#layun
Explore tagged Tumblr posts
Text
0 notes
Text
Detienen en Veracruz a presunto asesino del tío de Miguel Layún
View On WordPress
0 notes
Text
Social Media sa Makabagong Panahon: Ang mga Positibo at Negatibong Epekto
Sa kasalukuyan, ang social media ay hindi na lamang simpleng libangan—isa na itong mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Marami sa atin ang gumugugol ng oras sa social media upang makibalita, makipag-ugnayan, at magbahagi ng mga karanasan. Gayunpaman, ang paggamit ng social media ay may mga epekto na maaaring positibo o negatibo sa ating lipunan at personal na buhay.
Mga Positibong Epekto ng Social Media
Pagpapadali ng Komunikasyon - Ang social media ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at madaling komunikasyon, kahit sa mga taong nasa malalayong lugar. Hindi lamang mga mensahe ang naipapadala, kundi pati mga larawan at videos na nakakatulong sa pagpapatibay ng ugnayan.
Pagpapalaganap ng Kaalaman at Kasanayan - Sa social media, maraming grupo o komunidad ang naitatatag na may layuning magbahagi ng kaalaman. Halimbawa, may mga group para sa iba't ibang hobby o propesyon na nagiging tulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro.
Platform para sa Advokasiya at Pagbabago - Nagagamit din ang social media bilang plataporma sa pagsusulong ng mga adbokasiya, tulad ng pagprotekta sa kalikasan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at iba pang mahahalagang isyu. Dahil dito, mas madaling makarating ang mga mensahe sa mas malaking audience at hikayatin ang mga tao na makiisa.
Mga Negatibong Epekto ng Social Media
Mga Isyu sa Kalusugang Mental - Ayon sa pag-aaral, ang labis na paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng anxiety, depression, at iba pang mental health issues, lalo na sa kabataan. Ang patuloy na pagkukumpara ng sarili sa mga “perpektong buhay” na ipinapakita sa social media ay nagdudulot ng mababang self-esteem.
Pagkakalat ng Pekeng Balita o Maling Impormasyon - Maraming pekeng impormasyon ang mabilis na kumakalat sa social media. Ang mga maling balitang ito ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa mga tao at minsan, nagpapalala sa mga sitwasyon sa lipunan.
Cyberbullying at Online Harassment - Isa pang hamon ng social media ay ang pag-usbong ng cyberbullying. Maraming tao ang nagiging biktima ng harassment at bullying online, na may malalang epekto sa kanilang kalusugang pisikal at emosyonal.
Pagbabalanse ng Social Media sa Ating Buhay
Ang paggamit ng social media ay hindi masama kung magagamit ito nang tama at may kontrol. Mahalagang maging mapanuri sa bawat impormasyon at maging responsable sa bawat aksyon online. Ang social media ay maaring maging kasangkapan sa pagbabago kung ito ay gagamitin sa positibong paraan.
8 notes
·
View notes
Text
George Russell with Andres Laban, Sports Marketing Director of Adidas Mexico and Miguel Layun, President of Kings League Americas and former football player.
4 notes
·
View notes
Text
Sa loob ng isang linggong puno ng kasiyahan at sigla, nagkaroon ng matinding pagdiriwang sa aming paaralan noong ika-10 hanggang ika-16 ng Oktubre 2023. Ipinagdiwang namin ang isang masayang Sports Week na puno ng paligsahan, pagkakaibigan, at pagpapakita ng husay sa iba't ibang larangan ng palakasan. Sa bawat araw ng linggong ito, hindi lamang kami nagtagisan ng galing sa mga palaro, kundi nagtambalan rin ang aming mga damdamin bilang isang komunidad na may layuning maging malusog at aktibo.
Sa bawat pagtatanghal ng Sports Week, hindi mawawala ang mga laban na puno ng sigla at husay. Mula sa mga pangunahing laro tulad ng basketball at volleyball hanggang sa mga palarong sipa at online games, bawat atleta ay nagpapakita ng kanilang galing at dedikasyon. Sa bawat tagumpay at pagkatalo, nabubuo ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa aming paaralan at napapaunlad ang aming pagkakaibigan. Ang Sports Week ay hindi lamang isang pagdiriwang ng pagalingan kundi isang pagkakataon narin upang ipakita ang aming pagmamahal sa sportsmanship at paaralan.
Sa Sports Week na ito, kahanga-hanga ang tagumpay na natamo ng aming seksyon. Sa laban ng patintero, kami ay nagwagi ng unang puwesto, samantalang nakamit naman namin ang ikalawang puwesto sa doubles ng tennis at sa Mobile Legends. Bagamat kami ay nakamit ang ikatlong puwesto sa mga laban ng basketball at volleyball, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang aming husay at dedikasyon sa larangan ng palakasan. Ang bawat tagumpay at pagkilala ay nagpapakita lamang na sa likod ng bawat laban, ang aming seksyon ay nagtutulungan at nagkakaisa upang magtagumpay.
4 notes
·
View notes
Text
Akademikong Sulatin
1. Anyo: Abstrak
Layunin: Ang layunin ng Abstrak ay magbigay impormasyon sa mga mambabasa, ang nilalaman o inaasahan nila sa isang papel o artikulo.
Gamit: Ang abstrak ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel gaya ng tesis, papel na siyentipiko, mga report, at teknikal lektyur.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, may pagkakasunod-sunod, at organisado ang nilalaman.
2.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Ang layunin ng Sintesis o Buod ay ay mailahad nang maayos at organisado ang kabuuang nilalaman ng akda.
Gamit: Ang sintesis ay karaniwang ginagamit sa mga tekstong naratibo gaya na lamang ng nobela, science fiction, mitolohiya at iba pa.
Katangian: Ito ay maikli ngunit iyong makikita ang pinupunto ng isang paksa.
3.
Anyo: Bionote
Layunin: Ang layunin ng Bionote ay magbigay impormasyon tungkol sa may akda gaya na lamang kung ano nga ba ang kanilang mga akademik career, ito ay isang personal na profile ng isang tao.
