#kashitan
Explore tagged Tumblr posts
Text
I'm trying my best avoiding you, please stop making any conversation especially when you see me at the hallway.
Before pa mag start 'yung inuman you said yes when they told you na ihahatid mo 'ko.
At habang tinanong kita kung ihahatid mo 'ko kasi lasing kana at nakahiga kana sa sala, hindi ka sumagot. Edi okay, i told myself naman na kaya kong umuwi..
And i lay down beside u dahil sa pagod at antok na din, and you kissed me, not just once or twice. I stopped you naman, kasi alam kong mali, i covered your mouth and ask you ano bang problema mo? Ano bang gusto mong mangyare? (Not about Sex) you just hugged me and started to touch my cheeks and pinch my nose and told me.
'Ako lang nakakagawa neto no?' *Referring on touching my face and pinching my nose*
You: Wag kang ma fa-fall, masasaktan ka lang.
Me: Luh? Bakit naman ako ma fa-fall? Tsaka tangina mo hinalikan mo 'ko tapos sasabihin mo wag akong mafa-fall tanga ka ba?
You: Sorry, akala ko gusto mo e.
Me: Bobo ka ba?
Not until the conversation went to a serious one, while you drag me to lay on your tummy you said na you're waiting for someone.
I was like: E tangina mo pala, may iniintay ka tapos hahalikan mo 'ko gago ba ka? Ano na lang mafefeel nong tao na 'yon if ever na malaman nyang may hinalikan ka? Anong irereason mo kasi lasing ka?
You: Sorry.
------------
Natapos yung usapan naten nang ihatid mo na 'ko alas tres ng madaling araw.
At sanabi kong ito na yung huli, last na 'to. Hindi na kita papansinin, hindi na 'ko makikisuyo sayo or lalapit man lang. Ayaw mo pumayag pero wala ka namang choice. Ayokong ako maging reason 'bat mas magiging magulo yung mundong ginagalawan nating dalawa.
It's almost April hindi na kita makikita, hindi na siguro magiging mahirap sating dalawa yung pag iwas and hindi pag pansin.
Pero patawarin mo 'ko sa mga pagkakataon na pinapakita kong naniniwala ako sa sinasabi mo kahit alam kong hindi totoo.
You'll never kiss someone you know if you don't have any feelings for them.
Alcohol makes us fearless, or at least lessen the fear on the things we wanted to try or do. Since most of the people doing something pushed by alcohol and regret them after they will just blame the alcohol, and they thought alcohol is a valid reason.
It hurts but not so bad but these things happened on a Monday morning kept hunting me especially when i finally decided to avoid you and told you that face to face. It bothers me a lot, especially when i know you don't want that. I'm sorry.
Masasanay na lang din tayo na hindi na uusap. Salamat sa lahat ng tulong.
0 notes
Note
What do you do for work and how do you find time to browse Tumblr in between your personal life and professional life?
Siz wala na akong time magbrowse ng Tumblr dahil sa work. Pero still glad that I can use Tumblr as my personal safe space eme and magdump ng kashitan ko sa buhay hehe 馃
2 notes
路
View notes
Text
month-end pasavogue
June 2024 is officially a month of wins. Not bad for a 12-year wait!
I ended June with an alignment with my second dad after a series of adulting and "inner child" errands. Akala ko patapos na talaga ang June, pero, humataw tayo sa June 30. Hindi ko pa rin ma-grasp 'yung feeling na 'to since 'di pa rin naman ako masaya, pero happy to share na I'm not that sad anymore. Hindi na rin matinde ang hagupit ng Juno spiral szn which is weird and wonderful.
The best way to encapsulate June 2024: THANKFUL AND GRACEFUL AND GRIT IS BACK OFFICIALLY. Side note: Drip of the day is my ultimate pakak sa book ko na vibe. Pink Floyd oversized shirt. Long linen white asymmetrical skirt. Mother Dragon-Baby Dragon platform kicks. Reverse cap - Taylor Swift- Reputation. Blue mid socks. Garapata tote. Circle-ish glasses because lumalabo na po ang ating paningin for realzzz. Very tomboy tayo pero naka skirt. LELS. Siguro, tama nga tatay kong pakitong-kitong. Okay lang naman umalis ng birthday week ko at lumaboy outside Manila. Pero, ako kasi, alam niya na si takas girl ako. Takas because my solo travels are usually spent watching sunrise and crying because I miss my mom. Sabi ko kasi, baka naman Pulag sea of clouds will cure it. Pulag na 'yun e. Baka naman, Siargao super early surf na saktong init lang will allow me to coast through life better. Baka naman, Sagada brew and the foggy morning will make me breathe deeper, and more intentionally. Baka naman, KL food trip na umaatikabo will enable me to taste a different flavor pampa-move on. Baka naman, Liwa-liw 10K morning walks with boxing session na umaatikabo would take me to a better place. Baka lang din ang advance June trip sa La Union kung saan may pa-seaglass hunting so early in the morning after sobrang daming alak-alak-an (LOL) ganaps will make me see life is worth living. CHOOOZZ. In fairness naman sa lahat ng nabanggit, legit core memories sila. As in. Pero, iba e. Kasi, 'yung pull ng lungkot ko sa mga trips ko na 'yan, out of this world. People usually tell me that I have epic June trips; but, deep inside, I feel like wala lang lahat ng adventures and misadventures na 'yan. It's but another shithole day, month, and year.
