#likha ko: Tagalog
Explore tagged Tumblr posts
carlmiguel · 4 years ago
Text
Kahalagahan ng wikang filipino tila ba’y kinalimutan na? LIKHA NI: CARL FRANCIS L. MIGUEL
Wikang tagalog itinatag ito noong taong isang libo’t siyam na daan at tatlumput pito ni dating Pangulong Manuel L. Quezon bilang ating wikang Pambansa mula noong taong itinatag ang tagalog bilang wikang Pambansa maraming ng mga pagbabago na hinaharap ang ating wikang Pambansa. Bilang dagdag kaalaman itinatag noong taong isang libo’t siyam na daan at siyam na put isa ang Komisyon ng Wikang Filipino mas kilala bilang KWF nakaatas sa kanila ang pagpapaunlad, nagpapanatili, at nagtataguyod sa wikang filipino. Sa kasalukuyan hindi lamang pagbabago, kundi pati na rin mga dagok, pagsubok, at problema na rin ang hinaharap ng ating wikang Pambansa hanggang sa kasalukuyan ay nararanasan pa rin ito na ang ating wikang Pambansa.
 Maraming hianaharap ang ating wika Isa na dito ay ang pagkawala ng mga orihinal na mga salita natin at pagpalit rito ng mga salita na katunog o kahawig na ng ingles, nagsimula ito mga dekada nobenta nawawala ang pagka orihinal ng ating wika dahil mula noong dekada nobenta patuloy na unti-unting pinapalitan ng mga salitang sinalin sa filipino. Ikalawa ay ang pagusbong ng mga salitang jejemon, gay lingo, at baliktaran ang mga kabataan ay ang mga ganitong salita na ang ginagamit dahil ito nga ay ang uso o mas madaling gamitin di natin namamalayan ang orihinal at purong wika na ating dapat mahalin at pahalagahan ay unti-unti nang nabubura at napapalitan ng mga makabagong salita. Ang mga rason na aking binanggit ay iilan lamang sa mga rason kung bakit patuloy na natatabunan ang kahalagahan ng ating wikang Pambansa ganunpaman nakakatulong pa rin kahit papano ang mga salita tulad ng jejemon sa pagsabay ng wikang filipino sa makabagong panahon. Nang mapanood ko ang dokumentaryo kung saan ininterbyu ang isang guro ng filipino na apat na dekada nang nagtuturo kaniyang nasabi na mula noong pagpasok ng dekada nobenta ay patuloy nang paghina nang kaalaman ng mga mag-aaral. Humina na rin ang disiplina ng kabataaan ng tamang pagsasalita at pagsulat sa wikang filipino sabi nga ng guro “kahit mali tinatanggap na nila” totoo naman ito talagang karamihan sa kabataan hindi na pinapahalagahan ang tamang pagsulat sa wikang filipino sa tingin ko ito ay dahil hindi na sila masyadong interesado sa ating sariling wika dahil sa pag usbong ng wika ng mga ibang bansa na nakakataas sa pilipinas mas interesado silang malaman ang paraan ng pagsalita at pagsulat sa mga wika tulad ng ingles at Korean. Para saakin ako ay buong-buo na sumasang-ayon na dapat pang paigtingin ang paggamit ng wikang filipino sa mga paaralan. Nararapat lamang itong ipatupad dahil nawawala, natatabunan na ang ating wikang Pambansa kinakailangan nating ipaalala sa mga kabataan ang halaga ng ating pambansang wika dahil dito makikilala ang pagiging orihinal ng ating wika.
 Lahat-lahat ay maraming kinakaharap ang ating wikang Pambansa pero sa tingin ko at ako ay umaasa na malalampasan ito nang ating wikang Pambansa. Umaasa ako na ang mga kabataan at mga susunod pang henerasyon ay ipagpatuloy ang pagbibigay ng halaga sa ating wikang Pambansa dahil dapat lamang nating mahalin ito dahil sariling atin ito.
1 note · View note
yunesgrace-blog · 8 years ago
Text
Movie Review: SAVING SALLY
Saving Sally, kung titignan natin sa teknikal na parte masasabi ko na ibang klase ang galing at tiyaga ng mga taong nasa likod nito. Lalo na nga nabanggit na ang pelikulang ito ay inabot na halos sampung taon para buoin. Maaring maraming beses na nilang naisipang sumuko ngunit sila ay nag tagumpay na maisali ang kanilang likha ngayong ika- apat na pu’t dalawang taon ng MMFF o Metro Manila Film Festival. Ngunit para sakin kung ito’y hindi ginawang “animated” ay magiging isang simpleng pelikula lamang ito. Akala ko nung una ay tungkol talaga ito sa mga “monsters” ngunit naging paghahalintulad yata iyon sa mga kasamaan sa kaloob looban natin na naiitatago ng ating pisikal na anyo.
