#ikaw lang fit para dito
Explore tagged Tumblr posts
Note
6 5 4 3 2 1 with your choice of moot !
pick 1-3 moots and answer the following :D
6 things they say a lot
5 things they like
4 things you like about them
3 things their good at
2 things you would change about them
1 thing you dont like about them
hi @gun-wook 😂💓😝😂😁😂💢‼️⁉️
( 6 things they say a lot )
SLAYY
i don't want to be a leader anymore
HAHAHAHAHA
i don't wanna go to school
i'm tired
(insert school rant)
( 5 things they like )
gunwook
zb1
laughing at me ong
drag racee 💃🏻
mambash ng mga tao 😝💓🔥🫶🏻
( 4 things you like about them )
for putting up with me 💓🫶🏻😝🫶🏻💃😂⁉️🚩😁
helps w my schoolwork lowkey
sends funny twt links ( kahit nakakatamad buksan)
ano ahmmmmmm basta ano ayun
( 3 things they're good at )
complaining with me ❇️😁😝😁😝‼️🙄💢🍥❇️‼️🙄😁🚶🏻♀️💢
editing ‼️‼️
being witty 🙄🙄
( 2 things you would change about them )
stop supporting my delusions ‼️‼️‼️‼️‼️
ano ahmm enabler siya ( ako 'ren )
( 1 thing you don't like about them )
NOT HANGING OUT W ME 🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻💢💢💢💢 ( kapag ikaw talaga inano ko EME HAHAHWHW )
8 notes
·
View notes
Text
A DATE WITH MYSELF
October 2, 2024 (Wedenesday)
I have to put the date because I don't want to forget how happy I was this day. I was genuinely happy that day. I really enjoyed my own company. How did my day went?
The original plan was to hit the gym and join the yoga class. But then, hindi dumating ng maaga yung kasama namin dito sa bahay tapos umalis ang papa ko. I can't leave the house with no one but the dogs. I waited patiently and just thought of moving my laser appointment to a later time. Ang plano ko after ng gym yung laser treatment pero dahil di ako nakapag gym, might as well show up for the treatment. Besides, nakapag schedule naman ako nung Monday pa lang.
As soon as Ate Annie arrived, naligo na agad ako. I dressed up with something extraordinary. I never wore fitted sando or tank top in public but that day, I wore it with confidence.
I put on a simple make up to feel extra pretty. Because I felt so positive that day, I took a selfie before booking a ride. Actually madaming selfies. Hahaha!
So there. After smiling in front of my cam, nag book na ko ng Grab going to SM Fairview.
I went straight at Skin Station to have my treatment at hindi ko inaasahan na after the session ay required ako bumili ng products nila. Hahaha! Wala sa budget pero inisip ko na lang na part yun ng "self care" ko. Super bilis lang pala ng diode laser kaya I decided to eat somewhere I haven't tried yet.
I went to Nanyang. Akala ko Thai resto yun pero hindi pala. Singaporean pala yun so nag tanong ako agad kung anong best seller. Upon checking their menu, ang gusto ko talaga orderin ay yun curry nila. Pero dahil sa nag tanong ako ng best seller, sinunod ko si ate. Haha!
I ordered their hainanese chicken which is one of my favorite dishes and a glass of their house blend iced tea. I will order the chicken again next time but not the drink anymore kasi super tamis.
While eating, madami akong realizations. Kaya ko pala maging masaya mag-isa. Kaya ko palang i-date ang sarili ko na parang never kong nagawa. Hindi ko kailangan ng jowa para i-date ako kasi kaya ko pala mag enjoy ng ako lang. Nasarapan ako sa pagkain ko kahit ako lang mag-isa and being alone is also fun. Masaya naman din talaga ang may kasama pero masaya din pala kahit ikaw lang mag-isa. At naisip ko na kailangan ko din tong gawin paminsan minsan. So dahil madaming sessions pa ang laser treatment ko, I decided to make it my "me time date".
After kumain nag book lang ako ulit ng Grab pauwi. At dahil madami pang time before my shift, I played with my dogs at nag picture sa garahe. Gusto ko lang din subukan yung bago kong tripod. Next time I'll use my fujifilm camera instead of my phone. Ganda ng tripod ko kasi pwede both.
Hay ang hirap mag picture kasama aso. Walang maayos na pic.
So there. Simple lang ang araw ko pero sobrang saya ko. Nagdasal ako pag higa ko sa kama an hour before my shift. I thanked the Lord for this day.
0 notes
Text
Hello good morning, yung feeling na mainit, walang WiFi, gutom at wala pang food and hindi sa pagiging ungreatful but I really wish sa ibang food to taste ewan ko ba we are really always craving pero wala eh. Ngayon puyat ka pa.
Those things are somehow underlying factors kung nasaan ka man ngayon sa life.
Makakapag-reflect ka rin talaga. Na you want good things in life and live a quiet but peaceful life.
Actually may nabasa nga tayo na sa tulfo kung saan yung anak ay may galit sa tatay. Because of what? Gusto ang baon 500 a day. Like, after mabasa yun we can't help to be emotional. When I was a college ang baon ko lang ay 100-120 pesos a day. I am so grateful na nun.
Daming things ang tumatakbo sa isip ko. Feeling ko ang sama kong tao. Pero hindi eh. We are always there para sa mga taong mahal natin. Pero nung tumawag yung pinsan ko. I am so happy, totoo. Kaso, when I am trying to tell a story or trying to open up. She's not interested. -- feel na feel ko yun at malalaman mo yun because it's a gut feeling.
What goes around comes around. -- this is not real. I've been here na trying to do things but the odds really not on your favor.
I've been a good friend, a good son, a good citizen and trying to be good lover.
On that aspect, sobrang failure ko. Dito rin papasok na kahit anong efforts mo if hindi ka na mahal or mahalaga or gusto.
Mauuwi din ang lahat sa wala.
Like, I've been with good friends. -- they say! Pero parehas lang. After mo maging tao to be someone emotionally available. After ka nilang itapon, tapos babalik, tapos kapag tinanggap mo ule sa life mo because I am forgiving person. Sasabibin nila na need ka nila sa life kasi of course, their lives are not okay. -- "kailangan ka nila" then dadaan ang panahon after nila maging maayos. -- iiwanan ka.
Same pattern, same shit.
While you after mo maging strong for other people ikaw ang naiwan and stuck. -- not asking for in return or expecting na malake. I just observe the same behavior as an person who have been chasing people's acceptance or someone who's always trying to fit. Longing for deep connection.
All my life, we are always concerned to the people's other business. Hindi ko na nakilala sarili ko. Sana noon pa pala. Noon pa pala mas kinilala pa natin yung sarili natin.
10:57 AM | 04.27.24
0 notes
Text
Ika-22 ng Agosto, 2023
Martes, 02:00 n.u.
Hi.
Sulatan muna ulit kita. Magulo na naman isip ko.
Pinanood ko ‘yung The Last 10 Years kagabi. Umaasa ako na magkakaroon tayo ng discussion about doon. Wala lang. Nasanay na lang ako na gano’n tayo. Pero sineen mo lang message ko. Iniisip ko, baka hindi mo natapos ‘yung movie? Minsan pa naman inaantok ka kapag nanonood. Or baka masyado kang emosyonal para pag-usapan pa?
Akala ko hindi tayo magkakausap today. Baka kaya mo ako sineen kasi ikaw naman ‘yung lumalayo. Grabe, ‘no? Kakaiba na tumatakbo sa isip ko. Ang gulo nila. Hindi sana creepy ‘yung dating sa’yo.
Uy, nagtataka pala ako kung bakit naka-Quiet Mode ka sa Instagram. May ano ba? Ayaw mo ma-chat do’n? ‘Di ba ‘yung feature na ‘yun, walang matatanggap na notif. Parang naka-silent. Hmm, may iba ka pa nga kayang kausap roon sa IG? Ayaw mo magambala? Grabe. Nakakatakot pala itong mga iniisip ko. Magulo talaga siya ngayon.
Alam mo, isa ko pang naisip, what if, ‘yung mga pinapanood nating movie at ni-suggest lang sa’yo ng iba mong nakakausap na babae. Tapos pinanood ko… medyo nakakaawa ako kapag nakumpirma ko ‘yan. Hahahaha, kasi sinusubukan ko talaga na sabayan ka. Pero paano kung habang sinasabayan kita, may sinasabayan kang iba…
Grabe, ayoko na talaga ng ganitong pakiramdam. Minsan gusto kong maging manhid. Ayoko na ng ganito. Sobrang confusing ng ganitong stage. Bakit ba kahit alam kong hindi ko deserve ‘yung ganito, nandito pa rin ako? Ilang beses ko na rin namang pinamukha sa sarili ko ‘yan. Pero tingnan mo, nandito pa rin ako.
Iniisip ko na lang, hahayaan kita. Hahayaan kita rito. At hindi ako mag-e-expect nang malala sa’yo. May goal naman na ako sa buhay: gumraduweyt. Pagkatapos niyan, mag-iiba na talaga prioritie ako. Kaya hahayaan na lang kita. Hahayaan kitang maging mababaw at malalim sa mga conversation natin.
Sana hindi magdire-diretso itong pag-asa ko na baka maging pareho na tayo ng crisis na pagdadaanan dahil third year ka na. 3rd year din naman ako nag-mourn sa someone na makakaintindi sa akin.
Iniisip ko rin na siguro magiging mabilis tanggapin sa akin lahat na hindi tayo pwede kasi malayo ako kung hindi ka lumalandi sa iba. I mean, kung hindi ka nakikipag-usap sa iba. Na malayo rin.
Nagko-contradict kasi sinasabi mo. Sabi mo hindi ka ready, hindi mo kaya, pero humaharot ka pa rin sa iba. Hindi ko alam kung gusto mo lang bang subukan sa iba o ano e. Hindi ko talaga alam. Sobrang hirap mangapa.
Siguro ang pinakaayaw ko na lang mangyari sa akin ay ‘yung ma-Tom ako. Ayokong maging si Tom na sasabihan ni Summer ng “I just woke one day and I knew… what I was never sure of you.”
Ayoko. Ayokong mangyari sa akin ‘yan.
Sana maging plain na lang lahat ng ‘to. Kaya lang nakakainis kasi ang lakas mo talaga sa akin. Alam mo bang wala kaming kuryente kanina. Pero dahil doon sa chat mong fit check, na may kasamang vid, napa-redeem ako ng rewards sa Dito. Parang tanga. Kaya kong gawin ‘yung mga ‘yon para sa’yo. Nakakainis. Nakakainis na kaya ko gawin request mo. Kaya kong maghanap ng comment mo sa live ni mi-gan at i-haha sila. Ang tanga. Para akong tanga na nag-scroll doon kakahanap ng comment mo. Para lang ma-boost ka. Para lang magkaroon ng reactions ‘yung comment mo.
Kinukwestyon ko pa rin minsan bakit ako nag-stay sa conversation natin. Hindi ka naman katulad ng mga nakausap ko. Ni hindi ako makapagreklamo sa’yo kagaya no’ng reklamo na nagagawa ko sa mga dati kong kausap. Na-try ko once, ‘yung sa kay Kent. Gumaan loob ko na bina-bash mo siya. Kaya lang, sobrang dalang ng mga ganiyang pagkakataon. Sobrang dalang na parang nakikinig ka sa mga reklamo ko.
Minsan naman, iintindihin ko na lang. Na baka hindi mo lang talaga alam anong sasabihin mo. Baka naiipit ka sa sitwasyon ko. Baka hindi kayang hawakan ‘yung mga ganoong kwento.
Susubukan ko na lang gawin ‘yung mga pinlano ko.
Bahala na.
Sa ngayon, gusto pa kita.
Gusto pa rin kita.
0 notes
Text
Marami lang akong iniisip hahaha. Siguro kaya ko ginawa 'tong tumblr account na to. Kasi nainspire lang ako kay Ate Joyce na magshare ng stories dito. Hahaha. De kidding aside. Parang gusto ko lang may mapaglabasan ng mga random ideas and thoughts ganon.
Siguro gagawa ako ng series dito ng ka-cornyhan ko sa buhay. Hahahaha. Lets call it #DearFutureWife. Siguro mag popost din ako ng random letter dito para sa future wife ko para malaman nyo kung gaano ako ka-Hopeless Romantic. LOL. In reference don sa movie ni John Lloyd at Sarah. Yung finally found someone. Nagsusulat si Sarah sa future husband nya tapos ghinost sya sa araw ng kasal. Hahahahaa. So ayon na ngaaaaa. Sisimulan ko naaa.
