#kapwa-pilipino mo 'yan.
Explore tagged Tumblr posts
Text
choked
#happy last day of UP Fair !#a lot of people seem to forget that#UP Fair#is a protest which makes it a bit#overrated for me#especially if youve seen those posts abt how some#of the audiences have mocked farmers#for their visayan accent when they went on stage#to share abt their experiences#like ?? 🙂#people just seem to be going for the music artists atp#and if u didnt know that beforehand fine okay#the very least u could do is listen to what they have to say#kasi pilipino ka rin.#kapwa-pilipino mo 'yan.#(add to the fact that there are sooooo many people#when it's UP fair week#and these people DO NOT KNOW#how to fucking throw away their trash#our building is right in front of sunken#and the amount of garbage that's left every morning is#just so ajskakxkaksksk)#anyway#uni diaries#Andres Bonifacio#lol#grey txt#i suppose
1 note
·
View note
Photo
SAGOT KO PROBLEMA MO!
Kailangan mo ba ng tulong pag ikaw ay naaargrabyado? Andiyan si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo, A.K.A Raffy Tulfo! Siya ang sagot sa problema mo!. Siya ay isang batikang kolumnista, broadkaster sa radyo at telibisyon. Mas marami siyang natutulungan sa programa niya sa telebisyon “Raffy Tulfo in Action” na kung saan nakatuon sa mga isyu ng gobyerno at pribadong sektor at meron parin siyang programa sa radyo sa araw ng hapon na pinamagatang Wanted sa Radyo sa Radyo5 92.3 News FM kasama si Sharee Roman.
Kilala siya bilang matapang na humaharap sa mga idinudulog na problema sa kanya dahil siya ay isang magaling na tao sapagkat siya ay laging nandiyan para tumulong sa kapwa lalo na sa mga inaapi. Madami sa kanya ang umiidolo sapagkat wala siyang kinakatakutan at nilalaban kung ano ang tama ang lagi niya ngang sinasabi sa tuwing siya ay nakikinig sa problema ng dalawang tao ay “ We are just being fair here” ito ay patunay na wala siyang kinakampihan at pinagbibigyan niya na makapagsalita ang lahat na gustong magsalita at may mga hinaing sa buhay.
Mag isa lamang siya pero madaming tao sa pilipinas ang kanyang tinutulungan mapa babae mapa lalaki man, bata o matanda, mahirap o mayaman, bakla o tomboy. Wala siyang pinipili basta lumapit sa kanya upang humingi ng tulong.
Ito ang mga halimbawa o senaryo ng kanyang ginagawa ng pagtulong. Ang mga pamilyang naghihirap dahil sa pagmamalupit ng kani-kanilang asawa ay nabibigyan hustisya. Ang mga kababaihan na niloloko at iniiwan ng mga kalalakihan at pinapahiya sa mga barkada ay nasosolusyunan din. Ang mga pamilyang nagkawatak- watak dahil wala pang karanasan sa pagpapamilya ay tinutulungan ni Mr. Raffy Tulfo, ito ay kanyang pinapakiusapan ng mabuti upang hindi tuluyang sumuko. Sa mga isyu gustong bigyan linaw ukol sa umiiral na batas, si Attorney Garreth Tungol ang kanyang katuwang.
Kapag ang mga babae naman ang nagloko at nanakit sa kanilang mga kasintahang lalaki ay hindi rin pinalalampas ni Mr. Raffy Tulfo! Wala talaga siyang kinakampihan dahil ipinaglalaban niya lang ang tama. Walang mali ang dapat manaig. May mga sitwasyon din na sobrang nakakapag tindig balahibo sa pagitan ng nagrereklamo at nirereklamo kaya naman pinagagaan muna ni Mr. Raffy Tulfo ang mga loob nito para maiwasan ang paglala ng kanilang away.
Hinangaan ko siya dahil lahat ay ginagawa niya ng solusyon mapa drug addict, o mga babaeng inabuso, broken family, may sakit, na scam at iba pa. Lahat ng yan ay kanyang binibigyan ng solusyon. May pagkakataon pa na nagbibigay siya ng pera sa higit na nangangailangan.
Dahil sa kanyang ginagawang pagtulong sa kapwa dumami ang kanyang taga hanga at umiidolo sa kanya na tinawag pa nga siyang “ Idol”. Katunayan, siya ay may 20.7 million subscriber sa youtube channel na nagpapatunay na madaming tao ang nakikinig sakanya sa bawat sulok ng Pilipinas. Siya ang nagiging boses ng bawat pilipino na walang kapangyarihan o hindi nakuha ang hustisya.
📷 Photo courtesy by:Google
✍️Feature article by:Yumi Joyce V. Tamoro
#famous person#personal blog#my first feature article#feature writing#raffy tulfo#sagot niya problema mo#pagasa ng bayan
2 notes
·
View notes
Text
Pagtutulungan ang mangunguna sa panahon ng Pandemiya
Ang pagtulong sa kapwa ay isang mahalagang konsepto at kulturang pilipino. Sabi nga nila na ang pagtulong ay "kawang gawa" at naniniwala ako na ang tunay na pagtulong ay hindi naghahangad ng kapalit, Ito'y dapat manggaling sa puso.
Masarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nakakatulong sa kapwa, mas lalo na sa mga taong malapit sa buhay mo gaya ng pamilya, kaibigan at mga taong nakapaligid sayo. Lalo na rin ngayong may problema tayong kinakaharap. Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap dahil nawalan ng pangkabuhuyan. Katulad nalamang ng aking ininterview noong Abril 30, 2021.
Siya ay mahilig tumulong at walang pinipiling oras sa pagtulong kahit na nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa. Araw-araw din siyang nagbibigay ng donasyon sa community pantry dito sa simabahan namin.
Siya ay ang aking nanay na si Josephine Destua. Tinanong ko siya ng ilang mga katanungan. Ang unang tanong ay “Bakit nyo ito ginagawa?” at ang kaniyang kasagutan ay “Ginagawa ko ito para makatulong sa iba na ngangailangan lalo na ngayong pandemic”.
Alam kong common na itong tanong na ito pero marami tayong dahilan kung bakit natin gustong tumulong at isa na nga ang kaniyang kasagutan. Yung iba kasi ay gustong tumulong para sa kasikatan at hindi bukal sa kalooban nila. Siya naman ay gustong tulong dahil marami ang nangangailangan at talagang totoo ito dahil marami ang nangangailangan nagyong may pandemic, hindi man siya mayaman ay kaya niyang tumulong sa abot ng kaniyang makakaya.
Ang pangalawang tanong naman ay “Anong benepisyo ang nakukuha mo sa pagtulong mo?” at ang kasagutan niya ay “Siguro ang makukuha kong benipisyo sa pag tulong ay ang matuturo ko sa mga anak ko at maipakita ko sa kanila na kailangan din nila ang tumulong maliit man o malaki basta bukal sa kalooban ay magiging masaya ka.”
Napakagandang kasagutan. Dahil makikita mo sa kaniya na gusto nyang maging isang mabuting ehemplo sa kaniyang mga anak. Lumaki kasi siya na walang mga magulang, kaya bumabawi siya sa mga anak niya para maging isang mabuting ehemplo para sa kanila. Dahil kung ikaw ay mabuting ehemplo sa iyong mga anak ay gagayahin na nila at tutulong rin sila ng bukal sa kanilang kalooban.
Ang pangatlong tanong ay Ano nag nararamdaman mo kapag ginagawa mo ang pagtulong? At ang kasagutan niya ay “Masaya dahil sa pakiramdam kong nakakatulong ka sa kapwa lalo kong makita mo silang masaya sa tulong mo.” Lahat naman tayo ay magiging masaya tuwing tayo ay tumutulong sa mga nangangailangan. Lalo na kung makita mo silang masaya dahil sa itinulong mo sa kanila.
Walang kapalit ang kasiyahan na iyon na nakapagbigay ngiti sa ibang tao. Dahil kung ang pagtulong mo ay bukal sa iyong damdamin ay kahit gaano pa mahal o karami ang iyong itinulong ay hindi ka na maghahanap ng kapalit basta makita mo lang silang masaya ay parang binayaran ka na rin sa lahat ng iyong mga binigay.
Ang pang-apat na katanungan ko sa kaniya ay “Bakit mas importante pa rin ang pagtulong sa iyong kapwa kahit na nawalan ng trabaho ang iyong asawa?” at ang kaniyang kasagutan ay “Dahil alam ko kong pano dumanas ng walang wala ka talaga kaya kahit wala akong masyadong pera ay magbibigay pa rin ako kahit kaunti.” Napakagandang kasagutan. Yan ang mga Pilipino, kahit na walang-wala na ay basta’t may pagkakataong tumulong sa mga nangangailangan ay tutulong pa rin.
Bagay dito ay kasabihan na “Isusubo ko nalang ay ibibigay ko pa sa iyo”. Dahil alam nya raw ang walang-wala sa buhay, siguro ay naisip niya ang mga tumulong sa kaniya noong walang-wala pa siya at ito ang kaniyang pinaghugutan sa kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang huli kong katanungan para sa kaniya ay “Ano ang iyong natutunan mo sa iyong pagtulong?” ang kaniyang kasagutan ay “Ang Natutunan ko sa pag bibigay o pagtulong sa kapwa ay natuto akong umunawa sa mga taong mas higit na nangangailangan kaysa sa akin.” Lahat naman tayo ay may natututunan sa bawat pagtulong natin at is ana ang kaniyang kasagutan. Sa pagtulong kasi ay parang nagiging isa ang iyong puso sa mga tinutulungan mo at mauunawan at mararamdaman mo ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay. Mapapa-isip ka na paano kung ako ang na sa kalagayan niya. Ano kaya ang aking gagawin? Kaya sa pagtulong mo na ito ay may matutunan ka talaga.
