#pero ang hirap maging commuter
Explore tagged Tumblr posts
ano-po · 6 months ago
Text
There was a line in Parasite (2019) that goes:
"Nice because she's rich"
It shows how it is easier to be nice when you are privileged because you can afford to give a little more to others. But today, I saw another light to that line.
It is easier to be nice when you are in an air-conditioned car going to work or if you live in a nice apartment in the city because you don't need to commute and be TESTED by fellow commuters and maka-bawas-points beggars.
I've started commuting again, and for 3 days of doing that, I've ignored 2 harmless favours just because I don't want to be bothered, fought with a driver because he didn't open his aircon, denied countless beggars on the way from and to the pier, etc etc. In return, I've also been ignored, disserviced, and denied.
Within 2 hours of the hellish commute (with 45 degree celsius heat index) I commit so many sins that I think about as soon as I make them, wishing I don't face them EVERY. SINGLE. DAY. I always have to think I'm evil I'm evil It's such a bad day before I start work. It was so nice being protected from the evils of commuting when I was renting in the city or riding a car from my province.
Although kindness comes from the person, it's still easier to be nice when you're privileged. (and when you don't have to work onsite haha)
28 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
kapag rest day ko ng weekdays, since tamad na tayong lumabas at makipag socialize ngayon, lagi kong tina-try yung best ko maging productive ng hindi lang panay scroll sa cellphone ng kung ano ano. lalo ngayon maulan, ang sarap lang humilata sa kama at mamaluktot sa kumot diba. 
pero waley parin. ending ko ngayon nandito sa harap ng pc ng kapatid ko nakatitig lang sa monitor. gusto ko manuod ng series or movies kaso iniisip ko palang nabobored at nauubos na agad yung attention span ko sa pag focus, gusto ko i-try magbasa ng ebook, pero same, alam ko na agad na hindi ako makakapag focus dahil kung ano ano rin pumapasok sa isip ko na maaring maka distract sa pag babasa. 
ewan ko, feeling ko naman minsan mas productive yung rest day ko kung lalabas ako at mag isang tatambay sa coffee shop at tumunganga mag hapon sa mga taong labas pasok at dumadaan sa labas. kaso nauurat ako sa pag commute kahit malapit lang samin ang hirap parin sumakay. kaya mas gugustuhin mo nalang talaga mag stay sa bahay. 
hay. ang boring ng life nowadays. huehue. 
4 notes · View notes
Text
LIFE UPDATE.
Hi tumblr.
Long time no see and blog.
My last entry here was on December 2021 pa. Today is August 15, 2022. It's raining outside. A lot has happened in my life from the past 7 months, naging busy, naging unproductive, inatake ng anxiety. Grabe. So I'll make kwento kung ano ano ba ung nangyare sa mga nakalipas na buwan.
So if you remember last December I was posting about "K" or another guy which happened to be my boyfriend at that time. Then ayon nga I broke up with him kasi I don't feel valued, heard and seen. And alam ko namang hindi talaga magtatagal. I mean, he's such a playboy and nalaman ko pa na he's with another girl din while kami. So, I choose to be with "JM". Who is this JM? He's actually a classmate and friend from highschool. We're good classmates and friends wayback highschool, pero not to the point that we still meet each other after hs. More on casual greetings and small talks lang through facebook ang meron kami nung we're both on college na hanggang sa parehas ng working. Tapos nag meet kami ulit in person around August or September last year ata 'yon.
And then ayon, hindi ko na ikukwento ung kung paano kami nagmeet ulit, nagka-develop-an, haha jump na lang tayo sa naging kami nga. December 30 of 2021. And then from there, nakituloy muna ako sa kanila, 2nd week of January 2022. Kasi naghahanap ako ng apartment na mura tapos para madagdagan ko pa kahit paano ung ipon ko, kasi he told and re-assured me na siya ang bahala sa akin (which he really did btw), nahihiya lang ako kaya talagang gumagastos pa din ako non dito sa bahay nila. Then last week of January came when I was diagnosed na may UTI. So ung ipon ko, napunta lang sa clinic, check-ups and meds. Pero tuloy pa din ung business ko naman nyan, napahinga lang ako ng 1week kasi masakit pa din siya at hirap pa din ako kumilos. Then fast forward. It was March 27 when we found out (confirmed) that I was pregnant (1month na ata yon). Syempre, JM and I were so happy. Blessing 'yon eh! ❤️
I know, sobrang bilis. Pero sobrang sure din kasi ako na siya na. And hindi nga ako nagkamali. Mag-8 months na kami this coming August 30. 6 months preggy na din ako. Sobrang saya, mahirap sa ngayon oo, lalo na sa financial, pero pinagtutulungan naman namin, and wala akong masabi kay JM, sa asawa ko. Sobrang proud ako sa kanya, lagi ko naman 'yon sinasabi at pinaparamdam sa kanya sa pagsisilbi ko sa kanya kahit buntis na ako haha. Pero mas lamang ung siya ung kumikilos ngayon sa bahay kasi pahirap na ung pagkilos habang lumalaki ung tyan ko. Dagdag pa na maselan ako kaya doble ingat siya sa akin at kay baby. Ultimo pala pati check up sa OB, uma-absent talaga siya sa work para lang masamahan ako. Malayo layo din kasi ung clinic mula sa bahay, mahirap mag commute. (though sayang talaga ung araw nya sa work kaso wala kasing choice eh, and gusto nya naman daw un na maging hands on siya, kami sa mga ganong gawain para kay baby)
Pwede na din pala kami magpa ultrasound para malaman ung gender kaso kinapos ng budget kaya next time na lang siguro. Hindi naman minamadali ng OB, nasa amin naman daw kung kailan namin gusto magpa ultrasound.
So ayon lang ung about sa personal life ko. Sa business naman, eto I am currently working on sa mga ila launch na new products at nire-ready ko sila para ipost sa isang sikat at most followed na fb group. Wish me luck please! 🙏
Ayon! Hindi ko na naman alam ulit kailan ako makakapag entry dito. Siguro kapag nalaman na namin ung gender ni baby haha. Pero we want to keep it a secret kasi, na both families lang muna namin makakaalam sa ngayon. Pero hindi natin alam haha. Basta see you on next entry na lang! ❤️
August 16, 2022
9:42am | Tuesday
2 notes · View notes
ladm · 4 years ago
Text
9-28-2020
Happy 4th year anniversary, mahal ko. 
3AM, nagbabasa lang ako ng mga naisulat ko dito. Grabe, sobrang dami na pala nangyari. Ang saya lang rin na naisipan ko magsulat sulat dito kasi kagaya ngayon, may binabalikan ako basahin. Bumabalik sa utak ko kung paano ba tayo dati. Na-realize ko na sa dami na ng nangyari, walang nagbago sa love natin sa isa’t isa. 
4 years. Sa 4 years na yun, alam ko hindi puro saya, hindi madali. To be honest, mahirap. Sobrang hirap na malayo ka sa akin. Pero right from the start, alam ko naman yun. I know in my heart kung anong pinasok ko mula nung araw na nag-decide akong gawin kang part ng buhay ko. This day 4 years ago, alam ko sa puso ko yung hirap na pwede ko maranasan but I accepted it whole heartedly and chose to take the risk. Hindi ko alam kung pano ako nag-desisyon ng ganun pero one thing I know for sure is that I can’t lose you. Mahal na kita eh. Biruin mo yun? Onting harutan lang online, ended up to the most beautiful thing that has ever happened in my life, having you. Sobrang galing lang talaga ni God. 
Wala lang, sobrang ramdam ko lang talaga na we are made for each other. Cliche man pakinggan pero I really can’t imagine my life without you. Miski yung hirap at struggles na malayo ka sa akin, di ko maimagine kung hindi ko yung nararanasan ngayon. Kasi ibig sabihin wala akong kagaya mo. Lagi ko sinasabi sayo na mas pipiliin ko yung hirap basta ikaw yung kasama ko. And I mean that. 4 years ago up to this day and forever, ikaw lang. Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko palagi. I do not know what the future holds but I will keep on holding your hand. Hirap man o ginhawa. 
It was not easy, the 4 years. Lalo na siguro ‘tong ika-apat na taon na nga natin. Sobrang daming pagtatalo, sobrang daming away o tampuhan. Minsan paulit-ulit nalang. Pero eto tayo ngayon. Magkahawak pa rin. Hindi ako strong na tao, minsan sobrang duwag ko. Sobrang hina ng loob ko, sobrang bilis ko malungkot. Grabe ako mag-overthink. Pero pagdating sayo, di ko alam pero parang lumalakas ako. Dun ko narealize na ikaw nga talaga yung lakas ko. You give me the strength to go on everyday. Umiiyak man ako tuwing gabi sa sobrang pagka-miss sayo, pagdating ng umaga hindi mo yun makikita kasi di ko alam, makita lang kita nag-iiba na talaga yung mood ko. Parang lahat gumagaan. Kahit sa screen ng cellphone lang. Grabe lang talaga. Ikaw talaga yung dahilan kung bakit hanggang ngayon strong pa rin tayo. Kung hindi dahil sa pasensya mo at sa pagpapalakas mo ng loob ko. Alam ko may mga oras na nalulungkot ka rin at napanghihinaan ng loob pero never mo pinakita sa akin. Thankful ako for that pero lagi mo tandaan mahal na it’s okay not to be okay sometimes. May mga araw talaga na malungkot, masakit. And it’s fine. Alam mo na nandito lang ako palagi, I will always listen. If I can’t find the right words to comfort you, makikinig lang ako. Sabihin mo lang kahit ano, ilabas mo lang nararamdaman mo. Palagi ako makikinig. We are in this together. Always. 
Maraming salamat sa lahat lahat, mahal. Hindi ko na maisip kung gaano at paano mo ko napapasaya, basta alam ko lang. You are my happiness. Tipong after a stressful day, makausap lang kita over the phone or kahit hindi, kahit nga tulog ka lang habang naka-call, sobrang gumagaan na pakiramdam ko. Alam mo yun? Yung simpleng feeling ng presence mo, yun lang lagi kailangan ko para sumaya. Para kumalma... para maging okay lahat. Ayan na naiiyak na ako hahahaha type lang ako ng type, walang balikan ‘to basta kung ano lang pumasok sa isip ko hahaha. Grabe lang talaga mahal. Grabe ka. Nakakaiyak sa sobrang thankful na akin ka talaga. Sobrang bait ni God na binigyan Niya ko ng ikaw. Alam ko na maraming options, maraming pwedeng iba. I can have it the easier way, dun sa ibang mas malapit sa akin. Yung hindi ko kailangan mag-tiis sa long distance. Pero kahit isang beses sa apat na taon never ko naisip yun. Never talaga mahal. Walang doubt sa puso ko, walang what if. Kasi kahit gaano ka-komportable ng ganun, mas pipiliin ko pa rin yung hirap at lungkot basta alam ko na IKAW yung kasama ko. Yung hirap at lungkot na yun, napapalitan ng saya... kahit na magkalayo tayo. Wala pa rin papantay sa happiness ko sayo. 
