#Wings of the ISANG
Explore tagged Tumblr posts
Text
2109 — my weekend in bullets.
as my usual saturdays, i went to legazpi. nagpa footspa + pedi lang ako while waiting for J. natapos ko yung isang anime movie; when marnie was there. ang ganda ng kwento.
sakto pagkatapos dumating si J. nag dinner nadin kami, tinry namin sa buffalo wings and things, nagustuhan ko yung rice nila kasi amoy tacobell, tapos yung fries nila nakaka busog. sulit na siya for me. first time kasi namin kumain dun.
after namin kumain, naglakad lakad muna kami sa sm para magpababa ng kinain. i noticed may stall narin pala ng jamaican pattie dun huhu. finally, di ko na mamimiss yung lasa ng jamaican, na sa manila ko nalang natitikman. buti nagkaroon narin dito, sana talaga next time popeyes or burger king naman mag open sa sm.
pumasok kami sa booksale, para mag tingin tingin lang kung may mabibili nag hahanap din kasi siya ng art book. but guess what? haha. nahook kasi ako sa plot ng nadampot kong libro, i dunno these authors but i hope okay 'tong book haha. i also googled it and meron na pala nitong the holiday sa netflix, but i thought i'd read it first—sana mapanindigan ko talaga 'to haha.
sabi ko kay J mag deactivate na muna ako ng facebook para mapanindigan ko talaga haha. kasi ang gara pag labas namin tinanong niya ako "bat ka bumili niyan?" naisip ko rin tuloy, bakit nga ba? hahaha nag fifeeling na naman ako haha.
i'm so happy, i was aiming to buy this conditioner last week (actually, matagal na) kaso walang 200ml mas mura kasi yun, nasa 200+ lang. e itong 400ml, 399 ang isa. and guess what? naka buy 1 take 1 siya ngayon. sakto pa kasi ngayon ko palang nagalaw yung sahod ko. hihi deserve ko 'to haha. bet na bet ko kasi 'tong conditioner na 'to kasi sobrang bango, parang perfume na nag iiwan ng trail.
late na kami nakalabas kasi natagalan kami dun sa booksale haha. nag babasa pala talaga din si J before, tsaka naghahanap din ako ng ibang self help books sana kaso ang hirap mag hanap dun kasi halo halo. haha. nag ordinary jeep nalang kami pa sentro.
6 notes
·
View notes
Note
shuffle your favorite playlist and post the first five songs that come up. then copy/paste this ask to your favorite mutuals!
Ahh another one! Luckily I have another playlist in mind :D
1.) Girls Just Wanna Have Fun - Cyndi Lauper (this is my fun anthem!! i so badly wanna wear a big poofy gown and dance to this song)
2.) On the Wings of Love - Jeffrey Osborne (I LOVE RANDOMLY SINGING THIS ONE!! 10/10 experience)
3.) Sa Isang Sulyap Mo - Bryan Termulo (ahh a Filipino love song!! this one is about love at first sight, and it's such an adorable song istg i could play it forever and never get sick of it)
4.) Redbone - Childish Gambino (i'm taken to the stratosphere everytime this song plays)
5.) Skyfall - Adele (i love imagining a dark, vengeful queen taking her kingdom back from her enemies whenever this song plays. it's such a song full of power)
Thank you sm for the ask!! I had so much fun doing this :D
#khloe rambles#this is from my personal vacation playlist#which is why it's so random lol#thank you again!!
2 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Tagpi-tagping Sarili
"Ma, ayaw ko po nitong bestida!" Oo, namangha ako sa angking kagandahan ni Mama, At tuwing siya’y naglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha, Tila siya’y nagiging isang makapangyarihang diyosa. “‘Nak! Lagyan kita ng liptint, halika.” Nabigyan ng kulay at buhay man itong mga labing namumutla, Pagtingin sa salamin, sarili’y halos hindi na makilala. Nakasuot man ng bulaklaking bestida, Pinagtakong man gaya ng mga reyna ng sagala, Parang hindi talaga ako ito, ‘ma. Tangan ang pait, ni hindi makaimik, Lagi na lang kailangang indahin ang nagbubuhol-buhol na hibla. “Magsuklay ka nga ‘nak, mukha kang bruha,” Naroon sa lamesa ang gunting ni Mama… At mamaya, kapag sa bahay ay lumisan siya— Biglang gumaan, biglang lumaya Hindi ko inakalang itong aking buhok pala ang humihila sa akin paibaba At sa bawat paghaplos ng hangin sa aking batok Nawawala na ang pangamba at takot Sapagkat bagay man sa aking mga kalaro ang mala-prinsesang tirintas Hindi ako sila. Hindi iyon “ako.” Kaso— “Hala! Anong ginawa mo? Sayang ang ganda mo!”
