#ParaKayJ mamahalinhanggangdulo
Explore tagged Tumblr posts
Text
Kapag kailangan nalang (5)
2/25/2023 (9:35PM)
Dear J,
Nagtext ka sakin sabi mo Tuesday 2/21/2023 magsamgyup kamo tayo sa SM North. Ayun nagtext ka sakin na kung ano plano ko sa Friday 2/24/2023 kasi sabi mo friday nalang kamo. Dumating ng friday pumunta ako sa baba ng office mo kasi wala kapang text baka busy ka, kaya pinuntahan nalang kita tapos biglang sabi mo hindi narin tuloy kasi marami kang aasikasuhin sa bahay niyo at may sakit si clyde. Sabi mo rin hindi ka rin kamo makakauwi bulacan pero nakita ko sa story mo kinabukasan 2/25/2023 umuwi ka. Ganun ka pa rin. Hindi tinutupad kung ano sinasabi mo. Masaya ka ba? Nageenjoy ka na alam mo sa mga ganyan mo sakin alam mong mahal parin kita alam mong umaasa parin ako. Hindi mo alam kung gaano ko sinasalo yung sarili ko sa sakit sa mga pinapakita mong insensivity mo. 2/24/2023 5:18PM nagstory ka sa instgram mo. 3 post sunod sunod na nagpadala si Boss pogi mo ng mcdo para sayo. “May Happy meal dun para maging happy ka” Nung mga oras na yun gusto ko ng mawala sa sakit kasi minsan hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay yung sakit. Alam mo mula umpisa selos na selos ako sakanya, alam mong makikita ko yung post mo na yun. How can you be that insensitive? Alam mong sobrang nasasaktan na ko. Pero mas lalo mo pang binabaon yung sakit, alam mong may mga nakasaksak na sakin na kutsilyo pero mas lalo mo pang dinidiin. Hindi ko alam nasa loob ng isip mo kung bakit mo ginagawa sakin to. Kung gusto niyo isa’t isa bakit mo pa pinapakita sakin? Para malaman ko pa na masaya kana talaga na wala ako? Para talaga malaman ko na iba na ang gusto at mahal mo? Para ba tuluyan na akong mawala at hindi mo na makita? Kasi sa ginagawa mo nagiging effective. Biro mo pagkatapos ko makita yun, paano nung mga oras na blocked pa ako sayo? Ilang beses mo pa siya pinost? Ano ano pa mga nilagay mo sa post mo? Ano ano pang sweetness na pinapakita mo sa friends mo, mga ka-church mo kung ano kayo. Ano pa? Hindi ko rin alam kung sinasadya mo lahat ng to. Hindi ko alam kung gusto mo maramdaman ko lahat ng naramdaman mo nung nawala ako. Kasi maayos kana eh, hindi mo na iniisip yung nararamdaman ko lalo sa ginagawa mong actions. Matalino ka, alam mong nasasaktan na ko pero ginagawa mo parin. Marami akong text sayo na sobrang sakit na pero ang sagot mo ipagdadasal mo ako at tutulungan mo ako. Sa paanong paraan mo ako natutulungan? Samantalang ikaw nagsabi at nagtanong ka sakin kung ano pa maitutulong mo para maging maayos ako. Ang sabi ko yung sa paguusap lang natin sa megamall kasi inaasahan ko huli na yon dahil yun ang gusto mo tumigil na ko at huminto na diba? Pero pagkatapos nun, tinetext text mo parin ako minsan minsan pag gusto mo lang. Mangangamusta, magtatanong kung nasaan ako, magtatanong kung ano pwede kainan sa sta maria. Madalas wala man lang hi hello, direkta mo lang tatanong sakin. Pero lahat ng ito balewala kasi nagiging makasarili kana dahil alam mong mahal kita at nandito lang ako at totoo yon. Pero may pinagsamahan rin naman tayo, bakit mo ako ganito tratuhin? Pero sa tingin ko ginagawa mo lahat to’ kasi may iba kana, masaya kana, maayos kana. Sa madaling salita halatang wala ka ng pake sakit. Minsang habang umiiyak ako, tumatawa ako nababaliw na ako. Kasi naiisip lang ako ng taong to kapag gusto niya eh malinaw naman na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Kung titingnan ilang beses siya sweet sayo? Magkasama pa kayo sa bahay, sakanya ka rin tuwing saturday at sunday sa bulacan, tinuturuan ka rin niya mag drive, hindi ko na alam yung