#buhay kolehiyo
Explore tagged Tumblr posts
Text
Lagi akong may rock bottom noong kolehiyo. Palaging may "ayaw ko na" at mga luhang hindi tumitigil tuwing madaling araw. Madalas kung hindi man araw-araw, palagi kong nakakalimutang paalalahanan ang sarili na hindi pantay-pantay ang kaya kong ibigay sa bawat araw, linggo, at buwan. Nakakalimutan kong maging mabait sa sarili at bigyang pansin ang mga maliliit kong napagtagumpayan.
Noong bumalik na sa face-to-face, minsan akong dinala ng butihin kong propesor sa kaniyang simbahan. Hindi ko pa gets noon bakit papunta kaming Tom's World. May pagkakamot sa ulo at kunot na noo ko siyang tinatanong, "sir, saang simbahan?" Akala ko literal. May malapit naman kasi, yung St. Jude malapit sa Ayala Bridge at yung simbahan sa may Adamson. Sabi niya sakin, Tom's World ang tinutukoy niya-- dahil dito siya nagpapahinga at naghahanap ng kapanatagan. Doon niya pinaliwanag sa akin ang ibig sabihin ng simbahan, pahingahan ng mga taong nais humimlay pansamantala. Huling hantungan ng mga taong may Diyos na pinaniniwalaan na tuluyan nang namahinga.
Tumatak sa akin iyon. Magmula noon, naghanap ako ng lugar kung saan ako makakapagpahinga. Tumambay ako sa mga silid-aklatan, umupo ako sa mga bakanteng upuan sa kung saanman, naglakad ako nang malayo kahit di ko alam kung saan ako patungo, umuwi ako sa bahay.
Noong nasa Tom's World kami, naglalaro si sir ng claw machine. Mayroon siyang teknik na hindi ko alam kung maaari kong ibahagi. Pwede ko siyang tanungin tapos i-edit ko na lang ito kung sakali. Biro lang. Sabi niya sakin, may mga bagay na hindi natin agad nakukuha. Pero may mga bagay na maaari nating makuha kapag nagtya-tyaga. Mayroon ding kahit anong gawin mo, hindi pa posibleng makuha ngayon. Pero baka maaaring makuha mo sa susunod kapag nasa tamang timing na at pwesto.
Tumatak nanaman sa akin iyon. Laging may life lesson si sir kahit naglalaro lang siya na ang misyon lang e makakuha ng laruan na ipamamahagi niya sa anak ng kapwa-guro o sa katulad kong tinuturing siyang ama sa inang pamantasan. Mula noon, palagi kong pinapaalala sa sarili na hindi ko kailangang magmadali pero kasabay noon, hindi rin dapat ako tumigil. Tuloy lang.
Wala akong kinalakhang tunay na ama magmula noong bata ako. Lagi ko lang nakakasalamuha ang mga ama ko sa ibang tao. Sa kuya ko, sa tiyuhin, sa tatay ng kaibigan, at marami pang iba. Sa lahat ng ama na nakilala ko, masasabi kong ang propesor ko sa Filipinolohiya ang pinaka nagmahal sa akin. Mantrang mula sa sermon at pag-papaalala. Hanggang sa pag-aalala at pangangamusta. Minsan ko na ring nasaktan si sir na parang tunay niya kong anak na binalewala siya pero lagi pa rin siyang tunay na amang siya pa mismo ang mag-aaya para makapagkuwento ako sa kanya ng mga plano ko sa buhay.
Kung may hindi man ako makakalimutan sa Inang Pamantasan, iyon ay ang mga propesor na tumayong magulang at mga kaklase't kasamang tumayong mga kapatid. Sila ang may malaking agapay at ambag sa kung paano ko kinayang magpatuloy. Lagi silang nakakabit sa lahat ng pasasalamat at mabuting alaala.
Mahigpit na yakap!
0 notes
Text
city of dreams
pairings: wonwoo x female reader
— filo setting
🖋️: smut
warnings: 🔞, mature content, virgin, profanities, fingering, blowjob?, nipple sucking, unprotected sex, dirty talk
— dni minors
posted: january 31, 2923
happy reading!
(RAW AND UNEDITED)
------------------------------------------------------------------------------
City of Dreams
Bilang isang dalagang nagmula pa sa probinsya isang malaking tagumpay na samin ang makatungtong sa syudad. Hindi sa ignorante kami sa mga bagay na mayroon sa siyudad at hindi rin naman kami ganon kahirap sadyang nakakatuwa lang na lumabas sa probinsya.
Ako, hindi naman ako nanggaling sa hirap dahil may sarili kaming farm at resort sa probinsyang tinitirhan ko simula pagkabata. Kung tutuusin naririnig ko to sa mga kaibigan ko na ‘old money’ raw kami pero sabi ko naman hindi dahil ayoko maging tunog mayabang sa kanila.
Kasalukuyan kang nasa bagong tahanan mo which is sa isang condo unit ka nagpasya manirahan muna.
Kasalukuyan kang nasa bagong tahanan mo which is sa isang condo unit ka nagpasya manirahan muna.
Hindi na bago sayo ang pamumuhay sa siyudad dahil minsan ka na ring pumarito dahil sa pamilya mo pero ang manirahan dito ng matagal at magtrabaho ay bago lamang sayo.
Bar? Clubbing? Getting drunk? hindi na rin to bago sayo dahil kahit nasa probinsya ka ay madalas ka rin pumarty at pumunta sa mga bar kasama ang mga kaibigan o mga kaklase mo noong nasa kolehiyo ka pa.
Hindi naman ako yung tipikal na probinsyana na walang masyadong alam sa buhay siyudad. Hindi naman masyadong nagkakalayo ang siyudad sa probinsya may mga buildings, bars, at kung ano pa sa probinsya na meron sa city no.
Naupo ka sa upuan malapit sa veranda at tinitigan ang morning view ng siyudad na tinitirhan mo ngayon. Nagtataasang buildings, kita mo rin ang mabigat na daloy ng trapiko.
—
Kasalukuyan kang nasa isang sikat na bar malapit sa condo unit mo dahil inaya ka ng pinsan mo na sumama sa kanilang bar hopping dahil na rin sa bagong lipat ka lamang dito sa siyudad.
“Wow old money rich pala kayo,” rinig mong sabi sayo ng kaibigan ng pinsan mo.
Agad ka namang umiling “Ahh hindi naman nabubuhay lang kami dahil sa negosyo ng lolo at lola ko” nahihiya mong sagot
“Sus wag ka na mahiya naiintindihan ka naman namin” ngiting sagot nito kaya ngumiti na lamang ako.
Nakaka apat na kayong cuervo at isang chivas na kayo kaya naman medyo wala na kayo sa ulirat. Nagtungo sila sa dancefloor at hinila ka naman mg pinsan mo. Dahil wala ka na sa ulirat at may tama ka na masaya kang nagpahila rito.
“Wooo!!!” sigawan ng lahat
Kahit na sobrang init sa dance floor dahil sa crowder ito ay gumigiling ka pa rin at sumasabay sa ritmo ng musikang tumutugtog ngayon.
Habang sumasayaw ka bigla kang nakaramdam ng kamay sa bewang mo. Akala mo kaibigan lang ng pinsan mo kaya gumiling ka sa harap nito hanggang sa maramdaman mo ang nakaumbok sa likod mo
Lilingon ka na sana sa taong nakahawak sa bewang mo nang bigla itong magsalita sa tenga mo. “Hmmmm you're such a good dancer”.
Napataas ka ng kilay dahil hindi ito mga kaibigan ng mga pinsan mo atsaka ka humarap.
Para kang nakakita ng multo dahil gulat na gulat ka.
Shit ang gwapo niya?!
“Alam kong gwapo ako y/n ?” ngumisi naman ito at hinapit ka sa bewang palapit sa tabi niya
“H—hoy magk-kakilala ba tayo?” nauutal mong tanong na kahit alam mong hindi mo siya kilala
“I know you but obviously you don’t know me” maikling sagot nito at tinitigan ka mula ulo hanggang paa.
“Para sa isang magandang dilag na katulad mo hindi halata sayo ang pagiging probinsyana”
Para naman akong nainis dahil parang ini-imply niya na panget kaming mga taga probinsya?!
“Excuse me? sinasabi mo bang mga panget ang katulad naming taga probinsya?”
Natawa naman ito at itinaas ang dalawang kamay. “Yo I’m not implying na panget mga taga probinsya sadyang hindi lang talaga halata sayo na doon ka lumaki” sagot nito at nakangisi
Nagkibit balikat ka na lamang at hinanap ng mga mata mo ang pinsan mo at ang mga kaibigan nito. Halos mahilo ka na kakaikot ng mata mo sa buong bar pero hindi mo pa rin sila makita. “Hindi mo talaga sila makikita dahil may mga kasama na sila. And yes your cousin is with my friend, Mingyu. Don’t worry they will be safe.” biglang salita ng katabi mo.
Nakataas pa rin ang kilay ko at may doubt pa rin sa mga sinabi nito. Nagulat ka na lang ng bigla ka nitong hilain paalis sa dancefloor.
“Hmm halika, I’ll introduce you to my friends. Don’t worry they know you and nasa iisang circle of friends lang kami ng pinsan mo,”
“Close ba tayo para isama mo ako sayo”
"No, but I'll keep you close to me."
–
“Omg ka DK! Nakakatawa ka pala” hindi ko alam na komedyante pala itong kaibigan ng pinsan ko at ni Wons. Oo tama nga kayo, Wons ang pangalan ng lalaking humila sakin base sa mga kaibigan niya pero hindi pa rin siya nagpapakilala sakin nang maayos!
He’s obviously hot. I heard from Han that he’s also a wise man. A hot and intimidating engineer.
Type ko na sana siya eh kaso mukhang babaero! Kanina lang parang hindi siya natuwa sa paggiling ko sa harap niya tapos ngayon may kausap na siyang iba! Ang malala pa medyo touchy si girl then itong si Wons parang wala lang sa kanya.
“Ilang beses ka nang umiirap dyan. Bakit hindi mo na lang hilain si Wons dyan kay Stacy?” naka ngising suhestyon ni Jun
“Type mo si Wons ‘no?”
Bigla akong nataranta sa sinabi ni Joshua. Kaya naman napalingon ako sa gawi ni Wons at nahuli ko siyang nakatitig sakin ng mariin habang ang babae sa tabi niya ay pilit siyang hinaharap sa kanya. Umiwas na lamang ako ng tingin at tinungga ang Chivas na nasa harap ko.
“Ay hindi sumagot baka type niya nga HAHAHHAHAHHA” rinig kong tawa ni Boo. Sinamaan ko lang sila ng tingin at iniwas na lamang ang tingin sa mga kaibigan nitong nakapalibot sakin. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo si Wons, matangkad, may magandang reputasyon bilang isang engineer, at may kagwapuhan naman ito. No gwapo talaga siya hindi ko lang maamin dalhin alam kong tutuksuhin ako ng mga lokong to.