Thank you mahal sa pag-message mo sa akin agad tuwing umaga. Yun yung hinahanap-hanap ko palagi eh. I just know it’s going to be a good day kapag nabasa ko na chat mo. Thank you sa pag-kausap sa akin palagi mahal to keep me sane. Minsan kahit nasa work ka basta kapag kaya mo mag-chat, ayun ginagawa mo. Napaka-simple lang pero yun talaga yung mga bagay na nakakapagpa-ngiti sakin. Thank you sa pagsakay sa mga trip ko. Thank you sa mga dates, sa lahat ng ginagawa natin na magkasama. Thank you sa laging paghawak sa kamay ko o pag-akbay tuwing naglalakad tayo. Thank you sa pag-lambing tuwing nalulungkot or nagtatampo ako. Thank you sa walang sawang pagpapatawa kahit na nagmumukha kang ewan hahahahaha. Thank you sa laging pag-spoil sa akin. Thank you sa pag-tanda ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Thank you sa laging pakikinig sa mga kwento ko kahit minsan sobrang ramdom... Thank you sa lahat ng happiness na binibigay mo sa akin. 
Syempre hindi naman palaging masaya kaya thank you rin mahal sa lahat ng lungkot na pinag-daanan natin. Thank you sa laging pag-intindi sa akin kahit minsan alam ko sobrang nakaka-frustrate na yung topak ko. Thank you sa walang sawang pagpapakumbaba tuwing nag-aaway tayo. Thank you kasi kahit ilang beses tayo mag-away, never mo ko pinagsasalitaan ng masama. Thank you sa pag-respeto sa akin kahit na minsan sasabog ka nalang rin sa inis. Thank you sa laging pag-comfort sa akin kahit minsan hindi mo maintindihan. Thank you sa laging pakikinig sa lahat ng hinanakit ko sa mundo... thank you sa laging pag-hawak ng kamay ko kapag kinakabahan ako sa isang bagay. Thank you sa paniniwala sa akin na minsan kahit may doubt ako sa sarili ko, lagi mo sinasabi na kaya ko. Thank you dahil palagi kang nandyan. 
Thank you so much for everything mahal. Above all, thank you for letting me love you. 
I never thought how love could be this pure. Thank you for showing it to me mahal. Ikaw yung nagpakita sakin ng worth ko. Minsan may doubt man ako sa sarili ko o naddown ako, lagi kang nandyan to pick me up and ipaalala sa akin na kaya ko. And God knows how I wish I am doing the same to you. Sana natutumbasan ko yung love at care na binibigay mo sa akin.. kahit minsan may mga pagkukulang ako, sabihin mo lang mahal I will do my best to change for the better. Lagi lang rin kita gagabayan sa buhay mahal. Sorry ka nalang pero lagi kita papakelaman wahahahaha pero I just want the best for you, for us. Lahat ng bagay kasama ka sa isip ko mahal, lahat ng decision na ginagawa ko buhay lagi kang kasama. Syempre diba? Ikaw na kasama ko habambuhay eh. 
Alam mo mahal minsan naiisip ko gusto ko nalang mag-settle, magpakasal na tayo hahahahaha una dahil alam kong sigurado na ako sayo, pangalawa dahil gusto ko nalang na kasama ka lagi. Pero alam ko na hindi ganun kadali. Kaya enjoyin lang natin to. Yung hirap at lungkot, balang-araw di na natin kailangan maranasan to dahil lagi na tayo magkasama. Di man natin sigurado kung kailan pero let’s just trust God’s plan and timing. Alam ko may maganda Siyang plano para sating dalawa. Alam ko He just wants us to be stronger para sa mga future na problema, sisiw nalang satin. Diba? Sa ngayon sobrang kuntento natin sa ilang beses sa isang taon na pag-uwi mo kaya someday, all these will pay off. Magiging worth it din lahat ng hirap. Matutumbasan din lahat ‘to ng sobrang saya na magkasama na tayo. 
Ganito man yung setup natin, ayaw ko isipin na pag binanggit yung “Beng & Atsu” parang papasok lang sa isip mo yung hirap ng LDR. Pero hindi naman ganun, hindi naman laging puro hirap lang. Di naman tayo tatagal ng ganito kung puro hirap at lungkot lang diba? Thanks rin kay God kasi we have our own little ways to make each other happy. Yung simpleng video calls, lambing sa chat, movie dates, etc. Thank You Lord kasi kahit magkalayo tayo nararamdaman pa rin natin yung happiness sa isa’t isa na hindi mabibigay ng kung sino man... Di ko alam mahal, ang simple lang naman natin, wala naman tayong ginagawang espesyal palagi, wala namang materyal na bagay na binibigiay tayo lagi sa isa’t isa, pero ang saya natin. Ganun siguro talaga kapag true love noh? Kahit anong gawin niyo ng sabay, parang sobrang saya na. Kahit napaka simple lang. Walang tutumbas. 
Sobrang swerte ko lang talaga na nakita ko na yung makakasama ko habambuhay... sobrang thankful talaga ko na unexpectedly, dumating ka sa buhay ko. Who would have thought na ikaw na pala, na tayo na pala. Sobrang bilis man nung mga pangyayari, sobrang bilis ka umamin sa akin na may feelings ka na, sobrang bilis kita sinagot (nanligaw ba talaga? HAHAHA) sobrang bilis man ng mga desisyon natin pero ayan oh napapatunayan naman natin na walang mali sa mga naging decisions natin. Ikaw talaga yung soul mate ko. 
Sinusulat ko ‘tong part na to at 11:30AM today. Just goes to show na di kita namimiss lang kapag mag-isa ako sa gabi. Namimiss rin kita sa umaga kahit busy ako or may kasama ako, ikaw pa rin nasa utak ko. Bakit ka naman kasi ganyan! Lahat ng ginagawa mo namimiss ko. Yung amoy mo (ughhh miss ko na!!!) yung yakap mo, yung hawak mo sa kama ko. Yung pagsundot mo sa tyan o kilikili ko. Yung pagkiss mo lagi sa akin. Pag-dantay mo sa akin, pag-yakap kapag natutulog ka. Yung lagi nating foodtrips na kahit super busog ko na pinipilit ko pa rin ubusin hahahahaha. Yung pag-inom natin with friends tapos pag-alaga ko sayo kapag tipsy ka na. Yung pag-alaga mo sakin kasi madalas sumasama pakiramdam ko. Yung random movie dates natin. Yung spontaneous na pag-alis natin kahit minsan super hassle mag-commute. Yung pag-laro natin kay Matty. Hayyy lahat lahat mahal! Sobrang miss na kita! Please uwi ka na sakin ha? Kailangan ko lang ng yakap at halik mo to recharge from all the stress and emptiness this year has brought. Please mahal.. kahit saglit lang. Alam mo kung wala lang kailangang asikasuhin na visa pag-punta dyan, ako na sana pupunta sayo. Kaya lang wala rin naman akong magagawa pa.. Sana lang talaga magkaron ng magandang ending ‘tong taon na ‘to. Sana makauwi ka sa akin. That would be the best anniversary, birthday, Christmas and New Year gift for me. Pray lang tayo mahal ha. 
I love you so much! Minsan sobrang daming nasa utak ko na gusto ko sabihin sayo pero kapag naisip na kita, lahat ng napasok sa isip ko parang puro saya lang, puro gratefulness na akin ka. Habambuhay ko talaga pasasalamatan kay God na ikaw yung binigay niya sa akin. Paulit ulit ba ko mahal hahahaha ganun talaga eh.. sobrang feeling blessed lang talaga. Sobrang nakakasaya ng puso. May times man na tinatanong ko si God kung bakit kailangan pa natin magkalayo, syempre at the end of the day mangingibabaw pa rin yung thankfulness ko na kahit malayo at least alam kong merong totoong nagmamahal sa akin. Kaya mahal, lagi mo rin tatandaan na kahit gano kalayo o katagal, may naghihintay sayo. Hihintayin kita. Promise ko yun sayo nung unang alis mo pabalik dyan nung 2016 diba.
Sobrang haba na yata mahal hahah sorry, sobrang dami ko lang talaga gusto sabihin. Pero di ko man masabi or matranslate to words lahat, ipaparamdam ko nalang sayo kung gaano ako kasaya na akin ka, kung ganon kita kamahal. Mahal na mahal kita! Gaano karaming salita man o gano kahabang message, di mapapaliwanag kung gano kita kamahal kasi mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!
I love you so much! At I miss you sobraaaaa! Bawi tayo sa mga susunod pa na anniversary mahal ha? Ang hirap mag-surprise eh, LDR na may pandemic pa! Kaya ganito nalang muna mahal ha? Promise babawi ako sayo at isspoil rin kita gaya ng pag-spoil mo sakin pero syempre yung sakto lang kasi bagong buhay na tayo ipon na tayo for our  future hahahahaha! Yung birthday gift mo di mopa rin makuha! Kaya uwi ka na mahal haaa hehehe aalagaan kita at ipagluluto kahit ano! Pag-aaralan ko kung ano request mo! Hihihi. 
Mahal na mahal kita babe! Thank you so much for everything! Cheers to our 4th year together and to many more! I love you sobra!
HAPPY 4th ANNIVERSARY MY LOVE!
8 notes · View notes
thesecoldfeet · 5 years ago
Text
daming hanash ng mga studyante kesyo may ncov outbreak na and confirmed cases sa lugar nila pero wala pang suspension. kung natatakot kayo pumasok dahil deliks sa lugar nyo, edi wag kayong pumasok. may quiz? deadlines? mahirap lusutan pero for sure at some point maiintindihan yan. kanya kanya tayong struggle pero pasasaan bat magsususpend din yang mga school na yan. yung mga empleyado, mismong DOLE pa mismo nageencourage na mag add ng additional 14 days leave. take note: ENCOURAGE. depende pa din sa employer mo kung gagawin nila. ang hirap maging manggagawa. paano nalang yung mga public transport drivers? conductors? construction workers? vendors? kung matutuloy yung lockdown ng NCR empleyado ang unang maaapektuhan lalo pa't lugar ng mga kapitalista ang tatamaan. siguro parehas ng problema sa commute pero at the end of the day, kids, mas mabigat pa din sa puso makita na pumapasok sa trabaho dahil kung hindi, wala kang maiaabot sa pamilyang sinusuportahan o pinapakain mo.
2 notes · View notes
adreiannevalerio · 2 years ago
Text
Ready na ba ako?
