#namamahay ako
Explore tagged Tumblr posts
melovesanneeeee · 1 month ago
Text
u made it again self hays paano ba yan what if tigil-tigilan mo na ayaw mo na eh pagod na pagod ka na.
gcash 09762261073 for birthday gifts and blessings tenchuuuuuu 😘😘😘😘😘😘
1 note · View note
potty-aimie29 · 8 months ago
Text
Ang Namamahay sa Silid
By Aimie M. Del Rosario
Medyo madilim na at kumukulog pa ay naglilinis pa kami ng kaibigan kong si Ana sa aming silid-aralan. Nang di umano'y kumalabog nang malakas ang pinto ng aming silid na parang galit na galit ito sa amin.
Nagtanungan kami kung sino iyon at baka ito ay hangin lamang. Hindi kami mapakali dahil dalawang beses kumalabog ang pintuaan.
Halata sa amin ang kaba kaya nagtinginan pa kami kung bubuksan ang pinto para tignan sa labas o hindi na.
Binuksan namin ang pinto ngunit walang bakas ng paa ng tao sa corridor. Tinignan naming mabuti ang paligid na posibleng lalakaran ng tao ngunit pare-parehas na walang bakas.
Sa puntong ito, nagdadalawang-isip pa kami kung itutuloy pa ba namin ang paglilinis o mas pipiliin nalang umuwi at baka ano pa ang mangyari. Bigla nalang kaming natakot sa pwedeng mangyari sa amin. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapagpasya na kami ni Ana. Mas pinili naming tapusin nalang ang paglilinis bago pa kami mabutan ng dilim.
Papunta na kami sa loob para matapos na namin ang paglilinis at binalewala ang panyayari.
Unang hakbang palang namin papasok ng aming silid ay napabuntong hininga kami sa nakita namin. Nag-iba ang pagkaka-ayos ng mga upuan, sarado na ang bintana, at nakababa na ang kurtina. Bigla kaming nagtaka kung bakit naging hugis kros ang mga upuan. Ang mga walis at dustpan ay nagsibalikan sa dati nitong pwesto na dati ay nasa lamesa ng aming guro.
Napakunot nalang kami ng noo at napaisip kung sino ang gagawa nito. Sa sobrang takot ay napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Ana dahilan ng pagkahila ko sa kaniya nang malakas.
Pagtalikod namin ay may humarang na maitim na anino.
Napapikit na lamang si Ana at napadasal habang ako ay gulat na gulat sa aming nakita. Napapaisip nalang ako na baka kami ay patayin. Sa aming sitwasyon ay ipinagpaubaya nalang namin sa Diyos ang aming tadhana.
Di ko namalayan ay natumba ako dahil sa nginig ng aking tuhod at matinding kaba. Kasabay nito ang pagkidlat nang malakas sa malayuan. Kumalas din ang aking kamay sa pagkakahawak ko kay Ana.
Habang ako ay di pa nakakabangon sa aking pagkakadapa ay lumaki ang tingin ko kay Ana nang lumutang siya ng hanggang isang metro.
Sa puntong ito ay kinokontrol na siya ng maitim na anino. Di ko namamalayan ay napasigaw nalang ako sa pangalan ng aking kaibigan.
Nakita kong nagmamakaawa sa itim na anino si Ana para ito'y pakawalan na ngunit ang itim na anino'y hindi kayang labanan ni Ana.
Kalaunan ay gusto nalang ni Ana na iwan ko na siya para mailigtas ko ang aking sarili. Walang halong pagdadalawang-isip ay nanatili ako sa aking kinauupuan.
Pagkatayo ko ay parang may humihigop sa aking hininga na para bang sa kahit anong oras ay mawalan ako ng malay. Pinilit kong bumangon at habulin si Ana para mailigtas ko siya. Lumabas ako nang hingal na hingal sa aming silid para pigilan ang itim na anino.
Sinabi ko sa aking kaibigan na kailangan niya itong labanan para makaligtas kaming dalawa ngunit huli na ang lahat. Hindi na muling tumingin si Ana at ito ang palatandaan na matindi ang ginagawa sa kaniya ng maitim na anino.
Nanlumo ako ng kontrolin na ng itim na anino si Ana papalayo sa akin. Wala akong magawa kundi umiyak at pagmasdan ang kanilang paglaho.