Hello to my future wife. I just want you to know na sobrang excited na ako na magkita tayo. I'm so excited na makinig sa mga kwento mo na kung kumusta ba ang araw mo, mga-rants mo sa buhay. Mga pangarap mo for you or maybe para satin din. Charrr. I'm so excited to comfort you when you feeling down. To celebrate our small success. To travel with you. Excited din ako na suyuin ka kapag mag aaway tayo. Uy alam mo haaa. Natuto na ako!! Susuyuin kita pero di ko na itotolerate kapag mali ka. Icocorrect kita in a proper way. Promise loveeeee. I'm so excited na magsusumbong ako sayo everytime na may mga bagay na nagpafeel sakin na maging malungkot. Love, sobrang excited na ako mag grow with you. Excited ako sa lahat ng pwede natin pagsamahan. Ipagluto kita. Ipapatikim ko sayo yung walang kasawaang yang chow ko at paulit ulit din na chicken nuggets! Pero dont worry, ikaw ang masusunod sa flavor na gusto mo. Leave it to me mahal! 🤗 I'm so excited to meet you na talaga. Kaya hindi ka pa nirereveal ng Diyos sa akin, siguro kasi marami pa akong dapat idevelop sa sarili ko. Marami pa akong dapat ayusin at iimprove. Siguro hinahanda nya ako na maging fit na fit to handle you, mahal. Or baka naman nireveal ka na niya pero hindi ko lang makita pa na nandyan ka na pala, kasi masyado pa siguro akong focus sa self growth ko at busy pa ako mahalin ang sarili ko. Pero alam mo, worth it yung perfect timing na ibibigay ka Nya sakin. Kasi alam ko na He's preparing me for something special and that's you! So ayon na mahal, I gotta go to sleep na. Kasi may pasok pa ako sa work. Promise ko na kapag nandito ka na sa tabi ko, I will do my best to treat you right and hindi kita papadapuan sa lamok! Promiseeee!! I will do my best to take care of you. I hope palagi kang masaya ngayon and nasa mabuting kalagayan ka.
Ps: Love malapit na ako bumili ng bahay para satin Soooon! Habang wala ka pa. Magpprepare na ako sa pagdating mo!!
0 notes
Text
Ang mga handog ng Don Bosco Makati SHS
Juan Miguel Gutierrez (Tekstong Impormatibo)
Ang Don Bosco Makati ay isang paaralan na makikita sa Chino Roces Ave. Makati City. Ito ay nagawa taong 1954 at nagbibigay serbisyo hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon ay mayroon apat na strand na binibigay ang DBTI SHS at ito ay ang mga strand na Accountancy, Business and Management (ABM), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Humanities and Social Science (HUMMS), at Arts and Design Track.
Ang DBTI SHS ay hindi lang mga core at specialized na paksa ang kanilang itinuturo. Meron din mga e-tech subjects na layunin ay bigyan sila ng kasanayan sa teknolohiya. Bawat strand ay mayroon iba’t ibang e-tech subjects. Sa STEM ay malaya sila pumili pero dapat may kaugnayan sa kanilang strand. Para naman sa ABM, HUMMS, Art and Design ay mayroon ng ibinigay sa kanila, hindi na nila kailangan mamili pa. Ang mga ganitong kakayahan ay isang malaking tulong dahil ang mundo natin ngayon ay nangangailangan na ang bawat isa ay dapat may kaalaman sa teknolohiya. Kaya’t magandang pagsasanay ito para sa kasalukuyan ay mayroon na tayong karanasan. Ang mga guro rin dito ay malalapitan pag may kailangan, mababait at ibang klase magturo. Panigurado ay madadami kang matutunan. Hindi lang ito ang handog nila mayroon din silang mga programa na tututlungan nila ang mga nasalanta sa pamimigitan ng pamimigay ng mga pagkain,damit, at iba pa.
Gusto mo ba ng ganitong karanasan? Ano pa iyong hinihintay at mag enroll ka na sa DBTI Makati SHS para maranasan mo ang pagiging isang Bosconian. Panigurado ay hindi ka magsisisi dahil tiyak na madami kang matutunan pagkatapos ng iyong pag-aaral dito.
Don Bosco tutulungan ka ma abot ang iyong pangarap
(Han Sang yoon) - Deskriptibo
Dito sa Don Bosco Technical Institute Makati Senior High School Department kami ay nagbibigay ng katangi-tanging edukasyon para sa aming mag-aaral. Mayroon kaming mga guro na mayroong matataas na kwalipikasyon at komprehensibong programang K-12 na sinusuporthan ng DepED. Sa Don Bosco ay bibigyan ka naming ng pagkakataon makalasap ng bagong mundo, gamit ang iba’t-ibang mga aktibidad na aming pinamumunuan kada buwan. Nakabase sa 3 matatag na haligi ang pundasyon ng aming eskwelahan: rason, relihiyon, at mapagmahal na kabutihan, hindi lamang naming pinapangalagaan ang inyong kakayahang pang-akademiko kung hindi susuportahan din naming ang inyong mga pangangailangang espiritwal.
Ikaw ba ay mahilig sa sining, gustong maging inhenyero, programmer, o di kaya’y isang businessman? Aba’y ang Don Bosco ay tamang-tama para sa’yo at ng matupad mo ang pangarap mo. Kami ay nagbibiga ng iba‘t-ibang klase ng mga programa para sa iyong tinatangkilik na strand, kung ano man ang inyong gustong marating, kami ay nandyan para tulungan kayong ito’y abutin. Sa Don Bosco ay ibibigay naming sainyo ang lahat ng inyong pangangailangan. Ano sabi mo? Hindi ka pa sigurado kung ano gusto mong gawin sa buhay mo? Ah, edi wag ka na mag-alala kasama na yan sa aming programa. Tutulungan ka naming linangin ang iyong pangarap at bibigyan din naming kayo ng patnubay at gabay para maayos mo ang iyong sariling daan sa buhay.
Naghahanap ka ba ng isang paaralan kung saan mayroong iba’t-ibang pasilidad? Meron din kami niyan. Mula sa isang malawak na football field, maraming basketball court, mga laboratorya, malupet na mga upuan, badminton courts, volleyball courts, teatro, cafeteria na maraming iba’t-ibang pagkain, isang fitness gym at malinis na mga banyo. Lahat yan ay meron kami. Ang Don Bosco ay laging handa para sa mga bagong estudyante at palagi kaming handang ibigay ang pinakaamagandang karanasan.
Ang aming Vision Mission: Don Bosco – Makati is a nurturing, responsive, research-oriented, and innovative Salesian school for the young. We form an educative-pastoral community of lifelong-learners, champions of integral ecology, and agents of social transformation. We provide a holistic Catholic education that forms the young, especially the poor, to become good Christians and upright citizens. Our schools mission is to prepare all of our students for the future, we make sure that when our students go out into the real world, they can adapt easily and stand out as an individual in society. We also help them develop as a person with right morals and ethics, as a good Christian and an upright citizen. Ginagabayan naming ang aming mga estudyante sa tamang daan sa buhay. Ang buhay ng Bosconian ay hindi nagtatapos pagkatapos ng graduwasyon nila, dadalhin pa din nila ang mga natutunan nila hanggang sa susunod na parte ng kanilang mga buhay. Ang isang Bosconian ay palaging magiging Bosconian. Palagi naming mamahalin ang aming mga estudyante na parang aming pamilya na may kasamang respeto at mahabagin na pag-ibig.
Isang lugar kung saan maraming magagaling na guro, na may pinaka kumprehensibong mga programa para sa mag-aaral, pinakamagandang mga pasilidad, isang matibay na pundasyon na binubuo ng mga matatag na prinsipyo at moralidad, at isang malinaw na vision mission para ihanda ang mga estudyante sa mga haharapin nila sa buhay. Amg lahat ng ito ay mahahanap niyo sa aming katangi-tanging paaralan na Don Bosco Insitute of Makati. Kaya ano pa ba ang hinihintay mo? Tara na at mag-apply!
Don Bosco Para sa magandang kinabukasan
(Francois Olivier D. General) (Tekstong Naratibo)
Karamihan sa mga estudyante ay naghahanap ng perpektong paaralan para sa darating na senior high school. Karamihan sa mga paaralan ay nagbibigay ng mga ibat-ibang klaseng programa upang maihikayat nila ang mga estudyante na mag aral sa kanilang institusyun, subalit saan nga ba ang perpektong paaralan para mag aral sa darating na Senior high school? Para sa akin sa Don Bosco Makati kana. Bakit? Natatandaan ko ang aking kaibigan na nag aral sa Don Bosco Makati ng dahil sa mga ala alang ibinahagi ko sa kanya. Naaalala ko habang ako ay naglalakad pauwi galing Don Bosco Makati upang kunin ang aking mga kagamitan na aking naiwan, naka salubong ko ang aking kaibagan na itatago natin sa pangalang Ciel at dali dali siyang tumakbo papunta sa akin.
Ciel: Hoy pre! Kamusta kana? Matagal na tayong hindi nakakalaro mag DOTA ah.”
Francois: Oo nga eh matagal narin tayong hindi nakakalaro ng DOTA eh paano banaman kasi lockdown paano tayo makakalabas niyan?
Ciel: Puwede naman sa bahay ah... may laptop kanaman.
Francois: oo nga eh pero sige susubukan kong mag laro mamaya kung hindi ako tamarin haha.
Ciel: sige sige uwi narin ako mamaya nalang discord.
Nung kami ay naka uwi na dali dali kong binuksan ang aking laptop upang makapag laro na kami.
Francois: Hoy pre! G kana? Handa kanabang mag laro?
Ciel: oo tara! Hangang anong oras kaba mag lalaro?
Francois: Siguro mga ilang laro lang ako. Saglit lang ako .
Makalipas ng anim na oras kami ay natapos narin maglaro, ngunit ako ay nagulat ng matapos niya akong tanungin kung saan ba ang magandang paaralan upang mag aral sa senior high school. TInanong niya ako kung anong strand ang aking kukunin kapag ako ay nag senior high school na. Simula nung kami ay gradong siyam palamang matagal nan niyang pinag iisipan kung saang paaralan siya mag aaral kapag siya ay nag senior high school na.
Ciel: Grabe yung laro natin no!? Sunod sunod panalo.
Francois: Ayun nga eh! nanalo pa tayo nung huling laro natin.
Ciel: Oo nga pala... saan ka mag aaral sa senior high school?
Francois: Ako... sa Don Bosco Makati parin, bakit?
Ciel: Hindi, kasi binabalak kung lumipat, eh... hindi pa ako sigurado kung saan ako mag aaral? Mag bigay ka nga ng suhestyon kung saan maganda mag aral?
Francois: Sa Don Bosco Makati nayan!
Ciel: ayaw ko nga! Hindi naman ako banal eh.
Francois: Hindi ah! Hindi mo naman kailangan maging banal upang pumasok sa Don Bosco Makati.
Ciel: Bakit naman? Ano ang maganda sa Don Bosco Makati?
Francois: Ang maganda sa Don Bosco Makati pag mag aaral ka sa para sa senior high school hindi lang ang mga core subjects ang itinuturo roon. Meron kaming tinatawag na mga technical subject.
Ciel: Ano yung technical subject? Bago yun ah.
Francois: Ang technical subject ay pagbigay sanay sa mga teknolohiya para sa mga estudyante at ang kagandahan ng mga technical subject ay para mabigyan ka ng karanasan kapag ito ay kinakailangan na. Ang Don Bosco Makati ay hindi lang hinahanda ang mga estudyante para sa kolehiyo kundi hinahanda rin nila ang kanilang mga estudyante para sa ating buhay dahil alam naman natin na hindi habang buhay tayo ay bata, darating yung araw na tayo ay tatanda rin.
Ciel: Oh... ano pa kagandahan sa don bosco?
Francois: Ang iba pang kagandahan sa Don Bosco ay hindi lang magandang edukasyon ang kanilang kayang ibigay kundi tuturuan din tayo kung paano maging isang mabuting mamayan dahil aanuhin mo naman ang magandang edukasyon kung wala kang moralidad sa buhay, diba? Dapat balanse ang ating talino at moralidad upang tayo ay magkaroon ng magandang buhay.
Ciel: paano naman yung mga aktibidad katulad ng mga field trip?
Francois: Mayroon din kaming field trip pero ang aming field trip ay hindi lang basta basta kung saan kadalasan kami ay lumalayo sa Manila minsan nakaka abot kami ng tagaytay at ang maganda pa ay meron din kaming retreat na nag tagal ng dalawang araw.
Ciel: umaabot ng dalawang araw retreat niyo?
Francois: Noong ako ay ika sampong grado palang nag dalawang araw kami sa Batulao ang masaya doon ay matagal mong makakasama ang iyong mga kaklase. Magkakaroon ka ng panibagong karanasan lalong lalo na kapag hindi niyo pa nararanasan ang ganyang klaseng aktibidad ngunit ang sabi sa amin mas matagal ang retreat ng senior high school kumpara mo sa junior high school, ang huli kong rinig ata mga isang lingggo? Hindi lang ako sigurado.
