#pagnanais
Explore tagged Tumblr posts
Text
a speck of dust. thats what we are all, arent we? a speck of dust that holds so much. that speaks so little about what really envelopes us. about what really resides in our bodies. we are all just a speck of dust, arent we? but arent we all holds so much, just like any other universe? arent we all just a culmination of thousands of tiny bits of life? a body filled with blood, tears, sweat, love, and lust. kindness, selfishness, goodness, sweet dreams, scary nights, and longing layers? arent we all just a cumulation of highs and lows, hurts and joy, light and ill-lit rooms that doom us. a push of pull of tragedy and trauma, push and pull of such emotions we hardly ever actuate—and if we did, we are slowly consumed by guilt and shame. a speck of dust. ha! a speck of fucking dust. just a speck of dust, and yet we are all begging to be held right and tight. to be loved so dearly that one can hear thy hearts near, it is beating just for me. just for me. just a speck of dust that is mesmerized by the dusk, often amazed by its ever-changing, uncertain beauty. always in awe by it all. a speck of dust that questions the feeling of being collated to such dusk. such dusk that is never the same, ever-evolving, multitude of colors, rises and falls. and yet! still loved. still seen. still felt. still exists in every phase of your life. still exists in every place of you. can you, my little sweet lover, my beloved bastard, see this dust as dusk?
just a speck of dust, no? yes i am just a speck of dust. just all here, all along. all over you, all over you.
—emmanuel.
#stream of consciousness#dyornalatkape#sulatkamay#alikabok#lang#tayong#lahat#na#may#pagnanais#mahalin#nang#labis#tang ina#diba
2 notes
·
View notes
Text
"Ang Kalayaan ay pananagutan ng bayan para sa matuwid na daan."
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9d9eed1f2b6385c8633ff60c507060ef/7aca91e86aad2d39-8f/s540x810/b66dbcc69636a8aaf1e6e7029039c7c4b5a62ceb.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ce7a6ca72e6ef6187262bc05a0ecb90c/7aca91e86aad2d39-10/s400x600/a9bfd9d371cc1e01e41599623c051e24bc2d0bdb.jpg)
Ang kalayaan ay isang kalagayan o kondisyon kung saan ang isang tao, grupo, o bansa ay may kakayahang mag desisyon at kumilos ayon sa kanilang saring kagustohan nang hindi pinipilit o pinipigilan ang iba. Sa mas malalim na kahulugan, ito ay tumotukoy sa kakayahan na mamuhay ng malaya, magkaroon ang mga karapatan at pribilehiyo, at isakatuparan ang mga layunin at pangarap nang walang takot sa pananakot o panghihimasok mula sa ibang tao o pamahalaan. Ang kalayaan ay may mga hangganan upang ma protektahan din ang karapatan at kalayaan ang iba
Sa pang kalahatan, ang kalayaan ay isang mahalagang prinsipyo na nag papalaganap nag dignidad at paggalang sa bawat isa. Gayun paman ito ay nangangailangan nang sapat na kaalaman at desiplina upang maiwasan ang pang-abuso at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/4a6f89811cd7ade9dc5f966385d89024/7aca91e86aad2d39-08/s540x810/74a07b8f3adf770e1b6aa1e8bb8f9b43d4b49391.jpg)
Ang kalapati ay simbolo ng kalayaan dahil ito ay kinikilala bilang isang hayop na malaya at hindi nakakulong, madalas lumilipad nang walang hadlang. Sa maraming kultura at relihiyon, ang kalapati ay itinuturing na simbolo ng kapayapaan, pag-asa, at kalayaan mula sa pighati at pagsupil. Ang pagkilos ng kalapati na malayang lumipad sa kalangitan ay sumasalamin sa hangarin ng bawat tao na magtamasa ng kalayaan at karapatang mabuhay nang walang takot o pang-aabuso. Gayundin, ang puting kalapati ay ginagamit sa iba't ibang pagdiriwang at pagtitipon bilang tanda ng bagong simula at pagnanais ng kapayapaan at kalayaan sa lipunan.
Montajes, Heidi Dianne P.
Grade 10 - St. Fulgentius
Filipino 10
13 notes
·
View notes
Text
Sinusubukan sa Lamig ❄️
Doon sa Norway sa kaniyang gabing madilim at malamig na klimang punong-puno ng niyebe, maikli ang mga araw sa itaas ng Arctic Circle. Sa kabaligtaran na man, mahaba ang mga gabi, sumasayaw ang mga ilaw galing sa Aurora Borealis buong gabi. Humahampas sa iyo ang malamig na hangin, papamlayin ang mga pandama mo kagaya sa mga kasulatan sa buhangin na nawawala sa pagdating ng mga alon. Natatakpan ng mga pine ang mga higanteng bundok na nakatayong matayog sa puting background; pakiramdam mo maliit ka laban dito. Nababalot ang mga sigaw mo sa kaguluhan ng niyebe at hamog ng yelo, paano ka maririnig ng sinuman kung nasa magagandang tanawin ng Taiga? Ano ba talaga ang kahalagaan mo sa landscape na ito?
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7419dec963bef55269b204361b0ee610/c5da559c08a8cdf1-53/s540x810/eadadc1c26e6dbb4cbb142691858b36cbd03be04.jpg)
Sa visual novel na Dawn Chorus, ikaw ang protag na sumali sa isang 5-araw na college science camp na naka-istasyon sa Norway, sa itaas ng Arctic Circle. Masisiyahan ka sa malalawak na tanawin habang nakikinig din sa mga ekstrakurikular na lektura. Sa camp trip na ito, makatatagpo ka ng mga kaibigan at mga estranghero na sasamahan ka sa paglalakbay na ito. Magbabahagi kayo ng mga bagong karanasan sa nakamamanghang paglalakbay na ito sa loob ng Arctic Circle at mula sa mga pakikibaka at problema ng nakaraan. Sigurado akong pagkatapos ng science camp na ito, aalis ka na may bago at mahalaga sa iyo. Sa biswal na nobelang ito, maaari kang pumili ng isa sa walong dateable na character na personal mong makakasama sa buong paglalakbay mo sa kampo. Nagbabahagi kayo ng mga pakikibaka sa mga paglalakbay at natututo kung paano umunlad nang sama-sama.
Sa entry na ito, tatalakayin ko ang aking mga karanasan at malalim na pagmamahal sa isa sa mga tauhan sa laro na lubos kong nararamdaman.
Isang Norweigan na deer si Rune na nagsusumikap sa neuroscience bilang major, hindi lang iyon kung hindi napaka-aktibo rin niya sa maraming ekstrakurikular, isang athletic na manlalaro sa samu't saring sports, at isang nagsusumikap na artist o musician. Napaka- ambisyosa at masipag niya, pero may limitasyon kung ano ang magagawa niya sa kaniyang oras; gaano kalaki ang makakaya niya; sa kapasidad ng pasensya niya at hanggang wala na talaga. Tinuro sa kaniya ng paglaki sa isang napaka-awtoritaryang bahay ang magtakda ng matataas na pamantayan para sa kanyang sarili; mga pamantayang mahirap lampasan. Maaaring maging dahilan ng nakasasamang pag-iisip ang sobrang ambisyosong mga layunin at pamantayang lalo na sa kung paano nakikita ng isang tao ang kanilang sarili. Nagpapakita si Rune ng mga aksiyon katulad ng labis na hindi pag-iimbot, pagpapabaya sa mga personal na pangangailangan, at pagkabigo sa sarili kapag ang hindi natutugunan kaniyang mga pamantayan, na karaniwang na mga pattern na maaaring mabuo ng isang tao sa gayong mga pag-iisip. Pinapakita ng kaniyang paglalakbay sa kampo ang pagsisikap at pagnanais na maging kasing malugod at ambisyoso sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan, subalit pinapanatili niya ang sarili sa baba dulot ng napakatinding hirap ng trabaho, mga inaasahan mula sa kaniya, at sariling mga pamantayan. Tulad ng kung paano sinisira ng isang pagkakamali ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Ganito ang hitsura ng matinding burnout.