Napasigaw ako sa pangalan ni Ana dahilan ng pagkagising ko mula sa aking pagkakatulog. Namumutla ang aking mukha kasabay nito ang pagpatak ng aking luha.
Nagulat na lamang ako nang pumasok ang aking ina sa aking kwarto. Ikwinento ko ang aking napanaginipan tungkol sa amin ng aking kaibigan.
Ilang minuto ang nakalipas ay naalala ng aking ina na tumawag pala ang ina ni Ana. Ipinapatawag daw ako sa ospital dahil nag-aagaw buhay si Ana.
Nagulat at di ako mapakali sa sinabi ng aking ina. Napaisip ako kung panaginip lang ba ang nangyari o totoong pangyayari. Napatanong nalang ako ng wala sa oras sa aking ina kung napano si Ana. Laking gulat ko sa sagot niyang si Ana ay sinaniban at ito ang dahilan kung bakit tumalon siya mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Bumagsak ang katawan ko sa pagkaka-upo sa narinig ko mula sa aking ina.
Di ko na alam ang aking gagawin kung iiyak pa ba ako o pupunta na sa ospital. Naguguluhan ako na parang di ako makagalaw sa mga pangyayari.
Hindi na ako nag-ayos pa at dali-dali ng tumungo sa ospital.
2 notes · View notes
karagatantalabuwan · 10 months ago
Text
Tumblr media
Sa pagitan kita natagpuan.
Sa pagitan ng takip-silim at bukang-liwayway. Kung saan ang kadiliman ng gabi ay hindi na nagdudulot ng takot dahil alam ko na parating na ang liwanag ng umaga. Kung saan ang lamig ng hangin ay hindi na kilabot ang dala, bagkus ay magaan na yakap na.
Sa pagitan ng oo at hindi. Sa mga tanong na hindi na kailangan pang ikubli. Sapagkat alam ko na ang bawat magiging sagot ay hinding hindi na magdudulot ng takot at pagdududa. Kung saan ang pagdadalawang-isip ay wala ng puwang sa pag-ibig na’tin.
Sa pagitan ng ating nakaraan at kasalukuyan. Kung saan paghilom at paglago na lang ang tanging pagtutuunan. Pupunan ng pagmamahal ang mga sugat na sa atin ay iniwan. Magiging tulay ang tiwalang dala at nabuo noong gabi na tayo’y muling nagkatagpo.
Sa pagitan kita natagpuan – sa pagitan ng ikaw at ako; sa pagitan ng sila at tayo. Natagpuan kita kung saan namamahay ang tama at kalmadong pag-ibig – sa lugar kung saan walang hanggan ang palaging dasal.
Sa pagitan kita natagpuan, at pag-asa ang pumupuno sa espasyong sa atin ay nakapuwang.
2 notes · View notes
monarchsreprise · 1 year ago
Text
Tumblr media
Sa itaas ng kahoy, ating ibabaon ang gabing magkahawak kamay
Sa hardin ng langit, tayo'y titigil, ang gabi'y walang hanggan
Ang musika ng mga bituin ay ating susubaybayan, mala-eksena'y magiging tayo
Ikaw at ako, pangako'y hindi mawawala, sa Mall ng Kalangitan, ating sisimulan
Sa gitna ng mga halaman, tayo ay magkakalasap ng kaligayahan
Ang mga ilaw ay parang mga tala, nagdudulot ng ningning at kasayahan
Ang gabing ito'y ating pupunuan, ng mga kwento't halik na walang hangganan
Magkahawak kamay, lumulutang sa himig, ang pagmamahal natin ay hindi mapapantayan
Sa mga gabing ito, tayo'y mangingibabaw, bawat ngiti ay nagpapalipad sa kalawakan
Walang kulog ni kidlat, dito'y tahimik at walang duda
Sa Mall ng Kalangitan, tayo'y namamahay, ang pag-ibig natin ay umaawit
Ang gabi'y tulad ng ating pagsasama, malayo sa hirap, tayo'y laging masaya't magkatabi
Sa pagitan ng mga bituin, ating susulatin ang kuwento nating dalawa
Tatakbo ang oras, ngunit sa puso'y walang tigil ang kaligayahan
Sa Mall ng Kalangitan, tayo'y makakawala, mga luha'y lilipad pabalik langit
Ang mga sandali'y magsasama, tayo'y tatakasan, sa mundo'y kahit saglit
Kaunting sandali lang sa langit, kami'y nag-iisa, ngunit sama-sama
Ang Mall ng Kalangitan ay ating pagsapit, pagmamahalan ang siyang pangunahing dala
Tayo'y maglalakbay, mananatiling magkatangi, sa gabing walang hanggan
Sa mga tagpo ng ating pagsasama, buong puso tayong magmamahalan
0 notes
benefits1986 · 1 year ago
Text
We The PL
Seeing the evolution of one's PL is just so curious and gorgeous, too.
