#roone fortus
Explore tagged Tumblr posts
Note
🙌 - How many sibling does your OC have?
(In response to this ask game)
The Wheel has spun... Jarsali Fortus!
Hmmm convenient since her sibling situation is somewhat plot-relevant to Trials of the Six.
She has two siblings, brothers. One biological, one emotional/adopted. Her biological brother is named Roone, and he's two years younger than her. And her adopted brother is Korfel! He's about five years older, a bit protective, and she never misses a chance to tease him.
#thanks for the ask!#ask game#writeblr ask game#my ocs#jarsali fortus#trials of the six#korfel domin#roone fortus
2 notes
·
View notes
Text
INUMAN SPOTS AROUND QC
Disclaimer: This post only includes the places where my friends and I used to drink and hang out, and my only intention in posting this is para balikan ang mga drunk night memories namin at para na rin bigyan ng idea ‘yung mga tao kung saan sila pwedeng uminom. By the way, drink moderately, ha?
Here’s a fact about me: Nanirahan ako sa Quezon City for 2 years nang mag-aral ako doon ng SHS. Let me also share na noong nagsimula kaming mag-boarding house ng kaibigan ko, gumawa pa kami ng sandamakmak na “rules”, at isa na roon ang bawal uminom. Ngayon, napapangiwi na lang ako sa kung gaano pa ka-virgin ang mga dila namin sa lasa ng alak o kung ano pa mang alcoholic beverages, tapos ilang buwan lang ang nakalipas, hindi rin naman nasunod ‘yung mga “rules” na nagawa namin.
Kinalaunan, dumating na ang mga pagkakaayaan at biglaang inuman. Minsan, ang alcohol ang habol ko. Minsan naman, ang kwento o kaya ang mga tao mismo. But there will always be a special place in my heart para sa mga lugar kung saan kami umiinom, nagpapakasaya, at nagpapa-ikot ng kwento sa mesa. Ilan lamang dito ang mga sumusunod:
[1] FORTUNATO’S Location: 5-A Scout Torillo Street, Sacred Heart, Quezon City
Isa ang Fortu sa mga makasaysayang tambayan-slash-inuman venue sa 2 taong pananatili ko sa QC. Ito rin kasi ‘yung isa sa mga saksi sa mga afterparty at pagpupuyat ng mga kapwa ko estudyante sa paggawa ng kanilang thesis. Dito rin ang takbuhan ko kapag hindi na kaya ng budget kong bumili pa ng hapunan sa ibang kainan. Kung susumahin, malapit na ito sa puso ko at parang “2nd home” nang maituturing. Maliban ba naman sa kanilang CR na may bidet, maaari ka ring maki-charge, maki-connect sa kanilang wifi o magpatugtog via bluetooth speaker na available sa loob at labas ng place nila. Oo, pwede ka ring tumambay sa labas lalo na kapag puno na ang seats sa loob o kaya ay may nagpa-reserve. If nagkaayaan namang mag-videoke, pwede ring kausapin ‘yung mga friendly nilang employees doon para makapagpa-reserve kayo at nang masolo niyo ang buong espasyo dun.