Gamit: Ginagamit ito para sa personal na profile ng isang tao.
Katangian: Maliwanag, organisado at dito mo rin makikita ang karangalan ng taong may akda nito.
4.
Anyo: Memorandum
Layunin: Ang Layunin ng Memorandum ay para mapabilis ang pakikipagtalastasan sa paraang opisyal upang mabigyang pansin, aksyon, katugunan.
Gamit: Ang Memorandum ay ginagamit sa pagbibigay alam sayo kung ano ang susunod na desisyon.
Katangian: Ito ang nagpapabatid kung ano ang nais na makita sa pagpupulong.
5. Anyo: Agenda
Layunin: Ang Layunin ng Agenda ay para malaman o bigyang ideya kung anong paksa ang mangyayari sa gagawing pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit sa pagpupulong para ilista ang kung magiging paksa sa pagpupulong.
Katangian: Ito ay maliwanag at pormal, at obhetibo at may paninindigan din ito.
6.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang Layunin ng Panukalang Proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Gamit: Ito ay ginagamit para malaman kung ang isang proposal na kailangan ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: ito ay pormal, at dito makikita kung ano ba ang napag usapan sa natapos na pulong.
7.
Anyo: Talumpati
Layunin: Ang layunin ng talumpati ayon sa pag aaral ay isa itong paraan ng komunikasyong pang publiko na may layuning manghikayat o paniwalaan ang isa mananalumpati sa kanyang ipinapahayag.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pang publikong komunikasyon, okasyon o pagpupulong. May tatlo itong bahagi na ginagamit sa talumpati ito ay, Pamagat, katawan, Pang huli o katapusan
Katangian: Ito ay may katangiang magpahatid ng impormasyon ukol sa isang pangyayari o paksa.
8.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ito ay may layunin ipabatid o ipaalam sa mga mambabasa or tagapakinig ang naganap sa isang pagpupulong sa pormal na paraan ng pag-uulat.
Gamit: Ito ay ginagamit upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang papel at responsibilidad sa partikular na proyekto o aktibidad na kinakailangan pag pulungan
Katangian: Ito ay nagsisilbing dokumento kung saan nakasaad rito ang mga diskusyon at desisyon na ng yari sa isang pagpupulong
9.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Ito ay isang impormatibong sanaysay na may layunin mag lahad ng opinyon na ipinapahayag hinggil sa isang mahalagang isyu o pangyayari na tungkol sa batas, akademika, politika at iba pang larangan
Gamit: Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa
Katangian: Ito ay may katangian manghikayat o malaman ng isang mang babasa ng partikular na isyu sa larangan ng diskusyon, aralin, pag aaral, politika at iba pa.
10.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng uri ng sanaysay na ito ay maipahayag ang opinyon, karamdaman at mga saloobin tungkol sa isang bagay.
Gamit: Karaniwang ginagamit ito sa mga talumpati na nagpapa-iral ng malalim na pag-iisip sa sariling aksyon at desisyon.
Katangian: Ito ay naglalahaad ng mga ideya at opinyon na maaaring makapag-impluwensya ng pag-iisip ng isang indibidwal.
11.
Anyo: Pictorial Essay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay ay maglahad ng paglalarawan sa isang paksa gamit ang parehong textual at viswal na paraan ng pag-presenta.
Gamit: Karaniwan itong ginagamit sa mga meeting at presentasyon kung saan gusto ng magprepresenta na mas madaling maintindihan ng mga tao ang kaniyang nilalahad na ideya.
Katangian: Ito ay naglalaman ng maraming mga materyal na naglalarawan ng ideya ng isang paksa, tulad ng mga video at larawan.
12.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ito ay naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng maglalakbay pati na rin ng mga lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura at mga tao.
Gamit: Ito ay ginagamit sa mga blog o traveling vlog o mga review sa mga iba’t ibang lugar na napuntahan ng nagsulat.
Katangian: Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa mga napuntahan na lugar at ipinapahayag ang kanilang opinyon at naging karanasan sa lugar na itinakda sa sanaysay.
5 notes
·
View notes
Text
Blog #2: Paglabag sa Pamantayan ng Lipunan: Pagsusuri sa Spiderman: Across the Spiderverse 🕷️🕸️🩶
Larawan mula sa: https://pin.it/1RyxOouUU
Sa isang lipunan, may mga pamantayan o tuntunin na sinusunod ng mga tao upang mapanatili ang kanilang lugar sa lipunan. Maaaring ito’y mga paniniwalang kailangang sundin, o mga pananaw na nakabuo ng isang kalakaran na magpapatuloy sa maikling panahon. Ang mga pamantayang panlipunan na ito ay bumubuo ng pagkakapareho sa pagkakakilanlan ng isang lipunan.
Ngunit sa isang mundong pinahahalagahan ang pagpapahayag ng sarili, nagiging mahirap hanapin ang tunay na sarili sa gitna ng mga taong kapareho ang edad o demograpiko. At sa pakikibaka upang matagpuan ang kanilang pagkakakilanlan at lugar sa lipunan, dumarating sa puntong kailangan nilang masira ang kung ano ang itinuturing na normal sa lipunan kinabibilangan nila. Ito ang kwento ng Spiderman: Across the Spiderverse.
Buod ng Kuwento
Ang Spider-man: Across the Spiderverse, na idinrekta ni Joaquim Dos Santos, Justin Thompson, at Kent Powers, ang ikalawang pelikula sa Spiderverse na serye. Ito ang karugtong o sequel sa unang pelikula, ang Spider-man: Into the Spiderverse. Tungkol ito sa pangunahing tauhan na si Miles Morales at ang pagbabago niya nung naging Spiderman siya (Spider-Man: Across the Spider-Verse (2023) ⭐ 8.6 | Animation, Action, Adventure, 2023).