During weekends, I try my best to listen to the curated PL that Spotify suggests. Honestly, been doing this since 2016. It's weird because the songs that I sometimes stumble upon are from eras that are already part of my deep subcon mind like that of roadtrips with past XXXYZs. Lerkzzz. The past months, when a song like this pops up, I can safely say that it's me laughing with and at my naive, younger self. Aigoo. Side Note: Back in 2009, isa sa mga cases na sinabi ko sa marketing class is agree akong music marketing is gonna be the next level of brands. Hindi siya intrusive kasi intuitive siya kasi mas nagegets mo 'yung headspace and hearspace lalo 'yung mga subdued and suppressed areas. Lo and behold, we're here and now! :)
Must also be because I met up with Film Class buddies who are really introverts in no less than Scout area. Namiss ko rin 'tong part na 'to ng buhay ko kung saan ginagawa po nating singlapit ng Taft ang QC and nearby areas noong 2015 to 2019 days. Kaya naman kasi kaso ang traffic, however, paying 200 PHP one-way to hack South to QC area is nakakalumpo pero, 'pag kailangan, puwede naman talaga. EDSA is super calm on the way home at around 2 am din.
Scout area is like BF Par on steroids na mas maingay. Hahahaha. Walang tulugan area rin. I noticed that the streets are better lit na now. LOL. Syempre, 'yung kasama ko, mahilig maglakad so wala akong choice. This friend Ma is someone na I don't meet up lagi but once we do, dhzai, ang daldalan parang pang-indie film ang progression. Hahahaha. Ganda ng location ng Cinema '76 and decent naman matcha nila. Coffee syempre, no deal sa lasa. Hahahaha. Skipped cocktails kasi 'di rin naman daw masarap and mahal pa. Maganda lang mga pamagat ng cocktails. Our other FOMO introvert scriptwriting buddy Mar is super nearby so, isang message lang, karipas siya e. Ma is nesting in a four-year relationship and Mar naman married recently. It's really nice to see us in different stages of life na and that we've gone a long way, but, malayo pa rin ang tatahakin. I told them to try out for Ricky Lee's upcoming workshop kasi feeling ko talaga, magugustuhan nilang i-revisit 'yung mga then days namin plus ang lapit lang nila sa Katips. HUHUHUHU. Sana all talaga. LOL. Kung wala lang akong mga doggo babies, ang dali mag-move kaso my babies are namamahay talaga even sa bahay ng lola ko. :( 'Di ko rin sila kayang 'di makita regularly kahit I'm a kinda clunky pawrent.
Ohhh, before seeing Mar, nagpunta muna kami ng Profound. Damn. Sana meron talaga sa South kasi ang ganda nung curation talaga. AS IN. Gusto ko na lang iuwi 'yung The Dawn signed vinyl saka Now and Then. UGH. Tingin na lang ako sa Japan. Sobrang up my alley nung display. Bakit ganun???? Bakiiiittt??? Pero, tagtipid tayo kaya, hard no muna. Saka na.
We talked about our scripts and sila, feeling daw nila they've outgrown their scripts. Ako naman, na-share ko na my script is still so relevant and that it's something I'm slowly working on para matapos na. :) Gah. If puwede lang mag-stray sa Scout at magbike kasama ni Ma pa-UP, which is happening in the next weekends, finally. LOL. Syempre, sa UP lang ako mag-bike kasi 'di ko talaga kaya mag-bike sa city. I was surprised that Ma is biking na as a maarte being. LOL. May pa-cuttings pa ng halaman ng pangmalakasan since Ma is really a legit plantito.