1 note
·
View note
Text
Literatura ng uring anak pawis
Literatura ng uring anak pawis ay isang koleksiyon ng iba't-ibang mga literatura na gawa ng nasasakupan ng anakpawis gaya na lamang ng mga mang-gagawa, magsasaka, at iba pa. Layunin nitong maipamulat ang masa laban sa mga naghaharing-uri. Layunin niyong mailahad ang mga maling sistemang nangyayari sa paligid. Naipamulat sa lahat ang kahirapan at ang ugat ng kahirapan na mawakasan ang kaisipan na nag-nonormalisa sa kahirapan na nararanasan ng madaming pilipino. Papasok dito ang "poverty porn" kung saan madami na ngayon ang gumagawa nito. Gagamitin ang kahirapan para makakuha ng simpatya sa maraming tao na magdudulot sa kanila ng katanyagan. Makikita ito sa maraming uri ng social media; facebook, twitter or kung ano pa yan. Sa mga post na makikita na ang iba ay may type Amen pang kasama para sa mga batang naghihirap at malamang maraming tao ang mauuto dito na todo naman ang pagtype Amen dahil inaakala nilang totoong nakakatulong sila sa nasa larawan. Ngayon nakapagtataka na ang mga tao ba ay tunay na may malasakit sa kapwa o gusto na lang sumikat kaya ginagamit ang kapwa? Mahihirap ang pinakamalaking porsyento na bumubuo sa uri ng nasa lipunan kaya naman ginagamit nila ito bilang tulay na makakapagdugtong sa kanilang pansariling interes, ipapalabas nila na tutulong sila sa mahihirap pero ang nasa likod doon ay ang kanilang mga pansariling interes. Literatura ayan ang isang tunay na makakapagpamulat sa atin ngunit hindi na natin masyado itong napapansin dahil nakapokus tayo sa mga bagay na gagawin natin sa pang-araw-araw, mga gastusin, kung anong kakainin sa maghapon. Naaalala ko pa dati noong ako'y nag-aaral malapit sa Mendiola, nagtataka ako lagi sa mga aktibista na nagrarally dahil anong napapala nila doon? bulok ang gobyerno. Paano sila maririnig kung ang mga tenga ng nasa posisyon ay nakatakip? Paano ka matapang na makakapagsalita kung ang nasa harapan mo ay mga gwardyang kayang-kaya kang patahimikin? Namulat ako sa mga bagay na nangyayari, ginagawa nila iyon hindi lamang para sa sarili nila dahil kung walang kikilos sino na lang ang gagawa? dahil kung walang maglalakas loob patuloy lang tayo magiging alipin sa sariling bansa natin. Ang mga literatura ang magiging malakas na sandata natin para lumaban dahil hanggat may isang makikinig ay patuloy tayong magsasalita. Ang mga ganitong akda ay maihahalintulad sa kung paano ginamit ni Jose Rizal ang kaniyang mga obra o akda sa pagpapalaya sa Pilipinas. Nagawa niyang imulat ang mga kababayan sa maling pagtrato sa atin ng mga dayuhan gamit ang kaniyang mga akda kaya hangga’t may mga taong may alam sa literature ay mananatili tayong may lakas o sandata.
1 note
·
View note
Text
JEEP MO, JEEP KO, JEEP NATING LAHAT!
Pagbyahe nga ang isa sa pinakamasayang gawain ng tao. Bukod sa kung saan-saan ka makakarating, maraming tao pa ang iyong makakasalamuha. Bukod sa dalawang nabanggit, mapapag-aralan at ma-a-adopt mo pa ang kultura at tradisyon ng iba’t-ibang lugar. Wag na tayong lumayo, bakit hindi natin tingnan ang sariling atin. #ItsMoreFunInThePhilippies, isang agenda at itinatag ng Department of Tourism. Paraan para ipromote ang magagandang tanawin sa bansa, kagaya ng Windmill sa Ilocos, Pagsanjan Falls sa Laguna, Bulkang Taal sa Tagaytay, Chocolate Hills sa Bohol, Underground River sa Palawan, Enchanted River sa Surigao at madami pang iba. Kasama rin dito ang mga pagkain, tradisyon, kultura at ang ating paglalaanan ng pansin – sasakyan. Alam nating nasa “Third World Country” tayo, kagaya ng ibang bansa, mayroon tayong bus, eroplano, barko, bangka, tricycle, kalesa, motor, bisikleta at ang trending sa panahong ito – tren na talaga namang lumalampas sa riles nito. Pero, sabi nga nila, taga-Pilipinas ka kung sumasakay ka sa jeep. Oo, jeep. Hindi ka nagkakamali ng basa, jeep. Marami na ngang development sa paggawa ng jeep, una sa lahat upang makatipid daw sa gas. Tipid! Tipid! Tipid! Ang mga Pilipino talaga, nasa isip ang pagtitipid, pero itong isang buwaya mula sa Crocodile Farm ng Pilipinas na siyang nagpasimula nito sa hawak nyang lungsod ay waldas dito, waldas doon, kaya siguro naghanda yun ng malaking parking lot sa siyudad nya, para paradahan ng jeep. Maraming maraming jeep! Balik usapan sa jeep, trending sa twitter, maraming likes, comments, at shares sa facebook noong pumunta ang ilang international actors at NBA players dito sa Pilipinas nung may picture sila na nakasakay sa jeep. Kung sino sila, hindi ko rin alam, basta nakita ko lang ito na ibinalita sa telebisyon. Tingnan mo nga naman di ba? Bida sa eksenang ito ang jeep. At dahil dito, hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang karanasan at obserbasyon ko pagdating sa jeep.
1. WOW ASTIG!
Ang jeep ay parang hayop, alagang alaga at mahal na mahal ng may ari sa kanila. Iba’t-iba din ang laki, minsan nga mahaba o maiksi pa. Nakakatuwang sabihin pero lumabas lang ang pagka-artistic nating mga Pilipino, biruin mo ba naman mula sa simpleng pintura ng jeep aba akalain mong pati larawan ng mga sikat na artista gaya ni Coco Martin ay ginawang design na din? May nakita pa ako, larawan ni Dao Ming Zhi at Hua Zhi Lei mula sa sikat na F4. Sige, good luck sa inyo baka mamaya may red card na kayo. At ang malupit sa lahat, larawan ng anak na grumaduate, take note naka-toga pa. San ka pa di ba? #ItsMoreFunInThePhilippines talaga. Punta naman tayo sa pangalan ng jeep. Yung inilalagay dun sa itaas na plaka. Mostly, mga pangalan nilalagay doon, kagaya ng Mc Neil, Hector, Mary Joy at ang ilan sa mga generic na pangalan, Angelica, Marielle, Marian. Kapag kambal naman, John and Jhen, Antonio and Armando, at madami pang iba. Kung hindi ka nasisiyahan sa pangalan, pwede din naman ang codename kagaya ng “Mhaldita” at “Zuwail”, ang saya di ba? May nakita pa nga ako, pangalan mula sa bibliya, Emmanuel, Maria and Joseph”, Matthew hanggang sa mga Santo at Sto. Niño. Astig di ba?
2. TAG LINE! “Click the button to stop!” “Hila mo, tigil ko!” Dalawa lamang yan sa madalas kong makita na sign sa loob ng jeep upang tumigil o para pumara kay manong driver. May mga karatula nga pero minsan, nasaan yung tali? Nasaan yung button? Yung totoo? Invisible? Kaya mas maganda pa din ang nakaugalian ng “PARAAAA”, bukod sa narinig nila ang maganda mong boses, agaw atensyon ka pa. “No discount on Holidays” “Hudas knows who do not pay!” At ang pinkamalupit sa lahat, “8.50 minimum pair”. Yung totoo manong, anong spelling ng pair? F-A-R-E! Ito ay ilan sa mga linyang makabagbag damdamin para sa mga pasahero. Di rin natin masisisi ang mga driver kung bakit sila naglalagay ng mga ganyan dahil talaga namang may mga di nagbabayad. Nagpapakahirap si manong driver sa pagdadrive mula sa San Juan-Divisoria, Pasig-Quiapo, Luzon-Mindanao tapos hindi ka magbabayad!? Ang kapal ng muka na di magbayad. Tang*na nyo! P*kyu kayo! Ahh. Sorry, nadala lang. Relate ako, dati din kasi akong driver. “Basta driver sweet lover” “Miss libre ka na, basta iuuwi kita!” Nak ng! Pag sumasakay ako sa jeep na may nakalagay na ganito di ko maiwasang di matawa. Naisip ko, naks manong! Para ka namang hindi pamilyadong tao. Kamusta kayo ng asawa mo? Baka mamaya pag-uwi mo at wala kang mabigay, ratatat ka sa asawa mo. Bukod sa nga-nga ka, kain bubog, inom gasolina ka pa. 3. PASSENGER Naks! Lakas maka-Passenger. Parang sasakay sa isang first class train or first class airplane. Matawag lang na “Passenger”. Di ba nga, ginawa ang mga sasakyan lalo na ang jeep para sakyan ng mga tao. Pwede din namang hayop kung gusto mo, isakay natin ang kalabaw, baka, rhinoceros, tsaka elepante at giraffe. Seryoso ‘to, wag ka tumawa. Pero kung sa tingin mo biro lang, edi sige paniwalaan mo. Sa araw-araw na ginawa ng Dyos sa pagsakay ko sa jeep para pumasok sa paaralan, may mga nakakasabay ako na kapwa estudyante ko. Yung tipong mga may hawak na libro, notes, hand-outs. Ansabeeee! Sipag! Kabataan ang pag-asa ng bayan. Mukang hindi mabibigo si Dr. Jose Rizal sa sinambit nyang kataga noong siya ay nabubuhay. Mukang mauuso na ang 101% na grade sa henerasyon natin ngayon. Mayroon din namang mga nagtatrabaho, tipong haggard na sila sa byahe palang, ikaw ba naman ang makipagsiksikan at minsan may bonus pang di kanais-nais na amoy. You know what I mean, I don’t need to explain it further. Real talk ‘to. Pero kadalasan, couple! Syeeeet naman. Mga tipong magkaholding hands, magkayakap, lapit na lapit ang muka sa isa’t-isa, pero ang di ko makakalimutan ay yung nagsusubuan ng ice cream, eh biglang hinto ni manong driver … BOOOOOOOM! Abot tenga ang ice cream, lagkit di ba? Harot harot kasi! Hahaha. Eeeeeh, tapos yung moment ko naman, may kasabay akong seaman, malapit sa school namin yung school nya tapos itong si manong biglang para na naman, parang tumigil ang mundo *Insert Moving Closer Music* nagkalapit ang aming muka, yung mata nyang mapungay, yung matangos nyang ilong, yung labi nyang kissable … Namaaaan eh! Tapos my biglang umekesna na high school student “Kuya, Ate, makikiupo po.” Nahiya naman ako bigla, kailangan sa gitna namin? Ang luwag kaya sa gilid ko. Hello!? Baka mamaya si forever na yun nawala pa. May nagtanong nga eh, bakit daw bigla pumara, sagot ni manong “Ah, sorry, may dumaan kasing POLAR BEAR.” What the heck!? Polar bear, in this country? In the road of the Philippines, I thought it is in the North and South Pole of the globe. Pero grabe talaga, ang pahinto hinto ni manong driver ay may magandang naidudulot din. At dahil hindi ko ineexpect na ganito na pala kahaba ang naisusulat ko, tatapusin ko na ito sa pangyayaring noong nakaraang huwebes lang. Papasok na ako, masaya ako kasi hindi ako nahirapan sumakay pero nagulat ako, dahil andun yung lalaking tatlong beses ko na kasabay. At oo, tatlong beses na rin siyang nanghihingi ng pera sa mga kapwa ko pasahero. “Sir/Ma’am, ako po ay kumakatok sa inyong magandang kalooban. Ako po ay humihingi ng tulong dahil nitong nakaraang lunes ay namatay ang kapatid ko. (Sabay pakita ng death certificate) Ililibing na po siya mamayang alas-dos (Ala-una na nang nangyari ito). Hindi na po naming patatagalin dahil talagang kami po ay walang-wala. Wala naman po akong gagawing masama, hindi ko naman po kukunin ang mga bag nyo o kahit ano pang kagamitan na pagmamay-ari nyo. Yun lang po, salamat po” May mga nagbigay, may mga hindi. Dahil sa habang nagsasalita ang taong ito ay kasabay ng pagsama ng tingin ko sa kanya, nagtataka na siguro ang mga kasabay kong pasahero kung bakit ganon ang reaksyon ko. Gustong-gusto ko na magwala ng mga panahong iyon kung hindi lang ako naka-uniform. Biruin mo ba naman, una ko siyang nakasabay, sabi namatay daw ang lola nya, nung pangalawa, namatay daw ang nanay nya, tapos recently, kapatid nya. Tipong kada-linggo may namamatay sa kamag-anak nya? Try mo mauna kuya! Human nature ang kahirapan, pero wag naman sana sa panloloko sa kapwa tao. At kitang kita ko ang pagkamaawain ng mga Pilipino. May mga mas better namang paraan para makanap ng pera, pero bakit ganito? Sa tingin mo? Masusulusyonan pa kaya ito? At kung oo, sasakay ka pa ba pambansang sasakyan na sa bawat pagsakay mo, kabi-kabilang pangyayari at krimen ang nagaganap? Kung oo pa rin ang sagot mo, wala akong paki-alam basta ang alam ko, ang jeep mo, jeep ko ay jeep nating lahat!
