#akoparinitoangbabaengumaasangbabalikanmo
Explore tagged Tumblr posts
shrncbriana-blog · 8 years ago
Text
swp. Ako parin ito, ang babaeng umaasang babalikan mo
Ilang araw, buwan o taon na ba ang nakalipas? Naalala mo pa ba? Naalala mo pa ba ako? Naalala mo pa ba ang tayo? Sa tingin ko. Hindi. Hindi kasi kasi hanggang ngayon, naghihintay parin. Hanggang ngayon nagdadasal parin. NAsa gitna ng mga alaala na minsan nating ikinasaya. Nasa gitna ng katagang lalaban o bibitawan. Nasa gitna ng tapos na o laban pa. Nasa isipan ang mga salitang mahal pa kaya niya ako? o may nahanap na ba siyang iba na minahal siya ng mashigit pa sa pagmamahal ko? Ngunit kahit anong pagiisip ay umasa parin, kasi sabi mo sa akin ay bigyan lang kita ng oras. Oras upang malaman ko na may nahanap kana. May iba. Oras para ako’y magmumukhang tanga. Di bale na, mahal pa rin kita. At ako parin ito. Ako parin ito... ang babaeng umaasang babalikan mo.
0 notes