How low-key friends are we? Mar just requested to follow me and Ma during our Cinema '76 hangout. Tawang-tawa kami e. From 2015 until now, walang follow-han. Walang kamustahan. Pero, kung maka-share ng TMI sa buhay, akala mo, visual journals namin isa't isa. I really like na we don't chizmiz much about our other classmates kasi wala rin naman kaming pake sa kanila except for standout ganaps. Inis pa rin si Ma na 'di ako ma-tag, though, pero, siya na rin naman nag-adjust. Sabi ko, ayoko lang kasi talagang ma-tag in general. 'Yun lang talaga unless sobrang importante or sobrang life matters siya. LOL. Arte ko raw. Sabi ko, siya mas lalo maarte. More importantly, we try our best not to indulge on socmed kasi mapapa-compare ka talaga kahit ayaw mo. Happy ako to see talaga na na-maintain namin 'yung bond namin na sobrang FOMO sa mga biglaang aya which naganap pa na Makati Ave na mga 4 AM pero may pasok pa kami ng 830 AM. LOL. 'Di kami clingy PERO 'pag nagkita, ayaw umuwi. Actually, super duper appreciate Ma kasi as a titong sleeping na ng 9 PM, talagang hinataw niya at nag-prep siya sa pagkikita namin. Sabi ko nga, uwi na kami ng 11 PM para maka-sleep siya. Ayun. Inumaga na naman kami!
So going back to PL... friends and eras define my PL which is kinda surprising because my circle is small and I purposefully keep it smaller ever since the pandemic hit. However, since nga I have a list of interests, tulad ng sabi ng dad ko, akala ko lang daw maliit circle ko. In fact, tawang-tawa ako kasi sa Cinema '76, nakita ko 'yung bunsong kapatid ni Ju, my Circa '95 soul sis. Hahahaha. Beso kami tapos sabi ko, ikaw si Ja, correct? Natawa siya. Sabi ba naman: Bakit 'di mo sure? Sabi ko, sanay akong sa Las Pinas-Alabang-Par area ko siya nakikita. Hahahahaha. Na-shy din akong mag-hi doon sa isang creative person na kawork ko before pero sure akong matatandaan niya ako because... ahahahaha.
Kung meron mang emerging theme ang PL ko, hopeful na siya pero grounded pa rin sa shitballs ng realidad. LOL. Saka mas unapologetic na siya. May mga times kasing naka-incognito pa ako para lang ma-veer away ang algo pero tumatawid rin lalo na nung nag-start 'yung mic and cam detection era na. Kaya nga, pakshet ang iPhone bilang mas intrusive siya 'di lang sa owner pero pati sa circle ng owners ng kahit anong iPhone. Tacca.
Also, na-gets ko na why Taylor Swift topped my PL nung 2023. When someone is undergoing a traumatic experience lalo 'pag matagal na-suppress, chances are that person deviates from the norm. OPAK. Inis na inis ako kasi 'di ko naman talaga gusto si TS pero, she has been my angel nung November to December. Listened to her to cope and that it's actually a new chapter. Plus, my soul sis and I now have a different level of bonding over TS. The then basher me is now a TS saktong fan girl. By sakto, I mean, solulu sa delulu. :p Saka Tito Ro is also a TS curious passerby na rin; so, mas maraming areas na kaming mapapagusapan lalo as I'm checking him sa pagkawala ng mom niya plus family paganaps na rin na HAHAHAHAHAHA. 'Yun na lang muna because, TMI is not applicable here. Sa creative non-fic ko na lang pakakawalaan. :D
I'm looking at this from a better perspective which does not come easily. Basta, I saw changes na ako mismo nagugulat, pleasantly, until now. Changes for the greater good, unti-unti. :) Reclaiming and claiming one's space is not just about having that space, it's sharing a space where diversity is at the core. 'Di lang ako vocal talaga, pero, I guess that had to happen talaga in the name of unleashing the power and magic and logic that vulnerability holds. OPACQ. Hahahaha. Shemayayayayayayyy. And most importantly, sabi ng tatay ko, dapat lang better na talaga kasi 'pag no, LAGOT. Honestly, may mga specific times na takot pa rin ako sa dad ko kasi iba siya 'pag nagalit or na-agit. Mahirap salagin or worse, kahit salagin, wala e... tatabi talaga ako dahil tatay ko siya. LUH. Hahahahahaha.