So, recently and as usual, ang daming kaganapan sa buhay ko. Minsan hindi ko nga alam paano pagkakasyahin ang 24 hours sa isang araw. Hindi naman sa sobrang dami kong ginagawa. Siguro, yung hybrid set-up lang ng mga bagay-bagay yung nagpapagulo. Kunyari, kailangan kong pumunta sa ganitong lugar para sa appointment pero dahil hindi ako sanay na dalhin ang laptop ko, bilang commuter at madalas talaga ang pag-ulan lately, kailangan kong umuwi muna sa bahay or umuwi nalang kaagad kapag may online meeting or ganaps. Although, kaya naman sa mobile pero ang hassle at hindi ako nakakafocus.
For the 4th time, siguro nga 4th time na. Oo, tama. Sa pang-apat na pagpunta ko sa UP campus since my existence (Wow!), things are kinda getting... wait, hindi ko maexplain sa isang word lang pero may mga bagay na parang mas nagiging kailangan mong pag-isipan, ganon. Siyempre, 3rd year na ako (yata) this semester. Parang nag-iba na rin yung sitwasyon talaga. Kailangan ko na magdorm ngayong semester or kung no choice ay next semester nalang. At ayun na nga, as the title reads, ready na ba ako?
Nakakapagod ang adulting. Nagsimula sa stress ng pagkuha ng valid IDs. Sa malaking expectations as an adult. Sa pressure na ikaw ang kakayod para sa pamilya. Sa pagkuha ng units. Oo, sinama ko talaga kasi nung bata or kahit nung highschool, automatic na may subjects ka nang aaralin, diba? At ngayon, ang pamumuhay individually. Well, parte naman talaga ‘yon ng life pero hindi ko sure kung ready na ba talaga ako for mature roles.
Nakakapagod ang commute, obviously. Ang hirap ba maging mahirap? Definitely. Ang dami pang chorvaness para makuha mo yung kailangan mo or kahit yung gusto mo. It’s a matter of privilege talaga. Siguro, middle class kami. Ganon pero felt ko pa rin lahat ng bagay kailangan ko paghirapan. Though, may mga tao na mas nangangailangan kaysa sa amin, ayon, parang “mas” pa ang hirap para sakanila.
Feeling ko, ang sagot sa tanong ay hindi naman talaga tanong ng universe sa atin kung ready na ba tayo eh. Dapat ready na lang tayo agad. The end.
0 notes
Text
A lie told a million times becomes the truth. Totoo nga, daming napaniwala, daming naloko sa mga kasinungalinang pinilit na pinakalat.
Sana talaga i-hold accountable ang social media; facebook, tiktok, atbp. sa mga nangyayaring spread nang fake news (noon at hanggang ngayon). Or sana may laws na applicable para madiscourage at matigil yung mga taong nag-uupload at nagshashare nang false information at maprotektahan tayong gumagamit nang social media at yung mga maaaring makabasa at mabiktima nito. Nasa information age na rin lang tayo, sobrang valuable nung nababasa natin, nung mga nalalaman natin whether totoo pa yan or hindi, sa paggawa natin nang desisyon, malaki man or maliit. Sana talaga may in place din na fact checking programs, inherent sana sa system, before may malabas na information sa social media platforms. Mahirap siguro gawin pero sobrang crucial kasi talaga. Kailangang kailangan natin.
Naalala ko yung sinabi nang mga credible and able journalists natin that they will "hold the line" (hold the line between the facts and false information that can influence us readers), pero ang hirap pala kapag sila lang yung gagawa nun, dapat collective effort pa rin nang lahat kahit ano pang profession at may laws in place din to help "hold the line". Di na kaya nang mga journalists natin lalo na't pati sila ginagawang target na rin nang fake news.
Gusto kong tanggapin nalang talaga resulta nitong election pero parang ang hirap hirap lunukin. Pinipilit maging hopeful pero ang hirap kapag takot ang nangingibabaw.
Dami ko pang gustong sabihin, habang nagcocommute ko siguro masisingit ulit. Napakahirap nang commute sa Pilipinas, mainit, masikip, matagal ang paghihintay samantalang yung niluklok natin, sarap nang buhay sa first class seat niya sa airplane.
0 notes
jomarsjournal-blog · 4 years ago
Photo
Tumblr media
2. momentum Every year, nagbabasa ako ng Chinese Zodiac as guide kung susuwertehin ako o mamalasin. Hindi ko rin naman inaalam kung totoo ba pinagsasabi ng mga astrologers pero masaya naman magbasa ng guide lalo na kapag nababasa ko ‘yung "sakto" sa sitwasyon ko. Tuwang-tuwa rin ako kapag 'yung description ng mga pinanganak sa year of ganito or ganoon, year of the bibe man 'yan o year of the polar bear, e tamang-tama sa personality talaga nung tao. Year of the dragon ako at ang mga dragons daw ay responsible at independent. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na magpalagay ng tattoo ng dragon (secondary na 'yung pagkahilig ko sa Game of Thrones that time.) Kung sasabihin mong: "Tayo ang gagawa ng swerte natin." "Catholic tayo, hindi tayo naniniwala sa ganyan." "Kaya ko ring sabihin 'yung mga nakasulat diyan." "Generic lang naman mga advice niyan. Pinaniniwala mo lang sarili mo na tumama sila.” ..At iba pang combination. Trust me, I heard all of ‘em. Catholic din ako but I don't limit myself kung may doors para maniwala or magbasa-basa ng ibang bagay. Hindi ko naman sinabing tatalikuran ko ang relihiyon ko kung magbabasa man ako at matutuwa sa mga horoscope. Sometimes people claim they are open-minded pero kapag nalihis ka lang ng konti sa pinaniniwalaan nila, biglang nagsasara 'yung pagka-open-minded. Maisingit lang. Noong 2012, nabasa ko na swerte ako. Sinwerte nga ako. Dahil tuwang-tuwa nga ako na sakto sa'kin 'yung sinasabi ng horoscope, nagbasa pa ulit ako. Na-promote ako bilang Manager. Nabili ko 'yung laptop ko. Maayos ang buhay ko. The following year, nagbasa ulit ako ng mga horoscope. Sabi sa Chinese Zodiac, mamalasin daw ako the following year. Nangyare naman nga, minalas ng ako ng 2013. Pati ng 2014. Malas din ang 2015. Malas din ang 2016. Hindi ko na nakuha 'yung pattern. Nag-re-assess ako ng mga pangyayare sa buhay ko mula 2012 hangang 2016, hindi naman ako totally malas. Iba lang ang focus ng buhay ko noon. Naging selective din ako sa mga iniisip ko. Nafilter ko lang 'yung mga panget na nangyare sa buhay ko kaya ko nasabing malas ako. Akala ko noon, swerte ako kapag marami akong pera or kung may nabili akong mahal tulad nung MacbookPro at iPhone. Swerte na pala ako kung wala akong pinoproblema financially at sa relationship ko sa family. Swerte na pala ako kung walang pabigat na ka-officemate. Swerte na pala ako na hindi ako magko-commute araw-araw dahil homebased ang trabaho ko. Matagal na pala akong swerte. Nag-iba ako ng mindset. 2017 swerte ako. 2018 swerte ako. Noong nagsimula ang 2019, so far sa 1st quarter ng taon, swerte pa rin ako. Marami nagsasabi na kapag sunud-sunod ang swerte, kasunod daw ay kamalasan. Ganoon talaga siguro sa cycle ng buhay — ups and downs. Pero hindi tayo dapat matakot na bigla na lang tayo babagsak kung sunund-sunod na swerte. Maririnig mo ulit 'yung "tayo ang gagawa ng swerte natin." Oo, tama naman. Wala naman ako sinabing mali. Tama naman siya kung suswertehin nga tayo dahil sa sarili nating sikap. Magiging mali lang kung 'yung sinasabi natin e iba sa ginagawa natin. May nagtanong sa'kin noong April ng karumaldumal na tanong "Kumusta ang buhay?" Dahil retreat iyon, marami sa mga kasama ko ang may pinagdadaanan kaya marami silang sharing. Alam naman natin na kapag vulnerable tayo, nagiging matalino tayo. Ang dami nating learnings na gusto sabihin kahit hindi pa totally nare-resolve mga problema natin. Ang dami nating nakukuhang mga sagot. Lahat ng inspirational words, relatable. Lahat ng mga dumadating sa buhay, feeling natin answered prayer — feeling natin "ito na 'yun". Kapag may dumating pa — "ito na talaga 'yun". Kapag may dumating pa — "Hindi ko deserve, pero sobra-sobra na huhu." Siguro naman na-gets n'yo na ibig ko sabihin. Nagkataon lang na wala akong ma-ishare at wala naman akong pinagdadaanan that time. Darating 'yung point na nasa momentum tayo na lahat ng aspeto ng buhay natin, maayos — smooth sailing. You couldn't ask for more. Hindi naman kailangan palaging may problema. Hindi naman boring kung walang problema. Ito 'yung mga panahong may free time ako para gawin ang ibang bagay na hindi ko pa nagagawa. Habang nasa momentum ako ng buhay, i-enjoy ko muna. Majority ng 2019 ko, nasa momentum ako. Nagkaroon ako ng time para discover ang mga natatago kong skills na dapat e tinago ko na lang talaga. Nag-invest ako sa bucketlist ko: painting, archery, hiking, boxing, badminton, rapping at stalking. Hindi ako nanghinayang gumastos para sa sarili ko. Dahil wala akong mai-share, tinanong na lang ako kung ano ang pinagdadasal ko. Ayaw talaga ako tigilan. Wala na rin naman akong biggest "yes" na hinihintay dahil lahat ng dumating sa buhay ko, alam kong bigay ng Diyos. Pinagdadasal ko na lang na sana 'wag biglaang magstop dahil kapag na-break ang momentum, titilapon ako. Sa Physics, an impulse can change a momentum of an object. Sa buhay, an impulse can change a momentum of a person's life. December 19, 2019, na-aksidente ako. Pisikalang break of momentum. Bumangga ang van na sinasakyan ko sa NLEX. Sugatan ang lolo n'yo pero wala naman akong pilay. Hirap lang ako maglakad as of December 30, 2019. Literal na impulse ng physics ang dumating sa buhay ko. Wala naman ako sinisisi sa mga nangyare. Iba lang talaga kapag tinapik ka ni Lord. Hindi pa ako handa mamatay. Hindi ibig sabihin na maayos ang momentum ng buhay e tapos na ang misyon natin sa mundo o magiging handa na tayo kung anuman ang mangyare sa'tin. Kung dumating sa point na pakiramdam natin, walang bago sa buhay natin — walang challenge, walang problema, at wala namang big break pero okay naman tayo — let's take this opportunity to invest in ourselves, to rediscover ano 'yung mga gusto natin. Baka masyado na tayong kuntento at nawawalan ng interes to achieve more. Hindi tayo pinanganak para maging komportable lang kung ano binigay sa'tin. Lahat ng tao, pinanganak na may pangarap at hindi 'yun nauubos — if we dream more, we do more. Ito 'yung momentum na hindi basta-basta magbe-break — ang mangarap.
