each. Bumalik kami don sa jewelry store pala para bumili nung set ko, madaming maganda pero sa 18k lang ako may nagustuhan. Ang minimalist kasi nung design ng butterfly kaya yun na yung binili ko. Ayaw nga ng nanay ko ung binili ko kasi daw di makinang -_-. Anws, may travel tax yon kaya pwede ko marefund. Sobrang friendly lahat ng staff nila, and pansin ko din lahat nung jewelry store na napuntahan namin, lalake ung mga staff nila. Walang babae. At lahat din nung staff don sa pinagbilhan ko kilala si Alei. Ang future niya siguro talaga maging presidente, char haha
After nito, nagpunta na kami sa Emirates Palace. Amazed nanaman ako. Ang ganda ng view, pwede ka pumasok sa loob ng hotel. Tamang stroll ka lang ganon, di ka pagbabawalan. Tama din si kuya na mas maganda sa Abu Dhabi haha literal kasi na walang traffic sa Abu Dhabi tapos magkakalapit lang yung pasyalan. Ang spontaneous nga lang ng day namin na to eh, on the spot lahat ng gala, after non nag aya lang yung friend nila kuya na mag dinner sa fish market. Para siyang dampa ganon, bibili ka ng seafoods tapos ipapaluto mo. Difference lang is aircon ung palengke nila, malinis, at mabango. First time ko din natikman ung Arabic Fattoush salad, matamis na maasim ung lasa niya. May isa pa na appetizer eh, parang quesadilla ganon. Nakalimutan ko lang ano ung tawag. Nilantakan lang namin yung hipon, squid, tska ung isang isda na di ko alam ano tawag hahaha pota.
Hindi pa natatapos ang gabi namin kasi gusto nila ate ipa try sakin ung buko ng emirates, kaya nagpunta naman kami sa fruits market. Sobrang sarap ng buko nila. Akala mo nilagyan ng sugar yung buko sa sobrang tamis. Kahit yung juice sobrang tamis. Nabigyan pa nga si Alei ng libreng orange hahaha nacute-tan kasi sakanya ung nagtitinda. May isa pa habang hinihintay namin yung pinakayod na buko, may nag papark kasi tas itong pamangkin ko ginuide pa siya mag park hayup talaga hahaha kaya tawa kami ng tawa. Akala mo talaga tatakbong presidente kaya napaka friendly. After, pumunta kami sa pasalubong center eme nila don, bumili na ko ng mga pasalubong ko. Yun kasi talaga ang plano ko, bumili agad nung gold tsaka pasalubong kaya ung matitira sa budget ko, pwede ko na gastusin haha. Akala ko tapos na ung gabi kasi mag 12mn na yon eh, pero di pa. Binanggit agad ni kuya na mag Dubai kami kinabukasan. Ganyan sila kaspontaneous, biglaan lahat. Biglaang book ng hotel, book ng tickets sa mga pupuntahan namin ganyan. Kaya pag uwi imbes na papahinga pa kami, nag prepare pa ng mga dadalhin para sa Dubai. Dito din sa point na to nakapag decide ako na gusto ko na ding mag abroad talaga. Sabi ko, iba talaga yung experience pag naranansan mo ung first world country. Mas mag hohope ka na tumira sa ganong bansa kasi ramdam mo ung asenso.
Day 3.