1 note
·
View note
Text
Illustrado ka ba?
Illustrado ka ba?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "Illustrado" ? Ang literal na salin nito sa Ingles ay "enlightened" sa Filipino naman, ito ay maaaring mangahulugang bukas ang isip o di kaya nama'y marunong o may pinag-aralan. Pero paano mo masasabing ikaw kay marunong? Sapat na ba ang mga diploma? Ang mga medalya? Maniniwala ka ba kung sasabihin sayo na lhat ng tao matalino pero dahil sa pagpasok nila sa eskuwelahan unti-unting nababawasan ang talino ng bawat isa?
Paano nga ba sinusukat ang talino ng isang tao? Mga bata pa lang tayo nasanay na tayo na binibigyan tayo ng marka ng ating mga guro upang masukat ang kakayahan natin. Bakit nga ba kailangan mong kabisaduhin lahat ng elemento sa periodic table of elements? Bakit kailangan mong pag-aralan ang panitikan ng ibang bansa sa ibang wika? Bakit kailangan mo makaisip ng sagot sa napakahabang problema sa matimatika? Naaalala ko na may isang guro ang nagsabi sa kin na "why do you need to learn all these things? Why do you need to solve this math problem? It's because these things help your brain to work. It helps you think!" Nakakatulong daw ng mga ito upang mapagana ang ating mga utak. Pero kung iisipin mo, ang bawat estudyante na yan ay hindi iisang katauhan lang ang gingampanan. Pag-uwi nila, maaring may mga problema silang pamilya, maaaring siya ang ate o kuya na pag uwi galing eskuwela mag-aalaga ng mga kapatid habang wala pa galing sa trabaho sila mama at papa. Ang mga problema na ito, hindi pa ba sapat para mapagana ang utak ng isang tao? Bakit parang tinatrato ang mga estudyante na parang robot ng eduksyon. Kung ano ang sabihin gagawin, bawal magkamali. Dapat ang mga estudyante nag-aaral upang mailabas ang angking talino, hindi upang maging mtalino.
Maraming naniniwala na ang edukasyon ang susi patungo sa kaunlaran. Pero kahit namn makapag aral ka mahihirapan at mahihirapan ka pa din dahil sa diskriminisyon sa kalidad ng edukasyon na iyong natanggap. Bakit ang ibang pamantasan ay "mapangalan"? Kahit parehong kurso ang tinapos mo katulad ng sa iba, bakit may ilan na nakakaangat talaga? "Quality education is expensive" ika nga ng elitista. Pero hindi nasusukat ang talino, tiyaga, diskarte at ugali ng tao base sa pinanggalingang pamantasan. Dahil kahit saang eskuwelahan pa mapunta ang isang estudyanteng gustong mapalawak ang sariling kaisipan magagawa niya iyon. Pero sinisirira ito ng sistema ng edukasyon.
Napapanahon ngayon ang isyu ng pag upo ng mga bagong senador ng ating bansa. Maraming nagsasabi na may ilang mga kandidato ang hindi nararapat maupo sa posisyong nasabi. Pero bakit sila nanalo? Sino ba ang bumoboto? Diba tayo? Sabi nga nila ang totoong taong matalino, dapat laging nagtatanong. Ngayon isipin mo, alalahanin mo. Noong bumoto ka, naitanong mo ba sa sarili mo kung ang taong binoto mo para sa kapakanan ng buong bansa at para sa mga kapwa mo Pilipino, makakabuti kaya siya? Matutulungan niya ba kami? Kaya niya bang lokohin ang mga Pilipino? Para sa inang bansa nagtanong ka ba? Naging matalino ka ba?
Ang huling tanong ko sayo, sa tingin mo ILLUSTRADO ka ba?
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
1 note
·
View note
Text
Blog #1: “Misedukasyon”
Inatasan kami ng aming guro na gumawa ng Blogs tungkol sa mga naging at magiging talakayin namin sa klase. At sa tatlong linggo kong pagpasok sa klase at sa tatlong araw kong nakilala ang asignaturang ito, masasabi kong sa kaunti pa lamang na kaalaman, ay namulat na ako tungkol sa maliit na parte ng katotohanan. Katotohanan tungkol sa bansa.
“Kalakip din nito’y pag ibig sa bayan, ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. Hanggang sa katawan ay mapasalibingan.” - Andres Bonifacio
Upang tunay na simulan ang blog na ito, aaminin ko na hindi talaga ako naging taga-hanga ng usapang politika maski ng asignaturang Filipino. Para sa akin, hindi ko naging interes ang dalawang bagay na ito. Bata pa lamang ako ay tumatak na sa aking isipan na madumi ang mundo ng mga taong politiko. Komplikado, magulo, at delikado ang mapasama sa usapang ito dahil rin sa aking mga napanood at nabasa noon. Pangalawa, maari ninyong isipin na ang taksil ng naging kaugaliang ito. Hindi ko nakahiligang sumulat sa Filipino o magbasa ng Filipino, puwera nalang kung kailangan o kapag maganda ang paksa. Pero, inisip ko kung bakit. Naisip ko, ang mali ko rin ay hindi ko rin sinubukang kilalanin.
Nang pagpasok sa PUP, napatunayan kong sobrang mali ako. Napaka-ignorante ng ganitong pagiisip.
Hindi madumi ang politika, ang madumi ay ang ginagawa ng tao. Sa simula’t sapul, tao naman talaga ang nagpapasimuno ng maraming karumaldumal sa mundo. Naisip ko ito nang ipanood sa amin ng aming guro ang isang bidyo tungkol sa edukasyong mayroon ang bansa. Ang pamagat ng pelikula ay “Misedukasyon”. Maikli lamang ito, ngunit napakahabang diskusyon ang kaya nitong idulot. Sa bidyo, tatlong salita ang ipinakita na ang tingin ko'y may malaking importansya. Kolonyal, Komersyalisado, at Elitista. Simulan natin sa salitang Kolonyal. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Bakit ito naisama sa edukasyon? Nabanggit ang isa sa mga nais ng mga Amerikano na magkaroon ang mga Pilipino ng positibong tingin sa kanila. Paano nga ba nila nakamit ito—walang iba kundi sa pamamagitan ng edukasyon. At hindi lamang iyon, paano nila naitatag ang kolonyalismo? Ito ay ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang wikang Ingles. Binigay ng mga Amerikano sa mga Pilipino kung ano ang ipinagkait ng mga Espanyol. Para sa karamihan ng Pilipino, malaking pasasalamat ito sa mga Amerikano. Dito ang naging simula ng katapusan. Nakamit ng mga dayuhan ang kanilang nais. Tuluyang nangibabaw ito kaysa sa ating sariling wika, kaya siguro maraming kabataan ang naging katulad ko dati. Ano ba ang wikang ginagamit palagi pag tayo’y pinagagawa ng mga quiz, assignments, o essay? Hindi ba Ingles? Hindi ko lubusang nakilala at kinilala ang Filipino dati, ngunit napakaganda ng wikang Filipino, lalong-lalo na ang baybayin. Sana nga, una palang sinanay na tayo gamitin ‘to.
Sunod ay Komersyalisado. Sa sobrang pagkomersiyo sa ating edukasyon, ang pag-aaral ay sumesentro na lamang sa kinikitang pera ng mga kapitalista. Ang pagturing sa edukasyon bilang negosyo ay lalo lang naman nagsasanhi ng problema para sa mga kapwa kong estudyante. Gaya ng mga sinasabi ng apektado na napanood ko sa balita noon, hirap pa rin sila sa pagaaral dahil sobrang dami ng gastusin. Bukod sa tuition fee, pinoproblema din nila ang kanilang pagkain, dormitoryo, at araw-araw na gastusin. Hirap din ang iba na magkaroon ng iskolarsyip dahil pili lamang ang mga kurso na pinapayagan tulad na lamang ng mga kursong may kinalaman sa business kasi dito pinaka makikinabang ang mga kapitalista. Dito naman pumapasok ang ikatlo, ang Elitista. Natalakay din sa bidyo ang ibang eskuwelahan sa maynila tulad ng Ateneo de Manila, La Salle, Letran at iba pa. Dahil dito, nabanggit ng aming guro ang sumikat na pagsisiyasat tungkol sa mga estudyante ng aking paaralang pinapasukan. Sinasabi nito na isa sa mga pangunahing kinukuha ng mga taga-pagempleyo ay mga estudyanteng galing PUP, dahil sa kanilang partikular na karakter. “Dapat nga ba kayong matuwa?”, 'yan ang kanyang sinabi. Pinaliwanag niya ang kahulugan ng kaniyang tanong. Maayos nga naman na mataas ang ating employment rate kumpara sa mga galing sa Ateneo de Manila o UP, pero magkano ang sweldo? “Mas mataas ang employment rate kumpara sa Ateneo, eh 'di naman magtatrabaho mga 'yan. Sila may-ari ng mga kumpanya eh!” Oo, nakakatawa pero kung iisipin mo nang mabuti, ito’y nangayayari sa totoong buhay.
Isa pa, maraming nabago ang pangyayaring ito. Maging sa mga produkto, musika, at syempre, sa edukasyon. Ayon sa isang babasahin—na talaga namang pasok sa mga nangyayari sa bansa—na ibinigay ng aming guro, tinalakay ang Neoliberalismong Edukasyon na mayroon ang Pilipinas. Sa madaling salita, sinabi rito na hindi magiging angkop ang edukasyon na mayroon tayo para sa ating bansa dahil ito'y nakahanay pa rin sa klase ng edukasyong mayroon sa Amerika. Paano nga ba uunlad ang Pilipinas kung ang mga ginagawa nito ay para pa rin sa interes ng ibang bansa? Tunay nga bang naging malaya ang Pilipinas?
