#so siguro sa gitna siya
Explore tagged Tumblr posts
Text
meguru is so boys at the back coded
#teachers love him but he's just way too loud sometimes#somi's bf mentioned (again)#SI OLIVER DIN !!!!#karasu and his friend too#forgot his name#MGA THE BOYS AT THE BACK#i think yoichi doesn't really belong here#GOOD STUDENT NAMAN SIYA !!!!#so siguro sa gitna siya#hindi tarantado pero hindi rin teacher's pet#saks lang#he's definitely friends with them tho#🐰 : miro talks
5 notes
·
View notes
Text
NCT Dream as OPM Songs
AN: This is written in filipino because the request is about Dreamies as Original Pinoy Music or OPM songs. So it's best to write it in filipino so that it's more meaningful and there's a lot of filo references too lol. (If you want an eng ver, just tell me! <3)
Mark Lee ; Tingin by Cup of Joe, Janine
'Di man alam ang darating Sa dulo at sa gitna ng dilim Sa liwanag mo nakatingin Sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin
Oo starting strong with Tingin by Cup of Joe kasi naman, this reminds me of Thomasian! Mark tapos nag-guest COJ last paskuhan. Kaya saktong-sakto talaga yung kanta! Imagine mo iyon, paskuhan kasama si Mark na long-time best friend mo, kumakanta ang Cup of Joe ng Tingin, tapos kahit crowded yung field, kahit na ang ingay, hindi mawala yung tingin ni Mark sa iyo. SA IYO LANG SIYA NAKATINGIN!!! Tapos wala kang kaalam-alam na nakatingin siya sa iyo kasi sobrang invested ka sa Cup of Joe. Huwag ka na lang magulat after ng paskuhan mag-coconfess si Mark sa iyo.
Huang Renjun ; Paraluman by Adie
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan
It's either IKAW ang paraluman o si Renjun, it can be both. Halos lahat ng kanta ni Adie bagay kay Renjun, pero sobrang bagay sa kanya ang paraluman. Imagine mo na ito yung kinakanta sa iyo ni Renjun SKFJSDFKJSDK like!! sobrang soft tapos yung lyrics, para siyang promise sa iyo ni Renjun. Feeling ko ito yung mga kanta na haharanahin ni Renjun sa iyo tapos isasayaw ka pa niya sa loob ng sala ninyo. Kayong dalawa lang doon tapos sobrang wholesome lang nung moment! Ayoko na, masyado na ito delusyonal.
Lee Jeno ; Mananatili by Cup of Joe
Mananatili sa iyong tabi magdamag Ating paligid, hindi na natin napapansin
Ang hirap bigyan si Jeno, gusto ko kasi special sa kanya EME. Pero iyon, bagay na bagay sa kanya ang Mananatili kasi the lyrics sounds like something he would do! Manatili sa iyo kahit ano man ang mangyari! Wala siyang pake kung uncertain yung nangyayari sa inyong dalawa, basta parang nabighani (NABIGHANI!?) siya sa iyo that night kaya he just wants to be by your side siguro hindi lang buong gabi, pwede bang panghabang-buhay na ito? HUYYYY Pero just imagine, just you and him, enjoying the moment with each other, not even caring about the people around.
Lee Donghyuck ; Fallen by Lola Amour
I'm okay with being by your side for as long as I can hide What if I told you that I've fallen
Bagay na bagay kay Haechan ang Fallen by Lola Amour!! Sobrang upbeat tapos ang cute pa ng lyrics, vibe niya talaga!! Yung tipong bigla na lang sasabihin sa iyo na gusto ka niya! Shock factor talaga but at the same time, wala lang sa kanya yung sagot mo, all he cares is that he's fallen for you!! Willing siyang gawin ang lahat para sa iyo kasi inlababo na talaga siya sa iyo, pati rin siya hindi rin alam gagawin sa feelings niya sa iyo :< ang cute lang sensya na pero iyon, never mind what you feel. He doesn't need to know, basta gusto ka niya. period!
Na Jaemin ; Pasilyo by Sunkissed Lola
Naglakad ka nang dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan Hahagkan na't 'di ka bibitawan Wala na 'kong mahihiling pa
Oo alam kong pang-kasal etong kanta na ito pero bakit ba??? Sobrang Na Jaemin-coded eto!! Imagine your wedding day with Jaemin, tapos sobrang gandang-ganda siya sa iyo habang naglakakad ka sa pasilyo. Iiisipin niya na ang swerte niya na ikaw ang mapapangasawa niya at makakasama niya habang-buhay. Pati yung lyrics it screams Jaemin so much!! Parang the way the lyrics talks from the groom's pov about his future, parang si Jaemin talaga!! >:( Sobrang perfect niya maging groom at sobrang husband material pa HAYSTTT.
Zhong Chenle ; Ikaw Lang by Nobita
Tumingin ka sa 'king mga mata At hindi mo na kailangan pang Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig
The vibe of the whole song just screams Chenle so much! Yung lyrics, yung assurance? sobrang Chenle-coded. Imagine friends to lovers with Chenle, tapos sobrang tagal niyo nang gusto ang isa't isa kaya naman once na naging kayo, may mga worries and anxieties, a lot of hurt and comfort pero dahil si Chenle ang boyfriend mo grabe yung assurance! He'll be always there for you and ikaw lang talaga ang kanyang mamahalin! Yung chorus talaga, :< imagine iyan sinasabi ni Chenle sa iyo just to assure you. :<<
Park Jisung ; Pagtingin by Ben & Ben
'Pag nilahad ang damdamin Sana 'di magbago ang pagtingin Aminin ang mga lihim Sana 'di magbago ang pagtingin
I belib in torpe! Jisung supremacy!! Pagtingin? oo that's soo Jisung-coded. Best friend na in love sa iyo? Oo si Jisung iyan! Imagine Jisung na matagal nang may gusto sa iyo pero torpe kasi siya !!! ayaw niya kasing masira friendship niyo kaya hindi siya umaamin!! >:(( Ikaw naman sobrang manhid sa feelings niya kaya iyon hindi mo alam na sobrang emotionally-constipated na pala si Jisung. SHOCKS what if years later saka lang nag-confess sa iyo si Jisung, thinking na wala na iyon sa kanya pero tangina, may crush ka rin pala sa kanya. (Hindi pa naman huli ang lahat, now's the chance!)
#nct dream#nct imagines#nct dream fic#nct fic#nct x reader#nct#nct dream imagine#nct scenarios#nct fluff#nct dream reactions#nct drabbles#nct mark#nct jeno#nct renjun#nct haechan#nct jaemin#nct chenle#nct jisung
74 notes
·
View notes
Text
LITERARY: 1DK
No’ng nakapagtapos na ako ng kolehiyo, pinili kong lumipat sa siyudad.
Ano’ng dahilan? Di ko rin alam. Basta isang araw, sinabi ko na lang sa aking mga magulang na lilipat ako sa Metro Manila. Sabi ko, isang job offering at tinanggap ko kaya roon muna ako. Well… in reality, di siya totoo. Lahat ng mga ina-applyan kong trabaho ay either di ako binalikan o di ako tinanggap. Sinabi ko lang ‘yon para payagan akong lumipat ng bahay. Naniwala naman sila agad! Buti na lang may latin honors ako. (lol)
Sa tulong ng mahiwagang Facebook at sa aking tita na nakatira sa Manila ngayon, nakahanap ako ng isang 1DK (1 bedroom and kitchen/dining area) na kaya kong bayaran ng hanggang tatlong buwan gamit ang savings. Siguro may trabaho na ako pagdating ng pang-apat na buwan. Baka pwede siguro magtrabaho sa retail or fast food?
At dahil naniniwala ang aking pamilya na lumipat ako sa siyudad para maghanap ng magandang trabaho, grabe ang binigay nilang financial support. Nagbigay pa nga ng $300 ang Lola kong nakatira sa Chicago para sa mga gamit ko sa apartment. Tapos sabi ng tita ko, magfu-furniture shopping kami sa IKEA pagdating ko sa Manila???
Oops. ‘Yan tuloy. Naging mataas masyado ang expectations nila sa akin. Haha, sorry. It’s a prank lang pala na may trabaho ako sa isang very esteemed company! Very very impulsive decision. IKR!
So ngayon nasa gitna ako ng apartment at napaliligiran ng mga kahon. Di ko sure kung kailan kong trip buksan at i-unpack ang mga trauma– I mean, ang mga kagamitan ko. Pero imbes na mag-ayos ng apartment, pilinili ko na lang magsulat ng isang blog post sa aking non-existent blog page! (Non-existent kasi ginawa kong imaginary blog ang google docs. Pero baka gumawa ako ng blog account soon? Bahala na si future me diyan.)
Bakit no’ng nakalipat na ako ng bahay at malayo na ako sa aking pamilya, biglang bumalik ang aking existential dread? O baka di talaga ito nawala at magaling lang talaga ako sa pag-suppress sa pakiramdam na ito. Pero feeling ko rin wala akong karapatan para maramdaman ito? Ako ay isang consistent honor student, may leadership position palagi sa classroom o sa org, nakakuha ng scholarship sa kolehiyo, tapos Summa Cum Laude pa. Di ba dapat “set for success” ako? Yung mga kaibigan ko nakapagsimula na sila ng trabaho pagkatapos ng graduation, habang ako kinailangan ko pang magsinungaling para lang magkaroon ng independence galing sa aking pamilya? Heads up lang! Okay lang ang family situation ko, gusto ko lang i-lessen yung burden na meron ang mga magulang ko ngayon, at gusto ko rin yung pakiramdam ng pagiging independent! Pero mukhang ginawa ko yung kabaliktaran nun. Whoops.
Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na pansamantala lang ito at lilipas rin. Pero paano if hindi talaga ako makahanap ng trabaho? Display na lang ba ang aking Bachelor’s of Arts Degree sa Psychology? Hindi ba ako naghirap enough para ma-secure ko ang aking future na pinapangarap ko? Kailangan ko bang mag-aral ulit para sa isang Master’s Degree? Surely, tatanggapin na ako ng mga employers kapag maganda ang academic performance ko, right? Pero hindi iyon ang realidad. Minsan, overqualified ako sa position, minsan underqualified naman. Kung may employer man na gusto magmeet sa middle ground, biglang nakahanap sila na mas qualified kaysa sa akin! Mukhang kailangan ko na mag door-to-door sa lahat ng mga potential employers ko habang hawak ang aking résumé. Bakit ang hirap magkasecure ng trabaho?
Saan ba ako nagkamali?
Paano ko kaya haharapin ang mga magulang ko? Ang tita ko na nakahanap ng apartment ko? Ang lola ko na nasa Chicago na nagpadala ng pera?
Haha… Well! (deep sigh for added emphasis) It is what it is! Pinili kong tumakas na walang plano, so papanindigan ko!
Hihinga na lang ako ng malalim. May tatlong buwan pa ako para maayos ko ang aking gulo, internally and externally. Aaminin ko na hindi maganda ang decision-making skills ko habang desperado at ngayon pa lang, nahihirapan na akong mag-ayos ng apartment. Sana naman makahanap ako ng maayos na trabaho, pero, deserve ko ng mas magandang trabaho kung saan pwede ko magamit ang college degree ko. Pagdating ng pang-apat, change identity na lang ako at lumipat sa ibang bansa. Saan ako kukuha ng pera? Di ko pa sure. Pero okay lang kung di pa ako sure! Marami pa akong oras magdecide! (Sana. Coping mechanism na lang ito. May time limit pala na 3 months whoops).
On the bright side, may veranda ako at ang ganda pa ng view. Ano konek? It’s none of your business. Gusto ko lang i-flex na may veranda ako.
(Note to self: If gusto mo talaga ito ang unang blog post mo sa gagawing mong blog account, ayusin mo nga muna ang mga eme mo. Dapat maging inspirational ito sa mga tao na kagaya mo na naghihirap ngayon dahil unemployed pa sila pagkatapos ng kolehiyo. Ang kalat mo dito. Sobra.)
(UPDATE to self: Tinitingnan ko ang mga drafts ko, hindi pala ito nakalabas? Anyways, nakatanggap ako ng tatlong job interviews. Sa wakas, may marunong magreply sa mga potential employees nila at hindi nangghoghost!)
(UPDATE UPDATE to self: Hindi ko na pala kailangan mag change identity at lumipat ng ibang bansa para makatakas sa aking pamilya. May trabaho na ako at hindi nila na-figure out na nagsingungaling ako sa kanila. :>)
(FINAL UPDATE: gg alam pala nilang di totoo may job offering ako kaya pala sila nagbigay ng financial support sa simula??? EH DI SANA SINABI KO NA LANG DATI NA GUSTO KONG LUMIPAT KASI TRIP KO LANG! Sabi ng nanay ko na papayag naman sila kahit wala pa akong maayos na trabaho, mas kailangan ko pa ng change of environment at the time. Umiyak ang bakla sa revelation na ito.
Anyways. May trabaho na ako :>. 5 months strong! Tapos mapro-promote pa ako next month! Nag-apply ako for Masters sa UP, pero this time, I’ll take it slow! Okay lang kung di pa ako sure sa gusto kong gawin kasi marami akong oras sa mundo para mag-decide. Btw, ang ganda ng veranda ko. Since September na, puro Christmas decor na ang meron dito kasama ang aking beach chair na nabili ko sa Shopee 8.8 sale na 70% off. Wag mo na itanong kung ano ang konek. Masama ba i-flex ang aking financial capabilities ngayon? Ha. Thought so.)
5 notes
·
View notes
Text
gusto ko mahanap yung guy na nakita ko don sa gig hahahaha umaasa ako na makita sana sa IG ng Stick Figgas (halimbawa nag tag tas isshare nila ung story) kaso di nag popost yung band IG maski members eh. tamad naman ako mag IG kaya di ko din mababantayan tlaga kung may isa man sa kanila na mag story ng night na yon.
may dala syang cam, isip ko nga photog ng event pero nung set na ksi ng Stick Figgas parang super kabisado nya mga tinugtog so baka fan lang din??
though di ko man sya nakita buong event (so malay ko din if ganon din with other sets), unless siguro kung ginusto ko tlga magpa pansin hahaha. focus ako siempre maka pwesto ng maganda para sa bands ko 🫶🏻 minsan lang mapanuod eh, first pa sa Sinag.
bali nakita ko lang sya nung maluwag pa yung bistro tas every now and then nalang sa ibang artist, nsa kabilang side din kasi sya naka pwesto (left side of the stage ako). pero nung set na ng Stick, pumwesto na sya sa gitna tas super sabay sa lahat ng tracks. baka yon na yung soulmate ko_final. charrr
napansin ko lang tlga siya from the start pa, looks, porma, tas yung hair nya katulad ng hair ko nung kerly pa hahaha.
#try ko makapunta sa mga sunod na gigs din ng Stick lalo na mukang last few performances nalang ata with Tuts Calinawan??!#well sana di pa yon ang last#we.deserve.farewell.gig#kung tama pagka gets ko sa sinabi ni Loonie#ll
9 notes
·
View notes
Text
📍i Love Bamboo, Legazpi. + short kwento re: moving out of the city into living a peaceful provincial life.
new-found friends here in Albay. good thing narin na nag onsite ako, hindi na ako bored after work kasi nakaka labas na ako at nakaka gala after work. yun nga lang kahit hindi naman hirap mag commute dito, pagod parin ako, siguro kasi dahil araw araw kong dala yung laptop ko papasok at pauwi. so this week, iiwan ko na muna sa ofc tuwing friday ko nalang iuuwi para si J ang mag buhat haha.
anyway, this was last Friday, nagka ayaan lang na lumabas dahil sahod nga then we invited our OM, makapag bonding lang saglit. kahit minsan medyo parang hirap ako makipag usap sakanya kasi syempre boss parin namin siya, nandun parin yung boundaries lalo na for me, mas ingat ako lagi sa mga nai-sishare ko ngayon.
wala lang, since same kami na galing Manila, we love it here na talaga, parang we share the same sentiments kasi alam namin pareho kung gaano ka-stressful manirahan sa Manila. nashare ko kasi non na parang bumait ako when I moved here. siguro kasi I'm slowly coming out of survival mode na, feeling ko I'm at peace na, ang chill chill nalang ng buhay. yung mga tao sa paligid ko napaka thoughful at maalaga, biruin mo pati kapitbahay parang turing sakin kamag anak. one time nga akala ko kamag anak pa nila J yung ibang kapitbahay nila rito, kasi puro mga uncle at ante tawag nila haha.
naisip ko, hindi na ako nakikipag bunuan sa mga lalaki maka sakay lang ng jeep, hindi na ako uupo sa gitna ng umiiyak dahil malelate na at wala talagang masakyan, hindi na ako pipila ng halos isang oras maka uwi lang. kasi dito, napakadaling sumakay.
pati mga kawork ko, kasundo ko naman agad, wala ng may first impression sakin na mataray o masungit, mukha raw akong masiyahin at approachable. even that event na hilaw yung nareceived kong pancake sa mcdo, instead of lashing out sa manager na hindi naman naka duty the previous day which is nung nakakuha ako ng hilaw na pancake, ako pa yung nahiya na nag offer sila na palitan yung nakuha ko the previous day, and super kalmado ko lang.
even with J, hindi na kami nag aaway na nasisigawan ko siya. mahinahon na kami mag usap habang nag aaway haha. ewan ko ba, sadyang nakaka hawa yung energy talaga ng mga tao sa paligid ko.
makes me think that I made the right decision to move here. hehe.
9 notes
·
View notes
Text
OCT. 23, 2023 MONDAY CUTE GUY : )
Today is October 29, 2023 Sunday 2:56 P.M. I am here in my beloved Philippines, while I am typing this tumblr post. I have to get this thoughts out of my mind, It happened last Oct. 23, 2023 Monday at work, Morning duty ako and its 3 days na lang before my flight to Philippines for my Vacation. So my head is kinda messy, pagod, stressed out, sabog, kulang sa tulog,nag-iisip kung ano pa bibilhin pang-pasalubong, paano ko ba pag-kakasyahin mga gamit sa luggage, and kung ano anong sh*ts. And ayun busy busy sa work mga morning time ito nangyari ng may boy next door akong na-assist hehe, out of nowhere he was there. And in my head ang cute niya at siguro he is here to collect medicine for his wife or gf. Then when I noticed him, I said Hello po Sir and then he looked my way and happily smiled at me. Gulat ang heart ko hehe, kasi it is a very rare experience for me, That a Guy so cute like him smiles at me, and he was looking for a knee support, I am about to go to him, to assist him for the knee support he is asking, I asked him if yung may butas ba sa gitna which is kinda awkward for me to say, yun daw hanap niya. and nakita na daw niya kung nasaan mga knee support kaya hindi na ako lumapit to help him, so hinayaan ko na siya at may mga patients na dumadating to get their medicines. So interrupted ang interaction namin, nag-assist na ako ng ibang patient and ayun busy busy na ako, then I know it's him saying Goodbye to me, hindi ko na siya nalingon, but my heart is kinikilig ng kaunti, after that mini interaction with him, ang nasa isip ko parang gusto ko na naman magmahal ulet, haha, echoz lang. After this, hindi ko na maalis sa isip ko ito, na need ko siya itumblr haha... then I can feel sadness in my heart na I want to know him? Pero hanggang dito na lang ang lahat, so ito dito ko na lang ilalahad lahat hehe, nung Oct. 23 ko pa gusto mag-kwento dito at wala naman ako alam na pwede pag-kwentuhan, busy nung mga panahon na iyon. pero nasa back of my mind ko siya araw-araw. Clean looking si Cutie, nakashorts siya that time, hindi naman ganun katangkad, hindi pasok ung looks niya for my type, but its his gesture that makes him gwapo in my eyes : ) So siguro,taken ka na, so ayun, Thank you for smiling at me that day, ang cute mo nun, nashock nga ako bigla mo ako nginitian, maybe natural mo lang talaga ang pagiging polite at masayahin. Sana magkita tayo ulet hehe, and if hindi ka taken we can be Friends : ) Ohh siya Mwahh Mwahh tsup tsup : )
0 notes
Text
Stardust ✨— [93]
Sa gitna ng pagmamaneho ni Seungcheol sa lugar na malapit sa Taft Avenue at DLSU campus ay patuloy na tumutunog ang cellphone niya na nasa bulsa. He immediately took it out and handed it to Dk who's seating on the shotgun's seat.
