#iisa lang din ang hantungan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Medyo kulang ako sa dasal these days.
Ang kinakausap ko lang si Lolo. (Tawag ko sa ilog.)
I guess ganun din yun. Kahit pa sa diyos na kinagisnan, sa diyos na gawa-gawa, sa sarili, sa espiritu ng tubig o kung anuman, basta nasasabi ko yung gusto ko. Nailalabas ang sama ng loob. Nasasambit ang ninanais at inaasam. Ganun din yon.
0 notes
Text
Natakot din naman akong tulad mo
Ang pinagkaiba lang natin ay lumaban ako
Siguro nga'y hindi hanggang dulo
Siguro nga'y nakaramdam ng pagod
Siguro nga'y nanghina matapos mapagtanto
Na ako'y nag iisa lang pala sa labang 'to
Pero hindi ako naging kasing duwag na tulad mo
Inilaban kita sa lahat ng kakilala ko
Inilaban kita maging sa sariling prinsipyo
Inilaban kita kahit ang dulo'y malabo
Dahil para sakin ikaw ang hantungan ko
Pero sa lakbayin natin ay puno ka ng takot
Wala pa man ay tumiklop ka na pala sa sulok
Hindi mo ako inilaban sa iyong imahinasyon
Hindi ka sumugal para sa aking puso
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#malayang tula#quotes on tumblr#artists on tumblr#makata#poet#manunula#manunulat#writers#writers on tumblr
22 notes
·
View notes
Text
May pag-ibig
May nakapagsabi na bago ka raw magmahal ng ibang tao ay dapat matutunan mo munang mahalin ang sarili mo nang buo. Na bago ka raw sumubok ibahagi ang parte ng sarili mo ay dapat komportable ka muna sa pag-iisa mo.
Ngunit wala bang mas titindi pa sa pag-ibig na handang kalimutan ang sarili at isa-alang-alang ang ibang tao? Wala bang mas lalalim pa sa pag-ibig na handang magtaya ng sarili kahit kapalit man ay pagkaupos nito?
May nakapagsabi na marami daw mukha ang pag-ibig ng tao. May pag-ibig na tahimik at malumanay ngunit nagpupumiglas kapag hinawakan. May pag-ibig na nakakapaso ngunit nanlalamig kapag pinabayaan. May pag-ibig na nang-aangkin at pilit kang igagapos ‘wag ka lang lumiban. May pag-ibig na malaya, at madalas ‘pag ito ay lumipad ay nakakalimutang bumalik sa sarili nitong tahanan.
May pag-ibig na ikinukulong ang sarili at ayaw pakawalan. May pag-ibig na lalayo minsan ngunit marunong bumalik sa pinanggalingan. May pag-ibig na akala mo’y pag-ibig ngunit gusto lang naman ay may pansamantalang madapuan. May pag-ibig na mabilis mapagod at meron ding napapagod ngunit nagpapahinga lang at hindi ka iiwan.
May pag-ibig na nagbibigay ng mga kasagutan at may pag-ibig din na nagdudulot ng mas maraming tanong at kalituhan. May pag-ibig na simple ngunit puno ng kasiguraduhan. May pag-ibig na maingay ngunit malabo at katarantaduhan.
May pag-ibig na nagtuturo at nagtatama ng lahat ng kamalian. May pag-ibig ding mali ngunit pilit na isinasakatwiran. May pag-ibig na matibay at panghabambuhay, at meron din namang sa huli ay nakakatagpo ng magkaibang hantungan. May pag-ibig na makakalimutin at meron ding handa ka parating paalalahanan. May pag-ibig na madaling makalimutan at meron ding pag-ibig na ayaw kalimutan.
Ang pag-ibig ay may mga pagkakataong pakiramdam mo ito na ngunit hindi pa, o nand’yan na ngunit wala pa. May mga pagkakataon din na para bang habambuhay, at may mga habambuhay din na parang siniksik lang sa loob ng isang araw.
Ano man ang haba, lalim, lawak, saya o sakit na dulot ng pag-ibig na masusumpungan mo, may isang uri ng pag-ibig na higit sa lahat.
Ito ang pag-ibig na para sa sarili, at ‘yan ang pinakamahirap matutunan.
4 notes
·
View notes
Text
Sa gitna ng ingay at usok ng kalakhang Maynila, nagliliwanag ang iyong ganda.
Sa pagitan ng kidlat at ng kulog, sa kahit na anong dako pa ng silid, maaari mo akong lapitan, kausapin at iyakan; dahil alam ko kung gaano ka napapagod sa mga ingay na binibitbit ng tao sa paligid, alam ko kung gaano ka nanghihina sa yapos ng usok na sumusunog sa'yong baga.
Palagi kong maipapangako sa'yo na ang mga balikat ko'y iyong tahanan, sa bawat kalabit at pagtawag ay ako na agad ang haharap sa iyong kagandahan. Lumuha at malungkot ka man nang paulit-ulit, sana alam mong nandito lang din ako nang paulit-ulit.
Sa pagod na inihagis sa'yo ng kapalaran, asahan mo na ang kapalit niyan ang buong kalawakan, katapat ng iyong pag-iisa, ay ang aking mga yakap at halik na sa'yo lang ang hantungan.
0 notes
Photo
Pa, last day na mamaya.
Pang 6th day ko na dito sa tabi mo. Pero ngayon pa lang nagsink in sa akin lahat.