0 notes
pansamantalamo · 7 years ago
Text
MEMORIES #01: (1st Picture together)
Tumblr media Tumblr media
Naaalala mo pa ba?ito yung 1st picture natin together. Alam mo ba na sobrang kabado ako that time, pano ba naman kase 1st time ko magyaya lumabas sa mga nagiging crush kong babae. Ewan ko ba nung ipakilala ka saken noon parang sobrang naging curious ako sayo yung feeling na gusto pa kita makilala ng sobra. Nakakatawa nga e kase alam mo bang inabot ako ng ilang oras sa harap ng salamin maging pinaka gwapong nilalang lang ako sa paningin mo. Halos iligo ko na ata lahat ng pabango sa sarili ko mabanguhan ka lang saken. At partida pa kinagabihan ko pa ni-plantsa yung mga susuotin ko para sa kinabukasang pagkikita natin. HEHE! tapos di pa ako marunong mag commute papuntang Trinoma pero ni push ko pa din. Di ko nga makalimutan yung ang tagal natin magkita dahil sa laki ng trinoma pero ang astig lang kase sa iisang Christmas tree lang tayo nakatingin nun kaya madali na natin natagpuan ang isatisa. Tapos ewan ko ba nung unti unti ka ng lumalapit saken parang nag slow mo yung pagilid! Seryoso! tapos biglang bumilis nung sobrang lapit muna. Yung kahit sobrang daming tao na dumadaan sa entrance ng mall sayo lang ako nakatingin ikaw lang nakikita ko, hanggang sa makalapit ka na saken tapos nagtama yung mga balat natin nung magkatabi na tayo! Syet lang! naramdaman kong nagwala hindi lang paro-paro kundi buong animal kingdom sa loob mg tiyan ko. Hanggang sa manuod na tayo ng sine grabe di ko nga naintindihan yung pinanuod ko nun e dahil sayo lang ako nakatingin hehehe. Nakakatuwa mga reactions mo sa pinanuod natin. Tapos nag CR ka bigla ang tagal mo nga nawala e akala ko kinain ka ng banyo jowk. Pero napatawa ako ng palihim dahil amoy na amoy kita at halatang nag lipstick ka. Inshort nagpaganda ka sa CR para mapansin ko lalo. HAHA! AMININ MO?! HAHAHA. Haaays kahit di mo na gawin yun kase para saken ikaw lang pinaka maganda. Tapos ayun hanggang sa kumaen na tayo. Badtrip nga e ang dami tao ang hirap tuloy humanap ng pwesto kaya ending sa greenich tayo kumaen. Ang dami natin napag kwentuhan hanggang sa umabot tayo sa mga babaeng may crush saken. Kinalkal mo talaga cp ko. Hahaha. Yung totoo kunwari lang ako inaagaw ko yung cp ko para di mo mabasa mga text saken. Pero ang totoo gusto ko mabasa mo para magselos ka. HAHAHA! Feeler ako e na balang araw sasagutin mo din ako, at matatalo ko lahat ng manliligaw mo. Epic ng itsura mo nun e. Sana nga nagselos ka e! Hahaha. Tapos ayun after kumaen lakad lakad lang hanggang sa dumating yung oras na kelangan na natin umuwe. Ito yung time na ayoko pa matapos yung gabi, kaso kelangan na e. Naasar pa nga ako kase sa paglalakad natin may bumangga pa sayo. Sarap sapakin e. Kaso pinigilan mo ko, that time ewan ko ba parang ayaw ko masaktan ka kahit konti ng kahit sino. OA  na kung OA pero wala e ganun talaga. Ang tanda ko 09-10-2013 to. Tinandaan ko talaga 1st date natin e. Hehehe. Ito kase yung araw na nakasama kita yung IKAW at AKO lang tayong dalawa lang wala ang barkada. P.S oo ng pala sana nagustuhan mo yung 1st gift ko sayo yung bracelet na may name natin at pabango. Hehehe. Umuulan pa nung pinagawa ko yan.
3 notes · View notes
benefits1986 · 6 years ago
Text
Berso Sa MRT
Matagal na akong hindi nakakasakay ng jeep papuntang MRT Taft Station. ‘Yung Beep Card ko na nawala pa yata sa Siargao o sa Palawan e malimit ko ng gamit sa P2P kasi ang convenient niya talaga in all levels. 
Dahil ayokong ma-hassle ng biglaang ulan na may bahang hindi mo maipaliwanag kung saan nanggaling at saan patungo at gayun na rin ang traffic na dulot ng maraming constructions from South to kinda North na for me, sabi ko, sige go na ang commute. Swerte kasi hindi ako inabutan ng ulan, kaunting ampiyas lang bago ako makasakay ng jeep sa Baclaran. Walang siksikan kasi dead hour pero kapansin-pansing marami ring level up ang MRT since last akong sumakay. Kahit hindi pa rin ako naniniwala sa inspection, may mas advanced scanner na rin sila kaso isang piraso pa lang. Hindi ko tuloy ma-imagine paano ang datingan kapag rush hour. Siguro meron ibang machine. Sana. Nagtaas na rin ‘yung pamasahe pero ngayon sobrang kitang-kita ko na agad kung saan ako pipila. Wala ng squinting ng mata kasi dati ang hirap basahin. Tapos hindi lang din alam kung dala lang ng dead hour pero ‘yung matagal ko ng hiling na sana ‘yung mga tao sa ticketing lines e maghintay sa tamang hintayan at hindi ‘yung nagsisiksikan sila at nakakaabala sa mga tao na gustong dumaan sa pagitan ng mga linya to be more efficient at mas may tamang crowd control na rin. Sana ganoon na nga talaga ang takbuhan kasi nakaka-proud na kahit paano nagkakaroon na tayo ng disiplina sa sarili nating dikta at sa sarili nating bansa. So, pagbaba ko sa female station, napansin kong mas proactive kesa masinghal ‘yung mga guard. Mas may firmness na hindi condescending ‘yung tono nila. Syempre natatawa pa rin ako sa mga lubid na animo’y pamigil sa mga asong ulol at pusang ligaw sa ngalan ng matiwasay na pagsakay sa mga tren. Hindi pa rin matanggap ng pagkatao ko na ganito kababa ang antas ng disiplina natin bilang isang lipunan. Ayokong maniwala kasi ‘pag nasa ibang bansa naman ang mga Pinoy, we really make an extra effort to follow all rules and eventually imbibe them. Ayokong maniwala na hanggang lubid lang ang identity natin bilang mga Filipino. Nakakahindik. Umaasa pa rin ako na isang araw, ‘pag baba ko sa MRT Taft Station, wala ng lubid hindi dahil sa pangulo o sa senate president o sa kung sino mang pa-viral na comms people ng administrasyon. Isang araw, mapapalitan din ang resting bitch face ko habang naghihintay sa pagsapit ng tren sa first station ng MRT southbound. Pero back to reality, kanina may isang pasaway na petite na babaeng nag-ninja mode para makaupo sa people with disabilities, elders, kids and pregnant women section. Sa sobrang pagka-ninja niya, wala ng naggawa ‘yung dalawang guard. Kapalan ng mukha talaga e. Hindi naman ‘yan mawawala sa kahit anong grupo. Buti na lang nagiisa siya sa kawagasan niya. 
Sa mismong tabi ako ng special section usually umuupo. Pero ang isang life hack sa MRT pag punuan is sumakay ka sa pinaka dulo ng train kasi for some reasons lagi at laging mas maluwag yung kumpara sa ibang bahagi nito. Tried and tested na ito for X number of years. 
Napansin kong may sign pa na nakaprint sa tela ‘yung special section. Nakakababa na naman ng pagkatao once again. Parang ang bobo natin masyado kasi kelangan pa ng harang na literal just to make a point. Hindi naman kelangan ng degree o kahit pa nga elementary diploma para magkaroon ng basic GMRC (Good Manners And Right Conduct). 
Nakakaaliw din naman ‘yung dalawang middle-aged women na malapit sa akin. Pinaupo sila ng mga babaeng kaharap nila. Sabi nung isa, ‘yung kasama lang niya ‘yung senior citizen at siya e, kayang-kaya pa. Cute ‘di ba? 
Namiss ko rin ‘yung mga BERSO SA MRT. Noong medyo fresh pa ‘yung train, may mga commissioned poets na nabigyan ng opportunity na magbahagi ng kanilang mga maiiksing katha sa loob ng tren. Nakaprint ang mga kathang nila malapit sa kisame. Syempre naaliw ako everytime may bago akong mababasa at sana maging vehicle ang mga tren natin ng good vibes since medyo nagpupush na ang mga artists at artists-in-training pati pa-artsy people natin. Pero sana, hindi lang puro taga-Luzon ang ipa-join, kasi truth be told, everytime na sumasakay ako ng tren, hindi lang Tagalog ang gamit ng mga commuters. Iba’t ibang dialects. Naniniwala akong it’s about time for diversity na talaga. Ang tagal na e. Kaya tuloy archipelagic tayong mag-isip e. Kaya tuloy parang walang sense ng solidarity ‘yung bansa natin.  Sa pagtuklas ko ng mga bagong lugar na hindi sa Luzon, kitang-kita at damang-dama ko kung anong maaaring maging mas magandang takbo ng kwento natin. Sana isang araw, magising tayong well-represented na ‘yung mga tao at hindi lamang ‘yung mga nasa Maynila. Kung gagalingan natin ang ecotourism tapos gagandahan natin ‘yung security at infrastructures natin, damn, beshiekeyks. Magiging sustainable tayong bansa na magtataob sa tourism hindi lang ng Asia pero pati ng buong mundo. 
So push na pederalismo? Hahahaha. Bago naman nagkaroon ng Duterte-serye, sobrang promising ni Duterte sa akin pati na rin si Bongbong. Sa sobrang promising nga nila sa libro ko, sila pa ‘yung inaral at pinoroblema ko sa campaigns class ko sa grad school. Marami silang A-list projects na nai-roll out as in. Pero ang akin lang, maraming loopholes just like the rest of the politicians out there. Ngayon, mas pinipili ko na lang na hindi masyadong mag-comment kasi nakakapagod e. Wala rin naman akong maggawa pero exception na lang ‘yung mga nakakayamot at nakakaduwal na modes ng pagpapalaganap ng watered down messages about the move toward federalism along with all the agenda ng admin. Hindi ako dilawan. Pro-people ako. Marami pa ring paparating na magagandang pagbabago ang admin na ito lalo na ‘yung pag-distribute ng funds sa mas malawak na bahagdan ng populasyon. Ayoko lang na may dicotomy ang human rights at human life. Sobrang fvcked up ng argument na ‘yan e. Viral nga pero virus naman ang bitbit. Sabi ko nga, okay lang sa marami kasi wala pa silang pamilya or close friend na nadali ng so-called “casualties” sa giyerang ito ng admin against whatever they feel is not in accordance to their grand plan to the nation. 
