#mapapaiyak na ko...
Explore tagged Tumblr posts
Text
sagot ko na lang sa project "ewan" tas un na rin ang grade ko 😭😭💀💀 putangina naman kase na fake news tuloy ako. KASE BAT MAGBIBIGAY NG ASSIGNMENT SA FRIDAY ANO BA YAN ??
#my friends wont respond to me (they're in class 💀) so i'm gonna be liveblogging me failing my quizzes on tumblr 😍#mapapaiyak na ko...#guys alam nyo ba ang sarap manghula ng sagot sa quiz.. 😭#walang naintindihan 😍🥰 putangina naman#kakaselpon ko yan.. 😔#PFFT I TRIED TRANSLATING THIS WHOLE THING IN GOOGLE TRANSLATE AND IT'S SO BUTCHERED#berry's shitposts
0 notes
Text
oh they're tired of me talking about college they just asked what else i do outside of college...welp
#both irl and this online friend made fun of me for playing lnds so fuck all of you guys i guess#that's like the only non-college thing i got going on unfortunately#share ko lang na mapapaiyak na nyeta..
0 notes
Text
SEPT.21-22'24
My kind of weekend. 🥰 why am i so blessed to have him. Sobrang effort hindi mo kailangang humiling, kasi may kusa sya. He'll do it because he wants to do it, not just because i told him to do it.
Ang saya lang sa pakiramdam na after my past trauma, someone accepted it at pinahalagahan ang nararamdaman ko, yung kahit pagkalayo kami, he never failed na iparamdam sakin magkalayo kami, he always find time just to check if im okay, kahit pagod sa work, even during his breaks, khit 1-2mins. He'll make sure to call me, para mangamusta at sabihin saking okay lang sya.
When he told me kung pwede ba manligaw, i told him na magsabi muna sya kay Jayson, at ang sinagot nya lang sakin, "gagawin ko yun ng hindi mo alam" and today he did it, nagpunta sya ng hindi ko naman sinasabi saknya na pumunta sya, at sobrang thankful ko lang talaga. Mapapagrabe ka na lang talaga na may ganung tao pala talaga.
Di ko akalain na ang isang astiging lalaki ay mapapaiyak for telling me na:
"answered prayer ka"
"ang strong mo para malampasan lahat ng nangyari sayo"
"Masaya ako, fulfilled ako pagnakikita kong napapasaya kita"
Sobrang sarap lang sa pakiramdam na nararamdaman kong may nagmamahal na ulit sakin, lalaking hindi lang puro pangako at salita, ginagawa nya rin ang mga sinasabi nya.
Having a man who make sure na God will be the center ng kung anong meron man kami.. mapapaThank you Lord ka talaga 🥰
"IKAW NA TALAGA"
0 notes
Text
How to make millions before Grandma Dies • 1M/10
Hindi ko ineexpect na mapapaiyak ako ng todo nitong pelikula na to. Grabe talaga magbigay ng lesson about life ang Thai Movie Industry. Alam mo yon? We're busy making money so we can be able to spend on our needs pero iba pa rin talaga ang oras na maiibigay mo para sa pamilya mo. Lalo na't hindi na sila bumabata pa. Hindi na rin tayo bumabata. Spending your time with your loved ones is a core memory for them to remember when they are walking towards the light.
Sa generation ngayon natin, sinasabi ng iba na kailanma'y hindi obligasyon ng anak ang magulang. Meron mga anak na kayang kaya talikuran ang magulang. Pero ang magulang na tulad ni Grandma, hinding hindi kayang talikuran ang anak. Oo, di natin sila obligasyon at tayong mga anak ang obligasyon pero kapag tumanda sila, sinong tutulong sa kanila?
Hay, grabe hinagulhol ko talaga dito. Ang daming realizations.