Kasi siguro, eto na talaga. Bilang nalang yung mga oras na pwede kitang makita agad kapag ginusto ko.
2pm bukas pa. Tuluyan ka na naming ihahatid sa huling hantungan.
Pa, ang dami ko pang gustong ibigay sayo eh.
Ang dami ko pang gustong makita mo.
Ang dami ko pang gustong mapuntahan mo.
Ang dami ko pang gustong maranasan mo.
Ang dami pa, papa. Sobrang dami pa.
Kaso ang daya mo pa eh. Iniwanan mo agad ako. :’(
Eto na ko pa oh. Malapit na ko mag-graduate. Wala ng mangyayaring delays.
Sa sobrang sabik kong bumalik sa school, walang palya. Perfect lahat pa. Quizzes, exams, recitation. Name it! Dagdag mo pa kaliwa’t kanan na obligations ko as officer.
Achiever tong apo mo pa!
Konting konti na lang pa.
Matutupad ko na yung isang hiling mo na sana may makapagtapos sa family natin.
After nun, kukuha ako teaching units tapos Masteral. Para bawing bawi.
Mahal na mahal kita pa. :’(
Sobrang ayaw ko na sa ganitong pakiramdam pa.
Bigla bigla kang nang-iiwan.
Ayoko ng ganito. :’(
Hindi ako ready. At hinding hindi magiging ready.
Kahit noon pa lang may pakiramdam na akong balang araw posible na tong mangyari. Ayoko pa din.
Pilit ko dinedeny sa sarili ko. Iniisip kong kaya pa yan. Hindi pa yan.
Pero ngayon lang ako natauhan.
Hindi nga pala pwede yun.
Dahil pag kailangan ng mangyari, wala nang magagawa. :’(
Sa nagdaang taon, unti-unti kang nanghihina.
Unti-unti kang pumapayat.
Unti-unting napapadalas yung paglabas pasok natin sa ospital.
Tapos May, birthday ni Travis. Tuwang tuwa ako na nakaya mong pumunta.
Kaya after ng party, todo akap ko sayo. Iniiyakan kita. Kasi masakit pa din para sa akin yung lahat ng nangyari.
Wala akong magawa. Hindi kita mapagamot, hindi ka kayang pagalingin ng gamot.
Tapos the next day, aalis kami nila mama papuntang Boracay.
Sinabi ko lang sa inyo na umiiyak ako kasi akala ko di ka makakapunta. Pero ang totoo, hirap akong maging masaya sa lahat ng magandang nangyayari sa amin, habang nakikita kong ganun ang kalagayan mo.
Kung ppwede lang na yung gagastusin sa akin dun, sayo na lang mapunta, sa pagpapagaling mo. Kaso hindi pwede. Kasi kailangan ko din maging fair kay mama. :’(
Ang hirap pa. Sobrang bigat.
Ikaw lang nakagisnan kong lolo.
Kaya naman sobrang spoiled ako sayo, kami ni Kuya Gerard.
Kaso ang daya niyo talaga eh. :’(
Naaalala mo pa? Nung dating malakas ka pa?
Sa tuwing luluwas kami papuntang manila, kahit hindi naman busog bulsa mo, ibibili mo ko nung paborito kong pastillas na matigas dun sa mercury.
Magmomotor tayo papunta dun. Para may maihabol kang pabaon sakin.
Tapos nung nag College ako, sa prudencio na ko nakatira. Lagi mo kong hatid sundo nun kasi ganun ka nag-aalala sa akin.
Tapos nung nagkaroon ako work, kahit papaano nakakabawi ako sayo, masayang masaya ka na sa mga pasalubong at merienda na binibigay ko sayo.
Naalala ko din nung bata ako nasa Gapan kami, nung may pumunta sa inyo at nagtanong sayong dalawang lalaki kung nasaan ako. Kasi daw may crush sa akin yung isa dun.
Agad agad mong sinungitan, pinaalis mo. At simula ng araw na yun inilalayo mo na ako sa mga batang yun. Haha.
Tapos yung anak din ng kumpare mo nagkagusto sa akin. Pero inayawan mo din. Kasi sabi mo aanhin mo ang kagwapuhan nun kung magiging sakit ko lang sa ulo.
Over protective kang lolo. Ang dami mong hinindian. Iisa nga lang pumasa sayo nun eh.
Kilala kang siga sa prudencio.
Ikaw nga daw si “Nakamura”. Panay ang mura pag badtrip. Haha
Pero kahit ganun, minahal ka ng mga tao sa atin.
Kasi wala kang pinipiling tao na tinutulungan. Isang lapit lang sayo, wala kang hinihindian.
Kaya ka nga naging #1 KAGAWAD sa atin eh.
Ganun ka nila kamahal pa.
Masungit at tigasin ka man sa unang tingin, alam mo pa din makipagkulitan sa kahit na kanino.
Masakit pa. Pero minsan iniisip ko, okay na din siguro yun.
Sayo na din nanggaling na gusto mo ng magpahinga.
Mahal na mahal kita at gusto kong magpaka-selfish pero iba na usapan nung humiling ka ng ganun.
Sa nagdaang taon na puro gamutan alam ko pagod na pagod ka na.
Malamang nga nag reunite na kayo dyan nila Kuya Ge, nila Lola Anding.
Ganun na lang siguro iisipin ko.
