#maga na naman eyes ni ate girl
Explore tagged Tumblr posts
Text
the aftermath
"It was so painful, I started crying about it to my mom."
Hindi ko inexpect na aabot na ko sa point na yon. I felt better after crying tho. Sabi ko kay mommy ayoko pag usapan kasi ayoko talaga. I avoid it as much as possible. I write about it in my diary kasi my therapist asked me to saka I feel like it kinda helps but if possible, I don't talk about it.
Pero salamat kay Lord, may mga friends akong ready makinig and even mom. Di naman sya nakinig. More like pinagsabihan ako on what to do with it.
There are so many things I can't do after the breakup which I think, it will take time for me.
I can't go to the places we used to hang out or eat for the past years we've been together. Hindi ako makapunta ng Marugame Udon, CBTL, and Burger King sa Sta Mesa bc that's our spot. Sa SM Sta Mesa nga, hindi ko rin magawang tumagal. Had a panic attack, and I had to calm myself before the meeting last Saturday.
I can't listen to music that will make me sad kasi nga ayoko malungkot. May choice ba ko? Wala. Malulungkot at malulungkot pa rin ako. It will hurt until I don't know when. I guess I have to let the wound hurt until it heals on its own.
He always reminds me of so many things. I guess it will be like this until I don't know when.
I guess I really have to go through this and wala naman akong choice.
Thank you for everything.
0 notes
Text
I hope this will be my last post about you, Zaido. My Zaido, my Boss, my Bossywap, my Boy, my Bebe Boy.
Just want to tell everything happened when we went to Siargao last July 30 to August 2, 2019.
I was with Zaido, and our officemate Echo and with his other tropa AJ and Isko. Yes. I was the only girl. Not issue with me because I am always one of the boys. Sabi nga nila, sila daw ang F4 and ako si Shanghai. ๐๐
Nothing special happened on our first day. Echo picked me up with his car near our house, and then diretso SM north para sunduin naman yung tatlong kumag. Sa front seat ako umupo and si Zaido sa middle. Ayun, nakikinig lang ako sa usapan nila and that I confirmed na talagang sumasama sya at nagpupunta sya sa mga Spa na may extra service. Hahahaha kakagigil yun. Pero okay lang. Then we went to Clark, dun kasi yung flight namin. Kumaen dun. Then pagkadating sa Clark, I forgot to give him mentos. Nabigyan ko lang si echo. Para pang timang yun nagcharge cellphone dun tas ako yung pinapatignan. Ayun. Sumakay sa plane pero di kami tabi. Babae katabi ko. Pero lumipat din, madami kasing vacant seats. Katabi ako ng bintana. Sobrang ganda talaga sa taas ng airplane and the view when we were near to land, Hanggandaaaaa. ๐๐ Hangganda ng Siargao. โค๏ธโค๏ธ After that, sumakit tenga ni Zaido, tas parang di na sya okay. Tas nahirapan pa kami kontakin yung pagstayan namin. Hahaha Yun pala nasa labas lang yung sundo namin. May mga nakasabay pala kaming magagandang bagets sa plane and he keeps mentioning to Echo na Sino daw swerte sa kanila para may makatabi na isa. Hiwa hiwalay kasi kami ng seats. Naimbyerna ako marinig. Hahahah.