1 note
·
View note
Text
Minsan
Minsan talagang mapapaiyak kana lang sa sama ng loob
Ipagluluto ka tpos magagalit kc dapat ikaw ang nagsaing
Magigising ka ng maaga kahit day off mo pero magagalit kasi hnd kapa nkakaluto ng almusal
Sisimangot kasi mabaho ang bahay
Mainit ang ulo kasi hindi nakainom
Bibilisan ang takbo ng sasakyan kasi naiinis na nman
Asar kasi kailangan kang ihatid at maaga pa kahit alam namang maaga ka
Yamot kapag nagpapa order ka online pero sa kanya araw araw may parcel para sa kanya
Gustong makuha ang dati mong cp pero sa kinuha mong bago wala man lang kahit singko na tulong
Aarte kapag wla daw pera pero nagpapautang ka sa iba minsan pinag susugal mo pa pero ok lang kasi pera mo yan pero ako tinanong mo ba kahit minsan kung kailangan ko sasabihin mo kumuha ako sa pera mo bakit hindi mo ibigay alam mong hnd ako nangengealam jan .. tubig,ilaw,internet, ano pa pti pet foods at vitamins mo ako pa den mabuti sana kung 100k per kinsenas katapusan ang sweldo ko ..pti load mo ako pa den..tpos hihiram lang ako ng damit mo ssbhn mo wla ka ng sariling damit kahit ako dn nman ang ngbayad sa damit mo...
Masisisi pa kaya ako kng bakit bigla na lang ako naiiyak minsan...
0 notes
Text
05•08•23 || Realization: failure ba akong anak kasi hindi ko man lang nabigyan ng kaginhawahan magilang ko before ako pumasok sa pagpapamilya. I have two months old baby. And I heard my Papa, talking my baby and telling to her apo about his feeling, illness. How he suffer now. Mapapaiyak ka nalang at bilang panganay ang hirap makitang nahihirapan ang mga magulang mo. I try to gave the best life for them pero wala e. Walang luck for me. Hope one day magiging maayos din sila at may magandang buhay na.
0 notes
Text
SILENT SANCTUARY
Sayo, Pasensya ka na, at Bumalik ka na sa’kin.
Ang mga kantang nabanggit ay iyong maririnig o makikita sa aking playlist. Paborito ko ang mga ito at palaging gustong marinig kahit may katandaan na. Ito ay naririnig ko na kahit nung ako ay elementarya pa lamang at hanggang sa ngayon ay pinapakinggan ko pa rin. Ang nostalgic na pakiramdam sa tuwing naririnig ang beat ng mga ito lalo na ng Bumalik Ka Na Sa’kin ay napakasarap balik-balikan. Ang liriko nito ay maganda ang pagkakasulat kaya naman talagang tatagos ito sa puso ng sino mang makarinig. Ang mabagal na tugtog ng kantang Sayo at Pasensya Ka Na ay lalong dumagdag sa magandang atmosphere ng kanta kaya’t mapapaiyak ka na lamang kahit wala kang pinagdadaan.
Ang mga kantang ito ay ilan lamang sa mga masterpiece ng bandang “Silent Sanctuary”. Sila ay binubuo ng 5 miyembro na nabuo sa Metro Manila noong 2001. Sila ay kilala sa paggawa ng mga kanta na nakikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang panig ng mundo. Ang mga musikerong kagaya nila ay talaga namang nakakamangha at dapat lamang na ipagmalaki. Ang pagkilala sa kanila ay nararapat lamang dahil sa rekognasyon na binibigay nila sa imahe ng OPM.
#OPM
https://images.app.goo.gl/ZR864jgM3zi2bo3U8
2 notes
·
View notes
Text
MARAMING SALAMAT PO, MA!
Bakit ba sa tuwing natatakot ka o nagugulat bigla, palagi mo na lang nasasabi, “MAMAAAA KOO!”?
Bakit ba sa tuwing may dadaan na matulin na motor o jeep sa harap mo, mapapasigaw ka na lang ng “MAMAAAAA!!!”
Bakit ba sa tuwing nagkakaroon ka ng sugat dahil sa kakalaro mo sa lansangan, mapapaiyak ka na lang, at mapapasigaw ng “MAMAAAAA!!!”
At bakit ba sa tuwing may kaaway ka at tinutukso ka nilang panget, mataba o maitim, lagi mong sinasabi sa kanila na, “ISUSUMBONG KITA SA MAMA KO!”