Sabi nga ng second dad ko, having a solid support group that I actually permit to help me kahit ayoko is something I should embrace. Pasavogue. Looking back, I thank all those who stayed even when it meant coping with my kashitan 1000000 during Juno szn. And that, life is better when there's balance in all aspects. Hindi lang sa work, pati sa life.
Syempre, sabi ko, for boomers, mas madali kasi ika nga ni Maslow, 'yung generation ng boomers, more of building the foundation of the needs. Millennials naman and even Gen Zs, rektang belonginess saka actualization levels na, in general. Hindi na kami 'yung generation na super igib or hakot-panggatong levels. Hindi rin kami 'yung generation na luluwas sa Maynila para makipagsapalaran sa ngalan ng mas maalwang buhay. Kahit middle class na lower stratus, may basics na e. Tapos, 'yung generation naman, masyadong maraming paths na puwedeng i-take. Too many options lead to weirder options and weirder paths and detours. LOL. Kasalanan ng seat sale 'to. CHZ.
Pero, 'di ibig sabihin na dahil sa sobrang daming existentialishitms, e wala ng pag-asa ang generation na masasabi kong in between the legit digital and analog world. Totoo, being part of a small and smaller circle na alam mong safe ka, lagi't lagi ang pananggalang mo sa lahat ng uri ng kabobohan mo at ng mundo mo. Lesson learned the hard, harder, and the hardest ways ako riyan. So, present na naman ako sa Row 5. LOL. Saka, talagang iba-iba ang definition ng success pero what matters is stay on your ground, your lane. Kahit na it means that you're not living by the standards of a typical millennial's road to 40. For me lang naman 'yun a.
Iniisip ko ba 'yung Year 40 ko? Yes and no. Siguro kasi andito na ako sa point (finally) na kung ano mang mga decisions ko, tanong ko lagi: Will I get closer to my life na outside Manila? Will I get better chances of paying the bills AND spending time with those who matter most? Will I be able to learn more? Will I be able to ride the wave of AI in the next 5 years all for the greater good, ganern? EMS. Hahaha.
Year 38 has not been easy. Sobrang hassle ng mga ganaps, however, I won't have any other way because METAL po talaga tayo. Ke may halong kemikal o wala. LOL. But, masasabi kong dahil nga sa daming kaguluhan, napunta ako sa isang super early morning like this one and nasabi ko sa sarili kong: Deserve ko ng mga bagay na YES ang sagot sa mga tanong ko sa taas. 'Yun lang talaga.
'Di man ako natuloy sa Japan because baka doon na lang talaga ako pumunta sa "Forbidden Forest" because ang lala ng spiral ko nung flight week na 'yan. Hahahaha. Shemay. Kahihiyan sa mga travel buddies kong nasa airport na tapos inaantay pa rin akong mag-last minute habol. Bayad na lahat ng accoms sa Tokyo. LOL. Pero, even that Japan trip is not enough to pull me outta bed.
And, looking back, I'll forever remember that experience para hindi na ulit ako mapadpad sa ganung shituation. Ako rin naman ang naglagay sa sarili ko sa ganung kalalang spiral e. Walang iba kung 'di ako kasi nga rurok ng kawalaan ko ng grit 'yang naudlot na Japan trip na 'yan. How rurok? Eto 'yung nakita ako ng tatay kong nasa ultimate meltdown chapter. Siya na nagluluto. Siya na nagbubukas ng ilaw. Siya na 'yung nagaabot sa akin ng tubig kasi ayoko nga gumalaw, literally AND figuratively. Baka nga kasi, Tokyo is not for me. CHZ. Baka nga, pang-outside Tokyo talaga ako. Pang-Shirakawago talaga. Ganern. Sabi ni dad: O, sayang naman bike trips mo doon, 'nak. Bangon na.
O 'di ba? Ang lala masyado. May shot list na ako e. Hahaha. Pero, again, Tokyo did not happen for me to actually realize that I have to go for peace of mind amidst the chaos that I chose. 'Yun lang talaga.
And, ayun na nga. Andito na tayo sa end ng H1. Kagabi, I got not 1 but 2 Harry Potter Lego sets. HAHAHAHAHA. Rurok naman ito ng 'di ko man natuloy ang epic Tokyo trip, taccaaaa, 'yung inner children ko naman, sobrang galak. Palakpak tenga. 'Yung 2 dream sets ko ng Lego, available sa suking Lego store and sa Rustan's. Thanks so much to me, myself, and I na sobrang lala ng spiral before Juno szn.