Ang dami ko pang gustong sabihin pero di na kaya pa. Tinatry kong sarilihin tong nararamdaman ko kasi gusto kong maging malakas para sa pamilya natin.
Kahit minsan may mga pagkakataon na sana ako din. Sana pwede ko ding ibuhos yung sakit at lungkot na nararamadaman ko. Kaso hindi pwede. Kasi, yun nga. Kailangan ko maging malakas para sakanila.
I love you so much Papa Biyo. 😢
0 notes
Text
Magkabilang Mundo (Blog 1)
Paghahambing (AKO at Batch ‘81)
Dahil sa pangangailangang bumagay ng isang sining sa pinalolooban na panahon, nagkaroon ng pagbabago sa pagitan ng pelikulang Batch ‘81 ni Mike De Leon at sa dulang AKO ni Guelan Luarca. Mahalagang isaisip na tatlumpu’t pitong taon ang agwat ng dula sa pelikula kaya gumagalaw na sa ibang kultura at panahon ang kabuuang konteksto ng dula. Iilan sa mga halimbawa nito ang pagpalit ng naging pagtatanghal ng frat na AKO mula sa isang imitasyon ng kabaret sa “Upakan ‘81”, patungo sa isang ‘Miss Universe’ na paligsahan sa dula kung saan nanalo ang bansang Tsina, na pahapyaw na patama sa kasalukuyang administrasyon dahil sa pagpalagpas ng pag-abuso ng Tsina sa West Philippine Sea. Sumasalamin din sa kasalukuyan ang pagbago sa naging eksena nina Pacoy at Susan kung saan hinalina ni Susan si Pacoy upang magtalik sila. Sa pelikula, kinuhanan ng “video” ang dalawa habang pinapanood sila ng iba pang “neophytes” at “masters” ng AKO. Ngunit, sa dula, naka “Facebook live” ang kanilang pagtatalik kaya napanood ito ng ibang mag-aaral. Bukod sa mga eksenang binago at pinalitan, nagkaroon rin ng pagtanggal sa iilang eksena sa pelikula na hindi ipinakita sa dula. Isa na rito ang naging pag-uusap ni Sid at ng kaniyang ina. Sa pelikula, ipinakita ang isang eksena kung saan nag-uusap ang mag-ina sa loob ng kwarto ni Sid. Sinusubukang hikayatin si Sid ng kaniyang ina na lumipat at mag-aral na lang sa Amerika ngunit tumanggi si Sid dahil sa kaniyang pagnanasa na ipagpatuloy ang kaniyang pangunahing layunin na maging parte ng Alpha Kappa Omega. Ang pagbisita ng buong “fraternity” sa doktor ang isa pang eksena na tinanggal sa Batch ‘81. Dito, ipinakita ang pagpapatingin ng mga “neophyte” sa doktor ng “frat”, at ang ginawang pag-ipit ng doktor sa dibdib ni Sid gamit ang dalawang “surgical scissors”.
Isa sa makabuluhang eksenang idinagdag ang naging kabuuang papel ni Santi Santillan. Sa Batch ‘81, isang propesor si Santi sa Ateneo at ang pinakamatanda sa mga “neophytes” ng Alpha Kappa Omega. Subalit, sa dula, binigyang diin ang pagiging saksi ni Santi sa lahat ng pinagdaanan ng batch at ng “frat” sa kabuuan. Dahil dito, naging papel ni Santi ang pagiging isang tila tagapagsalaysay ng dula. Isa pang eksena na idinagdag ang pagkakaroon ng isang “party” na may kinalaman sa ilegal na droga. Dito ipinakita ang pagkalulong ni Tina sa droga kung saan sinusubukan ni Arni na patigilin siya sa kaniyang bisyo. Bukod pa rito, idinagdag rin sa dula ang eksena kung saan nagtatalik sina Pearl at Vince habang nag-uusap tungkol sa hindi paggamit ni Vince ng wikang Ingles tuwing nagtatalik sila. Dahil dito, nauwi sa isang away at sagutan ang kanilang pagtatalik na napadpad sa iba’t ibang usapin katulad ng peminismo at ang pagkukumpara ni Pearl kina Vince at Ronnie. Panghuli, ang pinakahuling eksena ng dula kung saan sina Sid, Pacoy, at Ding ang nangangasiwa na ng mga interogasyon sa mga bagong “neophytes” ang isa pang eksenang idinagdag sa. Sinisimbolo ng eksenang ito ang naging hantungan ng mga natitirang “neophytes” kung saan sila na mismo ang pumalit sa kanilang sariling “masters” na sina Vince at Gonzales at sila na rin ang namumuno sa mga interogasyon sa mga bagong “neophytes”.
