#Throughnightandday
Explore tagged Tumblr posts
Text
Through Night And Day Movie
Honest Movie Review | Spoiler Alert!
Tbh, I'm surprised that most of the reviews in this movie were focused on how much Ben loves Jen. I mean, it’s true that Ben is an ideal boyfriend but idk, maybe because I’m already 25 that’s why it’s not what I noticed or I am just being atribida lol
I may have fell for a guy like Ben, too. They’re already in a 13-year-relationship and he’s still trying to win Jen’s heart even if it’s already his. But for me, you don’t settle for someone who only loves you when things are doing okay.
LOVE IS NEVER SELFISH they say, and it should not be selfless too. Ben said that in their relationship, he always put Jen’s happiness first before his. So what about him, right? I’m not saying that it is wrong but I think this is one of those things that we forget when we fell in love, to always spare some love for ourselves too. You will really get tired if you’ll give your all. That’s why Ben came to the point that he got tired of Jen. But isn’t it funny - that just because Jen suddenly “changed” her behavior or herself, Ben chose to leave her. Ben really ended their 13-year-relationship just because of her girlfriend’s “mood swings” (side effect of her brain tumor). Are you willing to settle with that kind of person? Of course not!
Correct me if I’m wrong but do we still need to have an illness for us to be understood? For them not to leave us? What if we just suddenly changed, no brain tumor or anything, or that person is really a “cry baby” or toyoin? For me, even if the person changes, even if he/she has a brain tumor or not, if he/she have toyo/topak or not, even if that someone became unpredictable, YOU STAY. Because LOVE IS PATIENT 💞 But not in a way that his/her toyo is just only kaartehan ha hahaha
Well I am happy that Jen did not end up with Ben 😊 Not because Jen died at the end of the movie, but for me, if ever they ended up with each other & Jen will be complicated & unpredictable, Ben will surely leave her still. And no one deserves that kind of love ����
And lastly, this is for those people who are mad with Abi (Ben’s wife). Yes, no one will ever be comfortable if their other half is with their ex. But what I understand here is that, this is what the movie is telling us - for us to settle for someone like Abi. Someone who loves us without a doubt and trust us no matter what. Someone who knows that even if it is possible that we could get back with our exes, still chooses to understand & be with us. This is the love we all deserve because LOVE IS KIND.
Be with someone who is generous, genuine & never selfish. Be with someone who you feel at peace whenever you’re with them. And most of all, find someone who will still choose you even if things are not going how you planned it - someone who loves you even if you don’t even love yourself.
1 note
·
View note
Text
Just finish watching Through Night and Day of Alessandra De Rossi and Paolo Contis, and I can say this is one of the best and realistic Filipino movie I've ever watched. Ang sakit sakit sa puso at ang daming realization para sakin ng movie na to. At some point nakakarelate ako kay Ben (Paolo Conti s) kasi kahit ang tagal na nating kilala yung taong mahal natin, dadating yung punto sa buhay natin na prang biglang nag iba tingin natin sa kanila. And it really hits me. I'm in a long term relationship but nowadays I felt like i don't know when we will last, I don't know if my love for him is still the same like the love we had before. I have doubts now, but I don't want to make a decision that I will regret. I don't know why I'm feeling this way. I hope what I need is just a rest. And I hope that tomorrow if I wake up, I will be okay, I will still love him.
2 notes
·
View notes
Text
Ben,
Kung mabubuhay man ako muli ikaw pa din ang pipiliin kong mahalin, kahit hanggang ganito lang tayo.
Kahit sasaktan mo lang ulit ako at hihiwalayan, sa favorite place ko, during my favorite time of the day.
Okay lang.
Dahil wala na akong ibang gustong mahalin kundi ikaw. Mahal na mahal kita Ben.
I want you to be happy kahit hindi na ako parte ng happiness mo. Kahit hindi man tayo nagkatuluyan. Masaya ako na naging bahagi ka ng buhay ko.
