#hindi pa din ako maka move on
Explore tagged Tumblr posts
hoihoiikrista · 7 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Delivered via CS 12/12/2024 @ 7:31pm
3.6kg, 58cm, cord coil. 4 days akong nag labor. Induced. Grabe yung hirap, i-normal delivery ko sana sya kaso isang oras ko na sinusubukan hindi talaga kaya. Sobrang sakit talaga ng pag lagay sa epidural catheter, di ako maka move on haha! Hanggang sa matapos na, umiiyak pa din ako sa sakit haha!
Sobrang worth it lahat ng pain anak.
cute mo! I love you 🫶
53 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Lugaw Dates.
we do this every weekends, kapag nagpapa sentro kami para mamalengke o may kailangan bilhin at hindi malala ang topak ng sikmura ko haha.
4 years and a half with this person feels like forever na since hindi naman talaga ako suki ng mga long term relationships noon, sabi ko nga mas okay ako ng LDR kasi kung lagi ko nakikita madali ako magasawa, kaya tingin ko challenge din sakin ngayon na mas lagi na kami magkasama unlike before, actually mas napapadalas ang tampuhan, pero madali rin ma resolve, though over petty things lang naman talaga siya.
but me as a hopeless romantic before na gusto ng fairytale love life at top 1 pa sa love language ko ang quality time, sobrang importante sakin na we go on dates on a regular basis at simpleng playing online games or watching movies together lang. okay na okay na ako dun.
ang problema kasi namin minsan, sa sobrang pagka introvert ni J, tamad na tamad siya lumabas. minsan pati pag aya na mag laro ng games o manuod ng movies, ayaw niya. ewan ko kung trip niya lang o nagsasawa na ba siya? pero tuwing tatanungin ko naman siya hindi naman daw. kaya ko nasasabi minsan na ako nalang nag aadjust. ako kasi parang sanay ako sa routine at consistency, medyo narealize ko lang din recently, hindi lang sakanya, kahit sa mga friends ko kaya madali ako maka ramdam kapag may energy shift even with people i barely interact with. i dunno kung ako lang ba or ganun talaga haha.
pag may mga ganitong moment kami na kailangan ko mag open up sakanya about sa nafifeel ko, napag uusapan naman namin ng maigi, bumabawi naman siya. pero minsan babalik. i guess magiging ganun na talaga ang set up, lalo kapag nag decide kami magpakasal—walang katapusang pag aadjust at pag unawa nalang ang gagawin. but we'll always make sure na we work on things that we lack of.
anyway, kung nagbabasa man yung nag anon na very quick to judge at mag bigay ng unsolicited advice, ayun as usual hindi naman big deal sakanya na nagkakagusto ako sa iba, as long as wala kaming ginagawang move para malagay sa alanganin yung relationship namin, we're good. sabi ko nga sa inyo, very supportive yan sa lahat ng bagay. lol. and it's clear na mukhang hindi mo naman talaga naintindihan yung pinost ko. so whatever. haha.
15 notes · View notes
whooolaanmo · 2 years ago
Text
Tumblr media
Movie 🎬 Night 🌙
France : Love pabalik na ako ng Manila bukas.
Me : yes alam ko sulit naman na yung ilan araw natin magkasama.
France : namimiss na kita agad kahit magkasama pa tayo.
Me : aba Love umuwi ka na muna sa inyo, mag celebrate ka rin ng 32nd Birthday mo kasama sina Mama Papa mo at AR.
France : pinagdidiinan yung 32 haha 🤣🤣 dadating ka din don ilan months na lang.
Me : 🤣🤣🤣 tagal pa ng November, pero yon nga Love ako na lang luluwas sa 7 or 8
France : naka sched. ka talaga agad, pa hug na lang Love ng mahigpit para mas sulit.
Me : syempre busy ako na tao di ba 🤣🤣🤣 teka naman baka tsansingan mo ako.
France : sa dami mo ginagawa Love, haha grabe ka naman di naman kita tsinatsansingan napaka conservative, natatawa nga pala ako sayo Love naalala ko lang yung dati nung sinabi mo na never ka nag 1st move kaya nagulat ka nung kiniss kita 🤣🤣🤣 lakas maka virgin.
Me : 🤣🤣🤣 ganon talaga mahina nga loob ko sa mga ganyan, kaya thankful ako na kahit ganon ginawa mo sa akin dati respeto na sa isa't isa ang meron sa atin ngayon, hindi ko pa keri maging pornstar 🤣🤣🤣
France : torpe ka nga kasi, grabe yung pornstar di ko rin keri Love🤣🤣🤣 oo napakalaki ng repesto mo talaga Love kaya mahal kita ako nga ata siguro yung nagtsatsansing sayo binabawi ko na 🤣🤣🤣 hug tapos nanakaw ng kiss.
mag uusap at kakain na lang o manood ng movie at kakain.
Mar. 03, 2023 09:01 pm
14 notes · View notes
fairylambcore · 1 year ago
Text
one piece
episode 5 pa lang ako ng one piece
long way to go, sabi nila
paborito mo ‘to, ‘di ba? 
sinimulan ko ‘to para maka-keep up sa mga hilig mo
lover girl na ba ako nito?
de, biro lang
hayaan mo na,
para kahit sa ganitong paraan, madama rin kita
ganito ako magmahal, tahimik at banayad
pero ‘wag na ‘wag mo sanang kwestyunin 
2 years and 5 months na rin ‘tong ang nalaan ko sayo, ‘no
alam mo, 
hindi ko pa rin nga matapos ang one piece
ang funny nga,
kung paano ako na-stuck sa episode 5,
gano’n din sa moving on process ko sayo
pero magulo talaga ang pag-ibig
minsan gusto mo itong manatili sa iyo,
kadalasan hindi
pero sana alam mo na this time,
i am finally choosing the latter
Tumblr media
6 notes · View notes
tokwattoge · 2 years ago
Text
Journal | 05.16.2023
Gusto ko magpost numerous times pero sobrang pagoda na ang ferson at okay lang naman kahit hindi ko siya mailabas. Today I feel really productive. Sa totoo lang this month I feel productive, pero kulang pa rin. Ganon talaga, basta alam ko na hindi ako nagpapatay patay. 2 weeks na ako 5 AM nagsisimula ng work at proud ako sa sarili ko don. Nung weekend hindi ako gaano nakawork talaga kahit kahapon dahil sa videoke. Pero okay lang di ko na inistress ang sarili ko dahil may mga bagay talaga akong hindi macontrol. Kahit sobrang ng isang araw na hindi halos nakapasok, sinulit ko na lang din. Nagprepare na lang ako ng PubMats para sa page ko for FA. Ang dami ko ring chinat na mga prospect pero wala masyado nagrereply. Tuloy tuloy lang sa pagreach out ng mga tao baka may gusto magpaset ng meeting sakin.
Ang target ko dun sa first job ko maka 40 hrs per week. Week 2 tuesday na pero mag 80 hrs pa lang ako, meaning kulang ako ng 2 8-hr shifts. Bawi ako sa natitirang araw ng month na to. Nung nakaraang dalawang linggo, 6-7 hrs lang ako kasi on sched naman pero 3 days ako halos hindi nagwork dahil sa birthdayhan tsaka sa pag aayos ko ng page. Super wrong move pero naniniwala akong may natutunan naman ako na dapat pala hindi ganon HAHHAHA Fingers crossed na sana sumahod na ng malaki laki para makabayad ng utang.
