Tumgik
#pagdating ng panahaon
angelo-espinosa · 4 years
Text
Sapat pa ba ang kaalaman nating mga Pinoy pagdating sa ating wika?
Ulat Ni: Saul Angelo Espinosa 
Ang asignaturang Filipino ay hindi na bago sa atin. Mula kinder ay itinuturo na sa atin kung paano magbasa, magsulat, at magbigkas ng mga salita. Habang lumilipas ang panahon, palalim ng palalim ang talakayan sa asignaturang ito. Halimabawa ng mga paksang tinatalakay sa asignaturang Filipino ay parirala, pang-abay, pang-uri, at marami pang iba. Kasabay din sa paglipas ng panahaon ay unti-unting nalilimutan natin kung paano gamitin ang wikang Filipino dahil sa patuloy na pagbabago ng wika. Ang aking tinutukoy sa pagbabago ng wika ay ang pagusbong ng social media.
Ako ay sumasang-ayon na hindi pa sapat ang kaalaman nating mga Pilipino pagdating sa asignaturang Filipino. Ayon sa dokyumentaryong pinanood, sinabi ng guro na hindi pa masyado hasa ang kabataan pagdating sa asignaturang Filipino. Dapat binibigyan parin natin ng atensyon ang sarili nating wika dahil ito ay sumasalamin sa ating kultura at ang wikang Filipino ay may kapangyarihang ikwento ang ating kasaysayan at yaman ng ating lahi. At panghuli, isa sa mga kadahilanan kung bakit nawawala ang disiplina sa pormal na pagsusulat ay ang social media. Kadalasan nakakalimot na rin tayo sa kung paano gamiting ang tamang pormal na pagsulat sa wikang tagalog. Dahil sa paglitaw ng mga salitang di-pormal na nakasanayan na natin tulad ng internet slangs at jejemon, ay mas nagagamit pa nating ito kesa sa pormal na mga salita.
Nakakalungkot din isipin na karamihan sa ating mga kabataan ay nakakalimot na sa sariling wika. Ang wikang Filpino ay nagsisilbing salamin ng ating identidad. Dito pinapakita kung saan tayo nagmula. Ika nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda.”
3 notes · View notes
explorange · 8 years
Text
X Ang Marka: Paglalayag sa Kasaysayan ng Sining
Sa pinakauna kong hakbang sa kalsada ng Cubao X noong 2014, intimidasyon ang nanaig na damdamin sa akin.
Kagagaling lamang namin ng barkada ko sa Art In Island, ang sumkabubukas lamang na interaktibong 3D na museo sa bakuran ng Cubao Expo, nang mag-aya ang isa kong kaibigan na sumandali lamang sa kabila. Kagagaling ko lamang sa isang lugar kung saan hinihikayat ang pag-galaw, pag-hawak, at pakikipag-ugnayan sa sining, ngunit sa pagtawid ko sa kabilang bakod, parang bigla akong sinaniban ng kaba.
Tumblr media
Marahil may kinalaman ito sa itsura niyang makaluma—lalong-lalo na ang restawran na Bellini’s, kung saan nagmukha nang kupas na Art In Island ang mga larawan ng Italyang nakapinta sa mga pader nito. Marahil nagulat lamang ako sa hile-hilerang mga tindahan na naka-ayos sa hugis-U, marahil dahil sa mga astig na plaka at lumang bisikleta na nakabalandra sa bintana nito, at marahil dahil sarado pa ang karamihan sa kanila. Marahil ring kinabahan lamang ako sa napalaking “STOP” na naka-pinta sa gitna ng kalsada, na parang ipinagbabawal akong ipagpatuloy ang paglakbay ko sa mga tindahan sa kabilang kalye.
Tumblr media
Kinunan ko na lamang ng litrato ang babala (dahil maganda, kung tutuusin, ang pagpinta nito), at saka kami umalis. Hindi ko na naitanong, ngunit sa palagay ko, kinabahan rin ang mga kaibigan ko.
