#first si Tao now it's ampalaya
Explore tagged Tumblr posts
gierosajie Β· 1 year ago
Text
What's the bitter taste of freedom? Ampalaya
1 note Β· View note
bellathought Β· 5 years ago
Text
πŸ’šThe One I Prayed for and The One Who Came πŸ’š
*Note: long post ahead*
Simula nung nagkameron ako ng personal relationship kay Lord, I started to have my "not so specific" standards sa magiging partner ko in the future. But then as years passed, I stop thinking about those standards kase honestly I thought I'm not deserving to ask for that anymore. I'm not expecting it, not even hopeful about it. But then, it came. On the most unexpected time.
Before, I asked and prayed to God na sana I will have a partner na first and foremost, may personal relationship din sa Kanya, family oriented, matured, matangkad, chubby at malakas ang sense of humor kase sobrang seryoso kong tao. Now, I only asked and prayed for someone who will accept me as who I am. But then, he came together with all the standards that I prayed before (except sa matangkad. Hahaha. Pero mas matangkad pa din naman sakin ng konti. A/N: Wag i-deny at tunay. Hahaha)
Hindi ko alam kung anong ginawa kong maganda to be this blessed to have someone like him:
SOBRANG LAKAS NG SENSE OF HUMOR Kahit pikon na ako, asar na asar na at halos kumulo na yung dugo ko, wala na pag nag-joke na at pag kumanta na, hindi ko na mapigilang tumawa. Sobrang benta lagi ng jokes, minsan nga boses pa lang napapatawa na agad ako. Ramdam din niya pag wala ako sa mood, masama pakiramdam ko or pag malungkot ako. Imagine having someone around na sensitive sa nararamdaman mo at willing na mapasaya ka.
Tumblr media Tumblr media
MASIPAG MAGTRABAHO Minsan sa sobrang sipag niya, kahit ako eh napapagod sa ginagawa niyang pagtatrabaho eh. Nanghihiyang lagi sa mga sideline na pwede pa niyang gawin after ng trabaho niya. Nakakatuwa syempre kase alam niya ang importansya ng work at mahal niya yung trabaho niya. Pero honestly minsan nagwoworry na ako kase sobrang pagod na ng katawan niya. May times na hindi ko alam kung nakakatulog pa ba 'to nang maayos lalo na pag nasa office, but despite of that, he's still able to make time para makatawag sakin (sobrang appreciated ko yun lagi). 😊
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MARUNONG MAGLUTO Pogi niya dun sa part na 'to. 😁 Pritong dulong na may kamatis at itlog yung una niyang pinakita saking niluto niya. Then, ampalaya na may talong. Tapos there's one time na naka-videocall kami na nagluto siya ng corned beef. Tuwang-tuwa talaga ako nung time na yun. Pagluto mo ako pag-uwi ko ah.
Tumblr media
SOBRANG MAHAL ANG FAMILY Sa lahat ng ugali na pinakita niya sakin so far, dito ako sobrang napa-wow sa kanya kahit nung hindi pa kami. Boardmate ko pa lang si Jeizel nun, natutuwa na ako sa kanya kase nakikita ko na mabait siyang kuya. I was amazed even more sa mga kwento sakin ng kapatid niya and I can see how proud his sister is. Major turn-on kase sakin talaga pag nakita ko kung gano pahalagahan ang family especially pag mahal na mahal ang magulang. And I can see it sa kanya. He will be a good father someday for sure.
Tumblr media Tumblr media
MATURED Mas matanda ako sa kanya ng 1 year pero mas matured pa siya sakin (I somehow hate to admit it. Hahaha.) Sabi ko pa nun, at least 5 years dapat mas matanda sakin yung gusto kong maging boyfriend kase ayoko ng immature. Ayoko nung ako yung magdadala ng relationship. Pero here I am having a boyfriend with age less than mine but matured enough. People really matured not by age but through experiences. Halata naman sa kanya na madami na siyang napagdaang hardship and I'm deeply proud of him. Ang galing niyang mag-handle ng buhay at ng sarili niya.
HINDI PA-POGI Isa din 'to sa pinakagusto ko sa kanya. Hindi siya yung pa-impress at pa-pogi during nung magkachat bago maging kami. Madami siyang kwenento sakin about sa kanya at sa family niya. Totoo siya at hindi siya nag-pretend para lang magustuhan ko siya. During those times, pinakita niya sakin kung sino at ano ba talaga siya and that's one of the reasons kung bakit nagustuhan ko siya.
Madami pa yan kung tutuusin but those are the few things that I admired about him. Siya yung "all around" and "a guy who can do both side of the coin." I know we are still getting to know each other at mas makikilala ko pa siya as time pass by. Pero I'm willing to learn and accept him kung sino pa ba siya in later years hanggang sa tumanda kaming dalawa.
Honestly, nung bago pa lang kami, natatakot pa ako kase sinagot ko agad siya without knowing him further but now, I DON'T REGRET doing it anyway kase everyday naman pinapatunayan niya na he's worth it and the Lord confirmed it already, many times. πŸ˜‡
And since the Lord allows me to be on his life, gusto kong mahalin din siya the way na deserve niya. Alam kong hindi ko matatapatan yung pagmamahal ni Lord sa kanya but I will definitely love him nang buong-buo.
I always feel blessed everytime I think of him and gusto ko ding maging blessing ako sa buhay niya. I'm always proud of him in many ways and I trying my best as well na maging proud din siya na ako yung girlfriend niya.
Our relationship still have a long way to go pero alam ko na,
IKAW AT AKO...
Hindi man perpekto pero siguradong totoo. πŸ’›
Hindi man laging magkasama pero siguradong hindi kami magkalayo. πŸ’›
(FINISHED: 11/05/2020)
0 notes