Speaking of PL, I noticed that when I write, lagi't lagi may music sa background. It does not influence naman directly mga sinasabi ko, pero, ganda lang din kasi mas makikita ko 'yung ambiance nung mga thought farts ko rin. For example, Give Me a Kiss is not part of my universe pero 'yung tunog niya, up my alley. Saka in theme din for my 2024 Caterpie era. ;)
So, ayun na ngaaaa. Diliman x Magihawa x Krus na Ligas x Gubat bike sesh coming up! Plus I think, may kasama na ako sa Binondo CNY photowalk + vidwalk, too as a third or fifth wheel lang if swak sa sched namin nina Ma and Mar. LELS.
0 notes
smollightbulb · 2 years ago
Text
Tumblr media
It was such a day well spent with my favorite person <3
Tumblr media Tumblr media
Can’t believe I’d fall asleep that fast sa apartment niya since namamahay ako usually. After that, ang lakas ko rin kumain ng jabee. That afternoon, we also made spam musubi and ang sarap ng gawa namin kahit first time 😁
04.21.23
0 notes
whooolaanmo · 2 years ago
Text
Tumblr media
FairPrice
Isa sa mga paborito ko lugar sa SG haha fairprice ❤️💙🤍 kung saan ako bumibili ng kung ano ano na gusto ko na mura.
midnight snack, namamahay sa hotel di makatulog.
Oct. 22, 2022 12:45 pm
14 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
This doesn’t feel like home anymore. Yung kaisa isang lugar sa apat na sulok ng bahay na ‘to (kama ko) feeling ko hindi na rin sakin. O baka namamahay lang ako? Namimiss ko lang yung kwarto namin ni J sakanila? Baka kasi kakabalik ko lang, at wala pa akong matinong tulog mula sa byahe kaya kung ano ano na naman ino-overthink ko? Di na nga ako makatulong parang aatakihin pa ako ng hika ko, wala na pa naman yung inhaler ko. Hay.
3 notes · View notes
grvntld · 4 years ago
Text
mejj ang tagal ko din pala di nagkwento here. i thought nagdaldal ako yesterday. hehu. turns out, i just scrolled and liked some posts pala.
anyhoot, hello. my days have been slow, particularly today. had a sleepover with my cousins last night and grabe wala kaming sleep halos lahat bc our bb brother was also there and he was namamahay, so when we got home earlier today, halos lahat kami tulog. seriously!!! i started my day at 3-ish in the afternoon after my loooooong nap. i even forgot that i hv photos to caption, but it's fine, nagawa ko naman; pero ayun nga ang haba ng araw na 'to. did some skating when i woke up from my nap. other than that, humilata lang talaga ako. grabe!!! now nga antok na ko ulit eh, but i might take a shower pa para feeling fresh naman me tas idk if imma hit the bed na or do some things pa.
ayern, hi hello halloooooo~ i hope your weekend was well spent.
2 notes · View notes
wanderingsights · 4 years ago
Text
Ang asul na puso ng Badian, Cebu.
Tumblr media
Nakakapagod ang paglalakbay sa iba’t ibang parte ng bansa at lalo na sa mundo. Ang paglalakbay ay may kasamang pagpaplano at pag-iisip, hindi maaaring biglaan ang biyahe. Ang naunang destinasyon ko ay ang mga tanawin sa Vigan, Ilocos Sur ngunit ng matapos ang aking pamamasyal ay ninais kong makakita ng tanawin na lubos na naiiba sa Vigan. Sa aking kwardeno ay may mga nakalistang maari kong tunguhan. Matapos ang ilang oras na pag-iisip, at pag-babasa sa mga artikulo sa internet ay napag-tanto ko na magtungo sa Cebu. Nalaman ko ang tungkol sa Kawasan Falls. 
Ang Kawasan falls ay isang napakaganda at mahiwagang lugar. Matatagpuan  sa bayan ng Kawasan, munisipalidad ng Badian, Cebu. Marami pang handog na yaman ang bayan ng Badian maliban sa Kawasan Falls. Kabilang dito ang  Osmena Peak, at Pescador Island.