Backstory neto, simple lang. I love LEGO. As in. Everything is awesome. Ganern. Tapos, tawang-tawa kapatid ko saka tatay ko kasi nga, bakit daw kaya ko namang bumili ng Lego pero ayaw ko. Me: Kasi mahal masyado. 'Di tayo mayaman. Hahaha. Then, 'yung pangangay ng kapatid ko, mahilig na rin sa Lego ngayon. Gusto raw maging architect. LOL. Bonding namin mga Lego sets niya pero syempre, ako as a legit Batang 90s, sabi ko, ano ba 'yan? Bakit parang ang constricting naman sa free play ng Lego sets ngayon? LOL. Hala, sige. Ipilit natin sa Gen Alpha ang millennial boomer bombs ano po.
Sabi ko sa kapatid ko sa bawat hirit niya ng pagbili ko ng Lego para sa panganay niya: Huy. Ako nga walang nabili ni isang Lego sa store e. Regalo lang din sa akin 'yung humble Lego set ko since my toddler years. Kaya, 'wag ako. Bibilihan ko 'yang anak mo, 'pag meron na akong Lego for my inner children. And so... ayun na nga. Dahil sa panganay ng kapatid ko, napunta na tayo sa Lego store. And then poof. Blag. Ack. Nag-hello sa akin ang umaatikabong set ng isa sa mga pivotal scenes sa Harry Potter --Gringgots Bank. Earlier that day, 'yung sales team ng Lego branch na 'to sa suki nating Town e nagsabing 'yung Expecto Patronum set, out of stock na. Kaya nagpunta akong Rustan's para hanapin if meron pa sila doon. Short walk lang naman. 'Yung kilig ko, jusq dhzai. Oh my. Last piece. Saka syempre, ayaw natin ng reseller price. Sabi ko kay Ritz ('yung store assistant), 'wag niya na akong i-upsell kasi saktuhan lang ang budget ko. Tawang-tawa siya kasi may isa akong nakitang set na hindi Harry Potter pero shared favorite namin ng kapatid ko na Disney character. Hindi Disney princess 'to.
So, ayun. Dinner with dad and my brother to cover very important and urgent matters na 'pag may nalaman akong alingangas, pipitpitin ko talaga at paguumpog ulo nilang mag-ama. With sampiga pa. Sabi ng kapatid ko, maka-asta raw ako, parang nanay kong dragon. HAHAHAHA. Then, syempre, bilang bunsong manipulative, ni-joke ako na: O, nakabili ka ng Expecto Patronum. Bilhan mo na rin pamangkin mo. Hahahaha. Tacccaaa.
So, ayun. Punta kaming Lego store ulit tapos nag-hello nga 'yung Gringgots. Pinapahanap ko kasi ito sa HK and SG sa tulong ng ating mga tagapagbantay expat friends. LELS. E, waw. Andun lang pala all along. CHZ. Again, hindi siya sa presyo lang a. Sobrang tagal kong inantay 'tong moment na 'to as a fan girl of Harry Potter since 13 years old. From those days na hiram-hiram ako sa library ng bagong books kasi wala talaga akong pambili kahit mag-ipon pa ako sa baon ko or whatever. To the point na 'yung mismong masungit na librarian, gumagawa ng paraan na ako ang unang pipirma sa library card kasi favorite niya akong taga-borrow ng Harry Potter books. HAHAHAHA. Alam mo 'yung feeling ng fresh page tapos 'yung amoy ng new book? 'Yun talaga habol ko e.
Then, ayun. 14 going 40 seems to be on track. LOL. Syempre, 'yung pamangkin ko, McLaren ang nakuha. HAHAHAHA. Tapos may 294 points pang baon. Sabi ko sa kapatid ko, 'yung 294 points na ang pamasko nung anak niya from me. Wala na. Sarado na ang tindahan. HAHAHAHA. Sabi pa niya: Wow. Sana all nakakabili ng Lego just like that. Me: Ulol. Anak ka kasi ng anak. Hahahahaha. BOOGSH. Case fucking closed.
Sa moment na 'to narealize ko na sobrang layo talaga ng belief systems namin ng kapatid ko. SINK ako - Single Income, No Kids. Siya naman, legit na pangarap maging padre de familia ordinaryo. HAHAHAHA. Pero, 'di ibig sabihin nun e, one is better than the other. Sabi pa niya: Naku, need mong may pamanahan ng mga Lego mo, ate. Me: Andyan naman si GC (anak niya) sa tamang panahon e. Saka gusto mo bang 'wag ko na lang bilhin 'yang Lego na 'yan ha? Puwede namang hindi.
Ayun. Ended June with a boogsh na akala ko e SG or HK ko pa matutunton. LOL. Hahahaha. Nasa Pinas lang pala. Baka need ko lang talagang piliin lagi ang Pinas. Abangan! PS: LF ka-tag team bumuo ng Lego. 'Yung 'di maarte. 'Yung gusto ng walang tulugan. Ayoko ng palautos saka mainit ang ulo. Slide a DM and your letter of intent. CHZ. Plus, pros and cons bakit ikaw. Paki lagay na rin mga kahinaan at kabobohan mong taglay para wala na akong masyadong probing q's. 'Yung may moral compass pero may kagaguhang taglay. Bonus points sa langit 'pag pumupulot ng poops at nagpupunas ng wiwi ng mga aso with feelings. K. TNX. LATERS.