Gusto ko ilista dito yung mga utang ko pero wag na haha baka madiscourage lang ako lalo. Kapit self malalagpasan mo din ito <3
3 notes · View notes
pansamantalamo · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
012923 . SUNDAY . 2:46AM
Yung dati dream ko lang talaga magkaron ng ps4, hanggang puro shared post lang ako ng mga games. Puro sana alls lang ako. Puro nood lang sa mga naglalaro. Ngayon hindi lang ps4 hawak ko naka ps5 nako. 2years of waiting kala ko nalimutan na nya. Kaya pala tinatanong mo ko last time. Todo pasa pa ko ng mga shops na legit. Sobrang thank you hun-hun, di pa din ako maka move on kaya gising pa din ako hanggang ngayon. Hahaha! Iloveyou po.
6 notes · View notes
doc-kat · 2 years ago
Text
Year 2022
Naiiyak ako. naiiyak ako sa tuwa habang sinusulat ko tong reflection ko ngayong taon. After years of heartbreaks, this year was my breakthrough.
Early this year, hindi ko pa rin alam kung ano na ba talaga ang mangyayari. Everything was still unsure. It was February when we heard the news na pwede na kaming mag completion form, meaning, finally after 2 years of our school holding our graduation, finally makakalaya na sa kanila. Doon ako nabuhayan ng loob. Nag process agad ng papers para maka habol ng filing for May 2022 board exam.
2 weeks waiting sa TOR, another 2 sa NBI. grabe, akala ko di ako makakahabol, but God is good talaga. I was able to take my board exam. May 20, 2022 the best day of my lifeeeeeeee!!!! Pumasa ako ng board exam!!! Lisensyadong dentista na akooo!!! hanggang ngayon it feels surreal. Six mos na akong nag prapractice as a dentist, pero sa tuwing naaalala ko pa rin yun, naiiyak pa rin ako. Thank you Lord!!! sobrang sulit ang pagod, iyak, at luha! I know I made my parents proud!
Sa work, sobrang thankful ko na ang bait bait ng napasukan kong amo. Hi Dr. Daisy!! sobrang thank you po sa pag tanggap sakin as associate dentist nyooo. sobrang thank you po sa tiwala Doc!!! ang dami ko pong natutunan sa inyo. at patuloy na natututunan. thank you po for your patience pag may mga mali po akong nagawa. hehe. super thank you Doc! Happy New Year poooo!!!
Ang saya talaga sa feeling pag may nga patient kang napapangiti no. yung sobrang thankful sayo kasi napaganda mo mga ngipin nila. kaya siguro ako dinala ni Lord dito, kasi madami din akong mapapasaya dito.
To all those new friends I made this year!!! Hello Caloy, Jasmine, Teph, ate Lovely, Ate Princesss so happy to all meet you. You made my year happier. To more year of chikahaaaan. hahahaha
Sa love aspect naman, I can say finally naka move on na ako sayo Greg. Reading our past convos or even talking to you doesn't hurt me anymore. no more pain. May love pa rin siguro since you're my first love but, alam kong kaya ko na ng wala ka. Masaya ako kahit walang ka partner. masaya ako kahit single. Pero malay mo naman. Baka naman Lord, nakuha ko na yung lisensya, baka pwedeng lovelife naman next. Hahahahahaha. but anyways your plan will prevail.
I can consider this year, the best year for me 💕 This year was full of blessings. And I can't thank God enough. But alam ko pong nagtutupad ko yung promise ko sa inyo. yung I'll do my best during dealing with every patient and not just go after money.
I don't know what 2023 will bring but I'm hoping for another successful year!!! I just want to ask for God's guidance every step of the way. Thank you 2022, and I welcome 2023 with a smile and hope. 💕
3 notes · View notes
break404 · 1 month ago
Text
ang pag amin
may meeting non sa team 12.
nag pa open-forum si mommy kasi nalulungkot daw sya na di makapag work-well ang team kasi may hindi okay sa mga miyembro.
nag ask sila daddy kung sino ang nakakaramdam na may di pagkakaunawaan sa support team. isa daw kasi iyon sa reason kung bakit di maka-alagwa ang bawat isa at hindi lumalago ang church.
pinapikit nya kami at pinag raise ng hand.
At bilang honest na tao, nag raise ako ng hand dahil akala ko isa iyon sa magiging solusyon para ma settle yung issue sa loob. Ayoko rin kasi maging reason kung bakit di lumalago ang aming church e.
That time, tatlo daw ang nag taas ng hands. Alam kong nag raise din ng hand si pj. di ko lang maidentify kung sino yung isa. (or possible nag bluff lang that time si dad para di halatang ako lang ang nag raise ng hand and si pj)
After that, nag speak si dad. Makipag ayos na daw para goods na ang flow kasi di naman daw kami mag kakaaway. Then nag raise ng concern si pj. "pano po dad kung kapag tinuturuan mo pero mas nagiging mediocre sya." sa pag rraise nya ng concern na yon, alam kong may pinapatamaan sya at alam rin ng lahat na magiging reason yon para mag karoon ulit ng panibagong issue. Sometimes the seems to become the solution is the source of a bigger problem.
Kinabukasan, after the meeting, nag chat sakin si dad,
"humingi ka na ba ng sorry kay pj? etc.,"
from that may wrong move na si dad. As if ako ang may kasalanan sa lahat. Pero dahil inask nya ko, nag ask din ako...
"Ako po ba yung pinapatamaan ni pj kanina?"
tanong ko kay daddy. Pero di umamin si daddy. Chinat nya rin daw si kuya zaldy , ate val and kuya marzan. kami daw kasi ang laging kasama ni pj sa media. Pero alam kong ang intensyon ni dad ay masettle ang issue sa media. Pero, mas lalo lang lumala. A message creates another message, mas nabuksan ang mga issue and all. Sinusunod ko lahat ng pinapagawa ni dad. Pero....
while sinesettle ang issue sa media, may another issue na lumutang.
May natuklasan akong nagpayanig ng tiwala ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Meron akong knoconsolidate that time, si Jannah. Magaling yung batang yon specially yung influence nyang maka-collect ng mga tao around her. Madali kami nakapag open ng Life group sa vergon because of her pero a one mistake, shocks everyone.
Nag ID kami ni Jannah one night sa mcdo district. Actually that was 2AM. Di ko kasi sya ma-consolidate dahil nga di sya pinapayagan lumabas ng tita nya. Pero pinapayagan daw sya pag mga ganong oras. Kaya gnrab ko na ang opportunity. Ang nasa isip ko lang that time is to reach & equip and do the commission.
That night alam kong may gustong sabihin si Jannah sakin hindi nya lang alam kung pano nya sasabihin. I just feel it na merong something.
Ang topic namin that time is Life connect topic 3, connection to the church. Isa sa natackle namin is the attachment sa people.
Inask ko sya kung meron ba sa church na attach sya. As her life guide and ate, concern ako sa kung paano sya manamit at kumilos. Kung paano sya makipag communicate and to her whole well-being.
Alam ng Diyos na I am doing my job as a life guide. But the enemy really comes to steal, kill and destroy.
That time, Jannah admitted na meron syang karelasyon sa loob ng church. Hindi ako nashock sa sinabi nyang yan. Pero nashock ako sa kung sino yung binanggit nyang pangalan.
"Si boni" sabi nya.
Si boni ay isa sa pinakakilalang tao sa church namin because of his ability to connect sa people, mapabata man o adult. Sa katunayan nga, coordinator sya ng J12 kids. Part din sya ng team 12.
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa mga sinabi sakin ni Jannah. Tinanong ko sya kung alam na ba ni kuya mack (life guide ni boni) na mag karelasyon sila. Malayo ang age nilang dalawa, pero isa sa pinaka ekis is minor palang si Jannah.
"sabi po boni, sya na daw pong bahala mag sabi kala daddy at sa guide nya." - sabi ni jannah
"nasabi naman na nya?"
"di ko po sure"
inask ko si Jannah kung nag kikita parin sila every night, yes daw. Kaya alam kong di pa nasasabi ni boni kala kuya mack ang meron sa kanila ni Jannah. Kasi kung alam iyon ni kuya, titigil na silang magkita.