Palagi kong nahuhuli ang sarili na napapatitig Sa isang kaklaseng namumukod-tangi Nakakaakit ang kanyang mga ipit sa buhok at nakalawit na hikaw Kaya isang araw, siya aking ginaya Sinuot ang nag-iisang pares ng hikaw Sa ipit ng buhok, tiniyak na walang makakatakas na hibla Natuwa man si Mama, ngunit hindi ito ang aking inakala: Hindi ko maintindihan bakit sa kanya ito’y maganda, Pero kung sa akin, sarili’y hindi makilala. Ginagaya ang pasusuot ng daster ni Mama, Nahirapan magpintura ng kuko at magsuot ng palda, Inayos ang pagkilos nang mayumi, pero hindi ko talaga kaya. Malapit naman ako sa mga kaklase kong babae, Ngunit hindi ko nadarama na ako ay tulad nila. Alam ko na sa sarili ko na hindi talaga ito para sa akin, Pero bakit ang hirap para sa kanilang intindihin? Sa paaralan ay hindi pinayagang tumayo sa kabilang pila Kaya ako lamang ang nakapantalon sa karagatan ng mga palda. Natuto na lamang isantabi ang mga reklamo Kaysa harapin na naman ang mga sermon at mga tukso. Kailan nga ba ako naging tiyak sa aking damdamin? Ito ba’y noong nasilaw ako sa kanyang kagandahan at nakintal siya sa aking isipan? Noon bang napuyat sa kakaisip sa kanyang katawan at napagtantong siya’y napupusuan? Ngunit kahit puso ko'y palagay na, katawan ko'y nanatiling nakahawla. Pagbangon mula sa kama'y dumiretso sa pagligo; Nanghihinang pinaagos ang dugong kinamuhian. Itinaklob ko ang tuwalya sa katawan upang di na ito masilayan. Sampung minuto pa sa banyo, nakatitig lang sa salamin - Tumambad ang pagmumukhang alam kong hindi akin. Nagbihis at nilabhan ang kumot na natagusan; Nayayamot na kinuskos ang ipinilit na pananagutang Tinamo't pinasan buhat sa aking kapanganakan. Napadaan sa hiraya ang isang kakaibang pigura: Iba ang katawan, ngunit wangis ko'y tulad ng kanya. Ang hulma'y hindi kumurba o tumagas ng pula. Ninais kong maging siya. Siya ang daan ko sa paglaya. Paglaya na sa isang paraan ko lang makakamit; Dalang ginhawa nang makitang walang mantsa sa kumot na punit-punit. Hawla na aking tinakasan upang pagkilala sa sarili ay mabingwit; Hindi na maririnig ang “with wings?” dahil hindi na ito magagamit. Nagsimulang bumili ng gel para sa buhok na bagong gupit; Aking mga damit ay sa balikat na umiipit. Komportableng isuot ang preskong jersey ni Itay, tindig ay maskulado; Habang suot ang hiniram kay Kuya na sumbrero. Kahit ako ay pinagtitinginan, akin silang kikindatan; Kaya sila nalilito kung si Daniel Padilla ba ang kanilang nasisilayan. “‘Yan na ba yung anak ni Aling Celie?” Sabihin man ng Marites dyan-dyan, Isang malaking ngiti ang ibabalik sa kanila nang marahan. Hindi na nakakulong sa komento ng iba kahit sabihin man nilang sayang ang aking ganda. Kung hindi sila ang namimilipit tuwing darating ang regla, Wala sila sa posisyon upang manghusga. Walang namang dapat ikahiya sa pagiging babae; sadyang hindi lang ako rito kampante. Si Mama ay maganda pa rin sa aking mga mata, Ngunit nakakaguwapo itong bigote kong patubo na. Ang pagkawala sa ibang identidad na nasa loob ko, Natatanging paraan para mahalin ang sariling ako.
4 notes
·
View notes
Text
Alam kong Mahal na Araw at dapat nagpa-practice ako ng self-restraint pero nanggigigil talaga ako. Lumapit sakin yung isang guest sabi "May langaw sa tubig." Sumagot ako "Ah baka po bubuyog" bilang may bee farm yung Tito ko sa kabilang property. Nag-insist yung guest "Hindi, langaw talaga" so sabi ko "Sige po tatanggalin ko na lang" tapos napangiwi talaga ako nung may pahabol sya na "Madumi yung tubig kaya nilalangaw" arghhhh pero di ko muna pinansin kasi pano kung langaw nga yung nasa tubig. Alam ko naman na malinis yung pool dahil alaga kami linis pero di din talaga maiwasan may insekto na napupunta sa tubig. Pagtingin ko alates pala (winged ants) siguro mga tatlo silang lumulutang sa tubig. Ini-scoop ko para di na maka-bother sa guests pero nainis ako??? Because of that guest not just implying, but stating, bluntly, na madumi yung tubig kaya nilalangaw? Tapos di naman talaga langaw yung nandun kundi langgam??? Kaso pagbalik ko wala na yung guest na nagreklamo pero in-approach naman ako ng isa pang guest para mag-settle ng balance nila so sa kanya ako nag-explain. Sabi ko "Boss sabi ng kasama nyo may langaw daw sa pool, chineck ko naman langgam lang na may pakpak. Baka kasi iniisip nyo andumi ng tubig, everyday po ang linis namin dyan ha." In-assure naman nya naman ako na wala naman silang reklamo at wag na lang daw pansinin yung kasama nila. Which made me think, baka mareklamo lang talaga yung isa tapos sanay na rin sa kanya mga kasama nya. Pero kakagigil pa din! Amp
10 notes
·
View notes
Text
🦋 Wanderland Day 1 🦋
Was too lazy to take outfit pics the whole weekend. It's my 3rd Wanderland na and at this point pagod na kami umawra mauuwi lang din naman sa pagiging sabog, pagod, at haggard HAHAHA tamang pacute na lang. Went for a cute frilly top + jeans lang but I super love my earrings! They're faux butterfly wings and I had another pair (blue) that I wore for the 2nd day to match my blue outfit.