Dumating kami sa Siargao na maaraw. Sabi ko sa kanila punta kaming cloud 9 for sunset. Kaso natagalan kasi wala pa yung ibang motor na irerent. Tatlo kasi yun. And nagsibihis na kami. I wore a denim short. Maiksi. Hahaha tapos inupuaan nya ko na parang sinasabing takpan legs ko. Hahaha. tapos kinukurot ko sya, sabi ni AJ wag daw kami magharutan baka kung ano daw isipin nila. Hahaha. Then nagpahilot sya sa may tenga. Buti nalang may dala akong first aid kit. May efficacent oil ako then I give him Mentopas. Sabi pa nya bat daw di ko sya binigyan ng mentos sa plane, di sana sumakit tenga nya. Nagsosorry ako. Ayun. Minasahe ko sya. Hahaha namiss ko yun. Minamasahe ko din kasi sya work dati. Then after that dumugo ilong nya. Panic mode si ako. Pero umokay tenga nya after that. Pero nakakalungkot yung tumawag sya sa Mami nya and he was telling about his ear problem, di nya minention na hinilot ko sya. Hahaha sa bagay di pala alam na may kasama silang girl. So ayun. Sabi nya kasi before pa ng trip, wag daw ako sa kanya umangkas kasi baka daw masemplang kami. Kasi ilang beses na sya nasemplang. So kay Isko ako umangkas. Namalengke kami then kumaen sa Mama's Grill with Mae, pamangkin nung may ari ng pinagstayan namin. Di pala kasama kumaen hinatid lang kami papunta dun. Type ni Isko si Mae. So ayun, masaya naman kaming kumaen, hilig Lang talaga mang asar. Tapos sila puro sipat sa paligid. Naghahunt ng chix. Hahaha. After that nagwait kami sa makakasama namin sa bar, mga co-teacher ni Tita Asteria yung may ari ng pinagstayan namin. Then yung dumating, nag road trip na, before pala kami kumaen nun nagbar hopping muna kami. E masyado pang maaga wala pang tao. So ayun. Sumakit legs ko, sabay sabi nya, "Oh, Ano? Masakit dba? Bat kasi nagmaong short ka." Hahahaha. Then nagpunta na kami, may entrance na 60php, then may free drinks. Rumcola. Hahahah dko trip. Napabili nalang kami Pilsen. Tapos sya, he always sits beside me. Lagi pang nakadikit sakin. Hahaha pero yung may mga sumasayaw na sa bar, sumayaw sila at naghunt ng chix. Si AJ, naiwan. Wala daw sya sa mood. Hahaha ako pa sinisisi. Si AJ naman, madali ko ding nakasundo. Nagpamasahe din sakin. Even Isko naman. Magkakaugali kasi sila ni Zaido. Hahahah. May time na naiwan ako mag isa sa table, tapos may tumabing mga foreigner. E nakiupo lang naman. Tapos si Zaido, kita agad. Inasar pa ko tapos pinagkalat pa kila Echo. Tapos pumunta na sila sakin tapos umalis yung mga foreigner. Hahahah tapos iniinterview ako ano daw sabi sakin. Hahahah gago. Kala nya naman magpapalandi ako dun. Sabi ko nakiupo lang, tas sabi pa "Magdadamoves yun kung di kami bumalik."
Tas dun namin sinalubong yung bday ko. Hahaha Wala naman silang ginawang special. Mga 2am na kami nakauwi. Naiwan si Isko at Mae. Hahaha dumamoves si kuya. Kaya kay Zaido na ko umangkas. Tapos sinasabi nya dun wala daw syang bagong girl, niloloko nya lang daw ako. Sinabi nya kasi before our trip may bago daw nagpapatibok ng puso nya. He sent pictures, snippet of a girl's eye. And I know that was his girl bestfriend. But he keeps on denying it. And I also said na si Elaine yun. Pero dinideny nya. Hahahah tapos alam din nila AJ na may bago syang girl na kinababaliwan kasi di na daw sumasama sa kanila magbar. Kasi paulit ulit nya pang sinasabi na good boy na daw sya. Hahaha tas minention ko si Elaine kila AJ. Tapos nagagalit sya. Tapos yun nga, dinedeny nya. Si Elaine nya ay nasa AU na and working and studying dun for 2 years. And he mentioned before na magkakagf sya ulit after 2 yrs. So I thought talaga si Elaine yon. But hindi daw.