Kinabukasan, nireport ko agad kala msloi ang aking nasagap. Sabi kasi ni msloi, kapag di ko kayang isolve, need kong ibaba sa person na kayang mag handle ng issue na ganito.
From that moment, alam kong malaya ako. And alam kong may gagawin silang action.
Pero, masyadong mabilis ang pangyayari at ang daming nangyayari. Sunday afternoon, lumapit si Jannah kay ate sol. Nag ask sya kung anong pakiramdam ng mabuntis and all. From that, na curious si ate sol kung bakit nag ask ng ganon si Jannah sa kanya.
Until, umamin si Jannah kay ate sol. Sinabi nyang may relationship sila ni Boni at may nangyari na sa kanila.
From that moment, i feel so free and proud for Jannah. Sabi ko ksi sa ID namin, kailangan nya iyan aminin para makalaya. Need malaman ng mga accountable sa kanila yung nangyayari. Pero since na sabi na sakin ni Jannah and na baba ko na kala msloi. Undercover na kami sa part na yon. Pero ang issue ko that time is si Boni.
"kaya sigro recently, di na sya makapag assist sa J12. Di rin sya makausap ng maayos."
"bakit di nya sinabi kala kuya mack? bakit nya tinatago si Jannah? saka bakit si Jannah? minor pa yon. Sya ang nakakaalam ng word, sya dapat ang nag gguide sa bata."
yan yung mga arguments ko that time. But i'm still giving boni the benefit of the doubt.
Hinintay ko ang hatol ng mga nasa authority at ang kanilang mga desisyon. Knoconsolidate ko parin si jannah while waiting sa management ng instruction kung anong gagawin sa kanilang dalawa. Kahit alam kong mejo di na okay ang situation ni Jannah, at alam kong madedehado rin ako, tinuloy ko parin ang consolidation. Ang goal ko lang naman kasi is do the commission. Ang need kasing maayos is yung mga hindi ayos. Mas plus points kay Lord kapag ganon.
Dahil sa nangyari, naging mas mahigpit ang management. Pinagbawalan ang pag IID ng gabi at sa loob ng kampo. Kahit ang online ID, specially kapag opposite sex. Kaya nabengbang si adrean nung nag ID sila ni Jannah ng night kaya mejo nag karoon din ng hinanakit si yano that time. Kasi teacher sya sa life journey, isa iyon sa requirements. And di rin kaya ng sched nya ng morning, kaya night sila nag ID.
Akala ko for opposite sex lang yung memo na yon.
nag ID kami ni Jannah ng 9pm sa kampo. nakita kami ni mommy dahil nag stop by sya doon para mag cr. Kinabukasan, may memo narin ako from msloi, kung bakit daw kami gabi nag ID. Alam kong kahit anong explanation ko, walang mangyayari dahil ang goal nila is maprotektahan kami at idiscourage iyon. Pero walang prior notice for that kaya di clear sakin kung anong dapat na iprio. Yung proteksyon samin o yung gawin ang utos na galing lang din naman sa kanila. To consolidate. Sa ganoong sitwasyon, na ramdaman ko nang parang may mali.
Hanggang sa nag karoon ng Premetanoia for batch genesis. Gusto kong ipaattend si Jannah non dahil baka through that, mag karoon sya ng change life and makapag surrender na sa Lord ng buo at iconfess narin mga gsto nyang iconfess.
Pinuntahan ko sya sa bahay nila pero di pumayag yung tita nya. Nalaman na kasi ng pamilya nya kung anong mga nangyari sa kanila ni boni. Ramdam ko yung galit ng tita nya. Gusto nilang bugbugin si boni at ipakulong. Okay naman kami nung nag usap kami ng tita nya. Nagegets ko kung saan nang gagaling yung galit nya.
Lumipas ang isang linggo, di na kami nakapag life group sa vergon. Nahirapan narin ako starting nung si ate maine ay pumasok na sa eksena. Parang sa lahat ng bida, sya ang bida bida. Para syang parasite na gusto nyang alam nya lahat ng chika sa mundo.
Di pa sya part ng team 12 that time.
Moving forward, nag kakwentuhan na sila ni Jannahgurl kasi si Jannah very open kahit kanino. Kahit di nag tatanong, sasabihin nya sa iba kung anong issue nya sa buhay. Kaso mali sya ng napag sabihan.
Inopen nya kay ate maine yung sa kanilang dalawa ni boni. Tapos ang dami nang nakaalam. And the whole week was very tough for everyone.
Metanoia week na... (balik tayo sa media issue)
Saturday night, after metanoia, pinuntahan ko si pj sa studio. Na miminister ako tuwing nakikinig sa metanoia sessions. and that time sampul ako sa forgiveness na session. Need daw mag patawad kaht di nahingi ng tawad. Maraming ginawang kasalanan si pj sakin. Pag ddisrespect nya at pagiging hambog sa lahat ng parte. Pero kaya yon lunukin, pero yung di ko kaya is yung pag ddisrespect nya sa rules and regulations sa campus pati pagkawalang respeto nya sa mga kuya namin sa kampo. Pero kahit di sya humingi ng tawad, pinapatawad ko na sya. Pero nung pinuntahan ko sya sa studio, to say sorry dahil utos iyon ni dad, ang tigas nya. Parang di sya nag metanoia. Nag request pa sya ng restitution. To be honest, gusto ko syang sabihang patay-gutom that time. Kasi pwede ka naman mag patawad ng di nang hihingi ng kapalit. hahhaaha. Pero baka nangangailangan sya kaya, pumayag na ko.
Sunday, after metanoia and service , nag meeting kaming media. Just to settle the conflict.
That time alam kong luge ako. Si mommy, favourite si ate val and pj pati kuya marzan. Wala akong palag don. Tapos si msloi, sa gitna lang. Kaya alam kong dehado ako. Pero mahal ko silang lahat. Kasama sa conflict yung pag oopen ko kay billy ng mga about kay pj and kay ate maine mga kinaiinisan ko sa mundo. Tapos marami pang issue. Nabanggit rin ni pj na di nya daw ako kinakausap dahil daw baka kung anong masabi nya na mag ttrigger para maremind ako sa treatment sakin ng step-mom ko. At that moment, napaisip ako. Iilan lang naman ang nakakaalam ng about sa step mom ko. Sino nag sabi kay pj? si mommy? si daddy? si msloi? si thalia? or si ate val?
sila lang ang naiisip ko. Pero mas malaking porsyento.... si ate val ang nag sabi. Nag conclude ulit ako na "sabi na pinaguusapan ako ng dalawang to e"
Inabot kami ng gabi. Actually, tinapos nalang ni mommy. Pero alam namin na walang nasettle. Nag sayang lang kami ng oras.
After that meeting, lumabas kami. Treat ko. syempre, restitution daw e.
During kainan, need kong mag panggap na okay ako. Need kong magsalita. Need kong makisama. Baka kasi sabihin nilang labag sakin yung treat ko.
Pero habang nag lalakad kami pauwi, ang daming argument sa utak ko. Maraming question na na retain sakin. Hindi nsolve ng kahit ano or kahit sino ang conflict sa media o sa mga taong nasa loob. Walang naresolve.
Buong linggo kong knompose yung sarili ko.
balik tayo sa case ni boni and jannah. Because of what happened sa kanila, na D.A si boni and tinanggal as j12 coordinator. Pero pinag-stay sya sa team 12 parin. Na naging question ko ulit.
"Ako ba yung mali? Sa case ni boni, bakit di sya tinanggal sa team 12?" well, wala naman akong pake kung nandun sya or wala, ang pinaka-pake ko is nag cocompromised palagi? Alam ko namang sapat na yung mawala sya as coordinator. Pero naging reason lang yon para mawalan sya ng responsibility. So, nag ka idea ako.