Late na kami pumasok sa venue and Ylona was playing her set already mga 5:30 pm na ata `to kasi naglunch pa muna kami at nag-ayos, mga gustong umiwas sa arawan kaya nagpa-late.
After her set we went on and walked around the festival mostly to buy drinks while listening to Men I Trust ^__^
RAVEENAAAAAAAA ssnsjsjskksk jusko!!!!!!!!!!!! Nahiwalay ako sa friends ko her entire set kasi sobrang dinumog nga kami ng mga tao at hinayaan na lang ako ng friends ko na sumingit paharap to see my dyosa Raveena 🥺
SOOOOO. HAHAHAHA. After Raveena was No Rome's set and can I just say. Sobrang fan niya ako since idk ????? Years ago pa??? Sobrang crush ko si Rome ever since huhuhuhu. Yung last gig niya sa Makati di ko na napuntahan kasi walang kasama at tamad na kong lumabas ng bahay at bumiyahe so first time ko siya makitang live 🥹
Anyway... dahil nga mag-isa na lang ako during set ni Raveena, wala akong ginawa kundi ubusin yung dalawang malaking baso ng beer na hawak ko habang nakikinig. So pagdating ng set ni No Rome wala na lasing na ko hahaha.
To make things worse, ni isang patak ng tubig hindi pa ako nakakainom that day at all! Kasi naman sobrang takot akong maihi at gumamit ng portalet :(((( bawal din kasi re-entry sa venue so no choice kundi yun gagamitin mo unless star wanderer ka, but i mean, in this economy?? So wala ang bilis kong nalasing at ang tagal kong mag sober up HAHA. Buong set ni No Rome nagwawala, nagsisisigaw, at nagtatatalon ako hanggang sa nasira bra ko hhsjsjsjsjsjajhahHahshshdhsjsj I thought it was a good idea to wear strapless ones para bawas sakit sa shoulders at sa likod... di ko naconsider na ang hina ng support if nakasalalay lahat sa nag-iisa niyang hook sa harap. So yun I spent the rest of his set hiding behind my friends' backs trying to remove and hide my bra sa bag looool. Very on brand for someone na sobrang may crush sa kanya ang mahubaran ng bra hahahahshsjskskks OK ayos. Trendy naman to go bra-less diba. Literally fell to my knees when he sang Narcissist as his last song :') As expected, I have no proper photos or videos of his set given my drunken state. Oh well, masaya naman.
Fast forward na lang tayo kay Madam Carly!!!!!!!! Headliner ng Day 1. WHEW WHERE DO I EVEN BEGIN. I never expected to be such a fan I mean I love super pop-y songs din naman and I listen to her from time to time lalo na may collab sila ng isang fave artist ko. Pero!!!!!! Ever since na-announce na kasama siya sa lineup months ago, I started listening to her more and I never thought na sobrang magiging fan ako but here I am. Si madam Carly ang laging soundtrip ko pag naglilinis at naglalaba. Grabe yung discography niya sobrang pop perfection pero sobrang malaman ng songs like di siya walang kwentang bubblegum pop it's soooo good at puno ng substance!!! Muntikan ko nang sisihin friend ko na naimpluwensiyahan niya ko kay Carly Rae Jepsen dahil siya yung talagang super fan pero sabi niya sakin I'm a convert on my own daw. Wala na raw siyang kinalaman doon. Nawelcome na tuloy ako sa kulto daw ni Carly hahahaha. Anyway grabe!!!! She's so good live at may pa-costume change pa si ate girl ang lala!! Hay ang hirap ng may bagong sasambahin chz.
Yun lang for Day 1. After the festival deretso hotel kami. May naka-book kaming room but I didn't sleep over na with my friends as I initially planned kasi nagpapainom ako ng gamot sa pets ko for now at marami pa akong di maiwan na responsibilities that time. Di pa keri ng schedule kong umabsent ng 2 whole days kailangan ko rin umuwi-uwi at some point. Nagpalipas lang ako ng oras with friends then booked a ride home para iwas sa rush hour 💃🏻🪩
10 notes
·
View notes
Photo
It’s been a week since we came back from GLDN x PAKK x US:WE [玖] vol.2 Korea Tour. It was our first time playing in the country, and enjoyed the kick-ass acts of BADLAMB, ABTB, WINGS OF THE ISANG, ULTRA MAGIC CLUB, ZEONPASA, US:WE and PAKK. We played hard, drunk hard and ate tons of porks. It was simply wonderful experience. Thanks so much for all the support from PAKK, the tour crew and the guys of GONGSANGONDO, AOR and MUDAERUK, and last but not least, every single boys and girls, ladies and gents who swung by. We really hope to come back. 감사합니다 Korea! Next stop, Japan in July!
