#fili12vfinal
Explore tagged Tumblr posts
Photo
#TBT: Paboritong Miyembro
Noong ako'y isang Directioner pa, bale noong 2012-2014, ang paborito ko talagang miyembro ay sina Zayn Malik at Harry Styles. Mahirap talaga pumili noon sa isa lang, dahil iba-iba ang kanilang natatanging anyo't kagalingan.
Nagustuhan ko si Harry Styles dahil sa makatuwid ay pogi siya, siya ang pinakasikat, ang magaling rin naman talaga kumanta.
Si Zayn Malik naman ay may natatanging appeal talaga sa aming mga Directioner noon; pa-"mysterious" kumbaga. Sobrang ganda rin ng boses ni Zayn, lalo na sa kanyang mga high notes sa kanilang mga kanta.
#fili12vfinal#1d#sir ang pogi nila 'no haaha#bias na yata tawag ng mga kabataan ngayon pag may paboritong miyembro eh
0 notes
Text
#TBT: Paboritong mga kanta
Una sa lahat, mas mahirap pa pumili ng paborito kong kanta ng 1D kesa sa pumili ng kurso para sa kolehiyo (joke).
Pero para madali at mas masaya, pumili na lang ako ng paborito kong kanta sa bawat album nila.
More Than This ang paborito kong kanta galing sa una nilang album, na pinalabas noong 2012.
youtube
Irresistible namang ang paborito kong kanta galing sa pangalawa nilang album, Take Me Home, na pinalabas noong 2012 rin.
youtube
Ang paborito kong kanta ng pangatlong album, Midnight Memories, na pinalabas noong 2013 ay ang Don't Forget Where You Belong. Palagi ko 'tong binabalikan kapag biglaang namimiss ang 1D.
youtube
Ang pangapat nilang album, Four, ay pinalabas noong 2014. Paborito kong kanta rito ang Fool's Gold.
youtube
Sa pinakahuli naman nilang album, Made in the AM, na pinalabas noong 2015, ang paborito kong kanta ay Wolves.
youtube
0 notes
Text
#TBT: Panahong Directioner
Sa post na ito, nakapaghalungkat ako ng mga picture ko kasama ang mga kaibigan kong Directioners din, na nagsisilbing "proof of fan-craze".
Ang unang imahe ay noong Augusto 2013. Grade 5 ako nito (gitna).
Nanood kami ng mga kaibigan ko ng This is Us, isang 3D na dokumentaryo tungkol sa 1D sa SM. 'Di ko alam, pero tili kami ng tili habang nanonood, na para bang nasa concert mismo kami. Mga kaibigan ko parin hanggang ngayon ang nakasama ko rito. 'Yung katabi ko sa kaliwa, si Anya, ay kasama ko ring lumipat ng Ateneo para sa kolehiyo.
Noong 2012 naman ito. Uso ang mga "hand-made" na "ballers" sa mga aming mga Pinoy na Directioner noon, na kung ano-ano tungkol sa 1D o ibang artista ang nilalagay. Yung katabi kong kaibigan dito, si Kirsten, ay kaibigan ko parin hanggang ngayon. :)
0 notes
Text
Ang masculinidad ng 1D sa kontekstong Pilipinas
Magsisimula ako sa mga screenshot na ito -
Kakaunti lang ang mga nakilala kong lalaking Directioner noong 2012-2014.
Sapagkat malaki ang naging fanbase ng One Direction sa Pilipinas, kakaunti lamang ang mga lalaking kasama rito.
Mas madalas pang makarinig ng mga side comment katulad ng "bakla naman 'yang 1D na 'yan diba?" o kaya "gusto niyo lang naman sila dahil pogi sila, hindi dahil sa kanta" at marami pang iba na galing sa lalaki noon.
Mahirap para sa mga lalaking Pilipino magpakita ng suporta para sa bandang One Direction noon. Minsan, iba-iba ang rason - masyadong "gay" yung kanilang kasuotan o lyrics ng kanta, masyadong maraming make-up, at marami pang iba. Minsan, napapaisip kaming mga babae kung baka kaya ayaw na ayaw ng mga lalaki sa 1D ay dahil gustong gusto naman ito ng mga babae. Nirereject nga, tulad ng sinabi ko sa isang post. Sa kabila naman, maaari ring isipin kung baka kaya ayaw na ayaw din ng mga lalaking Pilipino sa One Direction ay dahil sa kanilang kabilang sa hegemonic masculinity. Dahil minoridad o marginalized masculinity ang karamihan sa Pilipinas (lalo na kung ikumpara ito sa masculinidad ng West), mayroon talagang sense of "envy" o pagkaiba ang mga lalaking marginalized sa mga lalaking hegemonic.
0 notes