#emeyele
Explore tagged Tumblr posts
Photo
Pose Pataky 😂 #cats #Logan #emeyele
2 notes
·
View notes
Text
Paalam Na
By: Emeyel Ano ba itong aking nadarama Hindi maintindihan ang drama Eto nagmumukmok sa kama Nag-iisip kung ano nga ba ang tama Sumasakit na aking ulo Ako ay litung-lito. Puyat pa at nahihilo. Ito ba ay mayroon pang dulo? Batid ko naman tayo ay wala na Masama ba ang umasa pa? Mali ba ang hintayin ka? Dahil ikaw naman talaga ay mahal pa. Pero teka.. Sa pagmamahal ko sa iyo Sarili ay napabayaan ko Sarili ay nasasaktan ko Namamanhid na nga dahil sa iyo Isang araw, ako ay natauhan Hindi mo na ako maaaring saktan Hindi narin sayo'y maaapektuhan Tatapusin na ang katangahan. Sa wakas ako ay tuluyan ng makakalaya Mula sa kahapon na ako ay dinaya Wala akong dapat ikahiya Ito na nga ang sa akin ay tunay na magpapasaya Ang magpatuloy ng mag-isa Hindi dapat sa iba ay umasa Sarili ko ay pinapalaya ko na Sa sakit na nadarama Aking sinta, paalam na.
1 note
·
View note
Text
Reserba
Minahal kita,
Sa pag-aakalang tunay ang nararamdaman mo para sa akin.
Nagtiwala ako sayo,
At sa mga salitang binitawan mo.
Ngunit ako lang pala ay isang panakip butas.
Dahil ang totoo ay siya parin ang mahal mo.
Iniwan mo akong litung-lito.
Hindi sinagot ang mga tanong ko.
Bakit biglaan?
Anong nangyari?
Babalik ka pa ba?
Siya ba ay iyong babalikan?
Gayong batid mo na siya ay pag mamay-ari ng iba.
Siya, siya na may mahal na iba.
Siya na may karelasyon.
Siya na noon sayo ay nang-iwan.
Siya parin ba?
Nalaman ko sa isang kaibigan,
Mahal ka parin daw nya.
Gusto ka parin nya.
Gayong hindi naman niya maiwan iyong isa.
Ako eto nagpapakatanga sa iyo,
Ginawa mong reserba.
Habang ikaw naman itong nagpapakatanga sakanya,
Ikaw naman ang kanyang reserba.
Tadhana nga naman.
Sadyang mapaglaro.
Iniwan ko ang iba para saiyo.
Samantalang ako, iniwan mo para sakanya.
Mahal, patas lang tayo.
Dahil parehas tayong reserba.
Ako ay sa iyo at ikaw naman ay sa kanya.
~Emeyel
0 notes
Photo
8 notes
·
View notes
Photo
👟&🌞 (by @deckardsson) #emeyele #sneakeroftheday #sneakers #regalossneakersdeeme #adidas #adidascourt #adidascourtvantage #limitededition
#adidascourt#limitededition#sneakers#adidas#adidascourtvantage#emeyele#sneakeroftheday#regalossneakersdeeme
4 notes
·
View notes
Photo
Life Is/As a Carousel 🎠 #carousel #vigo #emeyele #lights
3 notes
·
View notes
Video
instagram
Life is a Mess ❤ (by @deckardsson) #emeyele #heart #oysho #cashmere #love
2 notes
·
View notes
Photo
Holly Golightly's Mood ❤ #hollygolightly #breakfastattiffanys #hollygolightlyfunkopop #audreyhepburn #black #girly #emeyele
6 notes
·
View notes
Photo
Y que @deckardsson me regale espontáneamente unas "zapas 👟" "must have" es 😍😍😍 Graciass 💜#emeyele #regalosamorososdelrabudo #sneakers #nike #nikeairmax #airmax90ultra #infrared
1 note
·
View note
Photo
"Si conocieras el tiempo tan bien como yo, no hablarías de perderlo" (Alicia en el País de las Maravillas) #aliceinwonderland #books #illustratedbooks #rebeccadautremer #emeyele #velvetshoes #crystalshoes #otherstories #andotherstories
#aliceinwonderland#velvetshoes#otherstories#books#rebeccadautremer#illustratedbooks#andotherstories#emeyele#crystalshoes
0 notes
Photo
Walking the rainbow 🌈 #rainbow #arcodavella #arcoiris #emeyele
0 notes
Text
Mahal ko
Kailangan kita, tulad ng..
Gasolina sa sasakyan,
Baterya sa orasan,
Tubig sa karagatan, at
Ilaw sa karimlan.
Hinahanap hanap kita, tulad ng..
Bata sa lansangan,
Pagkain sa hapag-kainan,
Musika sa kalungkutan, at
Liwanag sa kadiliman.
Ikaw ang,
Sagot sa mga katanungan,
Lakas at kahinaan,
Prinsipe sa kaharian, at
Bukod tanging hinahangaan.
Mahal ko, ikaw ang lahat sa akin
Ang lahat sa akin, ay ikaw.
~Emeyel
0 notes
Text
Yung babaeng ...