Matapos muntikang bumagsak ang buong multiverse, bumalik si Miles at ang kanyang mga kaibigan mula sa iba’t ibang multiverse upang matuloy ang kanilang mga buhay. Gayunpaman, isa sa mga kaibigan niya mula sa multiverse, si Gwen Stacy, bahagi siya ng isang elite na grupo ng mga Spider na pinamumunuan ni Miguel O’Hara na layuning talunin ang mga anomalya na nagbabago sa “time and soace continuum”. Habang bumibisita si Gwen sa mundo ni Miles, palihim na sinundan ni Miles si Gwen upang malaman kung ano ang tungkol sa elite na grupo ng mga Spider na ito. Natuklasan niya na sila ang “Spider society” kung saan ang lahat ng Spider-Men ay nagkakaugnayan at nagtutulungan upang labanan ang mga anomalya at mga kalabanan talaga nila sa mga iba’t ibang mundo.
Masayang sumali si Miles dahil sa Spider society, lahat ng Spider-Man, anuman ang kanilang kakayahan, maramdaman parin nila na nabibilang sila. Gayunpaman, naging sentro ito ng kwento dahil naramdaman niyang hindi siya tunay na kabilang sa Spider society. Sinabi sa kanya ni Miguel O’Hara, ang lider ng kanilang lipunan, na ang mga “canon events” na dapat mangyari upang maging tunay na Spider-Man ng kanilang mundo. Ibinunyag ni Miguel na si Miles ang orihinal na anomalya na nagdulot ng mga glitch sa multiverse.
Nagtapos ang pelikula sa pagtakas ni Miles matapos ang laban niya kay Miguel O’Hara at sa Spider society upang makabalik siya sa kanyang sariling mundo. Sa huli, natuklasan niya na ang spider DNA na nagdala sa kanya doon, hindi para sa kanyang tunay na tahanan, kundi nakalaan para sa Miles ng unibersong iyon.
Makikita sa Spiderman: ATSV na mayroong mga isyu ng identidad at kinabibilangan sa mundong na pareho lang sila lahat. Naging inaasahang na si Miles Morales ang may problema sa kanyang pagiging siya, kung siya ang Spiderman o hindi talaga. Sa dalawang mahalagang eksena, dito ang mga may masusing kahalagahan ng paggalugad ng pagkakakilanlan laban sa mga inaasahan ng lipunan.
Ang Kuwento ni Gwen
Isa sa mga eksenang nagpapakita ng isyu sa identidad ang kuwento ni Gwen. Ipinakikita siya bilang isang taong nagdadalamhati sa pagkamatay ng kaibigan niyang si Peter Parker. Nangyari ang insidenteng ito sa kanilang prom, kung saan biglang naging halimaw si Peter. Nang nalagay sa panganib ang lahat, nagbago si Gwen bilang Spiderwoman, ngunit bumangga siya sa isang gusali upang talunin ang halimaw. Sa huli, nalaman niyang hindi direktang siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng matalik niyang kaibigan.
Nagkaroon ng galit ang kanyang ama, ang lider ng pulisya, sa insidenteng ito, kaya nagtago si Gwen ng kanyang pagkakakilanlan bilang Spiderwoman. Ipinapakita nito kung paano may pagkakahiwalay ang kanyang sarili, at kung ibubunyag niya ang kanyang doble-buhay sa kanyang ama, posibleng kamuhian siya ng sariling magulang.
Nang nalaman ng kanyang ama na siya ang Spiderwoman, napuno ito ng pagtanggi at muntik na siyang arestuhin, dala ng labis na dalamhati. Isa ito sa mga sandaling nawawala siya sa sarili bilang Spiderman at kung paano humaharap ang kanyang mga emosyon upang malaman kung saan siya nababagay.
Larawan mula sa: https://midnight-in-town.tumblr.com/post/720385952899579904/in-defense-of-gwen-in-across-the-spider-verse
Ang Itinatakdang Kapalaran ni Miles
Isa pang mahalagang eksena ang nang ipinaliwanag ni Miguel kung ano ang tunay na Spiderman. Sinabi niya na ang isang Spiderman kailangang dumaan sa mga “canon events.” Hindi dapat pakialaman ang mga ito at, sa pagdaan ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay, matutuklasan nila ang kanilang tunay na pagkakakilanlan bilang Spiderman. Isa sa mga pangyayaring ito ang pagkamatay ng isang hepe ng pulis sa harapan ng kanilang mga mata, na nagdudulot ng matinding pagdadalamhati sa bayani. Nang nalaman ni Miles na ang kanyang ama ang sangkot, hindi niya ikinatuwa ang kapalarang ito.
Kalaunan, kinontra ni Miles ang pananaw ni Miguel na kailangan ng isang Spiderman ang pagdanas ng lahat ng ganitong trauma upang maging isa. Sinabi ni Miguel na ang pagsira sa mga “canon event” makakaapekto sa multiverse, dahilan para mawalan siya ng pagiging Spiderman. Nawalan siya ng mga mahal sa buhay, maging ang kanyang anak na babae, dahil hindi niya sinunod ang mga ganitong pangyayari, na naging sanhi ng kanyang kapahamakan. Pagkatapos nito, nabunyag na si Miles ang orihinal na anomalya at siya ang pangunahing dahilan kung bakit mahirap ang pagharap sa mga anomalya.
Nagkaroon ng habulan, at sa mga salitang binitiwan ni Miles, “Nah, imma do my own thing,” nakalaya siya sa mga limitasyon ng lipunan sa kanyang pagkakakilanlan. Ang eksenang ito nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ni Miles ang sarili bilang Spiderman. Ang mga “canon events” sumisimbolo sa mga patakaran ng lipunan kung ano ang dapat nilang maging upang matanggap. Ipinakita ni Miles ang pagtutol sa ideyang ito, na kaya niyang maging sarili niya nang hindi kinokontra ang pagiging Spiderman. Taliwas sa krisis ni Gwen, ipinakita ni Miles na ang pagkakakilanlan hindi lamang nakabase sa sinasabi ng lipunan tungkol sa iyo; nasa iyo ang kapangyarihang tukuyin kung sino ka talaga bilang isang tao.