Ciel: Isang linggo! Retreat!? Ang saya naman nun!
Francois: Hindi lang yan ang mga magagandang karanasan na mararanasan mo kapag ika’y nag aral sa Don Bosco Makati, nakaranas ka na ba na nagkakaroon ng mga concert sa eskwelahan niyo?
Ciel: Hindi pa. Bakit meron kayo? Sino sino ang mga pumunta?
Francois: Ang natatandaan ko noong ika-sampong grado palang ako ben and-
Ciel: Ben and Ben!? Hoy Paborito ko yun.
Francois: oo haha tapos nung isang event ng senior high school pumunta si kiyo sa Don Bosco Makati para mag concert.
Ciel: Seryoso yan!? Kiyo? Ang swerte niyo naman.
Francois: Hindi lang yan ang mga aktibidad sa Don Bosco Mayroon din kaming foundation day at diyan ginaganap ang celebration ng aming eskwalahan. Dito maraming mga aktibidad na pwedeng gawin katulad ng mga palaro at oo nga pala nung kami ay grade eight palamang nag karoon ng DOTA tournament sa school, noong 2018 mga ganun at noong grade ten naman ML tournament.
Ciel: Seryoso yan? DOTA? Sali tayo!
Francois: Hindi ko lang sigurado kung mag kakaroon pa ulit ng ganun. Pero hindi lang naman yan yung mga aktibidad sa eskwelahan eh pwede mo rin mapanood yung intramurals ng mga guro katulad ng makikita mong mag lalaban ang bawat guro sa bastketball, vollyball at iba pa. At syempre hindi tayo makakalimutan mayroon din tayong intramurals... kung mapapansin mo sa ibang paaralan kadalasan basketball at vollyball lang. Dito sa Don Bosco Mayroon ding mga ibat bang sports katulad ng Table tennis, football, swimming at iba marami pa.
Ciel: Mukang maganda mag aral diyan ah ngunit hindi ako makaka aral diyan kasi balak ko talaga mag aral sa Ateneo. Kahit mukhang masaya diyan parang hindi ko parin trip eh.
Francois: sige sige... ay alas tres na ng umaga matutulog nako sige mamaya nalang ulit pag gising, good night good night.
Ciel: Sige Sige.
Matapos ang ilang matagal na buwan nag karoon na ng oryentasyon para sa mga mag aaral ng senior high school ngunit may nakita akong pamilyar na pangalan nung tiningnan ko ang mga kasali sa oryentasyon sa zoom ako ay nagdadalawang isip kung siya ba talaga iyon kasi hindi sinasabi ni Ciel na kung saan talaga siya mag aaral.
Francois: Mukhang pamilyar tong pangalan na to ah. Message ko nga. (sinabi ko sa aking isip isipan)
Pinicturan ko ang pamilyar na pangalan at sinend ko ka agad kay Ciel.
Francois: Hoy! Bakit nandito pangalan mo? Ano strand mo?
Ciel: hahaha wala lang na kumbinsi ako sa sinabi mo eh parang nagustuhan ko tuloy mag aral sa Don Bosco.
Francois: Walang hiya ka akala ko sa Ateneo ka mag aaral. Bakit mo naman napag isipan na mag aral sa Don Bosco Makati?
Ciel: Katulad nga ng sinabi mo Hindi lang magandang edukasyon ang maidudulot ko dito sa Don Bosco Makati kundi ang magandang pagkato din at siyempre ang mga magagandang karanasan na mararanasan ko dito kahit na grade 11 online class tayo panigurado mababawi naman iyan sa darating na grade 12.
Francois: Nice one pre!
At ngayon si Ciel ay nag aral sa Don Bosco Makati matapos ko siyang kumbinsi na mag aral sa Don Bosco Makati dahil alam niya sa sarili niya na aanuhin niya ang magandang edukasyon kung pangit ang pagkatao mo at nagustuhan niya rin ang mga aktibidad sa paaralan. Ngunit bakit nga ba maganda mag aral sa Don Bosco Makati? Katulad ng sa vision and mission ng Don Bosco Makati, gusto ng paaralan na ikaw ay maging isang mabuting mamayan hangang sa iyong pag tanda. Kaya ano pa ang iyong hinihintay mag aral kana sa Don Bosco Makati sa darating na SHS upang maranasan mo ang pagiging isang tunay bosconian.
1 note
·
View note
Text
Today my professor made me cry.
And for that, I just realized how pathetic it was.
I gave him my medical certificate that says I was diagnosed with SLE and that Im not allowed to have outdoor physical activities and do strenuous activities.
He laughed at me, and said "Nakakahiya naman kasi sa mga kaklase mo na sila mag papracticum tas ikaw hindi."
I tried to explain to him that my health situation is kinda serious. But he really just can't understand.
And it just hit me so hard. I realized Im not meant to be in a university where normal people go for education. I don't fit in. Some people won't just understand my situation.
And I don't give a damn anymore. I don't want to explain what I'm going through to everyone anymore. They don't have to know. I don't need their sympathy.
If only I had the confidence to talk back at him I would say
"Okay. Ibagsak mo nalang ako. Tutal hindi mo naman alam kung gaano ko pinipilit na mag aral dito para lang matupad ko yung mga pangarap ko. Hindi mo naman alam kung ano yung nararamdaman ko araw araw. Na sa bawat hakbang ko sa mga hagdan ng bawat building dito nanghihina ako. Na sa bawat pagpasok ko sa klase pinipilit kong wag indahin ang anuman. Hindi mo naman alam na nahihirapan ako kaya okay lang. Hindi mo na rin kailangan malaman. Thank you for your very kind consideration"
1 note
·
View note
Text
2018: The Come From Behind Playback
Marami-rami akong snaps na still and slithering this 2018 and sa totoo lang, mahirap pumili ng pang-top photo pero I am confident na among all the photos, eto talaga ‘yung pak level, literally and figuratively. For one, dito talaga nagsimula na maiba ang takbo ng kwento, ng plot twists and pasabog ng 2018. This year has been a “distill me and be still me” year na hindi ko talaga inaasahan at all. So, ayun na nga, as I am penning this, I am laughing out loud, shaking my head, and giving myself whacks on the head and pats on the shoulder. I have arrived. Ang tagal kong inantay itong vibes na ito --’yung ako na nakaalpas na sa shackles ng pagkawala ng mom ko. Wala akong paki kung sabihin ng iba na ang tagal naman ng 6 years kasi kanya-kanyang trip ‘yan at hindi biro na ang first ever loss ko as an adult is not only my mom but the tito I was once super close to. Mga 1 or 2 years apart lang sila nawala. Iba ang ball game ‘pag permanent loss. Nawala ‘yung solid ground ko. Nawala ‘yung center of gravity and center of the universe ko. I was left with nothing but me, myself and I. Emptiness was something that meant nothingness, but now, happy to share na emptiness and nothingness are paving the way to new chapters that waited for a really, really long time.
So, I must say na 2018 is a come from behind year. Ito ‘yung jump off point ng mga what if’s ko na super I tried na hindi isipin kasi nga ‘di ba, we are made of the choices that we did not make. Pero 2018 has been a year of paradigm shifts and pushing myself out of my comfort zone. ‘Yung tipong, girl, ikaw ba ‘yan talaga? Pero, eventually, with all the uphill and downhill paganaps, na-realize ko ano ba talagang mga bagay na nagma-matter most to me. And, it has not been easy, but, kinaya! Kaya pala. At kaya pala naging ganito ang plot twists kasi maraming bagay na worth the wait. :) Basta, let things happen and trust fully in good vibes.
A few days before 2018 ended, nakita ko ‘yung watch na binigay sa akin ng mom ko through my brother nung 26th birthday ko. Grabe lang. Alam na yata talaga namin ng nanay ko na hindi na siya aabot ng birthday ko kaya pinaabot na lang niya sa kapatid ko. Until now, may kirot at malalim na hugot ‘yan, pero ngayong 2018 ko rin naitawid with flying colors ang aking birthday month. Yes, hindi lang birthday. Birthday month! Usually kasi sobrang tindi ng undiagnosed depression ko (undiagnosed kasi legit siya talaga pero ayokong mag-undergo ng meds talaga because I tend to have addictive tendencies, so girl, salamat sa universe for sending me the right people to watch over me na may license at experience sa ganitong dark chapters) from May until June. As in todo. Pati health ko apektado the past years kaya ang ginagawa ko is I take a trip para may reason ako na hindi magkasakit at magkulong na naman sa bahay. Hindi ako ma-celebrate ng sarili kong birthday pero ang sama lang talaga ng thought na four days before birthday ko nawala mom ko. So, Siargao happened on mom’s 6th birthday in heaven. Day 0 ‘yun and grabedad lang ang Siargao. Hindi views. Hindi things to do. Hindi siya super duper ganda. Sakto lang. Pero the vibes, the stories and the whole experience made Siargao one of my most memorable trips to date. :) And damang-dama ko kasama ko mom ko while I was slaying my first ever solo travel sa Pinas and sa Mindanao. <3
Hiatus year din ang 2018. I was always looking for a break pero ang napuntahan ko e seryosong breakdown kasi ngaaaaaa, ako lagi naga-adjust sa lahat ng paganap which is very, very bad pala. ‘Yung hiatus ko, JK Rowling-inspired ‘yan. Ihhhhh. Hindi ko alam na ‘yun pala ang kelangan ko para legit na marecalibrate ako lalo na ‘yung moral compass ko. Fucked up kasi ako without me realizing it fully. So, ang sagot na nakuha ko is AKO NAMAN. As simple as that. Tapos na ‘yung adjustments at the expense of losing my self or giving up the things I dearly hang onto and fight for. Tapos na pageexplain kasi at the end of the day, being judged is something so usual that it’s extra to see someone na walang bias. :)
Reconnection year din ang 2018. Eto ang isa sa pinaka come from behind chararats ng 2018. Totoo na kapag CTRL + ALT + DEL ka ng mga tao, bagay at paganap na hindi talaga worth it, you get a room for people, places and paganaps that matter. Sobrang nagulat ako na ‘yung support group ko this year is sobrang well curated. ‘Yung as in I can be who I am without being mocked or questioned. Ang sarap na makasama ang mga tao na totally believing in you instead of blindly being with you or ‘yung mga secret toxic people na hindi na nga tumutulong, nakaka-stress pa. <3 Sobrang grabe lang na from being a closed book as in super sealed, I was able to start embracing my vulnerabilities. <3 Long way to go, pero andito na ako.
Start of self love din ang 2018. Again, Siargao may kasalanan nitong pa-fitness journey kasi gusto ko lang talaga mag-bikini top (yes, top lang. I will never get abs and thigh gap in this lifetime perhaps) and shorts sa birthday week ko na alam kong kaya ko. Sooooo, ayun. Kinaya. And, hindi ‘yun a product of crash diet and all the fads. :) Mas masaya ako kasi pati dad ko, nayaya ko sa path na ito. Syempre, I still smoke and eat massively ‘pag di ko na talaga kaya, BUT, I would like to say that I’m more mindful about my body. Hindi dahil sa weight loss pero sa feeling good talaga dahil I am able to travel better. As in. :) Whenever people ask me what my secret is, balik lang ako sa pagtatapos ng hate ko sa healthy living kasi my mom lived a really healthy lifestyle but she died young. I am done with binge eating kasi gusto ko lang, pag-inom like crazy just because I want to numb the pain, and all the works. Hindi ko sinasabi na I won’t go crazy on food and drinks ever, but, now, I am making constant conscious choices. Sobrang nakakatuwa rin na there are people who are asking me to guide them in their journey, too. Again, hindi siya laging okay lalo na Christmas season, pero truth be told, I was able to maintain my weight a month before Christmas season. <3 Tiwala lang lagi sa sarili and it really, really helps to have a fitness kuno partner na hindi judging at lalong hindi pangasar or condescending na tao. Sa umpisa, ang dami talagang contra but trust me, titigil din ‘yang mga ‘yan. Also, acceptance of one’s body is always key. For me, I will never be the THIN ONE. Yung built ko is not at par with the standards of beauty and guess what? I DO NOT CARE kasi I know my scope and limits. Hindi ako naooffend sa mga comments na payat-na-hindi-inakala and all speculations lalo pa ay season ng patutsada sa reunion. Naooffend ako sa mga tao na insecure at walang sense ng self worth dahil sa body image nila. Nakakatawa at nakakaiyak at once. Salamat sa mga body positivity warriors na naging malaking parte ng 2018 ko. :) Sa inyo ko napagtanto ang consistency, going back to basic and just being at peace.