Sobrang daming beses ko na itong sinabi pero ang totoo, kahit ano pang gawain ng admin currently, basta walang drastic change sa economy tulad ng bulusok like fvck bigla ng Bitcoin as a new worldwide currency and possibilities of WW III (na I feel like may chances of winning talaga because I have a thing for conspiracy theories), ang bansa natin ay will remain as is; may pederalismo man o wala. Happy ang business sector at kung papansinin mo, wala pang mainstream news na nagbabalitang hindi sila masaya, ‘di ba? Guaranteed ang economic growth ng Pinas at about 6-7% kung modest ang iyong estimate at maaari tayong magkamit ng 13% growth kung talagang swerte at naayon sa tadhana ang sipag at lakas ng ating bansa. Plus, in terms of human resources naman, ang mga karatig bansa natin e sure na sure na hihingi ng tulong kasi andaming nations na kulang na ang working class. 
Am I pro-federalism? Promising siya pero kung hahaluan ito ng matindeng manipulation upang manatili sa pwesto ang mga mandarambong at magnanakaw, by all means, ‘wag na. Kung tataba lalo ang mga buwaya sa parang, pakiusap, maglaslas na lang tayo ng pulso as a nation, figuratively. Basta ba gaganda ang bansa at hindi lang ‘yung Manila na sobrang pagod na at pudpod na, not only sa kalsada, pero sa access sa health, education and economic growth in its truest sense go ako. Ayoko lang na gagamitin ang federalism para mas mapalakas ang pagkakanya-kanya pati ang pagpapaigting sa mga unwritten private armies ng napakaraming ifluencial people sa ating society. Ayoko lang na magshi-shift tayo sa pederalismo tapos aabot na naman tayo sa impeachment ni ganito o pagpapa-resign ni ganyan. ‘Di na ubra ‘yung dating kinang ng demokrasya e. Walang-wala na. 
Para sa akin, kahit ano pang form of goverment ‘yan, babalik pa rin ako sa MRT Taft Station. Hanggang maraming asong ulol at pusang ligaw na hindi papapigil sa lubid, wala pa rin. Hanggang may lubid na nagbabantay sa bawat galaw ng ating lipunan para magkaroon ng basic Good Manners and Right Conduct, sayang lang ang pondo sa ngalan ng pederalismo lalo na ang bayad kay Mocha Uson at sa mga sidekicks niya. Hanggang hindi tayo marunong rumespeto sa right of way ng pagsakay sa tren, ‘wag na tayong umasa na uusad tayo. Hanggang hindi pa rin tayo mapakali sa right side ‘pag nasa escalator at sumisimangot ‘pag sinisita na ‘wag harangan ang left side para sa mga nagmamadali, kahit magpalit pa tayo ng uri ng pamahalaan, wala pa rin ‘yan. 
Sa bansa natin, the government is currently but an institution na hindi mo maasahan. Sad but true, pero hindi ibig sabihin noon ay wala na tayong pag-asa. ‘Yun nga rin ang strength natin bilang mga Filipino. Kaya nating mamayagpag kahit bano ang pagbilang ng mga boto. Kaya nating makipagsabayan sa talento ng first world. Kaya nating mag-rise above ng kahit anong delubyong dumating sa atin, literally and figuratively. So given that, imagine mo na lang kung anong level up ang naghihintay sa Pinas kung finally, magkakaroon na ng tunay at sustainable at higit sa lahat hindi na makasarili at maka-current admin only government.  I will keep dreaming and believing that we’ll get there one day.  Kapit lang, Pinas.  Bangon na, Pinas.
0 notes
emulatingrizal-blog · 7 years ago
Text
Manileña
Kasabay ng unang tilaok ng manok ay ang pagbalik ng diwa ni Mila. Buong gabi itong paikot-ikot sa kaniyang higaan. Tila hindi ito nakatulog nang payapa sapagkat pagod na pagod ang kanyang isip. Muling napuno ng agam-agam ang isip ng dalaga dahil naalala niyang ngayon ang araw ng kaniyang biyahe papuntang Maynila. Masaya naman si Mila sa simpleng buhay niya sa Ilo-ilo, ngunit alam din niyang mas makabubuting sa Maynila siya mag-aral ng kolehiyo. Nakatakda siyang mag-aral ng nursing sa University of the Philippines Manila ngayong Agosto at makikitira siya sa kanyang tiya Victorina habang siya’y nasa Maynila.
Matagal pang nanalagi si Mila sa kaniyang higaan, naghihintay na magising ang mga kasama nito sa bahay. Pag sapit ng alas sais ay narinig na niya ang malambing n­­­­­­a boses ng mama niya.
“Anak? Gising na” wika nito.
Agad-agad bumangon si Mila at nadatnan ang ina niya sa kusina. Ang kanyang ina’ng si Gloria at nakatatandang kapatid na si Luis na lamang ang kaniyang natitirang pamilya. Yumao ang ama niya noong buntis si Gloria kay Mila kaya naman sa mga kwento ng ina’t kuya nalang niya ito nakilala. Nagtrabaho bilang mamamahayag ang ama niya sa Maynila at sa kasamaang palad ay nawaglit ang buhay nito sa isang aksidente habang nasa trabaho.
“Oh mabuti at maaga kang nagising. Kumain ka na at gigising ko na ang kuya Luis mo” sabi ni Gloria.
Ngunit walang gana si Mila at tila nanunuyo ang lalamunan nito.
“Ay naku! Hinihintay mo pa atang mapanis ang pagkain!” asar ni Luis.
Tunay na mapagbiro ang kuya niya, ngunit nakatulong ito sa alis ng kaba ni Mila. Pagtapos nitong kumain ay inihanda na niya ang kaniyang mga bagahe pati na rin ang kaniyang sarili. Bago sila umalis ng bahay ay niyakap nang matagal ni Gloria si Mila. Pinipigilan niyang maluha sapagkat ayaw na niyang mahirapan pa lalo ang anak.
“Mag-iingat ka sa Maynila, Mila. Alagaan mo ang sarili mo dahil wala kami ng kuya mo doon. Lagi mong susundin ang tiya Victorina mo ha? ‘Wag mo ding kalilimutan na – “ at hindi na nito napigilan ang luha.
“Wag po kayong mag-alala, mama. Magpapakabait po ako at pagbubutihin ang aking pag-aaral nang makauwi ako agad. Ingatan niyo din po ang sarili ninyo ha?” wika ni Mila habang pinapatahan ang ina.
Nag tungo na si Mila at ang kaniyang kuya papuntang piyer. Tinulungan siya ni Luis na isakay ang kaniyang mga gamit at niyakap siya nito.
“Sa wakas wala nang magulo sa bahay at solo ko na ang TV!” biro ni Luis. Ngunit alam ni Mila na nag-aalala ito. Sumagot naman si Mila, “sayo’ng sayo na kuya! Sigurado akong mas malaki ang mga TV sa Maynila!” Nagtawanan sila at muling nagyakap bago umalis ang roro kung saan sakay si Mila.
Tumungo sa deck ng barko si Mila upang matanaw ang malawak na dagat na kanilang binabaybay. Habang naroon ay nakaramdam siya ng panandaliang paglaya; mula sa kaniyang pamilya at sa kaniyang mga agam-agam. Biglang nasabik si Mila sa kaniyang bagong buhay sa Maynila. Sabik na itong pumasok sa kolehiyo at galugurin ang mga bahagi ng lungsod. Bukod sa lahat, nasabik ito sa pagkakataong makita at makilala ang kaniyang idolo, ang sikat na manunulat na si Reggie Layag. Noon pa man ay tutol na ang kaniyang ina sa pangarap ni Mila na maging isang mamamahayag gaya ng ama, sapagkat takot itong magaya ang anak sa sinapit ng ama. Naisip ni Mila na ngayong malayo na siya sa kaniyang ina, malaya na itong sundan ang kaniyang pangarap nang hindi alam ni Gloria.
Matagal din ang biyahe kaya naman nagkaroon si Mila ng oras para sa kaniyang sarili. Inubos nito ang oras sa pag-galugad ng barko at sa pag-aral ng kaniyang biyahe tungo sa bahay ng kaniyang tiya. Pag dating ng umaga kinabukasan ay nasa Maynila na siya. Agad itong sumakay ng bus papunta sa bahay ng tiya. Saglit lamang ang biyahe pagkat wala masyadong kotse sa daan ngayong araw at pag dating sa lugar ay nakaharap nito ang isang malaking puting bahay na mayroong puting garahe. Pinatunog niya ang doorbell at sinalubong siya ng isang kasambahay.
“Good afternoon po. Dito po ba ang bahay ni Victorina de Espadaña? Pamangkin po niya ako” sabi ni Mila.
Sagot naman ng kasambahay, “Ah saglit lang ineng. Pasok ka muna at tatawagin ko si ma’am.”
Matapos ang ilang minuto ay bumalik na ang kasambahay kasama ang dalawang matanda.
Maingay na nag salita ang babae, “My dear, Mila! Akala ko mamayang gabi ka pa darating! Hindi tuloy kami nakapaghanda.”
Magarbo ang suot at punong-puno ng polseras ang katawan nito kaya naman hindi agad nakilala ni Mila ang tiya.
“Tiya Victorina?” sagot ni Mila
“Oo ako ‘to! Dalagang dalaga ka na! Muntik na din kitang hindi makilala.” sabi ng tiya at hinalikan nito si Mila sa magkabilang pisngi.
“Ah siya nga pala, ito ang tito Arturo mo”. Kinamayan nito si Mila. Tahimik lamang ang matandang lalaki hindi kagaya ng asawa nito, ngunit kita ang pagkainip sa kilos nito.
“Yaya, tawagin mo si Paulita! Sabihin mo nandito na ang bisita natin. Bilisan mo!” pasigaw na utos ni Victorina sa kasambahay.
“Welcome to Manila, Mila. Feel at home at sabihin mo lang sa mga yaya kung may kailangan ka. I have to go at kailangan na ako sa opisina eh” sabi ni Arturo at umalis na ito.
Pagbalik ng kasambahay ay kasama na niya ang dalagang si Paulita Gomez. Namangha si Mila sa ganda at eleganteng galaw ng pinsan niya. Ngayon lamang nila nakita ang isa’t-isa sapagkat hindi pa nakatira si Paulita sa tiya nila noong huling punta ni Mila dito. Nang maulila si Paulita sa kaniyang mga magulang ay kinupkop siya ni Victorina.
Hinalikan din ni Paulita si Mila sa magkabilang pisngi at binati siya nito “Hi, Mila!” “Ako na ang bahala sakaniya, tita” sabi nito sabay hila sakaniya papasok ng bahay.
