#simplengbebeng
Explore tagged Tumblr posts
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"KAYA MO"
Kailangan mong bumitiw.
Kailangan mong sumubok.
Kailangan mong tahakin ang
'walang kasiguruhan' at 'hindi ko alam'.
Kailangan mong maligaw at masaktan.
Kailangan mong masagad at kamuhian.
Kailangan mong mawalan ng pag-asa at maiwan
dahil d'yan mo lang malalaman na
KAYA MO.
Pebrero 21, 2018 | 9:57 NU
0 notes
beezysmg-blog 8 years ago
Video
youtube
@simplengbebeng Episode 1 - Studio Session w/ French MystiQ & $cream http://youtu.be/jztBJHjv0cA
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"SAAN NA ANG AKLAT?"
Saan na ako napadpad
sa aking paglipad
na walang sinusundang direksyon
kundi kalawakan at dagat?
Saan na ako napunta
sa paglalakbay mag-isa
nang walang baon kundi pangarap,
kakayahan at pag-asa?
"Saan na'ng karanasan?
Para saan?"
tanong ng papel na
puno na ang laman.
"Saan na ako pupunta?"
tanong ng pluma.
Gusto na niyang mamahinga,
said na'ng kanyang tinta.
Saan na ako naligaw
dahil nahihiyang magtanong?
Saan na ako lumubog
dahil ayaw magpatulong?
"Malapit ka na, kaibigan,"
sagot ng manunulat.
"Matutunton mo na'ng daan,
malaki na ang pagkamulat."
Pebrero 20, 2018 | 1:58 NH
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"MM"
Pinilit kong isatinig
ang ganda ng iyong himig,
sinabayan, sinayawan
ang huni ng ipinipintig.
Pinilit kong daanan
ang sukal ng 'yong karunungan,
lumubog, umahon sa
hukay ng 'yong kalaliman.
Pinilit kong lampasan
ang dikta ng alinlangan
na ang agwat ng aking isla't 'yong dalampasigan
ay aking matatawiran.
Pinilit kong lasapin
ang timpla ng 'yong panulaan,
ngunit bigo pa ring makamit
ang tingkad ng 'yong kakataan.
Pebrero 18, 2018 | 2:40 NU
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"MANUNULAT鈥擲USULAT!"
Pilit kinalilimutan
Pilit tinalilikuran
Kasi'y pahirap sa dibdib
Parusa sa isipan
Pilit ibinabaon
Pilit pinapatay
Kung hindi kakayani'y
Mamarkahan ng latay
Ngunit kahit anong gawin
Nasasalubong sa daan
Kahit anong tago
Lumilitaw sa harapan
Humahabol-habol
Ayaw bumitiw
Nasa dugo't hininga
Itinakdang kapalaran
Kaya hindi na ako tatakas
Hindi na tatakbo
Gamit ang sumpang biyaya
Haharapin ko ang Ako
Hindi na magtatago
Hindi na hihindi
Hahawakan ang panulat
Palalayain a(ki)ng mundo
(Dugo at pawis ko'y
tinta at panulat.
Sa hininga at diwa ko,
ang salita'y mag-uugat
upang gapiin ang dilim,
palayain ang liwanag,
na'ng kulang gawing sapat
at ang bulag ay imulat!)
Enero 8, 2018 | 5:57 NU
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"ABAKADA NG PAGKAT[H]A"
A - Ako'y tutula
B - Balakid may malala
K - Kakaykay ng landasin
D - Dadagsa ng kataga
E - Entablado'y mambabasa
G - Gagapiin ang pangamba
H - Hahaplitin mga titik
I - Iuugnay sa pagsamba
L - Latay man ng pagtanggi
M - Minaramot man ng pagsilay
N - Naging mantsa man ang ikinulay
Ng - Ngayon ko'y magiging patunay
O - Obra'y mangangatas
P - Pipitpitin buong lakas
R - Rarasyunan ang madla
S - Salita'y mananaga
T - Taludtura'y lalaya
U - Uuha ng biyaya
W - Wawakasan ang pagkaalipin
Y - Yayanig (a)ng katha!
Enero 3, 2018 | 9:43 NU
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
"Enero"
Tumblr media
Enero 1, 2021
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
pabalat
Tumblr media
0 notes
kuwentistangmanunula 2 years ago
Text
ang pagtula ay
pagsinghap sa pagkalunod
ang hangin sa baga
hanggang makaahon
KuwentistangManunula | Enero 15, 2023 | 14:18
Tumblr media
0 notes