Ngayon ko lamang nakilala itong sila hoshi, jun, joshua, dk, at boo pero kung makaasar sakin close kami eh!
“H-hindi ko siya…”
“T-type” mahina kong sagot
Nakarinig naman ako ng malakas na tawanan mula sakanila kaya mas lalong nangamatis ang mukha ko sa hiya. “Alam ko na Dk palit kayo ni Joshua. Magtatabi sila ni yn” utos ni Boo kay Dk at agad naman tumayo si Dk para makipag palit ng upuan kay Joshua na siya ngayon ang katabi ko.
“Alam mo naman na siguro, Shua?” nakangising tanong ni Boo at nakita ko na lang pag thumbs up ni Shua habang nakangisi na rin.
Shit mukhang may mga binabalak ‘tong mga to sakin
Habang nakikipag-usap ako kay Boo nagulat ako ng biglang lumapit sa tenga ko si Joshua. “Hm Can I rest my arms on your shoulder? I will not force you if you find it uncomfortable” mahinang bulong nito na kinatindig ko
“A-ahh ok lang wala naman sakin yan” mahina kong sagot kaya naman naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Joshua at mas lalo pa akong nagulat nang hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya.
Para na niya akong niyayakap!
Medyo umusog at kinurot si Joshua sa tagiliran. “Huy J-joshua anong ginagawa mo!” hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito. Huli ko ang pagkagulat ng mga mata niya pero agad rin niya iyong binawi at hinalikan niya ako sa pisngi.
What the hell is happening
Mistulan akong bato dahil nanigas ako sa kinauupuan ko habang si Joshua ay naka ngiti lamang sakin at prenteng naka akbay sakin.
“Putangina mo Shua dumidiskarte ka sa bawal na ha!” rinig kong panunukso ni Dk
Rinig ko ang tawanan nila hanggang sa nawala na ang mga tawa nito at napalitan ng ubong pilit lang. Nagulat ako ng biglang may humatak sakin patayo.
“Wons!”
“Tinext na ako ng pinsan mo, iuuwi na kita.” bakas ang inis dito
“Teka Wons, nagkakasiyahan pa kami rito!” reklamo ni Hoshi
“Oo nga sinabi naman ni yn na ok lang kahit anong oras siya umuwi tsaka ihahatid naman natin siya!”
“Wala rin naman siyang Boyfriend kaya dito muna sana si yn, Wons”
Sumulyap ako sa gawi nila Boo. Hindi naman mukhang gulat sila nagpipigil pa nga ng ngiti at tawa itong si Dk at Boo! Pero nang sumulyap ako kay Shua nakatitig lamang siya sakin?
Hindi hindi, nakatingin siya sa kamay ni Wons na nakahawak nang mariin sakin! Nagtataka ako kasi parang wala siyang emosyon.
Bumaling naman ang mga mata ko kay Wons, na mas lalo pa yatang uminit dahil sa huling sinabi ni Joshua. “Uuwi na kami, next time na lang kayo magkwentuhan.” May diing sabi ni Wons
“Iuwi mo siya sa kanila Pre, hindi sa condo mo.” walang emosyong sinabi ni Joshua at sumulyap sakin
Bigla akong kinabahan dahil tumataas ang tensyon ni Joshua at Wons. Ano bang nangyayari?! Wala akong maintindihan!
“Iuuwi ko na siya.” pagtapos niyang sabihin ito ay agad niya akong hinila palabas ng bar. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanya ng bitawan niya ako. Gusto ko sana magsalita pero natatakot ako baka masigawan niya ako.
Nang makarating na kami sa audi niya ay agad niyang binuksan ang kotse at sumakay na ako sa shotgun seat. Hindi ako makatingin sa kanya at makapag salita dahil una ramdam ko pa rin ang inis niya, pangalawa medyo mataas pa rin talaga ang tensyon dito sa sasakyan, at pangatlo baka kapag nagsalita ako magwala siya.
“Yn”
Napalingon ako rito at kinakabahan na sumagot “b-bakit?”
“Umiwas ka kay Joshua.” sagot nito at sinadya nitong i-emphasize pangalan ni Joshua na kinataka ko. Bakit ko naman iiwasan si Joshua? Isa siya sa mga magaan maging kaibigan kahit na kakakilala lang namin ngayon.
Kaya medyo nainis ako kasi wala naman siyang karapatan utusan ako! Kakakilala ko lang din sakanya kanina pero heto siya pinapakita agad ugali niya!
“Sino ka para diktahan ako? Kaibigan ba kita? Kamag-anak ba kita”
Kita ko ang gulat sa kanyang mukha at ang pag diin ng hawak nito sa manibela ng sasakyan. Hindi ito sumagot bagkus ay bigla niya na lamang akong hinapit at hinalikan.
Gulat na gulat ako, hindi rin makagalaw dahil hello! First time kiss ko to. Gusto ko na sana siyang itulak pero parang trinaydor ako ng sarili ko dahil gumaganti na rin ako ng halik. Sa una’y mababaw na halik lamang pero nang gumanti ako ng halik ay biglang naging malalim at mapupusok ang paraan na paghalik sakin ni Wons.
Para akong nalulunod sa mga halik nito, para akong gulaman dahil hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Habang nagpapalitan kami ng mga halik ay hinapit na ako ni Wons at ini-upo sa kandungan nito at inayos. Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil nakakaramdam na ako ng init at pamamasa sa baba ko. Halos malagutan na ako ng hininga ng bumaba ang mga halik nito sa sa leeg ko patungo sa dibdib ko.
“A-aahhh” hindi ko na napigilan at napaungol na lamang ako ng ibinaba niya ang dress ko at na-expose na ang dibdib ko.
Napahawak na lang ako ng mahigpit sa backrest ng upuan. Nakakabaliw ang mga halik na binibigay ni Wons. Para akong nawala ulirat ng sumabunot ako sa kanya at mas lalo pa siyang diniin sa dibdib ko.Bigla akong namula ng marinig ang mahina niyang pagtawa.
Tumigal siya tumingin sakin. Inalis ang dalawang kamay ko sa mukha. Halos gusto kong magpakain sa lupa na makitang nagpipigil ng ngiti itong hinayupak sa harap ko. “Come on, you shouldn’t be shy, you are beautiful, your body’s beautiful. And I will not force you to have sex with me, hmm ‘kay?” kahit na mukhang lalapain na ako nito ni Wons ramdam ko ang katotohanan sa mga sinasabi nito.
Bakit, bakit pa titigil kung nasimulan na? Virgin ako pero alam ko yung ganitong bagay no!
“Ang dami mo namang sinasabi”
At sa oras na yon hinayaan mo na kumawala ang dapat kumawala.
“A-ahhh shit! Wag dito Wons, please!” nahihiya kong sabi habang naglalabas-masok ang tatlong daliri nito sa ari ko. Agad naman itong huminto at pinaharurot ang sasakyan sa daan kung saan hindi ako pamilyar. Sa tindi ng tensyon sa pagitan namin ay nakarating agad kami sa isang building. I bet dito siya nakatira.
“Shit bakit parang ang tagal ng elevator na to” naiinis na sabi ni Wons habang mahigpit na nakahawak sa kamay mo. Kaya nang bumukas ito agad ka nitong hinila at tinulak papasok sa isang pintuan.
“Fuck I can’t take this anymore” rinig mong mura nito at winarak ang dress mo. Napasigaw ka dahil bigla ka nitong binuhat at hinalikan. Hindi mo na rin namalayan na nasa kwarto na pala kayo nito dahil tuluyan ka nang nawala sa ulirat dahil pinagpatuloy nito ang naudlot na pag finger sayo sa sasakyan. Lumalakas at hindi mo na rin napigilan ang ungol mo. Wala ka nang pake kung may makakarinig na sa kahalayang ginagawa niyo basta kayo ay nagsasaya sa katawan ng isa’t isa. Matapos ang ilang paglabas-masok ng mga daliri nito sayo ay nilabasan ka at hindi naman ito hinayaan ni Wons na masayang kaya nilinis niya ang tamod na nilabas ng ari mo. Agad na naghubad si Wons sa harap mo kaya nanlaki ang mata mo rito dahil ang laki pala ng tinatagong alaga nito sa jeans niya!
May kung anong sumapi sayo dahil bumangon ka at tinulak mo pahiga sa kama si Wons para siya naman ang paligayahin. Sa sobrang laki ng ari nito ay para kang masusuka dahil umabot na sa ngala-ngala mo ang alaga nito.
Oh my god ang laki-laki naman pala talaga ng alaga nito!
Mas lalo kang ginanahan subuin ito dahil nagsunod-sunod na ang mga ungol ni Wons at ginaguide ka na rin nito. Shit, ganito pala ang lasa nito!
“F-fuck baby, you sucked me so well.” kahit hinihngal ay nagawang sabihin sakin iyon ni Wons
Nagpalit naman na kayo ng pwesto ikaw na ang nakahiga at siya naman ang nakapatong sayo. “And now, let me reciprocate it”
Shit! Ang hot niya!
In a split seconds para kang hahagulgol nang makaramdam ka na parang may napupunit sa ari mo. “W-wons first time ko lang” naiiyak mong sinabi
Hinalikan ka naman nito sa labi atsaka ngumit “Oh shit I didn’t know about it! I'll be gentle baby, I promise”
Gaya nga ng sabi niya dahan-dahan lamang ang paglabas-masok niya pero agad din itong bumilis nang sinasabayan mo na rin ang ritmo nito. Napakagat ka ng labi dahil kita mo sa mukha niya ang sarap sa ginagawang pagwasak sayo.
“Shit, tangina ang sikip mo”
“Tangina baby ang sarap mong kantutin”
Mistulang mga musika sayo ang mga ungol at pagmura nito at mas nawala ka lamang sa ulirat ng halos umangat ka na dahil sa malalim at malakas na pagbarurot ng tite nito sayo. Ilang paglabas-masok pa ay pareho kayong nilabasan. Bumagsak si Wonwoo sa kabila mo at niyakap ka.
“Shit I think I won’t forget this till I die” sabi nito at hinalikan ka sa labi mong lamog na kakalaplap at halik sayo ng lalaking katabi mo.
“I guess they are right”
“City of dreams”
#svt wonwoo#svt smut#svt au#filo au#jeon wonwoo#wonwoo smut#seventeen#carats#filipino#filipino author#smut#spg#ao3#wonwoo x reader#kwon hoshi#boo seungkwan#jun svt#joshua hong#svt dk#mingyu#tagalog
260 notes
·
View notes
Text
OPINION: Kaduda-dudang Pagkatao, Paano Nakatakbo?