iba. Boss pogi rin tawag mo sakanya tapos may emoticon with heart eyes pa ibig sabihin nun inlove ka diba? Siguro ngayon hindi kapa sigurado sakanya nagkakamabutihan palang siguro kayo kaya nilalaro laro mo pa ko kasi ayos lang naman sakin e. Kung saan ka magkakaron ng satisfaction kung saan ako mas masasaktan sige lang hinahayaan ko lang kasi eto yung gusto mo yung tumigil at mapagod ako at mas masaktan ako. Hindi ako nagrereply sa mga story mo kasi alam ko wala akong karapatan at alam ko kahit anong gawin ko siya at siya naman ang pipiliin mo. Never mo na ulit akp pipiliin pa halata naman. Halos lahat ng sabihin niya sayo sinusunod mo, magchurch ka, maghanap ka ng bahay para sainyo, gawin mo to, gawin mo yan, lahat ng sinasabi niya sinusunod mo. At hindi lang siya basta kaibigan kung ganun. Lalo may mga oras na kasama mo ako tapos tatawag siya, napaka sakit alam niya kung nasaan ka ano ginagawa mo updated kayo sa isa’t isa. Ganun ba magkaibigan lang? Alam mo sa sarili mo yan. Sana rin alam niya kung ano mga ginagawa mo sakin lately, sana maging honest ka sakanya, alam ko hindi mo siya sasaktan, kasi hindi ka niya sinaktan. Ako sinaktan kita ng sobra kaya dapat lang ako masaktan ng ganito diba? Ilang linggo na wala akong tulog at kain na maayos kakaisip. Sana sabihin mo nalang sakin na kung ano meron kayo kasi alam ko sa sarili ko na wala na talagang pagasa, wala na eh talo na ko siya na yung bagong mahal mo. Lalaki yun, stable sa buhay, magkasama na kayo sa bahay, maging official na kayo nalang hinihintay at sa gusto mong kasal. Siya na lahat. Tangina nakakainggit siya. Sana ako lahat ng yan pero putangina gago kasi ako. Sa lahat ng to, sana napapakita ko sayo na nandito parin ako pero malapit na ako bumitaw ng tuluyan gaya ng pangako ko sayo. Para maging malaya na kayong dalawa sa gusto niyo, malapit na magpapaubaya na ako. Para hindi ka na mahirapan. Alam ko hindi na narin naman naguguluhan alam kong sigurado ka sakanya, alam ko inaalagaan ka rin niya. Sanaol. Minsan nga tinatanong mo sched ko, nasa scrapbook yun na sinulat ko at ginawa ko para sayo. Siguro hindi mo binasa o kaya baka rekta mo nalang tinapon. Pero ganun talaga, ang goal ko kung saan ka magiging masaya. Pero ayan kitang kita ko masaya ka sakanya, at hindi ka na magiging masaya sakin. Tama ka, masakit man, kaya naman natin mamili eh. Pero ako nalang kasi yung pumipili sayo, ako hindi mo na ako pipiliin. Magiging maayos rin ako, matagal tagal to kasi ikaw na talaga yung pangarap ko eh. Ikaw lang naman talaga. Ikaw lang talaga. Pero ayun, hindi na ako eh. At hinding hindi na magiging ako. Wag ka magalala sinasagad ko rin sarili ko inaabangan ko sa tuesday ulit sabi mo magkita tayo 2/28/2023. Tapos sinabi mo pa mag elyu sa March. Sa totoo lang hindi na ko naniniwala sa lahat kasi alam kong sabi mo lang lahat yan. Hindi mo alam para akong tanga araw araw naghihintay ako ng text mo, na baka maalala mo ulit ako, na baka kailanganin mo pa ko kahit trip mo nalang, kasi oo lang ako ng oo sayo sayo alam mong hindi ako papalag sa mga gusto mo. Sana napagiisin mo mabuti lahat ng to. Nagtext ka rin sakin ngayon, wala hi hello nagtanong ka kung saan meron may sizzling at sinagot naman kita. Sabi mo gusto mo ng viclens valenciana, hindi kamo niya gusto tapos sabi mo tayo nalang sabi ko kung kailan mo gusto sige pagkatapos hindi kana nagreply. Plano ko dalhan ulit kita sa church. Alam ko hindi mo na naappreciate mga ganun ko, hayaan mo lang ako matatapos rin ako, mapapagod rin ako. Pag hindi na ako nagparamdam alam mo kung saan ako matatagpuan. Mahal na mahal na mahal kita kahit sobrang masakit na.
0 notes