Dubai. Sobrang bilis kumilos ng asawa ni kuya hahahaha elibs ako. Edi, umalis na kami sa bahay diba, walang patayan ng aircon sila mga dai, kasi kasama sa rent ung tubig, electricity, and wifi. Kaya nagtataka ako bat di nila pinapatay ilaw sa cr tsaka sa kusina buong magdamag, yun pala libre. Nag breakfast muna kami sa Mcdo, lahat talaga don digital payments na. Bihira na nag ccash. Eh cash ang meron ako diba, kaya di nila ko pinagbabayad kasi may mga points pag sa app ka bibili, may libre kang ice cream ganyan, or naka 50% off ung isang burger meal. Masarap din mcdo burgers nila don. The best. Pumunta kami sa The Last Exit, cute na foodpark lang siya ganon haha pero pumunta kami don para mag CR, lahat ng spots ig worthy. May maliit na cute kiosk ng SB don, kay nagtataka kami bat ang haba ng pila papasok, yun pala pila yung drive thru ng SB. After, the last exit nag punta kami sa Dubai Parks and Resorts-free. Yes po, free siya. walang entrance talaga pati sa parking waley din. Tamang lakad ka lang and pasyal. Nandon din sa loob ung Legoland, pero syempre yon may bayad na at ang mahal niya haha 300aed ata. Kaya inikot na lang namin, may mga pahingahan din sila pag pagod ka na maglakad. May mga bean bags sa ilalim ng puno. Literal na chill lang talaga. tapos pag naka recharge ka na, lakad ulit. Nag ice cream din kami sa Mcdo ( nanaman) hahaha. Yung nalibot na namin to, nag byahe ulit kami papuntang hotel na namin sa Dubai. Yung lugar pa hotel, parang baguio style? na Makati? ganon. Puro pinoy kasi yung nandon talaga. First time lang din daw nila kuya don sa lugar na yon eh. May food stalls na puro pinoy foods, may mga tiange din. Kumain lang kami ng sisig tapos milk tea. Si kuya kumain din ng kwek kwek. namiss niya na daw hahaha Btw, sobrang kulit pala talaga ni Alei, medyo spoiled kasi tapos lahat gusto niya makuha ganon or dapat masunod. Kaya yung 10 minutes na lakad lang sana namin from parking to food stalls naging 20 minutes kasi lagi kaming nahinto dahil sakanya.Understandable naman din kasi inaantok na haha nakatulog na siya habang hinihintay namin ung milk tea eh.
Next destination, Global Village. amazed nanaman ako. hays. Malayo ung parking space sa main entrance kaya sumakay kami sa parang tricycle? pero ang difference niya, manual na padyak ang gamit ni kuya hahaha eh apat kami diba, malalaki pa kami kaya hirap na hirap siyang mag pedal. pero don walang nagpapadagdag, kung ano ung price yun lang. Global Village, isang malaking park na may tiangge, food stalls, rides ganon. papasok ka lang sa mga bansa tapos may mga nagtitinda ng products nila galing sa bansa na yon. Nagtagal kami sa korea, japan and asian eme eh. Naghahanap kasi ako ng funko, kaso ang nakita ko naman figurines. Every country din don may performance. Ikaw na lang susuko sa kakalakad sa sobrang lawak niya. Hindi na nga namin napuntahan ung ibang lugar sa sobrang pagod na kaya bumalik na kami sa hotel. Pero di pa natatapos yung gabi namin non kasi nag tiange pa kami nung asawa ni kuya lol, nilakad na lang namin mula hotel hanggang sa tiangge. Buhay na buhay pa din ung kalye kahit 1am na eh. Wala na din palang face mask don kaya makakahinga ka ng maluwag talaga. 2am na ata kami nakauwi kasi nag grocery pa kami sa malapit para bumili ng water ang snacks.
DAY 4
Nagpunta kami sa Dubai Mall. May sneak peek kasi don nung pa aquarium nila. amazed nanaman ako hahaha hayup. Imagine, aquarium sa loob ng mall??? Ang ginawa lang namin is nag picture sa Burj Khalifa tapos nanuod ng dancing fountain. Sabi nila mas maganda daw yon sa gabi eh kaso tanghali kasi kami pumunta don, pero oks na din kasi ang ganda. As in. hindi ko nga lang mapicturan ng buo ung burj kasi may mga ulong nakaharan hahaha nag give up na ko, basta nakita ko siya up close, oks na ko haha. Pinatry na din sakin nila kuyau ng biryani tapos ung isang chicken creamy eme na dish din, nakalimutanko yung name tapos isasawsaw mo don ung naan na bread eh. The best din. Ang lalaki pati ng servings nila don tapos ang mura talaga.