Napakaseryosong isyu ito para sa mga mag-aaral sa kasalukuyan, Nakakaapekto ang akademikong burnout sa mga personal at panlipunang buhay ng mga mag-aaral. Ipinakikita ng isang pag-aaral na 40.01% ng mga mag-aaral ang nag-ulat na nakararanas ng kanais-nais na mga kondisyon sa pananaliksik, 55.16% naman ang nag-ulat na mayroong ilang antas ng akademikong burnout, 3.55% ang nag-ulat na nakakaranas ng matinding pagka-burnout sa akademya, at 1.28% ang nag-ulat na nakakaranas ng matinding pagka-burnout sa akademya. Higit na nauugnay ito sa mga napaka-akademikong paaralan tulad ng PSHS dahil nagsusumikap ang kanilang mga mag-aaral para sa kahusayan at mataas na pamantayang pang-akademiko na inaasahang itaguyod ng mga mag-aaral. Maaaring makaapekto ang burnout sa pagganap at mental na kagalingan ng isang mag-aaral, maraming isyu ang maaaring magmumula sa pagka-burnout tulad ng pagkabalisa, depresyon, at pagkabigo.
Ngunit mahalagang tanggapin na hindi pa huli ang lahat para pigilan ang iyong sarili mula sa gayong pag-iisip, hindi ito kaagad sapagkat isang proseso. Para kay Rune, napagtanto niya na gawa-gawa at hindi makatwiran ang lahat ng kaniyang mga inaasahan at pamantayan gaya ng kaniyang pananaw sa buhay. Sa panibagong pananaw, natutunan niya kung paano mahalin ang kanyang sarili, alamin ang kanyang mga limitasyon, at alaming hindi maaaring matamo ang lahat gaya ng inakala niya. Napakahalaga ng pag-alam sa mga limitasyon at kapasidad ng isang tao upang mapagtagumpayan ang gayong pag-iisip at pagkapagod, maaaring magbigay ng maraming pananaw sa buhay na magagamit ng isang tao upang matulungan ang kanilang sarili ang pagbibigay ng priyoridad sa iyong sarili. Ngunit ang mahalaga, walang sinuman ang talagang nag-iisa. Tinulungan ng protag si Rune na malampasan ang kaniyang mga problema, sa pamamagitan ng pagiging laging nasa tabi niya at palaging nagpapakita ng pagmamahal at suporta kay Rune. Matutulungan ka ng mga kaibigan at pamilya sa mga pagsubok na ito, huwag kalimutan na palaging may isang tao na tutulong sa iyo kapag nalulumbay.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/b757822a4f236d8763d1334ced3c3b9d/c5da559c08a8cdf1-4e/s540x810/44aa2d2c5b0340316f39bb28914bb3d234c55933.jpg)
Manhid sa niyebe ang lahat, maaaring magdadala ng pamamanhid sa iyo sa hirap, ngunit huwag kalimutan na ang suporta at pagmamahal ang iyong pinagsusumikapan. Sa madilim at hindi kanais-nais na lugar na ito, ang iyong sarili ang kailangan mong harapin, at tandaang pagmamahal at pag-uunawa sa kalooban ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/62fe7049aef0ccb3bbb0f16c6a67d3fb/c5da559c08a8cdf1-5b/s540x810/fc7f5a6e6c50d7e76c72901faf5fed488e4ba3f4.jpg)
References:
Weber, A., & Jaekel-Reinhard, A. (2000). Burnout syndrome: a disease of modern societies?. Occupational medicine, 50(7).
Liu, Z., Xie, Y., Sun, Z., Liu, D., Yin, H., & Shi, L. (2023). Factors associated with academic burnout and its prevalence among university students: a cross-sectional study. BMC medical education, 23(1), 317. https://doi.org/10.1186/s12909-023-04316-y
Art 1: https://x.com/evphye/status/1831382091155829189?t=Uf3naL3eXjUPPD2_CT780A&s=19
Art 2: https://fxtwitter.com/Artefeliussy/status/1828979103891886180?t=Uf3naL3eXjUPPD2_CT780A&s=19
Art 3: https://x.com/inlanders_/status/1805024025434865683?t=x0QoFypFBXV_WPG0qf8sNg&s=19
Art 4: https://x.com/crimsonann/status/1813685419067969672?t=x0QoFypFBXV_WPG0qf8sNg&s=19
7 notes
·
View notes
Text
"Kalusugan Ko, Kalusugan Mo, Pusuan Mo, Pilipino!"
"Patungo sa Mas Malusog na Pamumuhay: Hakbang Tungo sa Masiglang Kinabukasan"
Hindi ba't masarap isipin kung ang bawat Pilipino ay malusog at masigla? Ngunit sa kabila ng pagnanais ng karamihan sa atin na maging fit at healthy, marami pa rin ang humaharap sa iba't ibang hamon sa kalusugan. Kasama na rito ang patuloy na pagtaas ng mga sakit gaya ng diabetes at hypertension na may kinalaman sa ating pamumuhay at mga nakasanayang gawain. Pero sa halip na panghinaan ng loob, bakit hindi natin gawing mas makulay at makabuluhan ang ating journey patungo sa mas malusog na pamumuhay?
Unahin natin ang katotohanan: Marami sa atin ang mahilig kumain—lalo na ng masasarap na pagkaing Pinoy! Sino ba ang hindi mahuhumaling sa crispy lechon, sinigang na baboy, o kahit ang malamig na halo-halo sa init ng panahon? Likas sa kulturang Pilipino ang pagtitipon at pagsasalu-salo, lalo na kapag espesyal na okasyon.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2fcf704c3baf695ad0e04152275fc088/42c27e4a41777d95-9b/s540x810/418db2cf26d637f9c33ecd1ac6f65ed06a8efa22.jpg)
Ngunit ang labis na pagkain ng matataba, maalat, at matatamis na pagkain ay maaaring magdulot ng mga seryosong sakit. Ang mga pinakahuling datos ay nagpapakita na halos 29.5 milyong Pilipino ang overweight o obese. Sa loob ng dalawang dekada, tumaas nang halos doble ang bilang ng mga obese at overweight na adult sa bansa, mula 20.2% noong 1998 hanggang 36.6% noong 2019. Kasabay ng pagtaas na ito, dumoble rin ang rate ng mga obese at overweight na kabataan mula 4.9% noong 2003 hanggang 11.6% noong 2018.
Ang labis na timbang ay isang malaking panganib sa kalusugan, na nagdudulot ng mga sakit tulad ng hypertension, diabetes, at ilang uri ng kanser. Kung hindi maaaksyunan, inaasahang tataas pa ito, at mahigit 30% ng mga kabataan sa Pilipinas ang magiging overweight o obese pagdating ng 2030.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/0a6a3770f166669f39cf23d7671fac0f/42c27e4a41777d95-e9/s540x810/d48dfce060be50bf0d4ad3c32f8fe9c9440be35b.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/0c923bf11c7cc11186f394c35006ec28/42c27e4a41777d95-86/s540x810/ed3140a08dd6d3df8dd8fee725764c8fcd0ca560.jpg)
Upang labanan ito, nagpapatuloy ang mga hakbang mula sa iba't ibang sektor ng gobyerno at mga organisasyon, kabilang ang pagpapalakas ng mga programa sa nutrisyon at ang pagbuo ng mga patakaran upang mapabuti ang kapaligiran ng pagkain at mga kaugalian sa kalusugan.Dito pumapasok ang pagpapahalaga sa balanse sa ating diyeta. Hindi natin kailangang isuko ang ating mga paboritong pagkain, ngunit matutong magpigil-pigil. Isama sa ating pamumuhay ang mga pagkaing masustansya at subukan ang mga alternatibong pagkain na mas mabuti para sa ating katawan.
Bukod sa pagkain, mahalaga rin ang regular na ehersisyo. Hindi naman kailangang gumugol ng oras sa gym araw-araw; maaari nating simulan sa simpleng paglalakad, pagbibisikleta, o pagsasayaw. Ang mahalaga ay maging aktibo ang katawan upang mapanatiling masigla ang ating kalusugan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga ay malaking tulong upang masiguro ang kalusugan ng katawan at isipan.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e660bbcce50e23069fac04346806888e/42c27e4a41777d95-13/s540x810/d38eb885a7a25f64ee0960f465a42389c9b98379.jpg)
Kung ang bawat Pilipino ay mag-uumpisa sa maliliit na hakbang patungo sa mas malusog na pamumuhay, tiyak na gaganda ang ating kinabukasan. Kaya ano pang hinihintay natin? Alagaan ang katawan, gawing masaya ang ating journey sa kalusugan, at magkaisa tungo sa mas malusog na Pilipinas!