Larawan mula sa: https://www.deviantart.com/dracoawesomeness/art/The-spider-verse-Nah-I-ma-do-my-own-thing-1045025785
Sa konklusyon, ipinaliwanag ng ATSV kung ano ang kinakailangan upang maging Spiderman: kung paano ang pagkakaroon ng doble-buhay ay nakakaapekto sa iyong pagkakakilanlan, hindi lamang bilang Spiderman kundi pati na rin sa sarili mong buhay. Sa kanilang murang edad bilang mga kabataan, karaniwan ang pagkakaroon ng krisis sa pagkakakilanlan. Mahalaga ito sa buhay ng isang kabataan upang mapanatili ang balanse sa kanilang pagkatao at kilalanin kung sino talaga sila (Identity Crisis in Adolescents: Find Yourself Before Getting Confused | Bangkok Hospital, n.d.). Inilalarawan ito ng ATSV sa paraang ang pagiging sarili nila at pagiging Spiderman ang kanilang paraan upang malaman kung saan sila nababagay sa mundo, may o walang inaasahan mula sa lipunan.
Mga Sanggunian:
Identity Crisis in Adolescents: Find yourself Before getting Confused | Bangkok Hospital. (n.d.). https://www.bangkokhospital.com/en/content/identity-crisis#:~:text=Teenage%20identity%20crisis%20forces%20teenagers,their%20own%20identity%20(Commitment)%20.
In defense of Gwen in Across the Spider-Verse. Imaginary World of Blinding Lights. https://midnight-in-town.tumblr.com/post/720385952899579904/in-defense-of-gwen-in-across-the-spider-verse
Spider-Man: Across the Spider-Verse (2023) ⭐ 8.6 | Animation, action, Adventure. (2023, June 2). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt9362722/Midnight-In-Town. (2023, June 17).
The spider verse-Nah I’ma do my own thing! by DracoAwesomeness on DeviantArt. (2024, April 23). DeviantArt. https://www.deviantart.com/dracoawesomeness/art/The-spider-verse-Nah-I-ma-do-my-own-thing-1045025785
mga dividers mula kay: @cafekitsune at @kgymz
#across the spiderverse#spiderman atsv#spiderman#miles morales#gwen stacy#miguel o'hara#ebideepspaces#into the spider verse
1 note
·
View note
Text
Tongits Go: Muling Pagbuhay ng Isang Klasikong Larong Pilipino para sa Digital na Panahon
Sa patuloy na nagbabagong mundo ng digital na libangan, ang mga tradisyonal na laro ay nagkakaroon ng bagong buhay sa online. Ang Gamezone, ang nangungunang tagalikha ng mga card game sa Pilipinas, ay binago ang Tongits, isang minamahal na larong baraha ng Pilipino, sa isang kapana-panabik na digital na karanasan na tinatawag na Tongits Go. Ang makabagong adaptasyong ito ay pinapanatili ang diwa ng orihinal na laro habang nagdadagdag ng mga bagong feature at kaginhawaan para sa modernong manlalaro.
Ang Tongits ay naging pangunahing bahagi ng mga tahanan ng Pilipino sa loob ng maraming henerasyon, kilala sa natatanging pagsasama ng estratehiya, swerte, at pakikisalamuha. Tradisyonal na nilalaro gamit ang standard na 52-card deck, matagal na itong naging paraan para magtipon-tipon ang mga kaibigan at pamilya, magbahagi ng tawanan, at makisali sa mapagkaibigan na kumpetisyon. Sa pagkilala sa pagbabago tungo sa digital na libangan, nakita ng Gamezone ang pagkakataon na dalhin ang Tongits sa ika-21 siglo.
Ang laro ay nagpapakilala ng maraming feature na hindi posible sa tradisyonal na larong baraha:
Mga Tournament: Ang mga manlalaro ay maaaring subukan ang kanilang mga kasanayan laban sa iba sa mga organisadong kumpetisyon, na may pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na premyo.
Mga Quick Game Mode: Para sa mga may limitadong oras, ang mas mabilis na bersyon ng laro ay nagbibigay-daan para sa mabilisang laban sa oras ng tanghalian o biyahe.
Mga Pang-araw-araw na Gantimpala: Ang mga pang-araw-araw na bonus at achievement ay nagbibigay-insentibo sa mga regular na manlalaro.
Pag-uugnay ng mga Distansya sa Isang Global na Mundo
Isa sa pinakamahalagang bentahe ng Tongits Go ay ang kakayahan nitong iugnay ang mga tao sa malawak na distansya. Sa panahong maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa, ang pagpapanatili ng koneksyon sa tahanan ay maaaring maging hamon. Ang Tongits Go ay nagsisilbing virtual na tulay, na nagbibigay-daan sa mga kaibigan at pamilya na magkasama-sama sa pamamagitan ng isang pamilyar na laro, saanman sila sa mundo.
Mga Kapana-panabik na Variant na Maaaring Tuklasin
Habang nananatiling tapat sa diwa ng orihinal na laro, nagpakilala ang Gamezone ng ilang kapana-panabik na variant sa Tongits Go, bawat isa ay nag-aalok ng natatanging twist sa klasikong formula:
Tongits Plus: Ang mode na ito ay sumusunod nang malapit sa mga klasikong patakaran, nag-aalok ng buo at estratehikong karanasan sa paglalaro.
Tongits Quick: Isang mas mabilis na alternatibo na may mas maikling round at pinasimpleng gameplay, perpekto para sa mabilisang laro.
Tongits Joker: Nagpapakilala ng mga wild card para magdagdag ng elemento ng hindi inaasahan at bagong estratehikong konsiderasyon.