STORYTIME AHEAD! (Feel free to skip HAHA)
Dito napapadalas ‘yung inom ko ng gin pineapple at kain ko ng kanilang chicken poppers o kaya lumpiang shanghai na ipinaibabaw sa kanin na mabibili lang sa halagang 38 pesos (’yung chicken poppers o lumpiang shanghai ah, hindi ‘yung gin). Maikwento ko lang din, dito ako unang nalasing in public. Sariwa pa sa utak ko ‘yung gabi matapos ng rehearsal namin ng play, bumalik kami sa school ni Jason (kaklase ko) sa mga hindi ko maalalang kadahilanan. Puro mga estudyanteng thesis ang inaatupag lang ang tumambad sa amin pagkarating doon, at ewan ko ba. Wala na siguro kaming magawa at ayaw pang umuwi nang bigla, isa sa amin ang nagbanggit ng salitang “lambanog” (si Jason siguro; uso raw kasi sa kanila ‘yun sa Quezon). Kasunod nun, dumiretso na lang kami sa Fortu at ako na ang namili ng iinumin: gin dalandan mix (sinusumpa ko ‘to, wait for it). May mga ka-schoolmates din doon na inaasikaso yata ‘yung thesis nila, pero nauwi rin sa pagvivideoke nang dumating ang isa pa naming kaklase. Nang magsawa, nagpatugtog na lang ‘yung iba kong kasama. Ang huling memorya ko na lang ay nagsasasayaw kami, tapos hindi ko na napansing nag-blackout ako. Nagising na lang ako noong alas tres na ng umaga na nasa sahig. Wala na ang iba naming kasama mga ilang oras lang ang nakaraan. Nabayaran na rin daw ‘yung iba naming pinagkagastusan. Wala talaga akong maalala kaya hindi ko na lang alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi ni Julia (oo, ikaw, kung nababasa mo ‘to). Hindi ko naman alam na nasira ko pala ‘yung electric fan nila’t nalalaglag ako sa pagkataas-taas nilang upuan. Wala rin akong maalalang naging suki pala ako ng CR nila. Ilang baso lang ba ang nainom ko sa kasumpa-sumpang gin dalandan na ‘yun? Kaya siguro ‘di talaga��advisable ang maging malikot kapag nainom. ‘Wag niyo akong tularan.
Pero ayun nga, ilan din sa mga ikinaganda ng Fortunato’s ‘yung pagkakaroon nila ng aircon at throw pillow sa mga upuan nila (indoor tsaka outdoor). Tapos late din silang nagsasara (ang alam ko, hanggang alas tres nga ng madaling araw), pero depende siguro sa customers nila. You might wanna consider this place kung malapit lang kayo sa Kamuning area, pero ang downside lang din ay maliit lang ang lugar nila. Check niyo na lang kung may space pa kayo sa loob o kaya sa labas para kumain o uminom. Kung wala na, try niyo ‘tong next.
[2] DEVOUR FOOD HUB Location: 1216 E Rodriguez Sr. Ave, New Manila, Quezon City
One jeep away from the first one, makakapunta ka na sa Devour. Food park siya, basically, so marami kang choices ng food o pulutan na pwedeng pagpilian doon. Plus, may bar talaga sila kung saan ka pwedeng mag-order ng drink. Meron silang seats malapit sa mga stalls, pero pwede ring umupo sa taas. Maraming seats and tables doon, at sa ilang beses na pagbabalik ko roon, mas kaunti ang kumakain o umiinom sa taas.
Ewan ko ba pero favorite part ko sa lugar na ‘to ‘yung bar at CR nila. Napaka-homey ng feeling? Mayroon ding parts na insta-worthy kung matatawag. Pwedeng kumuha ng litrato bago makipagkwentuhan at inuman sa mga kasama mo.
Open ang food park mula 12PM to 12AM every Sundays to Thursdays, tapos 12PM to 2AM naman kapag Fridays at Saturdays.
[3] OASIS BAR & GRILL Location: 130B Panay Ave, Diliman, Quezon City
Malapit lang ‘to sa ABS-CBN, M Place at Camelot Hotel. Once pa lang ako nakapunta dito, pero I’d definitely come back. Medyo malas nga lang at walang nagpeperform live noong pumunta kami, tapos masyadong konti ang mga tao sa area kaya less noise. Eh para sa’kin, less noise = less din ang excitement para uminom. Pero ayos lang din naman dahil nagkakarinigan kami ng mga kasama ko ‘pag nag-uusap. Sadyang nataon lang siguro ‘yung pagpunta namin sa isang weekday na marami ang hindi nakatrip pumunta sa Oasis noong gabing ‘yun.