Ang 2018 din ang taon ng pagbonding ko ng with feelings sa pamilya ko. Truth be told, after my mom passed, I shut the world down. Hindi emo. Just plain na hindi ko alam to deal with emotions so under the category salat sa emotional intelligence. Finally, hindi ko na kelangan na manood ng films para maiyak at magkabugso ng damdamin. Kaya nga ako naging fan ng cinema hindi dahil sa pa artsy at pa indie. Hahaha. Kelangan ko lang ng safe place para magpakawala ng emotions ng little investment. Controlled pa rin. Hahaha. Ang fucked up kasi 2018 lang ako nakatagpo ng mga tao na puwede talaga akong magpadanak ng honest feelings na hindi ako jinu-judge. Yes. 2018 lang. Summer 2018 onward to be specific. And ang galing kasi hindi pala siya mahirap when you are with the right people. :) Ang gaan sa pakiramdam at nakakawala ng kalam at kabulukan ng kaibuturan.
Salamat, 2018. Tunay mo nga na-distill ang pagkatao at subok ko sa pagpapakatao in a very, very graphic, horrific, and fantastic way. It was a ride na talagang worth it.
1 note
·
View note
Text
TITLE: “PASSENGER’s SEAT”
Author by @curtlincolntop | PASSENGER’S SEAT | September 2016©
“SM Fairview!.. daan cubao.. oh fairview fairview fairview”
Sambit ng kundoktor sa mga tao na naglalakad para mapuno ang bus.
Ngunit 2AM kasi nun kaya bilang na bilang mo lang sa daliri ang mga sumakay na halos mangilan ilan lang ang mga dumadaan sa Star Mall Alabang..
Ako pala si Jayvee 24 anyos na taga Maligaya malapit sa Fairview Terraces.
Isa akong salesman agent ng isang telco na assigned sa Starmall Alabang.
Ginabi na ako ng uwi dahil birthday ng ka-work ko na taga Filinvest Alabang.
Hindi na ako uminom pa ng alak dahil may work pa kami bukas kaya minabuti kong magpa alam sa ka work ko na umuwi.
May bus na naka park sa tapat ng StarMall Alabang na byaheng SM Fairview kaya doon ako sumakay. at dahil allergy ako sa Dust ay Aircon.Bus ang naisipan kong sakyan.
Pero mahabagin nawa.. ang tagal umalis inabot ng alas Dos na paghahantay ng pasahero.
at dahil 8 lang kaming nakasakay sa AirconBus na iyon ay naisipan kong umupo sa hulihan dahil pwede akong humiga dahil napaka luwag at walang taong pasahero na naka upo.
Nung nakaupo na ako ay humiga na rin ako dahil wala namang tao maliban lang sa’akin.
Nung umandar na ang Bus na sinasakyan ko ay huminto ito dahil may isang pasaherong sasakay.
umupo ito malapit sa inuupuan ko.
Shit! Badtrip ka kuya… Ang dami daming bakanteng upuan eh naisipan mong dito sa hulihan ng Bus umupo.
Dahil sa ginawa ng pasaherong iyon ay hindi na ako nakahiga ng bahagya..
Habang nasa byahe ay gusto ko sana mag soundtrip ng mga songs sa phone ko kaso mas magaganda yung mga songs sa radio na pinatutugtog sa loob ng bus kaya kaysa malowbat ako sa soundtrip ay nakinig na lang sa radio.
Yung lalaki na umupo sa hinihigaan ko eh napapansin kong nakatitig sa’kin.
“May problema ba brad?”-Sambit ko na agad niyang pinabulaanan na “Wala brad pamilyar lang mukha mo sa’kin”
Sabi ko.. “Taga saan ka ba?” sambit naman niya ay �� Taga Cubao lang ako.. ako pala si Neil.. ikaw?”
Jayvee: Jayvee brad taga North Fairview.
Neil: Ah alam ko na brad.. Ako yung nagwowork na malapit sa stall nyo sa loob ng Starmall.. Diba taga telco ka?
Jayvee: Ay! Oo ikaw yung nagtanong kung magkano magpa install ng Broadband.
Naka poloshirt kasi si Jayvee na naka black pants at may company name ang kanyang suot na mas lalong nagpapogi sa kanya dahil medium fit ito sa katawan niya.
Neil: Oo yun nga brad! Ang layo ng inuuwian natin noh!?
Jayvee: Tiyagaan lang.. buti ka nga Cubao lang eh..
Neil: Pero malayo pa rin work natin.
Jayvee: Kaya nga eh…
Biglang iniba ang music sa radio ng Driver.
Jayvee: Badtrip si kuya(Driver) nakaka LSS yung song eh.
Neil: Oh sa phone ko na lang.
( Sabay inilabas ni neil ang phone at earphone)
Neil: Tabi ako sa brad!
Umupo ito sa tabi ni Jayvee at iniabot ang kabilang earphone.
Neil: Soundtrip na lang tayo ito oh.
Nakadama ng ka sweetan si Jayvee pero hindi ito nagpapahalata sa ginawa ni Neil.
Kaya habang nakasuksok ang earphone sa kanyang teinga ay isinandal ni Jayvee ang kanyang ulo sa headboard ng backseat.
Kunwari’y nagpapahinga lang siya habang nakapikit. pero bahagyang dumidilat ang isa niyang mata para tignan si Neil.
Shit! ang pogi naman ni neil. ang pula pula ng labi.. tapos napakatangos ng ilong.. makapal ang kilat at medyo dark brown ang buhok.. Wala sa hitsura nya na Cellphone technician siya.. Nag-gy-gym to for sure.. Ganda ng katawan.. pag ganyan ang katawan ko hindi na ako magse cellphone tech..-Bulong ni Jayvee sa kanyang sarili habang pinagmamasdan nya ng palihim si Neil.
Ngunit nakita ni Neil ang ginagawa ni Jayvee dahil napalingon ito sa mukha nya.. Pinagmamasdan kasi ni Neil ang mukha ni Jayvee..
Bubugbugin kaya ako nito pag hinalikan ko siya- bulong ni Neil sa sarili.
Sa madaling salita.. nagpapakiramdaman ang dalawa kung sino ang magpe first move sa kanila.
Eh hindi nakatiis si Jayvee.
Habang nakaupo silang magkatabi ay ipinatong ni Jayvee ang kanyang kamay sa hita ni Neil na animo’y kumapit lang sa pagkakaupo ngunit hindi naglaon ay nilaro laro ng kanyang daliri ang tuhod ni Neil.
Nakadama ng ibang init si Neil ginawa ni Jayvee kaya hindi na siya makatiis..
Sinunggaban niya ng halik si Jayvee at ginantihan namin ni Jayvee sa pag lamutak ng labi ni Neil.
habang ginagawa ni Jayvee ang paghalik kay Neil.
Si Neil naman ay ibinababa niya ang Zipper ng Black Slack pants ni Jayvee at mula doon ay ipinasok niya ang kanyang kamay para dukutin na animo’y palabunutan na burat na halos kanina pang matigas dahil nagsalubong ang kanilang libog sa isa’t isa.
Ngunit itinigil nila ito nung papalapit na ang kundoktor para maningil ng pamasahe.
Neil:Sa cubao lang ako nong(Manong kundoktor)
Jayvee: Sa masarap na patutunguhan ay este sa SM Fairview pala.
Sabay abot din ng bayad..
Nung nakaalis na ang kundoktor ay ipinagpatuloy ni Neil ang pagdakma ng itinatagong napakalaking Sawa ni Jayvee na agad niya itong isinubo sa napakasarap na mamula mula nitong labi..
Jayvee: Sarap naman brad.. ahhh!
habang patuloy na ginagawa ni Neil sa pag chuchupa sa napakatigas na titi ni Jayvee ay agad siya napahinto nung may pasaherong pumanik.
nung nakaupo na ang pasahero.
Neil: Buti na lang hindi dito umupo.
Jayvee: Brad ako naman.. upo ka..
Nung nakaupo na si Neil ay itinaas ni Jayvee ang damit ni Neil at dahan dahan nyang dinilaan at sinipsip ang utong nito..
napapaungol si neil sa ginagawa sa kanya ni Jayvee.
Sabay nito ay ibinaba ni Jayvee ang garter ng short ni Neil at isinama na nya ring ibinaba ang kulay puti nitong Handford Underwear at tuluyang sinalsal hanggang sa tumigas ang titi ni Neil. bago ito subuin ni Jayvee..
Nang binilisan ni Jayvee ang pag labas masok ng titi ni Neil sa bibig nya ay di namalayan na madali lang labasan si Neil kaya sumabog ang mainit na manamis namis na katas ni Neil sa loob ng bunganga ni Jayvee.
nung sumabog na ay huminto ulit sila dahil may pasaherong sumakay ulit.
Nung nakaupo na ang sumakay na pasahero ay agad pinagpatuloy ni Neil ang naunsiyaming paghahada ng nagmumurang kargada ni Jayvee.
kaya minadalian din ni Jayvee na magpalabas dahil hindi sila matapos tapos kasi paulit ulit na senaryo ang paghinto at pagtuloy ng gawain sa tuwing may pumapanik na pasahero.
Sinalsal na lang ni Jayvee habang naka antabay ang mamula mulang labi ni Neil sa bukana ng ulo ng tarugo ni Jayvee.. Nung sumabog na ito ay agad na hinimod at sinimot ng dila ni Neil ang paglabas ng mabuo buong katas na napakainit.
Pagkatapos nun ay hindi nilunok ni Neil ang tamod ni Jayvee dahil hinalikan niya si Jayvee at sa loob ng kanilang bibig nila pinaglaruan ang kanya’t kanyang tamod..
Pagkatapos nun ay nag ayos sila at nagtawanan sa pinaggagagawa nila sa isa’t isa. ng malapit na si Neil sa Cubao ay agad itong nagpa alam kay Jayvee.
Nang pababa na si Neil sa Cubao ay hinalikan niya si Jayvee sa labi.
Neil: I Love you brad!
sabay baba sa cubao.
pagkababa nya ay agad na dumami ang pàsahero na naka antabay lang pala sa Cubao.
Nung naka alis na ang bus sa Cubao ay ngiting tagumpay sa byahe si Jayvee..
nag iisip na nagawa nila in Public transportation iyon.
Expected na nya na mauulit ulit iyon dahil magkakilala at halos magkatabi ang kanilang pinagta trabahuhan..
-End-
Ang mga nasambit na Pangalan,Character at pangyayari ay pawang kathang isip lamang ng may akda. Kung ito ay nangyari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng lumikha nito ang mga hindi magagandang pangyayari nito.
0 notes
Text
it's time to,
another random drabble (1)
Santi gave Pauline a small box and Pauline opened it and inside was a ring.
"I bought that for our 4th anniversary. Nung nasa Japan tayo. Hindi ko panaman naisipang magpropose 'nun pero when I saw the ring, I knew it would fit so well in your hands. Para bang ginawa siya para sayo. Until now Pau, ikaw lang ang nagiising babaeng naisipan kong pakasalan. I was always so sure of you, Pau. I was sure . I was supposed to give it to you the same year we parted. I wanted to fight for you, fight for us. Pero ayaw kong naiipit si Win. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan natin. Ayaw kong magmahal siya ng patago. Ayaw kong maranasan niyang magmahal na ang iniisip ay kung sila pa rin ba hanggang bukas. Ayaw kong maranasan niyang pakawalan ang taong mahal niya dahil lang natatakot siya para dito."
"Loren is a great woman. She can take care of you. Alam ko yun kasi yan ang nakikita ko." Pagsingit ni Pauline. Santi smiled sa sinabi nito.
"She is. This is why I want to start again. Hindi siya mahirap mahalin, Pau. Ang ganda niya ngumiti. Masarap din siyang magluto." Anito.
"You always wanted someone who can cook, Santi. Nung 20 tayo ilang beses mo iyang tinuro sakin pero my hands are not made for the kitchen talaga." They both laughed at the memory.
She smiled and he did. The same smile they she gave him when they first met. The same smile he gave him when they reconciled in college after not talking for years.
Andami na nilang dinaanan ng magkasama. Andami ng nangyari sa loob ng ilang tao. They met at a young age, fell in love. Sinubukan nila. Sinubukan nilang ilaban ang pag ibig na meron sila, pero siguro mas nanaig ang takot. O siguro hindi lang sila para sa isa't isa.
"I have to go, Santi. I still have someone I have to chase. I have someone I want to fight for again, and this time, hindi na ako papayag na talo 'to." Pauline stood and left the restaurant at tumayo naman si Santi para lumipat sa mesang nasa unahan lang nito.
"Narinig mo ba lahat ng 'yon, Lo?" Anito at hinawakan ang asawa sa balikat.