Illustration by Michi Sugawara
Isa sa mga batayang kwalipikasyon sa pagtakbo sa anomang posisyon sa pamahalaan ay ang pagiging isang Pilipino. Mahalagang kwalipikasyon ito dahil sa isang bansang demokratikong gaya ng Pilipinas, kinikilalang higit na makapagsisilbi sa taombayan ang isang pinuno na maituturing na kababayan. Ngunit, ano na lang ang mangyayari kung ang nasa posisyon ngayon sa gobyerno ay hindi isang Pilipino? Kwinekwestyon ngayon ng Senado ang pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac kung siya ba ay isang lehitimong mamamayang Pilipino o isang mamamayan ng Tsina dahil sa mga kahina-hinalang impormasyong natagpuan tungkol sa kanya.
Gaya na lang ng pagkuha ng trabaho sa kumpanya kung saan may mga istriktong kwalipikasyon bago makapagpasa ng job application, mahigpit din ang proseso sa pagkuha ng posisyon sa gobyerno kung kaya’t may mga kwalipikasyon din na dapat makamit bago makapagpasa ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (COMELEC). May pagkakaiba man sa age requirement batay sa tinatakbuhang posisyon, hindi mawawala sa kwalipikasyon na dapat mamamayan ng Pilipinas ang tatakbong kandidato. Sa pagtakbo para sa posisyon ng alkalde, ang kandidato ay dapat hindi bababa sa dalawampu’t isang taong gulang; isang rehistradong botante; at nakatira nang hindi bababa sa anim na buwan sa tinatakbuhang lungsod, probinsya, o munisipyo bago magpasa ng CoC. Trabaho ng COMELEC na pangasiwaan ang eleksyon at siguraduhing kwalipikado ang mga tumakbong kandidato sa mga posisyon. Ngunit anong dahilan at nakalusot sa COMELEC ang kahina-hinalang pagkatao ni Alice Guo?
Noong ikapito ng Mayo, nagkaroon ng pagdinig sa Senado kung saan kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang kredibilidad ng Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Ang mga tanong ukol sa kanyang karanasan sa edukasyon at kanyang personal na buhay, gaya ng kailan at saan siya ipinanganak, ay hindi niya nasagot nang maayos.
Ayon kay Alice Guo ay homeschooled siya magmula sa elementarya hanggang sa highschool ngunit nang tanungin sa kanyang naging guro, hindi niya ito nasagot kaagad. Sa sumunod na hearing pa noong Mayo 22 niya nabanggit ang pangalan ng naging guro niya. Ayon sa kaniya ay si Miss Rubilyn ang nag-iisang gurong nagturo sa kaniya mula elementarya hanggang magtapos sa hayskul, ngunit walang mahagilap na school records niya sa mga panahong ito, maging hanggang kolehiyo.
Isa sa mga madaling patunayan ng paninirahan sa Pilipinas ay ang school records. Kung makikita pa lang sa mga dokumento na dito nag-aral ang isang kandidato, maaaring masuportahan nito ang kanyang pagiging Pilipino dahil kahit ang mga paaralan ay tinitiyak din ang nasyonalidad ng kanilang mga mag-aaral sa mga school records nito.
Magulo rin ang pagkakalatag ng kanyang birth certificate. Ipinanganak umano siya noong 1986, ngunit ayon sa kaniya ay nakuha niya lang ito noong 2005, noong siya ay labinsiyam na taong gulang na. Nakalagay sa birth certificate niya na kasal ang kanyang nanay na si Amelia Leal sa kanyang tatay na si Angelito Guo, ngunit walang makitang record sa Philippine Statistics Authority (PSA) ng kanyang nanay.
Sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) director of legal services na si Eliezer P. Ambatali, “Maaari po na hindi existing ang tao.”
Liban sa magulong identidad ng kanyang nanay, hindi rin nagtutugma ang pagkamamamayan ng kanyang tatay. Binanggit ni Guo sa senado na Tsino ang kanyang tatay at may Chinese name na “Jianzhong Guo,” ngunit ayon naman sa birth certificate ng kanyang tatay ay isa siyang Pilipino. Nakalilito at kahina-hinalang hindi nagtutugma ang kanyang mga sinasabi sa mga dokumento.
Ang birth certificate ay naglalaman ng ating personal na impormasyon at ito'y nagpapatunay na tayo ay isang mamamayan ng Pilipinas. Bilang isa sa mga batayang dokumento ng pagkakakilanlan, ang birth certificate ang isa sa mga unang hinihingi kapag papasok sa paaralan o trabaho. Kung kaya't mahalaga na tunay ang mga impormasyon dito dahil dito nakabase ang ating pagkakakilanlan sa legal na konteksto at pruweba ito ng ating identidad. Ang pagsagot ni Alice Guo sa senate hearing ay nagpapahiwatig ng malabong identidad at malabong pagkatao niya dahil hindi tugma ang mga inihayag niya sa birth certificate na meron siya.
Ayon pa sa kanya ay lumaki siya sa farm, na pagmamay-ari ng kanyang tatay, at nagtrabaho siya rito magmula nang siya ay labing-apat na taong gulang ngunit wala siyang matandaan sa kanyang pagkabata. Lagi niyang dinadahilan na wala talaga siyang maalala at hindi niya raw alam. Maliban dito ay hindi niya kayang makapagsalita ng Kapampangan, ang dominanteng lenggwahe sa Bamban. Kaduda-dudang wala man lang siyang alam na salita sa Kapampangan gayong sinasabi niyang doon siya ipinanganak at lumaki. Hindi kapani-paniwala ang kanyang pahayag dahil kung lumaki tayo sa isang pamayanan, likas na matutuhan natin ang wika rito dahil ito ang gagamitin natin sa pakikipag-usap. Mula sa kanyang pahayag si Guo ay ipinanganak sa Bamban kung kaya’t hindi ba’t kataka taka na hindi man lang niya nakuha at natutunang magsalita ng lengwahe ng mga taga-Tarlac?
Ayon sa Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1986, ang mga maituturing na mamamayan ng Pilipinas ay: yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pag-aampon ng Konstitusyong ito; yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; yaong mga ipinanganak bago ang Enero 17, 1973, na ang mga ina ay Pilipino, na pumipili ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa oras na sila ay magka-edad ng ganap; at yaong mga naturalisado alinsunod sa batas. Sinasabi ni Guo na Pilipino siya dahil Pilipino ang kanyang magulang, ngunit paano iyon matutukoy kung ang tatay niya ay Tsino base sa birth certificate nito at walang record na nagpapatunay na nabuhay ang kaniyang Pilipinong nanay? Kahit nga ang mga memorya niya ng kabataan sa Pilipinas ay hindi niya maalala. Maaari ngang hindi lang naparehistro ang birth certificate ng kanyang nanay dahil nangyayari naman talaga ito lalo na sa mga mahihirap na mamamayan ng Pilipinas, ngunit bilang isang may posisyon sa gobyerno ay dapat kumpleto at totoo ang mga dokumento niya.
Bago naungkat ang kahinahinalang pagkatao ni Guo, ang inisyal na iniimbestigahan sa kanya ng Senado ay ang di umano'y pagkasangkot niya sa dalawang ni-raid na iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban. Noong Pebrero 2023, ni-raid ang POGO hub na nagngangalang Hongsheng Gaming Technology Incorporated. Tatlong buwan matapos ma-raid ang Hongsheng ay napalitan ito ng Zun Tuan Technology Incorporated, na kasunod ding na-raid noong Marso kung saan nahuli ang mga kriminal na gawain gaya ng love at loan scam, human trafficking, at pag-hack sa government websites.
Ang kwestyonableng pagkatao ni Alice Guo ay maiuugnay natin sa kanyang isyung kinasasangkutan. Kung sa mismong pagiging Pilipino ay kaduda-duda na ang kanyang mga sagot, hindi kataka-taka na kahina-hinala rin ang ang kanyang paliwanag sa pagkakasangkot sa mga iligal na gawain sa bansa. Kinakailangan suriin ang mga impormasyon ng bawat kandidato upang maiwasan ang mga posibleng problema sa paggamit ng kanilang posisyon kapag sila ang nanalo sa eleksyon. Maaaring ang pagtakbo ni Alice Guo bilang isang mayor sa Bamban ay isang paraan upang magkaroon ng kapangyarihan sa pakikisangkot sa mga kwestyonableng transaksyon.
Maraming kaduda-duda kay Alice Guo, mula sa personal na impormasyon, hanggang sa di umano'y pakikisangkot niya sa mga ilegal at kriminal na aktibidad. Ngunit bago mahantong sa ganito, nararapat lang na hingan ng pananagutan ang COMELEC. Trabaho ng COMELEC na suriin ang mga kwalipikasyon ng mga kandidato. Kung una pa lang ay tiniyak at sinuri nila ang ipinasang requirements ni Alice Guo sa kanyang pagpasa ng CoC ay hindi na aabot sa ganito. Malaking dagok sa kanila na may nakalusot na kandidatong nanalo nang may kwestyunable at kulang-kulang na dokumento.
Sa UPIS, ang mga kandidato sa pagtakbo sa posisyon ng lider-estudyante gaya ng Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) at Year-Level Organization (YLO) ay sumailalim sa masinsinang proseso bago pahintulutang tumakbo. Kinakailangang magpasa ng mga kahingian tulad ng rekomendasyon mula sa mga guro; dapat din ay walang naging disciplinary case sa kanyang buong pananatili sa UPIS. Tanging estudyante ng UPIS lang ang maaaring tumakbo sa mga posisyong ito dahil bilang isa ring miyembro ng komunidad ng UPIS ay naiintindihan niya ang kapwa niya estudyante at alam niya ang nakabubuti sa kanila. Katulad lang din ito na tanging Pilipino lang ang may karapatang mamuno sa Pilipinas. Malaki ang responsibilidad at kapangyarihan ng mga lider kaya kung nabigay ito sa hindi karapat-dapat ay maaaring mapahamak ang buong pangkat. Kung sa ating paaralan nga ay maingat sa paghahalal ng mga maglilingkod na lider-estudyante, dapat ay ganito rin tayo sa mas malawak na konteksto ng bansa. Dapat ang gobyerno ang nangunguna patungo sa pagsasala ng mga magsisilbi sa ating mga mamamayan upang ito ay mapunta sa mabubuting kamay at maging totoo ang paglilingkod sa atin.