Bago ko tapusin ang blog na ito, nabanggit din ni Sir Merdeka ang kahalagahan ng Research. Akala ko noong una, ang salitang iyan ay para lamang maghanap ng mga solusyon sa problema. Doon ako nagkamali. Aniya, “’Lagi ninyong tatandaan, ito'y para makagawa kayo ng bagong kaalaman.” Bagong kaalaman para sa bayan. Noong araw na iyon, masasabi kong nabago ang aking pananaw sa buhay. Marami akong natutunang bagong kaalaman na hindi ko aakalain ang importansya. Marami pa akong hindi alam at dapat malaman. Sa ngayon, paunti-unti kong nakikilala ang dalawang bagay na akala ko'y hinding-hindi ko kikilalanin.
Malaki ang aking pasasalamat.
1 note
·
View note
Text
Hey, June
Hi!
I’m posting this write up from my May draft.
*
Election is finally over in the Philippines! The most toxic campaign period everrr.
I even quit Twitter and deleted the app (temporarily lang naman haha) for my sanity’s sake dahil sa sobrang umay. Haha. May high tolerance ako noon sa Twitter kahit sobrang obv na leaning sila sa left, and laging trending topics eh will discredit the productivity of the current admin. Karamihan sa pinapa-trend, pag nag effort kang i-verify, hindi naman totoo. Madalas clickbait na posts from MSM pa. But major turn off talaga this season bec it has become a huuuuge echo chamber of one candidate last campaign period. At ginagamit din para maging echo chamber ng left ideologies, local and international ito ah. Hindi lang sa Pinas. Don’t get me wrong, I respect and love my friends, kahit sino pa iboto nila bec I understand na they chose based on what they believe in and what they have experienced in the past. I don’t look down on them just because their choice is different from mine. Kalerki lang talaga si Twitter! Haha
I’m keeping my Facebook app bec kahit naging toxic din siya last campaign season, kahit papaano may mas diverse na information doon. I can decide for myself, and I can decide better kasi mas madaming available na information from opposite parties, so ako na bahalang magdiscern sa nakikita ko online, sa mga testimonies from relatives/friends from different walks of life, sa academic knowledge that I have at sa mga na-witness and first-hand experiences ko din mismo as I live my everyday life here in the Philippines. May mas totoo pa ba sa personal experiences and mga things na na-witness ko mismo, vs sa sensational at click bait news ng mainstream media? 😅 Anyway, hindi na din naman ako ganon kalagi sa FB haha sa Twitter kasi literal na may idea na gustong i-shove down sa throat ng users nila eh kaloka. 🤣 Well sa lahat ng socmed naman, alam mo yung sobrang pini-prey yung mga emotional and reactive na tao? Yung di na magveverify and magtitingin sa both sides, basta ang importante eh makareact kaagad-agad. Marketing and PR goals yarnnn
One thing that I saw na nakakalungkot last campaign season, madaming gustong maging patriots at maging relevant sa social media pero madami din nag-fail gawin yung very basic thing na dapat gawin natin bilang isang Pilipino: mahalin at irespeto ang kapwa natin. Imbis na love your neighbor ang makita, suuuper rampant ang love of self. Love sa sariling talino, sa sariling wisdom, sa course na tinapos, sa school nung college, sa image na gustong iportray online, love sa narating sa buhay, etc. Sa totoo lang, kung sincere talaga yung mga tao to understand each other’s choices pagdating sa gusto nilang iboto, hindi naman mahirap maintindihan at irespeto. Nagiging mahirap lang dahil yung pagiging proud ang inuuna. Not buying yung dahilan na they care for the country pero gaspang ng ugali sa socmed. Sobrang contradicting. Care for your own ego, pwede pa.
Anyway, tuloy ang buhay! Di tayo matatapos sa usaping pulitika if ang kausap natin eh determined to disagree sa kahit anong sabihin natin. Hehe. But I sincerely want to cheer and encourage everyone na our hope is so much alive! Don’t be shaken by whatever result ang makuha natin sa election. Sa present or future election man yan. We will do what we must do as responsible and productive citizens ng bansa. Natatakot man ang ilan satin bec uncertain ang future, and the surname of the next president might be scary for some, but please dont lose heart. Bec we have a personal, almighty God and we have each other. Please know that God is not surprised sa result ng election. He is still on the throne. He is still God and is our ultimate authority and the ultimate hope in our lives. Dasal at gawa, dahil may awa si Lord. Nagpprogress ang Pilipinas at magpprogress pa. Sabi nga, mapalad ang bansang ang Diyos ay si Yahweh. :) So please rest in the knowledge that God is sovereign. Remember our eternal perspective 🏠
Sabi nila, everything is political. I disagree. When you and me die today or tomorrow, tapos na ang politics mo at politics ko. But yung soul mo, at soul ko, hindi pa sa death natatapos. We will spend 60 to 100 years here on earth. Pero after death, we will either spend an eternity suffering or celebrating. Have you ever imagine kung gaano katagal ang eternity?? The truth is, everything is spiritual. Does it mean na hindi na natin papahalagahan yung life na meron tayo dito sa earth? Of course not. We are to be good stewards of whatever possession we have in this world, material things man yan or mga relationships na meron tayo. It is also God’s will na ma-enjoy and ma-maximize natin yung beauty and goodness ng buhay here sa earth through obedience natin sa Kanya. His commandments are not made to burden but to protect us. So if ang concern natin is yung present lives natin dito, our moral values today, how we behave and treat others today are all spiritual. The quality of life that we have today, everything that is happening in this world right now, believe it or not, is spiritual.
The real problem of this world is sin. Our real problem is we are separated to the One who made us and we cannot do anything that could save ourselves from eternal damnation because we all have sinned, in our thoughts, hearts and actions.
Jesus is the only way to the Father. For He is the one who took God’s wrath for you and me. Jesus, who knew no sin, took our place so we can have the hope of salvation and so we can have a chance to be once again reconciled to our heavenly father.
Humble and surrender your lives to Christ today. ❤️
Shalom
JRB
0 notes
Text
Kapayapaan Ang Hindi Naiwan Kay Aida
Anong lasa ng kapayapaan?
Bigla akong napatigil sa paglalakad—hindi alintana ang kalsada na naging makipot dala ng matinding trapiko, samu't saring paninda paroo't parito, mga taong hindi magkandaugaga sa pagmamadali, at bangketang ganda'y hindi na napanatili. Napatigil ako sa paglalakad at sa bigla kong paglingon ay nakita ko ang napakalaking watawat ng Pilipinas na nakapinta sa pader ng isang eskwelahan.
Ang watawat ay may maduming kulay pula, asul, puti at dilaw. Ang kalahating bahagi ng araw ay natabunan na ng paninda ng isang aleng hindi maganda and tabas ng dila. Napaisip ako bigla nang makita ang watawat: "Kung pagkain ang kapayapaan, ano kaya ang lasa into?" Sawa na kasi ako sa salitang 'kalayaan' kaya sa halip na tanungin ang sarili patungkol sa sinasabing pinaglaban ng ating mga bayani, mas maganda siguro kung kapayapaan na lang.
Base sa mga naaalala kong itinuro sa Araling Panlipunan ay tila mas nabibigyang pansin ang ideya ng kalayaan. Lalong lalo na noong panahon ng rebolusyon at himagsikan laban sa mga mananakop na espanyol. Balita ko nga, kalayaan ang isinisigaw ng mga katipunero. Nakakatawa lang isipin na hindi nakalaya si Bonifacio laban sa marurungis na kamay ng kapwa n'ya pilipino.
Pero balik tayo sa pagkain. Sa tingin ko talaga, kung pagkain ang kalayaan, isa ito sa mga pagkain na mayayaman at mga makapangyarihan lamang ang kayang tumikim. Sa tingin ko rin ay hindi ko maihahalintulad ang lasa nito sa mga pagkaing natikman ko na sapagkat wala itong katulad. Pili lamang ang may kakayahang makatikim ng pagkain na ito. Nakakatakot namang isipin kung hanggang sa kamatayan ay hindi ko ito matikman. Sana'y hindi ko man matikman, maamoy ko man lang.
Kaya 'yang kalayaan na 'yan? Huwag mo nang pangarapin 'yan. Hindi mo 'yan matitikman. Mas mabuti pa kung pag-usapan natin ang kapayapaan. Sa palagay ko kasi, kapayapaan ang pampalubag loob na putahe na inihain sa atin ng ating mga ninuno. Kumbaga, kung hindi na kaya ng salapi para sa adobo, may tinapa pa naman.
Ano bang lasa ng kapayapaan?
Balita ko kasi, may lasa ng katahimikan ang kapayapaan. Yung tipong kapag isinubo mo na ay mapapatahimik ka sa sarap dahil nanamnamin mo ang bawat sahog at pampalasa. Yung tipong dahil sa umaapaw na sarap, ipagmamalaki mo kaagad at ipapatikim sa iba kaya magkakaroon kayo ng salo-salo.
Balita ko rin, may pampalasa ng kasiyahan at pagka-kontento ang kapayapaan. Yung tipong mapapangiti ka sa sobrang sarap at wala ka nang hahanapin pa.
Kaso isa pala yung maling balita. Hindi sinasadyang nasanggi ko ang isang malaking matanda na puti na ang buhok, kulubot na ang balat, malaki ang tiyan, at may napakasamang tingin. Humingi ako kaagad ng paumanhin. Nakakapagtaka kasi dinuro n'ya ako, minura; sinabihang walang kwenta, walang respeto at pabigat sa lipunan. Bakit kaya? E, hindi ko naman yun sinadya. Napatingin din ako doon sa ale na tuluyan nang tinakpan ang araw. Grabe. Bakit n'ya kaya ako pinagtatawanan? Tapos ang sabi n'ya pa, sayang ang pinapang-aral sa akin kahit halos mamatay na nga ako sa pag-aaral. Pinagtitinginan s'ya ng mga maliliit na batang kalalabas lamang ng paaralan. Siguro may bago silang natutunan habang nagsasalita ang ale—mga salitang nagsisimula sa G at B na may apat na letra, isa pang salita na may siyam na letra na nagsisimula sa T, at tatlong salita na nagsisimula sa P, I at M ayon sa pagkakasunod-sunod. Nanunuod lamang ang kanilang mga Mama at Papa at tila nangingisi. Siguro nabatid nila na okay lang na marinig ng mga bata ang mga nasabing salita. Ewan ko ba.