Jen
#Throughnightandday#Movie#Movieletter#Pinoymovie#Tagalogmovie#Love#Life#Pain#Breakup#Moving on#Ending#Through night and day#Jen#Ben
2 notes
·
View notes
Photo
After watching #throughnightandday 😭😅😂🙈 plith...🤣🤣🤣 https://www.instagram.com/p/CCnaLDflevhEzWf5IAmpwPH-bmS0zKc4ehmUV80/?igshid=x12gzhd0tell
0 notes
Photo
😭 #ThroughNightandDay #Netflix (at Batcave) https://www.instagram.com/p/CCkJoI8ptG8/?igshid=a4t8z7o0bqrs
0 notes
Photo
Danke #SkyDirect for including #throughnightandday sa PPV ❤️👍👌 (at Sulop, Davao del Sur) https://www.instagram.com/p/BwdZTsYpUgp/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1ogdp6dy1tmkd
0 notes
Photo
Wag niyong panoorin yung Through Night and Day... Kung wala kayong dalang panyo. Sana next time talaga hindi ka pwedeng papasukin sa sinehan pag wala kang dalang panyo. Or sana may mga warning na handkerchief may come in handy. #throughnightandday #63rd (at Gateway Mall) https://www.instagram.com/p/BqmuajSHHIrM1kerZPRaJLVMhDbuontoThtQ440/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=5vhtj59w6qy7
0 notes
Photo
MAGANDA! Wag niyo palampasin. Kanina nanonood ako ng mag isa ng Through Night and Day dito sa Robinsons Galleria. Dapat last week ko pa ‘to napanood na kasama ang girlfriend ko. Kaso badtrip yung mga sinehan dito sa Pinas lalo na sa Alabang mas pinapaboran yung mga pelikulang banyaga na hindi naman masyadong sumasalamin sa kulturang pinoy. Don’t get me wrong nanonood naman din ako ng mga ganong pelikula. What I want is sana may fair na treatment din sa sariling atin. Hanggang kelan natin sisihin ang colonial mentality? Anyways grabe ‘tong pelikula na ‘to parang pinagsama yung ganda ng tanawin ng Sakaling ‘di Makarating at yung twist at luha ng Kita kita. Isang napakalaking understatement kung sasabihin kong mahusay yung acting nina @paolo_contis at @msderossi Nung una sabi ko di ako iiyak kahit madami nakong nababasang review. Pero ayun lahat ng audience tumahimik na lang at patagong nag punas ng luha at uhog. Isa ito sa mga natatanging pelikula na may lingering effect kahit tapos na sya. Sulit bayad!!! #ThroughNightAndDay (at Robinsons Galleria) https://www.instagram.com/p/BqkNIZpBmnH/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=ocnlv6twkas5
0 notes
Photo
~ Nakakafragile!!! 💔 Charos! Pero walang keme. 👏👏👏 #throughnightandday #BenAtJen #11162018 https://www.instagram.com/p/Bqjt2fmFlngyUhsG9gOZsQqO7z0awLvh1SEwlg0/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=8rcut3ti2gvo
0 notes
Text
Through Night and Day
SPOILER ALERT (mahirap ireview ng hindi nasspoil hehe)
3 of 5 stars
I didn't want to watch it initially kasi mababaw ang luha ko. And na-spoil na'ko sa ending kaya sabi ko wag na siguro. Kaso I think 70% of posts on my socmed timeline, about na dito, natabunan nya na yung bad news about the government in fairness. Kaya mej nacondition yung mind ko na sige bes, bigyan natin ng chance.
Nabigyan naman ako ng warning dito ni @krizieara na baka makornihan ako. True enough bilang wala akong romantic bone sa katawan eh siguro first couple minutes ng movie yun ang reaction ko talaga: nakokornihan, nagccringe ganyan. Tapos by the time na makarating sila ng Iceland... Ay ayun na. Hello naman sa private chat namin ni krizie kasi hindi na sya child friendly sa dami ng mura ko (sorry na ✌️) Umabot na'ko sa point na iniisip ko na parang ang sarap maging jowa netong si Ben tapos ginaganito lang?! Ay nako! Slide picture for notes. Andami kong issue. Hahaha
And then when the plot twist was revealed, akala ko maiiyak nako talaga. Pero wala. Parang 'Ahhhh okay... Kaya pala' may ganong lightbulb moment lang and I had this picture of the MRI scans, and the procedure inside my head. Kasi it reminded me of this Amelia Shepherd plot in Grey's Anatomy so it didn't trigger that much emotion na for my part. Siguro din kasi naiiyak ko na kay Amelia at Owen yun eh haha wala na'kong iiyak dito. It was mostly like putting all the pieces back together. Mejo nadefeat ng plot twist yung initial premise na 'mas makikilala mo ang tao pag nakasama mo magtravel'.