And then morning came, napag usapan na gisingin ko sila maaga. Pero tulog na tulog ang mga kumag lalo na si Isko. Hahaha late na umuwi e. Magkabilaan pala bed namin ni Zaido. And pag nakahiga kami, magkaharap. Baliktaran ganon. So nagsaing ako and usapan kasi sila magluluto. But nag offer si Tita Asteria na sya nalang. So sya na nagluto, tumulong lang ako. Hahaha. So yun, nagising silang may pagkaen na. Minention ko naman na di ako yung nagluto. Hahaha. Bali ako din pala taga labas ng pera at tagalista ng gastos para sa hatian. Hahahahah tas yun. Nagpunta na kami sa Magpupungko. All throughout the ride kay Isko ako nakaangkas kasi malayo yung byahe. Tapos naiiwan si Zaido. Hinihintay hintay namin sya. Si Isko kasi kaskasero, sobrang bilis magpatakbo. Ako yung nakagoogle map para guide sa daan. Nagkakarera si Isko at AJ. Hinahampas at inaawat ko lang si isko. Tapos tumitigil tigil naman pero continue lang sya. Pagkadating sa Magpupungko, hangganda. Nagpicture taking at video. Hahahahha. Kukulit nila. Tapos nagpunta na kami sa pool sa gilid. Lusong agad sila Isko at Zaido. Si AJ naman nag ayos ng gamit. Kami ni Echo umihi muna. Tapos nagvest ako kasi malalim daw. Tas sila Zaido, langoy lang at tumalon pa sa cliff diving spot. Enjoy sila ni Isko. Ako team gilid na naman. Though kinakausap ako ni AJ. Hahaha nakakatawa nga kasi magkaugali talaga sila ni Zaido. Mahangin din at GGSS. Hahaha. Tas nandun din yung mga kasabay namin sa plane na mga magagandang bagets na nakabikinis pa. Tapos sinundan nila Zaido at Echo, aayain nila magbar. Mga haliparot talaga e. Imbyerna tuloy si Ate mo. Tas namention ni Zaido bat daw di ko hubadin top ko. Nakabikini bra din kasi ako pero syempre shy ako. Hahahah colorful kasi sya. Naano nga ako, kasi sya lang nakahalata. Hahahah tas nung nagpapicture pala ko saknya, may isang beses dun na natawa sya. Pero okay naman mga kuha nya. Hahaha. And then umuwi na kami. Ang bilis namin nangitim. Lalo na si Isko. Ayun. Roadtrip ulit at nagkarera na naman si Isko at AJ. Hanggang sa nabadtrip nalang ako at di na nagsalita. Tapos napansin naman ni Isko, tinatanong ako kung okay ako. Sinasabi ko okay lang pero cold. Tas sinabi nya kay Zaido. Tinatanong din ako kung okay lang ako. Tas Sabi ko okay lang pero di ko sya nililingon. Di ko sya tinignan. Hanggang sa nag offer sya na lipat ako sa knya. E alam kong mawawala inis ko kaya sabi ko wag na. Hahahah. Para mafeel talaga nila. Hahaha. Tas hanggang pati sina AJ tinanong na ko. Sabi ko okay lang, hanggang sa sinabing magsmile na daw ako. Hahahah. Bat daw kasi ang tahimik ko, di daw sila sanay. Hahahaha. Leche. Tas Yun napasmile na ko. Tas sinabi ko na kung bakit. After that, bumili kami lunch then nagpunta sa bangkero for island tour the next day. Nagbayad 1k for down. Tapos sabi ni AJ, bat daw kahit nainis ako kay Isko sakanya pa din ako umaangkas. Sabi ko kasi sabi ni Zaido. Tapos parang nasabi kong sinabi nyang mas magaling si Isko. Tapos parang nang asar si AJ. Tas nabadtrip si Zaido. Sabi nila sakin lagot daw ako. Hahaha. Kasi humarurot si kumag. Sa loob loob ko, sya naman nagsabi na wag ako sakanya.
After nun, naunang umuwi sila Echo at Isko. So kay Zaido na ko umangkas and namention nya ngang di ko daw maaawat yun si Isko at ganun daw talaga yun pag magdadrive. Kahit daw sila Daddy nya, di daw yun maawat. Pagkabalik, kumaen, naligo at bihis. Nagpahinga. Natulog sila. Ako di nakatulog kasi nalulungkot ako. Kasi nafeel ko na naman na di ako special. Naging parang katulong pa nila ko dun. Though di ko naman hinayaan na ako lahat. Bumalik lahat ng past heartache ko. Na ganun talaga treatment ng mga lalaki sa hindi kagandahang mga babae. Haiys. Iniyak ko nalang. Hahaha kasi wala talaga silang ginawa for my birthday. Though di naman talaga ko nag expect. Pero nakakalungkot pa din kasi di ko talaga ramdam na bday ko. Hahaha. Tas un nahalata ata ni Zaido kasi maga mata ko then namention nya nung nasa cloud 9 na kami na di daw ata ako nakatulog or parang sabi nya saglit lang daw ako natulog. Tas parang malungkot sya. Mga posing nya sa picture taking emotero. May isa akong kuha na pinost nya pero hinide nya. Tinanong ko yun sakanya kasi