Ngayon, iba na ang aking kutob kung bakit naligalig ako sa Cubao Expo tatlong taon na ang nakaraan: nagkaroon ako ng pakiramdam na hindi ako karapat-dapat na makilahok sa mga kababalaghan ng lugar na iyon. Ngayon, tatlong taon na ang nakaraan, nanghihinayang ako na pinakinggan ko ang malaking “STOP” sa kalsada at umalis na lamang ako nang hindi man lamang nilapitan ang tindahan sa tapat na may plaka at bisikleta.
Tumblr media
Sa pagkukuwento ng nanay ko, hindi naman raw katakot-takot ang Cubao Expo ng kabataan niya. Marikina Shoe Expo (MSE) ang tawag sa lugar na iyon noong 1970’s, kung kalian ito itinatag, dahil doon ibinebenta ang pinamakagandang at nauusong sapatos-Marikina. Doon raw binibili ang mga sapatos para sa espesyal na okasyon, tulad ng kasal, “promenade”, o pagtatapos, at pati na rin para sa eskuwelahan. Isa raw itong “mainstream” na lugar, hindi sa anumang paraang nakatago o nakakubli, at lalong hindi nakakakaba. Naging kilala ang MSE para sa kalidad ng sapatos na mabibili dito, ngunit dahil sa pabago-bagong hilig ng masa at sa biglang pagdami ng banyagang tatak ng sapatos na inaangkat mula sa ibang bansa, onti-onti nang nabulok ang expo sa loob ng dalawang dekada. Pagdating ng mga huling taon ng 1990’s, halos patay na ang lugar na dating buhay na buhay.
Tumblr media
Nang sumapit ang taong 2000, nagkaroon ng bagong buhay ang Marikina Shoe Expo sa ilalaim ng bagong tagapamahalang si Bujim Aquino. Inangkop nito ang kanyang sarili sa nagbabagong panahaon at umunlad muli. Pinalitan ang pangalan nito sa Cubao Expo at nagbukas ang mga bagong tindahan at kainan. Sa kalaunan, naging tuluyan na ito ng mga manlilikha, makata, musikero—mga hipster at taong artsy kung tatawagin. Cubao X na ang naging tawag sa lugar, isang komunidad na bukas para sa paglikha at pagpapahalaga sa mga luma at bagong anyo ng sining.
Nagkaroon ako ng malay na ganito na pala ang komunidad sa Cubao X sa isa kong kaklase. Simple lamang ang tanong ko sa kanya: “Saan makahahanap ng pop culture na malapit sa Katipunan?” “Cubao Expo,” sagot niya kaagad. “Bagay ka ‘don.”
Tumblr media
Sa pagmumuni-muni ko, kabilang nga naman ako sa grupo ng mga taong karaniwang tumatangkilik sa Cubao X, dahil itinuturing ko ang aking sarili bilang isang taong mahilig sa sining. Napagtanto ko ito nang makabalik na ako sa Cubao X, tatlong taon nang nakalipas nang una ko itong matagpuan. Nagkataon nanaman na napadpad ako sa Gateway Mall isang Sabado na kasama ang parehong kaibigan na unang nag-aya na sumakabilang-bakod kami pagkatapos ng Art In Island tatlong taon na ang nakalipas.
“Lakarin na natin,” sabi niya. “Tinatamad ako,” sabi ko.
Pero sayang naman, dalawang bloke lang naman ang lakad. Sa huli, nanalo rin ang kuryosidad ko tungkol sa misteryosong Cubao X, kaya’t naglakad kami sa init ng araw nang dalawang bloke, at hindi kami nagsisi sa desisyon namin.