Nagtatakang tinanggap ni Dk ang cellphone ng kaibigan habang naghihintay na magsalita ito.
"Can you check who's texting me, Dk?"
Hindi na nagsalita si Dk at ginawa na 'lang agad ang pakiusap ng kaibigan. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita.
"Sabi ni Yi slash Cali, may bagong tweet raw si Rei. Should I check it, Cheol?"
Hindi nagdalawang-isip na tumango ang nasa driver's seat.
Instead of opening the blue app on Cheol's phone, Dk took out his phone to check Rei's tweet from his own account.
"It's a picture, Cheol. Kamay ata ni Reilee na may hawak na, ano 'to? Alitaptap?" Dk showed the picture to Cheol who immediately took a glance at it.
Agad na tinigil ni Cheol ang kotse sa tabi ng coffee shop, para 'lang mas makita ang larawan.
"FUCK! I knew it!" Bulalas nito. "This is all about Caden again!"
Napakunot-noo si Dk na nalilito. He doesn't understand what Cheol was trying to say, even Reilee's tweet is so unclear to him.
"Yang.... at Alitaptap?"
"Yang is what she calls Caden. It's from a Ying-Yang Chinese Philosophy. At iyong alitaptap, it's symbolizing the soul of our departed loved ones; Reilee and Caden believe in such things."
Dk was a bit shocked and amazed at the connection that Reilee and her boyfriend have. He knew Caden on the court that's why he couldn't imagine he would believe in such a folktale.
Ying........ Yang.......Fireflies.
No one could imagine how deep the love between the young couple was.
Kaya siguro ganito na lamang sila kahirap na hanapin ang nawawalang si Reilee.
Because no one can understand Reilee better than Caden.
"Is there a location on her tweet?" Dk suddenly asked.
Bigong umiling-iling si Cheol na walang ibang nagawa kundi ang tumulala at paulit-ulit na magmura sa isipan.
Where the fuck is this place?
Where the fuck do fireflies roam in Manila?
0 notes
Text
RATING OUR WEDDING SUPPLIERS (BATANGAS EDITION)
Preparation was from January to April (na nagkocollect palang ng ideas ng January to February). Imagine the pressure I had to go through.
Our initial plan talaga was to do it sa bahay namin (since ako yung gurL) pero our wedding was election month so pahirapan pa kami sa pag convince kay Mommy to do it sa restaurant nalang. So yeah, by April naka book na lahat except the reception. Luckily, available pa yung nirecommend ng wife ng pinsan ko.
Rosario Resort and Hotel — 8/10
Tingin ko ito palang yung nag iisang hotel along Padre Garcia and Rosario. Ito na talaga yung gusto naming kunin kasi:
5k lang yung required downpayment to secure the date. --Kinuha namin yung package na good for 200 pax, half pavillion lang since nung nag visit kami, nagulat kami kasi super laki ng place. 150 pax is Php130,000 and madami na inclusions (food, cake, wine, basic styling, lights and sound, pica pica). Nag add lang kami ng unlimited coffee for guests just in case late na makakain.
May isang free room na pwede pag stay-an for 22 hours. --Dun kami nag overnight and ang kasama ko sa room si Mommy. Nag add nalang kami ng rooms pa para sa mga abay and sa college friends ko. Okay naman yung rooms, yung room namin ni Mommy maganda and sa ground floor lang pero yung sa mga abay, 3rd floor pa ata sila. Yung room ng mga abay simpleng room lang siya unlike sa room namin.
Super bait ng mga nakausap namin na staff, lahat ng tanong naming mag asawa sinasagot nila ng maayos. Hindi lang talaga naging clear samin yung about sa gusto naming padagdagan ng design yung 'basic styling' na part ng package.
Dun lang sa naging overall styling ng pavillion, dun lang kami di contented. Ang simple lang niya super basic styling lang talaga siya. Umpisa palang, yung blue na harang sa gitna ng pavillion yung gustong gusto ko talagang paharangan pero wala akong maisip na way to do so kaya nakinig nalang kami dun sa staff na 'bumabagay naman yung harang sa styling'.
Pati yung backdrop namin, simple lang din talaga siya. Thankful nalang ako dun sa isa naming supplier na pinadagdag namin yung styling nila sa reception additional ng Php2,500 lang kami pero okay na din.
Yun lang talaga, di ako naging happy sa backdrop and sa stage namin. Pero yung buong itsura ng pavillion okay din naman. Yung sa stage lang talaga, parang may igaganda pa sana. Siguro kung nakinig lang sila sakin na patay yung ilaw then yung pink lights lang yung naka-open, maganda e.
0 notes
Text
February 7 2023
It's been a long time sharing my thoughts here. I just figured out na marami akong di na share dito for the past 7 months. Life update: Ito nasa laylayan pa din. Alipin ng corporate world. I'll be in 3 years na sa company na trinatrabahuhan ko. I've been working so hard to sustain my needs sa 5 taon ko nang pagtatrabaho after graduation. I'm still living with my parents. I'm still with my boyfriend for almost 7 months. I am still working on this relationship. Sa ngayon wala pang pagsubok. Siguro yung pagiging lowkey pa din namin yung magiging dahilan. Lagi kong binabalance kung dapat ko pa ba ituloy yung relationship or makipag break na. Siguro dahil ito sa pagiging Virgo ko. I always weigh kung worth pa ba ang mga bagay bagay. Honestly, di ko siya nakikita sa future ko. Maybe malabo pa kasi halos bago pa. Sa work naman, feeling ko I just doing it for the sake of my necessity. Yung tipong okay na na ganito lang sinasahod ko. At least napupunan ko yung mga pangngailangan ko at pangangailangan ng family ko. Naisip ko na talaga na lumipat or mag abroad para matupad ko yung mga pangarap ko. Still dito pa rin ako. Nasa gitna na ako ng adulthood and di ko pa rin alam kung saan ako pupunta. May mga plano ako sa buhay ko na akala ko tuloy tuloy lang pero may mga pagkakataon na maliligaw ka. Gusto ko na sumuko. Gusto ko na nang hayaan ang lahat na nang paghihirap ko. Pero ang hirap ding pabayaan na lang lahat. Gusto ko naman simulan yung mga plano na masasabi kong di ko pagsisihan yung tintatahak ko. Gusto ko makabili ng bahay. Gusto ko magkasasakyan. Gusto ko ng financial freedom. Gusto ko magkaroon ng sariling fashion line. Gusto kong mag travel na di mo iisipin yung gastos. Ayaw ko na sa ganito. Gusto ko nang umangat. Gusto ko naman makamit ko yung mga plano ko. Sa ngayon, napaka impossible ng lahat. Nakakalungkot man sabihin pero gusto ko nang lumaya.
0 notes
Text
𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 - 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐡𝐲𝐮𝐜𝐤 𝐅𝐢𝐥𝐨 𝐚𝐮
“Sa gitna ng pag-ulan, doon pala kita masusumpungan.”
NOTES:
This is purely a work of fiction, do not associate with the real people.
Do not affiliate the establishments in this story to reality.
Might have some errors/typos, pls. bare with me.
Contains some swearing.
Do not copy the content of this story.
This is a taglish au.
Do not interact if it's not your cup of tea, thank you.
Haechan's Point of View
"Gago iniwan niya na talaga ko." Ito ang mga salitang paulit ulit kong ipinapasok sa isip ko dahil nangyari na. Kailangan kong tanggapin kasi wala na din naman akong magagawa. France left me for good today, tangina.Mahigit isang oras na kong nakaupo dito sa hagdanan sa may labas ng simbahan. She decided to end our relationship after the church service dito sa pwestong kinauupuan ko. Hindi ko inakala na matatapos na agad yung isang taon naming pagsasama. Masaya naman kami lalo na nung simula, hindi ko alam kung bakit unti-unting nagbago yung relasyon namin. Sabi niya kanina sakin nagsasawa na daw siya, at ayaw niya naman daw pilitin ang isang bagay na hindi na siya masaya. I was begging for her to stay, kasi baka kaya pa, kaso sabi niya ayaw niya naman daw akong lokohin. Ayaw niyang magkunwari at paasahin pa ko so she had to let me go. Ayoko nito, hindi ko alam kung kaya ko dahil nasanay na din akong lagi siyang nasa tabi ko lang. Pero sa kabila ng pagmamakaawa ko, naramdaman kong ayaw niya na talaga so I respected her decision. I set her free even if it hurts a lot. After she left, I felt so weak at alam kong hindi ko pa kaya maglakad kaya naupo ako dito. Nakatungo lang ako habang nakapatong ang dalawang braso sa magkabila kong tuhod.
Tinitingnan at tinatanong ako ng iba naming ka church kung bakit daw ako nakaupo dito, yung iba naman ay nagyayaya na kung gusto ko daw sumabay pauwi. Sabi ko okay lang ako, nagpapalipas lang ng oras. Naubos na halos ang tao sa simbahan pero nandito pa din ako. Tinatago ko ang mga luhang kusang pumapatak sa mga mata ko.