Paglulugar ng Teksto
Naganap ang kwento ng pelikula sa panahon ng Batas Militar kaya’t tinawag na isang alegorya ang Batch ‘81 sa Batas Militar dahil sa pagtanghal nito sa isyu ng bansa sa pamamagitang ng mga “fraternities” bilang “campus-style fascism” (Torre, 2014). Isang malaking indikasyon ng Batas Militar sa pelikula ang paggamit ng “Stanley Milgram’s electrocution experiment” (Interaksyon, 2017) o “electric chair” sa nagkusang si Ronnie Roxas. Tinawag na “brilliant” ng direktor ng dula na si Mike De Leon ang paggamit ng “electric chair” sa pelikula dahil patama ito sa administrasyong Marcos na gumagamit rin ng “electric chair” bilang isang paraan ng karahasan sa mga nakakulong noong Batas Militar. Samakatuwid, malimit ang mga suot na polong masikip na mayroong tubong na hindi nakabutones, pantalon na maluwag sa lulod o “bell-bottoms”, at mayroong bigote at “curtain hair” o cachupoy na buhok, na mismong estilo rin ng mga aktor sa Batch ‘81. Sa dako naman ng kapaligiran ng pelikula, makikita na ginanap ang karamihan sa mga eksena sa pamantasang Ateneo, at makikita na noon, iisa pa lang ang silid aklatan nila na tinatawag na ngayon na “Old Rizal Library”. Sa unang tingin, hindi makikilala ng kasalukuyang mag-aaral ng Ateneo ang entablado kung saan nagsasanay ang AKO para sa Upakan ‘8. Sa katunayan, sa Blue Eagle Gym ito ginanap ngunit wala na ang nabanggit na entablado ngayon at “basketball court” at “bleachers” na lamang ito ngayon.
Sa dulang AKO na ginanap sa taong 2019, makikita ang paggamit ng iPhone nina Sid, Ronnie, Santi, at iba pang mga karakter kapag mayroong kailangang kausapin. Nanonood din ng pornograpiya si Pacoy gamit ang kaniyang “gadget” at ang internet, kung saan nagkalat din ang naging pagtatalik nina Pacoy at Susan sa “Facebook”. Sumasalamin ang mga eksenang ito sa kapangyarihan ng teknolohiya at ang mga posibleng pang-aabuso na maaring mangyari gamit ang mga ito. Sa eksenang pinatay si Arni, tinaniman siya ng droga sa kamay upang ipakita na pinatay siya dahil sa droga. Sumasalamin ito sa “Oplan Tokhang” ng gobyerno na pumapatay sa kahit sinong may kinalaman sa droga. Ang panahon na pinalolooban ng bawat kwento ang pinakamalaking pagkakaiba ng pelikula sa dula dahil sa pangangailangang maiugnay ang mga gawa sa manonood. Sa AKO, laganap ang “social media”, teknolohiya, at usapin sa mga suliraning panlipunan tulad na lang ng peminismo. Ang pagiging ‘pelikula’ ng Batch ‘81 at ang pagiging “dula” ng AKO ang isa pang mahalagang pagkakaiba ng dalawa. Pagdating sa pelikula, paiba-iba ang lugar na pinupuntahan ng mga tauhan habang sa dula, iisa entablado ang ginagalawan ng tauhan. Sa dula, labis ang emosyon at lakas ng boses ng tauhan upang marinig at maramdaman ng manonoood nito kumpara sa pelikula na hindi kailangan ang dalawang elemento dahil sa tulong ng teknolohiya. Higit pa rito, importante sa dulaan ang pagkakaroon ng koreograpia at “stage direction” sa mga eksena upang mapuno ang entablado at malinis tignan ang galaw ng bawat isa. Tungkol sa “frat” na Alpha Kappa Omega ang parehong pelikula at dula. Ngunit iba man ang ginalawang panahon ng dalawa, nanilbihan ang mga ito bilang salamin sa lipunan ng panahong kinalalagyan nila. Ipinakikita ang buhay ng mga estudyante at pati na rin guro sa isang “frat” at ang naging pisikal, emosyonal, at sikolohikal na epekto nito sa bawat indibiduwal. Sinundan ng parehong kwento ang tauhan sa mga naging implikasyon ng kanilang buhay sa “frat” tulad ng karahasan sa “hazing” at tunggalian ng mga “frat” tulad na lang sa pagpatay kay Arni at ng iba pang miyembro. Namuhay ang parehong pelikula at dula sa kasabihang “Ang simula at wakas ay kapatiran, kaya hanggang sa dulo, sa kabila ng pagkamatay ng iilang miyembro at karahasang dinanas, nagpatuloy pa rin ang sistema ng karahasan.
Ebalwasyon
Tunay na naangkop at napapanahon ang mga modipikasyon na ginawa ng Tanghalang Ateneo sa dulang Alpha Kappa Omega sa pelikulang Batch ‘81. Ang pagkakaroon ng isang manonood na nakasasabay at nakaiintindi sa mga pangyayari sa dula ang pangunahing indikasyon ng pagiging angkop at napapanahon ng AKO. Ipinakita ito ng dula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga samu’t saring isyu sa lipunan na hinaharap ng mga Pilipino ngayon. Isa na rito ang isyu sa ilegal droga. Bilang isa sa mga pangunahing isyu na patuloy na tumitindi at lumalawak sa mga pamantasan, minarapat ng AKO na isama sa kanilang produksiyon ang isang eksena na kung saan nakatuon sa sensitibong usapin na ito. Marahil, nais iparating ng dula ang repleksyon ng isang pangkasalukuyang realidad at kalagayan ng mga kabataan sa ilalim ng mga ilegal na gamot na mabilisang kumakalat at ibinebenta sa loob at paligid ng ilang paaralan (Grande, 2018). Nagbibigay rin ang dula ng kamalayang nakapalibot sa pisikal na resolusyon na nanghihikayat sa mga kabataan na iwasan ang lahat ng mga ipinagbabawal na produkto. Halimbawa ang paggamit ng iPhone bilang isang uri ng komunikasyon ng mga mag-aaral sa dula. Gayundin ang pagbabago na ginawa ng AKO sa pagtatalik nina Pacoy at Susan. Sa pangkalahatan, naging matagumpay ang Batch ‘81 sa layunin nitong itanghal ang mga kontemporanyong isyu sa isang masining na paraan. Kung ihahambing ang paralelismo ng kontemporanyong usaping panlipunan at ang mga isyu na tinalakay sa pelikula, angkop sa kasalukuyang panahon ang mga usapin na natalakay ng pelikula. Kabilang na rito ang sensitibong paksa ng “hazing”, at ang isyu ng mga “frat wars”, na mas lumitaw noong Nobyembre ng 2018, sa pagitan ng Upsilon Sigma Phi at Alpha Phi Beta (APB) sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas (Tomacruz, 2018). Malapit sa puso ng mga Pilipino ang sining ng pinilakang tabing o pelikula, kaya naman matagumpay ang Batch ‘81 sa pagtataguyod ng isang koneksyon na umaaatake sa emosyon ng mga manonood sa pamamagitan ng pagpapalabas ng maseselan ngunit detalyadong mga eksena na nakapaloob sa isyung panlipunan kagaya ng “hazing” at “frat wars”.