2 notes
·
View notes
Text
Performance 1
• 10 uncommon Filipino words
1.Pahimakas
English Word: Last Farewell
Definition: Used to express good wishes on parting.
Sentence Example: Sila ay naghanda ng kaunting salu-salo para sa pahimakas ng kanilang anak.
2.Alimusom
English Word: Scent
Definition: A distinctive smell especially one that is pleasant.
Sentence Example: Tila dumikit sa aking damit ang kanyang alimuson.
3.Payneta
English Word:Comb
Definition: A strip of plastic, metal, or wood with a row of narrow teeth, used for untangling or arranging the hair
Sentence Example: Ang payneta ni Anna ay maganda.
4. Makitnig
English Word: Microphone
Definition: An instrument whereby sound waves are caused to generate or modulate an electric current usually for the purpose of transmitting or recording sound ( a speech or music).
SentenceExample: Gumamit siya ng miktinig upang marinig ng lahat ang kanyang sasabihin.
5.Anluwage
English Word: Carpenter
Definition: A person whose job is to make or fix wooden objects or wooden parts of a building.
SentenceExample: Kailangan namin ng isang anluwage para magpagawa ng bahay-kubo.
6.Labaha
English Word: Razor
Definition : A keen-edged cutting instrument for shaving or cutting hair.
SentenceExample: Kani-kanina lang ay nang-ahit si papa gamit ang labaha.
7.Batlag
English Word : Car
Definition : A vehicle moving on wheels.
Sentence Example : Kapag ako ay nakapagtapos nga aking pag-aaral, bibili din ako ng batlag na kulay asul.
8.Pulot-Gata
English Word : Honeymoon
Definition : A period of unusual harmony especially following the establishment of a new relationship.
Sentence Example : Ang bagong kasal ay nagpunta pa ng ibang bansa para mag pulot-gata.
9.Sambat
English Word : Fork
Definition : An implement with two or more prongs used especially for taking up (as in eating), pitching, or digging.
Sentence Example: Bakit kailangan pa ng sambat kung pwede naman kumain gamit ang kamay?
10.Salipapaw
Definition : A powered heavier-than-air aircraft with fixed wings from which it derives most of its lift.
Sentence Example : Baka maging sanhi pa ng aking kamatayan ang pagsakay sa salipapaw.
2 notes
·
View notes
Text
10 FILIPINO UNCOMMON WORDS 1. Sulatraniko - A means or system for transmitting messages electronically (as between computers on a network)
Halimbawa: Pinadalhan ko ng sulatroniko ang kompanyang gusto kong pasukan. 2. Salipapaw - A powered heavier-than-air aircraft with fixed wings from which it derives most of its lift. Halimbawa: Namangha ako sa laki nung unang beses kong makita ang mga salipapaw sa paliparan 3. Panginain - A computer program used for accessing sites or information on a network (such as the World Wide Web). Halimbawa: Sinubukan kong buksan ang panginain ng aking kapatid upang tingnang kasaysayan ngunit wala akong nakita. 4. Lantay - Free from moral or guilt. Halimbawa: Naaalala ko pa noon nung isang lantay na bata pa lamang ako, miss ko na ang mga araw na iyon.
5. Marilag - Having an attractive quality that gives pleasure to those who experience it or think about it. Halimbawa: Isang marilag na tungkos ang binigay sa isang binibini noong araw nang mga puso. 6. Awangan - Unlimited extent of time, space, or quantity. Halimbawa: Hindi magbabago at awanggan ang pagmamahal ko sa’yong pagkatao. 7. Panghiso - A brush for cleaning the teeth. Halimbawa: Bumili si Immaneg ng soft-bristled na panghiso 8. Dumatal - Reach a place at the end of a journey or a stage in a journey. Halimbawa: Dumatal na ang in-order mong pagkainsa Mcdonalds. 9. Kalantare - Is a social and sometimes sexual activity involving verbal or written communication as well as body language by one person to another, either to suggest interest in a deeper relationship with the other person, or if done playfully, for amusement. Halimbawa: Akala mo true love na, yun pala kalantare ka lang niya. 10. Baro - Is manufactured fiber and textile material worn on the body. Halimbawa: Nagpalit siya ng kanyang baro dahil basang basa siya ng pawis.
2 notes
·
View notes
Text
Empowerment Technologies Blog Post
Greetings! This Blog Post serves for educational purposes only. What you will see here is 10 uncommonly used Filipino words, their definition and how they are used in a simple sentence. This work is made possible due to the partnership of Louie Ken Paderna and John Paul Erracho.