Saan ba ko nagkamali? Masyado ba akong makulit? Naging pabaya ba ko? Ano bang kulang sakin? Nakakainis ba ko? Kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isip ko kasi hindi ko naman mapigilan sisihin ang sarili ko. Hindi ko pa matanggap yung nangyari ngayong araw. Masyadong mabigat. Masyadong masakit France. Mukha na kong gago na umiiyak dito sa labas. Siguro ang pula na ng mata ko. Dumidilim na din pero hindi ko pa talaga kaya umalis. Wala kong ideya kung may nakaka kita ba sakin, bahala na. Wala kong matakbuhan sa oras na ‘to kaya gusto ko lang mapagisa ngayon. Nagsimula nang umulan at nagsimula na din akong mabasa. Wala na akong pakeelam. Lalong bumuhos ang luha ko habang lumalakas ang mga patak ng ulan. Basa na ang ulo ko at katawan pero wala akong balak sumilong, gusto ko lang talaga ilabas lahat ngayon. Gusto kong bawasan manlang yung sakit.
May napansin akong anino na papalapit sakin."Okay ka lang?" pagtatanong ng lalakeng bigla nalang lumapit.Tiningala ko siya mula sa pagkaka upo ko. Hindi ko siya kilala pero mukha namang mabait siya at nag-aalala. Matangkad siya, may maliit na mukha, malambing na tono ng boses at naka suot siya ng hoodie na itim. Itinapat niya sakin ang hawak niyang payong dahil basang basa na ko.
Pasimple kong pinahid ang mga luha ko bago siya kausapin uli. "Uh- uhm oo okay lang naman ako, may iniisip lang," yun na lang ang naisipan kong isagot.Hindi muna siya umimik at nakatitig lang sakin, mukhang nag-aalala.
"Baka magkasakit ka niyan, silong ka kaya muna," sabi niya sa akin at ngumiti ng bahagya. Medyo nahihiya na ko ha. I met a stranger in the middle of a rainy night while I'm dreading. Ano ‘to good samaritan? Padala ka ba ni Lord? Hindi ko alam kung tatayo na ba ko dito o itutuloy ko lang ang magpaulan habang umiiyak ako.
"Sige kuya," nginitian ko siya. Nakakahiya naman kasing naghihintay ang isang taong hindi ko naman kilala na gustong magbigay ng tulong. Tumayo na din ako sa pagkakaupo para maharap siya ng ayos. Halos magkasing tangkad lang pala kami. Nakatapat pa din ang payong niya sakin."I'm Mark nga pala, kanina pa kita napansin na nauulanan kaya naisipan kong lapitan ka," sabi niya habang iniaabot ang kamay niya."I'm Haechan, Haechan Lee. Nakakahiya naman pre, pero thank you sa concern mo," I shook his hand and smiled.
"Bro basang-basa ka na oh, malapit lang ba bahay mo dito?" tanong niya."Uhh, medyo malayo pa," sagot ko.
"My house is a few walks away lang dito, punta kaya muna tayo if you want. Pahiramin kita ng damit, baka magkasakit ka, tsaka ang hirap naman magtravel na basang-basa ka," he offered.Grabe sa daming tao sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng stranger na ganto ka genuine. Napapanood ko lang sa mga pelikula to dati.
"Wag na pre, kaya ko naman na ang sarili ko, nakakahiya din," sagot ko."No it's really fine dude, wala sakin yun. I'll be glad to help, malapit lang naman rito bahay ko," makulit talaga siya."Sige na pre, tara na," pagtanggap ko sa alok niya.
We walked together habang pinapayungan niya ko. Grabe nakakahiya pala, mukha akong basang sisiw. Buti na lang talaga mabait si kuya. Teka mabait nga ba? Pano kung masamang tao pala talaga ‘to? Hala! Pano kung psycho pala to na naghahanap ng mabibiktima, odikaya killer? Hala ka Haechan! Ganto yung ibang mga namamatay sa pelikula diba? Kapag sumama na lang basta sa taong di naman nila kilala. Pilian ka pa ba Haechan, ang miserable mo na nga ngayong araw pinagiisipan mo pa ng masama yung tao. Napapikit nalang ako ng konti para magdasal na wala ‘tong gawing masama sakin, bahala na.
Pagkatapos ng masama kong pag-iisip sa lalakeng katabi ko ay bigla na uling nag sink in ang lungkot. Kung gaano bumibigat ang buhos ng ulan ay ganoon din kabigat ang nararamdaman ng dibdib ko pag naaalala ko ang mukha niya. I just didn’t see this day coming, na matatapos na kami. Bukas panibagong araw na naman, at unang araw ‘yon na wala na sakin si France. Goodluck sakin, sana kayanin ko.
“Dude!!!” Mark pulled me closer to him para mapalayo sa kalsada. He looks so worried. Nagulat lang ako kasi hindi ko alam kung ano na bang nangyari. Masyadong lumilipad ang isip ko ngayon sa kakaisip. Pero grabe medyo nahiya ako, sobrang lapit ko sa kanya kasi halos niyakap niya na ko para mahila niya ko.
“Dude, okay ka pa ba?! Muntik ka na mabangga kaya hinila kita. Kanina pa bumubusina yung sasakyan na papalapit pero parang hindi mo napapansin,” he told me.
I bit my lips out of embarrassment at napatungo. “I’m sorry, I’m sorry Mark... masyado lang clouded ang isip ko ngayon, hindi ko napansin. I’m sorry talaga.”
“It’s okay, mag-ingat ka nalang sa paglalakad,” he assured me that it’s fine and he tapped my back. We continued walking.
“We’re here at my place,” he smiled at me when he pointed on a modern house na malapit sa kinatatayuan namin. It looks small pero halatang ang ganda ng exterior, ginastusan.
“Uhmm, may mga tao ba sa loob?” nag-aalalang pagtatanong ko.
“Ayy wala,” he chuckled. “Just know that you are very welcome here,” he smiled again.
Grabe ang bait naman nito. Ano bang ginawa ko sa past life ko para gawan ako ng gantong kabutihan? Pero katakot yung mag-isa lang pala siyang natira dito ha? Hala kuya ano balak mo gawin sakin? Napalunok nalang ako.
“Let’s get inside,” pag-aaya niya.
Pinaupo niya muna ko habang ikinukuha ng damit na ipahihiram niya daw sa akin. My eyes scanned on his living room. Parang ang organize niya sa gamit, tapos maganda din yung interior ng bahay niya tsaka mga furnitures. Napansin ko din ang collection niya ng mga albums ng Western artists, pati na din yung acoustic guitar niyang naka display. Mukhang sobrang mapagmahal nga nito sa music.
“Here Haechan, palit ka na. I got you a sweat shirt and sweat pants, I think kakasya naman sayo. May towel na din tapos plastic for your wet clothes. Yung footwear, pahiramin na lang din kita mamaya,” he said.
“Nako nakakahiya talaga, pero sobrang thank you pre. Di ko alam kung pano ako babawi sayo,” I told him.
“No, please don’t worry, I’m glad to help. Doon pala yung bathroom by the way,” pagturo niya.
Nagpatuyo na ako at nagpalit. Grabe ang bait niya talaga. Paglabas ko ng comfort room ay nakita ko siyang nagluluto.
“Oops, wag ka munang aalis ah, kakain pa tayo,” pagbibilin niya sakin nang maramdaman niya ang presensya ko.
He cooked ramen for the both of us at may kasama na ding kimchi habang kumakain kami.
“Dude pasensya ka na ah, ito lang napakain ko sayo ngayon, di pa kasi ako nakakapag grocery uli,” he said.
“Ano ka ba, masarap naman. Thank you nga pala ng madami Mark.”
“You’re welcome,” sagot niya sabay ngiti.
"By the way, mahilig ka pala sa music noh? Napansin ko lang," sabi ko sa kanya.
Nagliwanag ang mukha ni Mark dahil sa pagbanggit ko sa interes niya. "Ah oo, napansin mo pala yung mga nakalagay sa living room. Oo, mahilig kasi ako sa mga band especially sa Western music."
"Ahhh... siguro magaling ka din tumugtog oh kumanta noh?"
Napatakip siya ng bibig dahil medyo nahiya yata sa akin. Napapangiti din siya. "Nako hindi naman, sakto lang," sagot niya.
"By the way, sorry to ask dude ha, pero okay ka na ba?" bigla niyang iniba ang topic.
"Ha? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko kahit ako lang naman ang kausap niya. "Oo naman, okay lang ako." I said that I'm fine but I couldn't even look straight into his eyes. Masakit pa din talaga pinagdaanan ko ngayong araw.
"I may not be in the right place to say this pero, sure ka ba?" tanong niya uli.
"O-oo, oo naman, bakit mo naman natanong?"
"Ah... Kasi nung nakita kita sa may simbahan kanina, mukhang napakalalim ng iniisip mo. You know, even though we just met, pwede ka naman magkwento para makatulong ako at least."
This guy really. Anghel ba to na naging tao?
"Alam mo sobrang bait mo, hindi ko alam kung bakit. I just had a bad day, don't worry okay na siguro ko bukas."
"Pero what happened ba? Muntik ka na din mabangga kanina dahil sa lalim ng iniisip mo."
I sighed before I talked again. "Sige pre sabihin ko na, my girlfriend just dumped me today."
“What?!” His mouth formed an ‘o’ and he covered it afterwards because of shock. The moment of silence was too loud at this point.
“I’m so sorry dude, I hope you’ll feel better soon.” He tried smirking to help me feel okay.
“Sana, sana nga. Ang sakit lang din pala pag di mo inexpect tapos iniwan ka nalang. I mean we’ve been together for a year pero ang sakit pala pag nandoon na kayo sa part na yon, sa break up.”
“It’s true, parting ways are usually painful. But I hope you don’t mind if I ask kung bakit, knowing na parang mahal mo pa talaga yung tao?”