Nagulat ang babae. Hinawakan nito ang tiyan habang hinihimas. Hindi niya alam na alam pala ng asawa na siya ang babaeng nakatalikod rito kahit na't naka disguise ito. Santi placed his palms on her stomach.
"Anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" Ani ng asawa at umupo sa harapan ng babae.
this is actually a draft of a story I'm currently writing.
0 notes
Video
instagram
Congratulations to the winner of the #SweetLipsDavidMercado dance challenge on Tiktok! 👏🏼 Syempre, hindi tayo yun kasi hindi kayo nagsi-like sa video ko mga inutzzzz!!! 🙄 Wala tuloy tayo pangchichaaa, mga gunggong! 😂🤣 ODJIVAHHH! 😂 Charot lang! ✌️🤣 Check out this catchy song ‘Sweet Lips’ by @davidmercadoofficially on Spotify - best fit for all haters, bashers, and the likes. 😜 PS: Oist, baka sabihin mo na naman kung anu-ano na naman pinagsasabi ko dito ha. Trending dialogue yan ni @daisyinutz, research din pag may time bago tumalak! Hindi yung puro ka assuming na ikaw ang tinatawag kong ‘inutz’! 🙄 Wag assuming, pakinggan mo na lang lyrics ng Sweet Lips ha, para sa yo yan labyu, hanimal ka! 😂 #GoodVibesLang #sweetlips #dancechallenge https://www.instagram.com/p/CTebvIShfxT/?utm_medium=tumblr
0 notes
Text
Dear tumblr,
Una sa lahat mahaba haba itong post na to...
It's been a while since the last time na nag kwento ako sayo. Ilang buwan ko na din dinadala to. To be honest, hirap na hirap na ko sa life. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Ikaw nakasaksi lahat simula at simula palang ang dami kong drafts sa blog na 'to. Mga nangyayare sakin every now and then na kinikimkim ko lang. Alam mo yun? Salamat kasi andyan ka. May napapagsabihan ako. Hindi ko alam paano ako magsisimula.
Pero ayun na nga November 2017 depress na depress ako gimik dito alis doon. May trabaho ako, masaya naman pero bakit parang may kulang? Masaya ako may lovelife ako, buhay prinsesa pero bakit parang may kulang? January this year back and forth ako sa hospital isang katerbang tests and everything, masama man hilingin pero dumating ako sa punto noon na ginusto ko nalang mamatay. Walang kahit sino sa kaibigan ko ang nakakaalam ng sakit ko, ng pinagdadaanan ko. Yung ayaw ko na magising kasi sa ulo yung sakit ko, oo somewhere sa ulo. Hanggang dumating ako sa point na tinamad na ako uminom ng gamot kasi bukod sa mahal pati yung doctor's fee, ayoko maluto yung liver ko sa maintenance. Yung tipong one month ako halos di pumasok sa trabaho, pwinersa ko doktor ko na i-fit to work ako kasi wala na ko pambili ng gamot and everything. Ang hirap, gusto ko na sumuko.
Nakabalik ako sa doktor bago mag February depress na depress pa din ako dahil hindi inayos ng boss ko yung medical leave ko, back and forth sa H.R Dept, inilaban ko work ko to the point na na ditch ko yung isang lakad ko with my friends. Sumama loob nila, which is mas nakakadagdag ng stress sakin kasi di ko naman gusto mangyari yon pero wala e wala na kong time magpaliwanag sa kanila I tried to reach out one of them pero message delivered lang. Anyways moving forward, naayos ko yung work. Nag bigay sila ng chance, but still di pa din ako masaya.
Hindi na alam gagawin ko, nakakapagod. Pabalik balik sakin ng ulo ko namamanhid at nag bu-blurred yung paningin ko. Eto na siguro yung ganti sa lahat ng mali ko before, minsan naiisip ko na sana di nalang ako magising one day para lahat ng inis sakin maging masaya na, lahat ng may ayaw sakin matuwa na. Kasi alam mo yun? Most of them, mas prefer na wala ako na pinararamdam sakin na di ako nag e-exist. Pero salamat at andyan ka! Never mo ko iniwan. Salamat.
Bago man ako mapagod sa pag ta-type nito madami ako gusto pang sabihin sayo, pero siguro hanggang dito nalang muna. Kasi magpapahinga na muna ako. Napapagod na ako sobra. Nakaka stress na nakakadepress pa. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Pasensya ka na sa drama ko, matagal kong pinagisipan to miss na miss ko na mag kwento sayo. Baka matagal uli bago ako makapag kwento or makapag update ng life ko. Wag mo ko bibitawan ha? Ta-try ko best ko makabalik and hopefully maka attend din ng TSAMU2018. For the mean time eto muna sa ngayon. Walang tigil nanaman yung luha ko at masakit nanaman ulo ko. Salamat Tumblr.
--
REYNANGHUGOT
temporary signing off...
11 notes
·
View notes
Text
Sana — meanie
— short meanie/minwon fanfic
— might consists of typos
— song recs: Sana by: I Belong to the Zoo
��� Wonwoo loves Mingyu that he forget how to love himself because for him when you love you have to give your 100 percent and its either getting hurt or getting the love you gave but the problem is he met Mingyu at his worst when his ex broken up with him and Mingyu is still hooked up from that person.❞
It’s been Mingyu and Wonwoo’s 3rd year anniversary tatlong taon na sila pero Wonwoo felt it wasn’t. Sa loob ng tatlong taon Wonwoo was the only one who always exert efforts tama nga sila Seok he was the only one who is loving Mingyu and he seems forgetting about himself nakalimutan na nga ni Wonwoo mahalin ang sarili niya sa sobrang pag mamahal niya kay Mingyu. Wonwoo came home early and he witness Mingyu hugging his ex Wonwoo smiled at Mingyu sa loob ng tatlong taon all he did was to give Mingyu want he wants hindi niya alam kung ano ba ang gusto niya Wonwoo wanted to feel all the love he was tired he was already tired doing everything that makes Mingyu his tears started to fall and he left he left Mingyu to his real happiness
“Hindi ako eh anong laban ko siya ang nauna siya rin ang huli” Wonwoo mumbles as he was trying to calm himself nasa elevator palang siya his tears didn’t stop falling
“Baka nga no I give him all never pa rin naging enough kasi di talaga ako worth it mahalin niya o baka di talaga kami para sa isa’t isa” Wonwoo added everyone in the elevator is looking at him he wiped is tears he smiled and enter his car once he headed into the parking
“Tapos na talo na naman si Wonwoo”
Wonwoo went back into their house his twin Seokmin was there their parents are still at work
“Wonwoo ang aga mo I thought you’ll go to Gyu?” Seokmin ask but Wonwoo just ignore his twin
“Kambal”
Seokmin knows it Wonwoo seems so pissed hearing Mingyu’s name he saw Minghao’s post too mukhang nagka balikan na nga sila and Seokmin contact their friends Seok bought Wonwoo his favorite Mcdo Fries and Iced Coffee
“Bakit ganun bal talo na naman ako lagi nalang ba?” Wonwoo was crying on his twin’s shoulder dating gawi when Wonwoo and his ex broken up di naman nag rereklamo si Seok he just wish for his twin’s genuine happiness because he knows Wonwoo deserve that sadyang sinayang lang nila si Wonwoo
“Bal I always told you na you should give them 10% hayaan mo na yung 90% para sa taong mamahalin ka ng sobra Mingyu doesn’t deserve all the tears that you gave him he doesn’t deserve you kambal” Seokmin mumbles
“Wala naman ata may deserve sakin bal”
“Meron ha madami ako si mom, si dad nandito lang kami for you mahal ka kaya namin heal yourself it will takes time pero alam ko kapag ready ka na tsaka may darating na mas better kesa sa ex mo tanga sila eh” Seokmin said and Wonwoo nods
It’s been a week since after their break up Minghao is now studying in their university Wonwoo is fixing his papers everyone was worrying about him and his sudden decisions even their professor.
“Wonwoo can we talk?”
“Yeah sure about what?” He ask
“Sorry for hurting you”
“Masaya ako Gyu I am happy he was your real happiness isa lang naman hiling ko kasi una palang alam ko na naman na talo na ko it was hao si hao ganto ganyan when we are celebrating our second anniversary alam ko na I wasted my time with someone I shouldn’t be pero honestly masaya ako masaya ako na finally you will be fine na finally you are back to him and sana maging masaya ka sana last na talaga gyu kasi the pain you’ve cause hit me hard I almost lost myself pero luckily I have my twin, my family they told me that I don’t deserve you and you don’t deserve my tear kaya gyu be happy” Wonwoo mumbles and he left Mingyu already
The time Wonwoo turn his back on Mingyu everything change wala na Mingyu wouldn’t have Wonwoo anymore he lose Wonwoo when he choose Minghao.
— 3years after
Wonwoo came back to Manila after 3years his mom, seok and his dad been always asking him when will he come home or if he still have plan to come home they been asking wonwoo what he was doing in new york alone if he was eating on time what he often do when he doesn’t have classes.
“Kuya eto po bayad ko” Wonwoo paid for the cab once he reach their destination he payed too much alam niya malayo ang subdivision nila sa airport nung mukhang tatanggihan ng drive ang bayad ni Wonwoo he just smile and shake his head
“Tanggapin niyo na po malayo ang byahe pandagdag sa pang gas niyo po” Wonwoo being wonwoo he has the softest heart he was so pure he was nice and even tho how many times people used him he was just smiling at them
Wonwoo get his things and Seokmin went out he was shock seeing Wonwoo he was surprising everyone and Seokmin hits him Wonwoo became extra fit he seems heading into gym he was holding an camera. Wonwoo became fond of taking pictures and start opening his blog where he post every photo he been taking.
“Kala ko di ka na uuwi bal” Seokmin said as he bring Wonwoo’s things
“Bahay ko pa rin naman to diba” Wonwoo replied and Seokmin
“Inaaway na ko ni Mom kasi ayaw mo umuwi inagaw yung susi ko kasi sabi ko di kita susundan don” Seokmin mumbles Wonwoo remembered when Seokmin rants about him to come home he cannot go to Joshua because their mom get his car keys dahil ayaw niya sundan si Wonwoo sa New York he chuckles at how his mom acts paranoid but it was cute for wonwoo
“Seokmin”
“Eto na hinahanap mo mommy asan na susi ko” Seokmin said and their mom rolled her eyes and hug Wonwoo but after that he welcome him with crossed arms
“Sino to?” His mom said
“Eto naman si Mommy nandito na ko eh” Wonwoo said
“Eto na regalo ko sayo my wag ka na magalit tsaka ibalik mo na ang susi ni bal” Wonwoo told his mom isang linggo na tinatago ng mom nila yung susi ni Seok
“Hindi siya aalis we will have family dinner”
“Ma anniversary namin ni Joshua ngayon”
“Invite Joshua over para may makausap kami ng daddy niyo pareho kayong sakit sa ulo ni Wonwoo” Their mom mumbles and the two sigh
Seokmin called Joshua that their plan for today is cancelled but he will pick up Joshua later for family dinner and Seok was so happy that Shua said yes his mom and dad is fond of Joshua they really like Shua for Seok and Shua is the first person that Seokmin introduce to his parents.
“Oh anong sabi ni Joshua?”
“Oo daw but I have to pick him up”
“Eto na ang susi sunduin mo si Joshua sa kanila”
“Excited ka pa sakin ma?”
Seokmin picks up Joshua and they headed into family dinner Shua likes being with Seokmin’s family.
“Na miss ko sila tita”
“They miss you too bub” Seokmin replied and Shua smile at him
The family dinner was filled with laughter but Minghao came with Mingyu and Wonwoo notice it they aren’t okay that’s what Seokmin knows Wonwoo just look at them and focus on his parents who been telling everyone how did they met.
Wonwoo’s phone vibrate and it was Soonyoung he smile and answer the phone call he excuse himself
Nyoung: Hi Won kamusta naman ang buhay sa pilipinas?
Wonwoo: Masaya we are having family dinner sayang sabi sayo sumama ka eh they surely wanted to meet you too Nyoung
Nyoung: Nasa labas nga ako ng bahay niyo nahihiya ako pumasok Won mamaya hindi pala eto address niyo
Wonwoo: Ha? Puta ka sandali pa surprise naman to
Soonyoung chuckles at Wonwoo he was there for Wonwoo all throughout his journey siya yung kasama ni Won sa new york and he was the one who help wonwoo to move on Wonwoo run outside and Soonyoung was there with his loungage he left soonyoung his address incase gusto niya umuwi sa pinas at wala siyang matitirhan.
“Surprise Wonwoo I made my promise nandito na ko” Wonwoo run to Soonyoung and hit him
“Aray naman Won grabe naman yon”
“Bat di ka sumabay sakin?”