Sa kabilang dako, matagumpay rin ang AKO sa pagiging isang masining na pagtatanghal ng kasalukuyang usaping panlipunan. Importanteng aspekto ng mga dula ang “live performance” ng mga aktor kaya naman kinakailagan ang malakas at malinaw na boses kada palabas. Dahil dito, mas malakas ang dating at damdamin na ipinapahayag ng mga aktor, na siya namang nararamdaman ng mga manonood. Dagdag pa rito, bilang isang dula na saklaw ng isang organisasyon sa pamantasang Ateneo, kasapi sa mga layunin ng pamantasan ang pagbibigay impormasyon at kamalayan tungkol sa usaping “hazing”, droga, isyu sa relasyon ng Pilipinas at Tsina, at iba pa. Samakatuwid, isang nararapat na sining ang pagpapalabas ng dulang AKO upang humikayat at maging malay ang mga manonood.
0 notes
Text
April 1, 2018 [EASTER SUNDAY SERVICE] - “I Am the Resurrection and the Life” John 11:25
Click KEEP READING to read the full sermon.
Introduction
Ang Apostles’ Creed, na pinagtibay ng Synod sa Milan noong A.D. 390, ay dakilang pagpapahayag ng pundasyong pananampalataya ng Kristianismo na nagbibigkis sa lahat ng Kristiano sa buong daigdig. Sa Apostles’ Creed ay pinagtitibay ng sandaigdigang Kristianismo ang doktrina ng Trinidad. Isang magandang komentaryo ang nagsaad sa malinaw na buod ng katotohanan ng Kristiyanong pananampalataya.
“This creed is called the Apostles’ Creed not because it was produced by the apostles themselves but because it contains a brief summary of their teachings. It sets forth their doctrines ‘in sublime simplicity, in unsurpassable brevity, in beautiful order, and with liturgical solemnity.’ In its present form it is dated no later than the fourth century. More than any other Christian creed, it may justly be called an ecumenical symbol of faith.” (Christian Reformed Church, 1988)
Ito ang ating pinanghahawakan na Apostles’ Creed.
I believe in God the Father Almighty, Creator of heaven and earth. I believe in Jesus Christ, his only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit and born of the virgin Mary. He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried; he descended to hell. The third day he rose again from the dead. He ascended to heaven and is seated at the right hand of God the Father Almighty. From there he will come to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy catholic church,* the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen. (*that is, the true Christian church of all times and all places)
Batay sa buod na katuruan ng Apostles’ Creed, sa takdang araw na ito, ang sandaigdigang Kristianismo ay nagdiriwang ng Easter Sunday dahil sa pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Saan mang sulok ng mga bansa na kumikilala kay Jesus, at kasama tayo dito, sa oras at sa lugar na ito, lahat tayo na mga Kristiyano ay nagkakaisang nagdiriwang na si Jesus ay buhay. Kapanatagan sa puso na tayo ay sumasamba sa isang buhay na Diyos.
Ang Kristianismo ay nakapundasyon sa kamatayan at pagkabuhay na magmuli ni Jesus-Cristo. Sa lahat ng relihiyon sa daigdig ay namatay ang bawat pundador na nagtayo nito ngunit wala ni isa man sa kanila ay nabuhay mula sa kamatayan. Tanging si Jesu-Cristo ang nabuhay mula sa libingan. At dahil siya ay buhay magpakailanman, may katiyakan tayo sa pahayag ni Jesu-Cristo.
“I am the resurrection and the life. He who believes in me will live, even though he dies; and whoever lives and believes in me will never die. Do you believe this?” (Jn. 11:25-26)
Ito ay winika ni Jesus kay Martha, noong siya at ang kanyang kapatid na si Maria ay kapwa nagdadalamhati at nagluluksa sa kamatayan ng kanilang kapatid na si Lazarus. Para sa magkapatid, huli na ang pagdalaw ni Jesus sa kanila. Dito ipinamalas ni Jesus ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos.