Tumblr media
Intimidasyon pa rin, sa totoo lamang, ang pakiramdam ko noon, ngunit may halo nang determinasyon at tuwa. Inisa-isa namin ang tindahan, simula sa ukay-ukay sa bungad, at namangha ako sa dami ng mga antigo at vintage na gamit na patong-patong sa istante o nakatabi sa mga box sa bangketa: mga plakang may mga pangalang hindi na namin makilala, mga maalikabok na cassette tape, suson-susong librong naninilaw na ang mga pahina. Iba-iba rin ang mga specialty ng mga tindahang ito: mayroong isang puro antigong telepono, ponograpo, kamera at radyo ang mga binebenta. Mayroon ring isang tindahan na puro aklat, tindahan ng nauusong damit, tindahan na puro plaka. Mayroon pa ngang natirang mga tindahan ng sapatos-Marikina. Salit-salit kaming nagbubukas ng pinto dahil pareho kaming nahihiya sa kung sino man ang naghihintay sa loob (hindi dahil mukha silang mataray, kung hindi dahil wala naman talaga kaming balak bumili o perang pambili sa kanila).
Tumblr media
Sa aking paghanga (at dahil Instagram-worthy talaga ang kagandahan ng lugar), inilabas ko agad ang cellphone ko para kunan ng litrato ang display ng isang tindahan, ngunit nilapitan ako agad ng nagbabantay sa tindahan at sinabihan ako, “Bawal ang picture.” Dahil nahiya naman ako kasi baguhan pa lamang ako sa lugar, itinago ko kaagad ang cellphone ko at hindi ko na ulit inilabas hanggang nakalipat na kami ng tindahan.
“Bawal ang picture.” Siguro mga tatlong beses pa ako sinabihan nito noong araw na iyon, sa tatlo pang magkaiba na tindahan. Sa isang banda, naintindihan ko ang dahilan nito, lalong-lalo nang sinubukan kong kunan ng litrato ang mga sapatos sa Janylin, ngunit hindi ko matiyak kung bakit pa ito ipagbabawal sa mga tindhan ng antigo, lalo nang hindi naman ako gumagamit ng flash. Bumalik nanaman ang pakiramdam ko ng intimidasyon sa lugar na itong hindi na nga pwedeng hawakan, hindi pa pwedeng kunan ng litrato.
Tumblr media
Hindi hanggang sa pumasok kami sa UVLA, ang tindahan sa pinakasulok ng Cubao X, na tuluyang nawala na ang kaba ko na hindi ako karapat-dapat sa lugar na yon. Mabait ang ngiti ng mag-asawang nagbabantay—na malalaman ko maya’t-maya na ang may ari rin pala ng tindahan—at higit sa lahat, pwedeng kunan ng litrato ang napakakulay na display nila ng mga lumang laruan, pulseras, postcard, sticker, selyo, at komiks. Mga labi ng mga nakalipas nang pop culture na, sa paanumang paraan, pop culture pa rin ngayon dahil sa antigong kalidad nito. Sa gitna ng lahat ng ito, mayroon ring mga zine, brotse, sticker, at patch na dinesenyo ng mga kontemporanyong indie artists at collective. Magkatabi ang bago at luma, at wala masyadong pinagkaiba, kung tutuusin.
Tumblr media
Mga isang oras kami doon, pagandahan ng mahanap, naghahalungkat ng kung ano-ano, pabasa-basa sa mga komiks at art zine na pwedeng buksan, naghahanap ng maaaring iuwi na hindi magdudulot ng tagtuyot sa pitaka naming pareho. Luma na talaga ang karamihan sa gamit na binebenta, ngunit nagbibigay silang lahat ng impresyon na may angking kwento ang bawat isa sa kanila. Luma na, pero kay gandang tignan.
(Habang ginagawa namin ang lahat ng ito, nagkuwekuwentuhan ang mag-asawa. Ang cute.)
Hindi pa siguro umabot sa limang daang piso ang nagastos naming dalawa sa sari-saring postcard, sticker, at brotse, pero ngiti pa rin ang humarap sa amin nang magbabayad na kami. Binabalaan pa nga ng manong ang kaibigan ko na huwag nang subukan ibalat pa ang lumang sticker na binili niya dahil baka mapunit pa ito. Luma na raw kasi, sa kanya raw iyon dati.
Siyempre, hindi rin namin pinalampas ang libreng bookmark sa pagtuloy namin.