0 notes
Text
Super powers
Mababaw akong tao, alam ng 124 followers ko na porn blogs yan.
Simulan natin ang kwento 10+ years ago. Yung mga panahong tolerable pa itsura ng tumblr at hindi pa nakakadiring puno ng ads. Pwe.
Puta, tanda ko na. Kinig kayo sa dinosaur mga bata ha.
(spoiler. Ako si batman.)
Antagal kong binasa yung mga sulat ko dito noon bago ko naisipang magsulat ulit.
Maliban sa gusto kong malaman kung pano ko nakikita ang buhay ko noon, e gusto ko ding malaman kung may nabago ba sa ngayon. Meron naman kahit papano.
Amg punto ko, gusto ko lang sanang malaman kung saan at papano nagsimula ang kwentong inuman at pagmamahalang pangungupal.
Akshuli, hindi ko na din matandaan kung kelan at kung paano ako napadpad sa lugar na to e. Malamang tulad ng kabute bigla nalang din akong lumitaw at umusbong mula sa ihi ng aso.
Ilang beses ko na din sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ako babalik sa lugar na to. Dahil ito yung lugar kung saan ako matatagpuan sa pinakailalim ng buhay ko. Rock bottom in english. Naks. Kaso, eto nanaman tayo.
Ang totoo nyan, iilan lang naman talaga ang dahilan kung bakit hinihila ako pabalik ng site na to. 1, nawalan ako ng trabaho, o di kaya e hinahatak nanaman ako pababa ng mga alaga ko at andito ako para magreklamo ng kashitan ko. Ang pagkakaiba lang, alam ko na ngayon ang dahilan at tanggap ko na.
Naaalala ko wala akong alam sa pagsusulat, sa paggawa ng tula, o sa kung ano mang nauuso noon dito nung kapanuhan ko.
Ang alam ko lang, magaling ako magreklamo.
Andami kong hinanaing.
Andami kong hindi gusto sa buhay.
Andami kong gustong sabihin pero ang totoo, tikom ang bibig ko sa mukha ng totoong buhay sa labas ng pantasya.
Akala ko kasi noon sadyang wala lang talagang buhay sa loob ng apat na sulok ng paraiso ko. Akala ko ganun din maski sa labas ng mundo ko, kaya naman kada tapos ng kakapirasong sandali ng masasaya kong oras sa mundong ibabaw, e dito at dito ako bumabalik.
Safe haven ika nga.
Tangina akala ko sadboy lang talaga ako noong kabataan ko, may iba pa palang rason.
Akala ko ganun nalang ang siste ko sa panghabang buhay.
Hanggang sa nagkaroon tayo ng sense of maturity. Tapos ayun na nga, natagpuan ko ang totoong ibig sabihin ng kaligayahan at ang true meaning of life. Hihi.
Natuto tayo maging masaya.
Pero kahit anong saya ang nararamdaman at nararanasan ko, merong maliit na parte sa kaloob looban ko ang humihila sakin pabalik sa lugar na to. Sa lugar na puro reklamo at walang kamatayang lungkot.
Andaming nangyari sa mga lumipas na taon pero hindi nawala ang lungkot. Hanggang sa unti unti na ulit akong nilamon at pati ang saya na ilang taon kong pinagipunan at pinaghirapan ay unti unti nang kinain ng lungkot na parang kastilyong buhangin sa ilalim ng tirik na araw.
Doon ko naisip mga kagaguhan ko noong binata pa ako.
Madami akong pagsisisi sa buhay.
Mga maling desisyon at sablay na diskarte at kung ano ano pa. Di ko alam kung magtatagal pa ako sa mundong to para humingi ng tawad at simulang pagbutihin kaso baka nasa isip ko nalang din ang lahat. Ang alam ko lang, unti unti na akong tinatraydor ng sarili kong utak.
Tanggap ko naman na.
Tanggap ko na na may deperensya ako matapos ang ilang konsultasyon sa iba't ibang klase ng doktor. Tanggap ko na na malamang e habangbuhay na akong nenerbyosin ng walang dahilan.
Tanggap ko na.
Ako na ang bahala sa sarili ko.
Tanggap ko na ako si batman.
Mabuti nalang at wala nang nakakakilala sa akin dito.
1 note
路
View note
Text
I think nagiging masama na ko dahil sa pain na nararamdaman ko. Pero nakakainis na I was raised na hindi nagagalit. Na tanggapin lang lahat ng kashitan kaya naaabuso ako but not this time. Hindi na ako yung dating carmina.