A. The Resurrection of Lazarus
Winika ni Jesus na siya ang pagkabuhay na magmuli at buhay. Ipinahahayag ni Jesus na siya ay mabubuhay mula sa kamatayan at mabubuhay magpakailanman. At siya ang may kapangyarihan na bumuhay sa mga patay at magkakaloob ng buhay na walang hanggan.
Ang katibayan nito ay ang pagkabuhay mula sa kamatayan ni Lazarus. Sa salaysay ng Ebanghelio ayon kay Apostol Juan, si Lazarus ay may mabigat na karamdaman at siya ay nasa bingit ng kamatayan. Ipinaalam nina Martha at Maria kay Jesus ang kritikal na kalagayan ng kanilang kapatid. Sa panahong iyon ay nasa kabilang dako sa Dagat ng Galilea si Jesus kasama ang kanyang mga alagad. Noong malaman ni Jesus ang balita tungkol kay Lazarus, naghintay pa siya ng dalawang araw bago maglakbay patungo sa Bethany na bayan ng mga magkakapatid. Batid ng Panginoong Jesus na yumao na si Lazarus. At bago pa man sila tumungo sa Bethany ay winika niya sa kanyang mga apostoles na kanyang gigisingin si Lazarus. Hindi ito ganap na maunawaan ng kanyang mga alagad kung bakit kinakailangang sadyain ni Jesus na gisingin ang isang tulog. Ipinaliwanag ni Jesus sa kanila na si Lazarus ay patay na—at siya ay kanyang bubuhayin mula sa kamatayan. Winika ito ni Jesus upang ihayag ang kaluwalhatian ng Diyos at sumampalataya ang mga alagad sa Panginoon. Namangha ang mga alagad sa pahayag ni Jesus.
Noong nakarating si Jesus sa Bethany, si Martha ang unang humarap sa kanya. Siya ay naghihinagpis na nagbalita kay Jesus na patay na si Lazarus. Siya ay nanlumo dahil kung dumating lang sana sa takdang panahon si Jesus ay napagaling sana niya ang kanyang kapatid at buhay pa sana siya. Hindi tarok ni Martha na kung tutuusin ay kayang pagalingin ni Jesus si Lazarus sa kapangyarihan ng kanyang salita kahit wala siya sa presensiya ng kanyang kaibigan na may sakit. Lingid kay Martha, sinadya ni Jesus na hindi dumating sa panahon ayon sa inaasahan ng dalawang magkapatid dahil may dakilang layunin si Jesus. Sa kanyang pakikipag-usap kay Martha, ipinabatid ni Jesus na mabubuhay muli si Lazarus. Sa pang-unawa ni Martha ay magaganap ito sa huling araw sa ganap na paghahari ng Diyos. Dito ipinahayag ni Jesus kay Martha ang dakilang katotohanan, “Ako ang pagkabuhay na magmuli at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin ay mabubuhay, kahit siya ay patay na; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman” (Jn. 11:25-26a). Pagkatapos ay tinanong niya si Martha, “Pinaniniwalaan mo ba ito?” (v. 26b). At sumagot si Martha, “Opo, Panginoon. Ako ay nananalig na kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos, na darating dito sa daigdig” (v. 27).
Bumalik sa bahay si Martha at winika sa kanyang kapatid na si Maria na siya ay ipinatatawag ni Jesus. Nagmadaling tumungo si Maria kay Jesus. At siya ay nagpatirapa sa paanan ni Jesus na may malalim na pagtangis, “Panginoon, kung narito lang sana kayo, ang aking kapatid ay hindi sana namatay” (v. 32). Naantig ang kalooban ni Jesus sa hinagpis ng magkapatid. Tinanong niya ang dalawa kung saan inilibing ang kanyang mahal na kaibigan na si Lazarus. At si “Jesus ay tumangis” (v. 35).
Sa kuweba kung saan inilibing si Lazarus, iniutos ni Jesus na alisin ang bato na nakatakip dito. Sumagot si Maria na nangangamoy na ang bangkay dahil apat na araw na itong nakalibing. Winika ni Jesus, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sumampalataya ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” (v. 40). At iginulong nga nila ang bato ng kuweba. At nanalangin si Jesus sa kanyang Ama.
“Ama, nagpapasalamat ako na ako ay iyong pinakinggan. Batid ko na palagi mo akong pinakikingggan, ngunit sinasabi ko ito alang-alang sa kapakanan ng mga taong naririto, upang sila ay sumampalataya na kayo ang nagsugo sa akin.” (vv. 41-42)
Pagkatapos niyang manalangin, sumigaw siya ng malakas, “Lumabas ka Lazarus!” (v. 43). Lumabas si Lazarus na nababalot ng telang panlibing ang kanyang mga kamay at paa, at may tela din na nakabalot sa kanyang mukha. Iniutos ni Jesus sa mga tao, “Alisin ninyo ang mga damit upang makalakad siya” (v. 44b).
