#montemayorseries
Explore tagged Tumblr posts
Text
When love beats all odds. Mayaman- Mahirap romance ba hanap mo? Sige na basahin mo na. First time ko magbasa ng popfiction ni Marco Jose na wattpad writer. Nasipat ko siya pagkatapos ng Book launching at booksigning namin sa Philippine Book Festival sa World Trade Center last June 4, 2023. Bandang Hapon na kami natapos eh so ganoon. Kahit sabi ng kasama ko na GGSS yun like damn girl! He's so damn handsome in person. Fangirling aside, here are my thoughts about his book Tell Me Where It Hurts.
Nicholas Spark is his Anchor.
Nagustuhan ko yung Chapter 22 Noah and Allie reference na "You and I were different. We came from different worlds, yet you were the one who taught me the value of love" kung saan nakarelate yung karakter ni Ara Angeles sa karakter ni Noah sa pelikula na adaptation ng The Notebook ni Nicholas Sparks.
Amo-Katulong Relationship
Natuwa ako sa pagkakasulat niya ng kwento ni Ara at Aivann dahil para itong reminiscent ng mga teleserye na pinanood ko noong bata ako kasi idolo ko si Ms. Kristine Hermosa na original na Ina sa Pangako Sayo (kaway kaway mga EchoTin shippers). At Prinsesa ng Banyera kung saan nagtitinda ng isda sa palengke ang karakter ni Kristine.
May pangarap na umasenso sa antas ng buhay pero hindi oportunista at gold digger.
Gusto ko yung linya ni Ara Angeles na "Ipinanganak akong mahirap pero hindi ko hahayaan ang sarili kong mamatay na mahirap. Ang ganda sa karakter niya maprinsipyo si Ara at nagtatrabaho ng marangal at may dignidad.
What's Wrong With Secretary Kim with a twist.
Reminiscent ito ng karakter ni Minyoung as Secretary Kim dahil may kabanata sa libro na nagtrabaho siya bilang secretary tapos nagresign. Ang Twist ay ang matagumpay niyang naitago ng 7 years ang anak niya sa biological father nito. Nalaman na lang ni Aivann noong umuwi na ito ng bansa for good.
Second lead syndrome na naging villain pa.
Nagustuhan ko yung pagkakasulat ni Marco Jose sa karakter na si Samuel. Akala ko talaga second lead syndrome na. Bigla palang may patanim na poot at paghihiganti kay Aivann Montemayor dahil sa first wife nito. Nakakaloka din yung may bigla na lang pumasok na kapatid ni Walter tapos tinawag na Aivann's mistress si Ara.
Hindi ko masyadong gets kung paano pa nakabuntis itong si Samuel eh may sakit na nga si Walter noong mga panahon na nagcheat si Aivann sa girlfriend niya. Paano pa mabubuntis ang isang babaeng may taning na ang buhay? Eh si Jamie Sullivan nga A Walk To Remember nategi na after ng last wish na ikasal sa nobyo.Siya pa kaya na ganoong malala na din ang sakit. Medyo yun yung weakness nung part ng conflict.
Yung kwento natapos sa umaatikabong romansa
Siyempre may silver lining ang kwento. Kinasal si Aivann at Ara at yung kambal na anak iniwan muna sa mga lola para makapagromansa pagkatapos ng seremonya ng kasal sa simbahan.
The Title of the books is very MYMP
Yun yun eh yung song ng MYMP na si Juris pa ang vocalist kasama si Chin sa Make Your Mama Proud acoustic and beyond album. selling point para sa akin ng libro plus yung cover very Aga Mulach and Mikee Cojuanco movie Forever ang feels.
Yung Kabanata na Ako Na Lang
Dito sa chapter na ito ko naintindihan yung title mismo ng libro.
Para kasi siyang eksena sa Chinese Drama na Meteor Garden kung saan si San Cai ay bigla na lamang naging human shield kay Dao Ming Zi noong binugbog siya ng mga lalaki sa isang madilim na silid. Ganoon ko navisualized yung eksenang pambubugbog kay Aivann na part of the grand scheme of revenge ni Samuel. May pagka the Glory yung feeling sa karakter ni Samuel. Marco Jose I commend you for that!
0 notes
Photo
05282015: Finished the latest completed story of Montemayor series. Next time na si Aivan kapag completed na this siya. So far, ito ang pinakanakakabwisit na Montemayor na nabasa ko. ๐๐ jusq. Wth nalang talaga Travis. ๐ #montemayorseries #simarcojoseako #maybethistime #travismontemayor #jeorgerivas
0 notes
Photo
Hashtag super possessive. Hahahah! Finished this one yesterday (May 21, 2015). Hahaha Moral lesson: Matutong makinig ng explanation, wag conclude ng conclude agad-agad. Ugali natin kasi yon kaya nagkakaaroon ng miscommunication. #montemayorseries
0 notes
Photo
Finished this last May 20, 2015. Super nastress talaga ako sa characters. ๐ช Pero maganda yung story. Hehe ๐ #montemayorseries
0 notes