“Mahal kaya ang plane ticket mo pang low class lang ako” Soonyoung said Wonwoo introduce Soonyoung to everyone in the party
“Ma, Pa si Soonyoung siya kasama ko sa New York”
“Hi po Mr and Mrs, Jeon”
“Ang formal mo naman Soonyoung Tita nalang tsaka Tito baka mamaya boyfriend mo pala tong anak ko etong si Wonwoo matigas ang ulo neto kakayanin mo ba ingatan yan?”
“Tita hindi po ako boyfriend ni Wonwoo pero nagawa ko po siya alagaan ng tatlong taon masakit man siya sa ulo madalas, mahirap man siya gisingin sa umaga, bugnutin man siya kapag napuputol ang tulog niya pero alam ko po kaya ko siya ingatan ng sobra sobra kahit ganyan si Wonwoo importante po siya sakin para sakin he was someone na di mo dapat saktan kasi sobrang soft niyang tao ayoko siya masaktan ng kahit na sino pero paano po nag anak kayo ng sobrang bait tita, tito” Soonyoung said and Wonwoo hits him
“Para kang tanga”
“Crush ko po si Wonwoo”
“Soonyoung”
“Mali gustong gusto ko po si Wonwoo di ko man po mapapangako na di ko siya masasaktan isa lang po kaya ko ipangako at yun ang iingatan ko siya hanggang kaya ko”
“Umuwi ka ba dito para jan?”
“Hindi umuwi ako dito para bawiin yung para sakin Wonwon” He mumbles
“Ikaw yun?” Wonwoo ask he was looking for Nyoung his childhood friend kaya lang nagka layo na sila when Soonyoung and his family decided to move in manila
Soonyoung showed Wonwoo the bracelet Wonwoo gave him when they are still younger the day they bid good bye to each other. Wonwoo’s eyes gets teary and Soonyoung wipe his tears away and hug him. Wonwoo is home and Soonyoung was his home his safest place.
He knows that in this battle at the end he never lose anything he learned to love himself and he get what he wanted when his Soonyoung came back.
— THE END
1 note
·
View note
Text
R.
You remember the first time na nagkadikit ‘yung balat natin? Nung nakasalubong mo ko at walang alinlangan mo kong hinawakan sa palapulsuhan ko. Haha. I’ve felt everything when you did it. No doubts. No questions. Parang naramdaman ko ‘yung lahat. That’s when the first time I told myself, biktima na ka na naman ng sarili mong pag-ibig. Trust me. Hindi ko ginusto pero parang binulong sakin ng tadhana noon na “uy, eto’ yun”.
Naging parang tropa tayo. Buddy. Kakwentuhan sa magdamag. Hindi ko alam kung paano pero diba itinanong ko na sa’yo kung bakit naging tuloy-tuloy tayo kung mag-usap noon. Sabi mo, ‘di mo rin alam. Basta naging makwento kasi tayo noon sa isa’t isa at nagustuhan mo ‘yun. Hanggang sa ayun, inatake ako ng pagiging makasarili ko. I want you to be mine alone. Pero sobrang utak talangka ko mag-isip para hindi maalalang may iba kang gusto. Sobrang nasaktan ako that time. Para kasi akong ginago ng tadhana, ng sarili ko. Naniwala ako. Naging sarado ako. Akala ko kasi totoo lahat ng mga sinasabi mo dati. Hindi pala. Maski ako, hindi naging malinaw sakin na gusto kita non. Ang alam ko lang, nasasaktan ako.
Ang tagal rin nun, diba? Hindi tayo nag-usap. Lumayo ako. Kapag tumatawag ka, sinasabi kong may kausap ako para manahimik ka. Sinasabi kong okay lahat pero unti-unti akong umiiwas non. Masakit, oo. Hindi mo alam eh. Ang alam mo lang may problema sakin at lumayo ako. Sinubukan kong ientertain ‘yung iba na gustong pumasok sa buhay ko. Pero, palagi akong bumabalik sa umpisa. Sa’yo. Akala ko nararamdaman ko lang ‘yun para madivert ako sa ibang tao pero that’s when I knew na, nilintik nga ako ng pag-ibig. Hulog na hulog. ‘Yung pabulong na “eto ‘yun” pala ni tadhana, eto ‘yun, may kalakip na sakit at luha. Ilang buwan rin. Iniingatan lang kita sa malayo. Nagtatanong palagi ‘yung mga mata ko tuwing nakikita kita. Kamusta ka? Masaya ka ba? Kapag nakakasalubong kita, hindi ko maiwasang sundan ka ng tingin. Naghihintay na baka sakali... sumulyap ka rin. Sobrang hirap non. Gusto kitang kausapin pero anong sasabihin ko? Baka nga umiyak lang ako sa harap mo.
Ngayon, bumalik ka. Nagbigay ng mga alaala. Pero. Baka nga hindi ako ‘yung babaeng minamahal. Hehe. Mamimiss ko lahat ng ikaw sa akin. Ugh. Ayaw kitang mamiss. Dito ka nalang sakin, pwede? Haha. ‘yung mga yakap mo. Ikaw lang ang nakayakap sakin ng ganon. Para akong nahuhulog sa malalim kapag niyayakap mo ko. Iba ‘yung pakiramdam. Hindi ako kinikilig eh. Hanep, iba talaga. Ang deep ng feeling! Mamimiss ko ‘yung palad mo sa palad ko. Love, gusto kitang kantahan ng your hand fits in mine like its made just for me... pero hindi ako marunong kumanta. Hay haha. Gustong gusto ko kapag hawak mo ‘yung kamay ko. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ang higpit pa rin ng pagkaka hawak mo sa akin. Palagi mo ‘tong hinahalikan eh. Pakiramdam ko tuloy, ako lang. Mamimiss ko ‘yung paghigit higit mo sakin. ‘yung mga kiss sa temple! Bai. Jowang jowa ka don! Tsk. Para mo akong inaangkin mula sa mundo. Hehe, kilig!
Ngayon pa lang, namimiss na kita. Babalikan ko muna lahat ng alaala mo sakin. Paulit-ulit, mahal ko. Hanggang sa manawa at madurog na ko. Oks ba ‘yon?
Mag-iingat ka palagi. Sigurado naman akong aalagaan ka niya, higit pa sa pag-iingat ko sa’yo. Sa harap nilang lahat. Walang duda at sikreto. Hindi niya kailangang tumalikod at itago ‘yung sakit dahil hindi mo naman siya itinatago sa mundo. Hehe. Sana masaya ka. ‘yun lang naman ang pinaka hiling ko. Maging masaya ka dahil pinaghirapan kong mapasaya ka kahit ang kapalit ay palayain ka para sa kanya. Sigurado akong hindi mo na ‘to mababasa. Pero... Suplado ko, Mahal kita. At patuloy pa yatang mamahalin pa hanggang sa maubos na.
2 notes
·
View notes
Text
TITLE: I LOVE YOU
AUTHOR: SEA_GM
THEME: TRAGIC
DESCRIPTION: HINDI ITO NAKAKAKILIG DAHIL ITO'Y NAKAKAIYAK. MAY PAGKA-JEJE ITO KAYA KUNG AYAW MO HUWAG MONG BASAHIN. THIS STORY IS ABOUT THE THIRD WHEEL'S LOVE.
Sabi ni mama masarap daw magmahal lalo na kung pareho niyong mahal ang isa't-isa. Mapapa-sana-all talaga ang mga walang jowa. Kapag nagmahal daw ang mga babae sagad at tapat. So paano naman kaya ang mga lalaki? Isa silang malaking HATDOG! Kapag nagmahal ka totoong masasaktan ka kasi totoo kang nagmamahal. Oppx iyong may jowa diyan ng dalawahan, ilag! Hashtag no to salawahan.
Dalvin: Oi PAT!
Received.
At isa sa mga halimbawa na ito ay Dalvin. Bukod sa isa siyang hatdog isa din siyang lalaking salawahan. Pinagsabay lang naman niya kaming dalawa ng bestfriend ko.
Actually hindi niya kami pinagsabay ng bestfriend ko. Dahil ang totoo ako mismo ang kumabet sa kanilang dalawa. Ako ang thirdwheel. Ako ang babaeng pumupuno sa pagkukulang ng kaibigan ko kay Dalvin.
Ako: Oh bakit hatdog? Kailangan mo?
Sent.
Oo. Isa akong malaking KABET para sa relasyon nilang dalawa ni Ricca. Si Ricca naman kasi laging study first ang inaatupag kaya ayan napapabayaan na niya si Dalvin. Hindi nga natatandaan ni Ricca ang ANNIVERSARY nila ni Dalvin. At isa pa strikto ang mga magulang ni Ricca. Kaya ang relasyon nila ni Dalvin ay hashtag secret relationship.
Dalvin: Si Ricca kasi hindi pinapansin iyong mga long sweet messages ko sa kaniya.
Receive
Buti pa si Ricca may long sweet message ni Dalvin. Ako nga walang matanggap na ka-sweet-an kay Dalvin. Kakausapin lang ako ni Dalvin kapag hindi niya kausap si Ricca. Magtataka pa ba ako? Eh isa lang naman akong KABET ni Dalvin. Okay Patrice kalma lang, isa kang malaking KABET wag mag feeling na ikaw legal at original.
At syempre naiingit din ako kay Ricca. Alam niyo kung bakit? Kasi pwet mo may raket! Joke. Bukod kasi sa matalino at maganda na siya, guwapo at varsity player pa ang jowa niya which is si Dalvin iyon. Ohh saan ka pa ghorl?! Syempre ang tukmol alam niya na crush siya ni Ricca pinatulan niya para naman daw may magtuturo sa kaniya sa Calculus, Algebra, Geometry at Physics. Isang malaking HATDOG para sa iyo Dalvin.
Ako: Hoy HATDOG KA! Subukan mo din kayang gawan ako ng long sweet messages hindi lang si Ricca.
Sent
Dalvin is typing...
Ako: Hindi lang din naman si Ricca ang girlfriend mo. Baka nakakalimutan mo na isa din ako sa girlfriend mo. Baka lang naman Dalvin maisipan mo din akong gawan ng long sweet message.
Sent
Bilang babae masakit para sa akin na makita mula sa chat ang sinabi ni Dalvin. Kaya mas lalo tuloy sumidhi ang inggit ko na namumuo para kay Ricca. Buti pa si Ricca. Sana ako na lang si Ricca. Sana...
Dalvin: A. Y. O. K. O.
Received
Aray ang sakit! Ang sakit-sakit! Makita o madinig sa lalaking minamahal mo na sabihan ka ng A Y O K O. Masakit! Wala naman talaga akong karapatan na humiling sa kaniya at nasa kaniya na ang pasya kung susundin niya ako o hindi. Dahil nga sa isa akong kabet.
Ako: Ayt ano ba iyan! Maka-AYOKO ka naman parang pinanadidirihan at kinaayawan mo ako Dalvin.
Sent
Dalvin: Eh sa ayoko, anong magagawa mo? Bakit ikaw ba si Ricca?
Received
Ako: Sana man lang natuto kang mag-censored ng sasabihin mo ano.
Dalvin: EDIWOW!
EDIWOW talaga ang feelings ko! EDIWOW kasi kabet mo lang naman talaga ako Dalvin. EDIWOW sa akin kasi ako ang nakikisawsaw sa relasyon niyong dalawa ni Ricca. EDIWOW Patrice! Isang EDIWOW sa iyo kasi pumatol ka sa jowa ng bestfriend mo.
Ako: talagang hindi ako si Ricca kasi ako si Patrice! Depungal 'to!
Sent
Masakit Dalvin. Sobrang sakit. Parang sa pagkakapana ng puso ni Kupido may kalakip na asido at muriatic acid na unti-unting lumulusaw sa puso ko.
Dalvin: Alam mo Pat maganda ka sana kaso PAT-PATin ka e.
Simula bata pa lang ako payat na talaga ako. Malakas naman ako lumamon pero hindi ako tumataba. Ultimo lahat na yata ng unli-rice na restaurant kinainan ko na. Lahat ng eat all you can na restaurant pinasyalan ko na. Pero wala e. Payat pa din ako kahit anong mangyari.
Ako: At least ako sexy hindi tulad ni Ricca may fats sa tyan!
Ganting chat ko naman sa kaniya. Pero kahit ganoon mahal ko pa din ang bestfriend ko kahit na nakikihalubilo ako sa relasyon nila ni Dalvin. Mahal ko pa din si Ricca kahit mataba siya.
