#lakbaysaysay
Explore tagged Tumblr posts
Text

Maligayang pamilya sa araw ng linggo.
Nag tungo kami ng aking pamilya sa Lago De Oro sa Calatagan batangas, kung saan mayroon magandang pasyalan na mamakapag relax at makakapag boding kasama ang pamilya.

Pa punta pa lamang ay makikita mo na agad sa daan ang magagandang tawanawin tulad ng bulubondukin at preskong hangin, kabukiran, pati narin ang malinis at mahabang kalsada.

Pag dating namin doon ay agad kami nag tungo pa punta sa loob upang maka kuha ng magandang espasyo na kung saan maaring matanaw ang malawak at magandang dagat.

At pag dating namin sa lugar na iyon kaagad ako kumuha ng mga litrato ng view, at tinawag ko si ate upang picturan ako para sa remembrance o alaala sa lugar na amin pinuntahan.

Sa araw na iyon ay grabe ang aking saya sapagkat kami ay nag salo-salo sa pagkain, at magkakasama at sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng relax at pag kawala ng mga problemang iniisip, dahil sa mga natatanaw na bagay, at kwentuhan at bonding kasama ang aking pamilya.

At bago kami umuwi, kumuha padin kami ng mga litratro sa pag sapit ng gabi na kung saan madami maiilaw sa paligid.

At sa pag-uwi namin aking iniisip habang nasa daan ang masayang bonding at magagandang tanawin sa lugar, at sa kahit kaunting oras ay nakaramdam ako ng relax sa araw na iyon at nawala ang mga problema isipin, na napaltan ng kasiyahan.
#lakbaysanaysay
3 notes
·
View notes
Text
Damahin ang ganda ng San Diego Beach Resort.

Welcome sa San Diego Beach Resort.
Napakasarap maglakbay kung saan saan, kasama ang buong pamilya at mga kaibigan. Kung nag hahanap ka ng pwedeng makapag pahinga at malayo sa stress at gulo, kung saan makakapag isip ng ayos at walang sagabal. Dito sa San Diego Lian, Batangas matatagpuan ang malinis, maganda at mga breathtaking view na kung saan may iba iba kang angulo na makukuha sa pag kuha ng larawan.
At kung ikaw naman ay nasa manila pa mangagaling, 2 hangang 3 oras lang ang byahe pa punta sa magandang beach resort na ito. Malapit din ito sa kabayanan kung kaya madali kang makakabili ng mga kulang na gamit o mga kailangan mong pagkain.

Pag nakarating kana sa magandang beach resort na ito, makikita mo ang malinis at malakas na tunog ng mga alon. Makakakita ka din ng mga taong masasaya at mga nakangiti dahil sila ay nag eenjoy sa paliligo sa dagat. Madaming mga paninda sa tabi ng dagat kaya hindi ka mag aalala kung ikaw ay may nalimutang dalhin o bilhin.
Medjo mahal nga lamang ang mga paninda dito dahil ito ay kinukuha pa sa bayan o kung saan saang lugar, pero mga ayos at magaganda naman ang quality ng mga paninda nila.

Habang dinadama mo ang malalakas na hampas ng alon, mararamdaman mo din ang simoy ng hangin na kay lamig at kay sarap. Isa din dito ang magandang sunset view namakikita mo ng alas 5 ng hapon, makakakuha ka ng magagandang litrato at iba pa.
Ang mga taga dito sa San Diego Beach ay nag ooffer ng mga activities na pwede mong masubukan, katulad ng mga banana boat, jetski at mga iba pang activities na nakapaloob dito. Mararamdaman mo ang nakaka relax na view nito pag sapit ng hapon dahil napaka kalmado ng dagat at dahil din sa sunset. Isa din sa mga pwedeng gawin sa beach ay ang pag lalaro ng volleyball, dahil ang volleyball ay pwedeng laruin sa buhangin, kailangan lamang din mag tayo ng net upang maayos itong mapapaglaruan.

Kung pupunta ka dito sa San Diego Beach at gusto mo nga hindi mataong araw, isasuggest ko sayo na pumunta ka ng weekdays, dahil ang mga taonat turista ay mga nasa trabaho at mga napasok sa paraalan. At sa Weekends naman, madaming turista ang napunta kaya ang ibang cottages ay napupuno at ang ibang pwedeng pag tuluyan at fully booked lahat.
Kung pupunta ka dito sa San Diego Beach at gusto mo nga hindi mataong araw, isasuggest ko sayo na pumunta ka ng weekdays, dahil ang mga taonat turista ay mga nasa trabaho at mga napasok sa paraalan. At sa Weekends naman, madaming turista ang napunta kaya ang ibang cottages ay napupuno at ang ibang pwedeng pag tuluyan at fully booked lahat.
Para dika magastusan ng malaki sa iyong pag punta dito, unahin na ang pagbili ng mga kakailanganin upang kumpleto na agad at hindi na bumili sa iba dahil dito ay ang mga bilihin ay matataas ang presyo. Para naman hindi maubusan ng matutuluyan at cottages ay makipag usap na agad sa mga may ari at mga book agad upang ikaw ay naka reserve na. Para naman sa pag punta, mas maganda kung ikaw ay may sariling sasakyan dahil mahirap ang mga byahe papunta sa beach at medjo mahal din ang pamasahe, meron namang mga alternatibong parking slot sa lugar.

Ang San Diego Beach ay magandang pasyalan ng pamilya at mag kakaibigan, dahil dito makakahanap ka ng peace of mind at makakapag relax ang katawan mo.
Inirerekomenda ko ito sainyo dahil ito ay isang magandang beach resort na hindi ka bibiguin pag dating dito, malinis, maganda, at higit pa dito maayos ang mga tao at mga turista sa lugar, may mga tutulong sayo kung kailangan mo ng makakatulong at may mapapagtanungan ma kung ikaw namam ay naguguluhan. Libre ang entrance dito, ang babayaran mo lang ay ang tutuluyan mo at ang magiging cottage mo. Hangang dito nalang kung makakapunta ka dito sa San Diego hindi mo malilimutan ang ganda at yaman nito.
#lakbaysaysay
#pilinglarang
#OLPAG11HUMSS
1 note
·
View note