#Week10Day68
Explore tagged Tumblr posts
yeahsoinanutshell · 10 years ago
Text
10.6 Kulit Boy
“Ehehe, ayun oh. Ayun siya eh. hahaha nagtatago nanaman. Ano ba ang kulit. Hala mama, punta tayo dun si Gab ang kulit kasi. Hala, oh. Yung aso natatakot lumapit kasi daw mabaho ka. haha. Amoy laging mabaho si Gab. Ang taba-taba moo, gusto kita pindutin! Pingot-pingot! Ang dami dami mo kasing kinakain. Tapos iluluwa mo din naman. Kadiri. WOW! Ang galing naman nun, ano yan. Wow, ipad. Hala, gusto ko din niyan. Palaro naman. Uy, papindot. Haha. Hala, galit ba siya. haha. Pahiram. Hala, ayun oh sumabog haha. Ang galing naman. Mama, gusto ko din ng laro. Bakit? Hindi ako pwede pahiram? Ang daya naman. Bakit siya pwede ako hindi. Madaya si mama, ayoko na kay mama. Bakit ikaw ganyan. Huhu. Ayoko ng kendi, gusto ko ipad. Asan na ipad ko. Bakit? Bakit naiwan. Sino nagiwan? Ayaw! Ayaw! Gusto ko lang ng laro. Ayoko na dito. Gusto ko na umuwi. Asan na si papa. Uwi na kami. Uwi na. Laruan? Akin tong laruan ko. Akala ko bibili tayo ng bagong kong laruan. Ayaw ko na yan! Ayaaaw! Bakit mo ba pinipilit eh ayaw ko nga. Huhu lagi mo na lang pinipilit gusto mo mama. Ayaw ko nga, ayaw ko! ARAAY, bakit mo ako pinapalo? Ayaw ko lang ng laruan. Ayaw kooo!! Gusto ko na kay papa. Gusto ko si papa. Nasan si papa!!"
0 notes