nagcomment daw ex nya. Yun. Pagkauwi kumaen, nagluto silang isda. Isdang durog. Hahaha tapos kami ni echo naghugas. Tapos kilala ni echo yung new girl ni Zaido e. Pero ayaw din nya sakin sabihin. Si Zaido nalang daw magsasabi sakin. Tapos tumawag yung bangkero. Nagkaproblem daw regarding new policy sa tour. Affected daw silang mga bangkero. Then buti nalang sa cloud 9 may nagbigay na leaflet ng island tour. Then kinontak ko at okay naman kila Zaido kaya kinancel ko nalang yung Sa bangkero pero need daw yung resibo for refund e naiwala ko. Dko maalala kung san ko nilagay. Tapos di man lang nila ko tinulungan bwinisit pa ko kasi pinapabukas ko mga compartment ng motor tapos ayaw nila. Nasigawan ko pa si Zaido. Kasi pano daw mapupunta yun dun. Nainis ako. Dko sila masyadong kinausap though tanggap ko namang lilipad nalang yung 1k ko kasi at fault Naman ako. Nakaearphones lang ako ayoko silang marinig lalo na si Zaido kasi before that naimbyerna na ko saknya kasi nagkukwento sya dun sa bago nyang friend sa work na may jowa. Na may chance daw kung walang jowa. Tapos dami pang binabanggit na babae. Hahaha. So ayun. Nagsibihis sila para makapagbar. Nagsabi akong maiwan nalang. Tapos sya huling lumabas at kinausap pa ko bat daw dko sya pinapansin Sabi ko di ko sya naririnig Kasi nakaearphones ako. Tas tinanong Kung okay lang ako. Sabi ko okay lang. Tas umalis na sya. Though nalungkot ako. Haha. Buti nalang kachat ko si Jabi tapos yung iba pang bumati for my bday. And I posted a picture with bday thank you message. Daming comments. Tas nagpahinga din ako Kasi pagod ako at puso ko. Hahaha tska tinatakot din ako ni Jabi. Tapos nagising ako, 2hrs din ata ako nakatulog. Andun si Zaido. May kausap sa phone. Sabi nya sa kausap nya "Alam ko namang nag aalala ka." Tapos naggoodnight nung nakita akong nagising. Hahahah. Binalik nya yung 1k na refund. Kinuha daw nila. Mejo natuwa pero mas nangibabaw yung inis dahil sa narinig ko. Tas tinanong ko bat sya lang mag isa bumalik.
Tas sabi nya, Good boy na daw kasi sya. Loyal at faithful na daw sya. Sabi ko oo, sa bago mong jowa. Tas sabi nya, "bagong jowa, if only. If only I could bring back time I will choose to love you. Only you." Tapos madami pa syang sinabing dko na naabsorb kasi sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi para syang nagkoconfess sakin. Tapos bumubuntong hininga pa sya tapos sumisigaw sigaw pa na parang hirap na hirap syang magsalita. May "Wooh, diyos ko." Tinatanong ko nalang kung kanta ba yung sinasabi nya. Tas kumanta sya ng forevermore at Fallin'. Tas bigla nya tinanong kung alam ko daw ba yung feeling ng may mahal ka pero di mo masabi. Sabi ko oo naman. Tapos tinanong ko bat di nya masabi. Di daw nya masabi kasi gusto nya sigurado na. Gusto nya buo sya pag sinabi nya. Tapos tinanong ko kung pano pag naunahan sya ng iba, sabi lang nya edi hindi daw sila para sa isa't isa. Tas yung kinikilig daw sya pag kausap yung girl. Masaya daw sya pag kasama yun. Tas yung okay na daw syang panakaw na tingin Kay girl. Tas tinatawanan ko nalang sya pero yung puso ko that time. Jusko. Hahaha. Tapos tinatanong ko kung sino yung girl. Wag ko na daw alamin, masasaktan lang daw ako. Tapos sabi ko masakit sa ulo yun. Inlababo talaga sya sabi ko.
Sinabi ko nalang na nagugutom ako hanap kami pagkain. Hahaha ayaw naman nya sarado na daw mga tindahan. Pagtapos nun dna ko nakatulog dahil dun sa mga sinabi nya. Pero gutom din talaga ko. Kaya bumaba ako at nandun sila Mae at Isko kaya sabi ko bili sila food. Bumili naman sila. Hahahah. Ayun di talaga ko pinatulog nun. Pagtapos nun umaga na. Tour na namin. Tapos yung 1600 na usapan naging 1900 sa bagong policy. Umokay nalang kami kasi andun na. Sa bangka namin, tinabihan ko sya. Tas kinakausap naman nya ko. May time na sumandal ako sa likod nya tas maya maya umalis. Lumipat sa harap. KJ. Hahahha. Ayaw nya siguro asarin kami.