Tumblr media
Kawasan Falls
Ang Kawasan Falls ay ang pinaka-sikat ng dayuhin na matatagpuan sa Badian kaya’t ito ang una kong pinuntahan. Ayon sa mga residente at tour guide ang pinakamatandang pagtatala sa Kawasan Falls ay noong ika-28 ng Nobyebre 2008. Bagama’t hindi ito kasing tanda ng ibang sikat na tanawin sa Pilipinas, ang taglay na ganda ng natural na pormasyon ng mga bato at tubig ay sapat na para maka-akit ng mga tourista. Isa itong tahimik na lugar, nagmimistulang hindi man lang nakaranas ng buhay ng tao. Ang tubig dito ay kulay asul at malinaw na makikita mo ang iyong mga kamay kahit ikaw ay nasa ilalim ng tubig. Ang tubig at itsura ng Kawasan Falls ay perpekto para sa mga taong mahilig kumuha ng litrato.
Ang mga lugar sa Badian, Cebu ay napapaligiran ng tubig, kaya naman ang pag-biyahe at mga aktibidad na maaaring isagawa dito ay nakabase rin sa tubig at sa malalaking bundok na pumapaligid dito. Isa sa mga nasubukan kong aktibidad ay ang Canyoneering.
Tumblr media
Cayoneering
Ang Cayoneering ay ang paglangoy at pag-gaglugad sa mga masikip at malinaw na tubig ng Kawasan. Aking aaminin na medyo nakakatakot ang karanasang ito ngunit sinisigurado ng mga tour guide ang kaligtasan at ginagabayan ang mga tourista. Huwag magalala, nagbibigay sila ng vest at helmet. Kapag nasanay ka na sa Cayoneering ay mawawala rin ang takot at tiyak na masisiyahan ka. 
Tumblr media
Ang sunod kong sinubukan ay ang Kawasan Zip line. Kumpara sa ibang mga aktibidad ay mas bago ang zip line ngunit masaya ang karansang ito. Napakataas ng aking tinawid, nakita ko ang tuktok ng mga puno at mga tubig ns pumapaligid sa Badian. 
Tumblr media
Osmena Peak
Ang Osmena Peak ay kagila-gilalas. Ang rurok nito ay 1000 meters above sea level at ito ang pinakamataas na rurok sa Cebu. Parte ito ng Mantalungon mountain range at ang pakurba-kurba at makalat nitong itsura ang umaakit sa mga tourista. Nakita ko pa ang Isla ng Negros dahil sa linaw ang langit! 
Mayroon rin na aktibidad na maaaring gawin sa Osmena Peak. Ang “Trekking Package”, ito ay ang paglalakad papunta sa tuktok ng Osmena na umaabot sa 2 hanggang 4 na oras. Hindi ito mahirap at nakita ko pa ang kagandahn ng mga bundok na pumapaligid at kabilang sa Mantalungon Mountain Range. Tila ba ako ay lumilipad sa taas ng aking narating!
Tumblr media
Pescador Island
Malapit nang magdilim nang ako ay makababa mula Osmena Peak pero napag-sipan kong pumunta sa Pescador Island bilang huling destinasyon. Ayon sa aking nabasa tungkol dito, ang Pescador ay suki ng mga divers dahil sa linaw ng tubig at sa karamihan ng mga isda at koral na namamahay dito. 
Sumakay ako ng bangka papunta sa Pescador at aking saya dahil ang biyahe ay umabot lamang ng isang oras! Katulad ng mga nasa litrato ay talagang napakaganda ng Pescador. Ang tubig nito ay malinaw ngunit nagmumukhang asul sa malayo at kitang-kita ang mga Koral na namamahay sa tubig nito. Isa pa ang mga malalaking bato na pumapaligid sa gilid ng isla, na bumababa sa malalim na parte ng dagat. Ang lugar na ito ay ideyal para sa mga diver!
Tumblr media
Lambug Beach
Matapos ang aking biyahe sa Pescador ay pumunta ako sa Lambug Beach. Dito maaaring magpahinga at manuod ng alon at ng paglubog ng araw ang tourista. Ngunit sa aking pagod sa paglalakbay ay hindi ko na lubos na naranasan ang ang pasilidad dito, pero aking masasabi na napaka-komportable ng mga tent na pinaparenta nila. 
Babalik ba ko sa Badian? Oo. Simple lang ang mga maaaring gawin dito at simple rin ang mga tanawin ngunit ang kasimplehin nito ay hindi mahahanap sa ibang lugar lalo na sa ibang bansa. 