Napakalawak talaga ng bokabularyo ng ale. Tinalo n'ya ako na marunong lamang sa filipino at ingles. Mabuti na lamang at mukhang hindi s'ya marunong sa wika ng mga koreano, hapon, at tsino. Hindi na siguro nakakagulat kung paglipas nang ilan pang taon ay hindi na lang filipino at ingles ang opisyal na wika ng mga Filipino. Matigas ang pagkakasabi n'ya sa katagang, "You not respecting, kid. You wasting our time." Pero bakit kaya hindi s'ya pinagtatawanan kahit mali ang tinuran n'ya sa ingles? Ako kasi magaling d'on pero pinagtatawanan ako ng aking mga kaklase sa tuwing iyon ang aking sinasalita. Ayaw rin naman nila kapag purong filipino ang aking wika. Kinukutya nila akong isang 'makata'. Ano bang nakakatawa sa pagiging makata? Saan ba ako lulugar?
Mali ang nabalitaan ko. Bigla ko ring naalala na nasaktan si Mama sa isang rally noong ipinaglaban n'ya ang karapatan bilang mangagawa. Mayroong mga lider na nagnanakaw sa kaban ng bayan. Meron ding nagsasabi na okay lang ang manghipo basta pabiro. Sa lipunan din namin, okay lang na maraming mamatay. Napigtas na ang tali na nagdurugtong sa karapatang pantao at buhay ng tao. Akala ko kasi dati hindi mapaghihiwalay ang dalawang iyon. Idagdag mo pa na may isang tatanga-tangang maimpluwensyang babae na mali-mali ang komento.
Dahan-dahan na lang akong yumuko at sinuyod ang siksikang daloy ng tao. Mali ako. Noong una siguro ay masarap ang pagkakaluto sa kapayapaan. Hindi sinasadyang napanis ito nang walang habas na sinawsaw ng mga hayuk na sikmura ang madudumi nilang kamay. Nag-uunahan sa pagsandok. Binibilisan ang pagnguya ng mga bungangang ayaw palamang.
Mali talaga ako. Mapakla na ang kapayapaan. Mapakla, panis, at nakakasira ng tiyan.
- GG
1 note
·
View note
Photo
Biglang ako. Marami akong nakakasalamuhang tao na ibat iba ung klase ung perspective nila saken. Kapwa ko Pilipino o ibang lahi. Pero para saken iisa lang kayo sa paningin ko. Tao parin kayo. Ngunit pagdating sa persona nang Isa kaibigan dun mo makikita ung kaluluwa nang Isang taong kausap mo. Hindi mo na gets diba? Kase kulang pa ung caption sinandya ko kase yan. 🙃 #icegelborbon #icegelgaming https://www.instagram.com/p/CNtxV6TBkbL/?igshid=7fxwaamvo78j
0 notes
Text
Gov’t investigating death of activists in Calabarzon raids
#PHnews: Gov’t investigating death of activists in Calabarzon raids
MANILA – The national government is investigating the death of at least nine activists in a series of raids conducted by the police in Laguna, Rizal, Batangas, and Cavite provinces, Malacañang said Monday.
Presidential Spokesperson Harry Roque made this remark after human rights groups denounced the killing of activists, which took place two days after President Rodrigo Duterte told state forces to “kill, kill, kill” communist rebels in an encounter.
"Doon sa mga napatay na aktibista, ang obligasyon ng estado po iimbestigahan at kung may makita nila na meron talagang dapat parusahan ang obligasyon ay lilitisin at paparusahan ang mga pumatay (For the activists who were killed, it is the obligation of the state to investigate and if they see that someone should be punished, it is their obligation to put them on trial and punish them),” he said in a Palace press briefing.
He assured the killing of nine activists will be included in investigations being conducted by the Department of Justice (DOJ)-led drug war review panel created to reinvestigate the 5,655 deaths in police drug war operations.
“I am absolutely certain na kasama po ito sa mga kasong iimbestigahan dahil obligasyon po ‘yan ng estado na mag-imbestiga at lumitis sa mga gumagawa ng ordinaryong krimen na murder (that these will be among the cases to be investigated because it is the obligation of the state to investigate and put on trial those committing ordinary crimes such as murder),” he added.
Roque, a human rights lawyer, also defended Duterte’s “kill, kill, kill” remark, stressing that the killing of armed rebels by soldiers is allowed under international humanitarian law.
“Ang order po ni Presidente 'kill, kill, kill' legal po 'yan dahil ang kaniyang sinabing 'kill, kill, kill' ay yung mga rebelede na meron pong hawak na armas (The President’s order to ‘kill, kill, kill’ is legal because he was referring to rebels with arms),” he said.
He said killing of members of the New People’s Army-Communist Party of the Philippines (NPA-CPPA) is justifiable if it is necessary, proportionate, and if it will achieve complete subjugation of the enemy.
“Under IHL po, tama yung order ng Presidente, 'kill, kill, kill' kasi nga po kapag merong labanan, kapag ang kalaban mo may baril na puwede kang patayin, alangan naman ikaw ay nag-antay na ikaw ang mabaril at mapatay. Hindi po paglabag ng batas, international humanitarian law, kapag nagpaputok ang sundalo sa isang armadong NPA fighter at mapatay ang NPA fighter (Under IHL, the President’s ‘kill, kill, kill’ order is correct because if there is a war and if your enemy has a weapon they can use to kill you, it’s not as if you’re going to wait to be shot and killed. It’s not a violation of international humanitarian law for a soldier to shoot and kill an NPA fighter),” he added.
He also assured that the government continues to take steps to address the threat of terrorism and violent extremism in the country.
Slow justice system
Amid criticism over the pace in which killings of activists are being investigated, Roque admitted that the country’s justice system needs a lot of work.
“I will not pretend na wala tayong problema sa ating sistema ng katarungan (that we don’t have any problems with our justice system). Maguindanao massacre, the worst killing ever in peace time in Philippine history took more than 10 years to finish starting from the administration of President Gloria Macapagal-Arroyo and the judgement was handed down in the administration of President (Rodrigo) Duterte. So hindi talaga katangga-tanggap na mabagal na usad ng kasong kriminal sa Pilipinas (So the slow criminal justice system is unacceptable) but that’s something that all branches of government will have to deal with, not just the executive,” he said.
He also noted that the executive and judicial branches of government were working together to expedite the hearing of these cases.
“That’s how the wheel of justice operates. It’s not instant justice ala kangaroo court ng (of the) NPA. It takes time. But we are taking steps even with the support and cooperation of the judicial branch of government to expedite the hearing of these cases,” he said.
CHR may conduct own probe
Roque welcomed calls for the Commission on Human Rights (CHR) to conduct their own investigation into the killing of nine activists.
"Ang CHR is independent. If they want to cooperate in the investigation, they can,” he said.
He added that ongoing investigation could be completed faster with help of the independent constitutional office.
“Sa aking karanasan sa CHR talaga namang kinakailangan din itaas ang antas ng mga kakayahan na magimbestiga ng ating mga imbestigador sa CHR. Pero sa’kin siguro po kung magtulong-tulong sila siguro mas mapapabilis ang ating imbestigasyon (From my experience at the CHR, they also need to raise the standard of their abilities to investigate. But if they help each other, perhaps the investigation will speed up),” he said.
However, he said there is no need for the Palace to compel police and military to cooperate with CHR in the conduct of its own probe.
“No need because the police, [National Bureau of Investigation] know how to conduct the investigation. Antayin nalang nila ang resulta (They can just wait for the results) and they can validate on the basis of their own investigation,” he said.
Lay down your arms
Roque also shrugged off the statement made by Bayan Muna Rep. and House Deputy Minority Leader Carlos Zarate on the alleged "Tokhang-style simultaneous raids in Southern Tagalog."
“Nalilito kasi si Congressman Zarate kasi hindi natin sigurado kung sino talaga ang pinaninindigan ‘yan. Pero ang sabi ni Presidente, hindi lang po siya aktibista, kabahagi siya ng mga rebelde na merong mga armas (Congressman Zarate is confused because he doesn’t know what he stands for. But the President said he’s not just an activist but also among the rebels with arms),” he said.
Last December, Duterte labelled Zarate as a “co-conspirator” of NPA who used rebel taxation to pay for his son’s education in Europe.
Meanwhile, Roque also encouraged members of the CPP-NPA to lay down their arms and return to the folds of the law.
“Ang hamon ko dun sa mga meron pang mga armas at sumusuporta dun sa may mga armas, nasaan po ang pagmamahal sa bayan na hinahayaan natin ang Pilipino pumapatay ng kapwa Pilipino? Magaling naman po kayo mangampanya sa eleksyon, napakadami niyo nang party-list. Ba’t hindi nalang tayo purely parliamentarian struggle? Laos na po yang mga armed struggle na ‘yan (My challenge to those who have arms and conspire with those with arms, where is your love for the country if you allow Filipinos to kill fellow Filipinos? You are good at campaigning for elections, there are so many of you in party-list. Why don’t you just engage in parliamentarian struggle? Armed struggle is outdated),” he said.
CPP-NPA is listed as a terrorist organization by the United States, the European Union, the United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, and the Philippines. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "Gov’t investigating death of activists in Calabarzon raids ." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1132944 (accessed March 09, 2021 at 01:24AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Gov’t investigating death of activists in Calabarzon raids ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1132944 (archived).
0 notes
Text
Sumulat ka, Paki ba nila.
Hindi biro ang mabuhay ngayon. Kasabay sa pagbabago ng panahon ang padagdag-dagdag na pinapasan nating mga problema. Nakakapagod diba. Hindi pa tapos ang pinagdaraanan mo, may darating na naman. Minsan sa buhay ko naisip ko na sumuko na. Nakakapanghina kabayan. Kapag naging mahina ka, matatangay ka talaga.
Kaya karamihan sa atin ay nadadaan ang paglalabas ng sama ng loob sa pagsusulat. Sa inilalabas nating mga salita, nailalabas natin ang ating nararamdaman na hindi mabigkas ng ating bibig. Sa pamamagitan ng pagsulat, kinakausap natin ang ating sarili na kailangan nating maging matatag at lumaban. Sa pamamagitan ng pagsusulat nailalabas natin ang nilalaman ng puso natin na alam nating walang huhusga, manlalait at tatawa sa ating hinaing. Magsulat ka lang. Kung gusto mong magmura, murahin mo ang mga gagong nagpapabigat sa puso mo. Gusto mong magalit? Magalit ka. ALL CAPS pa para intense. Magwala ka. Magalit ka sa mundo. Sisihin mo ang sarili mo, ang kaibigan mo o ang kapitbahay mo kung bakit nagkaleche-leche ang buhay mo. Kung gusto mong magmakaawa na balikan ka nya. Isulat mo lang ang nararamdaman mo. Humingi ka ng kapatawaran. Magmakaawa ka na piliin ka nyang muli. Na mas deserve ka nya kesa sa iba. Na sana ikaw na lang ulit. Saloobin mo yan kabayan. Nasayo ang paraan para ilabas ang kinukubli mo sa puso mo.