Maliban sa gobyerno at COMELEC, malaki rin ang papel ng mga botante sa magiging kapalaran ng Pilipinas. Sa sitwasyon ni Alice Guo sa eleksyon noong 2022, nakakuha siya ng 16,503 boto at natalo niya ang kaniyang pinakamalapit na kalabang kandidato na si Kapitan Joy Salting, kung saan 468 lamang na boto ang lamang niya. Ipinapakita lang dito na ang bawat boto ay mahalaga kung kaya naman ay marapat lang na maging mapanuri sa bakgrawnd ng mga kandidato at seryosohin ang eleksyon dahil ang mga nanalong kandidato ay malaki ang impluwensya sa magiging buhay natin, maging eleksyon sa nasyonal na lebel o mas maliit na sakop gaya ng sa eskwelahan.
Bilang estudyante, ang bawat kilos at desisyon natin sa paaralan ay ating responsibilidad kaya naman kung tayo ay may iboboto o tatakbo, tandaan na ito dapat ay upang makatulong sa ating paaralan at hindi para lang magkaroon ng kapangyarihan. Bilang tatakbong kandidato, dapat sigurado tayo sa ating tatahaking plataporma upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kapwa mag-aaral. Bilang botante naman, maging mabusisi at pumili ng taong kaya ang trabaho na aakuin para sa ating paaralan. Lalo na sa darating na lokal at pambansang eleksyon sa 2025, ang pagiging mabusisi at mapanuri sa mga tatakbong kandidato ay marapat lang na gawin upang hindi mabigyan ng kapangyarihan ang mga mapang-abuso at tiwali. Kaakibat ng ating kagustuhan sa pagpili ng maayos na lider-estudyante para sa ating paaralan ay ang pagpili rin ng matinong kandidato na bibigyan natin ng kapangyarihan upang mapamahalaan nang maayos ang ating bansa.
//nina Japhet Casabar & Aisha Timbal
Mga Sanggunian:
ANC 24/7 (2024, May 27). ICYMI: Senate continues probe on Bamban Mayor Guo's identity, link to illegal POGOs | ANC [Video]. YouTube. https://youtu.be/hsUirBWo9U4?si=sDCGLr0FENGfryGO
ANC 24/7 (2024, May 20). Bamban, Tarlac mayor Guo denies links to illegal POGOs | ANC. [Video]. YouTube. https://youtu.be/M_pI9pCu2u0?si=GHCnQVZ-E9YQkn6w
Government Of The Republic Of The Philippines (1987). THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES – ARTICLE IV. Citizenship. [Website]. Official Gazette Of The Republic Of The Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-iv/
Manabat, J. (2024, May 22). Alice Guo denies being a spy, claims she is a love child. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/luzon/alice-guo-denies-being-spy-claims-love-child/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR0GRnoltPv2KjBVPPkgMuAu0SxYcWGiJoYOAO8VAmwZV3q5XOGTThkwYIg_aem_ARV8RzcJ_iFqCEyY3ahGZr79jgP7fqN0AMCZSgeFIFiGH_HvurJMQZZSuAtJzyfUkKah8Eob8fNxSa-X4FXyHfNO
Magsambol, B. (2024, May 23). 5 things that don’t add up in Mayor Alice Guo’s Senate testimony. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/things-that-did-not-add-up-bamban-tarlac-mayor-alice-guo-senate-testimony/
Manabat, J. (2024, May 22). Bamban mayor linked to raided POGO in Tarlac. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/luzon/bamban-mayor-guo-linked-raided-pogo-tarlac/
PSA flags irregularities in Bamban Mayor Alice Guo’s birth certificate. (2024, May 22). Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/05/22/2357110/psa-flags-irregularities-bamban-mayor-alice-guos-birth-certificate
Ramos, M. (2024, May 23). Guo’s purported ‘mother’ may not exist at all – PSA official. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1943755/guos-mother-may-not-exist-at-all-says-psa-official?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR3J_cEo-_HARktfUkQc62yANrEmeYl4xPjaW0osbPuvGoIu31P9kQwa-Rs_aem_ARUFjKl2cnDWcpr3UwhwsrS235MhQiMF5Yp1JDtuH8w87V6e3_tWbVXdj03jA4Pbx1UQiQvJc_5fLazUg5BohClh
Rappler (2024, May 22). Senate hearing on POGO raided in Bamban, Tarlac and its mayor, Alice Guo [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/live/Gdaizp5uXb4?si=AXYCcmyQsK84r65L
Sarao, Z. (2024, May 23). Guo admits she’s unaware of business partners’ criminal records. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1943490/mayor-guo-admits-shes-unaware-of-business-partners-criminal-records?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR0Y8DB1Hj5GWVVeZjnZKjyhofHgJcH0VJ7m7H90xlDNtitalEhrbP457Gs_aem_ARWmZcoXrIXaV2vR-hx7bw8Oz76rvj8-ntQVzj07tgllBi0gR67ksXJFi8LjpwnkbgjIcV_j2R_63lpiV3X_Y6UC
8 notes
·
View notes
Text
From Precious Hearts Pocketbooks Facebook Page | It Ends With Us by Colleen Hoover (The Filipino Edition) Translated by Sheila Mendoza Hindi naging madali ang buhay noon ni Lily, pero hindi naging hadlang iyon para magsumikap siyang magkaroon ng buhay na pinapangarap niya. Malayo na ang narating niya mula sa maliit na bayan ng Maine kung saan siya lumaki-nakapagtapos siya ng kolehiyo, lumipat siya sa Boston, at nagsimula ng sarili niyang negosyo. Kaya nang makaramdam siya ng kilig at maging sila ng isang guwapong neurosurgeon na nagngangalang Ryle Kincaid, bigla ay parang hindi na kapani-paniwala sa sobrang ganda at saya ng mga nangyayari sa buhay ni Lily. Bilib sa sarili nito si Ryle, may katigasan ang ulo, at may pagkaarogante. Pero sensitibo rin ito, matalino, at mahal na mahal si Lily, nakababahala nga lang ang dati ay matinding pag-ayaw nitong pumasok sa isang relasyon.
At habang ginugulo si Lily ng mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Ryle, ginugulo rin siya ng mga alaala ni Atlas Corrigan ang first love niya at isang malaking bahagi ng kanyang nakaraan. Si Atlas ang naging tagapagtanggol niya noon at marami silang magkasamang pinagdaanan. At nang biglang sumulpot uli sa buhay niya si Atlas, lahat ng binuo ni Lily kasama si Ryle ay nagbabantang gumuho.
You can get a copy through their Lazada and Shopee shops.
12 notes
·
View notes
Text
Dear ate Charo, napasulat po ako para ikwento ang mga naging trabaho ko sa buhay.
Bata palang ay namulat na ko sa pagbabanat ng buto, madalas ay sumasama ako sa palaisdaan pag may pakapa. Nasanay kami sa mga gawain sa palaisdaan gaya ng pagtatambak at pagbubunot ng lumot at digman.
Nung magtapos ako ng high school ay tumigil ako sa pag aaral. Sinama ako ng tatay ko sa ponduhan kung san siya nagtatatrabaho. Ang naging trabaho ko dun ay taga ilado ng isda. Mababa ang sweldo, maswerte na ko pag kumita ko ng isandaang piso sa isang araw. Hindi araw araw may pondo ng isda at di palaging may trabaho kaya umalis ako.
Nabalik ako sa trabahong palaisdaan. Nagbibila, nag iistaka kami at nagtatambak ng putik sa pilapil. Lumulusong kami ng 5am at umaahon ng pananghalian. Mahirap ang trabaho, babad sa sikat ng araw pero ayos lang kasi nakalublob naman sa tubig ang katawan. Naalala ko pa nun na sinabi ng pinsan ko, "kung gusto mo ng trabaho na di masyadong mahirap, sana nag aral ka. Eh di sana nasa opisina ka".
Nag training ako at sumama sa delivery ng softdrinks sa metro manila. 1 week lang ang tinagal ko dun kasi pagod ang katawan sa work at pagod pa sa byahe paluwas sa Maynila at uwian araw araw.
Sinama ako ng tito ko sa QC. May project na bahay ang tito ko na architect kaya sinama ako at naging piyon. Lumuluwas ako ng linggo ng hapon at umuuwi ng sabado ng gabi. Di naiiba sa mga nagwowork sa manila na taga province ang schedule sa pag alis at pag uwi. Sumusweldo ako ng 200 pesos per day. Mahirap ang trabaho at walang araw na di ako nasusugatan o nasasaktan. Mainit pa sa barracks namin na yari sa yero.
Pagkatapos nito ay nag isip isip ako kasi nahihirapan na ko sa buhay. Kontento na ba ko sa estado ng buhay ko? Gusto ko kasi mas umasenso. Kahit papano gumihawa yung buhay ko.
Bumalik ako sa pag aaral. Habang nag aaral ako sa kolehiyo ay naging working student ako. Student assistant sa Dean's office ng college of science. 25 php per hr at max of 4hrs lang per day ang duty. Pero kahit di ganun kalaki ang sweldo ay nag open to ng maraming opportunities sa akin. Tumaas din ang self esteem at confidence ko.
Nagwork ako sa school kung saan ako grumaduate. Job order lang kaya di malaki sweldo at kulang din sa benefits. Mabigat at maraming work pero enjoy kasi marami akong friends sa workplace. Appreciated din ako ng mga colleagues, teachers, students at parents kaya satisfied ako aa work ko.
Iniwan ko ang work sa Pinas para makipagsapalaran sa abroad. Sinama ako ng pinsan ko sa Dubai. After a week ay nakahanap agad ako ng work bilang kitchen staff. Malayo sa napagtapusan ko at sa mga naging work ko dito sa Pinas. Pero ganun talaga kasi need mo mag adjust. Para sa akin ay hindi okay ang sweldo. Nasa 32k lang per month ang sweldo ko at ang mahal ng cost of living. Mahal renta sa bahay na higaan lang naman talaga. Mabigat ang work at madaming ibang lahi na mababa ang tingin sa pinoy. Kahit kapwa mo pinoy hihilahin ka pababa.
Bago ko nag Dubai ay nagtake na ko ng civil service exam. Pag uwi ko ng Pinas nung 2018 ay nag apply agad ako. Nasa line pa rin ng education. Tanggap na ko sa St. Scholastica sa Malate, Manila as Registrar at 20k ang offer sa akin pero mas pinili ko ang 16k na offer sa akin dito sa Bulacan. Malaki nga kasi sweldo mo pero malaki din cost of living sa Manila. Swerte na rin kasi di na ko inabutan ng covid sa Manila.
Hanggang ngayon ay under DepEd pa rin ako. Nagwork ako as Adas 2 for more than 2 years at ngayon ay mag 3 yrs na as AO 2. Eksaktong May 29, 2019 lumabas ang advise ko kaya eksaktong 5 yrs na akong nagwowork sa current work ko ngayon. Hindi man ganun kaganda o kalaki ang sweldo ko, madami man ang pinapagawa at maraming tao na susubukin ang pagtitimpi at pasensya mo ay masasabi ko pa rin na maswerte ako. Di man gaya ng iba na nasa magagandang kompanya, malaking sweldo, mataas na posisyon at magaang trabaho.