6 notes
·
View notes
Text
Bagong Simula, Isang Binhi ng Pag-asa
Ni Martha Caasi | Nobyembre 9, 2024
Bagong taon, bagong mga mukha, gaya ng mga munting binhi na handang umusbong, puno ng pag-asa at posibilidad. Nagsisimulang mag-ugat, magtaglay ng pangarap, at handang magbigay-buhay sa bagong simula.
Bawat taon, may mga bagong estudyante na humahakbang mula elementarya patungong high school. Kilalanin natin si Josel Angeleen 'Jeleen' Apdian, isa sa mga estudyanteng humakbang patungo sa high school ngayong akademikong taon 2024-2025 sa UPIS.
Isang student-athlete at student-leader, tinatanggap ni Jeleen ang mga bagong responsibilidad sa simula ng kanyang paglalakbay sa high school. Kasama sa kanyang mga tagumpay ang pagiging dancer ng UPIS Pep Squad at ang pagkapanalo bilang Secretary ng Freshman Association. Binabalanse niya ang kanyang mga tungkulin bilang Secretary habang patuloy na nagpapakita ng husay sa kanyang piniling sport.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ca0c78d9ebd28bba0930590d7e791d9f/95552d022a32dea9-a7/s540x810/62aa6a4288f19dcb6e82e5e2e0fe84e4831e904b.jpg)
Student Jeleen: Hakbang sa Bagong Lupa
Sa laki ng gusali at dami ng silid-aralan, hindi ka ba maliligaw?
Bilang bagong estudyante na humakbang mula elementarya, hindi naiwasan ni Jeleen ang kaba at excitement sa unang araw ng pasukan. Bagamat bago siya sa gusali ng UPIS High School na puno ng mga bagong pook at daan, hindi naiwasan ni Jeleen at ang kanyang mga kaibigan na maligaw. Sa bagong kapaligiran, natural lang na mag-alinlangan at magtanong sa sarili kung paano nila maaabot ang kanilang destinasyon sa tamang oras.
Ngunit, tulad ng isang binhi, hindi niya kayang tumubo kung walang patak ng pagkakamali at pagkakatuto. Kwento niya, sadyang hindi niya makakalimutan ang karanasang ito sapagkat maliban sa natutunan niya kung paano maglakbay sa napakalaking gusali na ito, napagtanto rin niya kung gaano kahalaga ang kanyang mga kaibigan sa kanyang buhay. Sila ang kasama niya sa mahihirap na sandali, at malaki ang epekto ng kanilang suporta sa pagbibigay gabay at lakas.
“The main thing that helps me adjust in this is the people around me,” aniya. Tinukoy niyang hindi siya nag-iisa sa kanyang paglalakbay, binibigyang-diin ang personal na pasasalamat sa suporta mula sa mga tao sa kanyang paligid. Habang inaangkop niya ang kanyang sarili sa bagong kapaligiran at gusali, alam niya na palagi niyang maaasahan ang kanyang mga kaibigan at pamilya na magbigay ng gabay at tumulong sa kanya upang makagawa ng mga tamang desisyon.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/c7167f8accf4891504a4f186e0da2cdd/95552d022a32dea9-1e/s540x810/7fe6c784ce817e7a05008e13b1f96c55eff888fa.jpg)
Student-Athlete Jeleen: Pagsasanib ng Pamilyar at ‘Di-Pamilyar
Isang munting binhing patuloy na tumutubo, nabibigyan ng maraming pagkakataon upang magtagumpay at umusbong. Pinili niyang magpatuloy sa kabila ng mga bagyo ng pagsubok, at pinapakita ang kanyang lakas at determinasyon na mag-ugat at magbunga.
Isang bagong landas sa kanyang paglalakbay ang nagbukas nang sumali siya sa Pep Squad, kung saan nagsimula siyang matuto at magsaliksik ng mga bagong oportunidad sa kanyang paligid. Bilang isang dating gymnast, nagsanay siya nang ilang panahon bago niya napagpasyahan na itigil ito dahil sa pandemya. Hindi praktikal ang online na training, aniya. Gayunpaman, hindi nawala ang kanyang pagmamahal para sa isport at pagnanais manatiling konektado sa isang bagay na pamilyar sa kanya.
"I find Pep relaxing," kwento niya. Sa kanyang isipan, isang takas ito mula sa kabigatan ng buhay. Nagbibigay ito ng pahinga dahil nailalayo siya mula sa mga akademikong gawain at obligasyon. Binanggit din niya na nakatulong ang pagsasanay sa pagpapabuti ng kanyang paggamit ng oras at presence of mind. Dahil sa pag-eensayo, mahalaga ang pagiging mentally active at alerto. Idinagdag pa niya na ginagamit niya ang mga kasanayang ito upang mapabuti ang kanyang akademikong pagganap at mapahusay pa ang kanyang pagbabalanse ng mga responsibilidad.
Student-Leader Jeleen: Binhi sa Gitna ng Hardin
Sa kalagitnaan ng bagong hardin ng kanyang batch, isa siyang lider na handang maglingkod kasabay ng iba pa niyang mga responsibilidad.
Hindi lamang isang student-athlete si Jeleen, kundi isang student-leader din na kumakatawan sa kanyang batch at aktibong nagpapalakas ng kanilang samahan. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagpaplano ng mga fundraisers at pagiging kinatawan ng kanyang batch, natutulungan niyang mapatibay ang kanilang ugnayan. Sadyang nag-iiba ang binhing ito sa mga mata ng iba, sapagkat kahit pare-pareho ang natatanggap na araw at tubig ng lahat, naipakita niya ang kanyang pagkakaiba sa hardin na puno ng iba't ibang halaman, na may kasamang malasakit at dedikasyon upang mapalago at mapabuti ang kanyang paligid.
Bilang parte ng kanyang pangarap na magsilbi sa komunidad, ibinahagi rin niya ang kanyang hangarin na tumakbo para sa Pamunuang Kamag-Aral (PKA) sa hinaharap. Kwento niya na nauna ang kanyang papel bilang lider bago ang pagsali sa isang koponang pampalakasan. Dagdag niya pa na may karanasan siya mula sa PKA 3-6 bilang Treasurer ng KA-Alab Party noong 2023, at dahil dito, nadagdagan at napabuti ang kanyang mga kasanayan sa pamamahala. Tiyak na may maaambag siya sa pamumuno, na nagpapakita ng kanyang kakayahang pagsasamantala sa bawat pagkakataon na dumating sa kanya.
Bilang isang estudyante na abala sa iba’t ibang mga gawain, sadyang hindi madaling pagsabayin ang lahat ng ito. Ngunit ayon kay Jeleen, "If you want to do something, you can go for it." Ipinaliwanag niya na maaaring magsimula ito bilang isang hamon, ngunit matututuhan mo ring balansehin ang lahat ng iyong mga kagustuhan at passion habang patuloy na sumusulong. Dagdag pa niya, "You can still enjoy while doing a lot of things," sapagkat hindi mo dapat isuko ang iyong mga napiling commitment at dapat mong hanapin ang saya sa iyong mga tungkulin.
Habang pinagmamasdan natin ang paglago ng binhing ito, naaalala natin na simula pa lamang ito ng kanilang paglalakbay. Tila mahirap ang pag-aalaga sa isang binhing patuloy na nangangailangan ng araw at pasensya. Ngunit sa bawat hakbang, patuloy na bumubunga sila na puno ng sigla at determinasyon. Kaya habang patuloy sila sa kanilang landas, nakikita natin silang namumukadkad at nagiging isang magandang bulaklak na nagbibigay ng makabagong kulay at liwanag sa hardin ng UPIS.
2 notes
·
View notes
Text
General Santos City
Sa aking paglalakbay sa Oval Plaza sa General Santos City, ako'y namangha sa ganda ng lugar at sa dami ng mga aktibidad na pwedeng gawin dito. Ang Oval Plaza ay isang malawak na pook kung saan naglalakad-lakad ang mga tao at nagpapahinga sa ilalim ng mga puno. Ang maluwag na espasyo at mga bangko ay nagbibigay ng kahalumigmigan at katahimikan sa gitna ng siyudad. Sa lugar na ito, makikita ang mga nagtitinda ng masasarap na street food tulad ng fish balls, kwek-kwek, at iba pa. Pinakamatamis na bilihan naman ay ang mga nagbebenta ng sorbetes at ice cream. Masarap na pamalengke para sa mga naglalakad lalo na sa gabi.