SANA LUMUBOG ULIT YAN SI EDWIL, ISAMA NYA NANAY NYANG BALIW! Kukuhanin ko lahat ng mga gamit ko. Hindi ko alam if mapagkakatiwalaan ko gf ni papa, if sasabihin ko ba or not. Pero pano ko makukuha mga gamit ko don. Si Mau lang kaya maging matapang at harapin baliw na nanay ni edwil. Panigurado, war to. Pero matagal naman din akong sinira at ginawang baliw ni edwil. At alam ko na karapatan kong kuhanin mga gamit ko don. Hmmmm. Pero pagisipan ko pa mabuti. Di na kase ako naniniwala sa karma e. GUSTO KO AKO NA GAGAWA NG KARMA. Lord, sorry 馃槶 tropa na kami ni lucifer
1 note
路
View note
Text
For a long time, ang hirap pala kapag narealize mong hindi ka pala minahal nung taong yun. Pagkatapos ng walong taong pakikisama mo sa kanya, saka mo lang malalamang hindi ka pala nia minahal. Bagkus ay, sarili nia ang minahal nia. Nalaman ko lang yun, while I am enjoying my solitude, una kong narealize yung pagbibigay. Kasi kapag mahal mo pala talaga yung isang tao, panay yung bigay mo eh, to the point na nakakalimutan mo na yung sarili mo. Why? Kasi masaya kang nakikita siyang masaya, yun din ang nagpapasaya sa'yo. After that, I came to my thoughts na, teka, ano nga ba yung mga naibigay niya sakin? Eh minahal nia rin ako, dun ko naisip na, "bat wala?", "kakarampot nga niyang oras, pinagkakait nia pa sakin", "bat parang wala naman?", pero panay yung sabi kong, "there has to be something"... until it came to my thoughts na.. wala talaga. It goes to show na never pala talaga niya akong minahal, na, I was more of an investment, since he kept on taking. Ayaw niyang magbigay, ayaw nia ng commitment sa kin, ayaw nia ng kahit anong responsibilidad kaya ayaw niyang maging kami. Deep inside me noon pa, I was in denial, but I kept on gambling, pero wala, natalo rin lang ako.
#buhay amerika#kagaguhan#kalokohan#kalandian#tangina#mga kagaguhan ko#love#love quotes#love quote#quotes#pinoy memes#memes#kashitan#pinoy culture#pinoy quotes#pinoy food#pinoy#miss universe#stress
9 notes
路
View notes
Text
Gago, di ko alam kung anong problema sakin pero lagi nalang ako dumidistansya sa mga tao lalo na pag napapalapit na sakin
6 notes
路
View notes
Text
Idk. Mali na lang din siguro na hilingin na sana tayong-tayo na lang ulit mag kakasama hindi 'yung pinag hihiwalay tayo ng mga Taong may problema sa mga sarili nila..
The more na tinutulungan naten sila na ayusin yung buhay nila, the more na nakakalimutan na nating may problema din pala tayong kaylangan ayusin.
Siguro ginusto na din talaga ng mundo na ilayo tayong lahat sa isa't isa para malaman talaga naten kung sino ang makakaalala at sinong mag papatay malisya.
Masaya kame para sa'yo at alam naman namen (sana) na masaya ka din para samen, mag kaiba man ang landas na tinatahak naten, hindi ibig-sabihin non ay Tama kame at Mali ka, hindi din naman kame Mali para masabi ng iba na Tama ka. Patas lang tayo, sadyang immature lang 'yang kasama mo at kame? Mapanginsulto haha dejk.
Wag mo sanang hayaan na alilain ka. Minahal ka namen, kinaybigan ka namen hindi para maging katulong ng kung sino man.
Alagaan mo sarili mo, katulad lang pag aalaga namen sa'yo.
0 notes
Text
hi
dami ko nainom kagabi sobrang sakit ng ulo ko kanina paggising ayan tuloy hindi ako nakapasok. ano kayang hanash ng tl ko bukas haha. sinusumpa ko tuloy ang alak de jk haha pag amoy ko palang kanina ng hininga ko sukang suka ako punyeta wala akong balak na magpakalasing pero akala ko kasi makakalimutan ko yung sakit. hindi pala lalo lang kitang naalala lintek na yan
1 note
路
View note
Text
inhale... exhale... it鈥檚 Carmina Topacio who mentioned me bcs I commented on her photo na sobrang ganda n'ya tapos she replied na thanks, you're pretty too HUHUHUHUHU I cannot contain myself anymore huhuhuhu feeling ko lilipad ako sa saya, at ang saya saya, die hard fan n'ya ko ng sobrang tagal yes exactly tapos ngayon napansin n'ya na 'ko bakit ganito pala ang feeling huhuhuhu perks of being a fan girl nga naman lol kahit hindi naman 'yun perks! HAHAHAHA ano ba 'yon :3 forever na 'kong ganito para sa kanya omygahwddelicious! I can鈥檛 believe it hahahahaha sa IG pala nangyari ang ganitong situation, by the way hahahaha charot sa mga english bye huhuhu
1 note
路
View note
Text
Friend: Life is too short to hide your feelings, now go on tell that b*tch you look better together with her boyfriend.
