#ano ang climate change
Explore tagged Tumblr posts
Text
Saving bluefin tuna: The sushi delicacy threatened by climate change
Read more click here
#climate change#causes of climate change#effects of climate change#is climate change real#define climate change#impact of climate change#paris agreement on climate change#how to stop climate change#consequences of climate change#climate change definition#climate change articles#climate change and hurricanes#climate change and global warming#climate change activists#climate change articles 2024#climate change arena#climate change and health#climate change ai#climate change and agriculture#climate change art#ano ang climate change#anthropogenic climate change#about climate change#articles about climate change#adaptation to climate change#a paragraph about climate change#an essay about climate change#a poster on climate change#an effect of climate change#a cause of climate change
0 notes
Text
✨Climate Change 101: Epekto, Sanhi, at Solution✨
ANO ANG CLIMATE CHANGE?🌦️
Ang climate change ay ang pangmatagalang pagbabagosa pattern at temperatura ng panahon sa mundo. Nangyayari ito dahil sa mga ginagawa ng tao tulad ng pagsusunog ng plastik at fossil fuels (coal, langis), pagtapon ng basura sa lansangan, at pagpuputol ng puno, kung saan ito ay nagdudulot ng matinding init galing sa inilalabas na greenhouse gases ng mga aktibidad ng mga tao na nakukulong sa atmosphere.
MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE🌊
1. Pagtunaw ng Yelo at Pagtaas ng Tubig sa Dagat
Dahil dito, nagdudulot ito ng pagbabaha sa mga lugar na malapit sa baybayin.
2. Problemang Pangkalusugan
Ang polusyon ang isa mga dahilan na nagdudulot ng sakit sa baga at ang pagkalat ng ilang mga sakit.
3. Mas Mainit na Panahon
Ang mga gas na inilalabas ng mga ginagawang aktibidad ng mga tao ay sanhi ng mas mainit na panahon sa mundo.
4. Mas Matinding Bagyo at Kalamidad
Nagiging mas madalas na ang pagbaha, tagtuyot, at mas malakas na bagyo ang nararanasan sa mundo.
MGA GINAGAWA UPANG LABANAN ANG CLIMATE CHANGE
1. Paggamit ng malinis na enerhiya
Paggamit ng enerhiya mula sa tubig, araw, at hangin upang mabawasan ang paggamit ng non-renewable energy tulad ng fossil fuels at nuclear energy.
2. Ugnayan sa Ibang Bansa
Pagkakaroon ng kasunduan sa ibang bansa pagdating sa pagbawas ng polusyon para sa pagbawas ng epekto ng climate change.
3. Pagtanim ng Puno
Ang mga puno ay tumutulong aa pagsipsip ng baha at pagpapalit ng maduming hangin upang maging malinis ito.
4. Pagbahagi ng Kaalaman
Ang pagtuturo sa mga tao tungkol sa climate change, ang epekto nito, at ang mga maaari nating gawin upang mabawasan ito.
PAANO BA MAKAKATULONG SA PAGBAWAS NG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE?👭👬
1. Sumali sa Mga Proyekto
May mga organisasyon na naglalaganap ng mga proyekto tulad ng pagtatanim ng puno at clean-up drive para makatulong sa pagbabawas ng basura sa lansangan at mga anyong tubig.
2. Pagbahagi ng Iyong Kaalaman
Magbibigay ng iyong ideya at pakikipag-usap tungkol sa climate change kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.
3. Maliit na Hakbang, Malaking Epekto
Ang halimbawa nito ay ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang tapunan. Isa rin ang paggamit ng bisikleta papunta sa iyong destinasyon.
Napakalaki ng epekto ng Climate Change sa ating kalikasan at pati na rin sa ating kalusugan. Ito ay isang malawak na isyu na hinaharap ng maraming bansa at nangangailangan ng pagtutulungan ng bawat isa para mabawasan ang epekto nito sa atin. Sa pamamagitan ng kahit simpleng mga hakbang, kapag ito ay ginawa ng marami, ay nagiging malaking tulong na ito upang maabot ang positibong pagbabago para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon na mabubuhay sa mundo. Ang laban na ito ay hindi lamang para sa isa, kundi para sa lahat.
10 notes
·
View notes
Text
Depinisyon ng Climate Change
Kung ilalarawan ang climate change isa ito sa hamon na kinakaharap ng sangkatauhan sa kasalukuyan, dahil nga ito sa pagbabago ng pattern ng temperatura, ang pagtaas ng temperatura sa buong mundo, na nagreresulta sa mas matinding heatwaves at tagtuyot na ating nararanasan sa ating lungsod. Nagdudulot din ito ng pagtunaw ng yelo sa polar regions at nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng dagat at pagbabanta sa mga baybaying lugar. Ang mga pattern ng ulan ay nagbabago na rin, nagdudulot ng mas madalas na pagbaha at bagyo sa ilang rehiyon, habang ang iba naman ay nakararanas ng matinding tagtuyot. Tinutukoy din ng climate change ang pangmatagalang pagbabago sa pandaigdigang klima sanhi nito ang pagtaas ng greenhouse gasses sa ating atmosperatulad na lamang ng carbon dioxide at methane na karaniwang nagmumula sa pagsusunog, pagputol ng mga kagubatan, at iba pang gawain ng tao.
Ano ang dahilan ng Climate Change?
Ang climate change o pagbabago ng klima ay dulot ng iba't ibang natural at gawa ng tao na mga salik. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan nito:
Greenhouse Gas Emissions
- Ang pagsunog ng fossil fuels gaya ng karbon, langis, at natural gas sa mga power plant, sasakyan, at pabrika ay naglalabas ng carbon dioxide (CO₂) at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ang mga gas na ito ay nakulong sa init mula sa araw, dahilan upang tumaas ang temperatura ng mundo.
Deforestation
- Ang pagputol ng mga puno ay nagpapababa ng kakayahan ng kalikasan na sumipsip ng CO₂. Ang mga puno at kagubatan ay mahalaga sa pag-absorb ng carbon dioxide, kaya't ang pagkawala ng mga ito ay nagdudulot ng mas mataas na lebel ng greenhouse gases sa atmospera.