Isipin mo na lang kung ilang taon ka habang sinasabi mo ang mga yan. Kaya naman, sa pagkakataon na kaya nating pasalamatan ang ating mga ina, gawin na natin dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.
Maraming salamat po dahil sinanay niyo kaming matulog sa tanghaling tapat noong kami’y mga bata pa. Isang pagpapaalala niyo na kailangan ding magpahinga lalo na kung pagod at puyat ka at huwag kailanmang aabusuhin ang katawan.
Maraming salamat po sa tuwing sinasabihan niyo kami nang, “Isang mali, isang palo” bago kami pumasok sa eskwelahan. Natuto po kaming piliin ang mga tamang desisyon sa buhay dahil alam naming sa isang pagkakamali lang, marami na ang pwedeng mangyari sa amin.
Maraming salamat po sa tuwing nagagalit ka dahil hindi namin makita ang bagay na pinapakuha mo at sasabihin mong, “Gamitin mo ang mata mo, huwag ang bibig!” Natuto po kaming makiramdam sa mga tao at magmasid muna sa paligid bago kami magsalita dahil alam namin na napakaimportante ng mga salita na pwede kang makasakit o makapagpasaya ng tao.
Maraming salamat po sa pagpapaalala niyo sa amin na kapag pinalo niyo kami ay hindi dahil galit kayo kundi mahal niyo kami. Napagtanto po namin na pinoproteksyunan niyo lang kami para sa aming ikabubuti. At gusto niyong ipaintindi sa amin ang mali sa tama.
At higit sa lahat, maraming salamat po sa tuwing nagkakamali kami at nagdadahilan sa inyo, sasabihan niyo kami na, “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” Isang pagpapaalala na habang kami ay tumatanda, lahat ng leksyon niyo sa amin noong kami ay bata pa ay dala-dala pa rin namin hanggang ngayon.
“Maraming salamat po. Hinding-hindi ako magsasawang alagaan ka hanggang sa aking makakaya. Mahal na mahal po kita.”
—
MALIGAYANG ARAW NG MGA INA!
43 notes
·
View notes
Note
Dear ex boyfriend
Ang bigat nito Anon! Haha Mukhang mahabang sagot to. Lol Mukhang mapapaiyak mo ko. Char!
Dear Ex-Boyfriend,
Unang una, I hope you're doing good. Sana natupad mo na yung pangarap mo na mag-aral ng law. I hope mas nakapag focus ka sa sarili mo nung iniwan kita. It may be a selfish decision for some, pero I know now that I made the best decision not just for us, but for you also. Marami kanang bagay na isinakripisyo para sakin at ayokong pati pangarap mo isuko mo dahil sakin.
Madami akong kayang ikwentong masasayang alaala nating dalawa, madami akong mga bagay na unang beses kong ginawa at naranasan kasama ka, marami tayong pinagdaanan at alam kong minahal natin ng sobra ang isa't isa pero di sapat na naging mahal lang natin ang isa't isa. Di ko sasabihing nagkulang ka, kasi alam ko nagkulang din ako. Pero di ako nagbago ng pagmamahal sayo. Kaya din siguro tayo humantong sa katapusan dahil pareho tayong kulang. Walang gustong magpuno. Walang may kakayanang magpuno. Sabi mo noon, sa ating dalawa, ako yung mas malakas. Ako yung mas matibay ang loob. Kaya kapag nanghihina ako, di ko alam san ako kakapit. May mga gabi na umiiyak ako sa tabi mo habang ikaw mahimbing na natutulog.
Maraming salamat sa pagmamahal. Sa halos anim na taon na pagmamahal. Pero siguro nga hanggang dun nalang. Kinailangan kong wakasan kasi kung hindi, baka wala na akong pagkakataon na masagot to. Lahat naman nasabi ko na sayo noon. Masyado na tong mahaba. Basta salamat sa pag-ibig mo. Minsan sa buhay ko, palagi kong maaalala na napaLIGAYA mo ko. Sana ngayon, napatawad mo na 'ko.