- So supportive talaga ng friend kong to! Thankful talaga ako kasi wilab each other hahaha
#isa siguro siya sa maituturing kong bestfriend#broken din to pero naglaan ng oras para pakinggan ang kashitan ko sa buhay
7 notes
路
View notes
Text
Santa San Ajumma
When the spiral is spiraling, let the santa crew go marching in, especially in Juno szn, bitch!
Numbers are green going greener, so, let's go home. Chz. Sarado na ang tindahan. Sa July na lang ulit tayo mag-tuos. Malapit na weekend and last Friday of June na bukas, real quick. EMS. Anyhow, this June is popping like purple pills ni Eminem, but, we're powering through, babyyyyy. Maiba naman. Siguro munting character arc development na rin lang. Naawa na rin finally ang universe. Ganern. Juno szn is spiral szn, but, andito na tayo sa part na I'm sharing my kinda checklist to fight the bug. Dapat yata ginawa ko ito since 2012 'noh? Pero again, we are the choices we did not choose. NO CHZ. Read that again. Masticate and digest. 'Wag mo lang i-ire at i-tae. I can't say na curated taste ko kasi naman we The Bronx of the South talaga me. And I don't give a fuck. Music is my downer and upper. Syempre, samahan mo pa ng mga pakawala sa TEDTalks para medyo classy naman kahit very pop cult. Mahilig din ako sa lolo and lola songs kasi naniniwala akong ang mga OG boomers (aka the silent generation) ang mga legit na pakak. Why? Swingers, hippies, advocates, metal mag-isip, survived the WW pa 'yung iba, saka kahit malayo na sila sa Flappers era, may paganap pa rin silang very flappers. Paulit-ulit lang din naman mga era. Saka na 'yung line up na 'yun kasi that line up triggers graphic memories with mom like my eternal fave, The Beatles! Sa sobrang triggering, wala tayong PL ng The Beatles this week. Sa July or August na siguro. Kailangan nating kumalma because, the vertical growth is fucking the life outta me. HAHAHAHAHAHA. Taena n'yong lahat. Beyonce Apart from listening to her PL and watching arms and tummy flab ever since nauso sa Burger King 'yung pa-TV na may concerts, lagi't lagi ko talagang lodicakes si Vini Beyonce.
Sa kanya ko legit nakita na tama nga insights kong silent about The Swan. Eto kasi 'yung era ko na natutuwa akong makita mga drastic transformations (aka major surgery na may kasamang mala-Biggest Loser and diet na sobrang 'di ko sure kung tama bang i-roll out) ng mga babae sa States kasi gusto nilang mas ma-feel good. Then, kita mo na what they see in the mirror reveals are MEH. 'Di super ganda ng gawa ng a number of them. Siguro, doon ko rin nakuha 'yung talas ng mata sa mga legit na chixxxx o hindi ba natural ang mga boogsh features nila. CHZ. Lagot na naman me. Hahahaha. Tapos, ayokong maging maputi. Ayokong super straight sleeky hair. May time pa na ni-cutter ko mga baby hair sa braso ko in the hopes na maging balbon ako. Tapos gusto ko may freckles. Ang labo ko 'di ba? Kaya naman, every drop kahit 'yung iba flop niya ng Adidas x Ivy Park, talagang sineseryoso ko. After all, brand is the new religion. Take my soul. Kidding aside, Beyonce reminds me talaga to be unapologetic and sana talaga, caramel skin and lush curls and snatched thicc aging millennial vibin' is jumpin', jumpin'. Destiny's Child days pa lang niya, fave ko na siya kasi hindi marupok na marupok mga kanta niya. May kagat kahit alembong. HAHAHAHA. Amy Winehouse
Eto. Fave ko siya kasi she lived a short and well-lived life. Super unaplogetic sa mga kashitan niya pati rehab. Ganun kalala, ganun ka-authentic. Hamuna may halong kemikal. I love her vibe and she stands out even when she's like a sore thumb most of the time. Kung ang The Beatles may pa-poetic vibe, siya naman, wala akong pake, che. Kaya plus points 'yan for her. Minsan ko lang pakinggan PL niya kasi mhie, maaaa. How not to be u po pero I'm kinda like you in so many levels tayo sa santa san ajumma na 'to.
Alicia Keys
Syempre, I grew up with Alicia Keys and Usher. MOMOX PL. Matic. CHZ. Hahahaha. LUH. Syempre, bagets pa tayo nun, so My Boo is not boo-ing. Kidding aside, etong si Alicia Keys sobrang love ko kahit piyok-piyok siya in a red number sa Super Bowl. Tawang-tawa ako kasi si Usher is looking like a tinapay na. Alicia Keys is slaying it, baby. LOL. Si Usher parang DOM na e. Sorry, Usher. Sorry, not sorry. May hangganan ang kakiligan talaga 'pag medyo weird na tignan na RnB vibe pa rin si kuys, e, the vibe is definitely booming bombs. Reading Alicia Keys' book More Myself made me see her in a totally different light. All sheroes have crazy BTS lives pa rin talaga. And grabe 'yung perspective niya sa book. Shitshow na dogshow pa. And syempre, how her mom and dad helped her power through. LOL.