Industrial Processes
- Maraming industriya, tulad ng mga pabrika ng semento at kemikal, ang naglalabas ng mga greenhouse gases bilang bahagi ng kanilang produksyon.
Agrikultura
- Ang mga gawaing pang-agrikultura tulad ng pag-aalaga ng baka at iba pang hayop ay naglalabas ng methane, isang uri ng greenhouse gas na mas malakas kaysa CO₂. Ang mga pataba at iba pang kemikal sa pagsasaka ay nag-aambag din sa emissions ng nitrous oxide.
Natural Factors
- May ilang natural na proseso na nakakaapekto rin sa klima, tulad ng mga pagsabog ng bulkan at pagbabago sa orbit ng mundo. Gayunpaman, ang mga ito ay mas bihira at hindi kasinglakas ng epekto ng mga gawaing pantao.
Ang kombinasyon ng mga ito, lalo na ang patuloy na greenhouse gas emissions mula sa mga tao, ay nagdudulot ng pag-init ng mundo at iba't ibang epekto sa klima tulad ng mas matinding tag-init, pagtaas ng tubig sa dagat, at mas madalas na matitinding bagyo.
Epekto ng Climate Change sa Komunidad
Ang epekto ng climate change sa aming komunidad ay nagiging mas ramdam araw-araw. Nakakaranas kami ng mas matinding init, mas mataas na lebel ng dagat, at pagbabago sa mga pattern ng pag-ulan. Dati, alam namin kung kailan magsisimula ang tag-ulan o tag-init, ngunit ngayon, mahirap na mahulaan. Dahil dito, maraming mga ecosystem na nakapaligid sa amin, tulad ng mga coral reef, mangrove, at kagubatan, ang nanganganib. Ang mga coral reef na pinagmumulan ng kabuhayan ng mga mangingisda ay unti-unting nawawala, habang ang mga mangrove na nagsisilbing proteksyon laban sa storm surge ay nagiging mahina at unti-unting nawawala. Ang mga kagubatan, na dating nagbibigay sa amin ng mga pangunahing pangangailangan, ay nalalantad sa mga sunog, na nagiging sanhi ng pagkasira ng kalikasan at ng aming buhay.
Para sa mga tao sa aming komunidad, ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng malalim na epekto. Marami sa amin ang nawawalan ng kabuhayan—mga magsasaka, mangingisda, at mga negosyante. Kapag may bagyo o tagtuyot, ang mga pananim ay nasisira, at hindi namin kayang makapag-produce ng pagkain. Ang mga mangingisda naman ay nahihirapan dahil wala na silang mahanap na isda sa dagat. Sa bawat bagyong dumaan, maraming tahanan ang nawawala, at kami ay napipilitang magsimula muli mula sa wala. Ang pagkawasak ng mga bahay ay nangangahulugang nawawala kami ng lahat ng aming mga ari-arian, kaya’t hindi lang kami nagiging walang tirahan, kundi pati na rin walang pag-asa.
Habang bumangon, nagiging mas mahirap ang buhay. Kapag hindi kami makahanap ng mapagkakakitaan, tumataas ang bilang ng mga pamilyang nagugutom at nawawala sa landas. Hindi lang iyon, ang kalusugan namin ay naapektuhan din. Pagkatapos ng malalakas na ulan o pagbaha, nagsisilabasan ang mga sakit tulad ng diarrhea at cholera, at ang mga sakit sa baga at respiratoryo ay mas tumataas dahil sa polusyon at hangin na nagmumula sa mga sunog sa kagubatan. Ang mga sakit na ito, na dati'y hindi karaniwan, ay naging pang-araw-araw na banta sa aming mga pamilya, lalo na sa mga bata at matatanda.
Mga hakbang na maaaring gawin upang makatulong
1. Pagtangkilik sa renewable energy-tulad ng solar at wind power.
2. Pagtatanim ng puno-para makatulong sa pag-absorb ng carbon dioxide.
3. Pag-recycle at pagbabawas ng basura lalo na ang plastik.
4. Pagsuporta sa mga green policies at organisasyon na nagpo-promote ng environmental protection.
5. Pag-adopt ng sustainable lifestyle tulad ng pagkain ng plant-based na pagkain at pagbili ng lokal na produkto.
6. Pagsasagawa ng energy efficiency measures sa mga tahanan at negosyo upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya.
7. Pagbawas ng paggamit ng sasakyan at pagsuporta sa pampasaherong transportasyon tulad ng bus
8. Pagsuporta sa mga lokal na produkto upang mabawasan ang carbon footprint mula sa transportasyon.
9. Pag-aaral at pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa climate change at mga solusyon.
10. Pagsali sa mga community clean-up drives.
Mga aral na natutunan:
1. Pagbabago ng Klima
-Ang ating planeta ay nakakaranas ng pangmatagalang pagbabago sa mga pattern ng panahon. Hindi lang nag-iinit ang mundo, kundi nagbabago rin ang mga pattern ng ulan, tumataas ang lebel ng dagat, at mas madalas at mas malalakas ang mga bagyo. Ang pangunahing dahilan nito ay ang pagtaas ng mga greenhouse gases sa atmospera, na nagiging sanhi ng mas malakas na greenhouse effect, na nagpapainit sa mundo.
2. Malalang Epekto ng mga Bagyo
-Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng mas madalas at mas malalakas na bagyo. Ang mas mainit na karagatan ay nagpapalakas sa mga bagyo, at ang pagtaas ng lebel ng dagat ay nagpapataas ng panganib ng pagbaha sa mga baybaying lugar. Ang mga bagyo ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga tao, ari-arian, at imprastruktura, at nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay.
3. Masamang Epekto sa Kalusugan
-Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng mga panganib sa kalusugan ng mga tao at hayop. Ang mas mataas na temperatura ay nagpapalaganap ng mga sakit na dala ng lamok, tulad ng dengue at malaria. Ang matinding init ay nagdudulot ng heat stroke at dehydration. Ang pagbabago sa mga pattern ng ulan ay nagdudulot ng mas madalas na pagbaha, na nagpapataas ng panganib ng mga sakit na dala ng tubig.