Ako yung, babaeng nilapitan at kinaibigan mo noon. Sinabi mo na gusto mo ako. Tinanong ko kung bakit at anong nakita mo sa'kin. Sabi mo ay dahil sa maganda ako, at sa mga mata kong ngumingiti rin tuwing masaya ako.
Dahil sa mga balakid, sitwasyon nating kakatwa, pinilit iwasan ang nararamdaman. Ngunit tadhana ay sadyang mapaglaro. Pinaglapit ating puso dahil narin sa iyong pagpupumilit na mapalapit kahit na alam nating bawal at hindi tama.
Nagmahalan ng patago. Minsanan lang kung lumabas at magkasama. Hindi nila pwede malaman, hindi nila dapat makita. Ilang buwan tayong ganoon.
Wala ngang permanente sa mundo. Ikaw ay nagbago. Ikaw ay nanlamig. Simula ng siya ay bumalik. Siya na sayo noon sayo ay sumira.
Ako, ako yung babaeng nakinig nung mga panahong nagbibingi bingihan ang lahat sa sigaw mo, yung tumingin sa mga mata mo nung nagbubulag-bulagan ang lahat sa sakit at lungkot na bumabalot sayo, yung yumakap sayo ng oras na hindi mo na kayang tumayo mag-isa, yung humawak ng kamay mo nung pakiramdam mo mag-isa ka nalang at yung babaeng tumayo para sayo dahil minamahal ka. Ako yung sinabihan mo ng “mahal kita”, nung nawala sya. Yung niyakap mo, nung namimiss mo sya. Yung hinawakan mo ang kamay, nung hinahanap mo siya.
At ako yung babaeng hinahanap ka kahit sya ang hinahanap mo. Yung tinitingnan ka sa malayo habang tinitingnan mo sya. Yung lumuluha dahil sayo habang ikaw ay lumuluha dahil sakanya. Yung sinisigaw ang pangalan mo habang tinatawag mo sya.
Oo ako yun. Ako yung babaeng mag-iintay sayo, magpapakatanga para sayo, at mamahalin ka parin kahit hindi mo makita dahil nakaharang ang salitang SIYA at walang AKO.
~Emeyel
0 notes
Text
Return No More
Pinipilit ko aking sarili “Oo, okay lang ako!” Uulit uliting sambitin Hanggang magkatotoo.
Pati sarili ko ay niloloko na Hanggang kailan magpapanggap Na tanggap ko na. Na hindi na kita kailangan.
Ang sakit ay ramdam parin Sariwa pa ang mga sugat. Sugat na iniwan ng kahapon. Mula ng iyong iwanan.
Kaysakit tanggapin Pinagsamahan ay iyong itinapon. Pangako ay mananatiling pangako na lamang At hindi na maisasakatuparan.
Nais kong lumuha, Sumigaw at magwala. Ngunit pagkatapos ng lahat? Wala namang magbabago.
Hindi ka na babalik. Kasi tinapos mo na. Pagtingin mo sakin ay nagbago. Pag-ibig ay naglaho.
Ngunit mahal kita Hangad ko lamang ikaw ay sumaya. Kung ang kaligayahan mo ay sa iba Sige, malaya ka na.
Hindi ako magmamakaawa. Hindi hahabol. Doon sa malayo ay titingnan ka. Mahal, lagi ay mag-iingat ka.
Oras at panahon, Iyan ang kailangan ko. Upang sugat ay gumaling. Pasasaan ba at ito ay maghihilom din.
Tayo ay magiging Ako na walang ikaw at Ikaw na walang ako. Dahil wala ng tayo.
Ipipikit aking mata. Hingang malalim. Eto na yon, mahal makinig ka. Paalam na.
Hindi na ako lilingon, Etong daan ay hindi liliko pabalik sayo. Dahil mahal ikaw ang nang-iwan. Kaya wala ng balikan!
~Emeyel
0 notes
Text
Ikaw
"Tila yata lumalayo
Meron bang nagbago?
Sa iyo ba ay may pagkukulang?
Nagawang mali?
Tila yata nanlalamig?
Ang dating nag-iinit.
Tila yata naging minsan,
Ang dating madalas.
Sabihin sa akin.
Saan nagkamali?
Aking itatama.
Saan nagkulang?
Gagawing sobra.
Saan sumobra?
Aking babawasan.
Sumakto lamang ang timpla.
Ngiti mo'y nais masilayan.
Tawa mo'y nais marinig.
Boses mo'y himig sa tainga.
Amoy mo'y halimuyak.
Sayo ay nangungulila.
Ikaw mismo, oo ikaw.
Nais kang mahagkan.
Nais ikaw ay makapiling."
~Emeyel
0 notes
Text
Aking Sinta
"Sa hindi inaasahang panahon,
Ikaw ay nakilala.
Sa hindi inaakalang pagkakataon,
Sayo'y mapapalapit pala.
Sa maling panahon,
Ikaw ay natagpuan.
Puso ay sugatan.
Isip ay naguguluhan.
Ikaw ay umamin.
Nararamdaman ay ipinagtapat.
Hindi tama, hwag isipin.
Hindi ito dapat.
Ngunit isang araw,
Sa iyong mga kilos at salita.
Ako ay nahulog.
Sayo ay umibig.
Puso ay nagkalapit.
Hindi tama ngunit ipipilit."
~Emeyel
0 notes