Butterfly Garden. Dapat sa Miracle Garden kami pupunta kaso nag mahal ung ticket, naging 75aed kaya nag butterfly na lang kami. Nakaktuwa kasi ang daming butterfly tapos ang lalaki nila. Ung butterfly na mismo ang dadapo sayo sa dami nila eh. Nung una, takot pa si Alei humawak pero ung natry na niya, sobrang proud niya eh haha nagmamayabang sa ibang bata don na nakahawak siya ng butterfly haha kaya wala kami ginawa kundi humili ng butterfly para sakanya. After nung lakad lakad, may bean bag ulit sa labas na pwede ka mag relax, yung nakaupo na kami, aba si alei, lumapit don sa mga staff ata, may parang band kasi don, may nag gguitara ganyan. May mic. Nag request ang bata ng Let It Go. Choosy pa siya kasi nung una accoustic version ung tinutugtog ni kuya, ayaw niya dai, sabi niya talaga “no. i dont like that”, gusto niya ung original version hahahaha kaya ayon, hinanap pa nila tapos nung tumugtog na kumanta siya talaga. Nakakatuwa sa pagka bibo eh lol. Lahat ng nandon vinideohan na siya. Kahit magulang ni Alei, hindi alam kung kanino daw nagmana sa pagka maarte at mabibo kasi pareho silang hindi ganon hahahaha
Since, pauwi na kami sa Abu Dhabi, gumala na kami sa pang mayaman na mall don,literal na walang tao ung mall na yon. Naki cr lang kami tapos take note hindi tissue ang gamit nila pag maghuhugas ka ng kamay. towel, yes po, opo, towel. nashookt ako. first time ko makapag cr na ang gamit nila pang punas sa kamay pag naghugas ka towel. hayup talaga ahaha so ayun na nga, nagtataka kami bakit walang tao, sabi nung pinoy wala daw kasi ung mga businessman. Meeting place pala yon ng mayayaman.
Final agenda sana namin sa Dubai is ung Museum of the Future, kaso bawal magpapasok kasi may event. Sayaaang, kasi libre din ung museum na yon eh. hays. better luck next year. Nagpunta din pala kami sa One aed store don. Namili kami pasalubong naman. Imagine 1aed ung m&m’s na chocolate. May 1 aed din na pasta. Naka sale halos lahat ng chocolates. Tapo may BPI din don mga sis. Mag aapply na ba ko sa BPI-Dubai branch hahaha lol.
Pauwing Abu Dhabi, nagharutan lang kami ni alei. Puro ako kagat niya. pinanggigigilan talaga ako nung batang yon. Umuwi lang kami saglit sa bahay para ibaba ung mga gamit tapos pumunta na kami ulit sa bahay nung kapatid ni ate. Tapos namasyal kami sa park, take note 11pm na to. Nag park pa kami. Sobrang lamig din. Sabi nila sakin “Eto paula, ganito lang ang buhay namin dito” hahaha kung ayaw mo na sa bahay mag park ka or mag mall ka ganon. Malinis and safe din kasi ung mga park nila. Malapit pa sa corniche kaya presko. Akala ko after namin ihatid ung mga kapatid ni ate saa bahay nila, makakapag pahinga na kami pero nooooope. There’s drama and nagkapulisan pa lol basta family drama nila yon di ko nakwento. pero after nung kaganapan na yon, ako pa din inisip nila hahaha “wala pang 4 days si paula dito, ganito na bumungad sakanya” hahaha. bukas na siguro ung continuation, nunuod ako OP hahaha lol
#personal#kwento#travel#sobrang haba pala nitong post na to hahahaah scroll niyo na lang#gusto ko na bumalik don#gusto ko na umalis talaga dito#yoko na here :(
4 notes
·
View notes