Ipinasa nina:
Alapit, Ylida
Ancheta, David
Barreo, Pauleen Antonet
Batan, Gabrielle Lee
Daileg, Kyle Jeywin
Magudang, Hannah
Navelga, Shintaine
Urayani, Mark
Valentin, Jayemi Shane
Ipinasa kay:
Bb. Charmaine Cabañero
(ang mga larawan ay kuha lamang sa internet)
3 notes
·
View notes
Text
Nararapat na Aksyon sa Pagbabago ng Klima para sa Kaligtasan ng Kinabukasan
Ang pagbabago ng klima o "climate change" ay hindi na bago sa atin, ngunit ang kahalagahan ng ating pagkilos laban dito ay nananatiling isang malaking hamon para sa akin nakararanas nito. Ang Pilipinas, bilang ito ay isang arkipelago, ito ay kailangang pagtuunan ng pansin lalo na sa pagbabago ng klima na ating natatamasa. Dahil ang ating kaligtasan, kinabukasan, at ang mga susunod na henerasyon ang nakasalalay sa mga desisyon at aksyon na ating ginagawa ngayon sa kasalukuyan.
Narito ang mga Epekto ng Climate Change sa Pilipinas.
Ang Mga Epekto ng Climate Change sa Pilipinas
Sa nakalipas na mga taon, ang Pilipinas ay nakaranas ng pinakamatinding kalamidad dulot ng pagbabago ng klima, at ngayong taon 2024 ay nagkaroon ng ilan sa mga pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa. Kabilang dito ang ilang mga bagyong nagdala ng malakas na hangin at pag-ulan, na nagresulta sa malawakang pagbaha, landslide, pagkasira ng mga imprastruktura sa iba't ibang rehiyon, pagkawala ng malinis na tubig, at pagkawala ng kuryente sa ibang mga rehiyon na matataas ang baha. Ang mga bagyong ito ay nagdulot ng matinding pinsala sa kabuhayan ng maraming Pilipino, lalo na sa mga sektor ng agrikultura at pangingisda. At isa itong bagyo na ito ang naging dahilan sa pagkamatay o pagkawala ng ilang mga tao na gusto lamang ay makaligtas sa kalamidad na kanilang tinatamasa ngunit sa kasamaang palad sila mismo ay mga namatay.
Dahil sa pagbago-bagong panahon, nagiging hamon para sa mga magsasaka ang pagtatanim, at maraming pananim ang hindi nakakayanan ang biglaang pagbabago sa init at dami ng ulan.
Ang taong 2024 sa ating mamamayang Pilipino ay isang patunay na ang pagbabago ng klima ay hindi lamang teorya kundi isang aktwal na krisis na dapat harapin ng mga pamahalaan, pribadong sektor, at tayong mga mamamayan. Ang mas matinding bagyo, tulad ng mga dumaan ngayong taon ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas maayos na plano para sa pagtugon sa sakuna at pag-angkop sa pagbabago ng klima upang ating maprotektahan ang mga Pilipino sa hinaharap o sa susunod na henerasyon.
Ano ang Maaaring Gawin Bilang Isang Indibidwal?
Maraming tao ang nagtatanong kung ano ba ang kanilang magagwa para makatulong sa laban kontra climate change. Bagama't malalaking desisyon ang kinakailangan laban sa climate change, malaki rin ang maitutulong ng bawat isa sa simpleng mga hakbang, tulad ng:
Pagbabawas ng Plastik at Paggamit ng Eco-friendly na Produkto
Pagtitipid sa Kuryente
Pagsuporta sa Lokal at Sustainable na Produkto
Pag-recycle at Paggamit ng Organikong Pataba
Pagtatanim ng Puno at Pakikilahok sa mga Clean-up Drive
Ang mga hakbang na ito, bagama't tila maliliit, ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng ating mundo para sa mga susunod na henerasyon.
Ang pagbabago ng klima ay isang malubhang isyu na kinakaharap ng bawat bansa, ngunit hindi lamang ang mga pamahalaan at korporasyon ang may responsibilidad dito-kundi bawat isa sa atin ay may mahalagang papel. Kaya tayo say sama-samang kumilos upang protektahan ang ating planeta, sapagkat ito ang ating tahanan at kinabukasan.
#LabanSaKlima#AksyonParaSaKaligtasan#LigtasNaKinabukasan#PanibagongPag-asa#ProteksyonParaSaKalikasan#IwasBasura#TulongParaSaKlima#KaligtasanaNgKalikasan#LuntiangBuhay#BagongKinabukasan#AlagaSaKalikasan#BawasanAngPlastik#KalikasanAtingBuhayin
5 notes
·
View notes
Text
Edukado Ka Ba?: Edukasyon ng Bagong Henerasyon
Sa patuloy na pagsulong ng ating bansa sa makabagong teknolohiya, patuloy din na nagkakaroon ng pagbabago sa sistem ng edukasyon sa ating bansa. Ang mga paaralan ay gumagamit na ng telebisyon at projector sa klase, gumagamit ng iba't-ibang kagamitan ang mga unibersidad ayon sa kurso na tinuturo nila, ang mga dating paaralan sa malalayong lugar ay may wifi nang pwedeng gamitin. Sa dinami ng mga bagay na napabuti ng teknolohiya sa edukasyon, napabuti na din ba ang kaalaman ng mga estudyanteng Pilipino? BATA, BATA, EDUKADO KA BA?
Ayon sa isang artikulong nai-publish ng INQUIRER noong September 19, nagsagawa ng survey ang UNICEF kung saan tinanong kung ano ang mga pinoproblema ng mga Pilipinong kabataan, kung saan lumabas sa resulta na ang isa sa pinaka-inaalala nila ang ay kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Madami sa kanila ang hangarin na makapagtapos ng edukasyon, ngunit nung sila ay naitanong kung ano ay humahadlang sa kanilang pagtatapos at pagsimula ng propesyunal na trabaho, ayon sa kanila at kulang daw ang mga paaralan na nakakapagbigay ng dekalidad na edukasyon, at nagsisimula na din humadlang ng paggamit ng artificial intelligence o A.I.