Tumblr media
Dahil kailangan na naming pareho umuwi, dinaanan na lamang naming nang mabilisan ang mga tindahan sa kabilang kanto. Sarado pa rin ang karamihan sa kanila. Ang mga bukas: isang karihang kulay-rosas ang loob at labas, isang tindahang naguumapaw sa plaka. Ang bagong barberya ni Jericho Rosales (na abot sa labas ang pila). Mga tatlong inuman at kainan, at ang walang-kamatayang Bellini’s, na masyadong mahal para budget namin. Ngunit mayroong isa pang tindahan na bukas na nag-alinlangan kaming pasukan, dahil mayroong isang mesa sa gitna nito kung saan naglalaro ng isang board game ang tatlong…magkakaibigan? May-ari ng tindahan? Mga taong nasa gitna ng isang workshop na iniistorbo naming sa pagdungaw namin?
Tumblr media
Pumasok rin kami, sa huli, dahil inalok kami ng mga tao sa loob. Kendo ang pangalan ng tindahan, at stickers, patches, at postcards ng mga kilalang tauhan sa musika, sine, at telebisyon, at mga yaring-kamay na kuwaderno at pencil case ang mga binebenta doon. Isa rin itong café, at nagtitinda rin sila ng salted egg potato chips, isa sa mga nauusong merienda ngayon. Kung puro luma ang laman ng ibang tindahan sa Cubao X, puro bago naman dito. Mga mukha nina Drake, Kobe Bryant, at Eleven ng “Stranger Things” ang nakapaskil sa pader nito.
Tumblr media
Katulad ng sa UVLA, tuloy lang ang paguusap ng magkakaibigan habang naglalaro, tumitigil lamang kapag may itatanong kami sa kanila. May isang sandali kung saan naipit pa ang kaibigan ko sa kanyang sinasabi na “How much do I—” na hindi niya maituloy sa kung anumang rason, at dinugtungan naman ito ng lalaki sa kanan ng pa-birong “—wanna graduate college?” Nagtawanan kaming lahat, kahit na hindi kami magkakilala.
Tumblr media
Pagkatapos ng araw na iyon, nawala na ang takot at kaba na nararamdaman ko kapag bumabalik ako sa Cubao Expo, ngunit higit na naging malinaw sa akin kung bakit ko ba ito naramdaman sa simula pa lamang: sa Cubao Expo nagtatagpo ang kahapon at ngayon. Isa itong katibayan na hindi kailanman nawawala sa uso ang sining—sa anyo man ng guhit, pinta, libro, plaka, o pagkain—maging bago o luma. Nagdudulot ito ng intimidasyon dahil sa mayamang kasaysayan ng lugar, dahil sa pinagyamang kultura na matatagpuan dito. Dahil hindi mo maaaring sirain ang diwa ng Cubao X, kahit ilang beses pa ito mamatay at mabuhay na mag-uli.
Tatlong taon ang nakalilipas, at ito ang napagtanto ko: kinabahan ako sa una kong pag-apak sa Cubao Expo, hindi dahil wala akong lugar doon, kung hindi dahil hindi ko pa alam kung ano ang lugar ko doon. Isa akong pintor, isa akong tambulero, isa akong hipster, ngunit higit sa lahat, isa akong tagahanga ng sining. Sa Cubao X, makikita mo lamang ang iyong lugar kung sisikapin mong maghanap. Hindi mo nga pwedeng hawakan, hindi mo pwedeng kunan ng litrato, ngunit lalong higit, pwede (at dapat) mong maranasan ang kasaysayan ng pop culture sa kasalukuyan.
Tumblr media
#x
0 notes
iglesiasnijen · 11 years
Video
youtube
Me singing pagdating ng panahon :) <3 
with Aiza siguerra's voice.. hehe para may sabayan.. 
Nakakatawa talaga akong kumanta. Trying hard din kasi ehehe. 
0 notes
litanyangbored-blog · 13 years
Video
youtube
The phenomenal diva, "Baka shibok ng puso ko'y maging shibok ng puso ko"!! Wahahahaha, ang galing, gustong gusto ko yung kay Sharon and Janno!! Nakakatawa yung kay Sheryl, duling ahehehe...Nakakawala ng bugnot!!
2 notes · View notes