#mingmingbaho
Explore tagged Tumblr posts
tobywannabe · 7 years ago
Text
Kamuka ni Yen
I met few people.
AKKKKKKKKKKKKKKKKKK. Nagkaron ako ng mini heart attack nung nakita ko yung kamuka ni Yen dun sa venue. Small world, eh? 
Una ko kasing nakita yung kamuka ni Yen sa school namin nung hs. Natatandaan ko nakablack sya non tas pink na skirt, tas natandaan ko muka niya kasi leche sobrang kamuka ni yen.
Tas aaaaaaaahkkk nagulat ako nung nakita ko din sya don sa venue ng sportsfest and ang mas nakakagulat don e nakayellow din sya, so it means kabarrio ko siya.
Then ayun na , game na namin, nandon siya omg. Tas nung second game e aaaaaaakkkk nakalaro ko pa sya, i mean, magkateam kami tas nakasama ko siya maglaro. Magaling rin siya maglaro. Tas kinakabahan ako pag malapit siya hahaha katulad nung effect sakin ni yen haha, pero syempre duh mas grabe yung effect ni yen.
AAAAAAAAAAAAAAAAA. Am I allowed to say this? Pero tsanggala ang hot niya nung nasa bench na ko tas dumaan siya sa harap ko. Pawis na sya and haggard pero akkkk ang hot niya. Hahahhaa. How can she do it? Pawis na tas good looking pa rin.
Hahahahhaha. Wala nakakatuwa lang pag nakikita ko yun, naalala ko si yen. Ang alam ko girlfriend ni Marc yun e or ex, irdk and idc. Hahaha. Sana di ko na sya makita ulit.
3 notes · View notes
singmetosleeppppp · 7 years ago
Text
MMB
Alam ko na kung bakit hindi tayo nagwork. Sobrang pinagsisihan ko na sinaktan kita noon, at mas lalo kong pinagsisisihan na di ako nakapagpaliwanag sayo ng maayos.
Malaki pagkakaiba natin. At hindi ako yung inaasahan mong magiging ako. Hindi ko lubusang nabigay ang pag aalaga at pagmamahal sa pag aalaga at pagmamahal na kinasanayan mo. Hindi ako maboka sa nararamdaman ko sapagkat alam kong masasaktan lang ang damdamanin mo. Samantalang ikaw, alam ko ang sakit na yong nadarama sa pagsusulat mo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang mga sigaw ng utak ko samantalang ikaw, kayang kaya mo.
Hindi ako maalaga tulad nila. Pero binigay mo pa rin ang lahat sa kabila ng pagiging makasarili ko. 
Ang iyak mo sa mga tenga ko’y naririnig pa rin sa twing kinakain ako ng kunsensya ko. Mga iyak na dahil sa katotohanang lumabas sa bibig ko. Ayaw kong banggitin ang mga salitang maganda sayong panrinig pero isang malaking kasinungalingan lang. Ayaw kong manloko’t magsabi ng di totoo para sa ikaliligaya mo. Importante ka sakin, ayaw kitang lokohin, yun ang totoo. Kaya’t di ako sumagot nung tinanong mo ko. 
Walang mali sayo, sana naman maniwala ka. Ikaw ang kaisa isang nagmahal sakin ng totoo. Sayo ko naramdaman ang pagmamahal na hindi mapapantayan nino man. Pero patawad, hindi ko magawang lokohin ang sarili ko. Kung natuturuan lang sana ang puso na magmahal ng todo, sana dati ko pa ginawa. Ngunit patawad, kahit anong piga ko’y wala na kong naramdaman noon. 
Walang ibang tao na nadawit, sana naman maniwala ka. Hindi kaya ng kunsensya ko sapagkat dati’y sayo lang talaga ang puso ko. 
Ang mensaheng ito, sa tingin ko, ay tatawanan mo lang. Sapagkat ilang taon na tayong tapos. Ngunit sa mga taong iyon, wala kang narinig saking paliwanag o kung ano man.
Hanggang ngayon, kinakain pa rin ako ng kunsensya ko. Kaya’t hanggang ngayon, hindi ako sumubok muli sapagkat takot akong makasakit tulad ng sakit na idinulot sayo.
Salamat sa pagmamahal at mga alala. Sana makahanap ka na ng taong magmamahal sayo ng puro at totoo. Hanggang dito na lang, paalam. Maraming salamat sayo.
1 note · View note