1
"Anluwage"
English translation: Carpenter
Definition: A person whose job is to make or fix wooden objects or wooden parts of buildings.
Sentence: Ang kaniyang ama ay isang anluwage.
2
"Initsigan"
English translation: Thermodynamics
Definition: A science that deals with the action of heat and related forms of energy.
Sentence: Ang pagsusulit kanina ay tungkol sa Initsigan.
3
"Bilnuran"
English translation: Arithmetic
Definition: A branch of mathematics that deals usually with the nonnegative real numbers including sometimes the transfinite cardinals and with the application of the operations of addition, subtraction, multiplication, and division to them.
Sentence: Ang bilnuran ay isang sanga ng Sipnayan.
4
"Pook-sapot"
English translation: Website
Defintion: A place on the World Wide Web that contains information about a person, organization, etc., and that usually consists of many Web pages joined by hyperlinks.
Sentence: Madalas na nauubos ang oras ng mga kabataan sa ngayon dahil sa mga pook-sapot kagaya ng "Facebook".
5
"Sulatroniko"
English translation: E-mail
Definition: A system for sending messages from one computer to another computer.
Sentence: Mayroong paparating na sulatroniko mula sa ating kamag-anak sa ibang bansa.
6
"Awangan"
English translation: Forever
Definition: For a limitless time
Sentence: Ang pag-ibig ko sayo'y di magwawakas, ito'y awangan.
7
"Pulot-gata"
English translation: Honeymoon
Definition: A trip or vacation taken by a newly married couple, A period of harmony immediately following marriage.
Sentence: Nasa kanilang pulot-gata ngayon ang aming kapitbahay ngayon dahil sila'y ikinasal noong isang linggo.
8
"Dupil"
English translation: Amulet
Definition: It is an amulet, or anything that is believed to have the power to save the person who owns it from any harm. The more popular Tagalog words currently being used are anting-anting and agimat.
Sentence: Dahil sa dupil nailigtas ang aking tiyuhin sa isang ligaw na bala.
9
"Salipawpaw"
English translation: Airplane
Definition: A powered heavier-than-air aircraft with fixed wings from which it derives most of its lift.
Sentence: Balang araw, ipinapangako ko, makakasakay rin ako sa isang salipawpaw.
10
"Balintataw"
English translation: Pupil
Definition: The contractile aperture in the iris of the eye.
Sentence: Wala na syang makita dahil tinusok nya ng matulis na bagay ang kanyang balintataw.
2 notes
·
View notes
Note
🧲 odette
Send 🧲 for a list of what my muse finds attractive about yours
Clearly he's attracted to her pestering and teasing him whenever she pleases. She's so bold and seemingly so carefree. She's not dumb and won't take any bullshit thoughAdmirably strong character.
It's cute how much power of raw anger can such a small body posses. Probably why he likes to try to tease her too from time to time.
Of course she's attractive. But all her open back shirt and gowns, fitted to be comfy for her wings are pretty much magneting his eyes, even if he won't admit isang himself.
He likes her singing. He'd greatly appreciate if she something sung for him one day.
1 note
·
View note
Text
It's really hard to trust God when things happen the way you didn't expect to happen. Well, it's been a year I felt like alone and far from God. I didn't admit it but I started questioning Him, His plan and Hid purpose in my life.
Naalala ko pa noong parang wala na akong chance makapag work abroad (2022) napaiyak nalang ako at napatanong sa Kanya "miski kahit isa ba sa mga plano ko wala sa mga plano mo?" Nasabi ko rin to kay N noong magkasama kami sa bahay.
And imagine until now 2024 na hindi parin ako nakaka alis ng bansa. And I started to let go the girl I waited more than 6 years. She already had a guy na pinost sa fb. And on my current situation? I felt like a bird without wings or a bird inside a cage. I just want to spread my wings and soar and see the beauty of life.
Today, October 31,2024 around 12am I'm looking at my stories in fb then I saw the post of Marcelos Santos III that I shared year 2014 .
Natatandaan ko 4th year highschool na ako nito then nagshe-share narin ako about kay God nun and ang malimit ko kausap nun is si Jerson, one of my favorite and closest childhood friend and classmate.
According dun sa post my isang tao na nagtanong sa Diyos and nag complain why those things happen to him on that day and God has a reasons why He allow those things to happen. And God also addes that the guy need to trust God even when things didn't not happen the way we expect it.
I share this thoughts co'z I was reminded to trust God in this situation that I am in right now. God's "NO" is not rejection but a redirection. I need to keep the faith someday, I will be rewarded because I believed in the faithfullness and plan of God in my life. He is able. He is God!
October 31,2024 Thursday 12:55am
0 notes
Text
Presyo ng Kasinungalingan
“Lalabas at lalabas talaga ang katotohanan, kahit anong gawin mo upang itago ito.”