Since ayaw naman nila mommy ng output and initiatives ko sa socmed. Siguro pag nag pa D.A ako mawawalan rin ako ng gagawin sa support team. That time kasi nasa social media pa ko e. Tapos lahat ng gawin ko, negative kala mommy na napag dugtong ko sa issue namin sa media. Boni, ate val and pj. The main character of this story. Meron pa before, about naman kay kuya mack (ang dami kong kinakalaban, pansin ko lang.) Nag ccompromised rin sila kay kuya mack kasi sgro mas matagal na si kuya mack tapos lagi sila nililibre. Tas favourite din.
Sa church kasi tatlong klase ng treatment: the favourite, the outcast and the nonchalant.
Balik tayo sa kwento....
Chinat ko si msloi, (that time nasa campus pa ko nag wwork non.) Sabi ko gusto kong mag paD.A sa sobrang dami ko nang mali (including yung treatment ko kay kuya mack). Para madisiplina ako. Nag insist rin ako na tanggalin ako sa team 12. (kahit kakapasok ko palang don). Alam kong because of may commitment of doing the life group and all kaya naipasok ako sa team 12. Pero ang pinaka-nag pa go signal sa kanila para ipasok ako sa team 12 is nung nireport ko kala msloi na may something kala boni and jannah.
I hate promotion kapag alam kong may dehado sa baba. Ayokong maging reason ang pagbagsak ng isa para lang umangat ako. Alam kong di naman yon ang reason nila kung bakit nila ko pinasok sa team 12. Though isa yon sa nabanggit ni msloi, "you are a reliable disciple. You are a life guide na talaga."
Pero you know what's the hardest part? It's nung time na sinabi kong ayoko na po maging part ng team 12 dahil pwede naman ako mag serve kahit walang position. Paulit ulit ko yon sinasabi kala msloi, sigro narindi nalang sila. Alam ko kung paano mairita si msloi. Papatulan ka nya talaga. (pero mahal ko sya at may respect ako sa kanya) ang sabi ni msloi and mseva "si aljane nalang." For me oks lang naman, qualified naman si aljane. Ang sabi ko lang "go po." wala kasi talaga kong pakelam. Gusto ko lang mag serve as normal na tao.
Pero nag papa-D.A ako at nag papademote for the purpose na makapag-isip isip. Kasi kung ako ang mali at sila tama, need kong madisiplina na hindi nila maibigay sakin. Kaya ako na mag dedecide. Kasi kung di nila yon ibibigay sakin, uulitin ko lang ng uulitin. Kasi kung di ko naman pala nagagampanan yung dapat kong gawin, bakit pa ako nandoon. Napapagod ako makisama sa kanilang lahat na iba iba ang objective.
Kinabukasan, nag usap usap kami sa office with dad and mom. Sinabi ni msloi kala mommy yung message ko sa kanya na gsto ko mag paD.A. pinilit nila kong sabihin ang pinaka reason.
Nung una, ayoko pa sabihin. Hanggang sa dumating yung point na pina-amin ako ni mseva. Napunto ni mseva kung nasa management ba daw yung reason kung bakit ako nag kakaganto. Tapos nag speak si mommy "sabihin mo na, sino ba yon?"
Tapos tumingin ako kay mommy, "Ikaw po my."
"ako?"
Kita ko kay mommy yung pag kairita. Alam kong kung di lang sya nakakilala baka nag wala na sya don. Masakit ang katotohanan pero i thought that time, matured si mommy kasi pastora sya. Nung time na yon, dinig ko sa boses nya ang pag kainis.
nag ask sya anong reason and all. Sinabi ko lahat dahil, honest akong tao. Lalo na sa mga nag tatanong. i thought ready si mommy marinig lahat ng knoconfess ko.
Hindi pala.
Imbis na makinig, pumapalag sya. Sinabi ko kay mommy na pabago bago sya ng desisyon. Kaya nung nag meeting kami sa media, yung mga suggestion nya and all, inamin ko rin sa kanya na di ko na pinakikinggan. Wala syang integrity and laging nagccompromised sa mga paborito nyang tao.
Nung time na mejo mainit na ang talakayan namin ni mommy, si daddy na ang nakipag usap sakin.
To be honest, alam kong kakalma ako kay dad though alam ko naman na mga sasabihin nya. Wag kakantiin ang sugo ng Diyos. Mga example nya si moses, david and mga character sa bible na sumunod lang sa kanilang mga master.
Nakikinig lang ako kay dad kasi di naman nya ko tinatanong. At kung tanungin nya man ako, same parin ang sasabihin ko.
Sarado ang tenga ko pero bukas ang isip ko. Bingi ako sa lahat ng sinasabi nila dahil wounded na ko. Patid na patid na ko sa lahat ng compromise nila sa mga tao sa church. Nung una kay ate val, tas kay pj tapos now pati kay boni?
After ng mahabang talakayan, pinag sorry ako ni dad kay mommy. Nag sorry ako. Pero alam kong wala paring nassolve. Hindi massolve ng "patawaran" at "yakapan" ang totoong nangyayari sa kasalukuyan.
A day or two nag message ako kay mommy. Marami akong nasabi sa message ko, including yung sinabi ni ate val sa meeting na "nag pupuyat sila just to send yung need sa service and nila mommy." Then sabi ni mommy that time, sunod daw ako kala ate val and sa mga ginagawa nila para daw isang mind and heart ang gumagana. At marami pang argument sa utak ko non. Above all the argument, ang summary ay "bakit ko sila susundin, e nag wwalk out nga yan. May topak nga yan. inispoil nyo nga lang yan." (pero d ko na to sinabi sa meeting kasi knoconsider ko rin mararamdaman ni ate val, ate ko parin sya. Kaya sa message ko kay mommy, isa sa hinighlight ko... "so need ko po palang mag puyat just to fulfill yung needs nyo po and mga need sa ministry? di ba po napaka unprofessional naman nyan" di ganyan exact na sinabi ko sa message pero ganyan yung thought. Baka mas masakit pa nga. Nasabi ko rin na mataas yung standard nila mommy sa operation kaya di rin maiwan ni pj yung media ops at hindi sya makpag disciple. Dahil walang room for improvement. Gusto perfect agad. Pati yung pag papaalis sakin ni mommy sa bf nung time na may conflict kami ni msloi. naopen ko rin kay mommy. Sobrang open ko non. Sinabi ko lahat sa message. Lahat ng galit, inis at kimkim. Sinabi ko lahat. Aware akong masasaktan ko si mommy sa ginawa at ginagawa ko. Pero wala na 'kong pake. Kailangan nilang maging aware.
Nag sorry si mommy sa lahat ng sakit na naidulot nya sakin through message. Finorgive ko sya. Pero tanda ko parin lahat. Nag sorry din ako kasi alam kong nasasaktan sya sa lahat ng sinasabi ko that time.
Hindi narin ako naattend non sa team 12 meetings dahil sa mga arguments ko. Gusto ko na talaga kumawala.
Until pinatawag ulit ako sa office.
Dahil nakarating kay dad lahat ng message ko kay mommy, This time si dad lang ang kumausap sakin. Hindi ako binigyan ni dad ng chance mag speak, kasi alam nyang puro argument lang ang lalabas sa bibig ko. Pinatawan ako ni dad ng D.A because of what i did kay mommy. Alam kong hinanapan nalang ako ng butas ni dad para lang mafulfill yung kagstuhan ko na ma D.A.
Pinapili nya ko, kung aalis daw ako, wala na kong proteksyon. Lilipat daw ako ng church. Pero kung mag sstay ako, aattend daw ako ng team 12 meeting that sunday. And that moment, gusto ko panndigan yung desisyon ko. Dahil ayun talaga yung alam kong magpapalaya sakin. Pero ayokong saktan si daddy. Kaya that time, nasa kalagitnaan ako ng kalayaan ko o reputasyon ni daddy.