Sa isinagawang survey naman ng Program for International Student Assessment noong 2022, lumabas na ang Pilipinas ay nakaakot ng ranggong 77th, na may kabuuan na 81 na bansa, para sa mga 15 taong gulang na mga estudyante. Ang kanilang mga puntos sa iba't-ibang mga paksa, kasama ay pagbabasa, matematika, at siyensa, ay mas mababa kumpara sa karaniwang markang nakuha mula sa 81 ba bansa.
ASAN ANG PROBLEMA?
Sa parehong artikulong naibanggit dito, nalaman na ang ilan sa mga rason kung bakit ay dahil sa kahirapan makapasok sa mga paaralan dahil sa tumataas na mga presyo ng pagpaaral, kakulangan sa mga guro na napapahaba ang trabaho ng mga kasalukuyang guro, at dahil doon ay bumababa din ang dekalidad na edukasyon na nakukuha ng mga estudyante. Kung nais na maisagot ang mga problema na ito, kailangan masolusyonan ito sa departamento ng gobyerno kung saan sa kanila nakasalalay ang mga polisiya
SINASAGAWANG PLANO
Ang edukasyon ay isang isyu na matagal nang binabantayan ng gobyerno, at samu't-saring mga polisiya at batas na ang nailaan para sa sistema ng edukasyon sa bansa. Noon 2016, nailunsad ang 15-taong pagaaral ng edukasyon sa mga paaralan ng mga estudyanteng 10 to 24 taon gulang upang makagawa ng mas dekalidad na polisya para maibago at mapaganda ang edukasyon ng mga Pilipino sa pagsasagawa ng pag-aaral ng mga pangangailangan ng mga estudyante mismo. KONKLUSYON
Ang edukasyon ay ang nagdala saatin sa punto ng buhay na ating tinitirhan ngayon. Ang patuloy na pagbabago ng edukasyon at teknolohiya ang nakakagawa ng makabagong paraan sa pag-aaral, at yumao dito ang mas magandang pamumuhay. Kaya't ating bigyan pansin ang edukasyon ng mga kabataan, dahil sila ang susunod na henerasyon na patuloy na magdadala sa ating banda patungo sa mas magandang kalagayan ng bansa.
Reperensya:
4 notes
·
View notes
Text
mapapasipol na lang.
Sangkutsa daw ang gusto.
France : Love bakit ang lamig dito sa inyo?
Me : climate change haha 🤣🤣 ewan nga din baga gawa ng nung last week naman ay mainit sa araw sa hapon gabi lang malamig tas simula nung Saturday Feb. 25 gang ngayon malamig na nga buong araw.
France : para kasing nasa Baguio ang lamig.
Me : sa akin ay ayos lang ang lamig, kuha ka ng jacket pero teka hahanapin ko pa pala di nga kasi ako lamigin kaya yung jacket nakatago sa kabila.
France : oo alam ko gusto mo lagi malamig, di na wag mo na ako ikuha ng jacket Love hug mo na lang ako 🤣🤣🤣
Me : hahaha 🤣🤣🤣 andyan si Mama wag kang ano, mag kape ka na lang Love 🤣🤣🤣
Feb. 28, 2023 07:44 am
6 notes
·
View notes
Text
09.12.24
My super close friend's wedding in Boracay + the day the dad of my female best friend died. The emotional roller coaster was soooo crazy because I'd been dancing through fire and ice for the past weeks.
Dad said: Grabe ka naman. Ilang linggo ka ng natodo ngayong Q4, 'nak. Buti nagampanan mo. Nakakatulog ka pa ba? Wala ka ng pahinga a.
Both life events hit home hard. I'd do a deep dive because I'm back to the grind in a bit plus dinner with travel buddies, so limited time only na naman ang ganaps and super need to finish 2024 stronger. EME. Hahahahahaha. Akala mo naman may mamatay sa mga ganaps kung hindi mag-grind ng mainam ano po. LELS.
Still wrapping my head and heart (EMMMEE) around these because there's so much to unpack. Lagay ko lang here so I don't forget.
Highlight is... getting my 13th ink. Akala ko 11 pa lang tats ko. Juicekoooooolerdzzz. My 3rd in Boracay na 'di ko talaga bet na place but it just works. Saya kasi the island is soooo familiar and convenient. I had milktea and muffins delivered. I passed by the only flowershop in the isla and saw a wedding arch being assembled. Sabi ko, malamang, sa friend ko 'yun. And tama nga. LELS. The inspo of 013: pink and green lakas maka-legit "defy gravity" x Kakamfinnnkkk wedding ng circle namin, with no memo. Hihihihihihi. Plus etong wedding na 'to as a legit BTS girllllyyy tayo since pre-date szn ni bride and groom. LOL. Plus, syempre, Wicked Part 1 is soooooo divine and worth the wait and weight in all levels. Plus sobrang ganda rin talaga maglapat ng tinta ng suki nating local artist sa isla. Dasurb. 'Di pa sila mahal mag-charge kahit Manileniya ako. Huhuhuhuhu. Plus, napakabilis gumawa. Malinis. Collaborative. Saka kita mong professionals pero makukulit ding legit artists.
I think I won't be back any time soon din kasi wala ka talagang gagawin doon except mag-chill. LELS. Hassle pa ng weather kasi sobrang lala. Climate change, kamusta? Speaking of bipolar weather, nalalaan ako mainam kaya naman until now, huff, puff, and cough tayo. Tinatawid naman ng Lagundi caps na OD pa rin syempre. And so, balik na tayo sa wedding. I barely slept kasi nga focus ko is to down 200+ Instax films with a specific peg and vibe. So mental preps ng pake at mood swing. Then, I got a message from my soul sis. Wala na raw dad niya. He died in his sleep. Potaaccaaaa. Guho mundo ko. Alam mo 'yung shemayyyyyyyuyyy. Losing a parent is never easy. As in. Ang sakit na naman all over again. I called her and she asked me na mag-prep na forda wedding, pero syempre, nawala pake ko doon since hapon pa naman siya.