Tapos pagkadating sa isa pang bangka, Ang papansin nya. Hahaha. Nagbivideo sya tas palaging ako sinasubject. Tapos pumunta kami sa isang cave, nagpicture lang dun. Tas yung sa isang cave na may akyatan tapos tatalon sa diving spot. Pinapauna ko sya kasi yung paglusot dun kasi yung mga nauna saming nakabikini pwede ng silipan. tas ayaw nya, bat daw sya mauuna, tas kinakalabit ako. Hahaha. Tapos hinika ako sa loob kaya nauna kong umakyat. Tapos tumalon na sila isa isa. Tas ako kasi hinahabol pa din hininga pero pagkakita ko sa tatalunan Lalo kong hinika at kinabahan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hahahah tas sinasabi ko pa kay Zaido, dun lang sya. Tas sobrang natatakot talaga kong tumalon kaya sabi ko sa guide sabay kami. Hawak kamay. Sumabay naman sya. Nakatalon ako. Tas inabangan agad ako ni Zaido. Tas nayakap ko sya. Pero sinasabi nya muntik ko na daw sya lunurin. Hahaha. Tapos ansakit sa hita. After that, bumalik na tapos naglunch. Pagkalunch, pumunta na kami sa waiting area at pila for jellyfish sanctuary. Then by twos lang pwede sumakay sa isang bangka. Si echo nagsabi na kaming dalawa. Then nauna kami. Pagsampa palang, kumakanta na sya ng "Tayo nalang dalawa, tayo nalang magsama." Tapos sumisigaw sya ng "I love you, Mahal kita, kahit di mo alam."
Tapos talagang sumisigaw sya ng paulit ulit. Masaya daw sya dko daw ba nakikita twinkle sa mata nya. Tapos di sya sakin makatingin ng diretso. Naiimbyerna na ko na kinikilig. Sabi nya she gave meaning to his life daw. Gagawin nya daw lahat para kay girl. Tapos kakaiba daw sya sa lahat ng babae. Sabi ko kakaibabe. Tapos pag tinatanong ko kung sino ba talaga yun, imaginary Lang daw nya. Pero pati bangkero dinamay nya tinanong din nya kung alam din daw ba ni Manong yung may mahal ka pero di mo kayang sabihin. Tapos sinasabi nya kasi parang pag nagkajowa sya gusto nya kasal agad. Yung naexperience na daw kasi nya yung matagal na relationship. Tapos tinanong ko bat ba di nya masabi kasi nga di pa daw sya magaling. Di pa daw sya buo. Gusto nga daw nya ibigay lahat kay gurl kaya dapat buo sya. Tapos sinabi ko din na nanggaling sa kanya yung ang lalaki pag may gusto, gumagawa kaagad ng moves. Sabi nya gusto daw nya kasi baguhin yung style nya. Pagkadating namin dun sa jellyfish sanctuary. Naiilang pa din ako kasi nagpaparinig pa din sya. Yung tungkol sa malaki at maliit. Yung sakanya daw kasi maliit pero incredible daw kaya daw gusto nya. Tapos yung nagpapapicture sya sinabi ko ang pogi. Sabi nya "Oh sasagutin na ko nyan." Tapos feeling ko ang sweet namin dun. Though may times na inaalalayan nya ko may times na Hindi. Tapos parang ayaw nya magpicture kaming dalawa.
Sabi nya para daw di makita ng girl nya na may iba syang kasama sa picture. Napaisip din ako dun. Pero yun ang sweet namin nung naghahanap kami ng jellyfish tapos hawak kamay kami ganon. Hahahaha. Pota. Kinikilig ako pag naaalala ko. Lol. Tapos yun, pagkabalik, sigaw na naman sya. Tas dun ko natanong yung iba na namention ko na kanina. Sinabi nya din sa parinig nya na hintayin sya for 2yrs. Wag na daw yung gurl dun sa isa. Mahal naman daw nya yun. Tapos kumakanta sya na parang inspired na inspired. Sinabayan ko nalang tapos feel na feel namin. Ansaya namin pakinggan actually. Hahahah. Haiys. Tapos island hopping na after. Natulog sya sa bangka. Tapos picture picture sa Naked Island. Ganda don. Swear. Sana pwede magstay dun. Tapos nakakita kami ng pawikan. Kaso may sugat kinuha ng bangkero namin tska hinagis namin sa gitna ng dagat. First time ko makakita nun. Tapos may time dun na tinuro sakin ni Zaido yung sunset. Tapos minyday nya. Hahaha. Tapos pinicturan ko sila. Kucute nila. Ampopogi. Hahaha pero pinakapogi Bebe ko. Tapos yung dalawa naming kasama sa tour, close na namin. Kakwentuhan na namin. Tapos tinatanong bat daw ansungit ni Zaido. Hahaha tapos natanong pala sakin ni AJ, na bat palaging mag isa kumakaen si Zaido. Sabi ko lang kami dati palaging magkasama tapos Sabi ko after that nagpapakaloner na sya. Nagtaka din ako pano nya nalaman. Hahaha. Dko na naitanong.