Anyway, dito ako unang nakatikim ng weng-weng at blue hawaiian. Mga masasarap na inumin, pero wagas kung makatraydor. Nag-avail din kami ng barkada platter nila na hindi rin naubos sa kalasingan. Pero real talk, ang saya mag-unwind dito (syempre, depende ‘yan sa depinisyon mo ng “unwind”). Maidagdag ko lang din na kung ayaw mong uminom at gusto lang kumain ng rice meal, meron din sila. ‘Yung isa nga naming kasama (hi, Juls! HAHA), silog ang hapunan habang kami, solve na ang pulutan pang-dinner. Ay, sorry baka hanggang dito, nabasa mo pa. Okay, tapos na ang story time.
[4] INUMART Location: Hosla Building, 49 Tomas Morato Ave, St, Quezon City
Ito na yata ang isa sa mga pinakapatok na inuman spots sa pandinig ko (maliban sa Padi’s Point at Cloud 9 sa Antipolo). Ito rin daw ang kauna-unahang convenience bar sa Pinas— pupunta ka muna sa kanilang bar na tila isang maliit na convenience store ng mga alcoholic beverages, pampulutan, at iba pa, tsaka magbabayad sa counter. Pwede ka na rin magpahalo ng iinumin niyo dun— may sindi man o wala, at mamili kung saan mo ipapalagay: sa pitcher o tower?
Matapos nun ay maaari ka nang umupo kasama ng mga tropa mo. Kung mag-yoyosi, pwede na sa may bandang hagdanan o sa labas na mismo. Mayroon ding mga bandang tumutugtog o nagpeperform doon tuwing alas siyete (sabi sa website nila; ito, i-check mo na lang din), at may 2nd floor din na hindi ko alam kung bukas na ulit para sa mga tao ngayon. Maganda rin ‘yung lugar nila kung titignan. “Aesthetically pleasing” in other terms.
Malapit lang ‘to sa Devour. Actually, ilang lakad lang ay mararating mo na kapag doon ka galing.
[5] KAMUNING FOOD TRIP Location: 48 Kamuning Rd, Quezon City
I had to add this here para at least makalima man lang ako sa listahang ‘to. Tsarot! Anyway, bilang isang food park sa gilid lang ng highway, madali itong mahanap at marami ring pagpipilian kung saan kakain o iinom.
Lagi ko itong nadaraanan noon, kaya tanaw ko na hindi gaanong karamihan ang mga taong dumadagsa dito. Paminsan nga ay bilang lang sa daliri ang nakikita kong nandoon, pero ayos din namang tumambay dito.
Actually, once pa nga lang ako nakapasok. ‘Sang litrong Red Horse na inilipat sa bucket ng yelo ang tinagay namin ng kasama ko. Ewan ko ba kung anong trip niya’t sa mismong bucket daw kami uminom, pero gusto ko ‘yung idea, ha. 12AM na rin yata nang pumunta kami galing pa sa Dolphy Theater. Nalaman namin pagkarating na may nag-perform daw pala dun at tumugtog. Pero, ayos lang! Bukod kasi sa malamig na beer, nakilala rin namin ‘yung mabait nilang aso doon na si Brownie.
Iyan lang muna ang mga mababanggit ko sa ngayon, pero good news (nasimulan ko na ‘tong post na ‘to bago pa man ang magandang balita, pero ngayon ko lang tatapusin HAHA): SA MANILA ULIT AKO MAG-AARAL! Nakapasa ang babaeng ito sa UPD, kaya bukod sa pag-aaral, marami pa akong inumang aatupagin. Malay mo, may part 2 ‘to.
Anyway, may mga alam din naman akong iba pa, ngunit hindi pa nasusubukan. Nariyan ang The Naked Turtle sa Cubao, T2 sa Kamuning (pwedeng mag-billiards dito), Katipunan, at Maginhawa.
Paala lang ulit: Drink moderately, ha?
1 note
·
View note