So much loooove for this band! Solid! My fourth time to watch them live! Wala, eh.. Same feeling, same excitement.. ❤ #silentsanctuarylive #padayon #sampungtaon (at St. Theresa's College Quezon City)
0 notes
Dalawang puso sa likod ng rehas
Paano ba nangyaring nahulog ako sa’yo? Dati naman ay nagagawa kong iwasan ka. Nagagawa kong tanggihan ka. Pero bakit ngayon, isang tawag mo lang, isang text mo lang, andyan na agad ako. Ilang taon kitang pilit iniwasan. Ilang taon kong niloko ang sarili kong hindi kita mahal.
Sa pag aakalang gagawin mo lang akong pampalipas oras, naniwala ako sa nakikita ng aking mga mata. Naging bulag sa pagsuyo mong hindi ko maintindihan. Sa pangungulit mo na tila ba wala lang ang lahat. Hindi ko nakita na ako’y mahal mo rin pala.
Bakit nga ba walang umamin sa atin noon ng ating nararamdaman? Bakit ngayon na pareho na tayong kasal sa iba? Saan pupulutin ang pagmamahal na para sa isa’t-isa? Muli na naman ba nating itatapon ang wagas na pag sinta?
Sampung taon na simula noong tayo’y nagkakilala. Malaya ang mga puso ngunit takot sumugal. Hinayaang makuntento sa panandaliang saya. Kung sana’y naging matatag ang pusong uhaw sa pag-ibig ng isa’t-isa, ‘di sana’y magkasamang nating hinaharap ang bawat umaga.
Ngayon na bumalik ka sa buhay ko, mali man ang pagkakataon, gusto kong itama ang lahat ng ito na kasama ka. Nais kong lumaban ka rin para sa kalayaan nating dalawa.
0 notes