Tumgik
#Pagbabagongklima
agapeee · 2 years
Text
Kailan pa tayo kikilos? Kung kailan huli na ang lahat?
Kailan pa tayo magbabago? Kapag wala na ang lahat?
Ang kasalukuyan ngayon ay magiging nakaraan ng hinaharap.
Anong gusto ninyo matunghayan pa ng tao sa hinaharap?
Ang madilim at magulo bang mundo?
Ang mundo bang unti-unti nang nasisira?
Gising ka na ba? O gising ka ngunit sadyang nakapikit ang iyong mga mata sa kaganapan sa ating mundo.
Gusto natin ng pagbabago, ngunit hindi ang pagbabago ng klima!
Ikaw! Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa ating kalikasan?
Hanggang saan ang kaya mong ibuwis para sa ating hinaharap?
Simula sa 10,000 taong nakalipas ay naitala ang pagbabago-bago ng klima ng ating mundo. Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), ang mga ginagawa ng tao ay nakakaimpluwensiya sa pag-init ng mundo sa sistemako ng klima. Ang siyentipikong modernong kagamitan ay nakatulong upang makita ang lahat ng palatandaan ng pagbabago ng klima. Mula sa pandaigdigang pagtaas ng temperature hanggang sa natutunaw ng mga yelo noong panahon ng yelo (ice age), marami ang ebidensiya ang nakita sa pag-init ng mundo.
Ngunit napagisip-isip niyo na ba ang dahilan kung bakit ito nangyari? Ang sanhi kaya nangyayari ito dahil gawa rin nating mga tao. Buhat na nagsimula ang industriyalisasyon sa ating mundo ay unti-unti na ring nag-umpisa ang problema sa ating kapaligiran. Ang usok na nagmumula rito ay nakakapekto sa ating ozone layer, at nakakaapekto ito sa pag-init ng ating mundo.
Kung kaya’t ikaw ay aking tatanungin, handa ka bang wakasan ang pagbabago ng klima? Handa ka bang wakasan at tapusin ang mga iyong ginagawa na nakakasama sa ating kapaligiran? Handa ka bang ngayon pa lang ay baguhin ang nakaraan ng ating hinaharap?
Kasi kung ako ang tatanungin ng mga katanungan na iyan, ako’y handing-handa na! Para sa kalikasan at hinaharap ng ating mundo.
Ang pagbabago ay nagsisimula sa iyo’t saakin; kaya’t ating wakasan ang pagbabago ng klima.
#kalikasansalentengkasaysayan
Tumblr media
8 notes · View notes