Bukod sa Oval Plaza, marami pang ibang pasyalan na pwedeng bisitahin sa Gensan tulad ng Tuna Festival sa huling linggo ng Setyembre, Gaisano Mall, SM City General Santos, at Ang Lion's Beach. Marami pang pasyalan dito tulad ng sa mga isla at mabundok na lugar. Sa aking paglalakbay sa Oval Plaza at iba pang pasyalan Gensan, ako ay napaglinang sa kahalagahan ng paglalakbay at pagtuklas sa iba't ibang kultura at tradisyon. Ito ay nagbigay sa akin ng bagong pananaw sa kagandahan ng Pilipinas at sa pagiging bukas sa iba't ibang karanasan. Ang General Santos City ay hindi lamang destinasyon para sa mga turista kundi ito rin ay pook ng pagnanais at pag-aalab sa pag-unlad at pagmamahal sa sariling kultura at bayan.
Kathyrine M. Adlawan
2 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a464bfa028583a678545e8737308d089/a3ff7a82ed1556f7-b2/s540x810/12c97726cfe3b071a20f42ee503cbf4abb3500dc.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9c8a2ff60ef205db1d0e29682e5f1cc6/a3ff7a82ed1556f7-61/s540x810/dd4977c9b09ea8b77b2bb5c5801d0c7c9526c8fa.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/8278b3472d70bdbc877203eaad28b7a7/a3ff7a82ed1556f7-96/s540x810/0fb7357a7761533acb5e9f3d2d5cfb34fa1500e6.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6a852c848a7253e769c52850297589c7/a3ff7a82ed1556f7-99/s540x810/c87a20efa582f999b3978b0cd9e4c4a668970701.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/057cdb6294bc1b04c5d0fde07293e4ee/a3ff7a82ed1556f7-7b/s540x810/c03c77e2de58102b85bf59acae35c9560e2af0b8.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/699b6f70c5aac8d9f7c2105bc90160b8/a3ff7a82ed1556f7-b8/s540x810/a823ef55e3bdcdcef45a02f3a9ea940bc112645d.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/324983ac6df6d5a7d49ca26cde765dfc/a3ff7a82ed1556f7-0f/s540x810/9d0cff80e11a782f9122a33b520bbbcacc6b1472.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ba6eff84261b2f28b1d6bb7fd5dbfcc5/a3ff7a82ed1556f7-29/s540x810/c4c1dedd10b20b49813da365a9d76e8dc81ed3c9.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ec81e60f8c9d9ff94c9e61d7fd3be273/a3ff7a82ed1556f7-92/s540x810/3a9bab445e5480f391046bdf2d0a403f0e94dc70.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ef8de8f7f09c4f67230bdb7fc4e777a7/a3ff7a82ed1556f7-02/s540x810/679633fb1db46ebef03977c0a87140213126f241.jpg)
Halos 100k attendees for Pride event!
Patunay na mas nananaig ang pagnanais natin magkaroon ng pantay pantay ng pagtingin sa lipunan, regardless kung ano man ang iyong sexual orientation. Ang Pride ay hindi lang basta isang celebration, ito ay isang protesta para sa ating karapatan at hustisya sa mga naging biktima ng pang aabuso at deskriminasyon..
Mula sa aming pagtindig, nawa'y balang araw wala ng bata ang maaabuso ng dahil isa siyang bakla, wala ng trans ang mapapatay dahil isa siyang trans, walang babae ang mamaliitin ng dahil isa siyang babae, wala ng mga tao ang magtatago ng kanilang kasarian dahil hindi sila matanggap ng kanilang pamilya.
Sana dumating yung araw, makamit natin yung kalayaan at kapayapaan kahit sino pa tayo sa lipunan.
HAPPY PRIDE EVERYONE! 🌈
40 notes
·
View notes
Text
"Inaasahan ang Ginhawa, Pero Nakaharap sa Katotohanan"
Bilang pangkat batay sa aming ginawang pagsusuri, napagtanto namin na ang nobelang "Mga Katulong sa Bahay" na may Kabanata 6 "Ang Liwanag ng Kalunsuran" na isinulat ni Vei Trong Phung, ay may isang karakter na isang magsasaka na dumaranas ng pagod na kayat naituturing namin siyang may hamon o suliranin na tao labang sa sarili, sapagkat narito ang kanyan naranasan.
Sumapit ang pagod na magsasaka sa mahirap na paglalakbay patungog siyudad, dahil sa daming pasikot-sikot. Bawat kalye'y may bahay, daanan at eskinitang pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad ng lakad, napapagod at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng oportunidad na magtrabaho sa siyudad.
Sa pagsusuri ng aming pangkat ang magsasaka ay may tungaliang nilalabanan ang isang gawain. Sapagkat nilalabanan niyang gawin ang ibang bagay katulad ng gusto niyang magpahinga ngunit, wala siyang matuluyan dahil sa kakulangan ng pera. Pagod man, kinakailangan niya paring sumulong para sa kaniyang inaasahan pag asa.
Bilang mag aaral sa herenasyon ngayon, wala kaming maihahambing na sitwasyon katulad ng naranasan ng magsasaka. Hindi na kami nakaranas na katulad ng sinapit ng magsasaka. Kaya’t nagpapasalamat kami sa aming mga magulang na hindi na namin kailangang magsumikap sa maagang edad, dahil sa kanilang pagmamahal at pagsisikap.
Ang sinapit ng magsasakang ay nagpapakita ng kasalukuyang realidad ng maraming tao sa ating lipunan. Marami ang umaalis sa kanilang mga tahanan sa probinsya, dala ang pag-asa ng mas mabuting kinabukasan, ngunit pagdating sa siyudad, sila’y nauuwi sa mga maruruming lugar, napapabayaan, at napipilitang gumawa ng mga bagay na hindi nila pinangarap, tulad ng pagiging mga kasambahay na minamaltrato o nagiging biktima ng prostitusyon.
Sa huli, ang sinapit ng magsasaka ay isang paalala na sa kabila ng ating pagnanais na umunlad at umasenso, kailangan nating mag-ingat na hindi tayo madala sa mga pangakong walang kasiguraduhan. Dapat tayong manatiling kritikal at mulat sa mga kalagayan ng ating lipunan. Sa ating sariling buhay, mahalaga ang pagsisikap at pagtitiyaga, ngunit kailangan din nating tanggapin na ang realidad ay hindi palaging ayon sa ating mga inaasahan. Dapat tayong magtulungan bilang isang komunidad upang matiyak na walang maiiwan sa laylayan ng lipunan at maprotektahan ang mga karapatan ng mga pinaka-bulnerableng sektor.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a6ab68a1d958f71bf05209cb23662b4f/5f80444391fe2808-de/s540x810/0d8416e0672ace70dad22e89bd3307d71a92b5da.jpg)
2 notes
·
View notes
Text
FEATURE: Paglalakbay sa isip: Mga bagong emosyon sa pelikulang Inside Out 2
Handa ka na ba para sa panibago biyahe na puno ng emosyon? Na-miss mo ba sila? Matapos ang siyam na taon, ang mga karakter ng Inside Out ay nagbabalik para sa Inside Out 2, ang kanilang pangalawang pelikula na puno ng bagong kulay at damdamin!
Pumatok agad sa mga manonood ang opisyal na trailer sa Youtube ng Inside Out 2 noong Marso 8. Umabot ng 31 milyong views nito, at nakikita talaga ang dami ng positibong feedback mula sa mga iba't ibang platform tulad ng TikTok, YouTube, at Instagram, kung saan karamihan sa gumagamit ng mga platform na ito ay mga Gen Z at Gen Alpha.
Ang Gen Z sa edad ng 12-27, at lalo na ang Gen Alpha, na ang mga edad ay 6-11, ay maaaring maka-relate sa pelikulang ito dahil maaaring nakararanas din sila ng mga bagong emosyon. Ang pelikula ay nagpapamulat sa mga manonood upang sila ay mas magkaroon ng kamalayan sa mga damdamin ng tao at patuloy na tuklasin ang mga komplikadong emosyon at kalagayan ng pag-iisip. Makatutulong din ito sa mga kabataang manonood na mas maunawaan at maipahayag ang kanilang mga damdamin.