At saka si Ricca maganda na kahit pa na mataba siya. Kumapara naman sa kabet na kagaya ko na payatot na nga humahaba na ang baba dahil sa kapayatan ko. Oo sabihin na natin na kumakain na ako ng baboy at manok. Na magandang pampalakas ng katawan. Na umiinom naman ako lahat ng vitamins na nirereseta sa akin pero wala. Hindi aiya umeepekto sa katawan ko kahit na ano pa ang gawin ko. Si Ricca kahit walang tulog maganda siya. Ako kumpleto na ang tulog ko mukha pa din ang patay. Oo patay na ako. Patay na patay kay Dalvin. Awit naisingit ko pa ang pickup line na iyon. Pero oo, parang patay na din naman ako kasi ilang ulit na pinapatay ni Dalvin ang puso kong umaasa na mahalin niya din ako kagaya ng pagmamahal niya kay Ricca. Isang kutsilyong matulis ang mga salitang binibitawan ni Dalvin at ginigising niya ang nahihimlay kong diwa na hindi niya ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Wala akong magagawa dahil kabet lamang ako. Pero nagpapasalamat ako kay Dalvin dahil pumayag siya na maging kasintahan ko siya kahit na malabong mahalin niya ako. Dahil si Ricca lang naman ang laman ng puso at isipan niya.
Dalvin: Voluptuous body kasi si Ricca. Eh ikaw? Payat ka na nga hindi ka pa sexy, walang ka-kurba-kurbada ang katawan mo at dalawa pa likod mo saka damay mo na wala ka din p'wet. Hahaha!
Dalvin: Sabi ko naman kasi sa iyo kain din ng baboy kapag may time. Buti pa ang baboy may p'wet ikaw wala. Ahaha!
Ayy aray! Grabe talaga itong si Dalvin maka-panlait sa akin akala mo naman talaga kalakihan ang etits! Ayt joke. Dapat sini-censored ko ang sasabihin ko ipapasa ko pa naman ito sa writing contest baka maudlot pa. Beke nemen.
Ako: Makalait kala mo naman pang-KNIGHT ALISTAIR MINROD VELASQUEZ ang haba ng ano mo... #JUTAYISREAL!
Dalvin: Namo Patrice! Hindi ako JUTAY at mas lalong wala akong lahing espanyol na sintu-sintu. Eh sa ano bang magagawa ko size nine lang ako. Pang Lysander Callahan lang 'to.
Ayt gumanti ang gago.
Ako: Ehh~~
Aray! Sumasakit na naman ang ulo ko. Ito na naman tayo. Ganito na lang ba lagi ang scenario? Sana kunin na lang niya ako para naman hindi na ako mahirapan pa.
Sa hindi sinasadya na-send ko ang hindi ko pa natatapos na chat sa kaniya. Bigla kasing sumakit ang ulo ko. Ano na naman kayang trip ng utak ko at bigla itong sumakit.
"Miss Patrice Sandoval, are you alright?" Buti na lang at pumasok si nurse Kate sa kuwarto ko.
Umiling ako. Iniaangat niya ang kaniyang kamay at kinuha ko iyon bilang alalay sa aking nanghihinang katawan.
"Yeah kanina lang okay lang ang utak ko ngayon hindi na. Bigla siyang sumakit," At naging otomatiko naman ang kamay ni nurse Kate sa ulo ko at minasahe niya ito ng marahan. Ibinaba niya muli ang kaniyang kamay upang kumuha siya ng madaming gamot at inilagay iyon sa kamay ko. Grabe kaya ayaw ko ng sumasakit ang ulo ko kasi naman eh ang dami-daming gamot ang ipapainom sa akin. Feeling ko tuloy mado-droga ako sa ginagawa nila.
"Pahinga~~~" Hindi ko siya pinatapos.
"Nurse Kate, alam niyo naman po na hindi uso sa akin ang salitang 'tulog' at 'pahinga' hahaha," Pilit akong tumawa. Kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan na ako. I am dying physically, emotionally and spiritually. So ano pa idadagdag niyo? Lubos-lubosin niyo na?!
"Hahaha!" Pakikisabay ni nurse Kate sa tawa ko.
Hindi ako natutulog kasi ako si NENENG B AT HINAHANAP KO SI BOY PICKUP. Hindi ako natutulog kasi baka hindi na ako magising pa. Baka hindi ko na makita ang mga taong minahal ko habang nabubuhay ako at habang nandito ako sa mundong ito.
Sasabihin ko na sa inyo ang katotohanan. May ruptured brain aneurysm ako. Madalas ay masakit ang ulo ko. Hindi ako gumagamit ng anong nakakasama sa akin pero ang sakit na ito ay namana ko sa aking ina na yumao na. Kaya inggit na inggit ako kay Ricca kasi ang healthy and fit niya samantalang ako ang payat-payat at kulang sa sustansya.
Kaya ako naging kabet ni Dalvin kasi gusto ko bago ako mawala sa mundong ito ay hindi ako mamatay na NBSB. Hindi ako mamatay ng VIRGIN. Ay sorey! Matagal ko ng crush si Dalvin ang kaso nga lang ay wala siyang pagtingin sa akin pero gayunpaman gusto ko pa din siya. Kaya ako na ang gimawa ng sarili kong tadhana.
Gusto kita na mapasakin
kahit na mali
Katabi ka ng matagal at
di lang ngayong gabi
Hiling ko sanay matupad
ako'y di na mapakali
Gawin nating lagi
nakaw nating sandali
Nilandi ko si Dalvin habang okupado ng panahon si Ricca dahil nag-aaral siya at strict ang parents niya. Samantalang ako kinalimutan na ako ng tatay ko dito sa hospital. Ayaw niya kasi mag-alaga ng may sakit. Kumabaga ang moto ng tatay ko 'inalagaan ko na nga ang nanay mo noong may sakit siya tapos ikaw naman? Nakakasawa na.'
Oo totoo nakakasawa mag-alaga ng taong may sakit. Nakakasawang alagaan ang isang katulad ko na kaunti na lamang ang tyansa na mabuhay sa mundong ito. Buti nga kahit nakakasawa na maraming tao ang gustong manatili at mamuhay. Kagaya ko. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang maranasan ang mga bagay na alam ko sa langit ay hindi ko makikita at mararamdaman.
At dahil na naiinip ako sa loob ng aking kuwarto. Para akong sinasakal ng hangin na nanggagaling sa air-con. Kahit na masakit ang ulo ko pinilit kong lumakad patungo sa pintuan at lumabas na. Pagkabukas ko ng pinto sumalubong sa akin ang init ng hangin. Nilanghap ko ito at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Naglakad ako papalabas aking kuwarto dala-dala ang aking dextrose. Nakatingin sa akin ang mga nurse at mga doctor.
"Miss Patrice, saan ka pupunta? Bumalik ka na sa iyong kuwarto," Pahayag ng isang nurse habang hawak niya ang aking kamay pabalik sa aking kuwarto. Hinablot ko ang aking kamay mula sa kaniya. Tinignan niya ako na tila siya ay nagtataka.
"Miss Patrice kinakailangan niyo na po na bumalik sa inyong kuwarto. Magpahinga po muna kayo sa inyong kuwarto. Mamaya na lamang po kayo lumabas kapag napainom na kayo ni Nurse Kate ng inyong gamot," Saad niya.
"Magpapahangin lang naman ako sa garden," Umiling ang nurse sa aking rason sa kaniya.
"Hindi maaari Miss Patrice," Saad niya at ibinalik niya ako sa aking kuwarto. Wala na akong lakas para pigilan siya at pwersahan niya akong idinala sa aking kuwarto kahit na ayoko. Sa pagbukas niya sa aking kuwarto bumungad sa akin ang napakalamig na hangin na nanggagaling sa air-con. Ang kuwarto ko ay parang ako laging nag-iisa, laging malungkot at laging hindi binibigyang pansin ng karamihan. Walang nagmamahal, walang kumakalinga at walang silbi sa mundong ito.
"Miss Patrice kailangan mo ng magpahinga. Iyon ang best weapon para gumaling ka," Ako? Ako gagaling? Parang ang liit na lamang na tyansa na mabuhay ako. At kahit mabuhay ako wala namang tao ang gustong mabuhay at mahalin ang kagaya ko at mas maganda pa na mamatay na lang din ako. Huminga ako ng malalim ng umupo ako sa aking kama.
Tinanggal ko ang aking dextrose pati na ang ibang mga karayom na nakapasak pa sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga iyon at hindi ko din alam kung para saan ang mga iyon. Nang tinanggal ko ang mga karayom na nakatusok sa akin may mga dugong tumilansik sa sahig at sa mismong hose. Ang aking balat ay nagkulay lila. Matapos ay kumuha ako ng aking damit sa aking bag at nagbihis.
Para akong magnanakaw. Naka-all black at naka-cap din na black. Patakbo kong tinahak papalabas ng aking kuwarto at hindi ako nakikipag-eye contact sa mga nurse at doctor. Ang balak ko ay sa garden lang ng hospital pero hindi na namalayan ng aking mga paa na sumakay na ako ng jeep patungo sa bahay ni Dalvin.
Nasa tapat na ako ng mismong bahay ni Dalvin. Nasa may bakuran ang nanay nanay ni Dalvin at kinausap ako.
"Anong kailangan mo?" Mataray na pagtatanong sa akin ng nanay niya.
"Si Dalvin po ba nandiyan?" Magalang na pagtatanong ko sa nanay niya.
"Wala siya dito. Hindi mo na siya makikita dahil na kila Ricca siya," Proud niyang pagkakasabi ng pangalan ni Ricca. Hindi naman masakit dahil legal na girlfriend siya at ako kabet lamang.
"Ahh ganoon po ba pakisabi po na binisita ko po siya," Saad ko na ikinataas ng kilay ng nanay niya.
"Bakit ko sasabihin kay Dalvin? Hindi ka naman si Ricca," Mataray na sagot niya sa akin.
"Ganoon po ba. Sige aalis na po ako," Pagpapaalam ko sa kaniya. Hindi pa din umaalis ang pagkakataas ng kilay niya.
Habang naglalakad ako papuntang kanto para makasakay pabalik sa hospital nakasalubong ko ang tatay ni Dalvin. Binati ko ito.
"Magandang hapon po sir," Magmamano sana ako ng inilayo niya ang kaniyang kamay sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? Binisita mo ba si Dalvin?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ng tatay niya.
"Opo sana ang kaso wala po si Dalvin sa bahay niyo po," Saad ko. Ngumiti ng pagkalaki-laki ang tatay ni Dalvin.
"Ahh oo. Wala si Dalvin sa bahay kasi na kila Ricca siya. Alam mo Patrice hindi ka nababagay sa anak namin kasi isa kang mahinang babae. Tignan mo ang sarili mo. Ang payat-payat mo, ang putla ng labi mo at ang lalim ng mata mo. Saka mo na pangarapin si Dalvin kapag iniwan na siya ni Ricca. Pero mukhang malayo iyon dahil sa pagkakaalam ko hindi ka na makatatagal sa mundong ito," Kahit pala ang tatay ni Dalvin na isa akong kabet. Isang sakiting kabet.
Wala na akong ibang sinabi at nagpaalam na lamang na babalik na ako sa hospital. Nang makasakay na ako ng jeep binuksan ko ang cellphone ko at tinext si Dalvin ng;
"I LOVE YOU."
Mahal kita Dalvin kahit kabet mo lang ako. Kahit alam kong hindi mo ako mahal Dalvin mahal pa din kita. Lagi kang nandito sa puso ko kahit ano pa man ang mangyari. Minahal kita kasi tinanggap mo ako at pinayagan na pumasok sa buhay kahit na ganito na ang kalagayan ko. Mahal kita kahit ako lang ang nagmamahal. Lumalaban ako kahit alam ko na ako lang lumalaban para sa ating dalawa.
Pero ngayon... Sa araw na ito sumusuko na ako. Susuko na ako sa relasyon na ito ngunit hindi sa pagmamahal ko sa iyo. Ako na ang magpaparaya. Ako na ang magpapaubaya. Alam ko na hindi ka talaga para sa akin. Ngunit nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil hinayaan niya na makilala kita at mahalin kita. Kahit alam ko sa sarili ko na napipilitan at pinandidirihan mo ako. Pumayag ka na maging kabet ko kahit na ang dami naming ipinagkaiba ni Ricca. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Ayy ako lang pala. Kasi ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa. Hiling ko na sana maging magaan at masaya ang pagsasama niyong dalawa ni Ricca.
Ako si Patrice at namamaalam na ako sa mundong ito. Namamaalam na ako sa iyo Dalvin. Mahal kita lagi mo iyang tatandaan. Patrice is now signing off.
