#forlgbt
Explore tagged Tumblr posts
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
2 notes · View notes
nathanielvillaviray-blog · 8 years ago
Text
SINO NGA BA SILA?
Mula sa paglalakad, pagsasalita at kasuotan, pinapatunayan nito na iba sila sa iyong mga nakakasama. Iba sila sa iyong kilalang mga dalaga. Talagang iba sila sa karawaniwan mong nakikita.
Pero bukod sa pagiging masayahin? Maingay? may mapipilantik na mga kamay? Sila nga ba ay kilala mong tunay? Malamang hindi, dahil sigurado ako na mas pinili mong manaig sa iyong isipan ang mga masasakit na salita na sa kanila ay binibitawan!
Bakla! Bakla! Bakla! Mga salitang sa umaga nila ay bumubungad. Mga salitang nagpamanhid na sa kanilang mga sakit na nararamdaman! Pero bakit nga ba napakalaking bagay sa mundong to ang pagiging kakaiba nila?! Bakit nga ba napakaraming mata na pumupuna sa bawat galaw na pinapakita nila? Bakit nga ba napakaraming mapanghusgang bunganga na putak ng putak sa mga istilo ng pananamit nila? Pero bakit nga ba? parang bumalik yung tanong sa aking isipan. Bakit ko pa nga ba tinatanong yung mga bagay na yan. Eh kinasanayan na naman yan ng magulong mundo na ating kinalakihan.
Pero sa kabila ng panunukso may gabi na hinahandog sa kanila. May gabi na sila naman ang tinitingala. Ito ang gabi na masasabi nating kahit papaano ay natatanggap sila. Sa bawat pagrampa sa mataas na entablado. Bakas sa mga hita ang mga pasa na dulot ng mga ama nilang lasinggero. Sa bawat ngiti ng mapangakit at mapupula nilang labi bakas sa kanilang mga mata ang lungkot at pighati. Sa bawat pagbitaw ng mga salitang inyong ikinakasaya may halong takot na baka andun ang kanilang ama.
Kailan kaya? Kailan kaya? tanong nila na may lungkot na di maikakaila. Kailan kaya ang panahon na mamahalin sila? Kailan kaya sila matatanggap ng kanilang ama’t ina? Kailan kaya sila mabubuhay ng walang pumupuna? Siguro paghindi na simbabaw ng basong babaran lang ng pustiso ang tingin sa kanila. Siguro pag dumating yung panahon na iba na. Pag dumating na yung panahon na hindi na nila kinakailangang yumuko sa iba. Yung panahon na wala nang alinlangan ang pakikisalamuha sa kanila. Yung panahon na maluwag nilang naipapakita ang tunay na sila. Siguro yung panahon na hindi na kakaiba yung tingin sa ka-ni-la, kundi KA-I-SA.
0 notes
thieudamdang-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media
regram @slimdii 17/5 Ngày quốc tế chống kì thị đồng tính và chuyển giới #IDAHOT ------- International Day Against Homophobia & Transphobia ✨ ----- #forLGBT #pride #IDAHOT2015
1 note · View note
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes
an-unanonymous-messenger · 5 months ago
Text
0 notes