Ano nga ba muna ang kuwento ng Inside Out? Ang pangunahing tagpuan ng kuwento ay sa isang control center sa isipan ni Riley (ang tinatawag na “Headquarters”). Mula pagkasanggol hanggang sa pagtungtong niya sa pagiging labing-isang taong gulang, ang kanyang mga emosyon—sina Joy, Sadness, Anger, Fear, at Disgust—ay nagtutulungan upang gabayan ang kanyang mga karanasan at alaala. Nang lumipat ang pamilya ni Riley sa ibang lugar dahil sa trabaho ng kanyang ama, nakaranas siya ng mga pagsubok at pagbabago na nagiging sanhi ng pagkalito ng kanyang mga emosyon sa pagtulong sa kanya ng mag-adjust sa bagong buhay. Nag-away sina Joy at Sadness tungkol sa kung sino ang dapat magkontrol sa emosyon ni Riley, at ito ang naging sanhi ng kanilang ‘di-sadyang pagkaligaw sa kalaliman ng isipan ni Riley. Habang pabalik sila patungo sa Headquarters, natunan nila na ang bawat emosyon ay mahalagang maipahayag para sa isang malusog na buhay.
Upang mas makilala natin ang mga emosyon ni Riley at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa isa't isa, batiin natin muli ang bawat emosyon at balikan ang naging papel nila sa buhay ni Riley.
JOY: Si Joy ang nagsisilbing pangunahing emosyon na responsable sa pagtiyak na makakaranas si Riley ng kaligayahan at pagiging positibo sa kanyang buhay. Ang kanyang kulay, na maliwanag at matingkad na dilaw, ay nagpapakita ng kanyang masiglang disposisyon at ang kanyang pagnanais na panatilihing masaya si Riley.
SADNESS: Si Sadness ay isa sa mga emosyong hindi kasundo ni Joy sa umpisa dahil sa kanilang pagkakaiba. Tinatanggap at hinaharap ni Sadness ang mga negatibong emosyon at problema ni Riley sa buhay. Ang kanyang pagkaasul ay sumisimbolo sa katahimikan at pagsisiyasat na nauugnay sa kalungkutan.
FEAR: Si Fear ang namamahala sa kaligtasan ni Riley at nagsisilbing gabay niya palayo sa mga mapanganib na sitwasyon. Tinutulungan ni Fear si Riley na sumubok ng mga bagong karanasan habang umiiwas sa mga banta ng panganib.
ANGER: Si Anger naman ay tumutulong sa paggigiit ng mga hangganan ni Riley at paano ipaglaban ang sarili sa mga sitwasyon. Ang kanyang maapoy na pagkapula ay sumasalamin sa malalakas niyang reaksyon sa mga sitwasyong pumupukaw ng pagkainis.
DISGUST: Tinutulungan ni Disgust si Riley na makilala ang mga bagay na hindi niya gusto at magtakda ng mga hangganan sa kanilang paligid tulad ni Anger. Ang kanyang kulay berde, ay sumisimbolo sa kanyang kritikal na diskarte sa mga bagay na sa tingin niya ay hindi kanais-nais.
Sa trailer ng Inside Out 2, ipinapakita na lumaki na si Riley at ngayon ay isang tinedyer na. Nakararanas siya ng mga bagong hamon sa emosyon habang siya'y naglalakbay sa kanyang puberty. Ang mga pamilyar na karakter na sina Joy, Sadness, Anger, Fear, at Disgust ay sinasamahan ngayon ng mga bagong karakter na kumakatawan sa emosyon ni Riley. Ayon sa kuwento na ipinapakita sa trailer, ang mga bagong emosyon ay nagmistulang sasakupin ang headquarters at nagdulot ng biglaang pagbabago. Ang mga kilos ng mga bagong karakter ay nagresulta sa pagpapatapon ng mga pamilyar na karakter patungo sa kalaliman ng isipan ni Riley.
Sa pagharap sa mga bagong karakter, silipin natin kung sino at ano ang mga ibig sabihin ng kanilang karakter bilang isang emosyon.
Ang unang nagpakita sa trailer na kulay kahel ay si Anxiety (labis na pag-aalala), kasunod naman niyaa ang maliit na karakter na si Envy (pagkainggit) na kulay teal, at ang kulay Lila na si Ennui (pagkayamot o pagkainip sa kawalan ng pagkakaabalan) at ang huli na si Embarrassment (pagkapahiya) na kulay Rosas.
Mula sa pangalan ng mga bagong karakter, nagkakaroon tayo ng ideya sa maaaring maging papel nila sa bagong pakikipagsapalaran ni Riley. Paano kaya sila makikitungo sa mga naunang emosyon ni Riley? Magkakasundo kaya sila? Paano kaya nila matutulungan si Riley sa mga gagawin nitong pagpapasya. Maraming tanong ang pumupukaw sa ating isipan kung ano ang susunod na mangyayari sa mga bagong karakter na ito.
Sa kabila ng pagiging pelikulang pambata, maaari ring maka-relate ang mga mas nakatatandang henerasyon ng manonood sa pelikulang ito dahil tinatalakay nito ang mga komplikadong emosyonal at sikolohikal na tema na maaaring makaantig sa lahat ng edad. Ang pangunahing dahilan kung bakit maaaring target ng pelikula ang mas batang henerasyon ay dahil sa kanilang pagkakatulad kay Riley, na kasalukuyang lumalaki at hinaharap ang mga karaniwang hamon na pinagdaraanan ng mga bata. Ang mga karanasan ni Riley, tulad ng paglipat sa bagong lugar at pagharap sa emosyonal na kaguluhan, ay sumasalamin sa mga uri ng pagbabago na madalas na nararanasan ng mga bata. Pero kasabay rin nito, ipinakita rin ng pelikula ang komplikadong emosyon ng lahat ng uri ng tauhan. Bilang halimbawa, ipinakita sa unang pelikula ang mga emosyon ng mga nakatatandang karakter, tulad ng mga magulang ni Riley.
Ito ang dahilan kung bakit napaka-relatable ng pelikula sa mas batang audience, habang ang mas malalim na pagtalakay sa emosyon at mental health ay nakaaakit naman sa mga nakatatanda.
Sa paglabas ng Inside Out 2, ang UPIS Batch 2032 at Batch 2033 ay magdaraos ng block screening sa Hunyo 12 para sa inaabangang sequel na ito! Ito ay hindi lamang isang espesyal na pagtatanghal, kundi isang oportunidad din para sa mga mag-aaral na makapanood ng pelikula kasama ang kanilang mga kapwa kamag-aral, barkada, at/o pamilya.
Ano pa ang iyong hinihintay? Tara, muli tayong magkita sa Hunyo 12, 2024 kung kailan ito sisimulang ipalabas sa mga sinehan.
//ni Bianca Regala
Mga Sanggunian:
Inside out movie review. (2015, June 19). Common Sense Media. https://www.commonsensemedia.org/movie-reviews/inside-out
Pixar. (2024, March 7). Inside Out 2 | Official trailer [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=LEjhY15eCx0
TJ, P. P.-. J. &. (2022, May 5). ‘Inside Out’ character profiles: Anger, Joy, Disgust, Fear and Sadness – updated. Pixar Post. https://pixarpost.com/2014/11/inside-out-character-profiles-anger-joy.html
Wiki, C. T. D. (n.d.). Inside out. Disney Wiki. https://disney.fandom.com/wiki/Inside_Out
6 notes
·
View notes
Text
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag"
Panimula
May Akda
Ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isang klasikong nobela ni Edgardo M. Reyes na unang nailathala noong 1966. Ang nobelang ito ay nagsasalaysay ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang nawawalang kasintahan, si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paghahanap, napadpad si Julio sa masalimuot at mapanlinlang na buhay sa lungsod, kung saan nasaksihan niya ang mga kahirapan at kabuktutan ng mga taong nasa laylayan ng lipunan.
Pamagat ng Nobela
Ang pamagat ng nobela, "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ay tumutukoy sa kalagayan ng lungsod ng Maynila na isinasaad sa kwento. Ang "kuko ng liwanag" ay maaaring simbolismo ng pag-asa o ilaw na nagmumula sa liwanag, subalit sa konteksto ng nobela, maari rin itong tumutukoy sa dilim, pagkawala ng pag-asa, at kapahamakan.
