#pero alam ko outsourced din 'yung support
Explore tagged Tumblr posts
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Ano kayang problema ng IT support? Haha. Every time nanaman may nireraise akong isyu, pinapasa nila ako sa ibang tao (na wala ring gagawin tapos wala nang mangyayari), or sasabihin nilang walang magagawa sa problema (e what the heck, kailangan lang i-approve 'yung request ko para ma-access ko na 'yung thing), or may sasabihin silang diagnosis na parang malayo sa totoong problema.
Anyway, 'yung ka-work ko, 'yung account na ibinigay sa kanya e may iba nang nagmamay-ari, in fact may ibang mukha nakadisplay sa account niya and idk, 'yung free space ng mailbox niya wala na, kasi nagamit na ng other person. Tapos noong cinontact niya 'yung support, binigyan sya ng number. Icontact daw niya ang HR. LOL! I highly doubt na makakatulong 'yung HR since hindi naman sa kanila 'yung isyu and hindi naman nila kami employee. 'Di rin alam ng mga boss paano na gagawin except sa same steps na icontact ang IT (eh kasi IT issue naman talaga). Binigyan sya ng faulty na account tapos siya pa magkocontact sa HR, seryoso ba 'yan?
Pero what's clear eh walang nareresolve na problema. Nakaka-frustrate lalo na pag kailangang kailangan mo na. Parang ikaw lang din talaga maghahanap ng paraan to get by.
2 notes · View notes