Kaibigan, kung makakatanggap ka ng hate message at sisirain ang kumpyansa mo sa sarili mo. Dedmahin mo lang sila. Hindi mo sila kailangan dahil hindi sila ang audience mo. Gusto mong ilahad ang talento mo sa pagsusulat? Go! Kahit ikwento mo pa ang paraan ng pagtae mo o kung paano mo binibilog ang kulangot mo, wala silang pakielam dahil ikaw ang may hawak sa bawat isusulat mo. Ikaw ang direktor sa sarili mong kwento, nakikisawsaw lang sila.
Naalala ko noong umattend ako ng seminar sa Holiday Inn noong isang taon. HOW WE WRITE AND HOW WE INTERPRET THE MILLENNIAL APPROACH, sabi ng speaker na sa panahon ngayon, hindi uubra ang malalim na paraan ng pagsusulat. Ang mga mambabasa noon ay hindi mababasa ngayon. Kung gusto mong ipakita ang malungkot na katotohanan tungkol sa mundo natin, hindi sapat na palalimin mo ito. Hindi mo maaaring ihalintulad sila Efren Abueg, Lualhati Bautista, Edgardo Reyes kila Bob Ong, Eros Atalia, Marcelo Santos III atbp. Sa panahon ngayon, hindi na sapat na magsulat ka ng madramang mga nobela dahil maliit na lamang ang attention span ng mga Pinoy. Ang gusto nila ay kwela na. Gusto nila ay mapapatawa na sila dahil pagod na tayo sa seryosong buhay. Sa kasalukuyan, kung gusto mong gumawa ng libro, light lang dapat. Yung tipong makakarelate ang mga kabataan ngayon. Kasi 80% na magbabasa ng gawa mo ay kabataan. Sabihin mong mga gago sila, sampalin mo sila sa katotohanan na mga gago na ang mga kabataan ngayon. Sabihin mo na napakalalandi na nila at kahihiyan na sila sa bansa natin. Mga kanser ng lipunan. Tignan mo, matutuwa pa sila at mapapasabing, ay oo nga. Pero hindi nila alam na sila ang sinsabihan mo.
Marami ang pupuna sa gawa mo at huhusgahan ka. Mali ang grammar at mababaw. Nararanasan yan ng mga wattpad writers ngayon. Noong sumikat ang pagbabasa ng wattpad ay maraming mga awtor na nagagalit at sinasabing basura ang mga akdang ito. Basura kasi para sa kanila, kinakain sila ng inggit dahil sa murang edad mo ay makakagawa ka ng mga akdang bestseller. Binibili ng mga Pinoy. Samantalang sa kanila ay inaalikbok sa bookshelf. Sabaw at mababaw ang ipinaglalaban ng mga kapitalista. Matatalino na daw ang mga mambabasa kaya naman hindi na nila mauuto ang mga ito. Pero tignan mo ang gawa nila? Sila ang binibili. Nagoakadalubhasa kasi sila at nilubong ang sarili sa klasikal na paraan ng pagsusulat tulad sa mga teksto sa libro mong Filipino. May nagbabasa pa ba nito kahit hindi ipabasa ng ating guro? May iilan na lang siguro.
Ang problema kasi sa ating mga Pilipino ay kulang tayo sa suporta sa ating kapwa. Kapag nakita nating may talento sya, kinakain tayo ng inggit. Hinahatak natin pababa. Sinisiraan sa ibang tao. Hindi binibigyang pansin. Kinakain tayo ng inggit. Hayaan mong magsulat ka kaibigan. Hayaan mong dumaloy sa mga ugat mo ang ideya papunta sa kamay mo. Sumulat ka. Wag mo lang kakalimutan na hindi basehan ang paramihan ng notes at followers ang talento mo. Sumulat ka lang at wag mo silang pakielaman.
154 notes
·
View notes
Text
Kawalan ng Kinabuksan: Pilipino Ligaw sa Sariling niyang Bayan
Isinulat ni: Nikolas C. Lacson
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Walang mang-aapalin kung walang paalipin.” - Dr. Jose Rizal
Pagtanggal ng wikang Filipino sa Kolehiyo, may idudulot ba na ikabubuting pagbabago? O isa nanaman ba itong simbolo ng pagkawala nang ating pagkatao? Pagkawala ng ating pagka-Pilipino? Ayon kay Prospero De Vera, Chairman ng Comission on Higher Education o (CHED), hindi na kailangan ilagay ang pag-aaral ng wikang Filipino sa kolehiyo sapagkat inaasahan na ito’y ituturo na sa Senior High School. Ayon sa CHED ay dapat puro major subjects na lamang ang kukunin ng mga estudyante sa kolehiyo. Ngunit kung yan ang gagamitin nilang rason, hindi ba dapat ay tanggalin na nila ang lahat ng “minor” na asignatura sa kolehiyo? Eh aba’y inaasahan naman pala nilang ituturo ang lahat ng mga asignaturang ito sa senior high school. Tanggalin niyo na lahat, iwan niyo nalang yung English, Science tsaka mga mga iba pang asignatura na pasok sa kurso ng estudyante. Dapat wala rin mga asignaturang Philosophy o mga gawaing tulad ng Thesis Papers. Lahat naman yan ay matuturo sa high school.
“Mapaglilingkuran lamang natin ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan gaano mang kasakit ito.” - Dr. Jose Rizal
Gumagawa lamang uli tayo ng rason para talikuran ang ating pagka-Pilipino. Isa na naman itong halimbawa kung gaano na ka laganap ang kanser sa ating lipunan at nawala na ang ating nasyonalismo. Kapag may magandang balita tungkol sa isang Pilipino, kahit na wala naman tayong ambag tuwang-tuwa tayo. Sisigaw tayo ng mga salita na “ang galing talaga ng mga Pinoy!” Pero sino rin ba ang unang sumisira sa atin kapag may masamang mga nangyayari? Sino sa atin ang kinakahiya ang ating sariling bayan kapag tinanong sila kung taga saan sila? Hindi ba tayo din? Kapag may job interviews ang gamit ay ang wikang Ingles kasi hindi daw propesyonal ang wikang Filipino? Pag nagkamali ka sa paggamit mo ng Ingles pagtatawanan ka at tatawagin ka na mangmang na walang alam? Ngunit hindi nga nila alam kung ano ang salin sa wikang Filipino ng mga iba’t-ibang kulay? Hindi nga nila alam “cat” ay pusa sa Filipino? Pilipino tayo pero hindi tayo natatawag na bobo kapag hindi natin kayang gamitin ito? Masasabi ko ng dayuhan tayo sa ating sariling bayan. Mga taong hindi man lang alam ang ating sariling Panatang Makabayan. Para saan pa ba ang lahat ng ipinaglaban ng ating mga bayani kung sa huli’y ating papabayaan ang mga ito. Tinatawag natin silang bayani sapagkat pinrotektahan nila ang ating mga pinapahalagahan. Pero matatawag pa ba natin silang ating mga bayani kung tayo din naman ang naninira nito?
“ Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa pinaroroonan.” - Dr. Jose Rizal
Paano natin haharapin ang kinabukasan kung hindi natin titingnan ang ating pinanggalingan? Ito ang mga iniwan na salita sa atin ng ating pambansang bayani. Napaka importante na aralin pa din ang wikang Filipino sa kolehiyo sapagkat ito ang panahon kung saan mas mulat na ang isipan ng mga kabataan at mas maiintidihan na nila ang wikang ito. Napakababaw lamang ng itunuturo sa elementarya, samantalang sa high school ay puro panitikan lamang. Hindi sapat ang pagtuturo ng Filipino sa senior high school lamang sapagkat hindi natin napapalawak at maituturo ang lahat ng kailangan sa 2 taon lamang. Maari niyong sabihin na noong wala pa ang K-12 ay 2 taon lamang din inaaral ang Filipino sa kolehiyo. Ngunit ang diperensya dito ay ang paraan ng pagtuturo at ang kapaligiran ng pag-aaral. Malaki ang pinagkakaiba ng senior high sa kolehiyo, baguhan man lang ako sa sa senior high at hindi pa ako nakakapag kolehiyo nasasabi ko ito sapagkat marami din akong kilala na nasa kolehiyo na. Ayon sa kanila ay napakalaki ng diperensya noong nag-aaral pa sila sa senior high kung ikukumpara nila sa kolehiyo. Kapos na kapos tayo sa oras para matutunan ang wikang Filipino kaya kailangan natin ang lahat ng oras na makukuha natin.
Kung titingnan mo din sa panahon ngayon, kahit na hindi ka magaling magsulat sa wikang Ingles madaming solusyon at paraan para gumanda ang iyong sulat. Maraming applications tulad ng grammarly na aayusin ang iyong pagsulat. Kahit ang isang estudyanteng elementarya ay kaya ng magsulat ng pormal na sanaysay gamit ang applications na ito. Ngunit walang ganun para sa Filipino, kahit nga google translate mahirap pa din gamitin para sa Filipino eh. Kung kaya’y dapat mas bigyan pa talaga natin ng pansin ang wikang ito. Mahirap siya oo, pero naging mahirap lang naman ito kasi binitawan at pinabayaan natin ito dati. Ito ang rason kung bakit ganito na ang estado ng wika natin sa panahon ngayon. Kaya kailangan natin ito ibalik sa luma nitong anyo. Nadadalian tayo sa pag-aaral ng salita ng wikang banyaga tulad ng Ingles, Chinese, German, Spanish, Korean atbp. Bakit ba tayo nahihirapan sa wikang Filipino? Bawiin na natin ang ating mga pagkukulang, at isibol na natin ang bagong kinabukasan.
I do not write for this generation. I am writing for other ages. If this could read me, they would burn my books, the work of my whole life. On the other hand, the generation which interprets these writings will be an educated generation; they will understand me and say: 'Not all were asleep in the nighttime of our grandparents.' - Dr. Jose Rizal
Kung hahayaan na talaga nating mawala ang wikang Filipino sa kolehiyo? Masasabi ba natin kung hindi rin ito mawawala sa high school? Kung mawawala na talaga ito ng permanente sa curriculum ng pag-aaral? Ang pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo ay magsisimula ng isang domino effect kung saan sa huli ay matutulad ang wikang Filipino sa wikang Latin. Unti-unting mawawala hanggang sa wala ng Pilipinong marunong magsalita ng Filipino. Kung hindi na tayo marunong magsalita nito, matatawag pa ba natin ang sarili natin na mga Pilipino? O tatawagin na natin ang sarili natin na mga Amerikano? Ngunit wala din naman nagsasabing tatanggapin tayo ng mga Amerikano. Sa huli ay hindi natin mapapalitan kung ano tayo, tao tayo, Pilipino tayo, nabuhay sa Pilipinas at kasama natin ay ang ating mga kapwa Pilipino. Kahit anong gawin natin hindi natin mapapalitan yun. Kahit ako naman eh, hindi ko din naman trip maging Pinoy kaso wala eh ganun talaga buhay. Kaya kung ikinahihiya mo ang pagiging Pilipino, kung ikinahihiya mo ang sarili mong bayan, kung ikinahihiya mo ang sarili mong wika. Edi ikaw ang magsimula ng pagbabago! Gumawa ka ng paraan para hindi mo ikahiya ang iyong pagka-Pilipino kundi ipagmalaki mo! Oo nakakahiya tayo ngayon, dami-daming kanser na Pinoy eh may nalalaman pa silang #CancelKorea eh sinisiraan din naman nila mga kapwang Pilipino nila. Kapal ng mukha niyo.