Inaya namin yung dalawa na sumama samin sa bar. Namalengke muna kami ng iihawin kasi Sabi nung dalawa kakain sila samin. Pero di natuloy. Pero nag ihaw pa din sila. Hahaha. Nagsaing Lang ako tas sila na nagsiluto. Before that, si Zaido, diko sure Kung eto yung una or pangalawa. May pinatugtog syang kanta. Ang emo. Pero ang title ay "Kasama". Eto yung konti sa lyrics "Salamat at dumating ka sa aking buhay, ikaw ang nagbigay sa mundo ko ng kulay." Kumanta pa sya sa labas ng kwarto. Sabi ko pa may kinakantahan ba yun. Wala naman pala. Tapos nagsiligo at bihis na kami kasi magbabar kami sa last night. Inaya ko si Mae. Parang kahit tinatamad na kami nakakahiya sa dalawa naming ininvite. At Kay Mae. Nabuhay si Isko kahit antok na antok e. Si Zaido din nakaidlip na. Pero ginising ko. Sabi nga ni AJ wag ko na daw pilitin, pag ayaw daw nun ayaw daw talaga. Nakapunta na kaming bar sa kanya ako umangkas. Tas nakatulog na daw sya talaga nananaginip daw sya na nasa dagat pa din sya tas bigla daw nyang narinig boses ko.
Pagkadating, si Zaido may katext tas maya maya may katawagan na sya at lumabas pa. Tas sabi sakin ni AJ, dapat daw kasi talaga di ko na yun pinilit kasi ganun daw yun pag ayaw talaga. Tapos mejo natagalan na ko kasi nawala sya bigla. Hinanap ko, waley. Sabi ko Kay AJ. Baka umuwi na nga, na nagrereport siguro dun sa girl nya tas umuwi na. Tapos Maya maya dumating sya. Tumawag daw si mommy nya. Lumabas na daw result ng lab ni daddy nya, may vertigo na daw si daddy nya. Tapos nagwoworry sya at si Mami nya. Tapos nagpunta na silang dalawa ni Isko sa bilihan ng alak. Tas Sabi ko kay AJ najudge namin si Zaido. Na nakokonsensya ako. Hahahah tapos yung kumag na AJ sinabi kay Zaido. Kakainis. Nahiya tuloy ako. Tapos yun. Sakin sya tumabi. Hanggang sa dumating yung dalawa. Si Dane at Bads. Tas nagdaldal na yung Dane Kung ano ano na sinasabi nagmumura pa. Tas nagtanong pa kung nagwiweeds daw ba kami. Tapos dko na sila trip kausapin that time. Pero ayokong may naaout of place kaya kinausap ko si Mae pati si Bads. Busy kasi si Zaido, AJ at Echo kay Dane. Tas inaya ako ni Mae bumili alak. Pagbalik ko nasa upuan ko na si Bads. Type pla ni Badz si Zaido. Tapos etong Dane Naman sa kanila tapos sinasabunut sabunutan yung Bebe boy ko. Aba. Hahaha gigil ako e. Lol. Napansin ni AJ iba itsura ko, sabi nya Kay Zaido "Mukang nagseselos Bata mo dito." Sabi ko lang halah. Bago pala Yun nung kumakaen kami, tas namention ni Mae kung gusto daw ba nya masahihin nya si Zaido, Sabi ni Zaido "Si Rej lang nagmamasahe sakin, baka magselos." Sabi ko lang, luh.
Tapos nung nag iinom na, bago ako agawan ng upuan ni Badz, pag tumatawa si Zaido, nakasandal ulo nya sakin sa balikat ko. Tas ang dikit nya sakin. Tas nung nalipat na ko ng upuan ineexpect ko lilipat sya sa tabi ko. Pero si AJ ang tumabi sakin. Then parang nag uusap ata or asaran ata kami ni AJ non biglang sinabi ni Badz na cute daw naming dalawa, bagay daw kami. Tapos react naman si Zaido, ano daw ba, Kaya ko daw ba si AJ. Nairita ko. Swear. Hahaha tapos si Mae, alagain si Gaga. Hahahah andaldal pa. Inaya ako ulit bumili ng beer. Bumili kami tapos maya maya inaya ako bottoms up daw, edi go. Vinideohan pa ni Isko. Tas napatigil sila Dane sa usap at pinanood kami pati si Zaido, kita kong iba tingin nya sakin dun. Hahaha nakangisi na ewan. Ako unang nakaubos. Tapos ung may nagwiweeds sa tabi namin, nahilo si Mae at nasusuka. Panic mode na naman si ako. Kumuha akong water, pagbalik ko Wala na. Si Zaido at AJ sumasayaw. Tapos si echo at Dane naiwan pati pala si Bads sumayaw. Ako hinahanap ko si Mae, kasama ko isko. Pinuntahan namin sa CR. Tapos pinahatid ko na kay Isko.