Dahil panahon ngayong ng moving up at recognition rites, pang speech ko sana to as a guest speaker pero di naman ako ganun kaimpluwensya o popular na tao kaya di ako nakukuha. Wala din akong maidodonate sa school kung kukunin man akong speaker kasi hindi rin ako mapera kaya dito ko na lang pinost ang mga pinagdaanan ko sa buhay na sana kahit papano makapulutan ng aral ng mga bata.
Malayo na pero malayong malayo pa. Hindi ko rin akalain na mararating ko kung ano man ang kinatatayuan ko ngayon. Kaya wag kayong basta basta makuntento. Patuloy lang sa pag abot ng pangarap. Hindi mo namamalayan na yung pinapangarap mo lang dati ay meron ka na, nakakain mo na yung pagkain na di mo nakakain dati, nabibili mo na yang mga bagay na di mo kayang bilhin noon at napuntahan mo na yung mga lugar na nakikita mo lang sa iba. Basta mag tiwala lang tayo sa ating sarili at kakayahan. Tuloy lang din ang pagdarasal kasi ibibigay ni Lord kung ano talaga ang para sa atin.
Nagmamahal,
JM Raymundo
3 notes
·
View notes
Text
stewie2k-iwnl 100923 1756
Medyo umuulan. Lunes. Kakasakay ko lang sa MRT sa may Araneta-Cubao at papunta akong Ayala para pumasok sa opisina. Mag-a-alas otso na rin at 'di pa rin ako kumakain.
Hindi naman required pumunta sa opisina pero araw kasi ng sweldo ngayon at gusto ko, nandoon ako kapag dumating siya. Bago pa lang din ako sa trabaho. Umalis ako sa previous kong work at pumasok na ako kaagad sa susunod the following day. Literal na aint no rest for the wicked.
Isang buwan na akong di sumasahod at isang buwan na rin akong nagt-tyaga na sa sitwasyon ko. Aminado naman din akong kasalan ko ba't ganto pero sabihin na lang nating gumastos ako ng perang 'di ko dapat ginastos kasi akala ko walang ibang pag-gagastusan. Pero ganon talaga ang buhay, kung kailan nakataas 'yung dalawang kamao mo't handa na para umilag sa uppercut niya, saka ka niya susuntukin sa bayag- in the form of mga gamot ng tatay at emergency expenses sa university ng kapatid. Parang 'di yata wais na desisyon yung pagbili ng 85-fucking-thousand na PC bilang gradudation gift ah. Wala tuloy akong pang-Jollibee ngayong araw.
Kaya heto tayo ngayon. Kaunting tiis. Kaunting lakad, kaunting commute. Patigasan na lang ng sikmura habang nanlalambot ang buong katawan. Palag-palag pa naman sa opisina dahil wala pa naman masyadong ginagawa.
Medyo lumalakas pa yung ulan at yung kulog ng tyan ko.
"Pre, anong oras usually dumadating yung sahod?" nagsend ako ng message sa katrabaho ko. 68% na lang battery ko. Tapos apat na raang piso na lang yung laman ng banko ko. Sobra nang kaunti para sa pamasahe ko ngayong araw dahil babalik pa ako ng probinsya mamayang pagkauwi.
Pagkatapos ng ilang minuto, sumagot 'yung katrabaho ko.
"Nung Friday pa meron pare hahaha"
Agad-agad kong binuksan 'yung banking app na pina-setup ng kumpaya ko nung unang araw ng Setyembre. Hinihintay kong magload yung balance at pagkatapos ng limang segundo tinitigan ako pabalik ng kalahating milyong piso.
"Huh" sabi ko sa sarili ko.
Kung panaginip 'to, ngayon na 'yung pinakamagandang oras para magising ako. Natatandaan niyo ba 'yung saktong eksena ni Will Smith nung tinanggap siya sa trabaho? Hindi ko 'yun ginawa dahil medyo masikip sa MRT pero in-imagine ko na lang.
"Now arriving at Ayala station. Paparating na sa Ayala Station," sabi ng recorded na boses ni Inka Magnaye ('di ko alam kung siya ba talaga 'yon pero kung hindi edi pauso ko lang)
Hindi 'to post na may mapupulot kang aral. Hindi rin 'to 'yung mga usual kong pa-edgy deep shit. Hindi 'to tungkol sa life lessons, empathy, sympathy. Pero sa loob ng apat na taon kong nagta-trabaho, sa pagraos sa kapatid kong makatapos ng kolehiyo nang mag-isa, at sa ilang pakyu at sucker punch sa bayag ng buhay, ngayon lang ako binulungan ng guardian angel ko na magyabang at sinigawan ng demonyo na deserve ko 'tong nararamdaman ko ngayong araw.
"Parang mag-J-Jollibee yata ako mamaya ah," Sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.
4 notes
·
View notes
Text
minsan akong tumigil sa mga silong para sa iba’t ibang dahilan; patilain ang ulan, magbuklat ng bag para hanapin ang ID, mag antay ng kaibigan, mag abang ng jeep, mag isip isip, magpalipas oras, magmuni muni. at ikaw.
sa dinami dami ng beses na sumilong ako, hindi ko inakala na sa isang dapit hapon, may magiging kahati pala ako sa silong ko.
maulan, nandoon ka, may hawak kang basang payong at tila tinutuyo mo ang basa mo nang buhok. nakita ko sa lanyard ng ID mo na isa kang IT student sa unibersidad natin. pareho tayong nagpatila ng ulan, kasama ang kumportableng katahimikan. doon tayo nagumpisa.
hanggang sa hindi nalang pagpapatila ng ulan ang naging dahilan bakit tayo nagtatagpo sa silong. minsan iniisip ko, pareho na din natin ginugusto na magkatagpo tayo. pareho natin kinukuhaan ng tiyempo.
mas dumami ang naging dahilan ko para tumigil sa silong na to, dito natin unang pinagsaluhan ang fishball at kikiam sa tinda na tusok tusok ni Mang Banoy. dito natin tinulungan ang isa’t isa para maghanda sa mga pagsusulit. dito mo sakin unang binalita na nakapasa ka sa major subject nyo. dito ko nakita kung paano ka nagsimulang mangarap. dito ko nakita na nakikinig ka din pala sa unti-unti ng udd nung dumako ang paningin ko sa cellphone mo. dito tayo lagi nagbibiruan, at dito ko unang tinanong sayo ang mga korni kong joke. dito tayo nagtatawanan. dito natin pinagdamayan ang saya, lungkot, pait, luha, at pagkabigo na dala ng buhay sa kolehiyo.
ang bilis ng panahon, sadyang hindi mo mamamalayan. maaaring ngayon na andito pa tayo pero bukas o sa makalawa, hindi mo na sigurado.
tila ang panahon ay napagod at nabagot na sa pagpapahiram sa atin ng tiyempo at pagkakataon. hanggang sa ang minsang hindi natin pagtatagpo, ay nauwi na sa mas madalas at palagi. hindi na tayo sumisilong dito. hindi na tayo tumitigil dito. hindi na kita nakikita dito. wala na tayo dito.
napapadaan pa din naman ako, napapatigil pa din ako. pero sa kabilang parte na ng kalsada. napapatigil nalang ako para lumingon at tumitig sa lugar kung saan ang mga bakas ng alaala natin ay magtatagal habambuhay.
pinakikinggan ko pa din ang unti-unti ng udd. umaasa pa din ako na sana hanggang sa muli, tayo rin ang magtatagpo.
- tamang tao sa maling panahon, 2009.
3 notes
·
View notes
Text
Shyaine Akyv D. Cinco
11-Sandor PETA
Deskriptibo na pag papakilala sa SHS
Ang Pagiging Senior High Student ng Don Bosco Makati
Ang Senior High School ng Don Bosco Makati ay may apat na inaalok na strand sa Senior High, ito ay STEM, HUMSS, ABM, AT ARTS and DESIGN. Sa kabila ng mga strand, parte pa rin sa curriculum ang pag aaral sa teknikal ng mga estudyante. Ang departmentong ito ay nabubukod sa Junior High at Grade School sapagkat itinuturing itong CO-ED. Sa kabila ng pagiging CO-ED nito ay mas marami pari nang lalaking estrudyante dahil sa nakasanayang All boys school ang DBTI Makati.
Ang senior high ay isa sa pinaka importanteng ganap sa buhay ng isang tao lalo na sa pag aaral. Ang papamaraan ng pag tuturo sa Don Bosco Makati ay maiihahawig natin sa isang Kolehiyo, mayroon itong tatlong semestro, ang schedule ay naka depende sa section, ang subjects ay naayon sa strand na napili, at mayroon ring lunch out program. Ang SHS dito ay matutunuring na isang training sa mga estudyante para maging isang ganap na kolehiyal/kolehiyala. Maraming events ang sinasagawa sa bawat buwan na nag bibigay saya sa mga estudyante. Di lang events ang maaring maranasan sa departmentong ito kundi ang pinaka mahalaga sa lahat, ang magaling na pag tuturo ng mga titser. Ang mga titser dito ay magaling sa kanilang mga ginagampangan na tungkulin sa mga mag aaral at bilang pangalawang magulang narin sa estudyante. Huli, di mawawala ang mga matatalino, mababait, at masisipag na estudyante. Ang mga estudyante sa SHS na ito ay matuturing mong tunay na bosconian at maituturing kapatid ang bawat isa rito.
Ang pagiging estudyante ng SHS sa DBTI MKT ay isang “life changing” na pangyayari. Masaya at Ispiritual ang magiging paglalakbay bilang isang Senior and High Bosconian. Tiyak na mabubusog ang isip, puso, at kaluluwa sa mga gawain inihandog para lamang sa mga Senior High School student ng DBTI Makati
2 notes
·
View notes
Text
Night Stroll
11.18.22 Biyernes, Naisipan kong alukin lumabas ang aking kaibigan, paano ba naman ilang araw na ata akong nakahilata lang sa higaan at walang ginagawa. Siguro nag-iisip. Puro pag-iisip lang. Siguro kailangan ko ata ng makakausap.
Naging tradisyon na ata 'to sa amin na minsan lalabas kami ng gabi at kakain at mag-iikot dito sa barangay namin. Mag-uusap. Anong nararamdaman namin, kahit ano lang, aalalahanin ang mga nakaraan o takot na pag-uusapan ang kasalukuyan. Ganito na ata kapag tumatanada! hahahahaha
Bilang isa nga akong rainy person, sa aming paglalakad ay bumuhos na naman ang ulan. Wala kaming payong kaya naman sumilong kami sa tabi ng isang tindahan at nagpatila ng ulan. Tapat nga pala nito ang paaralan namin noong kami'y first year highschool, ngayon isang taon na lang at makakapagtapos na kami ng kolehiyo. Ang bilis ng panahon. Tinanong ba kami ng panahon kung kami'y handa na?