And 'yung mga attempt niya na no makeup to may beauty line, oks lang for me. Ganun talaga e. 'Di naman ibig sabihing A-list ka, bawal ka ng mag-pivot. Though I don't use her products because weird lang for me or baka wala pa lang akong deep dive sa reviews ng products niya.
Kyla Kyla - isa sa mga fave ng pinsan ko. So, syempre, I Feel For You tayo. Hindi ko alam masyado ibang songs niya kasi taga-GMA siya. Sorry ulit. Not sorry. LOL. Pero ang ganda ng story niya outside her singing paganaps lalo sharings niya as a mom battling several miscarriages. Saka gusto ko rin 'yung mga hindi pag-payag ng parents niya na mag-out of the country siya with her then BF. Opak. Sino ka diyan? Hahahaha. Very honest and very bait siya. Very masunurin sa parents and all for the greater good si girl. Sana magka-baby na siya ng bago. Wow. Akala mo naman close kami! Hahahaha.
KZ Tandingan
Underdog na hindi biritera. Husky voice pa because nagkaproblem vocal chords niya. Since naka-collaborate ko siya IRL ages ago, shemayyyy. Kilig na kilig ako deep, deep inside until now. Saka 'yung covers niya, pakkkkk. Sumasakit lalo ang mga kanta like Two Less Lonely People in the World. EMS. She topped Armi's version of Tadhana na hindi ko sure bakit wala na sa Spotify. O baka minumulto lang ako. Sobrang down-to-earth saka maganda siya in person. Saka siya poster child na kahit 'di ka champion, you can conquer the world.
India Arie x India Carney
Eto, tag team. Parang gospel truth ko si India Arie. Si India Carney naman very soul sa covers. India Arie is like an ate na naka-song form. And dahil sa kanya, dream ko mag-VIP sa Jazz Festival na hindi sa Pinas, syempre. Or baka naman, Pinas. Lagi't lagi naman kitang pinipili e. Baka naman.
Cheche Lazaro Break muna sa mga singers. Cheche Lazaro's way of telling stories is just so other-worldly. Ganern. She doesn't rip the bandages of the PH's naknak level wounds. May something talaga. Or baka kasi, as utak ko, kasama lagi sa Venn Diagram niya si Atom Aurallo. LOL. She probes talaga real hard, real quick. I don't know her background so sa work lang niya ako natingin talaga. Saka eto patunay na oks lang kahit anong channel ka. Lalo, I gave up on TV ages ago.
Brene Brown Another break time. Brene Brown. Power of Vulnerability. Nuff said kasi lagi ko naman siya niko-quote here. Saka listen na lang sa podcasts niya kasi she seems like she's really evolving na naman. Maliban sa pagiging alipin ni DOAC, kahit libre, gusto kong maging alagad niya sa social research. Kahit taga-ayos lang ng script niya at taga-flash ng clapper. Ganun. Sana mag-open siya ng remote role, kahit taga-cheer lang, game ako.
Britney Spears
The Millennials' Meltdown Queen. Wala akong pake when she had her head shaved. Fan pa rin ako kasi I get her. EMS. Wala akong pake panget voice niya. E totoo naman e. She is eleganza na girl. LOL. Parang ipinasa sa kanya ni Madonna ang baton kaya wala, game tayo.
Sa kanya ko naman nakita na why laging lambasted ang girl 'pag nagkaka-break up? Lagi talagang siya may kasalanan? 'Di ba puwedeng dahil din sa conservatorship niya? Saka kung gusto mo ng Easter eggs na kavogue si TS, pakinggan mo ulit PL niya. My top picks: Toxic, Everytime, Lucky, Girl in the Mirror, and Criminal.
Madonna
Dulot ng nanay kong saintly pero hala sige, Madonna cassette tape... approved. Eto 'yung gulat ako first time in history sa nanay kong magaling. Hahahaha. Madonna is my maven kasi talaga naman, she is embracing her totality. Tingin ng iba sex icon siya. It's a no for me kasi kung titingnan mo ilan lang ba ang nakaka-get away with being over top na babae noon maliban kay Cher? Ilan lang? Pero 'pag sina Freddie Mercury oks lang? Ganun? So, tabi. Madonna bulldozed her way to the top. Also, sobrang hits hard and hits home 'yung line niya sa isang speech niya na about hindi na siya naglo-lock ng doors because fucking sex offenders find their way to her, in her. See? All sheroes bleed in bright red talaga. Periodttzzz.
Adam Lambert
Queerest of them all kaya nisama ko here. HIHIHIHI. Love his cover in Rolling Stones in June 2009. Super love, love, love ko siya kasi siya nagpakita na idols should be real AF. EMS. Plus, I love theatrics and na-nail down niya 'yan. And 'yung collabs niya with Queen and KISS, aba naman. E faves ko rin sila. Plus, hindi lang niya tinapatan si Freddie Mercury, nilapagan at nilampasan pa niya. I love Freddie, pero, damnnn. Adam is Adaming.