Maraming sinabi si dad about sa proteksyon, sinama nya pati family ko. Wala daw silang proteksyon kapag kumawala ako. Isipin ko daw sila. That time, naisip ko sya as threat.
Kaya pinili ko na mag stay.
Inannounce ni dad sa team ang mga taong under D.A. Si boni, ako and kuya sermart.
During meeting, tinopic ni dad ang about sa levites. Wag daw kakantiin ang levites. (staff, mom and dad, coordinators, ates and kuyas)
Kpag may conflict daw, wag ibababa sa mas nakababa ang issues. dapat daw sa nakatataas. (pnpoint ni dad dito yung pag oopen ko kay billy and thals)
Tas nag raise ako ng hand, "pano po kapag yung nasa taas ang nag kkwento ng nasa taas rin?"
si mseva ang sumagot that time, nag babago daw ang level of authority kapag ganon ang sitwasyon. That time, kasama na namin si ate maine sa team 12. sya naman ang pinapatamaan ko that time. (ang dami kong binabangga diba?) nag ka-idea ako na banggain si mommy because of ate maine. Nag kwento sya sakin ng negative about kay mommy. Na inject sakin yon kaya nag ka-idea ako na pwede naman pala mag open-up kay mommy. Pero it turns out na mali palang mag confess at mag sabi ng totoo. Kasi pag nasaktan sila, D.A ka.
Hanggang sa pati life group ko tinaggal nila. Well okay lang naman. Pero di nila sinalo ng tama. Kaya mejo nakakairita rin. Sabi ni msloi, kaya daw nila. Pero alam kong nasaktan ko rin si msloi. Kasi sya nag suggest na ipasok ako sa team 12 e. At alam kong hanggang ngayon, nasasaktan ko sya. Especially, kahit di na ko D.A , is di parin ako nag wwork sa life groups ko. Ang issue ko naman dito is, yung O.A na limitations for the youth. Nilagay nila ko sa campus pero ayaw nila ng way of approach ko. Mas gsto ko nalang di mag life group kung ganon din naman nag result. Di pa ko pagod. Makakatulog pa ko ng sapat. Until now, marami parin akong ginagawa na against sa kanila.
To summarize,
gusto ko lang na mag karoon kami ng isang salita, for the benefit rin ng church. kung di pwede umakyat sa stage ang di faithful at di consistent sa devo, wag paakyatin. Pag may ginawa, bigyan ng karampatang parusa. Kasi lalong lalala ang church kung laging mag cccompromise. Lalo na kung paulit-ulit.
Pwera nalang kung favourite. Ganon kasi ang Lord sa Israel e.
pero ayon, i'm planning pa what to do next....
only God knows...
0 notes
for-you-jc · 2 months ago
Text
I'm here now, sa paborito kong pwesto sa bahay nyo biii, alam mo mahal naman kita eh pero ito na siguro yung turning point na tama na, ayoko na, pagod na ako. Ang hirap ilaban nung relasyon natin na ako lang yung nakakapit dahil sa mga pinaparamdam mo parang matagal ka nang bumitaw. Ayoko na lang talaga ng maraming sinasabi pa kasi pagod na ako mag explain at sabihin lahat ng hinaing ko sa relasyon natin. Ang toxic na, nasasaktan mo na ako ng di mo nalalaman, akala ko magbabago ka pag binigay at ginawa ko lahat sa relasyon natin pero mali pala ako. Totoo nga yung nabasa ko na habang binubuo kita ako yung nasisira. Ayoko ng ganito, naaawa na ako sa sarili ko na magtiis sa relasyon na meron tayo. Hanggang kailan ganito? Hanggang kailan ko titiisin lahat? Ayoko na. Alam ko sa sarili ko mahihirapan ako maka move on pero iisipin ko na lang lahat ng disrespect na ginawa mo sa akin at sa relasyon natin. Ang dami mong pina feel sa akin na saya pero mas marami ang sakit at lungkot. I'm not mad I'm just done. Tama na hanggang dito na lang siguro talaga kasi pag tinuloy pa 'to mauubos lang tayo pareho. Ayoko na na ganito ako. Wala ka din naman pakealam kaya sige. Okay na to makakaya ko to. Kaya ko na ako lang. Mas magiging masaya ako na ako lang. Ayoko na ng stress, ayoko na malungkot, ayoko na umiyak, ayoko na mafrustrate. Sana pala hindi na lang tayo nagtagpo nung gabing yun. Sana mas maayos ako ngayon, sana hindi apektado yung mental health ko sana mas better person ako ngayon. Pero ganun pa man pasalamat pa rin ako sa halos Isang taon nating relasyon. Madami akong learnings na madadala. Alam kong may mga lapses din ako sa relasyon natin pero alam ko ginawa ko lahat just to keep our relationship, just to keep you. Pero Ikaw tong di nagpahalaga kaya siguro nga it's time to let you go. Tanggapin na lang siguro talaga. Mamimiss kita. I hope hindi na muling magtagpo ang mga landas natin. This will be the last. Bye biii
0 notes
benefits1986 · 5 months ago
Text
Headsarte Draft 001
Ext. Intramuros at Night, Full Moon, Starry Night na mala-Vincent Van Gogh Trippy Mode (Sepia-ish pero may kulay pa rin siyang saks na sapul pa)
1: TMI mo noh? 2: Ikaw rin, TMI. 1: Magaling ako ngayon pero dati hindi. 'Yung gusto ko nga na school, 'di ako nakapasa e. Pero ngayon, eto na ako. 1: Aywaw. Bebentahan mo ba ako ng insurance or lupa? Maka-profile ng sarili mo, akala mo may final interview ka diyan. 2: Ay, hindi kita bebentahan. Sinasabi ko lang sa'yo. 1: 'Di rin kita bibilhan if ever. Mayaman ka na e. 2: Kelangan pang mas mag-hustle forda future family. 1: May ganun? Ayaw talagang bumitaw. Bakit ba gusto mong mag-family? 'Di ka ba mahal ng mama mo? Question 'yan a. 'Di ako nangaasar. 2: Favorite ako ng mga pamangkin ko. Saka gusto kong may kasama sa buhay. Pero alam mo ba? May nangyari sa family ko? 1: Ano 'yan? Pang-MMK? 2: Nung burol ng erpat ko, may bumisita. 'Di pala kami only family. Nalaman lang namin nung wala na si papa. 1: Jusko, dhzai. Ano ba 'yan? Naka move on ka naman na? 2: Oo naman. Para kay mama. 1: Ang lala mo. So, ikaw, loyal ka ba? 2: Oo naman. Ikaw ba? 1: Wow. Confident ka talaga noh? When last relationship mo? Ako sobrang tagal na. 2: More than 3 years ago. 1: Hindi ka serial monogamist? 2: Ano 'yun? 1: Hayyy. Bakit 'di mo alam 'yun? 2: Joke lang. Alam ko 'yun. Akala mo naman ikaw lang maraming alam. Hindi ako serial monogamist. Ilan pa lang naging jowa ko. Ikaw? 1: Ah. Onti lang din. 2: Weh? 1: O, e 'di bahala ka. Mas marunong ka pa sa akin. Nakipag-live in pa nga ako e. Hahahaha. Giba 'di ba? Matagal-tagal din 'yun pero olats din ending.