Namangha ang lahat. Ang kaganapang ito ay sa panahon na palapit na ang pagdiriwang ng Piyesta ng Paskua kung saan napakaraming madla ang tumungo sa Jerusalem. Lumaganap ang balita ng pagkabuhay ni Lazarus. Dinagsa si Jesus ng napakaraming tao at sila ay nagbubunyi na sumunod sa kanya at ipinagsisigawan na siya ang Mesiyas. Nabahala ang Sanhedrin na ang pangyayari na ito ay tignan ng Emperador na isang rebelyon at ang bayan ng Israel ay pupuksain ng Kaharian ng Roma. Dahil dito, ang Sanhedrin ay nagpasya na kinakailangang iligpit si Jesus. Sa pamamagitan nang pagtataksil ni Judas Isacariote, nadakip si Jesus. At noong siya ay humarap sa Sanhedrin, pinanumpa si Jesus kung siya nga ang Anak ng Diyos. Pinagtibay ni Jesus na siyanga. Nagpupuyos sa galit ang Sanhedrin. Hindi sila makapaniwala na ang isang anak ng karpentero na mula sa Nazareth ay magwika sa sarili na siya ay isang ganap na Diyos. Sa batas ni Moses, ito ay pamumusong, “blasphemy” sa Ingles, at ang karampatang parusa dito ay kamatayan.
Iniharap nga ng Sanhedrin si Jesus kay Pontio Pilato, ang Gobernador ng Judah. Ang sakdal na isinampa sa kanya ay rebelyon, bagama’t ang nasa likuran nito ay ang paghatol nila nang pamumusong ni Jesus laban sa Diyos. At dahil sa impluwensiya ng mga punong saserdote ay nagawa nilang himukin ang madla para idiin si Jesus. Pinili ng mga tao si Barabas na isang pusakal. Iisa ang kanilang sigaw laban kay Jesus, “Ipako siya!” Ipinako nga ng mga sundalong Romano si Jesus sa krus sa Kalbaryo sa labas ng lungsod ng Jerusalem. Si Jesus ay namatay doon sa krus alas tres ng hapon sa araw ng Biyernes. Umuwi ang mga tao na dinadagukan ang kanilang mga dibdib. Sa mata ng daigdig, ang libingan ang ganap na katapusan at katahimikan sa buhay ni Jesus.
B. The Resurrection of Jesus
Si Jose na Taga Arimatea, isang alagad ng Panginoon, ang humingi ng pahintulot mula kay Pontio Pilato na ilibing ang bangkay ni Jesus at ito naman ay ipinagkaloob ng Gobernador. Kasama ang tatlong Maria at ang iba pang mga alagad na kababaihan mula sa Galilea, sila ang umalalay sa pagkakalibing kay Jesus sa isang kuweba na pagmamay-ari ni Jose na taga Arimatea.
Sa mga alagad ni Jesus, ang kanyang kamatayan ay katapusan na ng lahat para sa kanila. Parang kastilyo sa buhangin na hinampas ng mga rumaragasang alon ang kanilang pag-asa na kanilang inilagak kay Jesus bilang hari ng bansang Israel. Sa pagkalibing sa huling hantungan ni Jesus ay mistulang naibaon na rin sa hukay ang kanilang pangarap at pananampalataya. Para sa mga alagad, kasindilim ng kuweba kung saan inilibing si Jesus ang kanilang buhay at kinabukasan. Nasaan ang winika ni Jesus kay Martha na siya ang pagkabuhay na magmuli at ang buhay?
Ang araw ng Sabado ay araw ng pamamahinga. Kumalat na sa buong Jerusalem at karatig na mga bayan ang balita: “Patay na si Jesus na taga Nazareth.” Tagumpay ang Sanhedrin sa kanilang plano. Si Pontio Pilato ay hindi makapaniwala dahil inaasahan niyang si Jesus ay gagawa ng isang himala upang iligtas niya ang kanyang sarili. Si Judas Iscariote ay nagpakatiwakal sa tindi ng panunumbat sa kanyang budhi. Ang mga tao, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ay may kakaibang kabigatan sa kanilang kalooban—at si Jesus ang sentro ng kanilang usapan na puno ng katanungan. Ang mga apostoles at ang mga alagad ay puno ng pagdadalamhati at tahimik na nagluluksa—hindi mawari kung ano ang kanilang gagawin. Sa bahagi ng mga kababaihang alagad, sila ay naging abala sa paghahanda ng mga pabango para sa labi ni Jesus kinabukasan.
Ang Sanhedrin ay may isang matinding pangamba. Para sa kanila, si Jesus ang dakilang sinungaling sa lahat. Una, winika ni Jesus na siya ay isang ganap na Diyos. Kaya ipinapatay nila si Jesus sa salang pamumusong. Pangalawa, nabalitaan nila na winika ni Jesus na siya ay mabubuhay na magmuli pagkatapos ng tatlong araw. And pangalawang kasinungalingan na ito, ayon sa kanila, ay mas matindi kaysa sa una. Tooo naman, sadyang mas madaling sabihin na ikaw ay isang Diyos. Ngunit ang ihayag mo na ikaw ay mabubuhay na magmuli mula sa kamatayan ay hindi lamang isang malaking kasinungalingan kundi kasukdulan ng kahibangan. Ito ang paniniwala ng Sanhedrin.
Ano ang ginawa ng Sanhedrin para bantayan ang kanilang paniniwala sa kasinungalingan at kahibangan na ito ni Jesus? Sa kanilang takot na baka nakawin ng mga alagad ang katawan ni Jesus mula sa libingan at palabasin na nabuhay nga muli si Jesus mula sa kamatayan, pinuntahan ng mga punong saserdote si Pontio Pilato upang pabantayan ang kuweba kung saan nailibing si Jesus. Sa pahintulot ng Gobernador, nagtalaga ng mga sundalong Romano para guwardiyahan ang libingan ni Jesus. Karagdagan nito, nagpalagay si Pilato ng selyo ng Kaharian ng Roma doon sa bato na nakatakip sa kuweba. Ibig sabihin, ang sinumang mangangahas na mag-aalis ng bato at sisira sa selyo ay mapaparusahan ng tiyak na kamatayan. Naging panatag ang kalooban ng Sanhedrin.
