#jpscriptures
Explore tagged Tumblr posts
itsjpspeaking · 7 years ago
Photo
Tumblr media
When everything seems perfect, all is well, nothing's left. And in just a snap, it all disappear. Like magic. Like nothing ever happened. It hurts. The pain you couldn't bear. Life's like this, kid. Either you win or learn. #amwriting #jpscriptures #keepthefaith #makatawithaheart #poetry
3 notes · View notes
itsjpspeaking · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Haligi mo ay sandalan, Sa tuwing mapapagal sa kalaban. Dulot mo'y lakas at tibay ng kalooban. Muling makatatayo't makikipagsapalaran. Kaagapay ng haligi ay ilaw. Karimlan ay tila 'di na matatanaw. Liwanag ang dala sa matang mapanglaw. Ihahanda kang muli sa mundong ibabaw. Bawat sulok ay hindi lamang makinang, Dala ng palamuti at disenyong nakaabang. Hindi na mapapansin mga sira at siwang. Hindi na magagapi ng mga bitukang halang. Bagaman hindi maaring makalimutan, Itinayong pundasyon ng nakaraan. Payak na mwebles at malawak na kalupaan, Pamanang ito'y ginto at 'di matawaran. Gaano ka man kahanda, Timpla ng panahon 'di mababadya. Subalit kung may masisilungan ka Init at lamig hindi na madarama Tiyak na kaibigan Ang iyong pahinga. -Bahay Kubo, Gentlewhiz #amwriting #jpscriptures #makatawithaheart #poetry #family
1 note · View note
itsjpspeaking · 7 years ago
Text
“Right place, right time, and there you are.”
Saturday, April 28, 2018
That was the day I've been thinking of for the past week.
First time to handle and process Shop TV orders independently. 
Challenge accepted!
Alam ko naman na kaya ko. Pero syempre iba parin yung pressure kapag mismong nasa office ka na at nag-hihintay sayo lahat ng couriers. Every courier is may cut-off so I have to maximize my time. Phone calls plus pick-up and emailed urgent orders, nakakataranta. Kinabahan ako nang konti dahil akala ko hindi ko na matatapos at masa-submit lahat. Ayokong ma- disappoint ang supervisor ko. Not this time. Malapit na akong ma-regular sa trabaho kaya importante sakin na maging successful ito. Dumating ang alas-tres ng hapon at natapos kong i-process lahat ng orders nang maayos. Salamat sa Diyos at kinaya ko.
Block Screening with Kimmy
Pagkatapos ng pressure sa trabaho, magkahalong excitement at kaba naman ang sumunod kong naramdaman. After office, dumiretso ako sa Gateway Mall sa Cubao kasama ang kakambal ko, si Carlo at si Nanay. Magkakaroon kasi ng blockscreening ang Kimerald 4ever para sa DOTGA ni Kim.
Hindi namin maintindihan kung anong pwedeng maramdaman dahil hindi kami sigurado kung magtatagal ba si Kim doon o katulad ng dati ay aalis din agad. Ang dami kasi naming inihandang regalo sa kanya. Na-stress kami nang very light dahil rush lahat and sobrang nakakapanghina 'yun kung lahat mababalewala.
But as always, God is good. 
As we arrived at the cinema, everything seems surreal. As in, parang hindi totoo lahat. Para bang paalala sa isang palabas, ANG MGA SUSUNOD NA EKSENA AY NAKAKAPA-NGINIG NG LAMAN. Haha!
We have prayed and waited for that moment our whole fan-girling life. This is what we're talking about. 
After a decade and 2, finally!!! Kilala na niya kami! haha!
Nakausap namin si Kim. Nayakap. Naka-kwentuhan. Nakipagbiruan sa amin dalawa ni Janette. Parang tropa lang na nagkita-kitang muli. Sobrang solid nung mga moments na 'yun. I don't think I can put into words every single thing that has happened that night. Para kaming naka-lutang sa cloud9. Only die-hard fans could understand how's the feeling.  We felt loved and appreciated by the person whom we admired for so long. 
Grabe nung dumating siya hanggang magpaalam, para akong na-stack up. Hindi ko alam kung anong unang gagawin. Parang gusto ko na lang siyang titigan kasi alam kong maya-maya aalis din siya. 
Nung nagpapaalam na siya, sobrang we still want more of her. Yung gusto namin siyang pigilan umalis pero hindi kami makapagsalita. Para bang sobrang chill namin physically, pero deep inside, gusto na namin sumigaw. 