2: Bakit 'di kasal? Bakit live in? 1: Wala naman sa kasal 'yan or 'di kasal e. 2: Iba pa rin 'pag may papel lalo 'pag may mga bata. 1: Wawawawiiii. Purist? 2: 'Di naman. Dun lang tayo sa malinis at walang mintis. 1: Scarrie Bradshaw na ba me? LOL. ULOL. 2: May TOTGA ka? 1: What the fuck is that question? 2: 'Di mo alam 'yung TOTGA? 1: Alam ko. Syempre meron, matanda na ako. Pero pinili ko kasi magalaga ng nanay ko. Ayun muna inuna ko para full gear na, full force pa. 'Di ko mag-sabay ng dalawang major-major tasks sa life e. EME. 2: Ako rin meron. 1: Namiss mo TOTGA mo right now? 2: Hindi. Tapos na 'yun. Matanda na rin ako e. 1: Alam mo, tumigil ka na. Mga tanong mo noh, nakakainis. 2: Ayaw mo nga ng kids? Seryoso? 1: 'Di ko ayaw. Pagod na pagod lang akong mag-alaga ng mga tao sa mundong ibabaw. 'Yun lang talaga. 2: Ako, sakitin ako saka hypochondriac ako, pero, sinusugod ko sarili ko sa ER. Independent ako e. Saka may isang health issue ako na 'di maexplain ng mga doctors pero wala akong maint. Galing ko noh? 1: Makalapag ng red flag, wagas. Ayus. Salamat na lang. God bless. Kaya mo na sarili mo. Independent ka nga kasi, 'di ba? Tapos gusto mo ng kids noh? Iba rin. 2: Alam ko kasing kaya ko saka gusto ko talaga pero puwede namang wala. Depende sa usapan 'yan. 1: May negotiable contracts eme nalalaman? Baka nanguuto ka lang. 2: Bakit? Magpapauto ka ba? 1: Bakit ako? Magahanap ka ng bata as in bata na pak. Mas marketable ka ngayon because the vibe is giving daddy vibes all over. Mabenta ka sa market na alam na this. Kahit maka-limang anak ka pa. Puwedeng-puwede.
2: Huy. Gusto ko mature e. Pang mature roles. 1: Hayup ka. Kaka-Vivamax mo 'yan. 2: Ano 'yung Vivamax? 1: 'Di ba magaling ka? 2: Ano nga 'yung Vivamax? 1: Alam mo 'yung Tiktik saka Abante Tonight na may komiks section? 2: Inquirer lang meron sa bahay naman saka Panorama. 1: Hay. Jusko. 'Wag ako. Kadire reference. 2: Batang 90s. Born in the 80s tayo. Gets na gets mo nga e. 1: I hate you. Umiinit ulo ko sa'yo. Kanina ka pa. 2: 'Di halata sa'yo. Daldal mo e. 1: Ah, madaldal talaga ako kahit kanino. 'Wag kang feeling. Ikaw? Wala kang makausap? Socially awkward ka ba kaya ka ganyan? 2: Hindi naman. Mapili lang sa kausap. Sayang oras e. 1: Eto, sayang oras 'to. 2: Hindi naman sa tingin ko.
1: So, LS? Why or why not? 2: Depende sa'yo yan. Ano bang gusto mo? 1: Worth it ba sa estado ng justice system sa bansang patuloy nating pinipili in pink with blazing blue? 2: 'Di ko alam sagot diyan. Everything is subjective e. 1: Deep 'yan? 'Di nga? 2: Oks naman LS pero depende 'yan sa gusto mong ma-achieve saka dun sa gusto mong school, 'wag ka na dun kasi 'yung board member dun ay si ___. 1: True. Kadire talaga. As in. Ikaw anong plano mo? 2: Etong bagong program. Check ko lang sched. 1: Bakit 'yan gusto mo? In fairness, ganda ng track. 2: Para yumaman. 1: Mayaman ka na e. 2: Mas mayaman pa. 1: Wow. Future-proofing. Hahaha. Boogsh.
2: In fairness sa'yo. Sarap mo kausap. 1: Masarap talaga akong kausap. Basic. LOL. Kasi gago akong kausap always. 2: Ako rin, masarap... kausap. Saka magaling ako. 1: Aigoooo. Makabuhat ng bangko niya o. Sino ka diyan. 2: Try mo. 1: 'Di ka mayabang pero maangas ka. Alam mo 'yun? 2: 'Di ko sure e. Ikaw na bahala mag-judge. 1: Maka-tanong lang din ano po? Parang audit. 2: Audit ba? Basic. 1: Lekat pulikat ka. Straight ka ba talaga? 2: Oo naman. 1: Sure? Ang daldal mo e. 2: Oo nga. Ikaw, 'di ka ba talaga straight? 1: Hindi. Not ever. 2: Fluid? Yes. Wala namang mali sa fluid. Basic. Gusto ko 'yan. 1: Gago. Thanks! Next.
0 notes
pattyaniceto13 · 5 months ago
Text
Hindi ako masaya sa ginawa ko. Yun ang pinakamasakit na nagawa ko to the point nanlalambot mga buto ko at nanghihina ako nung ginawa ko yun.
Pero yun yung last option para maka move forward na ko. Pinagpasalamat ko kay Lord na may nakilala ako na tulad niya. Pero gusto ko na siyang kalimutan.
Sana maging successful siya sa buhay. Proud pa rin ako sa kanya. Siya ang favorite ko sa lahat ng nakilala ko. Perooooo, priority ko na rin talaga ang lumayo.
Ngayon, sarili ko naman uunahin ko. Baka kung inumpisahan ko to nung Aug. 2022 edi sana okay na okay na ako. Hahaha.
Kung maiirita man siya wala akong magagawa. Pero sana maintindihan niya na gusto ko na maging masaya. Nalulungkot ako pag ramdam ko presensya niya tapos hanggang dun lang.
Alam kong wala naman siyang pake sakin. Kaya baka okay na lang din. Sa part ko, nahihirapan ako kaya nagdecide na akong lumayo.
Please lord, gabayan niyo siya. kahit medyo alanganin yung paniniwala niya sa inyo, wag niyo siya pababayaan. Gusto ko samahan niyo po siya matupad mga pangarap niya. Kahit alam kong di ko na makikita pero magiging masaya po ako kung mangyayari po lahat yon. Mamimiss ko siya Lord. Ikaw na po bahala sa kanya.
Ganun din po ako. Hehe. Saka po tulungan niyo po ako magheal. Na mas piliin at mahalin ko muna ang sarili ko. Gusto ko na rin mameet yung taong para sakin pero gusto ko po galing sa inyo. Maghihintay po ako Lord. Hehe.
Thank you pooo
0 notes
unoptimisticbunny · 8 months ago
Text
Wala kang karapatang sabihin saking paulit ulit ako dahil ikaw ang paulit ulit nanloko sakin noon.
Oo, babalik tayo sa panloloko mo. Kasi hanggang ngayon hindi mo matatak sa kokote mo kung gaano kalake ang epekto sakin non hanggang ngayon.
Tangina, Isa't kalahating taon mo kong niloloko tapos gusto mo pag pinatawad kita, ok na ako agad? Ano ako robot? May reset button? Tangina mo!
And you had the audacity to tell me how "frustrating" it is that I'm very sensitive and how I pressure you on updating me. When in fact, that's the VERY EXACT REASON why I'm traumatized.
I told you my biggest pain growing up. But that didn't stop you from making me experience it all over again.
Tapos sasabihin mo sakin hindi ka defensive? Umamin ka na noon na mali ginawa mo. Tapos mahapyawan lang sa usapan yung issue sasabihin mo na "Kaya ko ginawa yon kasi nagpakasaya na lang ako kesa magmukmok sa tabi"
Tanga lang ang hindi makakaintindi na pagiging defensive yon.
Pag nag-share ako ng sentiments ko about how some things trigger me; make ma overthink; make my heart drop to the floor; the only topic is how I'm feeling. How it made me feel. NOTHING MORE.
If something like that triggers something in you, let's say, makes you want to explain yourself, HOLD IT. You'll get your time. 'Cause I opened up something so I can let it out and be understood. Be seen.
I didn't open up for you to defend yourself and make it all about you. Hindi ito tungkol sayo. INTINDI MO?