“Ahh...nagsasawa na daw kasi siya, ayaw naman daw niya pilitin pa yung samin kasi parang niloloko niya lang ako kung ganoon.”
“Oh, I’m sorry dude. Maybe there are just some people who will cross our paths but are not meant to stay. Tingin ko naman mapagmahal ka na tao, may nakalaan mismo para sayo. I hope you’ll get better soon,” he told me and smiled.
“Siguro nga pre. Thank you nga pala uli, at least may nakausap ako ngayon. Anyway, late na din pala. Maybe I need to go na since may trabaho pa ko bukas, pasensya na.”
“Don’t worry, it’s fine. Sure ka bang gusto mo na umuwi?”
“Oo eh, baka kasi malate ako sa work bukas. Pero before I go nga pala, can I get your number, I’ll text or call you on Wednesday siguro to return your things.”
Mark added his number on my contacts and he also asked for my number so he’ll know that it’s me once I contacted him sabi niya.
Kinabukasan pumasok na ko, buti naman hindi ako nagkasakit kahit naulanan ako. Good thing I felt a little better. I’ll get used to things din siguro. I lost a person but what’s more important is I won’t lose myself despite of what happened. Now, I have more time for myself and my personal interests, yun nalang siguro iisipin ko.
And oh, Mark texted me today also and he’s asking me if I’m alright. I just answered him that I feel much better and he don’t need to worry.
Days went by so fast, Wednesday na ng umaga ngayon. I brought Mark’s washed clothes as well as his slippers and umbrella na pinahiram niya sakin. Ibabalik ko na, mga after work siguro, tapos bawi na din ako sa utang na loob ko. Grabe bakit ba napakabait na tao ng lalakeng ‘yon.
Dumaan muna ko ng Starbucks kasi maaga pa, katabi lang ‘to ng building kung saan ako nagwowork.
“One Caramel Macchiato please.” I patiently waited for my order sa upuan malapit sa cashier. Nang tinawag na ko at kinuha ko na, pag lakad ko ay may lalakeng biglang nakabangga sakin, muntik na ko mapasigaw kasi muntik na matapon yung kape.”
“Haechan?”
“M-Mark?” Nako po buti hindi ako sumigaw, nakakahiya sa lalakeng ‘to. Kaya pala parang pamilyar kahit di ko pa nakita mukha niya kanina nung nakabangga ko siya.
“I’m sorry, napaso ka ba?” He reached for my hand and worriedly checked kung natapunan ba ko ng hawak kong kape.
“Nako okay lang ako, pasensya na din, di agad kita napansin sa likod ko,” paghingi ko ng pasensya.
“I’m okay.”
“By the way please wait a little, order lang ako.” That’s what I did, I waited for Mark. Nang makaorder na siya ay umupo siya sa seat katapat ko.
“Hi, by the way what brought you here,” Mark asked and smiled.
“Ah, I work kasi diyan sa BDO as teller sa katabing building, ikaw ba?”
“What??? Really? What a coincidence? We’ve been working in the same building and lately lang tayo nagkakilala. Sa 6th floor ako, Journalist of Summit Media.”
“Wow! Ang galing nga din noh. Mamayang hapon din kita dapat tatagpuin diba para ibalik gamit mo, sakto malapit ka lang pala. Kaso naiwan ko gamit ko sa kabila so kita nalang tayo mamaya.”
“Oh sure, no worries.”
“Treat ko na lunch mamaya, bawi ko na for saving me and for being nice last time.”
“Nako okay lang yun, but thanks. We could hang out more often nga eh, since magkalapit lang pala tayo.”
“Sure.” We went on our way after that. We just met again during lunch. We agreed to eat on a steak house. Naibalik ko na din ang mga gamit niya. Etong si Mark, dahil masyadong generous sya nalang umorder ng dessert kasi ayaw niya na siya lang ang ililibre.
“So kumusta naman pagiging journalist?” tanong ko sa kanya.
“Okay naman siya, medyo nakakapagod but writing is my passion so it’s okay.”
“Sipag naman,” nginitian ko siya ng bahagya para asarin ng konti habang kinakain yung tiramisu na inorder niya.
“Dude!” Tumawa nalang agad si Mark. Sobrang masayahin ng taong ‘to. Nakakahawa yung energy niya ng pagiging masaya. The atmosphere feels very warm when I’m around him. Kahit bago palang kami nagkakilala, alam mo yun, ang dali mapalagay ng loob mo sa kanya na parang hindi ka mahihiya. He’s very chill, welcoming and kind.
Just like that, naging habit na namin kumain ng lunch ng magkasabay. Nagseselos na nga mga workmates namin minsan kung bakit hindi na daw namin sila nasasabayan. Kaso wala eh, it’s nice to have a friend like him, yung nasasabayan yung vibes mo.
Bukod sa mga lunch namin, we also hangout when we have time. Minsan sinasamahan niya ko mag basketball, minsan naman sinasamahan ko siya magshopping or magpunta sa paborito niyang bookstores. We even go and stay on each other’s house pag bakante kami ng weekends. We became very close.
Time went by so fast. Days turned into weeks and weeks turned into months. Tagal ko na din palang single, pero nasanay na ko.
One afternoon, I was on Mark’s balcony, having coffee with him while watching the sunset. He broke the silence when he started to ask something. “Okay ka na ba?”
“Huh?”
“I mean, about your healing. Do you feel okay na ngayon.”
“Oo naman syempre, ilang bwan na din ang nakalipas. Okay na ko, thank you din sa mga moral support mo, it helped me a lot.”
Mark walked closer, siguro para marinig ko siya ng ayos. Tumingin din siya sa araw na papalubog na.
“Don’t mention it, I always got you alam mo yan. But I’m so glad na okay ka na.”
“Hay, basta I will always be grateful for having you around.”
“Ako din,” sagot niya at sumimsim na sa kapeng hawak niya. He placed his arms on the railings kagaya ng ginagawa ko ngayon. We stayed silent for a minute.
“But are you ready to be in a relationship again since sabi mo okay ka na?’ Mark suddenly asked.
“Uh-uhm ang sudden naman ng tanong mo. Hot seat ba ‘to? Hahahaha!” natawa ko pero nakaramdam din ako ng kaba at pressure bigla sa tanong niya. Meanwhile, he was just there smiling at me cutely and watching my reaction.
“Hmm... ewan, siguro depende sa tao or sitwasyon. Pero open naman ako kung may dadating nga. Hahaha!” sagot ko.
Nakatingin na uli siya sa malayo nang may itanong uli. “What if someone you know asks you out?”
“Well, siguro I’ll give it a try, wala namang mawawala sakin diba?” I smiled when I answered him.
“Okay, okay...cool! Now let’s go to the supermarket na, bibili pa tayong mga pagkain.”
Namili kami ng snacks dahil plano namin mag binge watch ni Mark sa Netflix mamaya. Tinulungan ko na din sya sa mga bibilhin niyang stocks para sa bahay niya. Pagpunta namin sa section ng sauces, I was reaching for a bottle of Ketchup when someone called my name as she approached me.
“Haechan,” I was right it was France. She still looked so beautiful. Parang pakiramdam ko tumigil ang oras saglit, hindi naman to dahil sa kinikilig ako o nasabik akong makita siya, pero yung naramdaman ko ay pagkagulat. Ngayon ko nalang uli kasi siya nakita pagkatapos ng matagal na panahon. I also saw how Mark’s lips parted when he saw us. Parehas lang kami nagulat.
“Hi France, so kumusta ka naman?” she didn’t answer my question immediately. She kept on massaging her hands, a sign that she feels nervous.
“Actually, I have something to tell you.” I already know what she’ll say so I held her arm lightly and pulled her a little further where Mark can’t hear us so we could have a little privacy.
“I regret everything babe. I tried reaching you pero binlock mo na ko. Can we talk about things after doing grocery?”
“I’m sorry France pero I have plans after so let’s just talk here.”
“Okay, dederetsuhin na kita, I want you back Haechan. I was just confused nung time na nakipag break ako. I’m so sorry. Can you give me another chance? I miss you.”
I sighed in disbelief. Bakit ngayon ka pa bumalik? Bakit mo pa tinapos kung babalik ka din pala. Alam mo ba kung gaano kahirap ka kalimutan tapos ngayong okay na ko babalik ka. Maawa ka naman sakin France.
“You see France, okay na ko ngayon. I don’t know what happened for all those months na nawala tayo. I valued you so much back then, alam mo yan. But I’m sorry, hindi ko maiibigay ang hiling mo. I’m happy with my life now, at sana maging masaya ka na lang din para sakin. I know and I hope that you’ll find a man who will be enough for you, the one who can take care of you and give you everything you need.”
Tears are dripping down her face.
“I’m sorry but I have to go now. I wish you well.” I smiled a little and left. She was left dumfounded, maybe unable to process everything that I said.
Nabanggit ko din kay Mark ang nangyari. He was so proud of me.
On our way back to his house, he started to walk slowly kaya binagalan ko din ang paglalakad ko. He smiled at me.
“What?” I asked him.
We stopped walking and he whispered something.
“Can we go on a date tomorrow? I mean, me and you, on a romantical date?”
Oh gosh! I never felt so weak like this. I instantly felt butterflies inside my stomach. My ears felt hot and I could also feel my cheeks turning red. I can’t answer him immediately because of shock but I get it why he was asking strange questions while we were on his balcony earlier. He was trying to shoot his shot.
“Sure, pwede naman,” I answered him with a smile.
Grabe noh? Sa dinami dami ng tao sa mundo, hindi natin alam maybe someone who’s meant for us is just right around the corner.
Si Mark, naging sobrang importante niya na sakin. He was there on my lowest time. Now that he asked me out, let’s see kung saan kami mapupunta. But now I know that I’m willing to risk things for him.
4 notes
·
View notes
Text
DAY 012: Yeah, write!