I think if there was one part that really like stood out and nangilid yung luha ko, na akala ko maiiyak na'ko was nong sinabayan na ni Paolo kumanta si Alessandra. Parang... Whoa. Ang galing palang aktor ni Paolo Contis. Mejo mataas expectation ko kay Alessandra kasi nag-i-indie na sya eh. Tsaka magaling din talaga sya. Pero Paolo came as a big surprise for me. Kasi para sakin, sya yung mas magaling sa movie na to.
#ThroughNightAndDay #PaoloContis #AlessandraDeRossi #Netflix
instagram
0 notes
Text
“Tomorrow morning if you wake up
And the sun does not appear
I... I will be here” 🎶🥺♥️
#throughnightandday
0 notes
Text
Review Status#2: Through Night and Day
Hindi nasusukat sa kung anung tagal ng relasyon nyo ang tatag ng pagsasama nyo. Dami ko nang nakitang magkasintahan for more than 5 years and above and yet naghihiwalay din. Sila, 13 years and yet hindi pa rin pala nila kinaya yung unos na dumating sa relasyon nila. Kami kaya? hanggang kelan kaya sya makakapagtiis sakin?
Lahat ng nangyayari satin ay nakatadhana. Sadyang hindi lang talaga sila para sa isat isa kaya gumawa ng way si Lord para matutunan nila ung mga bagay na makakapagturo sa kanila para maging kontento sa mga bagay na meron tayo. Yung bidang babae hindi naman nya ginusto na magkasakit sya pero naging thankful sya kasi kahit sa igsi ng buhay na binigay sa kanya ay naging masaya pa din sya. Ipapaubaya ko na kay Papa God kung kami ba talaga hanggang dulo.
Hindi ko alam pero parang natutulad na kami sa movie na yan. Parang napapagod na sya sakin. Pero kung anong desisyon nya ay tatanggapin ko. Wala na akong magagawa. Wala na.
#throughnightandday #sad
0 notes
Text
Sobra kong nasaktan sa movie na to. And yes tama rin si kuya sa realizations niya. ❤️❤️
My Real Talk Review on Through Night and Day
OK since usong-uso ang post tungkol sa movie na ito at panay "Sana All May Ben" ang mga tao ay ako naman ang magpopost ng REAL TALK REVIEW ko sa movie na ito.
Sa mga ayaw sa KJ.
Wala hindi para sa inyo ang review na ito.
Pwede niyo akong awayin sa comment section if you want 😁😁😁😁😁😁
Simple lang ang setting ng kwento. Dalawang late 20's or mid 30's na magjowa nagpasya na magpakasal and everything seems perfect. Then the surprise "PINAGSAMA SAMA NANG GIFT" ni Ben kay Jen na Iceland Trip. Ayan SANA ALL MAY BEN na ang mga tao at dito na magsisimula ang review ko.
THE PROPOSAL
Ben proposed in a very "Romantic" way. Ayan na nagsimula ang Sana All ng mga kababaihan. Mukhang surprise proposal pero having her mother through video call sa laptop should be too obvious para kay Jen na may surprise sa kaniya ni Ben. Pero it went out well. Just like any other cliche proposal She said "YES" pero nagandahan ako na hindi sa ring finger inilagay yung singsing meaning di talaga siya nakapaghanda. Naalala ko pa sabi ni KC sa akin YAN MALI NG MGA BABAE MAGPOPOST NG ENGAGEMENT RING NA ANDUMI AT ANG PANGIT NG KUKO NILA. Well naalala ko lang and yah, Tama nga naman. OK so SANA ALL MAY BEN.
