Tumgik
#onlineloveromance
darknessoccured · 4 years
Text
Blue Rain (Chapter 6)
Tumblr media
"WHAT? Of course we will. Tsaka anong masama ro'n? Asawa naman kita," pangiti-ngiti niya turan habang nagmamaneho. Agad tinakpan ni Akira ang mukha niya sa sobrang hiya. Kitang-kita ang pamumula niya kahit pa natatakpan na iyon ng kanyang dalawang kamay. "Kahit na. Babalik nalang ako sa bahay kung ayaw mo akong bigyan ng sarili kong kwarto!" Natatawa siyang tinignan ni Drei. Para itong teenager na umamin sa kaniyang crush kung umakto. Gayunpaman, masaya siyang naapektuhan ito sa pang-aasar niya. Inis na inis naman si Akira sa gusto ng asawa. There's no love between them yet he want them to share a room. Kung hindi lang ito mabilis magpatakbo ay bumaba na siya ng sasakyan. "Why? Natatakot ka bang baka magkaroon tayo ng late honeymoon?" Tumatawang tanong niya. Mabilis na hinampas ni Akira ang braso niya. Ang dalawang pisngi niya ay mas lalo pang namula. "Jerk!" "Come on, pagkatapos mo akong piliting pakasalan ka?" Pagda-drama ni Drei. Maluwang pa rin ang pagkaka-ngiti niya dahil sa mga reaksyon ipinapakita ni Akira. 'You're too innocent, Akira. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ka nalang iwan ni Denver. For him there's no challenge and fun in you. Hindi ka pasok sa qualifications niya sa babae.' Ibinaling nalang muli ni Drei ang tingin sa kalsada. Kasalukuyan siyang nagda-drive pauwi ng kanilang ancestral house. Doon sila titira tulad ng napagkasunduan nila ng kaniyang ama. "For your information, Mr. Yang, ikaw ang nakaisip nito kaya tigilan mo ako, pwede ba? Read the full article
0 notes