Kaugnay kay Edgardo M. Reyes, ang may-akda ng nobela, maaaring magkaroon ng iba't ibang interpretasyon ang pamagat. Maaaring ang naglalarawan sa kanyang pananaw o damdamin sa kalagayan ng Maynila noong panahon ng pagsulat ng nobela. Maaaring itong pahayag ng kanyang pagmumuni-muni sa mga suliranin at isyu ng lipunan na kanyang makikita sa lungsod. Bukod dito, maaaring maging simbolo rin ito ng kanyang pagnanais na muling ilawan ang mga suliranin ng lipunan upang magkaroon ng pag-asa at pagbabago.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa konteksto ng pamagat at sa pag-aaral ng buhay at pananaw ni Edgardo M. Reyes, maaaring mas maunawaan ang kahalagahan at kahulugan ng "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang klasikong akda ng panitikang Pilipino.
II. Katawan
Tauhan, Pagpapakilala at Paglalarawan
Sa nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," may ilang pangunahing tauhan na nagbibigay-buhay sa kwento at nagdadala ng mga pangyayari sa paligid ng lungsod ng Maynila. Narito ang ilan sa mga mahahalagang tauhan sa nobela:
Julio Madiaga: Ang pangunahing tauhan ng nobela. Si Julio ay isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan na si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paglalakbay, siya ay nakaharap sa mga kahirapan at pagsubok sa lungsod, na nagtulak sa kanya upang magbago at makipaglaban para sa kanyang mga pangarap.
Ligaya Paraiso: Ang kasintahan ni Julio na kanyang hinahanap sa Maynila. Bagamat tila nawawala sa simula, ang paghahanap kay Ligaya ay nagsilbing motibasyon para kay Julio na magpatuloy sa kanyang paglalakbay sa lungsod.
Atong: Isang kaibigan ni Julio sa Maynila. Si Atong ay isang mabuting kaibigan na tumulong kay Julio sa kanyang mga pagsubok sa lungsod. Sa kabila ng kahirapan at panganib, nanatili siyang tapat at mapagkakatiwalaan.
Mrs. Cruz: Isang taong mapagkalinga at nagbigay ng trabaho kay Julio sa Maynila. Bagamat may mabait na kalooban, si Mrs. Cruz ay nagtago ng lihim tungkol kay Ligaya, na nagdulot ng pangamba at pagdududa kay Julio.
Imo: Ang lider ng mga kabataan sa squatter area na pinasukan ni Julio. Si Imo ay isang mapanganib na karakter na nagpapakita ng karahasan at pang-aabuso sa mga mahihirap. Siya ang nagdulot ng mga pagsubok at panganib sa buhay ni Julio sa lungsod.
Ang mga tauhang ito ay nagtutulungan at nagbabanggaan sa iba't ibang paraan sa kuwento, nagbibigay ng iba't ibang pananaw at damdamin sa mga suliranin at karanasan ng mga tao sa Maynila. Sa kanilang mga karakter, maaari nating mas maintindihan ang komplikadong kalagayan ng lipunan at ang mga hamon ng buhay sa lungsod.
Banghay / Buod
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay naglalarawan ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na naglakbay patungong Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan si Ligaya Paraiso. Narito ang maikling buod ng nobela. Si Julio Madiaga, isang maralitang taga-probinsya, ay nagtungo sa Maynila upang hanapin ang kanyang minamahal na si Ligaya Paraiso. Dito, siya ay nagtatrabaho bilang konstruksiyon worker at nagpunta sa isang maliit na apartment sa ilalim ng tulong ni Mrs. Cruz, isang taong mapagkalinga na nagbigay sa kanya ng trabaho at tirahan.Sa kanyang paghahanap kay Ligaya, natuklasan ni Julio na ang kanyang kasintahan ay naipit sa isang mapanlinlang na buhay sa lungsod. Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Atong, natuklasan niya ang katotohanan tungkol kay Ligaya at sa mga taong nakapaligid dito.Habang naglalakad si Julio sa kanyang journey, nakaranas siya ng mga pagsubok at panganib. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng kahirapan, katiwalian, at karahasan sa Maynila. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang determinado na hanapin at iligtas si Ligaya mula sa kanyang mapanlinlang na kapalaran.Sa huli, natagpuan ni Julio si Ligaya, ngunit sa di-inaasahang kaganapan, ito ay hindi ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Sa gitna ng dilim at pagkalunod sa liwanag, naunawaan ni Julio ang katotohanan tungkol sa kanyang buhay at sa lipunan ng Maynila.Sa pamamagitan ng kwento ni Julio Madiaga, ipinapakita ng nobela ang mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang matinding paglalarawan ng kahirapan, pag-asa, at pagkawala sa gitna ng urbanisasyon at modernisasyon.
Tema / Damdamin
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay may sari-saring tema at damdamin na naglalarawan ng karanasan ng mga tao sa Maynila, lalo na ng mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Narito ang ilan sa mga pangunahing tema at damdamin na makikita sa nobela:
Kahirapan: Ang kahirapan ay isa sa pinakamahalagang tema ng nobela. Inilalarawan nito ang mga hamon at paghihirap na kinakaharap ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ang mga tauhan tulad ni Julio ay nagpapakita ng determinasyon at pagtitiis sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kahirapan.
Pangarap at Pag-asa: Sa kabila ng kahirapan, patuloy na nagtataglay ng pangarap at pag-asa ang mga tauhan sa nobela. Si Julio ay naglakbay sa Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap na mahanap si Ligaya at magkaroon ng magandang buhay. Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay madalas na naudlot at nasasaktan sa harap ng mga realidad ng buhay sa lungsod.
Pag-ibig: Ang pag-ibig, lalo na ang pag-ibig ni Julio kay Ligaya, ay nagbibigay ng init at pag-asa sa kuwento. Subalit, ang pag-ibig ay nagsisilbing daan din tungo sa kabiguan at sakit, lalo na sa pagtatapos ng nobela kung saan naipakita ang hindi pagtupad ng inaasam na pag-ibig.
Katiwalian at Korapsyon: Isa pang mahalagang tema sa nobela ay ang katiwalian at korapsyon sa lipunan. Ipinapakita nito ang paglubog ng mga institusyon sa katiwalian, kung saan ang mga mahihirap ay patuloy na nagiging biktima ng mga mapanlinlang na gawain ng mga may kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng mga tema at damdaming ito, ipinapakita ng nobela ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa Maynila at ang kanilang pakikibaka sa harap ng mga hamon at pagsubok ng buhay sa lungsod.
III. Pagsusuring Pampanitikan
Teorya
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay maaaring suriin at bigyang-diin mula sa iba't ibang teorya sa panitikan. Narito ang ilang posibleng teorya na maaaring magamit sa pag-aanalisa ng nobela:
1. Sosyo-kritisismo: Ang sosyo-kritisismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa pagsusuri ng panlipunang realidad at pagsasalin ito sa akda. Sa pamamagitan ng sosyo-kritisismo, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang pagtalakay sa mga isyu ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa lipunan.
2. Realismo: Ang realismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa paglalarawan ng totoong buhay at karanasan. Sa pamamagitan ng realismo, maaaring suriin ang paggamit ni Edgardo M. Reyes ng mga tunay na pangyayari at karanasan sa Maynila upang ipakita ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa lungsod.
3. Pang Masa o Populistiko:
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa pananaw na ang panitikan ay naglilingkod sa pangangailangan at interes ng masa o karaniwang tao. Sa pamamagitan ng paggamit ng teoryang pang masa, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang akda na nagpapakita ng mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa Maynila.
4. Feminismo: Bagaman hindi direktang nakatuon sa tema ng feminismo, maaaring suriin ang nobela mula sa pananaw ng mga karakter na kababaihan, tulad ni Ligaya Paraiso. Maaaring suriin kung paano ang kalagayan ng mga babae sa nobela ay nagpapakita ng mga isyu tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaroon ng kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang teorya sa panitikan, maaaring masuri at mas malalim na maunawaan ang mensahe at kahalagahan ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes.
Akda
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isinulat ni Edgardo M. Reyes. Si Reyes ay isang kilalang Pilipinong manunulat na sumulat ng mga nobela, maikling kuwento, at mga dula. Ipinanganak siya noong 1937 sa Sta. Cruz, Maynila.