Bago pa man ang pagbukang-liwayway sa araw ng Linggo, tumungo na ang mga alagad na kababaihan sa libingan ni Jesus. Lingid sa kanilang kaalaman, dalawang anghel mula sa Langit ang tumungo sa libingan at nagkaroon ng matinding pagyanig sa lugar. Iginulong nila ang bato sa pintuan ng kuweba. Ang mga nakasaksing bantay na mga sundalo ay pinagharian ng matinding takot at sila ay kagyat na tumalilis mula sa libingan at tumungo sila upang iulat ang buong pangyayari sa Sanhedrin.
Habang nasa daan ang mga kababaihan patungo sa libingan, napagtanto nila ang isang problema. Sino ang magpapagulong sa bato ng kuweba? Laking gulat nila na madatnan ang libingan na bukas ang kuweba dahil naigulong na sa tabi ang malaking bato na nakasara dito. Nagdumali silang pumasok na may matinding pananabik patungo sa kinalalagakan ng katawan ng kanilang mahal na Panginoon. Sinukluban sila ng hapis nang wala doon ang katawan ni Jesus. Pinagharian sila ng matinding takot nang makita nila doon ang dalawang anghel. At ito ang kanilang winika sa mga kababaihan.
“Bakit ninyo hinahanap ang buhay mula sa mga patay? Wala siya dito; siya ay nabuhay mula sa kamatayan! Alalahanin ninyo kung papaano niya sinabi sa inyo, noong siya ay kasama pa ninyo sa Galilea, ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’” (Lk. 24:7)
At naala-ala ng mga kababaihang alagad ang sinabi sa kanila ni Jesus patungkol sa kanyang kamatayan—at pagkabuhay na magmuli. Sa labis na pamamangha at walang masidlang nag-uumapaw na kagalakan, kumaripas silang bumalik sa kinaroroonan ng mga alagad sa Jerusalem at pasigaw nilang ipinamalita sa kanila, “Si Jesus ay buhay!”
Hindi makapaniwala ang mga alagad sa balita ng mga kababaihan. Sa kanilang palagay, ito ay isang kahibangan. Sina Juan at Pedro ay kumaripas ng takbo patungo sa libingan. Unang pumasok si Simon Pedro. Wala nga doon ang katawan ni Jesus! Ang tanging naroon sa ipinaglagakan kay Jesus ay ang mga telang lino na ipinambalot sa kanyang katawan na kusang bumaba sa kanilang kinalalagyan. Hindi makapaniwala si Simon Pedro. Hindi ba kamakailan lamang ay nabuhay mula sa kamatayan si Lazarus? Hindi ba ito matibay na katibayan upang higit na maihanda ang mga alagad sa pagkabuhay na muli ni Jesus?
Conclusion
Noong gabi ng Linggo ng muling pagkabuhay ni Jesus, nagpakita siya sa kanyang mga alagad. Nasa isang nakapinid at malawak na silid sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Jerusalem ang mga apostoles at ang mga kapatirang banal. Totoo nga ba na buhay si Jesus? Malaking palaisipan ito sa mga alagad. Biglang may malalakas na mga katok sa pintuan. Si Cleopas at ang isang alagad ang bumungad sa kanila. Silang dalawa ay kagagaling mula sa Emmaus. Habol ang paghinga at buntunghinga na nagbalita sa kanila, “Totoo nga, buhay si Jesus! Nakasama namin siya! At nakipanggabihan pa siya sa amin! Mga kapatid, maniwala kayo sa amin!” Sila ay pinagharian ng matinding panggilalas sa balita ng dalawa—nang biglang lumitaw sa kanilang kalagitnaan ang Panginoong Jesus. At winika niya, “Sumainyo ang kapayapaan.” Lalong namangha ang mga alagad sa kanilang nasaksihan! Pinalapit ni Jesus ang mga alagad at ipinakita niya ang kanyang mga sugat sa kanyang mga kamay at mga paa. At nang hindi pa rin sila makapaniwala, humingi siya ng pagkain at siya ay kumain ng inihaw na isda sa kanilang harapan. Wala nang hihigit na katibayan para sa mga alagad upang patunayan na si Jesus nga ay buhay kundi ang kanyang personal na pagpapakita sa kanila upang makausap at mahawakan. Wala noon si Thomas at sinabi niya na malibang makita niya si Jesus ay hindi siya maniniwala. Noong sumunod na Linggo, ay nagpakita muli si Jesus sa mga alagad. Nang mahawakan ni Thomas ang mga pilat sa mga kamay at tagiliran ni Jesus, tuwiran niyang sinambit, “Aking Panginoon at aking Diyos!” (Juan 20:28). Winika ni Jesus sa kanya, “Dahil nakita mo na ako, ikaw ay naniwala; mapalad ang mga taong hindi nakakita sa akin ngunit sila ay sumasampalataya” (Juan 20:29).
Ang dakilang ipinahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo kay Martha ay para sa ating lahat: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay. Naniniwala ka ba sa sinasabi ko?” Ano ang ating personal na tugon?
0 notes