Hindi inakala ni Mila na magiging ganito kagaan ang pagsalubong sa kaniya ng mga kamag-anak, ngunit masaya siya at nabawasan na ang kaniyang kaba. Pinasyal siya ni Paulita sa mala-mansyon nilang bahay at buong mag-hapon silang naghuntahan nito. Nakaramdam si Mila ng tuwa sapagkat ngayon lamang siya nakaranas na magkaroon ng tila-kapatid na babae. Bukod sa maganda, ay matalino din si Paulita. Habulin ito ng mga lalaki at ikinasaya naman ni Paulita ito. Siya ay may pagka-makasarili at matatawag na isang liberated na babae, ngunit mabuti naman ang puso nito.
Huling pinakita ni Paulita kay Mila ang kaniyang magiging kuwarto at iniwan na siya nito upang makapagpahinga. Napakalaki ng bagong kuwarto niya ngayon kumpara sa kuwarto niya sa probinsya; malambot ang kama at mayroon siyang sariling palikuran. Ginamit niya agad ang bigay na cellphone ni Paulita upang balitaan at kamustahin ang kaniyang kuya at ina.
Pag sapit ng alas siyete ng gabi ay pinatawag siya ng tiya upang mag-hapunan.
“My dear! Halika na at kumain na tayo. Nagpahanda ako ng marami para sa pagdating mo. Sayang lang at hindi makakadating ang tito Art mo” sabi ni Victorina.
“Tita, pinapunta ko pala si Miguel para makilala na din niya si Mila” sagot ni Paulita.
“Buti naman at nami-miss ko na din siya. Hindi na siya madalas dumadalaw dito eh.” “Ah busy lang po sa company nila, tita.”
Habang kumakain ay nagpapakuwento sina Victorina at Paulita kay Mila tungkol sa kaniyang ina at kuya, pati na rin tungkol sa buhay niya sa probinsya. Hindi makapaniwala ang dalawa nang sabihin ni Mila na wala pa siyang nagiging nobyo at na wala din itong balak magkaroon hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Sa kalagitnaan ng usapan nila’y may dumating na matipunong lalaki na tsinito. Agad tumayo si Paulita at hinalikan sa pisngi ang binata.
“Good evening, tita” bati nito at nagmano kay Victorina.
“Miggy, siya si Mila. Yung sinasabi ko sayo’ng pinsan ko galing province” sabi ni Paulita.
“Mila, this is Miguel, my boyfriend” tuloy nito. “Hello, Mila” sabi ng binata sabay hawak sa kaniyang kamay upang halikan ito.
Hindi alam ni Mila ang kaniyang gagawin sapagkat nagulat ito sa ginawa ni Miguel. Hindi ganoon ang kagawian sa kaniyang kinalakihan kaya naman hindi niya alam kung anong mararamdaman.
“Babaero ka talaga! Sorry, Mila. Wag mo na pansinin yun, palabiro talaga ‘tong si Miggy” wika ni Paulita.
Si Miguel Lim ay laki sa isang mayamang Chinese na pamilya. Ang ama nito ay may-ari ng isang kumpanyang gumagawa ng plastic. Mayaman ito at kahali-halina kaya naman gustong-gusto siya ni Paulita.
Bumalik na sila pag-kain at paghuntahan. Nabanggit ni Mila na pupunta siya sa kaniyang papasukang kolehiyo bukas upang ayusin ang kaniyang enrollment. Nagsabi naman si Paulita na sasamahan siya nito para hindi maligaw sa lungsod si Mila. Natapos din ang unang araw ni Mila sa Maynila. Naisip nitong hindi naman pala ganoon kahirap pakisamahan ang kaniyang mga bagong kasama sa bahay, kung tutuusin ay napakamabuti pa nga sakanya ng mga ito. Lumuwag na ang loob ni Mila at nakatulog na ito ng mahimbing.
Kinabukasan, sinamahan siya ni Paulita papuntang UP Manila upang asikasuhin ang kaniyang enrollment. Sa gulat ni Mila ay nandoon din si Miguel at siya pa’ng naghatid sa mag-pinsan. Nang matapos na niya ang mga kailangan gawin ay sinabi niya kay Paulita na mag-isa na lamang siyang uuwi at gusto pa niyang mag-libot. Sumakay ng jeep si Mila papuntang Roxas Boulevard sa may Malate upang matanaw ang paglubog ng araw. Naghalo ang kulay asul, lila, pula, at kahel sa langit. Gayundin ang mga tao sa paligid ni Mila; may mga mag-nobyo, may mga batang nagbebenta sa kalye o takatak boys, at meron ding mga nag-jojogging. Iba’t-ibang uri ng tao na mayroong iba’t-ibang kwento sa buhay, pero pare-pareho lang na namumuhay sa lungsod.
Nang tuluyan nang mawala ang araw, bumiyahe na pauwi si Mila. Unang beses nito naranasan ang hirap ng pag-commute sa Maynila at tila magkakasakit ito pag-uwi ng bahay. Naisip niyang sana’y sumabay nalang siya kina Paulita, ngunit naisip din ni Mila na dapat na siyang masanay dito. Isa pa’t nagkaroon siya ng pagkakataong makita kung paano ang mga tao sa lungsod. Laging sinasabi ng mga kaibigan niya noon sa probinsya na pangarap nilang mamuhay sa Maynila dahil maganda daw ang buhay sa dito. Ngunit, sa pag-biyahe ni Mila sa lungsod ay nakita niyang hindi lamang puro ginhawa ang dinaranas ng mga nakikipagsapalaran dito.
Lumaon ang ilang mga araw at dumating na din ang unang araw ng pasukan ni Mila. Ibang-iba ang paaralan dito kung ihahambing sa kinalakihan ni Mila, kaya naman lubos na nanibago ito sa kaniyang pagpasok sa kolehiyo. Nakaranas ng culture shock ang dalaga sapagkat ngayon lamang ito nakakilala ng mga taong mayroong ibang paniniwala at kaisipan sa kanya. Nasanay kasi siya sa mga kaklase at pamilya niya na iisa lamang ang mga pinaniniwalaan sa buhay. Nakaramdam ng takot si Mila sapagkat ayaw niyang makaapekto ang mga pananaw ng ibang tao sa kaniyang kinalakihang mga prinsipyo at paniniwala. Nagkaroon siya ng mga asignatura, tulad ng Pilosopiya, at ng mga dalubguro na talagang humamon sa kaniyang mga paniniwala. Kung minsan nga ay nahuhuli ni Mila ang kaniyang sarili na nag-aalinlangan na at tinatanong ang sarili kung ano ang mga pinaniniwalaan nito at kung ang mga ito ba ay tama o mali. Bagamat, alam ni Mila na kasama ito sa mga hamon ng mamumuhay dito sa kaniyang bagong mundo.
Isang araw, niyaya siya ni Paulita na lumabas kasama ng nobyo nito. Pumayag naman si Mila dahil masaya kasama si Paulita at magaan ang loob niya kay Miguel. Pumunta sila sa isang kapehan sa may Makati at doon sila nagpalipas ng oras habang nagkukwentuhan.
“Uy diba sabi mo sakin dati idol mo si Reggie Layag?” tanong ni Paulita kay Mila.
“Si Regino Layag? As in the writer or journalist or whatever? sabay pasok ni Miguel.
“Ah oo. Fan ako ng mga write-ups niya. Saka kakilala daw kasi siya ng papa ko dati kaya gusto ko siya sanang makilala” sagot ni Mila.
Ngumiti si Miguel at sinabing “Consider me your lucky charm. Good friends sila ng dad ko and if you want, I can arrange for your meeting”.
Gustong yakapin ni Mila si Miguel sa sobrang tuwa nito ngunit “Talaga? Pangarap ko talaga yun! Thank you, Miguel” na lamang ang nasabi niya.
“Ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh.” Tinignan ni Paulita ng masama ang nobyo kaya naman dinagdagan ni Miguel ang sinabi niya “Syempre pinsan ka ng girlfriend ko!”
Napakaraming mga gawain ni Mila sa kolehiyo kaya naman nang magkaroon ito ng libreng oras ay agad siyang pumunta sa opisina ng pahayagan kung saan nag-tatrabaho si Regino Layag. Hinatid siya ni Miguel at ipinakilala kay Reggie.
“Aba syempre hindi ko malilimutan ang papa mo lalo na’t kapangalan ko pa siya, Regino Asuncion tama ba?”
Tuwang tuwa si Mila dahil sa wakas ay nakilala na niya ang idolo niya at kilala pa nito ang papa niya. Iniwan na sila ni Miguel at inanyayahan naman ni Reggie si Mila na mag kape.
“Grabe ang tagal na din palang wala ng papa mo no? Dalawang beses ko lang nakatrabaho ‘yun pero dahil sobrang sipag at husay sumulat ng papa mo ay hindi ko na siya nakalimutan” wika ni Reggie.
“Sayang nga po at hindi ko na siya nakilala. Kaya po pangarap ko din ang maging isang mamamahayag para maituloy ko ang trabaho niya at kahit papaano ay maging proud siya sa’kin” sagot ni Mila.
Saglit lamang sila nakapag usap nito sapagkat nagmamadali na din si Reggie.
“Sige basta ipadala mo nalang sa’kin ang mga sample write-up mo at titignan ko kung maipapasok kita sa trabaho”. Laking pasalamat ni Mila sa batikang mamamahayag at nangako itong hindi niya bibiguin si Reggie.
Ilang buwan din ang lumipas at hindi parin nakatatanggap si Mila ng balita mula kay Reggie. Pagdating ng bakasyon ni Mila ay umuwi ito ng probinsiya para makasama ang kaniyang pamilya sa pasko. Ngunit, sa Maynila na nito sasalubungin ang bagong taon sapagkat pasukan na agad nila pagtapos nito. Sinama siya ng kaniyang tiya Victorina at si Paulita sa Binondo kung saan sila namili ng mga kakailanganin sa bisperas ng bagong taon. Samu’t saring lucky charms at maswerteng prutas ang pinagbibili ng tiya niya na tila gusto lamang gumastos nang gumastos. Niyaya ni Paulita si Mila na mamili ng mga damit na susuotin nila sa bagong taon at iniwan na muna nila ang tiya kasama ang mga alalay nito. Noong naglalakad sila sa isang mall ay may lalaking humablot sa kamay ni Paulita.
“Paulita, pwede ba tayo’ng mag-usap?” tanong ng binata.
Inalis ni Paulita ang hawak ng binata at sinabing “Wala na tayong dapat pag-usapan. Please wag mo na akong guluhin” malungkot na sagot ni Paulita.
Nang makalayo na sila’y tinanong ni Mila ang pinsan, “Sino yun? Kaibigan mo?”
Nag-alangan pa saglit si Paulita pero sinagot na din ang pinsan, “Wala yun. Dati ko lang na ka-M.U. Kami pero hindi kami, gets mo?” sagot nito.