So, panibagong araw na naman, at panibagong pang-aatake na naman sa akin ni Dads! Minsan, naiisip ko... Lagi na lang akong bina-bang bang ni Dads sa mga tanong niya. Pakiramdam ko tuloy, bago pa man matapos ang 366 days na ito ay exposed na exposed na ako dito. To use Vice's statement: "Wala talaga tayong itatago... Isisiwalat natin lahat!"
Pero kidding aside, I think maganda rin naman talaga na i-include ang personal life dito sa blog na ito. After all, ito naman talaga ang purpose noon. We want to share to all of you the things that we've learn in life and to do that, we must share our life with you. Kung p'wede nga lang na bawat blog post na gawin namin ay maglalagay kami ng part of our soul (horcrux daw, jk), gagawin namin. Because what better way to teach someone a lesson than to show them someone's experience. And in that case...
I guess it's the right thing to do. To volunteer ourselves as someone who will teach others the lesson that we've learn. We do not know much, pero at least...
Kumbaga sa isang race, nabawasan na ang hurdles na kailangan ninyo maranasan, and we're more than happy for that. We know the feeling of the pain that we've experienced just to get that lesson. At least we are saving you from experiencing that pain. Well, hopefully.
Anyway, Dads' question was about my writing career, and here it is:
Ano ang gusto mong simulan sa iyong writing journey sa taong ito?
I don't know if I mentioned it here yet pero matagal na ako nagsusulat. Nagsusulat na ako since late 2014 or early 2015 (hindi talaga ako sure kasi bata pa ako noon). Anyway, ayon nga. Five years na rin pala, more or less, simula noong nag-start akong magsulat. Still, I still have a lot to improve and still have a lot to prove to myself. To be honest kasi... Minsan, pakiramdam ko, hindi talaga ako worthy na tawaging writer, lalo pa't hindi man lang ako makatapos ng isang istorya, no matter how hard I try, and maybe that's one of my plans... To finish writing a story.
Bukod pa roon, hindi na rin naman sikreto kay Dads ang plano ko gawin. I'm not gonna share my story dahil mabuti na rin ang mag-ingat. However, what I can share to all of you is my vision in this story.
Noon pa man, alam na ni Dads kung anong klaseng writer ako. Kung may nagbabasa man sa mga sinusulat ko, maybe alam din nila. Ako kasi iyong tipo ng tao na masyadong bored sa linear na plot. Simula pa talaga noon, hindi ko na hilig ang pagsusulat ng mga mainstream na plot—mga plot na kadalasan nakikita natin sa iba't ibang libro o hindi naman kaya sa Wattpad (isang community and channel namin for sharing our stories to others). Ewan ko ba! Hilig ko talaga ang paglihis ng landas. In fact, dahil doon, Dads always called me "deviant" when it comes to writing.
So, this year... That's my plan. To continue on becoming deviant when it comes to writing. Sa upcoming story na naiisip ko, sobrang layo niya sa mga generic Wattpad stories. Medyo taboo na rin kasi siya, kahit may iilang mga stories na gaya nito sa Wattpad.
It would be a general fiction disguised as Romantic story. Medyo PG-13 siguro siya, bit not because of sexual scenes (although baka mayroon siya but it would be for a cause). It would tackle different issues na kadalasan, hindi nata-tackle sa Wattpad. My goal for this story is to change the people's perspective regarding these topics. Plano kong sampalin sila ng realidad. I wanted them to become aware of these societal issue.
Although medyo nahihirapan ako sa pag-execute nito, I badly want to write this story, and hopefully... Magawa ko siya.
Well, so far, iyon lang ang plano ko... Hahahaha. I know, wala kayong matututunan rito dahil pure kwento lang siya. Mukha lang siyang isang #ShareKoLang episode ni Maju. Hahaha. However, I don't want you all to leave empty-handed which is why I'm going to tell you these things:
First, don't be afraid to become resilient in the society.
I know that we all live in a world na may isang sinusundan na sistema. We live in a world divided by religion, races, and other beliefs. We live in a world where there are rules that should be followed to become accepted by the norms. However, hindi mo naman kailangan sumunod sa mga norms. NEVER change yourself para lang makibagay sa society because the truth is: The societal norms are created for the people on top to stay on top. They are created para ipakita sa atin that they are superior, and that we should follow them to be accepted.
Nasa sa iyo naman kung ano ang gagawin mo: It's either you conform with the rules as you lose yourself in the process, or you can be deviant and fght for what you believe in.
Disclaimer: I am not saying that you should literally break every rule that you see. I'm only saying that if you think that the rules is impeding your human rights, then you should not follow it.
Second, never lose hope on your dream.
There are times kung saan wala sa side mo ang universe. There are times kung saan parang instead na ilapit ka ng mundo sa iyong pangarap, mas inilalayo ka nito. But that doesn't mean that you should give up on your dreams. That doesn't mean that you should stop fighting!
Ako, why do you think would I still waste my time on writing stories that may or may not be finished? Why am I still writing despite the failures that I've experienced? Simple. It's because of my vision as a writer.
Yes, the universe might be giving me a hard time on achieving my dreams. Yes, it would be easier to just give up and throw that dream into the trash bin. But you know what? I'm not gonna do that. I will never do that.
Yes, time will come kung saan lalamunin ako ng aking failures, until such time na gugustuhin ko na lang muna na magpahinga sa pagsusulat. It happened once, after all, and I know that it will happen again. But just like how I gave up on writing, I know na tulad ng dati... Babalik ako sa pagsusulat. It's because writing is already a part of me, and throwing that part of me meant breaking myself.
So, never give up on your dreams. For there are worse things that could happen to you while reaching your dreams, but giving up would be the worst decision that you'll do in your life. Kung sa bagay, nasa gitna ka na naman. Nahirapan ka na naman. Lahat ba ng paghihirap na iyon, itatapon mo na lang kung saan? Hindi ba sayang?
So, ayon. Share ko lang naman.
Hindi madali ang pagsusulat, just as hindi madali ang pag-abot n iyong pangarap. But always remember that the world may give you a thousand reasons to give up, always remember that you have that one reason to continue. And that one reason is enough for you to take your journey. That one reason is enough for you to reach your destination, and that is the success.
Anyway... Dads, you asked me a question about writing, and it is my great pleasure to ask you about writing as well:
Why did you start writing?
Compared sa mga nauna kong tanong, simple lang iyan, but I want you to show to the readers your reason of writing. The reason why after all these years, hindi ka pa rin sumusuko. Tanong nga ni Pareng Nescafe (beke nemen po, haha), "Para kanino ka bumabangon?", implying that you need to have your reason to live. Kaya ngayon, iyon ang tanong ko sa iyo. Ano ang iyong rason kung bakit ka nagsusulat? Or if you may... Para kanino ka nagsusulat?
O s'ya, laters na lang, at pauwi pa lang kami from Bataan. Ciao ciao, everyone! Love lots~
- Maju
174 notes
·
View notes
Photo
✧・゚: *✧・゚:* 03 ✧・゚: *✧・゚:*
JAEMIN SHORT FIC
kakatapos lang ng aking shift sa coffee shop na aking pinagtatrabahuhan at napagdesisyonan kong magpahinga muna ng saglit, hapon na nun mga bandang alas tres na kaya lumabas muna ako para makapagmeryenda. pumasok ako sa 7/11 upang bumili ng pagkain, biglang nagvibrate yung phone ko at nakita ko yung pangalan ni jaemin.
“hello? jae?!”
“uy y/n, tapos na ba shift mo?!”
“ah oo, nasa 7/11 ako ngayon nagmemeryenda baket?!”
“ah eh ano, pupunta sana ako dyan kase kailangan kita makausap”
“ah sige sige, dun nalang tayo sa may park malapit sa coffee shop magkita”
“sige”
at bigla na niyang binaba ang telepono, ramdam ko sa boses niya na para bang may gumugulo sa isipan niya at tila ba ninenerbyos siya, nanginginig ang boses niya na at parang may gusto siyang aminin sa akin, ngunit di ko na lamang masyadong pinansin at inisip yun dahil sa wakas magkikita na ullit kami. matagal tagal na rin simula nung huli kaming nagkita ni jaemin dahil na rin sa busy siya masyado sa kanyang pagaaral dahil ilang buwan na lamang ay gagraduate na siya mula sa kursong engineering, sobrang suportado ako sakanya at sobrang saya ko dahil unti-unti niya nang makakamit yung mga pangarap niya, dati-rati naalala ko nung nililigawan pa lamang niya ako sinabe niya sa sa akin na pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para sa pamilya niya at para na rin sa taong papakasalan niya sa tamang panahon.
pinangako namin sa isa’t isa na sabay naming aabutin ang mga pangarap namin ng magkasama, siya bilang isang matagumpay na inhenyero at ako bilang isang doktor, sa kasalukuyan ay nagpapart-time job ako upang matustusan ko ang sarili ko dahil gustong gusto ko talagang pumasok sa med school dahil di na rin nakakaya ng magulang ko ang pagpapaaral sa akin kaya humanap ako ng paraan upang suportahan ang sarili ko, sa ngayon nagaaral pa rin naman ako 4th year na ako sa kolehiyo at dalawang taon nalang makakagraduate na ako at balak ko pumasok sa med school.
limang taon na kami ni jaemin, nagkakilala kame nung senior high school palang kame miyembro siya ng student council at ako naman ay miyembro ng journalism club. umamin ako sakanya na may gusto ako sakanya at buti nalang ay ganun rin ang naramdaman niya para sa akin. sobrang mahal na mahal ko si jaemin to the point na na-miss ko pa yung isang sub namin nung college para lamang alagaan siya dahil nagkasakit siya nun. masasabi kong nakay jaemin na ang lahat at wala na akong hihingilin pang iba kundi siya lamang.
kakatapos ko lang magmeryenda at papunta na ako sa may park kung saan makikipagkita sa akin si jaemin, medyo makulimlim yung langit habang naglalakad ako at naalala ko wala pala akong nadalang payong, kung sakaling umulan man, wag naman sana.