Paano Maglaro ng Tongits: Isang Mabilisang Gabay
Para sa mga bago sa Tongits, narito ang maikling pangkalahatang-ideya kung paano maglaro:
Setup: Tatlong manlalaro ang lalahok, bawat isa ay makakatanggap ng 12 karta (13 para sa dealer). Ang natitirang mga karta ay bubuo ng draw pile.
Gameplay: Ang mga manlalaro ay magsasalitan sa pagbunot mula sa pile o pagkuha ng pinakabagong discard. Pagkatapos bumunot, ang mga manlalaro ay maaaring mag-discard ng isang karta at layuning bumuo ng mga kombinasyon.
Mga Kombinasyon: Ang mga manlalaro ay maaaring maglagay ng mga kombinasyon para protektahan ang kanilang sarili mula sa mga penalty. Ang mga balidong kombinasyon ay kinabibilangan ng mga pares, three-of-a-kind, at sunud-sunod na tatlo o higit pang karta sa parehong suit.
Panalo: Ang isang manlalaro ay maaaring mag-deklara ng "Tongits" kung mauubos nila ang kanilang mga karta. Kung walang sinumang mag-call ng Tongits, ang manlalaro na may pinakamababang kabuuang puntos pagkatapos maubos ang draw pile ang mananalo sa laro.
Mga Game Mode para sa Bawat Manlalaro
Ang Tongits Go ay nag-aalok ng iba't ibang game mode para tugunan ang iba't ibang kagustuhan at estilo ng paglalaro:
Classic Mode: Sumusunod sa mga tradisyonal na patakaran, nagbibigay ng authentic na karanasan na mainam para sa mga bagong manlalaro at matagal nang tagahanga.
Quick Mode: Isang mas mabilis na bersyon na may mas kaunting karta at mas maikling oras ng paglalaro, perpekto para sa mabilisang sesyon.
Tournament Mode: Para sa mga kompetitibong manlalaro na gustong subukan ang kanilang mga kasanayan laban sa mga pinakamahusay, may pagkakataong manalo ng malalaking premyo at umakyat sa rankings.
Sumali sa Tongits Go Revolution
Matagumpay na na-modernize ng Tongits Go ang isang minamahal na larong baraha ng Pilipino, pinagsasama ang tradisyonal na gameplay sa digital na kaginhawaan. Nag-aalok ito ng nakaka-engganyo at nakakaaliw na karanasan para sa lahat, mula sa mga paminsan-minsang manlalaro hanggang sa mga seryosong manlalaro.
Kung ikaw man ay naghahanap ng muling pagkonekta sa iyong ugat bilang Pilipino, naghahanap ng hamon laban sa mga mahuhusay na kalaban, o simpleng nais mag-enjoy ng masayang larong baraha, ang Tongits Go ay may bagay para sa iyo. Sa iba't ibang game mode nito, kapana-panabik na mga feature, at lumalaking komunidad, ito ang perpektong paraan upang maranasan ang iconic na larong Pilipino na ito sa digital na panahon.
Kaya bakit pa maghihintay? Laruin ang Tongits Go ngayon sa Gamezone, tuklasin ang marami nitong feature, at maging bahagi ng lumalaking komunidad ng mga mahilig sa Tongits. Panahon na para maranasan ang thrill ng Tongits tulad ng hindi pa nangyayari kailanman!
1 note
·
View note
Text
Presyo ng Kasinungalingan
“Lalabas at lalabas talaga ang katotohanan, kahit anong gawin mo upang itago ito.”
Ang katotohanan, gaano man pilitin na ikubli, likas na maghahanap ng paraan upang magpakita. Maaaring umabot ng isang araw, isang linggo, o kahit limampung taon, ngunit hindi ito kayang pigilan. Bagaman, marami pa rin ang patuloy na nagtatangkang ilihim ito. May mga gumagamit ng pera upang patahimikin ang mga nakakabatid ng kanilang lihim. May iba namang nagsisinungaling at itinutulak sa iba ang kanilang mga pagkakasala. Ang pinakamatindi, may mga pumapatay ng kapwa at nagpapaka-Diyos upang itago ang kanilang kasalanan. Maaaring dahil ito sa personal na epekto ng pagtatago ng mga lihim. Kapag pinag-iisipan ng isang tao ang kanyang mga lihim, kadalasang nakararamdam din siya ng mga emosyon ng kahihiyan at pagkakasala. Bumababa rin ang kakayahan niyang harapin ang lihim at aminin ang totoo na nagdudulot ng pagbagsak ng kaniyang pangkalahatang kagalingang pangkaisipan (Liu et al., 2022).
Sa isang perpektong mundo, walang ganito. Ngunit malayo sa pagiging perpekto ang mundong ating ginagalawan. Puno ng krimen, pagtataksil, at kasakiman ang mundong tinitirhan natin. Hindi mo alam kung sinong mapagkakatiwalaan mo at minsan pa nga, ang taong handa mong iligtas mula sa bala ang siya pang babaril sa iyo. Ganyan ka pait ang ating mundo.
“One generation to change the text. One generation chooses to teach that text. The next grows, and the lie becomes history.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Sa mga librong Fourth Wing at Iron Flame ni Rebecca Yarros, naipakita ang tunay na kamandag ng kasinungalingan at ang malalim na epekto nito sa mga mamamayan ng Navarre at mga bansang nakapalibot dito. Hindi lamang nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre, kundi gumawa rin sila ng pekeng propaganda, pekeng ebidensya, at pekeng resulta upang maitago ang katotohanan. Nagawa pa nga nilang pumatay para lamang panatilihin ang kanilang sikreto. Binago nila ang kasaysayan, ang mga dahilan ng mga nakaraang digmaan, at ipinalabas na ang mga Griffin ang totoong kalaban, habang inilihim ang tunay na banta—ang mga venin at wyvern.