“Parang may gusto parin siya sayo at parang ikaw din, ano ba’ng nangyari?”
“To be honest gusto ko parin talaga si Isagani. Pero wala akong future sa kaniya. Mahirap lang ang pamilya niya at sumasama pa siya sa mga aktibista. Kaya si Miguel nalang ang pinili ko” wika ni Paulita.
Taliwas man sa paniniwala ni Mila ay naiintidihan niya ang pag-iisip ng pinsan, alam niyang gusto lamang ni Paulita kung ano’ng mas makabubuti para sa kaniyang kinabukasan. Ngunit para kay Mila, hindi niya ipagpapalit ang kaniyang kaligayahan para lamang sa ginhawa ng buhay.
Pebrero na nang makatanggap ng tawag si Mila mula kay Reggie. Pinapunta siya nito sa kaniyang opisina at agad namang nagtungo doon si Mila. Ibinahagi ni Reggie ang balita kay Mila na interesado ang pahayagan na tanggapin ang dalaga. Doble-doble ang biyayang natanggap ni Mila dahil bukod sa pagtanggap sa kaniya ng pahayagan ay magiging katrabaho pa nito ang idolo bilang junior or associate writer nito.
Si Reggie Layag ay kilala dahil sa kaniyang mga kontrobersyal na dokumentaryong naglalarawan at tumatalakay sa mga kwentong buhay ng mga pangkaraniwang Pilipino. Bilang associate writer ni Reggie, tungkulin ni Mila na samahan ito sa pagkakalap ng mga datos para sa kasalukuyang proyekto ni Reggie. Masayang masaya ang dalaga sa kaniyang bagong trabaho dahil bukod sa natutupad na nito ang kaniyang pangarap, nalilibot pa ni Mila ang kabuuan ng lungsod. Tuwing pagtapos ng pasok ni Mila sa UP ay sinusundo siya ng team ni Reggie upang magpunta sa iba’t-iba lugar sa Maynila at magsagawa ng mga panayam. Hindi inakala ni Mila na mahirap pala talaga ang trabaho ng mga mamamahayag, lalo na ang mga lumilikha ng mga dokumentaryo. Dahil ang paksa ng dokumentaryo ni Reggie ay ang underground life sa lungsod, sinama nito si Mila sa mga iskwater sa kung saan marami ang lulong sa droga at sangkot sa drug business. Kung minsan naman ay kumausap sila ng mga batang pulubi na sangkot sa mga sindikatong gumagamit ng mga bata upang manglimos ng pera.
Sa kanilang pagsasaliksik tungkol sa mga totoong kwento ng mga Pilipinong namumuhay sa underground life ay unting-unting bumukas ang mga mata ni Mila sa realidad ng buhay sa lungsod. Alam niya na mali ang pamumuhay ng kanilang mga kinakapanayam ngunit sa pakikipag-usap sa kanila ay nagkaroon ng malalim na pagintindi si Mila. Tunay na mahirap mamuhay sa lungsod lalo na kung salat sa pera at sa pagkakataon kaya nagagawa ng mga itong lumabag sa batas upang panatilihin ang kanilang sarili at mga pamilya. Kung noon ay napakakitid ng pagiisip ng dalaga tungkol sa kung ano ang tama at mali, ngayon ay malabo na ang linyang naghihiwalay sa moral at imoral. Hindi mapigilan ni Mila na batikusin ang kaniyang sariling paniniwala pati ang mga prinsipyong kinalakihan nito dahil naiintidihan na nito na ang mundo ay hindi lamang nahahati sa pula at sa puti.
Isang gabi, kinita ni Mila si Reggie sa Malate dahil sinabi nitong makikipanayam sila sa isang kaibigan nito na nagtatrabaho sa isang bar.
“Gay bar? Papapasukin po kaya ako diyan, Sir Reggie?”
“Oo akong bahala sayo! Kung hindi, edi sa labas nalang natin kakausapin si Carlo” sagot nito.
Haharangin sana ng bantay si Mila pero inabutan agad ito ni Reggie ng pera upang papasukin silang dalawa. Pag pasok ay sinalubong si Mila ng makapal ng usok mula sa dami ng naninigarilyo sa loob at ng malakas na dagung-dong ng tugtog sa loob ng bar. Hinatak siya ni Reggie papunta sa isang maliit na silid kung saan sila hinihintay ni Carlo. Napakamasayahin ng binata at hindi inakala ni Mila na magaling ito mag-Ingles.
Nang matapos ang interview ay hinatid sila ni Carlo palabas ng bar at dito nakasalubong ni Mila ay kaniyang tiyo Art na papasok ng gay bar. Nagulat ang tiyo ng makita doon ang dalaga at kita sa mga mata ang takot. Sinabi ni Reggie na mauuna na itong umalis upang makapag-usap ang dalawa. Nalaman ni Mila na bading ang tiyo at mas nagulat ito nang malaman niya na alam pala ng kaniyang tiya Victorina.
“Okay lang po sa kaniya?” tanong ni Mila.
“Pera lang naman ang habol sa akin ng tita mo. Alam ko yun. At ako, I only married her para tantanan na ako ng pamilya’t mga kaibigan ko” sagot ni Arturo.
Gaya ng sa pinsan niya’ng si Paulita, alam ni Mila na mali ang ginagawa ng kaniyang tiya at asawa nito at hindi siya sang-ayon dito. Ngunit, gaya din kay Paulita ay naiintindihan ni Mila ang mag-asawang de Espadaña. Mali ngunit tama. Tama ngunit mali.
Pag pasok ng Hunyo ay lumuwag na ang iskedyul ni Mila dahil maaga nitong tinapos ang kaniyang mga gawain sa kolehiyo. Kaya naman agad niyang tinawagan si Reggie na mayroon siyang libreng oras para sumama sa mamamahayag.
“Uy naku pasensya na! May meeting kasi ako ngayon at hindi kita masasamahan. Kaya lang kailangan na talaga natin yung interview with Miyuki. Okay lang ba na ikaw nalang muna?” tanong ni Reggie.
Pumayag naman si Mila at pinuntahan na nito ang address ng club na binigay ni Reggie. Alas diyes ng gabi na nang makarating si Mila dahil sa lala ng trapik. Pag pasok ay nagtanong siya sa bartender kung naroon ba si Miyuki.
“Pasabi nalang po na kakilala ako ni Reggie Layag” bilin ni Mila.
Si Miyuki ay isang tinatawag na babaeng mababa ang lipad at pumayag itong magpa-interview tungkol sa kaniyang trabaho at sa kung paano gumagana ang business ng prostitusyon. Pag balik ng bartender, sinabi nito na hintayin na lamang ni Mila si Miyuki sa labas at mayroon pa itong customer.
Mahigit isa’t kalahating oras na’ng naghihintay si Mila ngunit wala parin si Miyuki. Uuwi na sana ito dahil aabutan na siya ng madaling araw nang may sumitsit sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba dahil baka kung sinong loko loko ang lumapit sa kaniya.
“Mila” tawag nito.
Nakilala ni Mila ang boses ng lalaki at pag lingon niya ay si Miguel nga ang tumawag sa kaniya. Bahagyang nawala ang kaba ni Mila ngunit nagtaka ito kung bakit naroon si Miguel.
“Anong ginagawa mo dito, Miguel?”
“I should be the one asking you that question” nang-aasar na sagot nito.
“So¸ ito ba yung part-time job na sinasabi mo?” tanong ni Miguel.
“Ah oo. Mag-isa lang ako ngayon kasi – ”
Napatigil si Mila nang maintindihan niya ang ibig sabihin ni Miguel. Hindi nito alam na nandoon lamang si Mila para makipanayam kaya naman inakala nitong nagtatrabaho si Mila bilang escort. Magpapaliwanag pa sana si Mila ngunit hinila na siya ni Miguel papunta sa kotse nito.
“Hahatid na kita pauwi don’t worry” nakangising sabi ni Miguel.
Hindi mapakali si Mila habang nasa kotse siya ni Miguel. Iniisip nito kung talaga bang nag-aalala lang ang binata dahil gabi na’t nasa labas pa Mila o kung iniisip ni Miguel na siya nga’y isang escort at may balak itong isumbong siya sa tiya. Hindi din maintindihan ni Mila kung bakit siya ay nakararamdam ng kaunting tuwa na magkasama silang dalawa ni Miguel. Sa gulat ni Mila ay inakbayan siya ni Miguel habang ito’y nagmamaneho.
“Nilalamig ka ata?” pang-asar nito.
“Okay lang ako” sagot ni Mila sabay tanggal ng braso ni Miguel.
Hinawakan naman ni Miguel ang kamay ng dalaga.
“I know may gusto ka din sa’kin. Ayaw mo lang ipahalata kasi boyfriend ako ni Paulita” malumanay na sabi nito.
Nag tatalo ang tama at mali sa isip ni Mila. Hindi nito alam kung matutuwa ba ito na alam ni Miguel ang kaniyang pagtingin o kung magagalit ito dahil pinagtataksilan ni Miguel si Paulita. Tinanggal ulit ni Mila ang pagkakahawak ng binata sa kaniya na siya namang tinawanan ni Miguel.
Nang malapit na sila sa bahay ni Mila ay biglang niliko ni Miguel ang kotse papunta sa madalim na lugar. Sa kaba ni Mila ay sinubukan niyang tawagan si Paulita, ngunit inagaw at binato ni Miguel ang cellphone sa likod ng kotse.
“’Di ba gusto mo din ako? This will only be our secret” sabi ni Miguel at sinubukan nitong halikan ang dalaga. Umiiwas si Mila ngunit mahigpit ang hawak sa kaniya ni Miguel.
“Ang arte mo! ‘Diba ito naman talaga gusto mo? Nag tatrabaho ka nga dun sa bar eh!” sigaw ni Miguel habang pinipilit ang sarili sa dalaga.
Sa lubos na takot, galit, at pandidiri ni Mila ay nahampas niya ang ulo ni Miguel sa salamin ng kotse. Nakalabas ito ng kotse at iniwang duguan si Miguel. Agad na tumakbo pauwi si Mila at sinalubong siya ng buong pamilya. Nanginginig at umiiyak si Mila kaya naman niyakap ito ng pinsan.
“Oh my god my dear! Ano’ng nangyari sa’yo?! Art, kunin mo yung sasakyan may dugo yung kamay niya!” sigaw ni Victorina.
Bigla namang tumakbo papasok si Miguel. Nanginginig sa galit at duguan ang ulo nito kaya naman napatili si Paulita at Victorina. Sa galit ng binata dahil tinanggihan siya ni Mila at dahil hinampas nito ang ulo niya sa sasakyan ay sinabi niyang kasalanan ni Mila ang lahat. Binaliktad nito ang kwento at sinabing pinipilit ni Mila ang sarili sa kaniya at nagalit ito nang tanggihan siya ni Miguel.
