#pagod uhaw gutom kawalan
Explore tagged Tumblr posts
sulasok-blog · 8 years ago
Quote
hindi ka ba napapagod, o 'di kaya'y nagsasawa
Apo Hiking Society
1 note · View note
hugoterongmakata · 5 years ago
Text
Gustong ikwento sa'yo panong tinapos ni Juan ang araw nya ng pagapang. Kung paanong sa pag putok palang ng araw ay maagang nag gayak si Juan, para makapasok na kahit kulang ang tulog ay patuloy pa ding pilit ginigising ang sarili mula sa pagtakas sa mundo. Kung paanong ang sarili nya ay kinakalaban nya sa bawat pag hakbang ng mga paa.
Nais kong ikwento sayo kung paano nilabanan ni Juan ang antok sa bawat pag hagod nya sa bawat pahina ng libro na pilit nyang binabasa. Kung paanong pilit iniintindi ni Juan ang itinuturo sa kanya. Kung paanong hindi niya sinukuan ang sarili at nanatiling nakikinig.
Ikwekwento ko din sana sayo ang nakaw na paghimbing nya sa dapat sana'y oras ng pananghalian. Ikwekwento ko sana sayo kung paanong ang isang oras na pagtulog nya ay makatulong sa pagintindi nya sa mga inaaral nya.
Ikwekwento ko din sana sayo kung paanong hirap ang ginawa nya sa pagbuhat ng sarili sa bawat hakbang kanyang ihahakbang. Iba kapag kalaban mo ang pagod. Nakakapanghina.
Pero h'wag ka sanang mag alala. Ligtas namang nakauwi si Juan. Sa kabila ng pagod nya at kawalan ng ganang kumilos ay napahiga sya ng nakangiti, dahil kahit sa kaunting oras ay nasilayan nya ang iyong mga ngiti.
At sa kung paanong napawi ang lahat ng nararamdaman nya ng iyong ngiti. Oo, napawi ang pagod, puyat, uhaw, gutom at pangungulila ng ngiti mo. At araw-araw nya itong pasasalamatan.
Nagmamahal,
Juan
#zd
12 notes · View notes