#or como estas -> kumusta/kamusta
Explore tagged Tumblr posts
Text
forda funni.png
ft. @technologyvoid and @seraph-draws-stuff
#[ 🗣 | the magical girl speaks ]#the wormhole discord server#discordposting#forda funni 👏#shortening 'for the' to forda is such a filipino thing tbh#it's like 'up here' -> apir when we do high-fives#or como estas -> kumusta/kamusta#yeah. for the funny. forda funni. porda pani. HAHAHAHSDJDHSH#Isa go to sleep challenge
9 notes
·
View notes
Note
'Di ba it's kumusta and not kamusta bcos it's derived from the word como esta?
Precisely. Kaya nga I got confused kasi closer yung kumusta sa como estas kesa yung kamusta. Haha 😅
4 notes
·
View notes
Text
Fact Seven
Have you been wondering if there’s a direct translation to “Hi” or “Hello” in tagalog? Well, no. There isn’t. but kamusta, actually spelled kumusta, is one way of saying hello. Kamusta is derived from the Spanish como esta (tu) which means “How are you?” and that’s also the meaning of the word kamusta. Mabuhay is also another way of greeting people. But it’s used in greeting people in formal places like airlines, hotels etc. Kamusta is also formal but informally it’s musta (slang).
Source: http://www.filipiknow.net/
1 note
·
View note
Text
Mas Masaya Dito sa Pinas!
Sabi ng ating pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal; Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda. Gasgas na ang kasabihang ‘yan. Palagi ko itong naririnig sa paaralan lalo na noong ako’y nasa elementarya pa lamang. Sa mga contests, pageants at lalung-lalo na sa Buwan ng Wika, paboritong linya ng maraming estudyante ang kasabihang ito. Magsasalita si teacher, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika...” tutugon ang mga bata, “…ay daig pa ang malansang isda.” At masaya ang lahat pagkatapos.
Mas Masaya Dito sa Pinas!
Naaalala ko na noong bakasyon, pumunta ako sa isang State University na malapit sa amin. Pumunta ako doon para kumuha ng entrance exam sa pagnanais makapasok sa nasabing paaralan. Habang ako at ang aking kaibigan ay naglalakad sa pasilyo ng isang gusali, napansin naming na may karatulang nakalagay sa kisame, “English Speaking Area”. Napaisip ako noon, bakit pinagbabawalan ang mga mag-aaral na salitain ang sarili nilang wika sa paaralan sa loob ng kanilang bansa?
Hindi lang iyon ang unang beses na napaisip ako ng ganoon. Ang class adviser ko noong Grade 11 ay ang isa sa mga pinakapaborito kong guro. Literature ang subject niya noon. Batid ko naman kung bakit kailangan magsalita kami ng Ingles sa tuwing oras ng klase niya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan buong araw, kapag siya ay nasa loob ng silid, magsasalita kami ng purong Ingles. Katwiran niya ay para ihanda kami sa paglabas naming ng paaralan ay hindi kami mag-mukhang tanga na walang alam o mahina gumamit ng wikang banyaga. Magagamit daw naming ito sa pagkuha ng trabaho, sa loob mismo ng trabaho, sa pakikipag-usap sa banyaga at iba pa. Naintindihan ko naman ang mga dahilan na ibinigay niya. Pero bakit ba kailangan nating mag-Ingles sa pagkuha ng trabaho kung sa sariling bansa tayo magtatrabaho? Trabaho naman sa sariling bansa ang pinagtatrabahuhan natin, bakit natin kailangan mag-Ingles? At bakit kailangang tayo ang mag-iingles kapag kakausap ng banyaga?
Hindi ko na kaya. Di ako sanay magsalita o magsulat nang tuwid na Filipino. Ipokrito ako kung patuloy kong sasabihing iwan natin ang Ingles at Filipino lang ang gamitin.