2 notes
·
View notes
Text
See these? Your hand fits perfectly in mine. Kase alam mo yang nga kamay mo lang ang hahawakan ko. Ikaw lang yung gusto ko alalayan hanggang sa pagtanda natin. Maniwala ka, nung una pinilit at sinubukan ko ng pigilan yung mga nararamdaman ko para sayo. Pero habang tumatagal, habang tumatakbo yung oras at araw, i realized na ang unfair ko sa sarili ko. Dahil yung makilala kita ay ang pinaka masuwerteng nangyari saken. At ang mahalin ka ang pinaka magandang regalo sa buhay ko. Kaya di ko hahayaan na masaktan at malungkot ka. Oo di ako perfect marahil mapapaiyak at masasaktan kita. Pero pangako pipilitin kong di mangyare yon. Araw-araw ko ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita at araw-araw kong ipapakita sayo na deserving ako sa pagmamahal mo, at deserving ako sa pagkakataong binigay mo saken na maging parte ng buhay mo.
MAHAL NA MAHAL KITA.
040520|11:22pm
8 notes
·
View notes
Text
natatakot ako na mas masaktan pa namin ang isa't isa habang tumagal, ayoko na makasakit sobrang ayaw ko na parang hindi na kakayanin ng konsensya ko na may isang tao na naman akong mapapaiyak o masasaktan ng hindi sinasadya
1 note
·
View note
Audio
It’s already been 3 weeks since we met and the more I got to know you, the deeper my feelings ran.
Did you realize? Na ikaw unang umamin sating dalawa? Something you told me you never did. We’ve been getting closer and closer and I have been showing my interest in you by expressing myself in songs (a love language of mine).
May 19, that was the day you told me ‘I like you too’ kahit na ang sinabi ko pa lang non sayo ay ‘I like your voice’. You don’t know how happy I am to confirm na may feelings ka rin sakin. We’ve been dancing around each other coz we both know na ayaw nating magmadali. You wanted to wait until you’re 20 and I wanted to wait until we know each other better.
Days passed and I’ve just been falling and falling, even now I’m still falling.
Your graduation was coming soon. I know you like flowers, especially tulips. I also know your favorite color is purple. And so, I had the idea of sending you a bouquet of purple tulips on your graduation. But first, I needed your address and someone to receive it for me. The latter was easily settled since I talked to Yuri. The former? That was a bit tricky, and I thought what if padalhan kita ng food or drink? Ninenerbyos ako non kasi baka mag-alangan ka ibigay sakin address mo or pigilan mo ko ganon, but everything worked out in the end.
NOPE. The process wasn’t smooth since yung nakausap ko nung gagawa ng bouquet and bibilhan ko ng tulips were both unresponsive tuesday night, weekend ko sila kinausap ha and I told them I’ll message again ng tuesday. And so it was May 31, tuesday night, and I’m looking for another option. It was a good thing na may nahanap ako, or else mapapaiyak nalang ako sa frustration hahhahahah.
Anyway, I’m glad you really loved the bouquet I sent you kahit na I wanted to be the first to give you one (Shena kasi e, char hahahaha). Maniniwala ka ba na never pa kong nakapagbigay ng bouquet? Flowers, yes, but a bouquet like that? No. You’re the first one I’ve given a bouquet to and will continue to do so. It’s really nice to know that there are still firsts that I get to experience with you. I’m looking forward to all of them.