Naglakad kami at katabi nito ang paaralan namin nung elementarya, grabe, ilang taon na kaming magkaibigan. Naglakad kami nang naglakad at nagkwentuhan. Napadpad kung saan.
Kumain kami ng inihaw at pagtapos tumambay sa isang milk tea shop, ilang buwan na rin ako 'di umiinom ng milk tea dahil bukod sa nagsawa ako sa lasa, sobrang mahal na rin ng mga bilihin. Kung bibili ako nito ay parang isang luho. Nanggaling sa akin na puro gastos at kain pa rin sa labas.
Halos pag-uusap lang naman ang ginagawa namin. Naglakad kami at umikot ulit. Dumaan kami sa kung saan walang mga sasakyan. Ang dami naming pinag-usapan. Buhay, tao, pang-yayari, mga maling desisyon o pagdedesisyon at mga what ifs.
Ito pala ang gamot sa pag-iisip ko, isang madadantayan.
Tapos biglang parang kaya ko na ulit harapin ang bukas!
2 notes
·
View notes
Text
WALANG TATALO SA PANGARAP
Capiz - isang lalawigan sa Visayas na nakilala dahil sa mga kuwentong ito ay pinamumugaran ng masasamang elemento. Nguti, hinggil sa kaalaman ng lahat na ang lugar na ito ay may mas nakakatakot na problema - Ang KAHIRAPAN.
Pinapalakas ng Department of Agrarian Reform ang sa lalawigan ng Capiz ang kampanya laban sa kahirapan at kagutuman. Ito ay isang patunay na hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon sa kahirapan ang lalawigang ito.
Taong 1956, ito ang kaaranawan ng aking ama na si Junifer B. Avila. Ngunit, ito rin ang araw na naranasan niya ang kahirapan sa lalawigan ng Capiz.
Nang dahil sa kahirapan ng buhay sa Capiz, ang nanay ni papa Junifer, na si Lola Daisy, ay nais makipagsapalaran sa Maynila upang kumita, at magkaroon ng pag-asang makakaahon sila sa kahirapan. Kaya naman siya ay humingi ng tulong sa mayor upang siya ay makapunta na sa Maynila.
Napadpad si Lola Daisy sa lungsod ng Valenzuela. Dito siya namasukan bilang katulong, at kung minsan naman ay naglalabada. Ito lamang ang kayang trabaho ni Lola Daisy dahil hindi rin siya nakapagtapos ng pag-aaral. Ngunit sa lahat ng hirap na ito, dito naman niya natagpuan ang kanyang asawa na si Lolo Fausto.
Nagkaroon ng bunga ang pagsasama ni Lola Daisy at Lolo Fausto, at sila ay bumalik sa Capiz. Ngunit, hindi rin nagtagal ay iniwan sila ni Lolo Fausto, at hindi na muling bumalik pa. Halos gumuho ang buhay ni Lola Daisy dahil hindi niya alam kung paano bubuhayin si papa Junifer. Kaya naman sila ay bumalik sa Valenzuela upang magtrabaho at manirahaman.
Kahit na mahirap lamang sila, hindi ito naging hadlang kay papa Junifer upang maging top sa klase. Kaya siya ay nagkaroon ng scholarship sa Malinta Elementary School. Nagpatuloy rin ito hanggang sa high school kung saan siya ay nag-aral naman sa Meycauayan Institue. Dahil high school na, naisipan nilang pamilya na magtinda siya ng puto at pandesal upang magkaroon siya ng baon sa araw araw.
Kahit na may mga scholarship na natatanggap si papa Junifer, hindi pa rin ito ang naging kasagutan sa kahirapan na kanilang nararasanan. Kaya imbis na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo, pinili niya munang magtrabaho upang makatulong sa kanyang ina. Siya ay namasukan sa Ramie Textile Incorporated.
Ngunit, hindi rin nagtagal ay napagtanto ni papa Junifer na hindi sapat ang ganoong uri ng pamumuhay, kaya siya ay sumubok muli na mag-aral. Kinuha niya ang kursong Pharmacist sa FEU. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho rin siya sa Ramie Textile Incorporated. Magtatrabaho siya sa umaga, at mag-aaral naman sa gabi. Kaya sa mga panahong ito, naranasan niya ang matinding pagod at hirap. Pero hindi pa rin siya sumuko dahil sa kanyang pangarap na makaahon sa kahirapan.
Dito ako nabilib sa aking ama dahil kahit na ang daming problema at pagsubok sa buhay, hindi siya sumuko.
Nakita ko ang kahalagahan ng pangarap sa buhay. Ito ay isang mabisang instrumento upang makamit ang ating inaasam-asam sa buhay. Dahil sa pangarap, kahit gaano na kahirap, magpapatuloy upang maging maganda ang hinaharap.
Kaya, papa, salamat sa inspirasyon. Ipagmamalaki kita sa kahit na sino. Nahigitan mo na ang pangarap mo. Mahal kita.
~ Avila, Japhet V.
1 note
·
View note
Text
Halaga ng Buhay
“Have you ever wondered how much your life would be worth?”
Natural na magiging sagot ng tinatanong na hindi dapat binibigyang halaga ang buhay ng isang tao. Marahil dahil ito sa eksistensyal na tanong ng bawat indibidwal kung bakit ba tayo buhay dito sa mundo. Pwede din na dahil ito sa paraan kung paano tayo pinalaki sa ating mga bahay at nabuo ang ating mga moral na pagkakakilanlan. Subjective ang pagbibigay ng halaga sa buhay ng isang tao. Kung saan iba-iba sa bawat indibidwal ang krayterya kung paano nila ito matanto.
Pero kung sakali man na kung ang magiging krayterya ay: kung gaano ka kasaya, kung gaano mo mapasaya ang iba, kung makamit mo ba ang iyong mga pinapangarap, at kung may kontribusyon ka ba sa panlipunan. Gaano nga ba tayo kahalaga?
Sumusunod ang kwentong “3 Days of Happiness” sa 19-taong-gulang na si Kusunoki na nasa kolehiyo at walang pera. Naniniwala noon si Kusunoki na nakalaan siya para sa mga dakilang bagay. Dahil sa pagiging bata, pinanghahawakan niya ang paniniwalang naghihintay sa kanya ang magandang buhay sa mga susunod na taon. Ngunit nang papalapit na siya sa edad na dalawampu't, isa na siyang ganap na katamtaman na mag-aaral sa kolehiyo na walang motibasyon, walang pangarap, at walang pera. Matapos mabigyan ng pahinga sa trabaho pagkatapos mawalan ng malay dahil sa kawalan ng pagkain sa loob ng ilang araw, nagpasya si Kusunoki na ibenta ang ilan sa kanyang mga libro at CD para subukang kumita ng pera. Narinig niya doon sa tindahan ng mga libro na maaari niyang ibenta ang kanyang mga natitira pang taon. Kahit na narinig niya kung gaano kaliit ang halaga nito-pinili niyang ibenta ang lahat ng kanyang natitirang buhay maliban sa kanyang huling tatlong buwan. Talaga bang sinira ni Kusunoki ang kanyang huling pagkakataon na makahanap ng kaligayahan…o mahahanap na ba niya ito kahit papaano?
Noong bata pa si Kusunoki lagi niyang iniisip na espesyal siya at malayo ang mararating niya sa buhay. Ngunit hindi niya naiwasan na maging isang katamtaman na estudyante pagdating niya sa kolehiyo. Maaaring dahil ito sa kawalan niya ng pangarap o sa burn-out. Nang dahil dito, lagi niyang nararamdaman ang pagkabigo niya sa buhay. At ang pagkabigong ito ang nagtulak sa kanya na mapalayo sa kanyang pamilya at kaibigan sa pag-asang espesyal siya at kaya niyang alagaan ang kanyang sarili nang hindi nangangailangan ng tulong sa ibang tao. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi niya kinaya ang hirap at nawalan na siya ng pag-asa sa kanyang mga pangarap.
Naging desperado si Kusunoki na mapabago ang kanyang buhay. Kaya noong nalaman niya kung gaano talaga ang halaga niya, hindi niya napigilang ibenta ang karamihan sa kanyang natitirang buhay para magpakasaya nalang at mabuhay nang komportable. “What kept me bound to life thus far had been the shallow hope that something good might happen someday… That was my salvation, but it was also a trap. Which is why now that I’d been told ”Nothing good will happen in your life,” I could see it as a blessing. Now I could die at peace.” Mabibigyang kahulugan ang kilos na ito na paraan ng bida upang makatakas sa kanyang buhay at repleksyon nang kanyang depresyon at paniniwalang hindi siya mahalaga.
“The fact of the matter was, I’d always been a person who made himself difficult to save.” Mula sa simula hanggang sa kalagitnaan ng kwento, palaging iniiwasan ng bida ang pakikipagkapwa. Dahil ito sa kanyang pagiging arogante at kawalan ng atensyon at empatiya sa iba. Kaya nang naibenta na niya ang karamihan sa kanyang buhay, napagtanto niyang walang kahit isa sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang dadalo at manatili sa kanyang tabi sa kanyang kamatayan. Dito na nabuo ang kanyang panghihinayang sa nakaraan at matinding takot sa hinaharap.
“At times like these, the quickest way to get back on your feet is to not resist the flow of your emotions, but jump into a pool of your own despair and wallow in self-pity.” Tugon ang kanyang ideya ng pagsira sa sarili sa pakiramdam na pagkakulong sa kanyang depression. Nagiging coping mechanism ng bida ang paglulok sa kanyang natirang buhay sa malingat at walang kabuluhang paraan upang malimot na niya ang kanyang pagka-kawalang halaga sa buhay. Pero sa paglaan ng oras na lagi siyang binabantayan ni MIyagi, ang kanyang nakatalagang tagamasid sa natitira niyang oras, unti-unti niyang nahaharap ang kanyang emosyon at problema sa sarili. Unti-unti din niyang nakita ang halaga ng buhay, na may mga maliliit na bagay talaga na dapat pahalagahan.
Si Miyagi ang naging anchor sa emosyon ni Kusunoki, ito din ang nagtulak sa bida na makita ang halaga ng pagkakaroon ng makabuluhang relasyon sa iba. Sa pamamagitan nito, nagbago ang pananaw ni Kusunoki sa buhay at unti-unti na siyang lumalabas at nakikipagkapwa sa iba. Na ang mapait na pagkaunawa na kahit sa pinakamadilim niyang sandali, may kahulugan ang buhay sa pamamagitan ng koneksyon sa iba.