Pagtapos nun kahit sobrang antok ko na, nagcompute nalang ako ng gastos namin. Hiniram ko phone ni Zaido pero nalock agad. Hiniram ko nalang yung Kay echo. Tapos antok na talaga ko. Nakakaidlip na ko pero di pa ko tulog. Tapos twice ako binalikan ni Zaido kung uwi na daw ba kami. Tas sabi ko hatid na nya ko. Tapos Sabi ko bumalik sya kasi si echo lasing na. At Wala akong tiwala sa Dane. Kasi nga nagwiweeds ayoko pati si echo magganon. Tapos yun nakwento pa sa daan ni kumag na may dalawa daw silang kasayaw ni AJ na taga Davao. Niyayakap daw sya. Gigil ako. Kaya pagkahatid nya sakin dko na sya masyadong kinausap. Diretso sa taas. Tapos feeling ko natagalan sya. Nag isip pa siguro kung babalik pa sya. Pero bumalik sya. Naimbyerna ako kasi sabi nya sa bangka magpapakaloyal na nga daw sya dun sa girl. Pero humaharot pa din. Walang isang salita. Hahahah
Tapos yun, nakaidlip ako. Nagising ako nung dumating sila. Sinasabihan pa nila ko na dapat daw di muna ako umuwi para daw naitake home ni Echo si Dane. Sa loob ko, ganon na talaga mga lalaki ngayon noh. May parausan Lang. Jusko. Hahaha Sabi ko nga sa knila Sana ginising at sinabihan nila ko, willing naman akong lumabas. Nakakaimbyerna na ewan. Di na naman tuloy ako nakatulog nun. Tapos umaga na. Nag aya lumabas si Mae. Bumili kaming pizza, daming kwento ni ate at Isa na dun na hindi si Isko ang type nya kundi si Echo. Hahahhaa. Tapos nakwento ko sakanya yung kay Zaido.
Well wala ako masyadong matandaan kung nag advise sya. Hahahah. Basta yun. Bnilhan ko yung mga kumag ng pizza. Pagkatapos naghanap na kami mabibilhan ng pasalubong. Tapos si Zaido kasama ko. Kung san san kami tumingin. Tapos nagkakwentuhan regarding last night. Lasing na daw ako. Sabi ko hindi. Inalagaan ko pa nga si Mae. Tapos napag usapan yung weeds. Tinanong ko naman sila Kung may sumubok. Wala Naman daw. Si echo daw kunyari Lang pero di nya hinithit. Tapos natanong ko si Zaido kung bat nasabi ni Badz na bagay kami ni AJ. Hala si koya mo tagal sumagot. Sinilip ko pa muka nya habang nakaangkas ako sakanya. Sabay sabing nagkoconcentrate daw sya magdrive. Tas sinagot na nya ko, Kasi gusto daw sya ni Badz kaya pinapartner daw kami ni AJ para mapunta daw sya kay Badz at hindi sakin. Hahahah matagal kaming naghanap pasalubong. Pagkabalik, nagbili nalang kami mauulam. Pancit Canton tas tuna. Yung 1k na binalik sakin sa refund sinusumbat nila Kaya Sabi ko libre ko sila lunch sabi nila dinner nalang. Umokay naman ako. Bago maligo si kuya mong Zaido kumakanta na naman. Yung Kasama ulit tapos yung Dahil ikaw. "Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko, Ang nais ko ay malaman mo, na mahal kita. Dahil ikaw ang pangarap ng buhay pag ibig ko sayo'y ibibigay." Nung nagtutoothbrush na ko, mas nilakasan nya pa pagkanta nun hanggang sa pati pintuan sa CR kinakalampag nya dun sa part na "Sana ay masabi mo na Mahal mo rin ako." Windang ako besh. Tas nung di pa ko nagtutoothbrush, habang kinakanta yun.