Napakaraming ungas sa atin kaya ibahin na natin ang ating mentalidad. Gumawa tayo ng paraan para malubsan ang kanser sa ating lipunan. Unti-unti nating patayin ang sakit na lumaganap na sa ating buong bayan. Sabi nga naman ng unang tao na nakatapak sa buwan: “That’s one small step for man, one giant leap for mankind.” Bale kung lahat tayo ay kikilos tungo sa pagbabago at pagpapahalaga sa ating wika, maaring umunlad talaga sa tamang direksyon ang ating bayan. Kaya ano pa ba hinihintay natin? Sabay-sabay na nating kamitin ang bagong kinabukasan. Ang kinabukasan na pinapahalagahan natin ang ating wika. Kinabukasan kung saan hindi na natin ikahihiya ang ating sariling bayan. Sa kinabukasan kung saan hindi na tayo dayuhan sa ating sariling bayan. Kinabukasan kung saan hindi na tayo alipin ng ibang bayan.
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga. Wala.” - Andres Bonifacio
Maliit na ibon na nakakulong sa isang hawla, isang ibon na kumakanta, nakitingin sa langit nangangarap lumipad at maging malaya. Hindi mo ba naiisip na parang tayo yung ibon na ito? Sirain mo na ang iyong hawla, tanggalin na ang iyong mga kadena. Lumipad na sa langit ng malaya at isigaw mo sa lahat na hindi mo pinili maging Pilipino, pero ikaw mismo ang gagawa ng paraan para matanggap mo at maipagmamalaki mo ang iyong pagiging Pilipino.
ncl-ccblog || Nikolas Christian Lacson - Caged Canary Blog
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
0 notes
Text
PDAF: “Porky” Ba Konektado sa Masama, Masama Na Rin? ‘Di Ba Pwedeng Biktima Rin?
Oh ayan. Sumuko na si Mrs. Janet Lim-Napoles.
Maraming taong nakapaligid sa akin ang nagsasabi at nagtatanong kung bakit raw ako masyadong naaawa o pumapanig kay Mrs. Napoles. Ganito rin ang mga tanong ng tao sa akin kapag binubulalas ko ang aking saloobin sa nangyari kay dating Pangulo, ngayo’y kongresista ng Pampanga na si Gloria Macapagal-Arroyo.
Isa lang ang sagot ko sa kanila: “A person is innocent unless proven guilty.”
Bilang isang masugid na tagapag-taguyod ng karapatang pantao at sa kahalagahan ng Saligang Batas, isang bagay lang ang nais kong hilingin mula sa lahat ng mga taong sumusubaybay sa isa sa mga napakalaking isyu na kinahaharap ng buong Pilipinas.
Tumahimik na muna tayong lahat habang isinasagawa ang mga ligal na proseso na dapat kaharapin ng akusado. Tandaan, mayroon tayong tinatawag sa legal academe na Presumption of Justice (the burden of proof lies with who declares, not who denies) na nagsasabing “A person is innocent unless proven guilty.”
Hindi pa nagsisimula ang paglilitis kaya huwag munang husgahan si Mrs. Napoles, although simula’t sapul ay sandamakmak nang panghuhusga ang kanyang tinanggap at ito ay sadyang nakalulungkot.
Naiintindihan ko si Mrs. Napoles in a way na gusto niyang dumaan siya sa tinatawag na “due process of law” na nararapat lang ibigay sa kanya sapagkat mismong ang Saligang Batas (1987 Philippine Constitution, Article III, Section 14) ang nagkakaloob nito sa kanya.
Hindi dapat idaan sa emosyon ang paglilitis o paghuhusga hindi lamang kay Mrs. Napoles, pati na rin sa lahat ng mga tao, mapa-ordinaryo man o may katungkulan sa gobyerno, na inaakusahan ng paglabag sa batas.
Kaya nagtatag ang pamahalaang Aquino noong 1986 ng isang komisyong pang-konstitusyunal (Constitutional Commission of 1986) sa pamumuno ni Mahistrado Cecilia Muñoz-Palma para ibalangkas ang konstitusyong ating sinusunod magpasa-hanggang ngayon para sa mas-organisadong lipunan lalung-lalo na sa hanay ng sistemang pang-hudikatura at karapatang pantao sa ating bansa.
Huwag sanang tayo mismo ang sasalungat sa mga isinasaad sa tinaguriang “pamantungang batas ng ating bansa.”
Hayaan nang ang korte ang siyang maglitis at magbigay-hatol sa nasasakdal ayon sa batas ng Diyos at batas ng tao.
Nahuli na si Napoles.
Panahon na para naman usigin at parusahan naman ang mga pulitikong tunay na may kasalanan sa taumbayan.
Si Napoles ay isa lamang instrumento ng paggawa ng masama ngunit ang tunay na may sala ang dapat may pananagutan sa madlang nakararami. Yan ang ating pagkatatandaan! Sapagkat, hindi mawawala ang kasamaan kung hindi mismo ang pasimuno nito ang parurusahan!
Sa totoo lang, tumaas ang kanang kilay ko sa isinagawang malawakang rally sa Luneta noong nakaraang Lunes, ika-26 ng Agosto na tinawag na “A Million March to Luneta.”
Hindi ako dumalo sa nasabing protesta ngunit sinubaybayan ko ang mga pangyayari sa Luneta sa pamamagitan ng panunood ng telebisyon at sa pagkalap ng mga balita patungkol dito.
Layunin ng “A Million March to Luneta” na ito ang pag-abolish o pagtatanggal ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.
Sige nga. Pag-aralan natin. Ano nga ba ang pork barrel?
Para sa nakararaming hindi alam kung ano ang pork barrel, ito ang pondo o budget ng isang kongresista o senador na siya niyang gagamitin para sa mga proyekto ng kanyang distrito o di-kaya ay maaari niya itong ilagay sa pagpu-pondo sa ano mang organisasyong di pang-gobyerno na maaaring makatulong sa mga kapwa kababayan o nasasakupan. Pitumpong milyong piso para sa bawat kongresista at dalawandaang milyong piso naman kada-senador.
Nagsimula ang ideya ng pork barrel noon pang 1900s nang sakupin ng bansang Amerika ang ating bansa. Tinanggal lamang ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa panahong napapasailalim ang buong kapuluan ng Pilipinas sa tinatawag na Batas-Militar. Muli itong binuhay sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino na hanggang sa ngayon, sa panunungkulan ni PNoy, ay tinatanggap pa rin ng ating mga mambabatas taun-taon.
Ibig lang niyang sabihin, ang pork barrel ay pera, perang nanggaling sa kaban ng bayan na nagmula sa mga buwis na binabayad ng bawat Pilipino.
Pera. Papel. Walang buhay. Hindi humihinga.
‘Yan ang pork barrel.
Pero bakit mukhang pork barrel ang sinisisi at nais ipatanggal ng napakaraming taong dumalo sa nagdaang malawakang protesta sa Luneta?
NO TO PORK BARREL!
I-ABOLISH ANG PORK BARREL!
ONE BIG FIGHT AGAINST PORK BARREL!
Ilan lamang ito sa mga nakita kong nakasulat sa mga plakard na dala-dala ng mga tao sa Luneta.
Pork barrel?
Pork barrel ba ang may kasalanan sa bayan? Pork barrel na siyang kaban ng bayan? Pork barrel na kung tutuusin ay walang buhay at walang kakayahang gumawa ng masamang bagay?
Pork barrel ba?
Nagmumukhang masama ang imahe ng pork barrel.
Juan at Juana dela Cruz! Gumising kayo!
Hindi pork barrel ang masama! Ang tunay na may kasalanan sa ating lahat ay ang bawat pulitikong gumamit, gumagamit at gagamit pa ng pork barrel o PDAF sa maling pamamaraan!
Hindi, para sa akin, solusyon ang pagtatanggal ng pork barrel.
Ang pork barrel ay mula sa kaban ng bayan.
Pera.
Kahit anong gawin natin, hindi kailanman maaaring alisin ang pera.
Napaka-lohikal na bagay.
Hindi ba natin naisip na ang pork barrel ay biktima rin tulad natin?
Biktima ito ng mga pulitikong gahaman at sa di-maayos na pamamaraan ginagamit.
Hindi pera ang tunay na kalaban natin kundi ang mga pulitikong patuloy sa pangangamkam ng kaban ng bayan. Sila ang dapat nating habulin at i-abolish sa puwesto. Hindi na sila karapat-dapat na manatili sa posisyong kinauupuan nila na ating ibinigay sa pamamagitan ng paghahalal sa kanila sa nagdaang mga halalan.
NO TO CORRUPT GOV’T OFFICIALS!
I-ABOLISH ANG MGA KURAP NA OPISYALES!
ONE BIG FIGHT AGAINST CORRUPT OFFICIALS!
OUST CONG. X!
PATALSIKIN SI SEN. Y!
Ito dapat ang ilagay natin sa mga karton, papel o anumang plakard na buong loob nating itinataas sa mga malawakang protesta laban sa maling paggamit ng pera ng bayan.
Dahil kung pork barrel lang ang pag-uusapan at pilit nating ipatatanggal, no worries si Congressman at si Senator.
Mayroon namang ibang pondo ang maaari nilang pagkuhanan ng milyun-milyong pera na kakamkamin nila.
May isa akong kaibigan at dating kamag-aral ang nagkumento sa isang status update ko sa Facebook patungkol sa PDAF.
Ang sabi niya, “Paano i-aabolish ang mga pulitikong sa kasamaan ginagamit ang pork barrel?”
Sagot ko: “Sampahan ng kasong administratibo sa Sandiganbayan o sa opisina ng Tanggulang Bayan.”
Biglang nagkumento ang isa ko pang kaibigan na sumasagot sa aking naunang kumento.
Ayon sa kanya: “Hanggang kulong lang ‘yun, Darren. Mas marapat na bukod sa ipakulong ay bawiin ang yamang kinuha nila, kahit kinita pa nila ito nang maranasan nila kung gaano kasakit ang pagnakawan. ‘Di na uso ang pusong mapang-unawa. Mas marapat na magkaroon tayo ng kamay na bakal tulad ng sa administrasyon ni Marcos.”
Tama ba, sa tingin niyo ang tinuring ng aking kaibigan? Tama bang sabihin niyang “hindi na uso ang pusong mapang-unawa?”
Oo. Maaaring tama siya. Tama na hindi dapat idaan sa awa ang paghahatol sa mga taong salungat ang ginagawa. Tama na hindi dapat emosyon ang pairalin sa ganitong mga pagkakataon.