“Hindi totoo ‘yan! Paulita, maniwala ka! Hindi ko gagawin sa’yo ang sinasabi niya!” sigaw ni Mila habang patuloy na umiiyak.
“Paulita, get rid of that leech of a cousin!” utos ni Miguel.
Alam ni Paulita na hindi totoo ang bintang ng nobyo dahil alam niyang may pagnanais ang nobyo kay Mila noon pa man at may tiwala ito sa pinsan niya.
“Paulita! Palayasin mo ‘yan!” sigaw ulit ni Miguel.
“Tita, pag hindi niyo pinalayas yan kayo ang sasagot kay Dad!” banta nito.
Walang nagawa si Paulita dahil hindi nito kayang mawala ang nobyo. Alam niyang hindi na siya makakahanap ng kapalit nito kapag sinuway niya si Miguel. Wala na ding nagawa ang mag-asawang de Espadaña sapagkat hawak ng ama ni Miguel ang kalahati ng kumpanya ni Arturo.
Kusa nalang na umalis si Mila upang hindi na maging pabigat pa sa pamilya ng kaniyang tiya. Hanggang umaga ay walang badya ang pagtulo ng luha ni Mila sapagkat nag-aalala ito para sa kaniyang pamilya sa probinsya. Ano na lamang ang sasabihin ng kaniyang ina kapag nabalitaan nito ang nangyari sa nag-iisa niyang dalaga? Maipapaliwanag ba niya kay Gloria at Luis na sinuway niya ang bilin nilang ‘wag niyang ituloy ang pagiging mamamahayag? Paano na ang kaniyang pag-aaral na siyang pinunta ni Mila dito sa Maynila? Saan na siya titira?
Ang daming tanong ang bumagabag sa isip ng dalaga habang iniimpake nito ang kaniyang mga gamit. Bago siya umalis ay binigyan siya ng tiyo ng sapat na pera upang makahanap ng lilipatan. Muling humingi ng tawad ang pamilya kay Mila ngunit hindi na nagbago ang desisyon nito at naintindihan naman ni Mila.
Naisip nitong umuwi na lamang sa probinsya ngunit alam ni Mila na kahit siya’y bumalik sa dati niyang buhay ay hindi na niya mababalik sa kaniyang dating sarili. Hindi na siya ang Mila noong unang tapak niya sa lungsod. Tuluyan na siyang binago ng kaniyang pakikipagsapalaran sa Maynila. Bagamat ganoon ang kaniyang sinapit ay nagpapasalamat pa’rin si Mila na nabuksan na ang kaniyang mga mata sa realidad ng buhay at masaya itong natupad niya ang kaniyang pangarap.
Tumunog ang cellphone ni Mila at nakita niyang tumatawag si Reggie. Nang magkita na silay ay sinabi ni Mila kay Reggie ang lahat lahat ng nangyari sa kaniya tulad ng kung paano mag-kwento ang mga kinakapanayam nila.
Sa paglahad ni Mila ng kaniyang kwento ay unting-unti na ring nabawasan ang bigat ng loob niya at muling nakahinga ng maluwag. Naisip niyang ganito din ang nararamdaman ng mga ini-interview nila – nakararanas din ang mga ito ng kahit kaunting kapayapaan ng isip sa pagbahagi ng kanilang mga problema sa buhay dahil alam nilang mayroong nais makinig, nais umintindi, at nais ipabatid ang kanilang mga saloobin. Kaya naman nagkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga si Mila sa kaniyang trabaho bilang mamamahayag – upang makinig, umintindi, at magsilbing boses sa mga tao.
2014 - 01033
0 notes
healthallied18-blog · 7 years ago
Text
Araw sa Maulap na Umaga
Tahimik ang buong paligid habang nakahiga ako sa kama. Dahan-dahang
bubuksan ang mga mata para tumingin sa orasan at mapapansing pasikat na rin ang
araw na tila nagsasabing “Bumangon ka na! Panibagong araw at panibagong pagsubok
ang haharapin mo ngayon.” Ito na ang hudyat ko para bumangon at maligo para
maghanda na sa pagpasok sa eskwela. Alam kong ilang buwan ko na itong ginagawa
pero nahihirapan pa rin akong mag-adjust sa bagong eskwelahang pinapasukan ko.
Hindi ako sanay na papasok tapos hindi ko makikita yung mga taong nakasama ko sa
loob ng ilang taon noong nasa Junior High pa ako. Hindi rin ako sanay na hindi ko
nakikita ang mga magulang ko sa pagmulat ng mga mata ko sa umaga. Parang bago
parin ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Kumbaga, hindi parin ako sanay. Hindi
ko namalayang ang tagal ko na palang nasa loob ng banyo, kaya naman ay dali-dali
akong lumabas at nagbihis dahil alam kong mahuhuli nanaman ako para sa unang
klase ko ng araw na iyon.
Habang nasa klase, hindi ko maiwasang hindi gumamit ng internet dahil malapit
lang naman sa aming silid-aralan ang router. Habang nags-scroll sa facebook ay
nakikita ko ang iba’t ibang mga litrato ng mga kaibigan ko. Nakakatuwang Makita silang
nage-enjoy at sumasali na sa iba’t ibang mga patimpalak. Nakita ko rin ang mga
kaibigan ko sa lower batch na nagpopost na pumasa sila sa iba’t ibang eskwelahan. Ay,
oo nga pala. Ito na nga pala ang panahon na ipinapakita na kung sino ang mga
nakapasa sa iba’t ibang mga eskwelahan na nagkaroon ng entrance exam. Bigla ko
tuloy naalala yung panahong pumasa ako sa UST at DLSU. Ilang linggo akong pinilit ng
nanay ko na sa La Sallle nalang mag-aral dahil nandoon din naman daw ang panganay
kong kapatid at kung iisipin, mas malapit ito sa bahay naming. Hindi ko na rin daw
kakailanganing mag dorm dahil pwede naman daw akong mag-uwian.
Ilang linggo ko ring pinag-isipan ang sinabi ng nanay ko. Hindi nga rin naman
ako sanay nang malayo sa kanila kaya may advantage kung sa La Salle nalang ako
mag-aaral. Ngunit, naisip ko rin ang pangarap ko. Pangarap kong maging isang health
practioner at pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ito hanggang sa Medicine school. Ang
sabi nila, UST daw ang may pinaka magandang medicine program sa bansa natin kaya
maganda ring oportunidad kung pipiliin ko ang UST.
Dumaaan pa ang ilang araw, malapit na ang deadline para magpareserve ng slot
sa para makapasok sa mga nasabing eskwelahan. Nakapag-isip na ako ng mabuti at
alam ko na ang gusto ng puso’t isipan ko ay UST. Gusto ko talagang makatulong sa iba
sa pamamagitan ng mga matutunan ko. Isa pa ay may espesyal na strand na ino-offer
ang UST, ang Health Allied strand. Naging masaya ako sa desisyon ko at mas lalo
akong natuwa dahil hindi nagalit ang mga magulang ko at sinuportahan pa nila ako.
Kakaiba. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag alam mong tama yung desisyon mo at
alam mo rin na nalagpasan at nagawa mong mag-desisyon para sa sarili mo.
Kasabay ng desisyong ito ay kakailanganin kong tumuloy sa isang dormitory
para raw hindi na ako mahirapan pa mag-commute papunta at pabalik ng UST. Nung
una, iniisip ko na hindi ko kaya. Hindi ko kayang malayo sa mga magulang ko kasi mula
bata pa ako, nasanay na akong sila ang kasama ko. Nasanay akong sila ang unang
taong nakikita ko sa umaga pagkagising ko. Pero naalala ko rin na ang kapalit naman
ng paghihirap na ito ay ang pagkakataon na mabigyan ko sila ng magandang hinaharap
kapag nakapagtapos ako sa UST.
Sabi nga nila, ang mga paghihirap na nararanasan natin ay hindi mga kamalasan
kung hindi ito ang bagay na nagbibigay kahulugan at kulay sa buhay natin. Napagtanto
ko na ang kapag nakaranas ka ng mga pagsubok sa buhay, hindi ka dapat sumusuko.
Hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa ngunit dapat mas lalo kang nagkakaroon ng
lakas ng loob para lumaban. Lumaban sa bawat pagsubok na binibigay sayo araw-araw
dahil sa dulo, makakamit mo ang bagay na matagal mo nang minimithi o pinapangarap.
Kaya ngayon, at sa mga darating pang araw, ang lagi ko lang iisipin ay hindi ako dapat
nagpapahila pababa sa mga paghihirap ko ngunit dapat gamitin ko ito para sa ikabubuti
ko.
Ngayon, ayos lang mapagod kasi hindi nito mapapantayan ang pagod na
naramdaman ng mga magulang ko noon. Ayos lang masaktan kasi hindi nito
mahihigitan ang sakit na maaaring maramdaman ng magulang ko kapag nalaman
nilang sumuko ako. Sabi nga sa kanta ng Sud na Sila, “Walang sagot sa tanong kung
bakit ka mahalaga. Walang papantay sayo, maging sino man sila.”
Para sa akin, ang mga magulang ko ang araw ko sa mga gabing maulan o mga
maulap na araw. Mahirap man ang bawat araw ng pag-pasok ko sa eskwelahan, Makita
ko lang sila tuwing sabado at linggo, napapawi na ang lahat ng sakit at hirap na
naramdaman ko noong nagdaang linggo at parang binibigyan pa nila ako ng lakas para
magpatuloy pa sa mga susunod pang linggo. Sila rin ang nagbibigay liwanag sa akin
kapag sobrang nalilito na ako sa kung anong dapat gawin. Alam kong lahat ng bagay
na sinasabi nila ay para sa ikabubuti ko at hindi nila ako hahayaang mapariwara. Tunay
nga silang mahalaga at walang kahit sinong makakapantay sa kanila.
-Agustin, Reina
0 notes
thesecoldfeet · 5 years ago
Text
kaninang umaga pag gising ko nabasa ko yung news about angkas. i'm so mad and sad at the same time. naalala ko yung last angkas ride ko last week. kuya driver told me that he's saving para maipagpatuloy niya yung pag-aaral niya ng criminology. isang taon nalang daw sana graduate na siya pero dahil sa kahirapan, mas kailangan niya munang unahin yung panlagay sa sikmura kesa sa pangarap niyang maging pulis. naisip ko, what if isa siya sa 17,000 riders na mawawalan ng trabaho dahil sa kaputahan ng LTFRB. gusto lang naman nilang magkaron ng maayos na buhay, makakain ng tatlong beses sa isang araw, mapag-aral ang mga anak katulad ng gusto ng mga commuter makaiwas sa "non existent" transportation problem sabi ni panelo. ang hirap maging mahirap sa bansa na to. nakakagalit. nakakaawa. nakakapagod.
4 notes · View notes