Nagustuhan ko yung parte kung sa teknikal na pagtingin ay yung noong nag aabot na si Marty ng mga sulat ni Sally para kay Nick yung pabalik balik na parte at pabilis ng pabilis ang galing ng pagkakagawa ng “time lapse ” na ito. Maganda rin yung sa hindi pagtigil sa pag aaral ni Marty kahit na magaling na siya sa larangang ito. Dahil kung titignan natin sa kasalukyan marami sa mga kabataan ang tumitigil na sa pag aaral at nagtratrabaho na lamang. At kung dumating yung pagkakataon na pwede pa ulit silang mag aral ay hinahayaan na laman nila na malagpasan nila iyon sapagkat kaya na naman nilang kumita ng sarili nila pera. Kung kaya’t sa mga susunod na opportunidad ay hindi na rin sila masyadong nabibigyan ng prioridad sapagkat wala naman silang hawak na katibayan na sila ay isa ng propesyonal. Pati na rin yung mga parte na nagbigay si Marty ng libro kay Sally at yung pagbibigay din ni Sally ng ganito kay Marty. napaka ganda lang ng pagkakagawa sa mga libro na ito. Dito mo maipapakita kung gaano mo kayang mag “effort” sa taong gusto mo. Nakita rin nain dito yung dalawang uri ng pamilya; isa na may pagmamahalan at isa na masyadong nalilimitahan ang galaw at meron ng nagaganap na pananakit. Napakagandang halimbawa ng pamilya ni Marty sapagkat ang mga magulang niya ay suportado siya sa kanyang nais gawin at ang mga ito ay nalalapitan niya lalo na pag kailangan niya ng kanilang mga payo. Ngunit magaling din nilang nagawa ang pagiging kakaiba nito kasabay ng pagiging similar nito gaya ng paggamit ng jeep bilang sasakyan , ng mga palaruan sa parke , pagkain ng mga fishball at kung nao pang street foods,
Hindi ko naman nagustuhan yung parte kung saan hindi ipinakita kung bakit naging mapanakit ang mga magulang na kumupkop kay Sally. At sa bandang dulo hindi nasagot ito, sa pakiramdam ko ay nagkulang ang storya dahil dito.Lalo na at ito sa tingin ko ang pinaka puno’t dulo ng pinakaproblema ng storya. Hindi manlang naipaliwanag kung bakit ganoon ang kanyang magulang o kaya naman kahit papano kung maipakita na may rason naman kung bakit sila ganoon kahigpit baka hindi pa ganoon kasama ang tingin sakanila ng manunuod. Pati na rin kung paano nawala ang mga ito dahil nahulog ang mga ito ng nasira yung bahay. Ang bilis lang ng pangyayari na biglang okay na, naisip ko na sana dati pa ginawa ni Sally na galitin sila (haha). Pati na rin dun sa parte na nagpapakita ng kunwaring bed scene para sakin hindi na man na dapat iyon pinakita sa ganoong paraan kahit na nakatayo lang naman siya doon at paiba iba lang ang anggulo. Dahil  marami namang paraan na pwede siya idetalye medyo “boring” lang para sakin ang parte na iyon. Pero magandang puntos din naman iyon para iangkop sa kasalukuyan na marami naman talagang kabataan na ginagawang takbuhan ang pagmamahal ng ibang tao para makatakas sa realidad. Para sakin mas maganda siguro kung hindi ginawang purong ingles ang lingwahe na ginamit sa pelikula bagkus may ilan ilan na salita na tagalog talaga pero siguro mas maiintindihan ang damdamin nito kung tagalog. Para sakin kasi mas kaya nating ipadama ang tunay nating nararamdaman kung tagalog.
Masasabi ko na maraming parte sa pelikula ang hindi angkop sa mga bata, dahil akala nila animated film lang ito na may mga “monsters”. Hindi ko man masyadong naintindihan kung anong nais iparating ng pelikula. O sadyang ganun lang talaga ang nais iparating ng storya at naipamalas lamang ang galing at husay ng mga Pilipino sa larangan ito. Alam ko na naabot naman ng pelikulang “Saving Sally” ang nais nilang ipaabot sa ganitong uri ng patimpalak. Ito ay isang opportunidad na rin para mas marami pang mahikayat na ipagpursige ang natatago nilang galing. Nawa’y ang Metro manila Film Festival nga ay maging pagpupugay sa mga taong nasa likod ng pelikula nila. Ito sana ang maging simula.
Hindi man ito perpekto na pelikula ngunit alam ko maraming iba na lubusang naappreciate ang simpleng storya nito at kung gaano pinaghrapan ng mga nasa produksyon ang bawat scenario sa loob ng pelikulang ito. Mabuhay ang lahat ng tumulong at tumutulong iangat ang kakayanan ng mga Pilipino na makipag sabayan sa aspetong ito.  
 (Ang lahat ng ito ay pawang opinyon ko lamang at walang hangad na makasakit sa mga bumubuo ng pelikulang ito.)
0 notes
gregoriodelpilars · 9 years ago
Text
Antipolo, Sumulong, Simbahan, SS Village
Holy, Rainbow, Panorama, Gate 3, Meralco
San Mateo, Palengke, Montalban, Highway...
Alas-singko na kaya’t ika’y nagmamadali sumakay
Ilang siko’t balikat ang tumama sa iyo pero pilit pa
rin ang iyong siksik. Kumakapit at sumasabit
kahit na dumudulos ang iyong daliri sa pawis mula sa araw.
Nakikiapak sa paa ng may paa para lang may matayuan.
Hinihigpitan mo ang iyong kapit ngunit sa bilis ng arangkada
ay muntik kang mahulog. Lumapit ang konduktor.
Sabay kalkal sa magkabilang bulsa pero nakita mo lamang 
singkwenta. “Wala ba kayo barya kuya?” Umiling ng ulo
sabay abot ng singkwenta. Huminga ka na lang ng malalim. 
Alam mong walang sukling babalik. 
- jeep. (h.j.)
1 note · View note