Sa likod ng mga kasinungalingang ito, may malinaw na layuning kontrolin ang impormasyon at manatiling nasa kapangyarihan ang gobyerno, kahit na nagbubunga ng pagkawasak ang ginagawa nila. Nagpadala sila ng maraming sundalo sa digmaan na walang sapat na kaalaman kung paano labanan ang mga venin at wyvern. Ang resulta? Halos lahat sila namatay. Hindi lamang sila ang naging biktima ng pagtatago ng katotohanan—pati mga sibilyan, tulad ng mga mamamayan ng siyudad ng Resson, naging saksi sa pagkawasak ng kanilang bayan, dahil wala silang alam sa tunay na banta. Kung hindi lamang nagsinungaling ang gobyerno, maaaring naiwasan ang mga trahedya ng kamatayan at pagkawasak ng buong siyudad. Sa huli, ang buhay ng mga inosente ang presyo ng kasinungalingan.
Hindi rin lamang sa loob ng kanilang sariling bansa nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre. Sa halip na makipagtulungan sa mga kalapit na bansa upang labanan ang mga venin at wyvern, mas pinili nilang palakihin ang tensyon sa pagitan nila. Ipininta nila na ang mga karatig-bansa ang kaaway, kahit na sila mismo ang nagkait ng mga armas na maaaring gamitin upang puksain ang mga venin. Pinigilan ng Navarre ang mga sandatang maaaring makatulong sa ibang mga bansa, kaya mas marami pang bayan at bansa ang nawalan ng buhay at kinabukasan.
Nagdulot ng malawakang pagkasira ang mga maling hakbang at kawalan ng aksyon ng Navarre , hindi lamang sa kanilang sariling mga mamamayan, kundi pati na rin sa mga sibilyan at sundalo ng ibang bansa. Kung naging tapat lamang ang gobyerno at nagbukas ng tulong sa iba, maaaring mas napaghandaan ng lahat ang totoong banta. Sa huli, nagdala ng mas maraming pagkatalo at pagkawasak sa buong rehiyon ang kanilang kasinungalingan at pag-iwas sa responsibilidad.
“Lies are comforting. Truth is painful.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Pero, bakit nga ba tayo nagsisinungaling? May naidudulot nga ba itong maganda? Nagdedepende iyan sa persepsiyon mo ng “maganda”. Nagsinungaling ang gobyerno ng Navarre dahil gusto nilang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Ayaw nilang matakot ang mga mamamayan kaya hindi nila sinabi ang totoo. Takot sila sa katotohanan at kung anong kayang gawin nito kaya ginamit nila ang kasinungalingan bilang proteksyon mula rito. Oo, may maganda itong naidulot, ngunit, ang naging kapalit ng panandaliang kapayapaan ang buhay ng mga inosente. Sinasalamin nito ang totoong mundo. Nagsisinungaling ang mga tao dahil akala nila, mas may benepisyo ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo sa sitwasyon na iyon (When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being?, 2022). Mas madaling magsinungaling at manloko kaysa sa harapin ang totoo.
Sa totoong mundo, hindi malayo ang ganitong senaryo sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa maraming pagkakataon, inuuna ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang sariling interes kaysa sa kapakanan ng mga taong dapat nilang pinoprotektahan. Ang resulta? Kawalan ng tiwala, kaguluhan, at mas maraming nasasawi. Kaya nagiging mahalagang paalala ang mga kwentong tulad ng Fourth Wing at Iron Flame na, ang katotohanan, gaano man subukan na itago, makakahanap at makakahanap ng paraan upang mailantad—at hindi kailanmang magtatagumpay ang mga nagtatangka supilin ito.
Mga Sanggunian: Liu, Z., Kalokerinos, E. K., & Slepian, M. L. (2022). Emotion Appraisals and Coping with Secrets. Personality and Social Psychology Bulletin, 49(9), 1379–1391. https://doi.org/10.1177/01461672221085377
When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being? (2022). Greater Good. https://greatergood.berkeley.edu/article/item/when_do_your_secrets_hurt_your_wellbeing
1 note
·
View note
Text
Para sa Kinabukasan
Maraming estudyante ang nangangarap makapagtapos sa kolehiyo ngunit hindi maitatanggi sa panahon ngayon, ang edukasyon ay isang pribilehiyo. Isa sa mga balakid na kinakaharap ng mga estudyante ay ang pagtaas ng matrikula sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nakalulungkot lamang isipin na dahil sa sitwasyong ito, maraming estudyante ang nag-aalala sa kanilang kinabukasan.
Isa sa mga aspetong nakikita kong humahadlang upang makamtan ng mga mamamayan ang kanila konstitusyonal na karapatang makapagaral, lalo yaong nasa laylayanay, ang kakulangan ng pampublikong kolehiyo at mga unibersidad. Sa tala ng Commission on Higher Education (CHED), 246 lamang ang bilang ng mga pampublikong unibersidad kumpara sa 1,729 na mga pribadong institusyon. Dahil sa limitadong pondo ng mga pampublikong unibersidad, tumataas din ang mga pamantayan upang makapasok sa mga pampublikong unibersidad kapalit ng libreng matrikula at magandang kalidad ng edukasyon.
Ngunit, maraming estudyante ay hirap makamtan ang matataas na pamantayan at makapasok sa mga libre pampublikong kolehiyo. Marami ay walang ibang pagpipilian kung hindi piliing pumasok sa isang pribadong unibersidad at sa pilitang gumastos ng libu-libong halaga upang makapagtamo ng de-kalidad na edukasyon. Kasabay ng makabutas-bulsang matrikula, sumabay rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na nagiging malaking hamon sa pamumuhay ng mga estudyante. Paano ang mga magulang na hirap pagkasyahin ang kanilang maliit na sinasahod para kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa kabila ng mahal na matrikula?
Masasabing mayroong mga nakahandang mga “scholarships” para sa mga mag-aaral, ngunit hindi lahat ay may kakayahan makakuha nito dahil ang proseso ay madalas na kinakailangan ng mataas na marka o iba pang mga kwalipikasyon na hindi kaya matugunan ng lahat. Marami sa mga estudyante ngayon ang isinasakripisyo ang oras nila sa pagaaral upang maghanap ng trabaho para makakatulong sa kanilang pangangailangan habang nag-aaral.