THE "PINAGSAMA-SAMANG GIFT ICE LAND TRIP"
Ayan Sana All nanaman. Pero aminin ng madami na hindi kayo pamilyar sa Iceland at inaasahan ninyo na nagyeyelo ang buong Iceland. Akala niyo para siyang Water Tribe sa Avatar. Anyway. The Iceland Trip surprise is a Sana All sa madaming babae. Ang sweet nga naman daw dahil ibibigay ang dream vacation ni Jen. Again sabi nila SANA ALL MAY BEN.
Pero iba nakita ko. To me that is the biggest mistake of Ben sa buong relasyon nila.
Moral Lesson #1 of the Story
Huwag kayong magtatravel at magpupunta sa dream country ng isa man sa inyo ng partner mo not until kasal na kayo para sa Honeymoon. Traveling together SHOULD NOT test your relationship but should STRENGTHEN your relationship through wonderful and beautiful memories na nabuo ninyo sa lugar na yun.
Travelling with your partner now a days is heavily influenced by social media and the TRAVEL GOALS CULTURE. Dati ba ang mga magulang natin o mga lolo at lola natin kinailangan na magtravel bago sila ikasal sa malayong lugar para lang masabi na ang saya nila eklat.
Nakita natin na mapagpasensya si Ben kay Jen sa relasyon nila. AY WOW! SANA ALL MAPAGPASENSYA GAYA NI BEN.
Pero nasagad si Ben nang masira yung arkilado nilang sasakyan at maubos pera nila.Nakikita na din natin na naiinis siya kay Jen sa inasal nito nang namamasyal sila di ba?
Aba Teka!
Una lahat siya nagdala kay Jen sa Iceland sige gastos niya yun. Pera niya yun. Pero ano ang ibinibida niya PINAGSAMA SAMANG GIFT. May gift ba na makikinabang din yunh nagbigay? Ano layunin niya? Para mapasaya si Jen? Kung ang layunin niya talaga ay 100%mapasaya si Jen eh hindi niya iisipin ang nararamdaman niya. Hindi niya iisipin kung ano ang ikasisiya niya. Ang iisipin niya lang ay masunod lahat ng gusto at plano ni Jen para sa bakasyon nila na yun. And again Hello!!! Pabanat banat pa siya na BIRTHDAY GIFT, ANNIVERSARY GIFT, VALENTINES GIFT, CHRISTMAS GIFT LAHAT NA NG GIFT.
HINDI GIFT YUNG NAGHIHINTAY KA NG KAPALIT NA MASISIYAHAN KA DIN.
INVESTMENT ANG GINAWA NIYA DAHIL NAGHAHANAP DIN SIYA NG PERSONAL NA KASIYAHAN AT YUN ANG PINAKAPROFIT NIYA.
Eh hindi tumubo ng kasiyahang pansarili ang investment niya. Ano naging pasya niya dahil hindi niya nakuha ang kapalit ng investment niya? Alam niyo sagot diyan. SANA ALL MAY BEN pa din?
THE PAMAMASYAL SA ICELAND THING
Sa simula OK. Masaya. Just like any other relationship ay masaya sa simula. Sa takbo ng pamamasyal nila nagkakaproblema na hanggang sa masira na nila yung sasakyan na inarkila nila na umubos sa pera nila. Dun talaga nainis si Ben. Naubos pera niya at nasayang investment niya dahil hindi siya nag enjoy. SANA ALL MAY BEN PA KAYO?
THE PASSPORT SCENE
Dito ako talaga kinaya yung paghahanap nila ng passport ni Jen. Nakakaloko naman si Ben niya sa part na IBINATO niya yung passport kay Jen nung nakita niya na nasa bulsa lang pala ng jacket yung passport. Mano ba namang pagkakita eh BABE, ETO NA NASA JACKET MO PALA. AKALA KO NAWALA NA EH. TARA NA AYUSIN NA NATIN YANG MGA INILABAS MONG DAMIT SA MALETA. Kabastos naman nung ibabato pa sa babae yung passport.
Pasensya na naapektuhan lang ako kasi napakaungentleman naman kasi nun.