“hello jae?! andito na ako, asan kana?”
“wait, palakad na ako papunta diyan”
“sige sige, ingat ka!”
wala pang limang minuto nakita ko na siya palakad papunta sa direksyon na kinaroroonan ko, nakaupo ako sa isang maliit na bench dito sa park. pagkarating na pagkarating niya ay hindi ko mapigilang yakapin siya dahil sobrang namiss ko siya, bakas sa mukha ko ang saya dahil nagkita na ulit kame, sobrang higpit ng yakap ko sakanya pero siya hindi ko nadama yung yakap niya pabalik. dahan dahan akong humiwalay sa pagkakayakap ko sakanya at kitang kita ko ang bakas sa mga mukha niya na tila ba parang problemado siya.
“jae? anong nangyari?!”
“ah wala wala”
“eh bat ganyan itsura mo?! mukha kang nalugi sa lotto”
“hindi baliw! may iniisip lang”
“ah kung ano man yang iniisip mo sana mawala na yan, sobrang namiss kita!”
“miss din kita”
hindi ko ramdam yung sinabi niyang iyon ang cold ng pagkakasabi niya, siguro nga baka pagod lang siya sa pagaaral at maraming iniisip na mga deadlines. umupo kami sa bench at dun kami nagusap.
“kumain kana ba? lika magkape muna tayo dun sa shop alam ko gustong gusto mo magkape lalo na kapag sobrang stressed ka sa pagaaral”
“kilalang kilala mo talaga ako haha pero wag na di rin naman ako magtatagal dito”
“huh? kakarating mo lang aalis kana agad, ano ba kase yung sasabihin mo? mukhang sobrang importante niyan at talagang nakipagkita kapa sakin kahit alam kong tambak ka sa schoolworks”
hindi man halata sa pagsasalita ko pero sobrang ninenerbyos na ako dahil sa pag asta ni jaemin, habang kinakausap ko siya ay nakatungo lamang siya at mukhang ang bigat ng nararamdaman niya, kinakabahan rin ako sa mga posibilidad at sa mga salitang kanyang bibitawan, bawat segundo lumalakas ang tibok ng dibdib ko at parang kinukutuban ako na may masamang mangyayari, isabay mo pa ang aura ng kapaligiran sobrang kulimlim at parang uulan.
“itigil na natin toh, sorry napagod ako”
nung una hindi ko naintindihan ang gusto niyang sabihin, hanggang sa nag sink-in sa akin.
“ano? b-baket? jae naman hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo?, lahat naman napapagod eh, pls wag muna ngayon hindi ko kaya”
“sorry y/n! believe me i tried to push our relationship through you know naman that diba? sobra kang napamahal sa akin but i can’t bear to see you hurting because of me”
“then bakit gusto mo na i-end toh? if you said na you can’t see me hurting because of you?”
“alam ko pagod kana rin, i can see it in your eyes y/n!, eyes don’t lie and i think hindi ko na rin natututukan yung relationship naten since sobrang babad ako sa school and i think i’m slowly drifitng away from you, even though i tried to fight it, i just can’t plus kinukuha na rin ako ng tita ko abroad para dun pag aralin after ko grumaduate ay magsesettle na kami ng family ko sa states, i can’t leave you but you said na you want to see me achieve my dreams diba alam ko mahirap but i need to do this”
“yes i do, i do want to see you achieve your dreams jae! pero diba nangako rin tayo sa isa’t isa na sabay nating tutuparin yung mga pangarap natin sa isa’t isa pero anong na nangyari dun sa pangakong iyon? napako na?! sabi na nga bat hindi lahat ng pangako natutupad, god! i was too foolish to believe that promise”
“Magbabalik ang nakaraan Ibabalik ang pinagmulan”
sobrang lakas na ng ulan nung mga oras na iyon at hindi rin mahahalata na umiiyak ako dahil sumasabay yung tulo ng mga luha ko sa bawat patak ng ulan, parehas kaming basang basa sa ulan at yung mga alaala ay bumabalik sa akin.
“Isayaw mo ako Sa gitna ng ulan, mahal ko Kapalit man nito'y buhay ko”
naalala ko dati isinayaw niya pa ako sa gitna ng ulan dahil sobrang saya niya dahil sinagot ko na siya nun sa loob ng walong buwang pangliligaw niya sa akin. bakas sa mga mukha niya yung saya at umabot hanggang tenga ang kanyang mga ngiti pero ngayon bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang.
“Hinanap ko ang dating Kasiyahan, kalungkutan Aking iaalay ang himig na gawa sa pagmamahalan”
“i’m so sorry y/n! i have to leave now, i love you so much i hope you know that, maybe in another lifetime, i hope you will reach for your dreams even without me kase alam ko sobrang gustong gusto mong maging doktor, please don’t give up even if i’m not there by your side”
and with that he hugged me tight like it was the last time na mararamdaman ko ang mga yakap niya na iyon, he also planted a kiss on my forehead and then left. funny how i was so inlove with the rain since sobrang saya ng naging memory ko sakanya dahil dito pero ngayon napalitan na ng pighati at lungkot.
“Sa nanonood sa'kin, ayaw mo ba? Pero ang yakap ngayo'y kakaiba Hindi ka ba nalilito?”
kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng aking mga luha, sobrang sakit para bang kakapusin ako ng hininga kakahikbi dito, dagdag pa ang paghaplos sa akin ng malamig na hangin dahilan upang ako’y ginawin at mangatog sa aking kinapepwestuhan.
jae mahal kita at kailan man hindi ako mapapagod na mahalin ka, i hope makamit mo ang pangarap mo kahit wala na ako sa tabi mo, proud ako sayo kahit ano man ang mangyari siguro nga kapag sobrang pagod kana kailangan mo na bumitaw, pero lagi mong tatandaan jae, kung sakaling papapiliin man nila ako kung magmamahal ba ulit ako, ikaw parin ang pipiliin ko dahil sayo ko naramdaman ang totoong kahulugan ng salitang “pagmamahal”.
---
inspired by the song/s: ✧ binibini by zack tabudlo ✧ umaasa by calein
3 notes
·
View notes
Text
27 Sep 2020
So this Ian’s been sending me messages via scheduled email so not to make me feel sad and alone when he’s busy for work. May mga araw kasi talaga na wala kami communication since walang signal sa gitna ng dagat hahahaha naalala ko tuloy yung sa CLOY. Nagsesend din si Captain Ri kay Seri ng messages nun via scheduled text message para di siya malungkot masyado kasi hindi nila alam kailan ulit sila mag uusap. Hayy napaka sweet naman talaga ng baby ko na yan! Haha kaya miss na miss ko yan palagi eh!
Kahapon pa sana ako magsusulat pero ang sabaw ko talaga hahaha di ko din gets kung bakit may mga araw na parang ayaw gumana ng utak ko? Or siguro masyado lang akong focused sa amin ni Ian kaya ganun tapos kahapon medyo mag aadjust ulit ako kasi bbyahe na ulit siya.
Pinakita niya sa akin kung ano itsura ng port hihi tsaka kung ano yung mga ginagawa nila tsaka ano yung mga trabaho niya. Sobrang nakakapagod yung work ni Ian as in. Lalo tuloy tumataas admiration ko sa kanya haha kasi napaka sipag niyang tao. Kahit alam niya na mahirap yung trabaho sa barko and pwede siya mag hanap ng ibang job tinutuloy niya pa din kasi alam niya kung ano talaga mga gusto niya sa buhay. Nakaka guilty lang minsan kasi alam ko na konti lang oras ng pahinga niya kukunin ko pa haha kasi syempre imbis na tulog na sana siya mag uusap pa kami. Pero sabi naman niya okay lang kasi nawawala daw pagod niya pag nakita niya ako HAHAHAHAHA ang ganda ko naman pala??? Hahahaha joke! Pero masaya ako na kahit papaano nawawala pagod ni Ian pag nag uusap na kami. Hayy miss na miss ko na yang baby ko na yan! Sana bukas nasa Davao na sila hihi para makita ko na siya ulit tsaka marinig ko na boses niya. <3
2 notes
·
View notes
Text
LESSON 1 (Consonants) - part 1
시작하자 (shijakhaja! let's start!)
ㄱ - g/k
kaya siya g/k kasi yung tunog nito ay parang nasa pagitan ng g at k. (e bakit ganeeeern?!) parang siya din yung k sa word na 'key'.
take a look at these
kamsahamnida 감사합니다
kimchi 김치
kanin (dejk di to kasama) 가닌
yung mga starting letters, ang gamit natin diyan ay ㄱ.
pero tignan niyo din to.
gwênchanha 괜찮아
gwiyômi 귀여미
gomawo 고마워
yung starting letters ay ㄱ din.
yung pronunciation nito ay mas malapit sa k pero parang g na hindi hard yung pagkakapronounce. arattji? (ok?) :)
other examples:
엑소 - Ek so ❤
강남 - gangnam
경수 - kyông su
ㅋ - k'
eto naman kapag pinopronounce, dapat may hangin. try to pronounce habang yung kamay niyo e nasa tapat ng bibig niyo. pag may *puff* ng air, ibig sabihin tama kayo. :) (same reason kung bakit ko nilagyan ng ' )
examples:
K'ai 카이 (ng exo)
K'isû 키스 ( kiss 💏)
ㅋㅋㅋ (yung text form ng "hahaha" sa kanila aside from ㅎㅎㅎ parang yung dating ng ㅋㅋㅋ e yung nagpipigil ng tawa pero tumatawa *enedew* basta yun yon HAHA)
K'ap'e 카페 (café ☕)
케이크 - k'eik'û (Cake 🍰)
크리스 - k'ûrisû (Kris)
ㄲ - kk
eto naman dalawang ㄱ na magkatabing katabi as in close na close. pag pinronounce to, dapat walang *puff* ng air ang lalabas sa bibig. medyo mas mahirap kaysa sa ㅋ pero kaya niyo yan. 화이팅! (fighting!)
examples
떡벆이 - ttôkbôkki (yung Korean food)
토끼 - t'okki (rabbit 🐇)
끝 - kkût' (end)
ㄷ - d/t
siguro may 2 pang letter na ganito. haha. okay lang yan. hangul is life! :D
ang pronunciation naman nito e nasa pagitan ng d at t. parang t sa 'tin' pero minsan parang d sa 'dog'. parang hindi masyadong madiin yung pagkakabanggit ng d pero hindi naman masyadong malamya para maging t. in the middle lang. :)
examples:
도와주세요! - dowajuseyo (tulong please!)