0 notes
Text
These btches are so funny. Bat ba apektadong apektado kayo sa presence ko ha? When in fact, I never tried to shine naman or brag on your clique way back. Di ko kasalanan na kayo nakaka pansin ng mga gamit ko or make up ko na never ko namang pinagyabang sa inyo lol
When putting me on shame on fb was the only thing they can do, kasi they expect na mapapaiyak nila ko which I never did, is so much desperate. When the sem was still on-going, I would saw them on the campus then I will stare at them pero sila will act like they never saw me kasi we used to be sort-of friends kaya they know pano ko maging kaaway and I know they fear that if I would come after them and ma-caught off guard sila cause they wouldn’t know how to react eh sure mapapahiya sila sakin. I remember when there was this time na I was looking for them to confront (kasi this one minion was not answering my pm to her when I asked her kung may prob sya/ sila saken, not even seen the msg) tapos you know na nagtatago talaga sila cause kapag nakita nila ko on the stairs bigla na lang silang magddisappear so I could not go after them is tickling my heart how coward shit btches they are tapos when I approached them inside the room their leader didnt want to talk to me and sinasabi na magllunch daw sila??? Lol gurl yun reaction nyo non sobrang funny kasi super natatakot kayo and her minions there were acting to minding their own business pero guess what makikita mo magpost and magccomment sa isa’t isa sa fb and twitter feeling almighty and kala mo talagang nadadarag nila ko when in fact ignoring me and parinig at socials were the only best way they can do. Para kang nanunuod ng comedy show sa mga to eh. Joke time always. Silly how your minion look after you so much, and sobrang badass btch yung image mo sa kanila pero when I saw you face to face di ka man lang makapag eye contact? Screams bullshit. Namimili talaga sila ng mga kaya lang nilang itarget and iintimidate and obvsly I ain’t one of em. Their leader even blocked my parents, my boyfriend or even my bestfriends and of course me sa page nya tapos magppost sya ng shit post about me ng naka friends yung audience? Gurl, you think I’m threatened? Kanino moko napahiya? Sa angkan nyo? Dlsud community? Sa mga kabatch natin? Hun, let me enlighten you by saying I never give a damn care. Plus, even if you did that naman, they could still see my stories having fun and partying so sino loser? I wish you posted it public tho, so you’ll know pano hinandle ng tatay ko yung case para napahiya kayo. Pero again you didn’t, cause ofc lakas lakasan kuno ka lang naman talaga. You even made up stories sa mga replies mo sa mga nagccomment sa shit post mo. Nasigawan daw ako ng prof kaya ako nag aattitude which I wasn't naman talaga and pano ko masisigawan sa dept? Get your fact straight gurl. Sa sobrang gusto mong magmukang mas mataas saken, you’ll do desperate move such as telling things that didn’t happen. Poor poor thing — literal.
When that shit didn’t affect our nerves, you be friends with one of the girls na ghinosting ng boyfie ko that you know I rly hate. Kasi nga diba we are sort-of friends way back kaya you guys heard my rants about that ugly thing. Kasi bat di ako maiirita dun? Gurl, di ka maganda which I know you know too, or you are not even to consider a threat sa rel namin kasi diba gurl iniwan ka ni Ren kasi ayaw nya na sayo? Did he ever tried to win you back? Diba hindi? Diba when he still tryna date you, nilalandi nya na yung gurl na classmate nya so sabay kayo? And diba when you are guys dating ikaw yung nagppay para sa food nyo or pati pamasahe pa ata? Diba ikaw pa yung pumunta ng school nila kasi ganon ka kadesperado for ren? Even his college friends told me that. So pano ka magiging threat when he never loved you in the first place? He just dated you for fun, for boredom so gurl use your brain. Who do you think you are??? May sinabi sya sayo? Naniwala ka? If he rly meant those words, sana pinursue ka nya kagaya ng pagppursue nya saken whenever I shut him off my life. The thing that irritates me is the fact that you still tryna get your presence sa buhay nya. I remember checking ren fb bago palang kaming magjowa non tapos when his tropa will comment sa post mo na niyaya ka lumabas, gustong gusto mong isama si ren diba? Always yon. But you never heard anything from me that time. Diba kahit you know that I exist, you still chat just anytime you want feeling still friends with him? Like gurl, alam kong walang pumapansin sayo, nasa aura mo naman and obvious pero puta respeto wala ka? And no matter how many times ren change his phone number diba natatawagan mo parin by asking his tropa about it. Para saan? Tapos I remember when ren made twitter acc which you and I followed each other way back, kung di mo ko talaga iniistalk how would you know he have acc na finallow mo pa kung di mo tinitignan mga nagrreply sa tweets ko? Meron pa ngang instance when you will read convos i tweeted na kahit naka sticker yung other part ng msg dinidig mo pa. Stalker much? Idol moko? Gusto mo autograph? So tell me, are we really dragging you into our fights? Cause obviously dumbass, you the one to put yourself into it. And with that i hope you get back to your senses kung gano ka kadesperado bago ka mag aso samen ng ganyan.