Kung napakababa ng emotional intelligence mo, narcissist ka pa, hindi ko na problema yon. Kung gusto mo hindi maging toxic ang relasyon, baguhin mo rin ang sarili mo!!
Wag mo mabalik sakin na baguhin ko din sarili ko kasi putang ina ginagawa ko lahat ng kaya ko. Mahirap lang talagang maka move-on sa isang taong mahigit mong panloloko sakin. Tangina ka.
Ilang taon pa ang kelangan ko para maka move on at hindi to matatapos KUNG HINDI MO KO PAPABAYAAN MAGLABAS NG SAMA NG LOOB at HINDI MO AAKUIN MGA KASALANAN MO.
I'm done being nice. Kung gusto mo manatili sa buhay ko mag-grow ka. Hindi yung puro ako na lang iintindi sayo leche ka.
0 notes
sopasiology3000 · 8 months ago
Text
Kamusta?
Tumblr media
Kamusta kayo?
May mga asawa't anak na ba kayo?
Lumaki na din ba ang bilbil niyo?
Doble na din ba ang baba nyo?
Oo, tinatanong ko kung tumaba na din ba kayo?
Ilang taon na rin ang lumipas, mga kulay ng mundo ay kumupas. la la la la.. la la la.. la la la la la.....
Sino ba naman ang makakahula sa mga pagbabago sa buhay natin pagkalipas ng mahabang panahon. Sumasakit na din ba likod mo? Corny na madinig na matanda ka na 'no? Kung iisipin mo ay intro palang yung noon na akala mo tumatanda ka na, at eto palang ngayon ang talagang totoong panahon na masasabi mo na tumatanda ka na. Kasi nga matanda ka na talaga. Kung baga ay pwede mong isipin na tapos na yung 14 day trial period at ngayon nagbabayad ka na kaya need mo na maging responsable sa pag gamit ng kung ano man yung ginusto mo para sa buhay mo.
Lagi natin namimiss yung noon kapag may mga pinagdadaanan tayo. Yung noon na masaya, walang problema o ano man whatevak na naiisip mo para mas maging malungkot ka ngayon. Pero kung iisipin mo, nalagpasan mo lang yung mga hirap noon kaya parang sisiw na sayo ang mga pinagdaanan mo at mas gugustuhin mo ulitin yung mga problema mo dati kesa ngayon kasi alam mo na yung solusyon. Dinadaya mo lang ang utak mo para maging malungkot ka na naman. Ilang "noon" ba ang tinype ko diyan? Hindi pa din naman ako nagbabago, ganoon pa din ako magtype. Hindi naman ako nag-enroll sa writing course o ano man.
Hindi ka pa din ba maka-move on sa mga masasayang ala-ala mo?
Itutuloy..(next year)
0 notes
history-of-heidi · 9 months ago
Text
两 O2 ៚ BACLARAN SHOPPING GALAAN
Tumblr media Tumblr media
𒀭 ! history-of-heidi.blogspot.com ❱❭❱❭ 📰
“BACK TO SCHOOL NA NAMAN !” 𖤐 ⤸
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
‽‽ PREMiER ば ❱❭❱❭ GRADE 11 STORY !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Hello po! Alejandro Heidi Fortescue nga pala. Mataas tumalon, bente ang baon. Ako ay naniniwala sa kasabihan na kung kasalanan ang pagiging magandang lalaki, sana mapatawad niyo akong lahat. So, basically, this blog is just all about myself or rather me stating the most unnecessary things ever. This is a day in my life as a living handsome creature. Today is the last day of our vacation, simula bukas, back to school na naman. I will finally enter and face my last year in Senior High School. I’m in Grade 12 taking Humanities and Social Sciences as my strand. My first year sa Senior High ay sobrang nakaka-culture shock dahil bukod sa bago lang ako sa university na ito dahil kakalipat nga lang namin dito since walang Senior High sa pinasukan naming eskuwelahan noong Junior High kami, sobrang daming activities, new subjects at events na talaga nga namang nakakapanghina at nakakapagod. Pero, ayos lang. Naka-survive na rin naman ang pogi sa paghihirap noong nakaraang taon. Naging masaya ang school year ko dahil na rin sa iba’t ibang experiences na naranasan ko, isa sa mga activity na ginawa namin noon ay ‘yong human chess at aerobics sa Physical Education na akala mo lalaban sa national dance contest sa TV sa sobrang grabe makapanakit ng mga hita tuwing kinabukasan pagkatapos ng practice, short film sa Physical Science at debate sa Disciplines and Ideas in Social Sciences, impromptu speech sa Oral Communication at syempre ‘yong canvas art activity sa Contemporary Arts in the Philippines na nakapagpa-dalawang isip sa akin na baka fine arts talaga ang calling ko. Kemerut! Marami pang ibang activities and events na sobrang laki ng naitulong sa akin na ma-figure out ang mga kaya at gusto kong gawin. It helped me to enhanced my skills in editing, painting, dancing, public speaking including leadership skills and more. Oh ‘di ba? Daig pa K-pop idol sa pagiging all-rounder at ace of the group member.
‽‽ SECONDE ば ❱❭❱❭ FIT DRIP CHECK !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Anyways, this blog is not just all about kwentuhan at pagre-reminisce sa nakaraan, sabi nga ni Kathryn Bernardo, “no looking back, only moving forward”, dahil kailangan ko na talagang kumilos at magpunta sa Baclaran para mamili ng mga kagamitan sa eskuwelahan. Kabog ang outfit ng accla ngayon dahil lakas maka-pogi vibes na akala mo maglalakad-lakad lang sa mall pero parang binili isang buong tindahan sa Baclaran sa dami ng pamimilihin mamaya. Nakasuot ako ng black shirt na pinatungan ko ng checkered polo na may style na parang tastas ang laylayan, nabili ko lang ito sa halagang singkwenta pesos noong Christmas sale sa may ukay-ukay diyan sa may Silang, Cavite, hindi ko alam kung style ba ito ng damit pero syempre, pogi ang nagsuot kaya hindi mo maiisip na sira-sira ito o ano. Tinernuhan ko lang ng dirty white colored na pants at itim na sapatos na nabili ko naman sa Shopee noong birthday ko. Syempre hindi pa rin ako nagpaawat at nagsuot din ng kwintas para medyo nakaka-slay ang datingan natin ngayon. At dahil gusto na ring gumala bago magpasukan dahil mawawalan na naman kami ng oras at mga libreng araw para lumabas at gumala dahil sa mga sunod-sunod na activities sa school at magiging abala na rin ang mga magulang ko sa kanilang negosyo, kasama kong aalis ang buong pamilya ko na hanggang ngayon ay nagsisigawan dahil hindi magkasundo sa mga susuoting damit at panay sabi ng bilisan na pagkilos dahil daw tanghali na kahit ala singko pa lang ng madaling araw at baka raw anong oras na kami makarating sa pupuntahan, bigla pang nag-away itong kambal dahil sa power bank at earpods, talaga nga namang nag-inarte pa ang isa at sinabing hindi na ito sasama. Agad ko na lang din pinagsabihan ang dalawa at baka mawala pa sa mood ang nanay at hindi na ituloy itong pag-alis namin. Nasa labas na silang lahat habang ako naman ay ang nautusang i-check ang buong bahay kung wala bang naiwang nakasaksak na appliances, bukas na gasul o bukas na binta at naiwang sinampay sa labas pati na rin ang mga gripo sa lababo at mga banyo ay hindi ko na rin pinalampas. Matapos ko masiguradong sarado at maayos na ang lahat ay kinandado ko na rin ang aming bahay at itinago ang susi sa aking bag.