Sa bawat pagdampi ng mga kamay niya sa amin, sa bawat pagtawag sa aming dalawa, hindi namin malaman kung paano ipapaliwanag kung gaano kasarap sa pakiramdam,
Sabi nga ni Kim samin, “See you again.”, sabay yakap. One word lang talaga ang nasabi ko after that, “Thank you”. Sobrang saya ng puso namin.  
Kalma lang kami pero we can no longer contain the feeling, kaya siguro tumulo na lang bigla sa mga mata namin ‘yung kasiyahan na hindi na makayang i-ngiti ng mga labi.
As we were heading home, we just realized na right timing lang pala talaga. 
I could finally call it a day. An unforgettable day, indeed.
- JP
0 notes
itsjpspeaking · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Being away from the crowd doesn't mean your not sociable enough or you're afraid of people and you're not open for rejections. You are most of the time termed as a loner, selfish, sensitive, hard-headed and narrow-minded. You have few friends and you're too shy so you dont get what you really want in life which ends up blaming yourself because you screwed up. No. It's not like that. Don't be so hard on yourself. Every single person is different so stop comparing. You can even be a lot different to your mom and dad. What more to other people? And that's okay. Tell yourself that it's okay and it will be. You're just being honest. You're too sincere to say things you don't really mean. You're just being realistic that you don't have time for dramas. You dont wanna mingle if you dont feel like doing it. But if there comes a time that you want to share and talk about certain things,then you initiate for it. It so happen that you prefer to handle things alone or with a few people whom you trust. At the end of the day, it's just you and the Man above. Let yourself be evaluated by Him and not by anybody else. Don't try to please everyone. Live your life the way you want it. The way you can be happier. People who truly love you will stay no matter how hard you are to be with. So to the rest of the introverts out there, live. Theres nothing wrong with who you are. You don't owe any explanation to anyone who will question the way you behave. Because that'ts the real you. -Introverts are underrated. #keepingitreal #amwriting #introvertthoughts #jpscriptures
0 notes
itsjpspeaking · 7 years ago
Text
Hetong muli ako
Ika- 19 na araw, buwan ng Pebrero,
Taong 2018
38 araw makalipas ang ika-23 kong kaarawan.
Marami nang nagbago. Kung ikukumpara sa mga nakaraang taon, masasabi kong malaki na ang pinag-iba ng buo kong pagkatao. Pisikal, emosyonal at ispiritwal, masasabi kong lumago talaga ako.
Pagdating sa materyal na bagay, halos wala na akong mahihiling pa. May disente akong trabaho. Unti-unti ay may naipupundar na rin. Palagi ko na lamang pinagdarasal ang kapayapaan at kalusugan ng pamilya.
Halos perpekto na ang buhay ko kung tutuusin.
Pero mas mahirap pala yung ganito.
Dahil sa paglubog ng araw, lagi ko paring tinatanong ang sarili kung masaya ba talaga ako.
Oo. Masaya naman. Lalo kapag nakikita ko ang buong pamilya na masaya. Kapag nakakatulong ako sa kanila. Kapag naibibigay ko sa kanila yung mga pangangailangan nila.
Pero sa kabila ng lahat, ang dami paring gumugulo sa isip ko. Palaging merong kulang. Parang hindi ako masaya.
Hindi ko namamalayan na unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.
Self-pity? Hindi naman.
Sobrang blessed ko para kaawaan ang sarili ko.
Parang pakiramdam ko lang nakakulong ako. Hindi ko mailabas kung ano talagang gusto ko. Hindi ko magawa yung totoong nakakapagpasaya sakin kasi buong araw gugol sa trabaho kaya wala kong panahon ipursige yung mga pangarap ko. Hindi ko alam kung sino ba talaga ko. Ano bang purpose ko sa mundong ito?
Nakakalungkot lang kasi hindi ko pwedeng mahalin yung mga taong mahal ko. Kasi bawal. Masama. Kasalanan.
Kaya heto ako. Heto parin ako. Sabay sa agos ng buhay. Hinahayaan ko na lang kung saan ako dalhin nito.
Alam ko naman may hangganan ang lahat ng ito. Naniniwala parin ako na sa dulo, may kapahingahan.
Laging nagtitiwala, nagpapasalamat at nagmamahal,
- J
0 notes