Nakatingin sya sakin. Hahahah. Pota. Kinikilig ako na natatawa kasi di naman sya magaling kumanta. Hahahahah. Jusko. Tapos nagpicture kami for the last time. Tapos Ang haharot ng mga yun nagbibihis sa harap ko. Mga langya. Tapos yun nagpahatid na kami sa van paairport. Tas nananakit sya, nanghaharot. Tapos sumakit pala tyan nya sa Pancit Canton. Tapos nagpamasahe na naman sya sakin. Tapos umutot pa Yun dineny nyang sya. Hahahahah nakakatawa yon. Pero Sabi ko nalang baboy mo boss. Sabi nya di daw sya yon, buksan nalang daw nya bintana. Pagkababa namin, jumebs na naman sya sa airport tapos tong kumag di pala nadownload yung online booking. Nagkaproblem tuloy pagpasok nya. Pinuntahan ko. Tas Yun umokay naman. Dko pala namention yung gabing may tinatry syang iconfess sinabi nya agad na nagreact daw si Quen sa comment nya sa pinost kong picture. Hahaha. Epal kasi nung comment nya. di daw ako nagcredits ng photographer ko. Hahahah. Tas may pinost ako ulit e sya kumuha nun. Sabi ko icredit ko na ba sya. Tas tampo yung mukha. Wag na daw. Hahahaha.
Tapos binigay ko sa kanya yung mentos ko. Buti nalang. Ksi umokay sya sa airplane. Sumasayaw sayaw pa nga. Di nya ko tinabihan kahit Wala akong katabi. Nalungkot ako nun. Tas pababa namin sa plane at sumakay shuttle. Nagmyday sya na pauwi na sya. May kanta pang baby di kana malulungkot pauwi na ako. Feeling ko tuloy para Yun sa girl nya. Tas iniisip ko at inistalk ko pa yung girl bestfriend nya. Ang alam ko ksi ex Yun ni AJ. Baka Kaya di nya kayang sabihin? Pero after that trip nagbago sya e.
Not the usual Zaido I know. I even asked him kung sino yung girl and screenshot the convo we had before our trip. He said he will tell me and even introduce to the girl. Pero seenzone bakla. Kundi ko pa sya ipipiem sa Skype regarding sa pagrefer ko saknya kasi tinanong sya sakin ng recruiter, di pa sya magchachat. Tapos di na kami nagkachat after that. Chinat ko sya Wednesday that week kasi buong Tuesday Wala syang chat. Chinat ko Lang na panoorin nya na yung Hello Love Goodbye. Pag may budget daw. Tapos natanong ko na Kung sino yung girl. I even asked him if I'm the he's talking about. Hindi daw, di nga daw nya masabi dba. Tas pinipilit ko talaga syang magsabi ayaw talaga. Tas nautusan nya pa kong icheck yung trackpants na gusto nya. Nagvideocall din sya sakin para ipakita gupit nya. Pagtapos nun di na kami nagkachat sa Skype for a week. Nagkachat kami sa messenger on the same day because his ex na friend ko, si Quen e piniem ako asking if jowa ko daw ba si Zaido. Then I sent him the screenshots of our convo let him know what I said.
Ako huling di nagreply. Tapos yun nga, di na sya nagchat even sa Skype for a week. Saturday night. Naglive si Isko, nagdadrive si Zaido and they are going somewhere. Tas may nagcomment dun magpapamassage na naman daw yung tatlo. Gigil ako besh. Monday, Tuesday then Wednesday passed ala pa din chat koya mo even sa Skype. Sabi ko Kung din ako yung girl bat iniiwasan na nya ko. I tried to send him message on Messenger. Sineen na naman ako. Dun na ko nadepressed. Umiyak ako. Ng bongga. Even kahit sa jeep. Umiiyak na ko. Sabi ko baka yun talaga gusto nya. Kaya hahayaan ko nalang sya. Tapos Thursday, nagchat na. Regarding edmar. Paresign na daw. Nagulat ako. Na natuwa. Tapos yun ako na naman nagdrive ng convo ksi umiiwas talaga sya. Inaya ko pa magramen. May lakad daw sya. Tapos chinat ko nung Friday. Seenzoned sa Skype. First time nya ko sineen ng buong araw. Ansakit. Sobra. Pero eto minessage ko na naman sya sa FB. Pero cold. Iba na naman sinasabi nya regarding his heart and his wants. Nakakagigil. Paiba iba. Hahahaha. Haiys. Ewan. Dko na din alam. Mahal ko sya, pero potek pagod na ko sa ganitong dko alam kung anong nararamdaman sakin ng tao. And I am afraid to ask. Namention ko naman sakanya before na ayoko na mafriendzone. Pero Mahal ko talaga sya. Dati pa naman e. Nung magkasama pa kami. Baka akala nya gusto nya ko pero namimiss nya Lang ako. Baka Kaya di nya masabi kasi di pa naman talaga nya alam kung Mahal nya ko. Hahahah. Haiy buhay. Ikaw na Lord bahala. ๐ข๐ญโค๏ธ๐๐
3 notes
ยท
View notes