Pero hindi tama ang naisin niyang magkaroon ng “kamay na bakal” na gaya sa panahon ng batas-militar.
Bakit kailangan nating ilagay sa ating mga kamay ang pagpaparusa sa mga nagkasala. Isa itong pruweba na walang tiwala ang nakararami sa sistema ng hustisya sa ating bansa.
Oo. Mabagal ang usad ng hustisya sa ating bayan. Pero, hindi ito dahilan para baguhin ang sistema ng gobyerno at para salungatin at hindi sundin ang Saligang Batas.
Tulad ng una kong nabanggit, ginawa ang Saligang Batas para magkaroon ng isang mas organisadong bansa, hindi para sumuway sa mga batas na isinasaad nito.
Sa lahat ng mga nangyayari sa ating bansa ngayon, ano ang maaari natin gawin bilang mga ordinaryong mamamayan ng Pilipnas ukol dito?
Una, mamatyag. Obserbahan natin ang bawat kaganapan na kunektado sa isyung ito. Huwag humusga ng sino man. Hintaying matapos ang ligal na proseso.
Pangalawa, makibalita. Huwag makuntento sa kung ano lang ang nalalaman. Tandaan, bawat segundo sa mundo ay may mga bagay na maaaring mangyari, maliit man o malaking bagay. Pumili ng source o maaaring mapagkuhanan ng impormasyon na reliable at totoo. Iwasang magtanong o kumuha ng impormasyon sa tao o anumang uri ng bagay na maaaring mapagkuhanan ng balita na puro naman kamalian o salungat sa tunay na nangyayari ang sinasabi.
Pangatlo, makiramdam. Pakiramdaman ang pulso ng nakararami patungkol sa isyu. Magandang malaman ang bawat saloobin ng kapwa. Kapag may taong salungat ang ideya o kaisipan sa iyong pansariling saloobin, respetuhin mo ito. Tandaan, iba-iba ang nilalaman ng utak ng bawat isa. May kanya-kanya tayong opinyon sa anumang bagay. Mas magkakagulo lamang kung makikipag-away dahil lamang sa pagkakaiba ng ideolohiya.
Pang-apat, magsaliksik. Siguraduhing may alam bago makipag-dayalogo sa ibang tao. Hindi magandang panay kumento ng kumento nang hindi naman talaga alam ang tunay na pinagmulan ng isyu.
Pang-lima at ang pinaka-importante sa lahat, manalangin. Ipagdasal ang ating bansa. Wala nang mas hihigit pa sa kabutihan at patnubay na nagmumula sa Poong Maykapal. Ipagdasal natin na sana malampasan natin ang mga isyung kinahaharap ng ating bayan. Tandaan, walang mas hihigit pa sa isang bansang ang Diyos ang sentro ng lahat.
Pilipinas! Bumangon ka. Ipakita sa buong mundo na kaya mong tumayo at umahon mula sa pagkakalagpak sa anino ng kahapon!
(circa 2013)
0 notes
Photo
SCHADES Galactomyces Line is not as expensive as you think. 😉 find out why..👇🏻 These are the famous brands na may GFF. Kasi superstar talaga ang GFF sa skincare 💯 Most of the time, sa mga mamahaling brands, sobrang laki na ng added costs nila sa shipping (from abroad pa kasi mga to), and of course, yung Brand at pangalan mismo ng brand ang binibili mo. Totoo or totoo? 😉 Maganda din naman sila, malalaking companies na at hindi naman sila magtatagal sa industriya kung walang epektos, pero bilang Pilipino, tanong ko sayo: Maireresell mo ba ang mga brands na yan? Maybe yes, pero mahihirapan ka. 😉✌🏻 GOAL ng Schades na magformulate at magpalaganap ng HIGH END, TOP GRADE skincare na swak na swak para sa balat ng Asians. ✅Affordable and Innovative skincare is our priority 💯 At importante samen na makapag create ng opportunity para saten mga Pilipino na kumita. Magkaron ng sariling kita ang mga nanay na nasa bahay para mag alaga ng mga anak. May sideline ang mga nag oopisina. Or maybe full-time para sa mga distributors na talaga. THE OPPORTUNITY TO EARN SHOULD BE PRESENT AND LIMITLESS. 💯 At gusto namin KAPWA PILIPINO ang makinabang. Japanese na nag compound ng GFF mismo natin, kaya time naman na yung actual product, PILIPINO ang kumita 👊🏻 **disclaimer : this post is not supposed to offend any brand especially the ones posted. THESE ARE GREAT PRODUCTS AND SERVE AS OUR INSPIRATION . This is just made to emphasize the price of GFF containing products. Na may presyo talaga sya 🤣🙈 #schades #wearyourskin #cleanbeauty #onlineselling #onlinebusiness https://www.instagram.com/p/B9fvHo4p5pR/?igshid=r45dzkueoorc
0 notes
Text
HypeBeast x Ex-Battalion
“Kalimutan mo na yan
Sige-sige maglibang
Wag kang magpakahibang
Dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae dapat ‘di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di’ ba?”
Simula nang ipinalabas sa YouTube, taong 2017, ang kantang “Hayaan mo sila” ng Ex Battalion ito ay agad na pumatok sa masa, lalong-lalo na sa mga hypebeast. Ngunit, hindi lang dito nagtatapos ang katanyagan ng musika ng Ex Battallion sapagkat tinagurian din ang kantang “Hayaan mo sila” bilang pambansang awit ng mga hypebeast. Maaring ito’y dahil sinisimbolo ng kanta ang nararanasan at ninanais ng mga hypebeast.
Sino-sino nga ba ang mga hypebeast? Ano-ano na naman kaya ang kanilang mga bago at natatanging mga pakulo?
Ang hypebeast, salitang balbal para sa mga tao na nahuhumaling sa fashion, ay grupo ng mga kabataan na kadalasang binubuo ng mga batang kalye/kalsada na may pambihirang estilo ng street wear fashion. Kalimitan silang nakasuot ng shades, sumbrero, tak-in na t-shirts, dyaket at medyas para mas maangas tingnan. Ngunit, hindi kagaya ng tipikal na mga fashionista na laging nasa mall para bumili ng mga branded na damit, ang mga hypebeast naman ay sa palengke nagsisidagsaan. Patok sa mga hypebeast ang pampublikong palengke dahil maliban sa ito’y madaling puntahan, ang mga bilihin din sa naturang lugar ay mura at pasok sa bulsa ng masa. Kumpara sa mall, karamihan sa mga damit na ibenebenta sa palengke ay pumapatak lamang sa halagang P50 - P200 dahil ito’y replika lamang ng mga branded na damit. Limitado lamang ang budyet at pera ng mga hypebeast para sa pang-araw-araw na pormahan kaya mas pinipili nilang tangkalikin ang mga damit na mura at nagmumukhang sosyal kahit na ito’y imitasyon lamang. Bagamat hindi kagarbohan at kamahalan ang mga damit at aksesorya na isinusuot, masaya pa rin silang naipapakita at naipapahayag sa mundo ang kanilang pagkatao kahit kaakibat ng pagpapahayag ng sarili ay siyang pag-ulan naman ng mga pangungutya mula sa mga basher.
Bakit nagiging katatawanan ang pormang hypebeast?
Makinis, maputi, mayaman, mabango, matalino, maayos ang kilos at conyo - heto ang mga kalimitang inaasam o ideal self ng bawat Pilipino na kalimitang nakikita sa mga mayayaman at tanyag na mga personalidad. Kung gayon ito’y naging hudyat ng pag-usbong ng mga dominanteng ideolohiya na mas higit nakatataas ang mga tao na nasa upper middle class at elite kumpara sa mga tao na nasa laylayaan. Dahil dito madalas na tinitingala ng middle class ang mga upper middle class at elite, at tinitingnan naman na mababa ang mga kapwa middle class, lower middle class at mga nasa laylayan. Isa ang mga hypebeast sa grupo ng mga tao na naging biktima ng ganitong uri ng ideolohiya. Hindi kasi kagaya ng iba, ang mga hypebeast ay lantarang ibinubunyag ang kanilang mga minimithi sa paraan na ninaais nila. Ngunit, dahil sa ang iilang miyembro ng mga hypebeast ay hindi nakakapasok ng paaralan at sumusuot ng mga pekeng brand ng damit, sila’y kadalasang iniinsulto ng mga tao na mas nakakataas ng uri. Kung gayon ang pagiging mababa at walang dating ay nagiging signifier ng mga hypebeast.
Bakit patok na patok sa kanila ang kantang hayaan mo sila?
Sa kabila ng lupit ng mga pangungutya, nakahanap pa rin ang mga hypebeast ng sense of fellowship at pagtatanggap mula sa grupo ng Ex Battallion, lalo na nang ilabas nila ang hit song na “Hayaan mo sila”. Ang kantang Hayaan mo sila ay nakatuon sa patriyarkal na konsepto ng relasyon ng babae’t lalaki na hinaluan ng mga hugot na emosyon at kolokyal na wika na madaling maunawaan ng masa. Bagama’t nakatuon sa pag-ibig at pagkasawi ang tema ng kanta ang iilan sa mga linya nito ay tungkol sa pagsasaya sa gitna ng mga problema at ang paglimot sa mga hindi magagandang ala-ala. Naramdaman ng mga hypebeast na mula sa musika ng Ex Battalion sila’y nakakahanap ng pag-unawa at pagtanggap. Maliban sa estilo ng musika, wika at aksyon, ang pormang Ex Battallion ay hindi rin malayo sa natural na paraan ng pananamit at pagkilos ng mga hypebeast. Sa kanilang mga music video na ipinalalabas kalimitang nakasuot ng shades, t-shirt, sapatos na de goma, sumbrero at dyaket ang Ex Batallion. Maangas din sila kung kumilos ngunit ang kanilang mga kasuotan ay hindi kagarbohan o kamahalan kung kaya’t madaling gayahin ng mga hypebeast. Dahil dito mas nararamdaman ng mga hypebeast ang pagkakatulad o pagkakalapit mula sa grupo ng Ex Battalion.
—————————–
Mga Sanggunian:
https://youtu.be/PuUNX8nrIr4
https://youtu.be/lg6hkvzlUlw
https://www.sunstar.com.ph/article/1742953
https://keepmovinganddreaming.wordpress.com/2020/02/21/869/
https://aphrodite.gmanetwork.com/entertainment/articles/900_675_6__20180116144932.jpg
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flutenotes.ph%2F2018%2F01%2Fhayaan-mo-sila-ex-battalion-oc-dawgs.html&psig=AOvVaw3gKPhBnMMXIN_TdlCj9YHn&ust=1582381688804000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOj7q6vt4ucCFQAAAAAdAAAAABAW
https://www.flutenotes.ph/2018/01/hayaan-mo-sila-ex-battalion-oc-dawgs.html
https://medium.com/@kadlitofficial/
0 notes