Nagbibigay liwanag ang kuwento ni Kusunoki sa “3 Days of Happiness” sa malupit na katotohanan ng hindi naaganang depresyon. Sintoma na kadalasang nauugnay sa depresyon ang kanyang paghihiwalay, pakiramdam ng kawalang-halaga, at passive na saloobin sa buhay. Binibigyang-diin ng nobela na nangangailangan ang mga pakikibaka sa mental health ng pagkilala at suporta, hindi mga matinding hakbang tulad ng self-pity.
Isang malakas na paalala sa kahalagahan ng pananaw at koneksyon ng tao ang paglalakbay ni Kusunoki mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa isang mapait na pag-unawa sa buhay. Nagpapakita ang kanyang kwento na kahit sa mga panahon ng malalim na kawalan ng pag-asa, may halaga sa paghahanap ng suporta at pagpapahalaga sa mga sandali meron tayo. Sa pamamagitan ng kanyang karanasan, hinihikayat ng “3 Days of Happiness” ang mga mambabasa na humanap ng layunin, bumuo ng mga relasyon, at harapin ang kanilang mga problema sa halip na tumakbo mula rito.
Sa isang mundo kung saan madaling makaramdam ng pagkawala, ang kuwento ni Kusunoki ay nagpapaalala sa atin na ang halaga ng buhay ay hindi masusukat sa pera ngunit sa mga relasyon na binuo natin at ang lakas ng loob na harapin ang ating mga hamon nang direkta.
0 notes
Text
LITERARY: Huling Sulyap
Tumayo ako mula sa pagka-squat matapos kong ilagay ang aking mga gamit sa karton. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng aking kwarto, tinitignan kung may naiwan pa ba akong gamit, nang mapatingin ako sa isang album doon sa istante.
Pinuntahan ko iyon at kinuha. Binuklat ko ito at napangiti sa nakita. Bumungad sa akin ang larawan mula noong ako'y bata pa, karga-karga ng aking tatay sa kanyang balikat habang nasa tabi niya naman ang aking nanay. Puno ang album ng mga larawan ko mula noong ako’y sanggol pa hanggang sa ako ay nasa pitong taong gulang. Natawa ako nang makita ko ang litrato kung saan umiiyak ako habang nilalagyan ng Band-Aid ang aking sugat.
Matapos kong tingnan ang mga larawan sa album ay inilagay ko rin iyon sa karton at dumiretso sa kabinet upang kumuha pa ng mga damit na aking dadalhin. Nagulat ako nang makita ko sa pinakadulo-duluhan ng mga damit ang uniporme ko noong elementarya kasama ang mga larawan ko noong nag-aaral pa ako dito. Nakakatuwang nandito pala ito.
Naalala ko noon, hatid-sundo pa ako ng aking nanay. Nakita ko ang larawan namin na hanggang balikat niya lang ako. Natawa rin ako nang makita ko ang aking larawan na madungis; lagi kasi akong nakikipaglaro ng habulan sa aking mga kaklase pagkatapos ng klase noon kaya lagi akong pawis at marumi kapag sinusundo. Hay, kay sayang balikan ng aking pagkabata.
"Anak, tapos ka na bang magligpit dyan? Aalis na raw kayo," rinig kong sabi ng aking ina sabay katok sa pinto.
"Sandali na lang ho, Ma," tugon ko at napatingin sa pinto. Maya-maya’y narinig ko ang mga yabag ng paa niyang paalis.
Nang masiguro kong wala na ang aking nanay ay ibinalik ko ang aking tingin sa mga larawan bago ko ilagay sa karton. Pagkatapos ay naghalungkat pa ako sa kabinet para tingnan kung may madadala pa akong gamit nang tumambad sa akin ang isang kahon. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga larawan ko noong ako’y tumuntong sa hayskul. Di kagaya noong elementarya, maayos at malinis na akong tignan. Naalala ko na hindi na rin ako hinahatid-sundo noon ng aking mga magulang dahil tiwala silang kaya ko na ang aking sarili.
Kinilig naman ako nang makita ko ang larawan namin ni Aaron pati na rin ang mga liham pag-ibig na isinulat niya noong kami'y magkasintahan pa lamang. Patago pa ang relasyon namin noon dahil hindi ako pinapayagang magkaroon ng nobyo. Laking galit na lang ng aking mga magulang nang malaman nila at gusto nila kaming paghiwalayin sa kadahilanang baka ako ay masaktan lamang o ako’y mabuntis dala ng tindi ng damdamin. Nakakatawa dahil ngayon ay kinukulit na nila kami na gusto na raw nilang magkaroon ng apo.
Nakita ko rin ang larawan ng graduation ko sa hayskul. Naalala ko na pagkatapos kong makatapos sa hayskul ay natakot ako sa mga darating na pagbabago sa aking buhay dulot ng pagpasok sa kolehiyo. Magkakahiwa-hiwalay kami ng aking mga kaibigan ng papasukang kolehiyo. Kung tatanungin ako noong panahon na iyon, ayoko na sanang may magbago. Komportable na kasi ako sa buhay na mayroon ako noong hayskul, at balita ko'y mahirap na daw sa kolehiyo.
Pagkatapos kong magmuni-muni ay inilagay ko rin ang huling mga larawan sa karton at tinakpan ng tape matapos masigurong wala na akong naiwang gamit. Dinala ko ang karton at ako’y bumaba patungo sa sala.
Habang naglalakad papunta sa sala ay nadaanan ko ang mesa kung saan nakalagay ang larawan ko noong ako'y magtapos sa kolehiyo. Napangiti ako nang maalala ko ang aking tuwa nang magbunga ang paghihirap ko sa kabila ng takot ko sa mga pagbabagong mangyayari sa aking buhay. Ibinaba ko muna ang dala kong karton sa sahig at hinawakan ang aking larawan. Ako’y nakatoga sa araw ng aking pagtatapos, at katabi ko ang aking mga magulang at si Aaron, na tanggap na ng mga magulang ko noong panahong iyon.
Si Aaron talaga ang nagpakita sa mga magulang ko na siya’y mapagkakatiwalaan. Tuwing kami’y lalabas, lagi niyang sinisigurong ipaalam sa kanila ang aming mga plano. Ginawa niya ang lahat para makuha ang kanilang loob, dahil alam ko naman na ang takot lang nila ay ang masaktan ako. Sa huli, natutuhan din nilang tanggapin na ako’y nagiging independent na, at natuto na rin ako sa buhay. Alam nilang responsable na ako para magkaroon ng relasyon. Ngayon, buo na ang tiwala nila sa amin at lubos na ang kanilang suporta.
Habang patuloy kong pinagmamasdan ang larawan ay napuno ako ng emosyon. Sa gitna ng mga alaala at ng saya ng pagtatapos, naramdaman ko bigla ang mainit na yakap ng aking nanay at tatay sa aking tagiliran. Ibinaba ko ang larawan sa mesa at agad na niyakap silang dalawa.
“Ang laki na ng unica hija namin. Parang kailan lang, karga-karga lang kita sa bisig ko,” naluluhang sambit ng aking ina habang hawak ang aking kaliwang kamay at hinahaplos ang singsing sa aking palasingsingan.
“Parang kailan lang, ako lang ang lalaki sa buhay mo,” sabi naman ng aking tatay.
“Ngayon, aalis ka na sa puder namin,” dagdag ng aking nanay habang kumukurba ang labi paibaba at sumisilip ang luha sa kaniyang mga mata.
“Ma, Pa, wag ho kayong mag-alala sakin. Kaya ko na ang aking sarili. Strong girl kaya ako!” pagkalma ko sa aking mga magulang, kahit alam ko sa aking sarili na tinatraydor din ako ng aking emosyon. Nararamdaman ko na ang pagpaso ng init sa aking mga mata at ang mainit na bara sa aking lalamunan.
“Hay, sa bagay nga. Lagi mong tandaan na andito lang kami ng papa mo,” sabi ng nanay ko.
“Basta tandaan mo ha, kapag nag-away kayo ng asawa mo, dito ka na lang tumira. Welcome ka lagi dito sa bahay,” biro ng tatay ko sabay kindat sa akin. Napatawa niya ako, kahit na may mga namumuong iyak na sa akin.
“Ma, Pa, aalis na po kami,” narinig kong sabi ni Aaron, na lumapit upang magmano sa aking mga magulang.
“Tara na?” aya niya sa akin. Ngumiti naman ako at kinuha niya ang karton sa sahig at naglakad na kami palabas.
“Ingat kayo!” Pahabol ng aking mga magulang.
Pagkalabas ng geyt ay pinagmasdan ko muna ang bahay. Saksi itong tahanan na ito sa lagpas dalawang dekada ng masasaya at masasamang memorya at pangyayari sa aking buhay. Alam nito ang mga pagbabagong naranasan ko sa buhay. Ito ang naging comfort place ko, at hindi madaling umalis sa tahanang aking nakasanayan.
Pumasok ako sa kotse at doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Agad naman akong inalo ng aking asawa at niyakap. Nang kumalma na ako ay binitawan niya ako at hinawakan ang aking kamay.
“I promise, bibisitahin natin sila.”
Gumaan ang aking pakiramdam sa kaniyang sinabi. Ngumiti ako bilang tugon. Binitawan niya ang aking kamay at hinawakan ang manibela ng kotse.
Ang hirap kapag nawala sa naging safe space mo at sa bagay na naranasan. Ang hirap magsimula ulit. Pero gaya nga ng sabi nila, “Change is constant.” Takot ba ako sa haharapin kong pagbabago sa buhay ko? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pumapasok ang mga palaisipan na, paano kung hindi maging maayos ang pagsasama namin? Paano kung hindi na maging maayos ang aking buhay ngayong wala na ako sa puder ng aking mga magulang? Wala nang gagabay sa akin at wala nang maglalagay ng Band-aid sa akin kapag nasugatan ako. Paano kung magkamali ako?
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pag-aalinlangan at takot, naiisip ko rin ang mga alaala ng aking pagkabata at mga aral na natutuhan ko mula sa aking mga magulang. Saksi ang aking tahanan sa mga masasaya at mahirap na mga pagkakataon, at doon ko natutuhan ang halaga ng pamilya at suporta. Ang mga alaala ng mga yakap at mga salita ng pagtulong mula sa aking ina at ama ay nagbibigay sa akin ng lakas. Habang tinatanong ko ang aking sarili tungkol sa hinaharap, unti-unti kong natutuhan na kahit sa gitna ng pagbabago, dala ko ang mga aral na ito, at hindi ako nag-iisa sa paglalakbay na ito. Unti-unti, ang takot na nararamdaman ko kanina ay napapalitan ng kagalakan. Ang pagbabago ay bahagi ng ating buhay, at hindi natin ito maiiwasan. Ang maaari nating gawin ay maghanda at yakapin ang mga pagsubok habang dala ang mga aral na ating natutuhan. Alam kong may mga pagkakataon na maaaring magkamali ako at madapa, ngunit bahagi iyon ng proseso, hindi ba? Sa kabila ng mga bagay na hindi tiyak, handa na akong harapin ang mga bagong hamon at karanasan, kasama ang aking minamahal.
