#ngayon at kailanman november 9 2018
Explore tagged Tumblr posts
Text
November 4, 2018 [CAMP WORSHIP SERVICE] - “Declaring the Glory of God” 1 Peter
Click KEEP READING to read the full sermon.
Introduction
Ako nama’y nagtatanong lamang. Ano ang kabuluhan ng rainbow? Ito ay naisalin sa ating wika na bahaghari. Sa Banal na Kasulatan ang bahaghari ay kapahayagan ng kadakilaan ng Diyos pagkatapos nang kanyang paghuhukom sa kasukdulan ng kasamaan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng baha sa buong daigdig. Nilikha ng Panginoon ang bahaghari na may maliwanag na mensahe. Winika ng Diyos kay Noeh na kailanman ay hindi na muling mababalot sa tubig ang buong daigdig. Sa mga sinaunang lahi, tuwing makita nila ang rainbow o bahaghari, sila ay pinaghaharian ng banal na pagkatakot dahil sa poot ng Diyos sa kasalanan ng sanlibutan at sila din naman ay pakumbabang pinupuri ang Panginoon dahil sa kadakilaan ng kanyang habag sa sangkatauhan. Ang rainbow o bahaghari ay kapahayagan ng kaluwalhatian ng Diyos.
Sa ating kapanahunan, ang bahaghari ay naging kalapastanganan laban sa kaluwalhatian ng Diyos. Sa maraming tao, ang kabuluhan ng rainbow ay LGBT pride. Ang bahaghari ay naging pangunahing simbolismo ng pandaigdigang samahan ng mga third sex o mga alanganging lalaki o babae dahil sila ay hindi kumikilala sa disenyo ng pagkalikha ng Diyos sa kasarian ng tao bilang isang likas na lalaki o babae. Ang diwa ng rainbow ay sinalaula ng mga masasama. Sa ngalan ng karapatang pantao, ang rainbow ay naging kulay ng kasamaan at kalaswaan.
Siyanga, kailanman ay hindi na muling magpapadala ang Diyos ng pandaigdigang baha dahil pinapangatawanan ng Diyos ang tunay na katuturan ng bahaghari. Subalit, ayon kay Apostol Pedro, sa pagbabalik ng Panginoong Jesus para hatulan ang matinding kasamaan ng sangkatauhan, ang buong daigdig maging ang sangnilikha ay matutupok ng apoy. Gagawin ito ng Diyos upang ganap niyang linisin ang sangnilikha sa anumang dungis at sumpa ng kasalanan.
Sa nakatadhanang paghuhukom ng Diyos, mabigat ang panawagan ni Apostol Pedro. Kung papaanong noong panahon ni Noe ay nabalot sa tubig ang buong daigdig at gayundin naman sa pagbabalik ni Jesus ay matutupok ang buong sangkatauhan ng apoy mula sa Langit, paano na lamang ba tayo dapat mabuhay? Marubdob siyang nanawagan sa buong sangkatauhan na dapat tayong pagharian ng banal na pagkatakot sa Diyos at mamuhay sa katotohanan, kabanalan, katuwiran at katarungan.
Kaya naman bilang bayan ng Diyos, ito ang takdang panahon na ating ipanumbalik, panindigan at pagyamanin ang ating banal na pagkakatawag bilang mga tunay na alagad ng Panginoon. We need to redeem our noble calling. Ang rainbow ay hindi kulay ng kalaswaan at kalapastanganan. Ang bahaghari ay kapahayagan ng kadakilaan at kaluwalhatian ng Poong Maykapal. Ito ang dapat nating panindigan at ipangaral upang matauhan ang sangkatauhan.
As a covenant people redeemed from darkness into the wonderful light, we are called to redeem our noble call and declare the glory of God. Entrusted in our bare hands are the inconceivable and incomparable wonders of God. Let the glorious light of God shine through us in this dark and sinful world.
Based from selected passages in the first epistle of Apostle Peter, let us examine the dominant themes why we need to declare the glory of God. We declare the glory of God because of our glorious heritage (1 Peter 2:9 and a parallel reference with Ephesians 1:3), our great salvation (1:3-5, 23-25), our steadfast joy (1:6-9), our godly transformation (1:13-17; 2:1-2) and our redemptive impact (2:21).
A. Our Glorious Heritage We glorify God because of our glorious spiritual heritage. 1 Peter 2:9; Ephesians 1:3
Una sa lahat, pinapupurihan natin ang ating Panginoong Diyos dahil sa kanyang maluwalhating pamana sa atin bilang kanyang bayan. Ito ay ipinahayag ni Apostol Pedro at pinagtibay ni Apostol Pablo.