‽‽ TERCiO ば ❱❭❱❭ SCHOOL SUPPLIES !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Halos dalawang oras din ang byahe papuntang Baclaran, sakay kami ng secondhand na van na minamaneho ng amain ko na nabili namin sa kapatid ni nanay sa presyong kapatid lamang. Anong oras na rin kami nakarating at bago kami magpatuloy sa agenda naming ngayong araw ay dumaan muna kami sa Baclaran Church dahil gusto munang magdasal at magpasalamat sa Kaniya nila mama at papa. Pagkatapos ay talagang humirit na si Hadley na nagugutom na raw ito dahil hindi na nakapag-umagahan kanina dahil ubos na sa oras sa sobrang dami ba namang seremonyas sa katawan. Napagdesisiyunan ng pamilya na sa Mang Inasal na lamang kumain. Pagkatapos malamanan ang aming mga tiyan ay sa wakas, mamimili na rin kami. Ang pinaka pinunta namin dito, at dahil nga nandito kami para mamili ng mga kagamitan, gumawa ako ng listahan ng bibilhin na mas mahaba pa sa pasensya ng nanay ko para hindi masayang ang pinunta naming dito sa Baclaran at para wala rin kaming makalimutan. Nakabili kami ng mga notebook, filler notebook, big notebook, small notebook, mini-notebook, at iba pang klase ng notebook sa Baclaran. Nagpabili na rin ako ng tatlong ream ng A4 sized bond paper dahil sobrang batak magpa-activity ng school namin at gusto laging naka-print sa A4 size. Marami pa kaming pinamili tulad ng ballpen, lapis, intermediate paper, yellow paper, highlighters, art materials at marami pang iba. Binilhan na rin kami nila mama ng mga bag na gagamitin namin sa pagpasok, habang nagpabili naman ako kay papa ng bagong underwear dahil hindi na nakaka-slay ang itsura ng garter ng mga underwear ko. Bukod doon, namili na rin si mama ng iba pang mga kagamitan para sa bahay lalo na para sa kaniyang kusina, nagtungo naman sa hardware ang papa ko para tumingin ng kung anong pwedeng bilhin para sa kaniyang tools. Habang kaming magkakapatid ay naghanap ng mabibilhan ng makeup and cosmetics product. Yes, tatlo kaming magkakapatid na palong-palo tuwing in game sa ganda-gandahan at porma-pormahan. Matapos magwaladas ng pera para sa pantakip ng blemishes ko sa mukha ay hinintay na lang namin ni Hadley na matapos si Harley sa pamimili at saka nagkayayaan na kumain ng ice cream sa nakita naming ice cream store.
‽‽ QUATRO ば ❱❭❱❭ SM MALL OF ASIA !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Nang makabalik ang aming mga magulang ay bumalik na kami sa sasakyan para ilagay sa likod ng van ang aming mga pinamili at dahil good mood si mama sa mga oras na iyon dahil nakapag-withdraw ito ng pera sa may ATM machine kanina ay pumayag siyang dumiretso sa SM Mall of Asia at magpalipas ng buong araw. Wala pang isa’t kalahating oras ay nakarating kami roon at nagsimula na maglabas ng mga phone at mag-picture sa kung saan man namin makita na magandang background. Kumain ulit kami kahit hapon pa lamang, nagkasundo na rin kaming lima na iyon na rin ang magiging dinner namin para hindi na kami gagastos ulit mamaya. Naisipan naming mag-stay sa may seaside. Sumakay din kami ng mga rides gaya ng Pirate Ship, Drop Tower at MOA Eye. Lahat naman kaming magkakapatid ay walang takot at matibay ang sikmura sa mga ganitong klase ng rides kaya enjoy na enjoy naming tatlo ang mga rides doon. Hindi rin matapos-tapos ang pagkuha ng mga litrato na siguradong ipo-post namin mamaya sa mga kaniya-kaniya naming social media accounts, picture dito, picture doon. Akala mo hindi na ulit makakabalik dito eh. Pagkatapos ng mini-photoshoot namin ay bumili muna kami ng drinks at shake para sa amin at para sa mga magulang namin saka kami bumalik sa pwesto nila mama at papa na nasa may open space kung saan pwede maupo or mag-picnic. Nagpalipas lang kami ng kaunting oras bago nag-asikaso magligpit at mag-ayos ng mga sarili namin para maghanda ulit na gumayak pauwi. Nakatulog na ang kambal sa byahe samantalang ako ay nakikinig sa music gamit ang headphones ko habang nag-a-update sa group chat naming magkakaklase lalo na’t wala pang bagong set of class officers, ako pa rin ang tumatayong presidente sa klase at maayos ko silang binigyan ng instructions kung nasaan ang magiging classroom namin pati na rin ang schedule ng aming orientation bukas. Pagkauwi na pagkauwi sa bahay ay inayos ko na agad ang mga pinamili, tinulungan din naman ako ng mga kapatid ko lalo na’t nasa mga pinamili rin namin ang kanilang kagamitan sa eskuwela. Matapos maayos ang mga pinamili ay nag-ayos na rin ako ng aking sarili para makapaghanda sa pagtulog, inayos ko ang mga gamit na dadalhin at gagamitin ko para bukas sa orientation at saka nahiga sa aking kama. Syempre hindi muna ako natulog at nag-ayos muna ng mga litrato na kinuha namin kanina at nag-post sa Instagram, nag-add ako ng music na Manila by Young Cocoa at saka isa-isang nakatanggap ng notifications galing sa mga mutuals ko sa nasabing social media platform. Anyways, dito na matatapos ang kasing haba ng position paper kong blog, magpapa-antok na lamang ako sa panonood sa TikTok. See you soon! This is your Humanista Heidi! ♡
Lagi’t lagi, para sa bayan,
F., ALEJANDRO HEIDI 🎭
0 notes
dayarikoo · 9 months ago
Text
sya ba? kaya pala? nakakapag overthink ka na naman eh, kung ano ano na naman naiisip ko, andaya mo talaga 🥹 kailan kaya ako titigil at matatauhan, ito na naman ako nagpapaka martir sa love ko sayo, wala nalang ata ako eh, ambilis mo naman mag move on, ganun ganun nalang ba yun? gusto ko mandin gumanti, gusto kita saktan kase parang okay na okay ka andaya mo,gusto ko maramdaman mo din yung sakit na nararamdaman ko para sa quits sana tayo, kaso mabait ako at love kita kaya hindi, naiiwan akong mag isa, heto hindi pa din maka move on, at naghihintay at umaasa na tayo pa din sa huli.
3/1724
0 notes
queenof-narnia-blog · 1 year ago
Text
Dec 31, 2024
Its 15mins before 2024 here by. Mahal na mahal kita ng sobra. Pero pag patak ng 12am.. I'll completely leave all the pain, memories and you in 2023. I will really try my hardest to forget you. All it takes to end everything is just one mistake. Kahit mahirap sa akin tangapin yung past mo. I tried to accept everything. Pero ngayon, present natin to. Iba na e kasi tinanggap kita ng buo despite of your past kasi mas madali yun tanggapin kasi nga di pa ako nag eexist sa buhay mo nun. But this time its different. Almost 7years together. I was truly happy pero ngayon palagi nlg ako malungkot. Na trauma ako as in super trauma. Kahit yung libangan ko na ML di ako maka focus kasi naiisip ko pa din. Kahit anong pang ddistract ginagawa ko. Nasa isip ko pa din. Hindi na siya healthy. Kaya, I'll move forward. I will no longer hold on to our relationship. Sana ma realize mo na bago kita iniwan at bago ako sumuko. Lumaban ako e. Lumaban ako kahit ayaw mo pag usapan pinipilit ko kasi kako baka makatulong sa akin yun para maintindihan ka. Kaso ayaw mo nga pag usapan at lagi kang galit. Kaya wala na ko magagawa. Ingatan mo nlg sarili mo ha. I'm always here. You will always have a place in my heart. Siguro di na tulad ng dati pero mamahalin pa din kita kahit hindi na tayo. Iloveyousomuch. Mahal na mahal kita, my love, my baby.
0 notes