Bukod sa "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ilan sa kanyang mga kilalang akda ay ang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" (1967), "Mga Anak ng Dagat" (1979), at "Ang Lalaki sa Dilim" (1987). Ang kanyang mga akda ay madalas na naglalarawan ng buhay at karanasan ng mga maralita at mahihirap sa lipunan.
Bilang isang manunulat, naging malaking impluwensiya si Reyes sa panitikan ng Pilipinas, lalo na sa larangan ng realismo at sosyo-kritisismo. Ang kanyang mga akda ay patuloy na binibigyan ng pagpapahalaga at nakilala sa kanilang pagtatalakay sa mga isyu at tema ng lipunan.
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isa sa kanyang pinakatanyag na nobela na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at pagsubok ng buhay sa lungsod ng Maynila. Ang husay ni Reyes sa pagsasalaysay at paglalarawan ng mga pangyayari at karakter ay nagbigay-daan sa nobelang ito na maging isang klasikong akda sa panitikang Pilipino.
Panunuri
Sa pagsusuri ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes, maaaring bigyang-diin ang mga sumusunod na aspeto:
1. Sosyo-kultural na Konteksto: Ang nobela ay nagbibigay-diin sa mga suliranin at realidad ng lipunang Pilipino, lalo na sa mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Ipinakikita nito ang kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan na karaniwang nararanasan sa Maynila at iba pang mga urbanong lugar sa Pilipinas.
2. Karakterisasyon: Ang pagbuo ng mga karakter sa nobela, lalo na si Julio Madiaga, ay mahusay at makatotohanan. Naka Konekta ang mga mambabatas sa kanilang mga damdamin at karanasan, at nagpapadala ng simpatiya sa kanilang mga pakikibaka at pagdurusa.
3. Estilo ng Pagsasalaysay: Ang estilo ng pagsasalaysay ni Reyes ay may halong realismo at pagpapakatotoo sa buhay sa Maynila. Ginamit niya ang malalim na deskripsyon at dialogo upang buhayin ang mga tauhan at tagpo, na nagbigay-daan sa mambabasa na maipasok sa mundong ipinapakita ng nobela.
4. Mga Tema: May malalim na tema ang nobela tulad ng kahirapan, pag-ibig, korapsyon, at pag-asa. Ang pagtatalakay sa mga tema na ito ay nagpapakita ng mga komplikasyon at pagsubok sa buhay ng mga karakter, na nagpapaalam sa kanilang mga personalidad at pakikibaka.
5. Mensahe: Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagtitiis, determinasyon, at pananampalataya sa kabila ng mga suliranin at pagsubok sa buhay.
Sa pag-aanalisa ng mga aspetong ito, maipahayag ang kahalagahan at kabuluhan ng nobelang ito sa panitikang Pilipino at sa pag-unawa sa lipunang Pilipino.
IV. Konklusyon
Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay isang makabuluhang akda na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng mahusay na pagbuo ng mga karakter, detalyadong deskripsyon ng mga tagpo, at pagtatalakay sa mga mahahalagang tema tulad ng kahirapan, pag-ibig, at korapsyon, nagiging kapana-panabik at makahulugan ang paglalakbay ng mga mambabasa sa mundong ipinapakita ng nobela.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga isyu at realidad ng lipunan, hinahamon ng nobela ang mambabasa na mag-isip at magtanong hinggil sa kalagayan ng mga maralita at mahihirap sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pagsubok at pag-asa ng mga tauhan, ipinapakita nito ang kahalagahan ng determinasyon, pagtitiis, at pagtitiwala sa kabila ng mga hamon ng buhay.
mySa pangwakas, ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay hindi lamang isang simpleng nobela kundi isang makabuluhang akda na nagbibigay-buhay sa mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang pangunahing halimbawa ng panitikang Pilipino na patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating mga kaisipan at damdamin.
3 notes
·
View notes
Text
"Sana mahanap mo ang hinahanap mo" yan ang lagi nilang turan.
Tama nga siguro, Sa larangan ng mga pangarap at pag ibig. Nawa'y matuklasan ng iyong puso kung ano ang hinahanap nito, dahil tulad ng nawawalang paslit sa isang iglap maraming pwedeng mawala kung hindi mo matutuklasan ang mga bagay. Dahil minsan ang pagnanais ng iyong puso, ang isang kayamanan upang masdan, Isang pangarap na naghihintay na mahayag.
Hayaan ang pagsisiyasat ng sarili na humantong sa iyong layunin. Sa iyong bawat hakbang, isang paglalakbay upang galugarin ang mundo, At sa bawat sandali, isang pagkakataon lang ang maaaring makuha. Kaya tulad ng ibon nawa'y makahanap ka ng aliw sa matinding katahimikan sa isang tanglaw ng liwanagna gagabay saiyo sa gabi. " Sana'y makahanap ka ng lakas na pang gagalingan upang gamutin ang mga sugat na naukit nang malalim"
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6fd15828fca6ab72fe05a34cc3436ee7/2ef7d4215f302437-7b/s540x810/3e6aed268b1dbf9a19ac0d29e798ada4ceecf616.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/58e47e2f868edb388d6b20e039c78225/2ef7d4215f302437-18/s540x810/38f3bba558c6ed9bcf22d17e95ff3444ec4845e5.jpg)
4 notes
·
View notes
Text
Kung wala ka nang gustong sabihin Huwag ka nang tumigin ng ganyan
-Barbie Almalbis, Parade, 2006
Oh 'wag kang tumingin Ng ganyan sa 'kin
-Sugarfree, Sa wakas, 2003
Ayaw kong makita mo ang pagsulyap At pagnanais sa 'yong mga mata
-KC Concepcion, KC, 2010
3 notes
·
View notes
Text
Itong pagnanais na makauwi upang muling magpatuloy bukas. Pero sa mga pagkakataong ang nais na lamang natin ay maupo, dasal ko'y biyayaan pa tayo ng lakas at kalinawan na hindi man bilog ang mundo para sa nakararami, may tagumpay sa bawat paghinto, may mararating ang paunti-unti, at may hangganan ang lahat ng ito.
Hindi natin kailangang parating magtanong kung ano ang katumbas ng bawat pag-inog, minsan, ang kailangan lamang natin ay maniwala sa kakayahan nating magpatuloy.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/d3aeb3a478920ebb46752ab09e5a1833/d46ac1c7908a5721-19/s540x810/fed5ad68866baa32871f8436bc24c592b5d592b0.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9b9f6a7dd4371b6d77985834ab4d9fc6/d46ac1c7908a5721-7c/s540x810/de5252f6e869db5741fc9ebe0f60d73b82204b6d.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/74ab39eeb2c4652f96915bb03a206101/d46ac1c7908a5721-ed/s540x810/c13b634ae20a1cbed949f532a1393abdcf27ec41.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/86f7b4e6c5bc3b169eda5ef9b05d3a16/d46ac1c7908a5721-f5/s540x810/df4b968c4688ab48d9b44aef1f24ac8d53db8bb3.jpg)
5 notes
·
View notes
Text
Pamumulaklak ng Is(k)ang Mirasol
Ni Cian Dimagiba | Nobyembre 9, 2024
“I want people to think of me din as someone reliable, as someone you can depend on. Kung wala akong makikilalang gano’ng person for me, edi ako na lang ‘yung magiging gano’n for others,” ani Patrizia Leguiab.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/0b71f900d9698b64d7b273c2724e0a72/4140aa7f17e74b78-07/s540x810/fa8b56f4e848ec6d492460d2140a4930981315f0.jpg)
Isang iska na tila araw ang sigla si Ma. Patrizia “Trisha” Josefynne P. Leguiab. Mag-aaral siya mula sa UP Integrated School na kilala bilang estudyanteng maraming ekstrakurikular, pinakakilala bilang mahusay na libero ng UPIS Girls’ Volleyball Team. Bokalista rin siya ng FoodBanda na naging kampeon ng Battle of the Bands 2024. Ngunit, sino nga ba siya lampas sa kaniyang panlabas na pagkatao?