데이트 - deit'û (date, as in date :D 💑)
다행 - dahêng (hindi daing ah. hahaha. 'luck' ang meaning nito. neoui ireumeul beureugoooo~ 🎶)
다섯 - dasôt (number '5')
ㅌ - t'
"wes, letter E yan e." mukha nga po siyang letter E pero t' po ang basa diyan. 😂 (naalala pa yung ' ? ibig sabihin ay may *puff* ng air? :) )
examples:
토마토 - t'omat'o (kamatis hahaha 🍅)
택시 -têksi (pero tekshi yung basa. Taxi 🚕)
태양 - t'êyang (sun. 🌞 yes. araw. :D)
특별한 - t'ûkbyôlhan (special)
타오 - Tao
kaya pa? KAYANG KAYA PA YAN! AJA! :D
ㄸ - tt
pero hindi po yung kanta ng Twice. haha. mukhang dalawang ㄷ lang siya. pero tt yung pronunciation. tulad ng ㄲ, dapat walang hangin na lalabas kapag pinronounce. :)
examples:
딸 - ttal (daughter 👧)
딸기 - ttalgi (strawberry 🍓)
뚱뚱한 - ttungttunghan (FAAAAAT haha)
ㄹ -r/l
eto na nga. kaya si Ryan Bang ay litong lito sa "ay lililililililililililili layk it" ay dahil sa letrang ito.
nasa pagitan ng r at l at tunog niya. medyo kailangan ng atensyon ang isang ito. (may ADHD ata. dejk HAHA) pero de. kaya niyo yan. alam ko kaya niyo yan! :D
kapag may dalawang ㄹ na magkasunod, letter L yung basa sa kanya.
halimbawa:
달러 - dal lô (dollar 💵)
콜라 - k'ol la (Cola )
ganern. pero minsan parang r tulad ng:
사랑 - sarang (love 💕)
바라봐 - barabwa (tumingin 👀)
kapag nasa unahan naman usually close sa "L" yung sound.
루한 - Lu han
레이 - Le i (Lay)
NEEEEXT haha.
ㅁ - m
eto madali lang. square lang. :)
엄마 - ômma (moooooom 👯)
물 - mul (tubig 💦💦)
뭐?! - mwô?! (ano?!)
마음 - maûm (mind/heart)
마술 - masul (magic 😂)
💡 "Bakit minsan pag naririnig ko sa Kdrama parang "bwo?!" hindi "mwo?!"." Ito ay dahil parehong bilabial or gamit natin ang labi natin para mabuo yung tunog ng "b" at "m". Sa Korean nga lang, nakukuha din ng "m" kung paano bubuka ang bibig kapag binabanggit ang "b". :)
neksuuu hahah. next. :) kaya pa yan! :D
ㄴ - n
eto madali lang din. n lang. :)
안녕! - an nyeông (hi!!!! 👋)
나 - na (Ako)
네 - ne (yes)
아니요 - aniyo (no)
너 - nô (ikaw)
눈 - nun (eyes 👀 o kaya snow ❄)
💡 "Bakit sa Kdrama, pag minsan naririnig ko ang sinasabi, "DE?!" imbis na "NE?!" " same reason sa m at b. this time, parehong may pagka-alveolar ang n at d sounds. ibig sabihin, parang sumasayad yung dila natin sa likod ng ridge ngipin natin sa taas para mapronounce ng tama ang letter. sa case kasi ng English "nn" sound, ang initial position kasi ng dila natin ay sa gitna ng upper and lower set ng ngipin to get the sound. yung ㄴ kasi, yung initial position niya e sa likod ng upper set ng teeth. para bang magsasabi ka ng "dd" sound, pero "nn" yung gusto mo palabasin. ayun yung reason bakit nagiging "de" sound yung "ne"
5 notes
·
View notes
Text
afternoon realization
2 legends died this year (Kobe, Gigi and Emman). A history repeat itself (Jamvhille then, Emman).
Why do legends die? Well, I just had a realization why legends die. This is just a theory of my mind. Diba, ano ano nakakapagisip sa gitna ng pandemic. Malaking tulong din. Haha. Anyway, narealize ko lang, legends do die for those who aspire want to be like them.
On this middle of pandemic, I’ve been researching about the legends who died and basta mga legends. Alive or dead. Ganon na lamang ako kabored. Pati mga suicide people. Whyy? Di ko rin alam, and I even dont know them and their story. However, I’m still giving them a full respect kung ano man nangyayari at ginagawa nila. We all have our own positive and negative in our lives. Di ka na tao kung buong buhya mo perfect. God gives us challenges, failures in our lives. Lahat ng iyon dapat masagot natin at kayanin. Our lives are full of ups and downs. (Kaya I tattooed G>^V, because we do have our own ups and downs) God is giving us ups and downs. (Okay reduntunt) It’s just up to you on how you handle the situation. May iba hindi nakakayanan, may iba nakakaya. I am giving full salute on the people who faced their own failures and challenges.
I’m not being dramatic or so, or let’s say I am, a bit.. Lol, anyway, all I just realized that legends or those people who died are already finished their journey. (I AM JUST BEING “”THINKING”” POSITIVE HERE, lagot na baka positive sa covid diba, kaya think na lang hahah) May iba matagal, may iba naman mabilis.
Those were the people who are still giving advises and mentoring other aspiring to be like them, some were died so that may iba gagawa noon for them. For instance, I don’t want to mentioned any, pero diba... just reflect of it. We were only once to lived, so live life to the fullest.
There are still a lot of people died, accidental and suicide, either. Sobrang bad at the same time, sad news for of all us. Have you noticing it, all the legends died are have in common, they’re don’t have ny haters or they have, but just few. My theory about this is that, if everyone’s loves you, you’ll die. (ANG DRAMA KO BAKET!!!!) Same goes for those suicidal, they die because they thought no one loves them, or either they don’t know what to do in life anymore. Ewan, I just had all these realization. Iba talaga nagagawa ng pandemic na toh. Kakanood ko ata ng mg biographical videos and documentaries of other people, to the point ito na naiisip ko. May iba naman namamatay pero we don’t know them, and literally don’t know them, kilala siya sa kaniya small circles ganon. Pero pansinin nyo kasi yung mga nagagawa nila on their past, if they had their problems and failures solved. diba dapat ang mamatay yung mga rapist, magnanakaw, pero bakit hangang kulong lang. “”STORY.”” *emoji roll-eyes*
If ever man siguro may makabasa ng essay na ito, marami bash at comments. It was just my thoughts and realizations. Sobrang drama ko na ata dami na kasi nangyari. Tangina talaga ng 2020. Bullshit, piece of crap.
Oh diba, ang sipag ko sa blog essay pero sa school essay, tamad. Wahahahaha. Anggaling mo LA! Sobra na ata lungkot mo, one of my greatest idol, died. Whyyyyyyy.
I bet a thousands pesos for a bash and side comments. Also, a bash for myself for being ugly lad and tanga. My tumblr, my rule.
1 note
·
View note
Text
Bandang 8am kahapon, ginising ako ng tita ko na nag-message daw sa akin yong pinsan kong lalaki na taga-Dasma. Pagkakita ko, inoffer niya yong tatlong balcony tickets nila ng pamilya niya for The Phantom of the Opera sa Solaire for that day. Nabigla ako. Una, alam kong mahal yong ticket ng ganun. Pangalawa, 2:30pm na agad yong show. Pangatlo, hindi ko alam kung sino isasama ko. Tinanong ko kung bakit niya sa akin binibigay, nasa ospital daw sila now at naka-confine pal asawa niya. Masasayang din daw. So, umoo na ako. Kasi gusto ko din maexperience ang makanood ng West End Musical.
Inaya ko yong mga pinsan kong kaladkarin. Si Faye na alam kong mahilig sa mga musical kasi nanood siya ng Les Miserables dati tapos nakatira lang sa tapat namin at kasama ko sa pagtitinda sa garage sale. Siya din yong may final exams kaya noong sinabihan ko siya, bigla siyang nastress kung paano siya makakasama at the same time, hindi babagsak. Gumawa ng paraan ang loko, nagsabi sa prof na emergency lang daw kaya na re-schedule yong exam niya. Napakaswerte. Si Gen naman, nag-aayos din ng thesis kasi graduating na pero tinawagan ko pa rin. Nag-go naman agad yong gago kahit na parehas kaming konti ang alam about sa Phantom.
Na-late kami ni Gen. Putanginang traffic yan sa PITX. Si Faye, nakaabot siya mga 3 mins before magstart. Sinabihan nga namin siya na pumasok na since nandun na siya at nasa kanya naman yong tickets pero hinintay talaga niya kami. Nakapasok kami after siguro ng 3 songs. Maganda yong play. Nakakabilib! Sobrang amazing ng props at stage effects puta! Napamura ako. Bigla na lang magkakaron ng river sa gitna ng stage puta mindblown talaga ako e.
So ayon, hindi nga kami natuloy manood ng Captain Marvel baka mamaya. Hopefully.
1 note
·
View note