#gam/inet
Explore tagged Tumblr posts
Text
Mpreg Gaming x Freminet
Summer is hot so remember to stay hydrated and don’t put yourself in danger !
Freminet is overheating because he was a little careless, luckily, he has a caring bf for him !
Enjoy ^^
14 notes
·
View notes
Text
Para sa mga iPhone users.
Hindi ako iphone user before, since asa lang ako sa magulang ko dati, simpleng android phone lang okay na. Yung first phone na nabili ko with my first salary, Star mobile na android phone pa, tapos cherry mobile na Flare series. Hindi rin ako fan ng samsung kahit keri naman ng budget kasi napapangitan ako sa camera niya. Hindi pa ako fan ng iphone noon kasi feeling ko ang hirap niya gamitin, nakakatanga ba ganon. E may mga barkada ako na naka iPhone, ang pinaka latest palang nun iPhone 5s. Nagandahan ako sa camera niya kasi ang ganda ng lighting tsaka malinaw, gusto ko rin yung medyo grainy effect niya. Pag nagseselfie kami noon, laging kung sino may iphone yun ang gagamitin itchapwera lagi yung android kahit naka samsung note something ka pa haha.
So nung saktong nasira yung phone ko, binigay naman sakin ng tito ko yung iPhone 4s niya. So first time ko natry mag iphone, 2015. Simula nun, mas gusto ko na gumamit ng ios. Pati yung barkada ko nung college unti unti narin nagsipag shift sa iPhone, kakarelease lang nun iPhone 6, 6s at SE. Kahit outdated na yung gamit kong iphone nun, mas okay parin para sakin ang IOS kesa android. Kasi mas organized siya at maganda yung UI niya. For me lang ha. Tapos year 2017 yung ex ko nag gift sa akin ng iPhone SE. Then now, I got iPhone XS Max thru globe plan last year. Walang cash out kasi yung sim na gamit ko galing sa plan ng tita ko nung naka SE pa ako. Wala kasi kaming wifi that time so kung magastos sa load kinuha ko nalang yung sim na nakaplan, ganun din naman e. Tsaka para daw pag nagrenew pwede na ako kumuha ng device, pero syempre kasama sa monthy yung installment ng phone.
Kahit di ko naexperience gamitin lahat ng model ng iPhone, we all know na ang iPhone mas mabilis mag drain ang battery health. Lalopag gamer ka, kailangan mo lagi ng powerbank. Kaya gusto ko i-share yung mga alam kong ways para ma-maintain yung battery health ng iphone natin. Before mag start yung ECQ 97% pa yung battery health ko. Pero ngayon since maghapon magdamag nalang nakatutok sa phone, 91% nalang siya *sad face*
So here are some tips based sa kung ano ginagawa ko:
First, lagi akong naka Darkmode. Bukod sa masakit sa mata yung liwanag ng iphone kahit naka baba na brightness niya mas nakaka save daw ng energy at battery life yun. Kung naka full na mababa na yung brightness, pwede mo pa mas pababaan yung liwanag niyan. Settings>Accessibility>Display&Text then toggle off mo yung Reduce White Point. Kung gusto mo mas madilim pa.
Notifications. Naka on lang sakin yung kung anong apps lagi kong gamit. Lahat especially yung mga Games, Grab, Foodpanda, Shopee or Lazada laging naka off.
Location Services. Lagi lang din naka set sa “while using” lahat.
Airplane Mode. Tuwing naka charge ako, naka airplane mode ako. Off yung data, bluetooth at wifi para mas madaling mag charge.
Don’t use fake charger. Never. Eto mistake ko sa SE ko e. Ginamitan ko ng mumurahing charger. Mas nadrain niya lang yung battery life ko. Naranasan niyo na ba yung nagcharge kayo pero pabawas? Haha. Check niyo yung charger niyo, baka peke yan.
Avoid fast charging and wireless or yung ibang adapdor . Sinabi lang din to ng friend ko sakin. Pwede ka rin naman daw gumamit ng fast charger pero wag lagi. Tsaka dapat original apple product. Mabagal talaga mag charge yung normal na 5w ng apple charger noh? pero okay lang daw yun, basta,
Wag mo na paabutin ng 20%. Lalong wag mo siya ididrain lagi. Isa kasi yan sa nakakababa ng performance ng battery life. Ako chinacharge ko na siya pag 40%-50% nalang. Mas mabilis pa mapuno agad tapos naka airplane mode ka pa.
Don’t charge your phone kapag mainit. Mas babagal lang yung charging process niya. Feeling ko yan din madaling maka drain, nai-stress yung battery sa inet. Kaya mas okay kung palamigin mo muna, tanggalin mo yung case, ilagay mo sa well ventilated place, ako pag mainet tinututok ko sa electric fan, lalo ngayon summer madali rin sila uminit lalo pag lagi mo gamit.
Overnight Charging. Sabi nila nakakasira ng phone yung pag ccharge ng overnight. I think for iPhone safe naman siya, again, basta nasa well-ventilated place siya. Wag mo tabunan ng unan mo para di mag over heat kung sakali. Tsaka pag full charge na siya, tumitigil naman yung charging process niya. Kaya ako pag gising cellphone ko talaga agad una kong chinicheck, para ma-unplug ko na din.
Low Power Mode. Dati nung naka SE pa ako, lagi ko siyang ini-enable. Pero ngayon before pa ako mag switch sa xs max, ginagamit ko nalang siya kapag nasa labas ako tapos lowbatt na talaga. Kumbaga kapag kailangan lang.
Clear All Apps. Siguro kaya di ‘to nilalagay ng apple, kasi madalas ko to mapanuod sa mga iphone reviews, di ko lang sure kung dito nagtetake effect yung background app refresh, pero pag clinose mo kasi yung app, tapos open mo na naman, another consumption na naman ng battery energy yun tsaka yung pag gawa ng folder same din sa energy consumption yun. Kaya di ako gumawa ng folders ng mga apps na lagi kong ginagamit. Nakafolder lang sakin yung mga bihira ko lang talaga buksan.
So ayun lang. Haba na. Haha marami pang iba, pero yan lang yung mga madalas kong gawin na tingin ko importante para ma-maintain mo in good condition yung battery life ng iphone mo. Yung sakin good pa naman pero tingin ko nanganganib na din kasi minsan di ko rin matiis na hindi gamitin kapag naka charge haha.
31 notes
·
View notes