“Ready?” tanong ng aking asawa. Tumango naman ako bilang tugon at nagsimula nang umandar ang kotse.
Handa na ako sa panibagong yugto ng aking buhay.
Handa na ako sa aking bagong tahanan.
5 notes
·
View notes
Text
kasabay ng pagharap sa buhay bilang isang kolehiyo
ay ang mga blankong pahina ng aking libro
sinisimulan ko pa lamang isulat
ang unang kapitulo
kung saan halos lahat
ay pawang mga estranghero,
ang bawat sulok sa paningin ko'y bago
at sa pakiwari ko'y matagal bago ako masanay,
bago makabisado
sa aking mga unang linggo—
mistula akong humuhulma
ng panibagong mundo
para sa mga bagong mukha,
bagong pagkatao
bagong tinatahak na pasilyo,
para sa bago
at susunod pang mga kapitulo
ng aking kwento
bilang isang BUeño
(cttro of the pic)
0 notes
Text
Akademikong Tulong Ng Pamamahayag Sa Mga Mag-aaral Sa Kasalukuyan.
Magandang buhay!… Hellow world!…Hellow pilipinas!… Hi! Ako nga po pala si Shiela Mae L. Labay at kasama ko po ang aking pinaka magandang partner na si Ashley Nicole S. Bagares. Kami po ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa paaralan ng Don Carlos Polytechnic. Mga kaibigan at kapwa namin mag-aaral naitanong nyo na po bah kung ano ang mga naitulong saatin ng akademikong pamamahayag sa mga mag aaral sa kasalukuyan? Kung naitanong nyo na tapusin nyung basahin ang aming blog kung saan magbabahagi kami ng ibat-ibang klase ng pamamayag kung saan ay mapagkukunan po natin ng leksyon.
Bago Ang lahat nais naming ipakilala sainyo si Tomas Pinpin siya ay isang Pilipinong manlilimbag noong panahon ng Kastila at itinuturing na "Unang Pilipinong Manlilimbag." Kilala siya sa kanyang aklat na "Librong Pag-aaralan nang mga Tagalog nang Wikang Kastila" noong 1610, na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na matutunan ang wikang Kastila. Bilang Isang studyante siya ay nag bibigay inspirasyon sa mga kabataan at nakakatulong siya upang masimulan Ang unang paglilimbag sa pilipinas, maraming tao Ang kanyang natutulungan dahil laman sa kanyang mga talento na kanyang binahagi maraming kabataan o tulad namin na mag aaral Ang kanyang binigyan nang inspiration na ipagpatuloy Ang kanyang sinimulan.
Alam ninyo ba na saating kapanahonan ngayon kung saan marami na ang mga naimbintong iba't ibang makabagong teknolohiya, napakarami na rin ng pamamaraan kung paano ipalaganap ang mga inpormasyon na naating nasasagap at ating nababalita sa pamamagitan lamang nang Internet at Social Media. Ang dalawang ito ay napakahalaga sa mga estudyante ng kasalukuyang panahon. Hindi lamang sa mga studyante pati narin sa ibang mga tao.
Napakalaki rin ng naitutulong ng Social Media sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa pagitan ng ating kapwa mag-aaral pati na rin ng mga guro. Nagkakaroon tayo ng palitan ng mga ideya o impormasyon na maaaring maiparating sa pamamagitan ng mga larawan at mga bidyo. Ilan sa mga halimbawa ay ang pagbahagi ng mga posts sa Facebook, pag-tweet sa Twitter, pag- post ng mga larawan sa Instagram at pagbahagi ng mga bidyo sa Youtube. Ilan lamang yan sa napakaraming paraan upang makipagtalastasan sa pamamagitan ng Social Media. Ito ay nagsisilbing tulay sa mga tao upang makapagbahagi sila ng kanilang kaalaman sa isa't isa.
Sila nga pala ang isa sa mga sikat na naglilimbag at nagbibigay serbisyo ng impormasyon sa bawat tao na nasa ating paligid. Sa pamamagitan ng kanilang pagbabalita, marami tayong nalalaman na mga impormasyon at mga problema na kailangan nating malaman at mabigyan ng pansin. Kagaya na lamang ng mga nangyayari sa ating lipunan, tulad ng mga krimen na naganap, mga kurap sa gobyerno, at iba pang isyu sa ating lipunan. Dahil sa kanila, tayo ay may natutunan at nabibigyan ng babala ang ating sarili sa mga bagay-bagay na dapat at hindi dapat gawin. Sa pamamagitan ng mga impormasyong kanilang inilalahad, maraming estudyante ang mabibigyan ng aral patungkol sa mga nangyayari sa ating mundo.
Alam ninyo ba na kung merong magandang naidudulot ang social media sa isang tao, meron din itong masamang naidudulot? Halimbawa nito ang pagiging adik sa internet, kung saan halos dito binubuhos ang mga oras na dapat nilalaan sa mga importanteng bagay kagaya ng pag-aaral at pati na sa pamilya. Masamang epekto ito sa isang tao, lalo na sa mga estudyante, kung palagi kang nakababad sa internet. Halos karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakalimutan na kumain at makihalubilo sa iba't ibang tao, lalo na sa kanilang pamilya, dahil lamang sa internet adiksyon. Masama ang paggamit ng social media sa maling paraan, lalo na kung palagi kang nakababad dito.
Para sa aming pagtatapos, nais naming ipabatid sa inyo ang kahalagahan ng pamamahayag sa bawat tao, lalo na sa mga kabataan ngayon. Kami ay mag-iiwan ng mga salita na makakatulong sa inyo at sa ating lahat, gamitin ang social media sa tamang paraan. Pakinggan ang mga balita at mga impormasyong napakahalaga at huwag gamitin ito sa maling paraan.Huwag nating ipagpalit ang ating oras sa ating pamilya dahil lang sa social media. Palaging tandaan na ang paggamit ng social media ay mayroong mabuti at masamang naidudulot sa tao. Hindi lahat ng impormasyon na nakikita sa TV, radyo, at lalo na sa social media, ay totoo. Kaya ugaliing piliin ang tamang impormasyon para sa kabutihan.Gumamit lang tayo ng social media sa paglaganap ng impormasyon tungkol sa kung ano na ang nangyayari sa ating kapaligiran upang tayo ay makapaghanda. Sana ay may natutunan kayo sa aming pamamahayag, at maraming salamat.
Ibinihagi nila:
Ashley Nicole Bagares
Shiela Mae Labay
BEED-2D
1 note
·
View note
Text
Tradisyon ng mga
Mayayaman?
Happy 18th Birthday! Magde-debut ka ba?
Mga salitang madalas marinig ng mga dalagang papasok sa mundo ng adulthood kung saan legal na silang gawin ang ilang mga bagay katulad ng pagboto, pagmamaneho, o para sa ilan ay nangangahulugang maaari na silang sumama sa mga gala sa iba’t-ibang lugar kasama ang kanilang mga kaibigan at ang pagdadalaga na ito ay karaniwang ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang magarbong debut sa hotels o gardens na mayroong kaakibat na theme depende sa kagustuhan ng dalaga. Mayroon ring iba’t-ibang simbolismo na makikita rito katulad ng 18 roses, 18 candles, at 18 gifts na talaga namang inaabangan ng marami. Now, some of you might ask, "What am I going to point out?" or "Why am I writing this as my first blog?" Well, simply because one of the hottest topics that may not be talked about all the time but is still in the air is whether it is still practical for debuts to be held nowadays.
In my own opinion (share ko lang kahit hindi naman kailangan), it is still practical if a couple has the means to provide, which means having enough money to spend on renting a place, buying food, hiring party decorators, purchasing gifts, clothes, and other necessary items since lahat naman ng dalaga deserve na maranasan ito. However, it becomes problematic when a family attempts to do so without the proper means. Don't get me wrong, there are some who still celebrate in their own unique ways, which is fantastic. But if the purpose is merely to brag or prove something, then it becomes toxic. Huwag ipilit if hindi kaya kasi baka bukas wala ng pagkain ang maihain sa lamesa. Real celebrations or happiness should not be measured by how much money is spent, but rather by how enjoyable the night was, even with simple things. In my own experience, I celebrated my 18th birthday in a restaurant with my closest family and friends. With the money given to me by my grandmother on my mother's side, I bought a tablet for practical reasons, as I was about to start college. To delve further into the topic, I am not the type of girl who enjoys extravagant parties, and my parents are not wealthy, so we make the most of what we have which turned out great. Pero syempre, noong una, nalungkot rin ako dahil isang beses lang mangyayari sa buhay ng isang dalaga ang debut. Ngunit isiniksik ko rin sa aking utak na sa buhay ngayon, hindi dapat laging kung ano lang ang gusto ko, kundi kung ano rin ang tama, lalo na't tutuntong rin ako sa kolehiyo at napakamahal talaga ng tuition fee. Pero sa hinaharap, kung magkakaroon ako ng anak na babae (sa hinaharap pa, huwag muna ngayon), papayagan ko siyang maranasan ito kung gusto niya, kung mayroon akong pera. Ito rin kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-aaral at nagpapakahirap ngayon, hindi lamang para magkaroon ng magandang buhay, kundi para rin magbalik sa aking mga magulang at lolo't lola, at para masigurado na magkakaroon ng komportableng buhay ang aking mga anak at maranasan nila ang mga bagay na hindi ko naranasan noong ako'y bata pa. Walang nakamamatay sa simpleng nga bagay.
Debuts are practical for some and not for others. So, for the outsiders out there, please don't insist on it but rather respect the decision. And for girls out there who unfortunately cannot have the grand debut they are wishing for, remember that you can still enjoy and make it one of the best nights of your life.
Still Happy
18th Birthday!!
0 notes
Text
Kamusta, Self?
Ang dami ng nagbago, ang dami ng hindi nakasanayan. Kamusta ka na mula ng nawala ang Nanay?
Marahil sa bawat oras at araw na dumadaan sana hindi na lang, sana hindi muna nawala ang Nanay. Sana nahintay man lamang niya na makapagtapos si John sa Kolehiyo bago siya kinuha sa akin, sa amin ng Panginoon.
Pero pagod na ang Nanay, sa edad niyang 89, bonus na ang buhay at oras na ibinigay ni Papa God sa kanya para sa amin. Mahal na mahal ko ang Nanay. Labis kong pinanghihinayangan ang mga araw na hindi ko man lamang naipadama sa kanya ang aking pagmamahal. Hanggang ngayon, masakit pa ang kaniyang pagkawala.
0 notes