My soul sis is super OC lalo she was a geriatric nurse in her past life. Forda first time, I saw her lutang sa ganitong department. So, nag-task force kami dalawa. I gave her the task list mother dragon handed over to me. 'Di na ako naiyak while at it. Shemayyyy. Stripe earned right there. Tawang-tawa siya kasi akala mo may group work kami na ikaka-uno namin all over again. LOL. LUL. Ang pinaka hassle kasi is she is from Cali and I'm in Boracay so logisitics-wise, olats. Worried kami sa mama niya kasi may health concerns din 'yun.
Sabi ko, as soon as I land in Manila, if I need to go straight to their hometown, I would. LOL. Thank u, universe for WFH basta oks mobile data and/or WiFi. Marami natawid na dad niya. Kasangga rin kami nung nagka-covid si tito nung 2020. Si gaga, gusto lumipad pa-Pinas. Pinagalitan ko talaga siya kasi ambobo ng gusto niya as a logiv girl. Sabi ko, isipin na lang niya, elf niya ako. Hahahahaha. And poof. The dad survived to tell the tale. He had a series of health concerns and we all saw this shit coming din. And super thankful, 'di siya nahirapan or what.
Thankfully, since the mama and papa ni bestfriend ko are from the Southside na maganda ang community with family, sobrang wala kaming naging stress kasi may task force na puro boomers with millennial kiddos. HAHAHAHAHAHAHA. Concern ko lang is si Tita na syempre, nalimutan na ang maint meds niya and kumain. Called her since bestfriend is rebooking the tixxxx. Swerte kasi nakasagot sa kanya na customer rep is a Pinoy so waived dahil nga raw sa rebooking because of the death of a close family member. Whewwww. Middle class slaying vibes. Sayang din e.
She and her hub landed in the shithole called Manila safe. LOL. And na-bury na si papa niya. Grabe 'yung unang kita namin. The hug and the tears. Shemayyyy. Tapos, a boomer interrupted our flow dahil need daw mag-pic ni best friend forda documentation. I politely declined the photo op. Hahahahahahahaha. Shemayyy. Bahala sila diyan.
Forda Dec 9 wedding naman, juicekooooo. Ang lala ng weather the whole morning pero nung papunta kami sa beach front, shemayyyy. May rainbow. Sabi ko: Lerddddzzz, kahit 1.5 to 2 hours lang na walang ambon, sige na. Sundutan mo na rin ng decent skies please. Hahaha. And poof. Natawid naman. Syempre, sobrang focused sa mga frames and candids kasi ayoko ng plandid. LOL. I'm over that era na, I guess. Or baka tumatanda na lang ako at super good vibes and chill ng wedding. LOL.
Eto 'yung wedding na pang-foodies. Juiceekooooo. Andaming food choices kasi may mga vegans and vegetarians. Tapos 'yung couple, foodies din talaga. Andaming dessert. Andaming ceviche choices. Hahahahaha. 'Yung tipong titignan mo pa lang, busog lusog ka na. The cocktails are decent pero super love ko nung names nila. HUHUHUHUHU. BTW, 'di ako 'yung wedding guest na mareklamo sa food and drinks kasi mahal na talaga ngayon and TBT, super hirap humanap ng legit na pasok sa panlasa ng madlang pipol.
My top picks: ceviche 3 ways, enoki bacon, grilled shitake, cauliflower na pakkkkkakkk, lamb chops, asian noodles, and all the desserts na 'di matamis pero sobrang indulgent. Akala ko they won't go well together, but they make so much sense. EMEEE. Hahahahahahahahaha. O baka weird lang din talaga food choices ko.
Lumabas din 'yung chef to check and kita ko the other guests keep refilling their plates a good number of times.
Nakakatawa 'yung mga kapatid nung bride. Nagtatanong kung naubos na raw ba 'yung films. Syempre, nakaka-pressure saka ayoko rin mag-get in the way ng PnV para pakkkakkk. Ayoko rin ng shots na templated. EME. Hahahahahahahahahaha. Natatawa ako kasi may mga specific frames ako na akin e, tapos alam mo na... tutok nila with their big ass cams and bazooka. Sabi nung friend ko, may briefing naman din sila to give me my space. Saka sinisilip-silip ko rin mga shots nila if tugma sa pegs ni bride. HAHAHAHAHAHAHA.
'Di tuloy ako masyadong nakainom ng mainam pero, so far, happy sina bride and groom sa mga film shots. LOLLOLLOLLL. May isa pa akong regalo sa kanila pero need ko ng raw vids and photos. EMEE. Abangan.
Sobrang thankful ako sa mga paganaps kasi kung umulan or umambon, hassle ang Instax films unless nakapayong pero maiiba 'yung vibe for me lang 'yan a. LOL. Katamad e. This wedding is a reminder that even the polar opposites can come together and grow stronger. EMMMEEE. Hahahahahaha. 'Di na ako naiyak sa ceremony kasi nagkaiyakan na kami nung unang kita ko sa bride sa pre-wedding dinner. LOL. Abangan na lang din sa paparating na debriefing!!! Full support din ang mga purple peeps crew na napaka mamaldita. Hahahahahahaha. Eto talaga gusto ko sa mga 'to. Maarte pero we always agree forda greater good. As an example, since alangan 'yung oras ng wedding aka falls on siesta time, sabi nung isang member: Whatever it takes, we will hype this shit. Hahahahahahaha. So 'yun ang puksaan mindset. Kinaya namin until post party paganaps with the presence of cocktails na magaganda names. LOL. Naguusap nga group namin na last wedding was 7 years ago... nung kalakasan pa namin. Kita na talaga aging pero, we defy grabe, teh. :p
In between mga ganaps, naguusap na rin sa health, wealth, atbp. Syempre, sila lang shala. Ako tabi-tabi lungs. Hahahahahaha. Itong group kasi na 'to, alta and alta-ish. So ako, natutuwa ako na I don't have to pretend kasi 'di ako ganun plus mas nakikita ko na ano ba talagang gusto ko at 'di ko gusto. :P Sa ibang usapan na lang 'to. Saka super love that wala kaming mang-1UP mindset. Support kung support. We celebrate each other's wins in the same manner na 'pag may shit, andyan talaga kami for each other, syempre, with wicked convos na akala mo bullies ang mga characters ng plot twists.