Ang katotohanan, gaano man pilitin na ikubli, likas na maghahanap ng paraan upang magpakita. Maaaring umabot ng isang araw, isang linggo, o kahit limampung taon, ngunit hindi ito kayang pigilan. Bagaman, marami pa rin ang patuloy na nagtatangkang ilihim ito. May mga gumagamit ng pera upang patahimikin ang mga nakakabatid ng kanilang lihim. May iba namang nagsisinungaling at itinutulak sa iba ang kanilang mga pagkakasala. Ang pinakamatindi, may mga pumapatay ng kapwa at nagpapaka-Diyos upang itago ang kanilang kasalanan. Maaaring dahil ito sa personal na epekto ng pagtatago ng mga lihim. Kapag pinag-iisipan ng isang tao ang kanyang mga lihim, kadalasang nakararamdam din siya ng mga emosyon ng kahihiyan at pagkakasala. Bumababa rin ang kakayahan niyang harapin ang lihim at aminin ang totoo na nagdudulot ng pagbagsak ng kaniyang pangkalahatang kagalingang pangkaisipan (Liu et al., 2022).
Sa isang perpektong mundo, walang ganito. Ngunit malayo sa pagiging perpekto ang mundong ating ginagalawan. Puno ng krimen, pagtataksil, at kasakiman ang mundong tinitirhan natin. Hindi mo alam kung sinong mapagkakatiwalaan mo at minsan pa nga, ang taong handa mong iligtas mula sa bala ang siya pang babaril sa iyo. Ganyan ka pait ang ating mundo.
“One generation to change the text. One generation chooses to teach that text. The next grows, and the lie becomes history.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Sa mga librong Fourth Wing at Iron Flame ni Rebecca Yarros, naipakita ang tunay na kamandag ng kasinungalingan at ang malalim na epekto nito sa mga mamamayan ng Navarre at mga bansang nakapalibot dito. Hindi lamang nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre, kundi gumawa rin sila ng pekeng propaganda, pekeng ebidensya, at pekeng resulta upang maitago ang katotohanan. Nagawa pa nga nilang pumatay para lamang panatilihin ang kanilang sikreto. Binago nila ang kasaysayan, ang mga dahilan ng mga nakaraang digmaan, at ipinalabas na ang mga Griffin ang totoong kalaban, habang inilihim ang tunay na banta—ang mga venin at wyvern.
Sa likod ng mga kasinungalingang ito, may malinaw na layuning kontrolin ang impormasyon at manatiling nasa kapangyarihan ang gobyerno, kahit na nagbubunga ng pagkawasak ang ginagawa nila. Nagpadala sila ng maraming sundalo sa digmaan na walang sapat na kaalaman kung paano labanan ang mga venin at wyvern. Ang resulta? Halos lahat sila namatay. Hindi lamang sila ang naging biktima ng pagtatago ng katotohanan—pati mga sibilyan, tulad ng mga mamamayan ng siyudad ng Resson, naging saksi sa pagkawasak ng kanilang bayan, dahil wala silang alam sa tunay na banta. Kung hindi lamang nagsinungaling ang gobyerno, maaaring naiwasan ang mga trahedya ng kamatayan at pagkawasak ng buong siyudad. Sa huli, ang buhay ng mga inosente ang presyo ng kasinungalingan.
Hindi rin lamang sa loob ng kanilang sariling bansa nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre. Sa halip na makipagtulungan sa mga kalapit na bansa upang labanan ang mga venin at wyvern, mas pinili nilang palakihin ang tensyon sa pagitan nila. Ipininta nila na ang mga karatig-bansa ang kaaway, kahit na sila mismo ang nagkait ng mga armas na maaaring gamitin upang puksain ang mga venin. Pinigilan ng Navarre ang mga sandatang maaaring makatulong sa ibang mga bansa, kaya mas marami pang bayan at bansa ang nawalan ng buhay at kinabukasan.
Nagdulot ng malawakang pagkasira ang mga maling hakbang at kawalan ng aksyon ng Navarre , hindi lamang sa kanilang sariling mga mamamayan, kundi pati na rin sa mga sibilyan at sundalo ng ibang bansa. Kung naging tapat lamang ang gobyerno at nagbukas ng tulong sa iba, maaaring mas napaghandaan ng lahat ang totoong banta. Sa huli, nagdala ng mas maraming pagkatalo at pagkawasak sa buong rehiyon ang kanilang kasinungalingan at pag-iwas sa responsibilidad.
“Lies are comforting. Truth is painful.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Pero, bakit nga ba tayo nagsisinungaling? May naidudulot nga ba itong maganda? Nagdedepende iyan sa persepsiyon mo ng “maganda”. Nagsinungaling ang gobyerno ng Navarre dahil gusto nilang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Ayaw nilang matakot ang mga mamamayan kaya hindi nila sinabi ang totoo. Takot sila sa katotohanan at kung anong kayang gawin nito kaya ginamit nila ang kasinungalingan bilang proteksyon mula rito. Oo, may maganda itong naidulot, ngunit, ang naging kapalit ng panandaliang kapayapaan ang buhay ng mga inosente. Sinasalamin nito ang totoong mundo. Nagsisinungaling ang mga tao dahil akala nila, mas may benepisyo ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo sa sitwasyon na iyon (When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being?, 2022). Mas madaling magsinungaling at manloko kaysa sa harapin ang totoo.