1. Apostle Peter declared the glorious inheritance of the church.
“But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, a people belonging to God that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light” (2:9)
Ito ang ating maluwalhati at makalangit na katatayuan sa harapan ng Diyos. Tayo ang hinirang na bayan ng Diyos sa ilalim ng kanyang kapamahalaan at biyaya. Tayo ay lipi ng mg banal na saserdote at malaya tayong dumulog sa kanyang banal na presensiya at maglingkod sa kanyang kaharian. Tayo ang banal na bayan ng Diyos na kanyang tinubos sa dugo ni Jesus upang tayo ay mamuhay sa kabanalan. At tayo ang iglesia na pagmamay-ari ng Poong Maykapal at tayo ay kumikilala sa ating Ama sa Langit, kay Jesus na ating Tagapagligtas at Panginoon at pinanahanan ng Banal na Espiritu bilang tanda na tayo ang walang hanggang bayan ng Diyos.
2. Apostle Paul testified of our glorious heavenly heritage.
“Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, who had blessed us in the heavenly realms with every spiritual blessing in Christ” (Eph. 1:3)
Bilang bayan ng Diyos, ipanagkaloob sa atin ang lahat ng makalangit na pagpapala sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Bilang mga anak ng Diyos, kasama ni Jesus, tayo ay kapwa tagpagmana sa lahat ng pagpapala mula sa Langit. Kailanman ay hindi ipagkakait sa atin ang bawat mabubuting kaloob. Ngayon at magpakailanman, sumasaatin ang tunay na kaganapan ng buhay.
B. Our Great Salvation We glorify God because of our great salvation in Jesus Christ. 1 Peter 1:3-5, 23-25
Pangalawa, niluluwalhati natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang pagliligtas sa atin sa pamamagitan ni Cristo-Jesus.
1. We are saved through the gospel of Christ.
“Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ! In his great mercy he has given us new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ from the dead, and into an inheritance that can never perish, spoil or fade—kept in heaven for you.” (1:3-5)
Ang ating kaligtasan ay batay sa kamatayan at pagkabuhay ni Jesus. Si Jesus ay namatay para sa atin para sa ikapagpapatawad ng lahat ng ating kasalanan. At siya ay nabuhay na magmuli bilang katibayan na siya ang Diyos Anak at sa pamamagitan ng kanyang katuwiran ay mapawalang-sala tayo sa harapan ng Diyos. Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan. Ang ating kaligtasan ay pagkakaloob sa atin ng bagong kapanganakan sa pamamagitan ng pananahan ng Banal na Espiritu sa ating buhay. At sa ating kaligtasan tayo ay isinilang na muli sa bagong pag-asa upang huwag tayong manlupaypay sa kabila ng mga pasakit sa buhay at gayundin naman at ipinagkaloob sa atin ang makalangit na pamana na kailanman ay hindi masisira o mawawala. Ang ating walang hanggang tahanan ay sa Langit kasama ang ating Panginoon.
2. We are given new birth through the power of the Scriptures.
“For you have been born again, not of perishable seed, but of imperishable, through the living and enduring word of God (1:23)
Ang Biblia ay Salita ng Diyos. Ito ang buhay at walang hanggang Salita ng Diyos. Ito ang sukdulang katotohanan at kapangyarihan ng Diyos upang tayo ay makakilala sa kanya, maligtas mula sa ating pagkakasala at makapagpahinga ang ating kaluluwa. Sa kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus tayo at naligtas sa pamamagitan nang ating pagsisisi sa ating kasalanan at pagsampalataya kay Cristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Ito ay totoo dahil nasusulat sa Banal na Kasulatan. Sa katiyakan ng ating kaligtasan ay may kapanatagan ang ating puso.
C. Our Steadfast Joy We glorify God because of the reaffirming joy in our suffering. 1 Peter 1:6-9
Pangatlo, pinupuri natin ang Diyos dahil siya ang kagalakan maging sa ating pagdurusa dahil sa kanyang pangalan.
1. We experience the joy of God in our sufferings for Christ.
“In this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer grief in all kinds of trials.” (1:6)
Tayo ay iniligtas ng Diyos upang maranasan natin ang tunay na kagalakan sa buhay na hindi nasusukat sa pilak at ginto. Manapa, tayo ay nakikigalak na makabahagi sa kanyang pasakit sa kanyang pag-aalay ng buhay para sa atin doon sa krus sa Kalbaryo. Kung papaano niya inialay ang kanyang buhay para sa atin, gayundin naman ay ating iniaalay ang ating buhay para sa kanya at balikatin ang kanyang pagdurusa alinsunod sa ating pagpapasakop sa kanyang kalooban. At kung tayo man ay magdurusa sa ating paninindigan kung ano ang totoo, matuwid at makatarungan, ang kagalakan ng Diyos ang magpapatibay sa ating kalooban upang maihayag natin ang kaluwalhatian ng Diyos.