Nang tanungin siya ukol sa kaniyang pangunahing inspirasyon, walang pag-aalinlangan niyang sinagot ang kaniyang pamilya. Una niyang nalaman ang larong volleyball mula sa mga kwento ng kaniyang ina, na miyembro noon ng volleyball team ng kaniyang hayskul. Nang personal niyang makita ang paglalaro ng kaniyang ina, kaagad din siyang napaibig sa sport na ito. Hinikayat siyang maglaro ng kaniyang magulang sa pamamagitan ng pagsali sa mga club, hanggang makasali siya sa UPIS Girls Volleyball Team, kung saan siya nag-debut noong UAAP Season 85.
Sa pamamagitan ng jamming sessions kasama ang kaniyang ama, nagkaroon din siya ng amor sa pagkanta. Dumaan si Trisha sa vocal lessons at singing recitals sa College of Music sa UP Diliman, at naging miyembro ng UP Cherubim and Seraphim noong elementarya. Nang maghayskul naman, binanggit niya ang pagnanais na maging kabilang sa bandang may magandang ugnayan sa isa’t isa, kaya sumali siya sa FoodBanda mula sa imbitasyon ng isang matalik na kaibigan.
Kasabay ng pagpapakita niya ng husay sa mga ekstrakurikular, sinisigurado rin ni Trisha na kilala siya sa kaniyang pagsisikap sa pag-aaral. Isang paraan upang masuklian ang pagmamahal, sakripisyo, at suporta na ibinuhos ng kaniyang magulang para sa kaniya, sinusubukan niyang maging isang taong maipagmamalaki nila. Nakikita niya ang kaniyang sarili bilang uri ng estudyante na, "Bawal na hindi mo kaya, kayanin mo 'yan.” Ito ang kasabihan na ginagamit niya bilang inspirasyon upang magpatuloy sa bawat gawain. Sa iba’t ibang paraan: halimbawa sa paggawa ng iskedyul, pagsisikap sa bawat gawain, pati na rin sa pagsasanay nang mabuti sa mga ekstrakurikular; nais niyang tuparin ang mga inaasahan sa kaniya, na nagresulta naman sa mabuting kalabasan.
Kilala si Trisha bilang matalik na kaibigan, mabait at palabiro, at maaasahang tao, maging sa akademikong aspeto man ito o sa pananaw ng isang kaibigan, at mataas ang paniniwala sa kaniya ng mga magulang niya, pati na rin ng kaniyang kapatid.
Patuloy na lumalaki at namumulaklak si Trisha sa tulong ng pagtataguyod ng kaniyang mga magulang, katulad ng pag-alaga nang maayos sa isang bulaklak sa pamamagitan ng pagdidilig at pagpapaharap nito sa araw. Kagaya ng pamumulaklak ng isang mirasol, natuto si Trisha mula sa kanila kung paano tumayo sa sarili niyang mga paa at tumingin sa araw, kung nasaan ang mga pangarap na sinusubukan niyang abutin. Ang determinado at masiglang personalidad ni Trisha, kagaya ng parating pagtingin ng mirasol sa araw, ang dahilan sa hilig ng mga tao sa kaniya. Tila mas matangkad siya sa iba dahil mayroon siyang tiwala at pasensya sa kaniyang sarili, na pinaniniwalaan niyang susi sa pagpapatuloy bawat araw. Naniniwala rin siyang mapapabuti ang lahat sa pamamagitan ng pagpapasiya sa sarili at pagsisikap.
Bilang mag-aaral ng Grado 12, huling taon na niya bilang estudyante sa UP Integrated School ang Akademikong Taon 2024 hanggang 2025. Ramdam ang tamis at pait ng mga emosyon ni Trisha nang mabanggit ito. Dahil isa siya sa mga nakakatanda sa eskwelahan, nais niyang magbigay-tulong sa kaniyang mga nakababatang kamag-aral sa pamamagitan ng pagiging ‘ate figure’ sa kanila, dahil banggit niya na hindi niya naranasan ang magkaroon ng ‘ate figure’ noon. Ang pagiging mahusay sa akademiko, mahusay na bokalista, at manlalaro sa volleyball ang nais niyang makuhang inspirasyon ng kaniyang mga kamag-aral mula sa kaniya.
Kabilang sa mga nais niyang iwanan ng payo at magagandang alaala ang mga nakababatang miyembro ng Girls’ Volleyball Team. Kahit na mas nakilala at nakasama niya ang ilan kumpara sa iba, binibigyan niya ng halaga at pagmamahal ang lahat, kabilang ang mga bagong sali pa lamang. Sinisigurado niya na nasa maayos na kondisyon o kalagayan ang lahat bago, habang, at pagkatapos ng pag-eensayo. Nanghihikayat siya ng mga miyembro, at sinasabing marami pa silang room for improvement, kaya nais niyang sulitin nila ang kanilang natitirang taon ng paglalaro. Nagsisilbi rin siyang kaibigan sa loob at labas ng court, at dahil dito, maraming humahanga at gumagalang sa kaniya bilang ate.
Sa panahon na mababa ang determinasyon ng koponan, ani Trisha, “There are hardships that you can control, and there are those that you can't.” Para sa kaniya, ang pagkawala ng kumpiyansiya ng team sa kanilang sarili ang isa sa maaari nilang kontrolin. Dahil dito, sinisigurado niyang i-ground ang kanyiang sarili sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kaniyang kasamahan. Sa pagbigay halaga mula sa maliliit hanggang sa malalaking tagumpay, pansin niya na unti-unting tumataas ang kanilang kumpiyansa na humahawa na rin sa kaniya.
Ang bawat karanasan na pinahahalagahan niya, maging sa kasiyahan o paghihirap man, ang dahilan ng makulay at masigla niyang pagkatao ngayon. “There's nothing wrong with trying new activities and pagkakaroon ng maraming extracurriculars, but it's also important to remember na iisang tao ka lang and kahit gaano ka ka-enthusiastic sa mga bagay, mapapagod at mapapagod ka, and that is totally normal and okay,” payo ni Trisha.
Hindi na kami makapaghintay na makita kang patuloy na abutin ang iyong buong potensyal, Ate Trisha! Masundan sana namin ang iyong yapak patungo sa pagtatapos bilang isang mahusay na estudyante, at mamulaklak nang kasingganda ng iyong paglago.
2 notes
·
View notes
Text
Malikhaing Pinoy 1: 'Pag Akda, ang Galing ng Pinoy Gumawa
youtube
Paano nga ba lubos na maipamamalas ang likas na pagkamalikhain ng isang Pilipino kung hindi sa pamamagitan ng isang malikhaing pamamaraan? Sa pagnanais na bigyang-diin ang malaking impluwensya ng ating mga alamat, epiko, kwentong bayan, at iba pang katutubong akda sa ating sikolohiya, nais kong ibahagi sa inyo ang isang tula na naglalaman ng aking mga saloobin.
Sa bawat tinta, buhay ang kultura, Sa bawat kwento, pagkatao'y yumayabong. Sikolohiya'y humahabi, Akda nama'y bumubuo. Sa bawat epiko, bayani'y nabubuhay, Nagbibigay inspirasyon sa bawat henerasyon. Sa bawat alamat, diwa'y nananahan, Nagpapaalala sa ating pinagmulan. Sa bawat kuwento, tayo'y nagkakaisa. Bayaniha'y tila nga nanatili na. Bata o matanda, Ating kuwento'y ating kayamanan. Puso ng bayan, tumatatag, Buhat ng sining na latag. Kaugalian noon at ngayon Sumasalamin sa lenteng naisulat at hinabi na ng panahon Oh, kay gandang tangkilikin, Pagkakakilanlan natin.
0 notes
Text
.
Pagod nang mapagod
Tila ay dapat na matagal ng wala dito sa mundo
Matagal ng ayaw ipagpatuloy
Ngunit hindi magawa ang nais
Ni katiting ay wala ng pagnanais pang manatili sa mundong ito
Panghabangbuhay na pagtulog at pahinga lamang ang nais
May pipigil pa ba
Wala naman diba
Hanggang kailan pa ba mapapagod kung wala din namang patutunguhan ang buhay
Napakaingay ng aking diwa lalo na sa gabi hanggang sa pagtulog
Paulit ulit lang na sasalang muli sa buhay kinabukasan
Ang pagod ay hindi natatapos kahit na nagpapahinga
Sana ay manaig naman ang nasa isipan at hindi ang nasa puso
Itutuloy na nga ba upang ang lahat ay umabot na sa katapusan
Gusto lang magpasalamat sa inyo na naging parte ng aking buhay
0 notes