Sa totoong mundo, hindi malayo ang ganitong senaryo sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa maraming pagkakataon, inuuna ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang sariling interes kaysa sa kapakanan ng mga taong dapat nilang pinoprotektahan. Ang resulta? Kawalan ng tiwala, kaguluhan, at mas maraming nasasawi. Kaya nagiging mahalagang paalala ang mga kwentong tulad ng Fourth Wing at Iron Flame na, ang katotohanan, gaano man subukan na itago, makakahanap at makakahanap ng paraan upang mailantad—at hindi kailanmang magtatagumpay ang mga nagtatangka supilin ito.
Mga Sanggunian: Liu, Z., Kalokerinos, E. K., & Slepian, M. L. (2022). Emotion Appraisals and Coping with Secrets. Personality and Social Psychology Bulletin, 49(9), 1379–1391. https://doi.org/10.1177/01461672221085377
When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being? (2022). Greater Good. https://greatergood.berkeley.edu/article/item/when_do_your_secrets_hurt_your_wellbeing
1 note
·
View note
Text
The 10 Uncommonly Used Filipino Words; Definition and Example sentences.
1. Pantablay
English translation:Charger
Definition: A device used for charging storage bateries.
Example: Bumili ng bagong pantablay si Francis para sa kanyang cellphone.
Duyog
English Translation : Eclipse
Definition: An occasion when the sun looks like it is completely or partially covered with the dark circle because the moon is between the sun and the Earth.
Example : Marami ang nabighani sa kagandahan na ipinamalas ng duyog.
3. Sambat
English Translation : Fork
Definition : An implement with two or more prongs used especially for taking up (as in eating), pitching, or digging.
Example : Bakit kailangan pa ng sambat kung pwede naman kumain gamit ang kamay?
4. Labaha
English Translation : Razor
Definition : A keen-edged cutting instrument for shaving or cutting hair.
Example : Kani-kanina lang ay nang-ahit si papa gamit ang labaha.
5.Salipawpaw
English translation: Airplane
Definition : A powered heavier-than-air aircraft with fixed wings from which it derives most of its lift
Example : Baka maging sanhi pa ng aking kamatayan ang pagsakay sa salipapaw.
Durungawan
English translation: Window
Definition: an opening especially in the wall of a building for admission of light and air that is usually closed by casements or sashes containing transparent material (such as glass) and capable of being opened and shut.
Example: Nakita ko sa aming Durungawan ang isang napaka gandang babae.
7.Filipino Word: Kansunsilyo
English translation: Boxer Shorts
Definition: men’s underwear shorts characterized by loose fit.
Example: Ginamit ko ang bagong biniling Kansunsilyo ng aking magulang
8.Filipino Word: Batlag
English translation: Car
Definition: a vehicle moving on wheels.
Example: Nabangga ang aming minamanehong batlag kaninang umaga.
9. Filipino Word: Kalupi
English translation: Wallet
Definition: A container that resembles a money wallet.
Example: Nawala ng aking kaklase ang kanyang kalumpi noong isang araw.
10 .Hatinig
English translation: Telephone/Telepono
MEANING: A system that converts acoustic vibrations to electric signals in order to transmit sound.
Example: Ginamit ko ang hatinig upang tawagan ang aking ina sa ibang bansa.
Thank you for your time to reading my work
1 note
·
View note
Text
My C.V.A.P. Week 4 Journey Time Flies So Fast! Last week of our CVAP Session ☹
“It’s crazy how fast time flies and how things progress,” I can say ito iyong best quotes na makakapagdescribe sa nararamdaman at experience ko sa aming last session sa CVAP. Huhuh… Actually it’s a sad and happy week. Sad kasi last session na, it seems I really want an extension and more session pa. At the same time happy of course, sa apat na linggong nagdaan super daming kaganapan at syempre super daming learnings ang aming natutunan. Idagdag mo pa diyan ang samahan na aming nabuo sa buong BR Group at buong Batch 27. Masasabi kong super blessed ko kasi napapunta ako sa BR 2, ang BINI VOICE BOX group. Sobrang happy to have these kind of crazy, makukulit, may kanya-kanyang topak yet very supportive, very diligent at very helpful na mga kagroupmates. At syempre we are so blessed to have our mga dyosang mentors na sina Mentor Gracia and Mentor Jonathan, with these two mentors of us kami ay mas nagiging motivated to do all the assigned tasks sa amin. Our mentors are very supportive at hands-on sa amin. They really serve as our guide. They push as to unleash all our potentials, sabi nga sa kanta they gave us wings to fly. Sila iyong tipo ng mga mentor na mafeel mo talaga iyong love and support kasi bibigyan ka nila ng freedom to do and explore things yet they are always willing to be there to correct your mistakes and guide you to be back in the right track. And syempe super happy and blessed din talaga to be part of this batch 27. Grabe solid iyong inspiration and motivation na ibinibigay ng bawat isa. I admire all my batchmates kasi they are very humble despite most of them is talagang you know… nakakaangat-angat and may say na talaga sa industry at sa maraming bagay. Masasabi kong I found a new family in CVAP. Starting with our batchmates hanggang sa aming mga BRmates, mentors, trainers, secretariat and hosts ng aming bawat sessions. Plus pa ang support ng nag-iisang Voice Master na si Sir Pocholo Gonzales, na siyang dahilan kung bakit kami naririto ngayon at kung bakit mayroong CVAP. He is a master yet a very humble and passionate man. Ng dahil sa programang ito ng CVAP madaming katulad naming mga aspiring voice artist ang nabibigyan ng pag-asa at gabay na matupad din namin ang aming mga pangarap na maging isang CERTIFIED VOICE ARTIST.