Back to my fake friends being friends with this trying hard, they get her to be one of their minions lol and syempre this dumbass agreed naman cause what to expect sa mga ganyan tao na nagccrave to be one of squad para mapansin. Then this gurl naman made an issue na sinisiraan ko daw sya? First things first. Gurl, are you even real? If sinisiraan mo yung tao that is cause diba you want someone go down? And WHY WOULD I WANT YOU GO DOWN WHEN YOU ARE NOT EVEN WAY ABOVE ME OR AT THE SAME LEVEL WITH ME IN THE FIRST FCKING PLACE? Damn, you out of your low iq level mind. And just guess what, for the nth time ren change his number syempre ikaw malandi ka kahit may bf kana tinawagan mo bf ko para umiyak telling him I was making dummies and telling you things. Diba you told him pa nga na isusuplong mo yung case na sinisiraan kita kasi akala mo kakampihan ka nya pero di sya naniwala sayo tapos SABI NG BOYFRIEND KO KUNG TALAGANG TOTOO YON DALHIN NIYONG DALAWA SA KORTE TAPOS IDAMAY MO SYA HANDA SYANG MAKULONG FOR ME and you another coward existing btch told him you didn’t want it go futher than that kasi gurl ineexpect mo lang na sabihin ni Ren na baka nga ako talaga yung gumagawa non but poor you he never bought your make up stories. Tapos ren told me about it, he was even the one told me that you seem to know my fake friends whc we didn’t know that time na minion kana pala nila (you see how your only mutual connection is me and how desperate you guys to force into one to bring me down is so ridiculous and so much effort exerted on) and nung ako na yung tumawag sayo for us to settle your probs with me kasi you are putting my name and assuming me to do you wrong which you keep denying when I was asking you, I was asking your receipts of screenshot pero wala ka namang napakita and wala ka talagang masabi when it was me talking to you diba? Gurl, I specialized analytics. Common logic lang yan which you don’t have. If the msgs you received really affect you and you really have receipts which you can claim that it was rly me cause sabi mo sa msgs sayo the dummy talks about the baby ren and I had, DIBA DAPAT PINASCREENSHOT MO SA MGA FAKE FRIENDS KO YUNG RANT KO SA GC NILA ALSO ME TALKING ABOUT THE BABY WE HAD AND USED IT AGAINST ME AS KATIBAYAN? PLUS BAT OUTSIDE MO GUSTO ISETTLE YUNG CASE WHEN IN ANOTHER FACT, YOU SHOULD KNOW THAT I AM STILL ENROLLED TO THE SCHOOL AND MAS MASSETTLE AGAD YUNG CASE IF YOU BROUGHT IT TO SWAFO??? ARE YOU JUST THAT DUMB OR TALAGANG WALA NAMAN KASI TALAGANG GANON THING AND YOU JUST MADE THAT UP KASI GUSTO MONG MASIRA RELASYON NAMIN AND GUSTO MONG MAFEEL ANO FEELING NG MAY HATER KA KUNO???? I think aug pa ko nag iintay dito kasi sa sobrang tanga ng naisip nyang move to know who tf was msging her na itrack yung ip ad lol srsly the most dumbest action i know when there are alot of alternative you can do IF YOU REALLY HAVE THE MONEY whc obv she didn’t have kaya nagppoint lang sya ng tao wtf and even posting it out publicly eh nagmmuka ka ng naghahakot lang ng attention btch, ang lakas pang magsalita kung hangang saan nya kaya dalhin yung prob nya na up until now walang nangyari. Nasan na yabang mo gurl? Can u even afford ba the lawyer huh? Or baka naman you made dumb move as expected and sa mali mo nadala yang kaso mo? Hahahaha ano seek for your leader advice kasi sobrang nakakatawa ka lang sa pinag gagawa mong pagpapansin na kala mo talagang may dadarag sayo. Put you down? Gurl your level is way deeper than hell so bat pa mag eeffort diba? Magpaka bait na lang kayo ng umangat angat naman kayo kahit konti.