1 note · View note
melovesanneeeee · 1 year ago
Text
Diba usually namamahay ka kapag sa hindi mo bahay yung di ka makatulog ganun pero tonight parang namamahay yata ako sa bahay namin mismo dito sa taas na ewan hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! May bangag at lutang na namang magffunction maghapon bukas bwahahahahahahahahahaha! 😩😂😆
3 notes · View notes
luckyjoysalazar · 5 years ago
Text
Liwanag sa Paskong Madilim
Mga nagdaang gabing napakadilim, Habang ika'y nag-iisip nang malalim. Nagtatanong kung paano, kailan, saan at maraming bakit, Bakit ako? Bakit sila? Bakit kami? Bakit ansakit-ansakit? Maraming gabi na ayaw mong umuwi sa bahay, Bukod sa walang bigas o kanin sa lipas na laway, Ay wala si nanay at si tatay sa inyong tahanan— Wala kang ilaw at haligi na daratnan. Tumatanglaw sa'yo ay puro na lang kabigatan, Pasanin, depresyon, mga alalahanin-- Na lilipas ang Pasko na walang parol na nakasabit, At pamilyang magkakasama sanang kumakain ng niluto ni Lola na pansit. Ni sa bintana ninyo’y ayaw mo ng sumilip, Sa mga kapitbahay ay may kumukutikutitap. May bibingka at puto-bungbong na napakasarap! May family picture at buong pamilyang iyong hinahangad. Sa hapag-kainan namin umiiyak, Nilalasap ang mga tulo ng luha sa gabing ang lamig ay humahalimuyak. Ngunit, teka, may tunog akong narinig; Hindi busina ng tren or teleponong nagri-ring. Pero, ako'y nagising! Sa kalangitan ako'y napatingin, Ang sinag ng mga bituin na sa aki'y nakatingin. Nakakasilaw na liwanag mula sa himpapawid-- At Siya ay dumating! Pinaglihi ng isang birhen, Ang naglalakad na tatlong hari ay may mga regalong hatid— Patungo sa sabsaban kung saan nandoon ang isang sanggol na lalaki, Na Hesus ang pinangalan katulad ng sinabi sa prophecy. Dumating na—ang liwanag na dapat naghahari sa sanlibutan. Ang pag-asa na maiaabot mo sa bawat taong nakasalubong sa iyong daraanan; Sa pagyakap ni Inay na nagpapawi ng lungkot sa iyong mga mata, Sa pag-uwi ni Tatay na nagpabalik ng ngiti sa'yong nakasimangot na mukha. Kay bunso na hatid ay saya. Kay lolo’t lola na sinasabayan ang kanta ni Daniel at ni Moira. Si Hesus na namamahay sa puso mo, Ang Siyang na nagbigay ng liwanag sa mga gabing madilim, Sa mga araw na marami kang pasanin. Kaya sa Paskong darating, Siya'y ating alalahanin. Pagkat Siya ang liwanag na dapat ipanagdidiwang natin. Ang sarap pagmasdan na hindi man dumating ang regalong inaasam, O makasama sa araw ng Pasko ang mga minamahal, Si Hesus na sinilang at namatay para sa’yo at namamahay sa puso mo, Ang Siyang tunay na liwanag at pag-asa ng mundo. Ang Siyang nagbigay ng liwanag sa mga gabing madilim, Sa mga araw na marami kang pasanin, Na marami kang excess baggage at dalahin, At sa puso mo’y maraming kinikimkim. Kaya sa Paskong darating, Siya'y ating alalahanin, Pagkat Siya ang liwanag na dapat ipanagdidiwang natin.
1 note · View note
peetuhpan · 5 years ago
Text
Ako lang ba hindi makatae sa office? 😂 namamahay ung pwet ko eh bakit ba!?
2 notes · View notes
inyenyerong-puyat · 6 years ago
Text
Narito ka ba para piliin ako? O para dagdagan ang mga multong namamahay sa aking pagkatao?
—infirmi
2 notes · View notes
emvisiblesblog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Namamahay talaga ako. Ganyan itsura ko pag walang tulog. Huhuhu. Uwing-uwi na ako.
6 notes · View notes
hugoterongmakata · 6 years ago
Text
Pota namamahay ako sa bago kong dorm. Bukod sa di ako makatulog. Punyemas di rin ako makatae. HAHAHAHAHAH
5 notes · View notes