Speaking of being a certified voice artist, this last session gave us a BANG talaga because of the presence ng isang Ma’am Lyn Gonzales. Through her presence, mas nalaman namin ang mga legalities about being on the industry. Super nakaka-inspired din na isa-isa niyang nashare ang mga successful graduates ng CVAP. Super nakaka-motivate lang kasi imagine we are one step closer to our dreams na maging certified voice artist. But still, sabi nga ng Ma’am Lyn hindi nagtatapos sa graduation ng CVAP ang lahat. Kinakailangan din naming kumilos at i-improve ang aming mga sarili at syempre mas sipagan ang pag-aaudition para mas maka-gain ng maraming experiences at magkaroon ng chance to have some projects as well.
Napakalaking bagay din na sa last session namin sa CVAP na nagkaroon kami ng chance na mapa-critique ang aming mga outputs sa aming mga trainors. Super nakakakaba yet nakaka-enjoy na marinig ang kani-kanilang mga opinion, suggestions and comments sa aming mga ginawang mga outputs. From their advice, we learned a lot of things and masasabi namin na still our journey never stop as we end our session in CVAP Batch 27. Maaaring magtapos man ang training namin sa CVAP yet madami pa din kaming dapat na malaman at patuloy na i-develop sa aming mga sarili upang unti-unti naming maabot ang aming mga pangarap as voice artist. Higit sa lahat, ako bilang isang scholar ng batch na ito ay naghahangad din na makapag-give back sa opportunity na naibigay sa akin ng CVAP. I am very much willing to volunteer and share also everything na natutunan ko sa aming mga mtraining. Maaari mang nagtapos na ang aming training sa CVAP, this is only just a beginning of greater things that is waiting for all of us, as Voice Artist. Mula sa kaibuturan ng aking puso, “SALAMAT CERTIFIED VOICE ARTIST PROGAM-CVAP SA PAG-PAPAALAB PA NG AKING PANGARAP AT PASSION NA MAGING ISANG VOICE-ARTIST! More Power to everyone and may God Bless us all!”
#week4 #cvapjourney #certifiedvoiceartist #voiceartist #cvap #lastweek:( #thankfulandgrateful
0 notes
Text
Nakita ko ‘to sa Tiktok tapos gusto ko sana i-share sa Instagram kaso dito na lang. Malayo pa pero feeling nakakarelate ako sa post na ‘to.
Hindi naman kami mayaman pero after 11 years na pagiging mag-asawa, may isang anak, weekend ngayon at feeling holiday kasi pahinga na sa trabaho, nakahiga lang kami kanina sa kama tapos tinanong ko asawa ko kung anong gusto niyang pagkain. Chicken wings daw saka beer.
Bibili sana siya sa grocery para magluto pero sabi ko wag na, relax na lang kami ngayong weekend kaya mag-take out na lang ako. Sabi ko sasamahan ko pa ng spicy shrimp saka truffle chips at lemonade kasi miss ko na rin. Sabi niya nung una, wag na, baka raw maubos funds namin kasi kumain na kami dito sa Blake’s nung nakaraang araw lang.
Sabi ko bakit, hindi ko naman siya hihingian, ako kako ang taya. Pagbigyan niya na kako yung gusto ko kasi yon lang naman din kaligayahan ko sa buhay, yung mapakain ng masarap na pagkain yung mga mahal ko sa buhay lalo ngayon na kaya ko na. Ayun, tuwa naman siya. Ulitin daw namin ulit. Kumain lang kami sa kama habang nagne-Netflix.
Tapos binili ko yung pangarap niyang balat na sapatos kasi kasal na ng kapatid ko sa 28. Binili ko rin yung pabangong hinahanap niya na naamoy niya nung college pa siya kaya mahirap i-source.
Tapos sabi niya sakin, wala raw gumawa no’n kahit kailan sa kaniya, yung binili yung gusto niyang bagay. Medyo nakurot yung puso ko.
Malayo pa, pero lagi’t laging magpapasalamat kasi komportable na kahit paano ang buhay. Sana lumago pa ang career bago matapos ang taon. Ito lang din naman yung gusto ko, yung ma-spoil ko yung mga mahal ko sa buhay. 🙏🏻
1 note
·
View note