2. Our sufferings in Christ are meant to purify our souls.
“These have come so that your faith—of greater than worth than gold, which perishes even though refined by fire—may be proved genuine and may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed.” (1:7)
Dinadalisay ang ginto sa pamamagitan ng apoy. Dinadalisay din naman ang ating kaluluwa sa pamamagitan ng pagsubok. Huwag nating tignan ang pagsubok na isang pabigat na kaaway kundi isang mabuting kaibigan. Dahil sa pugon ng pagsubok tumitingkad ang kadalisayan ng ating pananampalataya kay Jesus. Ang naninindigan kay Jesus sa kabila ng matitinding pagsubok ay katibayan na totoo at dalisay ang ating pagkakilala sa Diyos.
3. We endure suffering because of our devotion to Christ.
“Though you have not seen him, you love him; even though you do not see him now, you believe in him and are filled with inexpressible and glorious joy, for you are receiving the goal of your faith, the salvation of your souls.” (1:8-9)
Ang katatagan ng ating pananalig sa Diyos sa gitna ng pasakit sa buhay ay nakabatay sa ating dalisay na pag-ibig kay Jesus. Mapalad ang mga sinaunang Kristiyano na nakita at sumampalataya kay Jesus. At mapalad din naman tayo na sumasampalataya kay Jesus bagama’t hindi natin siya nakita. Si Jesus ay totoo at mapagkakatiwalaan. Siya ay namatay at nabuhay mula sa kamatayan at buhay magpakailanman! At siya ay nananahan sa ating puso. Siya ang pinakadakilang handog ng Langit para sa atin. At siya ang pinamahalagang kayamanan sa ating puso. Siya mismo ang ating Diyos, Tagapagligtas at Panginoon. Sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin ay inialay niya ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat din naman na ating ialay ang ating buhay para sa kanya dahil siya ang una at huling pag-ibig sa buhay. Kaya naman, sa buhay man o kamatayan ay nabubuhay tayo at mamamatay para sa Panginoon.
D. Our Godly Transformation We glorify God because of the godly transformation in our lives. 1 Peter 1:13-17; 2:1-2
Pang-apat, dinadakila natin ang Diyos dahil sa kanyang pagbabago sa ating buhay upang tayo ay mamuhay sa kabanalan.
1. Godliness calls for total obedience to the will of God.
“As obedient children, do not conform to the evil desires you had when you lived in ignorance.” (1:14)
Sa ating kaligtasan kinakailangan na maging buo ang ating kalooban upang tayo ay mabuhay sa kabanalan (1:13). Kagalakan ng isang magulang para sa minamahal na anak na lumakad sa katotohanan. Gayundin naman, kagalakan ng ating Ama sa Langit na tayo ay nagpapasakop sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.
2. Godliness calls for integrity in every aspect of our lives.
“But just as he who calls you is holy, so be holy in all you do; for it is written, ‘Be holy because I am holy.” (1:15-16)
Sakop ng kabanalan ang kabuoan ng buhay. Kumusta ang diwa ng ating isipan? Kumusta ang bawat salita na ating binibitawan? Kumusta ang bawat layunin sa ating puso? Kumusta ang ating paninindigan sa ating pangako? Kumusta ang ating pakikitungo sa ating kapwa-tao? Kumusta ang dangal sa ating paghahanapbuhay? Kumusta ang katapatan sa ating marriage vows? Kumusta ang interidad sa ating pananalapi? Kumusta ang kagalakan sa ating paglilingkod? At kumusta naman ang ating pagiging totoo sa ating sarili?
3. We grow toward spiritual maturity in obedience to the Scriptures.
“Like newborn babies, crave spiritual milk, so that by it you may grow up in your salvation, now that you have tasted that the Lord is good.” (2:2-3)
Likas para sa isang sanggol na uminom sa gatas ng kanyang Ina. Ang tunay na nakakakilala kay Jesus ay pinananabikan ang dalisay na Salita ng Diyos. At ang lumalagong Kristiyano ay personal na nakikipanayam sa Diyos at isinasapuso ang Banal na Kasulatan sa bawat araw.