So, what? Saying I DO means ensuring you stick with your chosen Pokemon until death takes over. Shemay. Tama naman talaga na wedding vows are meant to shake you inside out. May divorce din, so pili ka na lang your own adventure. Hahahahaha. Sabi ko nga sa bride and groom: KEEP CHOOSING EACH OTHER. ALWAYS. And legit reminder 'to na, love is true amidst all the fucking fallacies. EMEEEE. Kadire.
1 note
·
View note
Text
Ano Nga Ba Ang Climate Change
youtube
View On WordPress
0 notes
Text
Ano Nga Ba Ang Climate Change
youtube
View On WordPress
0 notes
Text
Earth Day 2024: Mga Maaaring Gawin Para Makatulong kay Mother Earth
Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing Abril upang talakayin ang mga isyu tungkol sa kalikasan, climate change at kung ano ang magagawa natin upang makatulong kay Mother Earth. Photo by Fateme Alaie on Unsplash Ang kauna-unahang selebrasyon ng Earth Day ay ginanap noong ika-22 ng Abril, taong 1970 sa pangunguna ng mga nagtatag ng EARTHDAY.ORG Mula noon, taon-taon ng pinagdiriwang ang Earth Day…
View On WordPress
#climate change#earth day#fast fashion#kalikasan#mga problemang dapat masolusyunan#mother earth#pangangalaga sa kalikasan#polusyon#polusyon ng plastic#single use plastic#suportahan ang lokal na suppliers
0 notes
Text
July 6, 2023
Hello.
How do my cousins think?
One of my cousins asked me about my college course and then realized that it can be good to start a business or be a business partner in the future. That's when I realized how immature I see life and how much I take for granted my opportunities.
Now I am curious how they think. I plan to ask one of them how they think and their parenting experiences growing up. Then I'll try to figure out how they grew up to be like that.
What's more interesting is that my parents, especially my father thinks like them. But we live in the city, and I, the child of my father, don't think like him at all 😭
What was it that I missed or that was not given to me growing up that made me end up being this immature and ungrateful? Damn.
I observed this from people of other countries too or culture. They think differently or more advanced then I will ever be. I even thought before that countries with a climate that drastically changes throughout the year have more initiative to prepare for the bad times than we do here in our country with simpler climate — rain or shine.
---
July 7 na ngayon and di ko na natapos. Depota kasi ah. Hahays. Kailangan ko rin pala mag-isip about sa problema kosa judgement ko about art and everything. Yung tweet ko sa lilsun fan account ko. Like, ano ba ang isip ng world about sa akin na naga take ng pictures. Ano ba talaga? Depota. Upset din ako today kay akong mader maka grrrrrr kaayo.
0 notes
Text
L'Oreal to Combat Climate Change and Achieve Carbon Neutrality by 2025
L'Oreal to Combat Climate Change and Achieve Carbon Neutrality by 2025 🌤
The world’s largest cosmetics company may have joined the battle to fight climate change. This new movement is happening thanks mainly to L’Oreal’s Chief Sustainability Officer, Alexandra Palt, who happened to be a human rights lawyer in her previous profession. It’s not surprising that she would be the primary figure in initiating something of this nature. She is someone who understands the…
View On WordPress
#age perfect loreal#ano ang climate change#cause and effect of climate change#causes of climate change#causes of global warming#causes of greenhouse effect#christiana figueres#climate#climate action#climate change#climate change facts#climate change meaning#climate change news#climate change solutions#climate crisis#colorista washout#consequences of global warming#cop26#effects of climate change#effects of global warming#global climate change#global warming#global warming meaning#global warming solutions#impacts of climate change#infallible foundation#infallible powder foundation#intergovernmental panel on climate change#ipcc report#lash paradise mascara
2 notes
·
View notes
Text
Ating kapabayaan, atin ding parusa
Isang blog tungkol sa pagbabago ng klima. Ang mga epekto nito and dahilan kung bakit ito nangyayari.
Ano na nga ba ang nangyari saating mundo? Bakit ang ating dating laging masayang mundo ay ngayon puno na ng baha, tagtuyot, at mga sakit ng tao?
Ang pagbabago ng klima o kilala din sa tawag na "Climate Change" ay isang isyu ng mundo na hindi gano napagtutuunan ng pansin. At nararanasan din natin ito araw araw ngunit hindi lang natin ito napapansin dahil akala natin ay normal lang ito. Pero hindi ito normal at malaking problema ito para sa atin.
Ano nga ba ang Climate Change? Ito ay ang biglang pagbabago ng klima o panahon dahil sa mga tinatawag nating "Greenhouse Gases" ang dahilan kung bakit nagiinit ang ating mundo. At dahil sa paginit nito maaring mas tumaas ang temperatura na binibigay ng araw saatin dahil ang tinatawag nating "Ozone layer" na responsable sa pagprotekta sa atin sa mga mapanganib na sinag ng araw. Kaya't kung ito ay masisira ay lalong mas iinit ang ating mundo at mas dadami ang kakaharapin nating kalamidad katulad ng mga baha, bagyo, at tagtuyot. Maaari ding mas dumami ang mga sakit na nakukuha sa tubig at pagkain dahil dito. Maaari din maapektuhan ang ating mga hayop at ang kanilang mga tirahan, dahil isa rin sa mga epekto ng pagbabago ng klima ay ang mga forest fire. At sa ibang bansa tulad ng Iceland kung saan ay talagang nagyeyelo sa lamig ang kanilang bansa, nagsisimula na rin ito maginit kaya't unti unting natutunaw ang yelo nito kung saan maaring makaapekto sa mga hayop at tao na naninirahan doon. Dahil rin sa pagtunaw ng yelo maaring muling lumabas ang mga dating sakit na wala na ngayon. Bukod sa aking mga nabanggit, marami pang epekto ang pagbabago ng klima ng hindi lang natin napapansin.