You gurls know naman na I am a smart kid. I aced logic and analytics on college so wag nyo ko pinapaandaran ng mga katangahan nyo kasi I can prove na hindi yan totoo— kayang kaya kong tapalan ng truths yung mga butas sa kwento nyo. Nakakatawa na lang talaga yung mga paninira nyo eh. Kasi kapag pinagtapat tayo, walang wala sa itsura ko nasisiraan ko kayo. I never shop at cheap online shops like lazada or shoppee for cheap over run f21 hm clothes. I never have to go to megamall sale para lang bumili ng damit. I never have to wait for black fri sale just to buy make up. I never have to let my bf starves para lang bumili ng fake make up sa baba which is hindi ko gawa gawang kwento cause it’s one of your born-again minion told me that na naawa sya sa bf mo lol. Never did I get lower than 1k allowance a week. I never have to wait any padala from any abroad kamag anak to pay for my tuition fee. I never have to work partime as a crew cause my parents don’t see the need of me working while studying. My bf never let me experience pay for his gas or for our dine out ever since. Hindi ko rin kailangan maging fubu ng guy na kino consider lang ako as friends para ibili lang ako ng sale items sa f21 lol. So guys, anong meron kayo na dapat kong kainggitan? Diba wala? Diba it was you guys writing letters about me going somewhere with my friends, or partying with them almost everyday or even the out of town trips me and my bf have even the school is on going? Wala kayong ganon no? Di keri ng allowance? Kaya ba silantro or buffalo na lang na 300 good for two so wampipti hatian? Or homemade samgyup that is wampipti per head din? Or affording buffets na basta may 1 paying adult free na yung bday celebrant? Hays. Kung alam ko lang na ganon ka-big deal yon sa inyo edi sana I keep you on my ig edi sana you witness also the vacay trips our fam have, shoppings, the casino trips and ticket we getting for our future plans before my graduation? Hays sayang. Mas kaiinggitan nyo yung mga ganaps ko sa life now.
Lord, heal their insecure hearts. Kaya po sila nagkakaron ng mga bad experiences sa life, breakdowns, being in a guy not committed to the thick face minion or a bf na inaundervalue yung overbite teeth minion, I know it’s all cause of their black heart that I wish You turn to a good one po. Kayo na bahala sa mga to, Lord.
1 note
·
View note
Text
i want to try but i can't.
even gusto kong manood ng movies or even reading books na romance. as in romance talaga na mapapaiyak ka na lang. gustong-gusto ko. but i can't, dahil masyado akong emosyonal na tao. ayokong maiyak. dahil jusko kapag once na umiyak ako. eh, tuloy tuloy na yun. kaya ito. yung mga pinapanood or binabasa ko halos hindi romance. boring ba? pero kasi. hirap kasi sa dibdib ng masyadong na emosyon. bastaaaaaaa. iba kasi sa feeling. ayoko lang makanood or makabasa ng mga ganun.
6 notes
·
View notes
Text
Kapag malungkot ako apektado lahat. Sobrang tamad ko kumilos, makipag usap. Feeling ko sobrang nag iisa ako. Gusto ko lang lagi nakahiga then yung feeling na bigla bigla ka na lang mapapatulala then mapapaiyak ka sa sobrang bigat ng pakiramdam mo. Di mapigilang magemotional breakdown paminsan. I can't even handle myself. Fuck life.
6 notes
·
View notes
Text
Haayss bigla nalang magkaka runny nose, masakit na katawan at feeling pagod at kulang sa tulog kahit kakagising lang. Di'ko na alam kung bakit ganito na katawan ko. Bilis ko na rin makalimot, alam mo yun parang di'ko na mapakinabangan ng maayos sarili ko. Dami ko gustong gawin then maya maya malilimutan ko na kung ano ba yung dapat kong gawin.
Dala lang ba ito ng stress at pagod? Di'ko alam. Pero minsan mapapaiyak ka nalang kase paramg ibang tao kana, ang bilis mag init ng ulo mo and one of my friend say na dahil daw sa stress yun kung bakit nagiging mabilis mairita.
Sabayan pa ng modules. Tambak na gawain ko diko masimulan.
May 25,2021 Tuesday 11:56pm
0 notes