Xtina Aguilera
Vocals and girl power kung girl power. PAK. Saka super queer din. Vaklang-vakla. Tanggap ko naman talaga na no match si Britney sa kanya and she seems fine with the burn. She seems to know her worth. Saka 'yung Burlesque, panalong-panalo. 'Di syempre flawless pero, tinapatan niya si Cher.
2ne1
Eto naman. Pang-legit, 'wag ka na sad girl PL. Hahahahaha. 'Pag may 2ne1 na sa PL ko, malala na talaga ako. 'Pag naka-loop 'yan, Psyduck na ako. Ariana Grande Syempre in Venti si Vini Ariana. Lalo sa paparating na Wicked na sana naman hindi hype. Maraming worth cancelling ganaps 'tong girl na 'to, pero again, the vocals and visuals are very good. LOL.
'Yung mga retoke niya, goods din. Hahaha. Hindi lahat pero sige lang. I can take it.
May nakakatawang subreddit usaps na Ariana is trying to look like a baby doll. Mga ulol. Ang malice nasa mata ng tumitingin at sa nasa utak na bulok 'yan. Whitney Houston
Because she has swagger ever since. 'Di siya pabebe tulad nina Mariah Carey. Lalo nung nirelease documentary niya. Kaya pala vibes all over. She brought color to the white table even when she was looked down upon by her own people. Shania Twain
Eto 'yung Taylor Swift na oks. HAHAHAHA. For me lang a. Saka gaganda ng mga songs niya. As in. Hindi rin siya super girly kaya very pak.
Taylor Swift - Reputation x Midnights Era ONLY
Since my soul sis adores TS, eto talaga sinisi ko sa karupukan niya in life. Hahahahahaha. Sobrang need ko ng masisisi 'pag nagpapadugo siya ng mga kashitan niya sa love life for the past decades. Earlier today, nag-message. Paano ko raw siya napagtiisan e 'di naman ako patient? Sabi ko pasalamat siya kay TS. And kaya may resolve na kami ni TS is because of her Reputation era. LOL. Pero oks din talaga Midnights because HIHIHIHIHI. Ganda ng beats, baby.
I discovered TS late last year because there's a torpedo-level spiral but, that's a thing of the past na now. Boogsh.
Armi
My other fave pero, up a certain point only ha. Kasi nga, may rumors about her personal life. Ayoko na lang mag-talk kasi the art and the artist are independent entities. LOL. Ako lang naman, be who you truly are. LOL. Pero again, oks na oks siya sa akin since MTV dazeee. Ricky Lee
Another break time. Kasi ganda talaga ng interviews niya. HUHUHUHU. Reminder from him is bago ka maging isang manunulat, strive na maging mabuting tao sa abot ng kaya mo. The power of storytelling na kayang makipagsabakan sa layo ng Super South to Katips ng rush hour levels po tayo. HIHIHIHIHIHIHI. Tacca. Siya rin nagpakita na 'pag may pake ako, meron. 'Pag wala, sorry. Thank u. Next. So graphic. So poetic. So fantastic.
Tonette Jadaone
Siya naman nagpakita na oks lang maging mainstream kahit tinatawanan siya ng buong Diliman at kaitaasana. Jologs levels: 10000000. LOL. 'Di ko pinanood lahat ng films niya because ayoko lang din. Pero 'yung That Thing Called Tangahadna, pasok na pasok. Very good.
Bakit wala Vini dito? Pang-ibang PL sila. LOL. Saka wala akong access sa Viniverse VIP pero oks lang din kasi may access naman ako sa... Abangan! PS: Ang tinde ng algo ng Spotify ngayon. Walang skip sa mix. Dammmnnn right. The AI angels of death are here on earth na talaga. Taccccaaaa talagaaaaa 10000000. Also me: Tapos? Also meeee: Baka lang may bored na kaluluwang gumagalaw ng algo ko? Hahahaha. PS2: Equally superb santa sa ajummas - Kylie Minogue, Emeli Sande, and Lady Gaga. Mga top of mind lang 'yung nasa taas pero not exhaustive.
0 notes
Text
Kada
Sorry tumblr peps tangina pagbigyan nyo na ako sa mga kashitan ko ngaun wag puro anon gaguuuuu... Ahhahahahahahahhaha diko publish yan
5 notes
路
View notes
Text
If my situationship with e.r is a playlist, it'll consist of these songs:
Katy Perry-The one that got away
A Fine Frenzy-Almost Lover
Stevie Wonder-Part time lover
Melanie Martinez-Carousel
Beyonce-Best thing I never had
Magnus Haven-Imahe
Arctic Monkeys-I Wanna be yours
Kyla-Anong daling sabihin
Nina-Someday
Freestyle-Before I let you go
#buhay sa amerika#buhay amerika#tagalog quotes#kalandian files#kalandian 101#kalandian#mga kalandian ko#kaartehan#kagaguhan sa pagibig#katangahan sa pinas#katangahan 101#katarantaduhan#katangahan#mga kagaguhan ko#kashitan#kardashians#love life#love quote#love song#opm icons#opm#shit
3 notes
路
View notes