Ngayon ay atin namang pagusapan ang nga dahilan kung bakit nagkakaroon ng Climate Change. Unang una ay pollution kung saan ang mga usok na nanggaling sa sasakyan, mga factory, at iba pa. Isa din sa dahilan ay ang mga pesticide at mga chemical fertilizers. Ang pagkawala din ng mga puno ang isa pang malaking dahilan dahil itong mga puno ay nakakatulong matanggal ang pollusyon sa hangin. Kaya pano na kung ating puputulun pa ang ibang mga puno? At lalong sasaktan ang ating mundo?
Ang aking opinyon dito ay:
Bilang estudyante, sa mga maliliit na bagay ay meron parin tayong pwede magawa dito. Isa dito ay ang pagmulat at pagkalat nito sa ibang tao. Ang pagtuturo sa mga normal na mamamayan hindi lamang sa mga estudyante kung ano ang climate change. Dahil maaring ang iba ay walang malay tungkol sa isyu na ito kadahilanan na hindi ito masyado pinaguusapan. Maaring hindi nila alam na sila ay nakakaapekto sa pagbabago ng klima.
Nasa ating kamay ang ating kinabukasan. Wag na nating hintaying dumating ang oras na wala na tayong magagawa tungkol dito.
3 notes
·
View notes
Text
So nandito ako muli dahil hindi ako maka move on dun sa class namin kanina. Well, nagtanong kasi ako kay mam tapos parang hindi ko na explain ng bongga yung tanong kasi bukod sa mej sabog ako, holiday ngayon, Immaculate Conception nagkklase kami. So yern, sinagot naman nya yung tanong pero may pagkairita na hahahahaha so shut up na lang ako diba, gusto nya yung spotlight sa kanya so go lang. Hindi, seriously, sobrang respectable ni mam, sobrang galing nya, hands down.
Ang tanong ko kasi possible ba na ang idea ng decolonization ang pwedeng mag suppress sa negative impacts ng globalization. Yan ang sinabi ko, pero dapat kasi nagbigay ako ng extra details hahahaha may ongoing conference kasi ngayon at about decolonization ang theme. Nkklk kasi sobrang daming research na magpepresent na halos sa lahat ng aspect ng culture in different settings from archaeology to media. Ang decolonization kasi idea yun na being free from colonialism, nakapaloob din dito yung iba pang concepts like ontology, metaphysics, power matrix, etc. So sa dami ng research, sa dami ng critiques, sa dami ng analysis, sa dami ng conclusions pwede kayang nandun ang sagot kung paano masusugpo ang negative impacts nga ng globalization. Since globalization, human activities na halos entirely manipulated ng transnational corporations, corporations na pagmamay ari din naman ng western people.
Ayern nga, mukang hindi ako nagets ni mam hahahaha so ang sagot nya ang vague din. Inexample ang situation ng mga BPOs na hindi nga raw unionize, yung basic needs nating mga tao in order for us to survive, etc etc so ang dating sakin nung sinabi ni mam parang hindi magtatranspose yung mga man-made thoughts na ito (ito ngang decolonization) sa madla. Parang ganon, o hindi ko rin gets ang sinabi nya LOL!
Anyways, kaya ko lang naman nabanggit yung decolonization na yun e kasi baka nandun yung hope na sinasabi ni mam, nandun yung light ng possibilities na magbibigay nga ng solusyon na maaayos tong sistema na ginawa nating mga tao. Kasi laging sinasabi ni mam na “let’s hope for a better future” “let’s see in the future” ang labo kasi non. San nga kami huhugot ng hope? Kailangan nga natin ng concrete framework dun sa possible solution or remedy para dun ibubuhos ang attention at energy natin. Nabanggit nga ni mam na “ano/ sino ang paglalaanan mo ng panahon, the premise is mahalaga ang panahon.” E kasi kung wala, para lang tayong nakalutang nito na nakatulala lang sa mga nangyayaring karumaldumal. Kasi kung sarili ko ang paghuhugutan ko ng hope, wala talaga, at the end of the day isa lang din akong powerless individual trapped in this system. Diba!? Tapos sabi ni mam okay na raw yun na “bothered” “uncomfortable” kami na ganito ang behind the shimmers of human activity, the globalization, at least were critiquing raw, depressing at nakaka kill joy nga naman. Pero I don’t like it that way! Nkklk! Para kasing sinabi na rin ni mam na we’re doomed, at wala nang takas ang humanity once magkaron ng collapse ng society due to excessive human consumption, pollution, climate change, etc. Nkklk lang. Naniniwala rin naman ako sa kasabihan nga na “be the change that you wish to see in the world” pero babalik pa rin ako sa idea na “i’m just a powerless individual” malaki yung kalaban, so sasabihin nyo dapat collective, dapat lahat tayo makakaalam nito, pero hindi rin e, yung classroom nga is also a privileged space. At isa pa, uunahin mo pa ba yan kung nagugutom ka na? Diba?! Ayern, siguro nga we’re doomed. O sya live your life to fullest na lang. LOL!
December 9, 2021 1:45am
6 notes
·
View notes
Text
SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS GOAL 15 : LIFE ON LAND
Sa mga panahong ngayon ang mundo natin ay sumasailalim ng maraming pagbabago tulad ng global pandemic, pagtaas ng kahirapan, tumataas ang bilang ng krimen, climate change, at marami pang iba. Karamihan sa mga isyung ito ay dahil natin kaya kailangan nating gawin ang ating makakaya upang pigilan ang mga isyu. Pero paano natin sila matutulungan? Ano ang dapat nating gawin? Sa blog na ito magpapakita ako ng mga paraan upang matulungan ang life on land sa panahon ng pandemya.