Bakit ba maganda pakinggan para sa marami ang pagsasalita ng wikang Ingles? Kung sa tingin lang ng isang ordinaryong Pilipino, ang pagsasalita niya ng Ingles ay nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan. Nararamdaman niya sa kaniyang sarili na mas nakakataas siya sa ibang taong mahina o hindi marunong gumamit ng nasabing wika kapag siya ay nakakasalita ng Ingles. Ngunit ang totoo ay hindi tayo nagiging makapangyarihan sa sa paggamit ng wikang Ingles. O hindi tayo ang nagiging makapangyarihan kundi ang mga unang nagturo nito sa atin. Ang mga Amerikanong nagpahiram sa atin ng wikang ito.
Nanghiram ako sa kaklase ko ng cellphone noon para makilog-in sa peys… Facebook. Nagtaka ako kung bakit nasa lengguwaheng Filipino ang mga words sa application niya. Dahil sa nakasanayan ko ang paggamit ng Facebook sa wikang Ingles, nakornihan ako nang makita ko iyon. At dahil nga nasanay akong nasa English ang mga application na ito, naramdaman ko iyong tinatawag na cringe sa sarili kong wika. Ngayon lang ako nahiya na naramdaman ko ‘yon.
Ipinakita sa atin ng mga Kano kung paano gamitin ang wika hindi para bigyan tayo ng kapangyarihan kundi para tanggalan tayo nito. Mas madali nilang maipapaintindi ang kanilang sariling kultura sa atin kung tayo mismo ang iintindi nito. Hindi sa pamamagitan ng dahas kundi sa pamamagitan ng talino. Binulag nila tayo sa kapangyarihang hindi kailanman mapapasa-atin sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinahiram nila sa atin. Hindi natin sila nakitang kaaway kundi isang tagapagligtas. Hindi tayo idinaan sa marahas na paraan bagkus ay ipinarinig sa atin ang matatamis na salita at wika upang makuha ang ating loob.
F*ck. Bakit pati sa pagmumura, kahit hindi naman talaga magandang makarinig ng mura, kapag English ang pagmumura mo, ang astig o “cool” pakinggan. Bakit kapag may nakakaapak ng tae ng aso sa kalye, napapasigaw nalang ng “Shet!” o “Pakshet!”. Hindi ko rin gets kung bakit isinasatagalog natin ang ibang salitang Ingles. Ang dapat na “sh*t” nagiging “shet” at ang dapat na “f*ck” nagiging “pak”.
Nakatataas ba ng tingin kung maalam ka sa wikang Ingles pero mahina sa sariling wika? “Kamusta?” sabi ng isang kaibigan sa chat. Kung itatama ko siya at sasabihing iyon ay Kumusta at hindi Kamusta eh magtutunog ipokrito na naman ako. At ang salitang kumusta ay nakuha lang din naman natin sa wikang Espanyol na ‘como estas’ na sa English ay ‘how are you?’.
Bakit ba marami ang pilit na nagpapaka “cool” sa pagsasalita ng Ingles kahit na marami ang hindi ito alam gamitin ng wasto? Bakit pilit tayong nagpapakamatalino sa pamamagitan ng wikang banyaga habang nagiging tanga sa sariling wika?
Walang masama kung matututo tayo ng wikang Ingles dahil makakatulong nga naman ito sa atin lalo na kung tayo ay mag-iibang bansa para mamasyal o magtrabaho. Nagiging masama kung mas inuuna at mas binibigyang pansin natin ito kaysa sa sarili nating wika. Tama na ang Ingles ay ang ating susi sa mundo sabi nga ni Conrado de Quiros, ngunit hindi tama na susi ito sa sarili nating bansa. Kailangan natin ang Ingles. Ngunit hindi bilang first language. Ayon kay de Quiros, ang mahalaga ay ang katagang “pangalawa” or “second”.
Mahal natin ang ating wika, ngunit bakit nasa Ingles ang slogan nating “It’s More Fun in the Philippines!”?
0 notes