Sige nga kung babae ka at di mo matandaan kung nasaan ang passport mo. Maliligayahan ka pag pag ibinato sayo ng boyfriend mo yung passport mo. Nakakatuwa sana kung sasabihin niya sayo matapos kang batuhin na IT'S A PRANK. Kaso hindi.
So again tanong ko lang SANA ALL BEN PA DIN?
THE BREAK UP SCENE
Aminin nating lahat. Napakakamote ni Ben sa part na ito. Kung may isang napakakamoteng break up scene sa buong kasaysayan ng pelikula na napanood ko ay ito na ang NUMERO UNO SA LAHAT.
Nakipagbreak ka dahil di ka nag-enjoy sa regalo mo sa pinagregaluhan mo?
Para kang nagbigay ng cake na ikaw lang din pala kakain at pag di ka nag enjoy sa kinain mo ay aawayin mo yung niregaluhan mo.
Dahil di siya nag-enjoy ay ano ang pasya niya?
IMOVE ANG KASAL
BREAK UP
Hanep ka naman Ben. Tao ka ba talaga? Hindi ka ba mahal ng nanay mo? Saang kweba ka ba nakatira.
Eye Opener yung Iceland Trip ninyo?
Wow Ha. Napakatagal niyo nang magkarelasyon naubusan ka lang ng pera sasabihin mo na Eye Opener.
Di kita kinaya sa part na yun Men.
SANA ALL MAY BEN TALAGA.
THE 3 YEARS AFTER PART.
OK NUNG SABIHIN NILANG NAKAKAIYAK AT MAGHANDA KA NG TWALYA. LEGIT TOTOO NGA.
Naiyak ako. Ok inaamin ko naiyak ako.
Dun sa part na nanonood sila ng sunset at parang bumalik yung ala-ala ni Jen na nagbreak sila sa Iceland. Nung nagtatanong siya na
BAKIT MO AKO IIWAN. SASAMA NAMAN AKO SAYO SA AMERICA etc.
Yung part na yun ramdam na ramdam ko si Jen dun. Parang after 3 years nailabas niya yung sakit kahiy atake lang ng ala ala niya.
Nung kumakanta sila ng I Will be Here. UMIIYAK AKO DUN.
Pangako paborito kong kanta yun nung bata ako.
Laging yun ang tugtog sa kasal nung bata pa ako.
Dun ko nakuha yung paninindigan mula nung bata pa ako na pag nakilala ko na at dumating na yung babae para sa akin ay tutuparin ko lahat ng pangako ko sa kaniya at sa Diyos na nagbigay sa kaniya sa akin.
Iyak ako dun.
Ramdam na ramdam ko din si Joey Marquez sa eksena na yun looking at his only child na maysakit at broken hearted pero masaya dahil sa mga huling araw ng buhay niya ay nakasama niya ang taong mahal niya.
Hindi ko maimagine yung feeling ng isang magulang nun.
And for Ben.
Wala.
Wala akong simpatya sa kaniya.
Nagsisisi siya?
Nagiguilty siya?
Nasasaktan siya?
Deserve niya yun.
Napakaganda ng pagpapakita ng bawat karakter at si Ben bagamat nainis ako eh mabuting tao pa din sa huli nang di niya galawin si Jen kahit nakikiusap na si Jen. Dun niya talaga ako napahanga.
Pero again mabuti siyang tao.
Si Jen para sa akin ang larawan ng isang tipikal na katipan na totoong nagmamahal. Selfish ba siya? Palagay ko hindi. She lived a beautiful life.
Alessandra and Paolo are indeed two of the greatest actors ng henerasyong ito. No need magpacute. Acting ang labanan.
Ang palagay ko sa kabuuan ng pelikula ay
All 👏👏👏 sa lahat ng gumanap, sa writer sa direktor sa lahat lahat.
Napakagandang Pelikula.
Isang malaking hakbang sa pagsulong ng kalidad ng Pelikulang Pilipino.
#ThroughNightandDay
Credits kay kuya julius jed from fb
0 notes
Text
Why haven’t you checked us out on On YouTube yet lol Sports are back!!
https://youtu.be/n-ITo-M6sL #throughnightandday #YouTubers #YouTubersReact #FilmTwitter #WritingCommunity
0 notes