Unang-una ano ang 17 Sustainable Development Goals o SDGs? Ang 17 Sustainable Development Goals o SDGs ay isang programa na ginawa ng UN, “The goal highlights the importance of global macroeconomic stability and the need to mobilize financial resources for developing countries from international sources, as well as through strengthened domestic capacities for revenue collection.” Ang 17 goals ay “(1) No Poverty, (2) Zero Hunger, (3) Good Health and Well-being, (4) Quality Education, (5) Gender Equality, (6) Clean Water and Sanitation, (7) Affordable and Clean Energy, (8) Decent Work and Economic Growth, (9) Industry, Innovation and Infrastructure, (10) Reducing Inequality, (11) Sustainable Cities and Communities, (12) Responsible Consumption and Production, (13) Climate Action, (14) Life Below Water, (15) Life On Land, (16) Peace, Justice, and Strong Institutions, (17) Partnerships for the Goals." Sa blog na ito ay tatalakayin ang goal 15: Life On Land.
Ano ang itinuturing Life On Land? Ang Life On Land ay maaaring isaalang-alang bilang mga hayop, kalikasan, ating kapaligiran, sa ating mga tao. Maaari nating protektahan ang mga hayop at ang kalikasan kahit na pandemya sa pamamagitan ng pag-sign ng mga petisyon, pagtaas ng kamalayan sa social media, at sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang uri ng pang-aabuso. Maraming mga petisyon sa online, Halimbawa, https://www.change.org/p/uk-parliament-stop-uk-govt-return-to-animal-testing?source_location=topic_page o https://www.change.org/p/city-of-pacifica-save-pacifica-trails-nature-c64f3ba9-9de7-4a30-88f4-a2d410a29bf0 . Pagkatapos ng pag-sign ng mga petisyon maaari nating ibahagi ang mga ito sa iba upang magkaroon din sila kamalayan kung ano ang nangyayari sa ibang mga bansa. Maaari din nating protektahan ang kapaligiran sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagtatanim, Reduce, Reuse, at Recycle, binabawasan ang pagkonsumo ng karne, o sa pamamagitan ng pagbibigay, pagboboluntaryo, o pagiging miyembro ng isang lokal na samahang pangkapaligiran. Sa pamamagitan lamang ng pag donate ay maaaring magdala ng malaking tulong sa mga organisasyong iyon. Maaari ka ring magbigay ng donasyon sa mga taong nangangailangan dahil matulungan ang mga donasyon sa mga organisasyon na bumili ng mga damit, produkto ng pagkain, malinis na tubig para sa mga pamilya, at maihatid ang mga produkto. https://support.savethechildren.org/site/Donation2?df_id=5373&5373.donation=form1&adobe_mc_sdid=SDID%3D677FF22C51188AFC-4BF31C0342CB3C11%7CMCORGID%3D6B0E659F56A9E70D7F000101%2540AdobeOrg%7CTS%3D1633618123
+ kung hindi gagana ang link, e copy paste and bold at italic text.
Mahalaga na protektahan ang Life On Land dahil ito ang pundasyon para sa ating buhay sa mundong ito. Ito ang ating pagkukunan ng oxygen, pagkain, at buhay ng mga hayop at mga tao. Ang pagprotekta sa mga kagubatan sa mundo ay maaaring makatulong sa pagtugon sa pagbabago ng klima at mabagal ang rate ng pagkalipol ng isang buong host ng mga species ng halaman at hayop. Kaya ngayon pag-sign ng mga petisyon, pag-donate sa mga organisasyon, kumalat ng impormasyon sa pamamagitan ng sosyal media upang maprotektahan ang Life On Land bago huli na.
blog by: Breanna Alysa M. Baquiano HUMSS11
1 note
·
View note
Text
Climate justice
.Introduction
Ang ating kalikasan ang isa sa pinaka kailangan ng isang tao. Mga pagkain tulad ng prutas, gulay, isda, at mga hayop. Ngunit ang mga tao ay hindi masyadong batid ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Mga maraming punong napuputol dahil sa mga illegal loggers, kung kaya unti-unting nakakalbo ang ating gubat.
Ngunit ano nga ba ang Climate Justice? -Ang Climate Justice ay importante dahil nais nating napanatili ang ating kalikasan para hindi ito makalbo. Ang dahilan kung bakit kabi-kabilang mga malalakas na ulan ay sanhi ng tao, mga pabrika na nangbubuga ng maiitim na usok ang nagpagbabago ng klima. Kung kaya ang ilang mga tao ay gumagawa ng movement upang makita din ng ibang mga tao na ang ating kalikasan ay ingatan. At ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng landslide ay dahil din sa tao. At dahil din marurumi ang ating mga dagat ay dahil sa hindi wastong pagtatapon ng basura.
Ano ang ginagawa ng mga bansa upang labanan ang climate change?
-Ngunit ano nga ba ang Climate Change? Ang climate change ay ang pagbabago ng klima sa iba’t ibang lugar. Ito ay maaring mangyari dahil sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. At ang mga tao ay nagbubuga ng carbon dioxide na nagpapaiitim sa usok ng kalangitan, ang mga usok na ito nay nakukulong sa init ng mundo, ang paggamit ng gasolina ang isa sa sanhi ng paglabas ng carbon dioxide at labis na pagputol ng puno na siya ang nakakatanggal sa mga usok na inilalabas ng mga kotse.
-Ano ang ginagawa ng ibang bansa upang labanan ang CLIMATE CHANGE? ang ilang mga bansa ay gumagamit na ng mga “renewable energy” at natutunan na nila ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura, wag magsayang ng tubig at pagkain, at huwag magsayang ng kuryente.
- Ano ang ginagawa ng mga tao upang labanan ang CLIMATE CHANGE? Ang ilang mga tao ay batid na ang unti unting pagkasira ng kalikasan, kung kaya ang ilan ay nagtitipid ng ilaw sa bahay, at gumagamit ng pampublikong transportasyon at hindi pagsasayang ng tubig.
- Ano naman ang epekto ng climate change sa indibidwal, bansa, o sa mundo? Malaki ang epekto ng pagbago ng klima sa indibidwal dahil sa mga baha dulot ng pagkabara ng basura sa kanal at ito ay maaaring ikadulot ng mga sakit na dengue, malaria, at leptospirosis. At pagkasira ng bahay ang nakakapagsira sa kabuhayan ng tao. END
1 note
·
View note