Pagkababa ko ng jeep na sinasakyan ko mas lalong sumakit ang ulo ko na parang pinupukpok. Napahawak ako ng mahigpit sa aking ulo. Sinabunutan ko na ang aking buhok pero hindi pa din nawawala ang sakit ng ulo ko. Nahihirapan akong maglakad step by step ang lakad ko. May mga malakas na busina akong nadidinig sa aking gilid.
Lumingon ako sa aking gilid at nakikita ko ang mabilis na paparating na truck. Wala na akong lakas upang tumakbo papaalis sa aking kinalalagyan. Hanggang dito na lamang talaga ako. Tanggap ko na ang buhay ko ay hanggang dito na lamang ako.
~~~ •_• ~~~
Sa pagkawala ng malay tao ni Patrice habang siya ay nasa daan. May paparating na truck na kay bilis magpatakbo. Ang driver ng truck ay nakainom pa kaya hindi na nito nakuha pang ipreno ang truck. Kaya naman ang truck ay nadaganan si Patrice. Basag ang ulo ni Patrice halos hindi na siya nakilala. Madaming tao ang nakakita sa nangyari. Nagtulungan ang mga tao na ikulong ang may sala, ang driver. Ngayong wala na si Patrice. Wala ng kakabet pa sa pagmamahalan ni Ricca at ni Dalvin. Wala na ang babaeng may sakit na kabet.
Ang mapayat at mapagmahal na Patrice ay ngayong mamahinga na. Hindi na niya mararanasan ang luha, ang maiwanan at masaktan sa lalaking minahal niya kahit hindi siya mahal. Sa lalaking ipinagpipilitan niya ang sarili niya kahit na siya ay ipinagtatabuyan. Sa lalaking pumayag sa relasyon pero parang wala naman dahil si Patrice lamang ang nagmamahal. Si Patrice na isang kabet dahil nais lamang niya maranasan ang mahalin at magmahal. Si Patrice na kabet dahil alam niya na bilang na lamang oras niya na nalalabi niya sa mundo. Si Patrice na ngayon masaya na at wala ng sakit na mararamdaman sa mundong mapanghusga at sa mga taong mapang-mata. Iiwan niya ang mundong pinunuan niya ng pagmamahal niya ngunit hindi ganoong kasaya ang naging karanasan niya sa pag-ibig sa mundong ginagalawan niya. You may now rest in peace Patrice.
Sa pagmamahal walang tama o mali basta mahal mo ang isang tao nagagawa mo na ang lahat ng mga bagay na hindi mo inaakala o inaasahan. Sa pag-ibig lahat pantay-pantay. Ang pagmamahal ng isang babae ay walang kapantay at walang kawangis.
Let the love lived with us.
S E A _ G M
T H E E N D
0 notes
Text
Cogito
Script
Mga tauhan:
· Nicolyn Caidic bilang Leonora (Pangunahin)
· Karen Miral bilang Katalyna o ang babae sa panaginip
· Shakira Degoma bilang Dra. Theodora
· Patricia Arpon bilang Esmeralda
· Cherubim Mission bilang Theresa
· Lai Gaputan bilang Maria
· Sam Jaca bilang Leonora (sa panaginip)
· Lars Pagapular bilang Jose
Scene 1 Sa Opisina
Ipapakita sa projector ang panaginip (1) ni Leonora.
Biglang nagising si Leonora
Leonora: Naku, anong oras na? Napahaba nanaman ang tulog ko.
Tinignan ni Leorona ang kanyang relo, habang nakahawak ang isang kamay sa ulo.
Leonora: Naku! Alas diyes na pala! Lagot ako kay Theresa nito.
Agad-agad kinuha ni Leonora ang bag habang inaayos ang buhok. Dali-daling naglakad si Leonora palabas ng opisina papuntang kalsada.
Habang nag lalakad ay may kakaibang nararamdaman si Leonora.
Scene 2 Sa Kalsada patungo sa Plaza
Nasa labas ng gusali si Leonora nang tumawag si Theresa (Bisaya accent).
Leonora: Tes? Pasensya na, napahaba ang tulog ko sa opisina!
Theresa: Hay naku besh, magdadalawang oras na akong nag-aantay dito. Stress kananaman sa trabaho? Leonora: Alam mo naman... Theresa: Oh sha, sha. Magkikita nalang tayo sa plaza. At saka, ‘di daw makakasama si Maria dahil mag rerebyu daw para sa Masters niya.
Leonora: Oh sige, ingat ka sa pagbibiyahe. Bye.
Binaba ni Leonora ang telepono at nagsimula nang maglakad patungo sa plaza.
Habang naglalakad ay may nabanggang babae si Leonora. (Karen)
Leonora: (nagulat) Diyos ko po! Tingin-tingin kanaman sa dinadaanan! Gitang gabi, ‘di nag iingat!
Katalyna: Ay, pasensya na po. Nagmamadali lang.
(May kinausap sa telepono) Hello Jose? Oo, okay lang ko, may na bangga lang...
Patuloy na naglakad si Leonora habang nakatitig sa babaeng unti-unting umaalis.
Leonora: Pero teka, bakit parang pamilyar yung babae? Parang nakita ko na siya dati. Kaklase? Katrabaho? Katulong? ‘Bat parang kilala ko siya. Ugh! Ayaw na ayaw ko talagang makalimot! Nakakainis! Gumana kanag, ‘lang kuwentang utak!
Habang naglalakad at kinakausap ang sarili, may nakabanggang tao si Leorona.
Leonora: Tingin-tingin naman sa dinadaa— Theresa: Sabog ulo besh? Kumalma ka nga. Bakit ang init-init ng ulo mo? Leonora: Ay. Tes! Pasensya. Napa isip-isip lang. Kanina ka pa? Theresa: Kadadating ko lang. Nakita kitang papunta dito, kaya’t sinalubong kita. Leonora: Ah ganon ba? Oh, saan ba tayo gagala? Theresa: Bibili sana ako ng beer, kaso, ‘di naman ito makakatulong sa insomnia ko. Leonora: Tsa. Insomniac ka? Antukin naman ako. At ‘di lang basta antukin, may kasama pang panaginip na ‘di mabasa-basa. Theresa: Oh, ayan kananaman. Parehong babae? Parehong panaginip? Yumango lamang si Leorona.
Theresa: Tara, punta tayo sa apartment mo. Manuod nalang tayo ng 4 Sisters and A Wedding.
Leorona: Uy, maganda ‘yan. Tara.
At naglakad ang dalawa patungo sa apartment ni Leorona.
Scene 3 Sa Apartment
Nagulat sina Leonora at Theresa dahil nakita nila si Maria sa apartment
Leonora at Theresa: Hoy!! Maria: (Nagulat) Ah!! Leonora: ‘Bat nandito ka? Maria: Eh, tapos na ako mag rebyu, kaya dumiretso na ako dito. Theresa: Eh an’dito ka naman lang, manuod nalang tayo ng palabas.
At napaupo sina Leonora at Maria, habang kumukuha ng makakain si Theresa.
Maria: Kamusta kana Nora? Parang busy ka palagi sa Cosmetic Co ah. Leonora: Heto, palaging antukin. Tsaka nagaalala na ako sa pagiisip ko. Maria: Nagaalala? Pagiisip? Bakit? Mentally ill kaba? Leonora: Ayun na nga eh, natatakot ako. Kung ano-ano lang ang mga napapanaginipan ko. Apektado na rin ang personal kong buhay sa pagiging antukin ko. Maria, ayaw ko ma baliw.
Maria: Nora, maghunus-dili ka— Stress lang ‘yan sa araw-araw mong gawain.
At nanahimik ang dalawa.
Theresa: Oh, bat ang tahimik n’yo? Leonora: Wala, naalala ko lang nuong kabataan ko.
Theresa: Ay oo! ‘Yung buhok mo palaging nasa balikat mo, nang ganito oh (ginaya ang hairstyle ni Sam)
Leonora: At siyempre, may abs pa ako nuon. Fit na fit.
Maria: At saka, gustong gusto mo maging psychiatrist para mapagaling mo ang lola mo--
Theresa: Maria!
Maria: Ay, sorry, napasobra ang salita ko..
At natahimik si Leonora, nalulungkot sa ala-ala ng lola niya.
Leonora: (Ngumiti) Ok lang, ano kaba. Tagal na nu’n.
Alam n’yo. May na isip ako.
At may binulong si Leonora sa dalawa’t napatawa silang tatlo.
Scene 4 Sa Ospital
Naghahanap si Leonora at Maria sa opisina ni Dra. Navarro.
Leonora: Uy Mar, salamat ha, dahil sinamahan mo ako. Maria: Ano kaba, wala ‘yon.
Oh, ayan oh. Dra. Theodora Navarro, M.D, Psy.D.
Leonora: (huminga ng malalim) pasok na tayo?
Maria: Tara.
Sa pag pasok nila, ay nakasalubong nila si Esmiralda.
Leonora at Maria: Ah, eh, magandang umaga po!
Esmeralda: Magandang mga dalaga, magsiupo muna kayo.
Umupo naman sila
Esmeralda: Antayin muna natin si Dok.
Maria: Ah, sige po.
Leonora: Ay, akala ko po ikaw si Dra. Navarro.
Esmeralda: Ah, ganu’n ba? ‘Di ako doktor, secretary lang ako.
Esmeralda: At ready na si Dok.
At lumabas si Dra Theodora
Theodora: Esmeralda.
Esmeralda: Dok.
Theodora: Leonora, inaantay kita. Hali ka, pasok.
Maria: Ang weirdo naman nito, dito lang ako sa labas.
At pumasok sina Leonora at Theodora sa session room, habang naiwan sa labas sina Maria at Esmeralda na masama ang tingin sa isa’t isa.
Theodora: Halika, humiga ka, at magkuwentuhan tayo. Ano ba ang bumabagabag sa isipan mo?
Leonora: Dok, palagi po akong nananaginip. At napa-praning po ako dahil dito. Apektado ho ang trabaho ko, dok.
Theodora: Hm, wala ka bang kamag-anak na Narcoleptic? O ang pagiging antukin? Ilang buan ka na bang ganito?
Ipinapakita ang panaginip (2-4) ni Leonora habang nagsasalita.
Leonora: Eh dok, halos apat na buan ko nang napapanaginipan ang isang babaeng ‘di ko kilala.....
Pauilit-ulit nalang itong nangyayari. Minsan ay napapanaginipan ko siyang nakatayo sa harap ko, o di kaya’y naka talikod. Minsan ko na din siyang nilalapitan pero, ‘di ko mahawakan. Minsan naman kay hinahabol ko siya sa isang kakaibang lugar. Pero nung isang gabi, napanaginipan ko siyang walang buhay.
Theodora: Hm, hindi iba sa karaniwan ang iyong panaginip iha. Ito ay nagsisimbolo lamang ng isang tao, o bagay, o pangyayari sa buhay mo na unti-unting bumabalik sa iyong isipan, o ‘di kaya’y hindi mo kayang bitawan. Mero’n ba?
Leonora: ........ Dok, pero— ugh! hindi ito nakakatulong. Ayo ko na. Salamat dok, pero aalis na ako.
Theodora: (Creepy) Leonora, aasahan ko ang pagbalik mo.
Umalis agad si Leonora.
Leonora: Maria, alis na tayo.
Esmeralda: Salamat sa pagdating, Leonora.
Maria: Nakakatakot ‘tong doktor at sekretarya niya.
Scene 5 Sa Plaza
Maria: Nora, bibili muna ako ng maiinom, dito ka lang.
Leonora: Sige.
Habang umaalis si Maria...
Tumatakbo naman si Katalyna papunta sa direksyon ni Leonora.
Jose: KATALYNA! Bumalik ka! Huwag mong iwanan ang iyong kasal!
Katalyna: Jose, kapatid, hindi ma titiis ng sikmura kong maikasal sa ‘di ko mahal!
Sabay takbo ni Katalyna.
Hinarang ni Leonora si Katalyna ngunit...
Leonora: Ikaw, ikaw siya! Ikaw ang misteryo—
Tinulak ni Katalyna si Leonora.
Katalyna: Layo-an mo nga ako! Baliw!
Jose: Katalyna— Leonora? Leonora, ikaw ba ‘yan... teka, Katalyna bumalik ka!
Leonora: Sino ka, sino kayo? ‘Bat nyo ako... ‘bat ko siya....
At tumakbo si Katalyna sa kabilang direksyon palayo kay Leonora at Jose.
Sinubukan ni Leonora na abutin ang balikat ni Katalyna pero naka layo na ito.
Hinabol nila ang isa’t isa hanggang sa....
(Walang tao sa stage)
Biglang nagkaharap si Leonora at Katalyna, pero duguuan ang tiyan ni Katalyna, at bigla itong napahiga sa sahig, habang nilapitan ito ni Leonora, at hinawakan ang malalamig niyang mga kamay.
0 notes