Mga Solusyon
Dagdag Pondo ng Gobyerno sa Sektor ng Edukasyon
Sa paglalaan ng sapat na pondo ng pamahalaan para sa sektor ng edukasyon, hindi lamang mababawasan ang matrikula kundi magkakaroon din ng dagdag na suporta para sa iba't ibang pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring magkaroon ng pagpapalakas sa pasilidad at serbisyo ng isang unibersidad. Sa pamamagitan ng mga ito, gagaan ang pasanin ng mga magulang at estudyante. Magbubukas ang mga oportunidad para sa mga estudyanteng ang pamilya ay nasa laylayan na makapag aral.
Sa halip na magkaroon ng rigidong pamantayan para makakuha ng scholarship, mas makakabuti kung magiging maluwag ang pamantayan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa iba pang aspeto ng isang estudyante tulad ng kanilang potensyal, pangangailangan, at kontribusyon sa komunidad.
Pagpapalakas sa Edukasyong Teknikal at Bokasyonal
Ang pagpapatibay sa mga kurso sa edukasyong teknikal at bokasyonal ay isang mahalagang hakbang upang mas maraming mapagpilian ang mga estudyante. Ito ay nakakapagbigay ng alternatibong daan sa mga estudyante na hindi kaya ipagpatuloy ang tradisyonal buhay kolehiyo. Ang mga kursong ito ay mas tumutuon sa mga praktikal na kasabayan na kailangan para sa iba't ibang trabaho sa industriya.
Pagsuporta sa Job Placement Programs
Ang layuning magtatag ng mga programa para sa job placement at internships ay makakatulong na mas mahubog ang mga estudyante tungo sa hinaharap nilang karera. Bukod pa rito, ang mga job placement programs ay maaaring makapagbigay ng pinansyal na suporta sa mga estudyante habang sila ay nag aaral, na nagbibigay ng dagdag na tulong sa kanilang araw araw na pangangailangan.
Written by: Francheska Ivana Piñon
Pubmat by: Jackielou Almajose
0 notes
Text
#miguel layun#club américa#aguilas del america#somos américa#od14ame más#grandes de corazón#campeones#trofeo
0 notes
Link
rivers_gg is live in the category Just Chatting!
0 notes
Text
Chapter 6: Sining-Biswal
Gawain: Basahin ang artikulong “Education in the ‘New Society’ and the Philippine Labour Export Policy (1972-1986)” ni Mark Maca. Batay dito ilarawan – ala editorial cartoon -- ang sistema ng edukasyon noong panahon ng Batas Militar ni Marcos. Lagyan ng angkop na caption ang ilustrasyon. Sa paglalarawan na ito, na maaaring drowing o iba pang uri ng sining-biswal, ipakita ang lalim at lawak ng pagkakaunawa mo sa artikulo. Mas mainam kung pipili ng mga detalye o bagay na para sa iyo ay pinakamahusay na representasyon o simbolo ng paksa. Diskartehan kung saang bahagi ng drowing pinakamainam ilagay ang caption. Tiyaking akma sa facebook at iba pang katulad na social media platform ang iyong disenyo.
Gawa ko:
Bilang isang hobbyist-artist at isang estudyanteng sumalang na noon sa mga paligsahan gaya ng Regional School Paper Press Conference, forte ko ang pagguhit ng mga editorial cartoon (paglalarawang tudling). Sa tingin ko, epektibo kong nailarawan ang paksa ng estado ng edukasyon noong panahon ni Marcos Sr.: henerasyon ng mga graduates na halatang ihinanda para sa serbisyong internasyunal; hinihirang itong batch ng graduates (na ngayo'y OFW na) bilang mga bagong bayani. Sa likod nitong mabango at noble na karangalan, ipinakita ko ang opinyon kong hango sa perspektibang malawak at empirikal hinggil sa nakalulungkot na katotohanan ng exploitation at layuning neoliberal ng sistema ng edukasyon noon, hanggang ngayon. Naniniwala rin ako na isa itong taktiko para malipat ang atensyon ng nakararami sa tunay na kaganapan sa bansa, ang hubugin ang mga pinoy na maging individualistic sa halip na nationalistic dala ng "magandang oportunidad" sa pamumuhay sa ibang bansa.
1 note
·
View note
Text
ito lamang naman talaga ang layuning diwa ng araw o panahong ito
pagmamahalan at kapayapaan
nawa'y mamalagi sa buong sangkatauhan at ito lamang ang nais Nya na mapalawig natin sa Kanyang obra...
Maligayang Pasko po sa inyong lahat
at sumainyo ang kapayapaan...
(image:
©Fine Art America)
0 notes
Text
Makisabay sa Liwanag ng Buwan
Malapit na sa hatinggabi nang pauwi ako mula sa bahay ng kaibigan kong nagdiwang ng kaarawan. Napagtanto ko na malapit na akong sumalampak sa curfew, ngunit pinili ko pa rin ang aking kasiyahan sa kasalukuyan kahit na may kapalit na problema sa hinaharap. Sa pagbalik, habang iniisip ko kung paano ako makapasok ulit sa dormitoryo, bigla na lang tumugtog ang isang kanta sa sasakyan. Sa unang dinig pa lang, bigla nang nagbago ng direksyon ang isipan ko, hanggang sa tuluyan nang nalunod ang pag-iisip ko sa ritmo ng kanta. “Mga Ilaw sa Daan”, ng IV of Spades ang pamagat ng kantang ito, at isa ito sa pinakamagandang kantang pakinggan sa mga biyahe tuwing gabi.