E. Our Redemptive Impact We glorify God through the redemptive impact of our witness. 1 Peter 2:21
Panghuli, niluluwalhati natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating pagiging makabuluhang mga saksi sa ngalan ng ating Panginoong Jesus.
1. We follow Jesus’ footsteps in humble submission to the will of God.
“To this you were called, because Christ suffered for you, leaving you an example, that you should follow in his steps.” (2:21)
Dapat nating matutunan na sumunod sa mga yapak ni Jesus sa kaparaanan na maging maingat tayo na huwag nating ipinapalagay na ginaganap natin ang kalooban ng Diyos samantalang umiiral ang ating makasariling kalooban. Katulad din naman tayo ni Simon Pedro na magkaminsan ay pinanghahawakan natin na tayo ay gumagawa ng mabuti para sa Panginoon ngunit kung maingat nating susuriin ang ating puso ay higit na nananaig ang nais nating mangyari. Ngunit tulad din naman ni Simon Pedro na natauhan sa kanyang pagkakamali at lumakad ng tapatan sa pagsunod kay Jesus na walang pagkamakasarili, gayundin naman, laan din naman nating pakabantayan ang ating mapanlinlang na puso upang sumunod tayo kay Jesus na may malinis na budhi. Ang ating pagsunod kay Jesus ay naihahayag sa ating pakumbabang pagpapasakop.
2. We are called to submit to every governing authority.
a. Submission to authorities in the society (2:13-14)
b. Submission to authorities in the family (2:18-19)
c. Submission to authorities in the church (5:1-6)
Maliwanang kay Apostol Pedro na kung papaanong lubusang nagpasakop si Jesus sa kanyang Ama sa Langit hanggang sa kanyang kamatayan sa krus, gayundin naman, bawat alagad ni Cristo ay nararapat na magpasakop sa kalooban ng Diyos at balikatin sa bawat araw ang krus ni Jesus sa paninindigan ng pawang katotohanan, katuwiran at katarungan sa lipunan, iglesiya at tahanan.
Conclusion
Sa diwa ng katuruang ito, mainam nating balikan ang kabuluhan ng rainbow. Ano nga ba ang tunay na katuturan ng bahaghari? Siyanga, hindi para maging kulay at simbolismo ng kasamaan at kalaswaan, kundi ito ay kapahayagan ng kadakilaan at kaluwalhatiaan ng Diyos. We have to redeem the essence of the rainbow. Likewise, we have to redeem our noble call as Christians. As a covenant people we declare the glory of God who called us from darkness into his wonderful light. We glorify God because of our glorious spiritual heritage. We glorify God because of our great salvation in Jesus Christ. We glorify God because of the reaffirming joy in our suffering. We glorify God because of the godly transformation in our lives. And we glorify God through the redemptive impact of our Christian witness. What does this mean to us as a people of God? Sa ating paninindigan sa ating banal na pagkakatawag para sa kaluwalhatian ng Diyos, ako ay nag-iiwan ng personal na mga katanungan para sa lahat.
1. Our Glorious Heritage Do we manifest our rich spiritual heritage to people around us?
2. Our Great Salvation Do we share the good news of salvation in calling sinners to God?
3. Our Steadfast Joy Do we affirm our love for God despite all our pains in life?
4. Our Godly Transformation Do we cultivate intimacy with God so we become more like Christ?
5. Our Redemptive Impact Do we make a godly impact inside our home and in our society?
Nawa ang ating tanang buhay ay umikot sa isang dakilang pangarap. Sa pangarap na ito ay karapatdapat nating ihandog ang ating buhay. May God be ever glorified in our lives. Amen.
2 notes
·
View notes
Text
Ngayon At Kailanman November 9 2018 Full Episode + Replay
Ngayon At Kailanman November 9 2018 Full Episode + Replay
Ngayon At Kailanman November 9 2018 Full Episode + Replay is one of the best Philippines tv network show. Watch Today Latest Ngayon At Kailanman November 9 2018 Full Episode by Pinoy Channel of ABS-CBN Shows in HD. Ngayon At Kailanman November 9 2018 Teaser Watch Online. Ngayon At Kailanman full episode today Watch Online show Ngayon At Kailanman November 9 2018 Video Dailymotion, Youtube, Asianh…
View On WordPress
#Ngayon At Kailanman November 9 2018 ABS-CBN Online#Ngayon At Kailanman November 9 2018 Full Episode Online#Ngayon At Kailanman November 9 2018 HD Replay#Ngayon At Kailanman November 9 2018 Teaser Online#Ngayon At Kailanman today full episode
0 notes