Ang ayos ng kanta ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ako naakit. Agad itong nag-umpisa ng may magandang pambungad na nakakapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kasunod nito ang iba't ibang boses, may mga linya na inaawit lamang ni Unique Salonga, mayroong kay Zild Benitez lamang, ngunit palaging inaawit nilang dalawa ang koro. Nagpapahiwatig ito na kahit may pagkakaiba sa kanilang mga indibidwal na linya, magkakabagay sila kapag nagsisimula na ang koro.
"Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako'y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin na nakaipit sa gitna at pangbituin"
Para sa akin, nagpapakita ang kantang ito ng kaibahan sa pagitan ng pagod na pasahero na nais lamang umuwi sa gabi, at ang aktibong buhay ng lungsod na kanyang dadaanan habang nagbi-biyahe. Sumisimbolo ng buhay sa gabi ng lungsod ang mga ilaw sa daan na sumusunod sa buwan na binanggit sa unang linya. Sapat ang liwanag nito upang tulungan ang buwan na ipaliwanag ang lugar. Ngunit nagpapakita ng kaibahan sa kasiglahan ng lungsod sa gabi at sa kawalan ng pakialam ng tao dito ang pangalawang linya.
“Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo”
Maaaring magpahiwatig ang linyang ito na biglang huminto ang biyahe ng pasahero upang magbaba at mag-akyat ng karagdagang pasahero. Nagiging tulay rin ito patungo sa koro ng kanta, na aking natuklasan bilang kaakit-akit. Inaawit lamang ng isang tao ang mga pangunahing linya, ngunit idinagdag ng koro na ito ang bagong boses sa kanta, lalo na sa ika-3 at ika-4 na linya, na nagsisilbing paglipat mula sa pasahero patungo sa nag-iinuman.
"Mga tao sa daan, sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin"
Kinanta nang solo ng bagong bokalista ang sumusunod na talata. Ipinapakita nito ang karanasan ng ibang tao. Hindi tama ang balewalain ang mga nasa paligid mo, kahit na nagpapahinga ka lang sa isang lugar, lalo na ang mga nangangailangan ng tulong. Ito ang paksa nitong talata. Sa kabila ng pagpunta sa lugar para magpalamig at magsaya, pinili pa rin ng mga tao na mag-isip ng mga paraan para lapitan at tulungan ang lasing na halos himatayin na. Ito ang nagtatapos sa pananaw ng isa pang bokalista, habang lumipat nanaman ang kanta pabalik sa pasaherong pauwi na.
Muling nagsimula ang talata sa biglang paghinto ng biyahe, na maaaring ipakita kung kumuha ng karagdagang pasahero ang bus, o wakas na nagbaba para umuwi ang pasahero. Ngunit, pagkatapos nito, inuulit lamang ang koro, walang bagong linya o talata na ginamit.
Sa palagay ko, layuning maintindihan sa dalawang magkaibang paraan ang koro. Isa mula sa pasahero na pauwi, at ang isa mula sa taong nagsasaya pa rin sa gabi. Mula sa nagsasaya ang una kong interpretasyon, kung saan parang nagbibigay-sigla sa kanya ang koro. Nagtitipon nang sabay-sabay ang mga tao, na parang ito na ang kanilang huling gabi, at nadala rin sya sa kanilang enerhiya. Hindi na niya kayang pigilin ang kaniyang sarili at sumama sa kasiyahan ng karamihan. Sa pangwakas na linya, nagsasaad ito na dapat sulitin ang kasalukuyan bago sila mahabol ng hinaharap.
“Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw”
Gayunpaman, lubos na iba mula sa pananaw ng pasahero ang koro. Mukhang ninais sumali sa masiglang selebrasyon sa lungsod ang pagod na pasahero. Kabaligtaran ng nais ng pasahero na magpahinga para makahanda sa kinabukasan ang masigla nilang kasiyahan at ang kanilang kaligayahan. Sa pangalawang linya, naglalabas ng damdamin ng pasahero ng pakiramdam na iniwan lamang sa likuran, habang ipinapakita ng pangatlong linya ang kanilang panloob na pakikibaka sa pagitan ng pagod at pagnanais na maging bahagi ng kasiyahan. Kahit na nakakatukso ang masiglang eksena, alam ng pasahero na kailangan niyang umuwi. Naglilingkod ang pangwakas na linya bilang isang mapait na paalala na tangkilikin ang mga sandaling kasayahan sa gitna ng pang araw-araw na buhay, dahil alam niyang iilang oras na lamang ang layo nng kanyang trabaho.
Sa pangkalahatan, makapangyarihan at nakakapukaw ng damdamin ang kanta dahil sumasalamin ito sa naiibang mga estado ng buhay sa lungsod. Nagpapakita ng lubos na magkaibang likas ang lungsod ng magkasalungat na mga kwento ng kanta, mula sa di-matitinag na katotohanan ng araw patungo sa panandaliang kasiyahan ng gabi. Nagsisilbing paalala ang koro ng kanta sa maingat na balanse sa pagitan ng pagsulit sa kasalukuyan at paghahanda sa kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Sa pagtatapos, isang kanta ang “Ilaw sa Daan” na nakakatugon sa sinoman na kailanman naramdaman ang masiglang enerhiya ng lungsod at ang pangungulila sa isang lugar na tatawaging tahanan sa gitna ng lungsod.
0 notes
Text
El América sigue en búsqueda de conseguir su título de Liga MX número 14, sin embargo, también está pensando en el futuro para el 2024, por lo que recibió la noticia de que Miguel Layún será su primera baja tras anunciar su retiro, por lo que se ahorrarán un millonario contrato. Fue por medio de sus redes sociales donde el veterano lateral derecho de 34 años de edad anunció que el Apertura 2023 será su último torneo como jugador profesional, esto después de que decidió borrar todas sus fotos en su Instagram, lo que causó diferentes reacciones. Sin embargo, a la mayoría de los aficionados les resultó una buena noticia... https://talajalisconoticias.com/el-millonario-contrato-que-se-ahorraran-tras-el-retiro-de-miguel-layun/?feed_id=12556&_unique_id=65278bb0d3e0b
0 notes